1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Pilipinong Bilingguwal at ang Kanyang pangwikang Motibasyon at Saloobin

Noong dekada 70, nagpahiwatig ang mga pananaliksik na ang pag-aaral ng Ingles ay may “instrumental”
na motibasyon. Ang mga pangunahing layunin noon ng mga Pilipino sap ag-aaral ng Ingles ay para mas
amiging maihayag ang kanilang nais sabihin, maipakita na sila ay edukado, at makamtan ang panlipunan
at pangkabuhayang tagumpay. Isa sa mga bagay na binigyang pansin ay ang pag-identify ng mga Pilipino
hindi sa mga Amerikano kung hindi sa mga edukadong kapwa Pilipino (Pascasio 2005, Llamzon 1984, na
nabanggit sa Viado 2007).

Sa kabilang banda, integratibo ang layunin para sap ag-aaral ng Filipino (Otanes at Sabayan 1996 na
nabanggit sa Pascsio 2005). Ang ibig sabihin nito, kung ang pagkatuto ng Ingles ay para sa potensyal na
pagkamit ng mga benepisyo katulad ng magandang trabaho, ang pagkatuto namn ng Filipino ay may
kinamalan sa interes sa mga tao at kulturang kinakatawan ng wikang ito (Lambert 1974).

Pagkatapos isakatuparan ang polisiyang bilingguwal, napagtantong nagkaroon ng pagkakaiba sa


motibasyon ng pag-aaral ng Filipino at Ingles. Nakita na ang mga estudyante (Tagalog man o hindi) sa
mga unibersidad ay nagkaroon ng “instrumental” na motibasyon para sa dalawang lengguwahe
(Pascasio 2005). Maaaring dahil ang Filipino ay nakitang midyum ng pakikipagtalastasan sa loob ng
klasrum, nakitang kailangan maging magaling sa lengguwaheng ito.

Sa isang pag-aaral naman ni Emy Pascasio, natuklasan na bukod sa simboliko at sentimental na


kahalagahan ng Filipino sa pagpapatuloy ng mga kultural na tradisyon at pagiging mahusay na pinuno,
may mga instrumental ding attachment o pagkakaugnay rito ang mga kalahok bilang paraan para
magkaisa ang bayan, wikang panturo, at komunikasyon para magawa ang mga bagaybagay. Ang mga
kalahok ay mayroon ding parehong sentimental at instrumental na pagkakaugnay sa Ingles; ang abilidad
na pahangain ang iba, magpahiwatig ng reputasyon, at magpataw ng kontrol ay mga sentimental na
pagkakaugnay, habang ang pagpapabilis ng pinansyal na tagumpay, modernisasyon, at pagiging kawing
nito sa ibang parte ng mundo naman ang instrumental (Pascasio 1990).

Sa mga mas bagong pananaliksik nina Gloria Fuentes at Leonisa Mojica at Yoshihiro Kobari (1999, na
nabanggit sa Pascasio 2005), nakitang positibo ang pagtingin ng mgakalahok sa Filipino—sa paggamit at
pag-aaral nito. Mukhang naimpluwensyahan ng pagkakaroon ng kamalayang makabayan at kagustuhang
mapangalagaan ang pagkakakilanlang Pilipino ang kanilang kagustuhang matuto ng Filipino.

Dapat sigurong bigyang-diing bagama’t positibo ang pagtingin sa Filipino ng mga kalahok sap ag-aaral
nina Fuentes at Mojica (1999, na nabanggit sa Pascasio 2005), mas positibo ang pagtingin sa Ingles.

Mahigit isang dekada na rin ang dumaan nang malathala ang mga pag aaral na ito. Anon a kaya ang
profile ng Pilipinong bilingguwal pagdating sa kanyang motibasyon at saloobing pangwika? Sa kabila ng
polisiyang papalit-palit pagdating sawikang oanturo at pagkiling sa Ingles ng maraming larangan, paano
niya tinitingnan ang Filipino? Ang Ingles? Ano ang kanyang relasyon sa dalawang wikang ito? Ano ang
kanyang opinyon at damdamin sa kanyang pagiging bilingguwal?

Gawain 4.1

Paksa: Motibasyon at Saloobin ng Pilipinong Bilingguwal Tungkol sa Filipino at Ingles


Layunin:Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang suriin ang motibasyon at saloobin ng mga Pilipinong
bilingguwal sa kanilang paggamit at pag-aaral ng Filipino at Ingles at kung paano ito nakakaapekto sa
kanilang pagiging bilingguwal.

Gamit na Wika: Ang wika ay ginagamit bilang isang kasangkapan sa komunikasyon at ekspresyon ng
sarili. Sa kontekstong ito, ang wika ay ginagamit upang maipahayag ang mga saloobin at motibasyon ng
mga Pilipinong bilingguwal sa kanilang paggamit ng Filipino at Ingles.

Metodo: Pagsusuri ng mga pananaliksik at pagtatalakay sa mga natuklasan hinggil sa motibasyon at


saloobin ng mga Pilipinong bilingguwal

Etika:Ang pag-aaral na ito ay dapat na sumunod sa mga alituntunin ng etika sa pananaliksik. Lahat ng
mga kalahok ay dapat na magbigay ng kanilang informed consent at ang kanilang mga personal na
impormasyon ay dapat na mapanatiling pribado at hindi mabunyag.

Pinagmulan ng Datos: Mga pag-aaral at pananaliksik hinggil sa motibasyon at saloobin ng mga Pilipinong
bilingguwal.

Punto-de-Bista: Pagtingin mula sa perspektibo ng mga Pilipinong bilingguwal.

Sallitang Ginamit: Filipino

Pangkalahatang Reaksyon: Ang pag-aaral ng motibasyon at saloobin ng mga Pilipinong bilingguwal


hinggil sa Filipino at Ingles ay mahalagang maunawaan upang makapagbigay ng mga patakaran at
suportang pangwika na magpapalakas sa kanilang pagkakakilanlan at pag-unlad bilang bilingguwal na
indibidwal.

You might also like