Pili Pino Lo Hiya

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Dalumat ng/sa

Wikang Filipino
Pagbalikwas sa Kamalayang Dayo:
Kritikal na Sanaysay sa Pagsilang at
pag-unlad ng Sikolohiyang Pilipino,
Pilipinolohiya at Pantayong
Pananaw
Sikolohiyang Pilipino

 Virgilio Enriquez Ama ng Sikolohiyang

Pilipino.
 Ph.D in Social Psychology, Northwestern

University US
Ano ang Sikolohiyang Pilipino?
“sikolohiyang bunga ng KARANASAN, KAISIPAN at
inuunawa mula sa ORYENTASYONG PILIPINO”
Pagbibigay ng sistema sa mga kinagisnang kaugalian
at paraan ng pag-iisip ng mga Pilipino upang magamit
sa siyentipikong paraan ng pananaliksik sa Sikolohiya
Lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto
sa sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino.
Halimbawa:
Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang
pangkat etniko kung saan may kanya-kanyang
nakaugaliang mga kultura kung kaya’t itong
nagkakaiba’t ibang pangkat etniko ng
Pilipinas ay ang bumubuo sa tinutukoy na
Sikolohiya ng mga Pilipino
ALAMIN ANG PAGKAKAIBA !!!
1. Sikolohiyang Pilipino - ay ang sikolohiyang bunga ng
karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino.
2. Sikolohiya sa Pilipinas - ay bunga ng pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayaring may kinalaman sa sikolohiya
sa ating bayan; at
3. Sikolohiya ng mga Pilipino - ay ang bawat teorya ng
sinumang nais mag-aral tungkol sa kalikasang sikolohikal
ng mga Pilipinong naninirahan sa Pilipinas at maging sa
ibang bansa.
Ang anim na batayan ng Sikolohiyang Pilipino ayon kay Virgillo Enriquez:
1) ang kinagisnang sikolohiya, tulad ng mga aral at ritwal ng mga babaylan at

katalonan, mga dalangin, bulong, kuwentong-bayan, alamat at epiko;


2) ang tao at ang kanyang diwa;

3) ang panahon ng pagbabagong-isip;

4) ang panahon ng pagpapahalaga sa kilos at kakayahan ng tao;

5) ang panahon ng pagpapahalaga sa suliranin ng lipunan

 6) ang wika, kultura at pananaw ng Pilipino na siyang pinakapundamental

na saligan ng iba pang batayang nabanggit.


Ano ang Pilipinolohiya?
Ang Pilipinolohiya ay binubuo ng dalawang salita:
a. Pilipino at ;
b. lohiya (logos) - na ang ibig sabihin ay pag-aaral.
Samakatuwid, Ito ay isang masistematikong pag-
aaral.
Mga patunay na ito ay masistematikong Pag-
aaral:
a. Una, ito ay Pilipinong kasipian at,
b. ikalawa, Pilipinong kultura at Pilipinong
lipunan.
Ano ang layunin ng
Pilipinolohiya?
Ang layunin nito ay palabasin ang
pagka-Pilipino ng bawat larangan na
mayroon ang kultura ng Pilipinas.
 TANDAAN!!!

 Ang kaisipan, kultura, at lipunan ay nag-ugat sa mga karanasan ng mga katutubong

Filipino – ito ang mga basihan ng homonisasyon o pagkatao.


 Ang relihiyon, wika, at sambahayan ay ilan lamang sa halimbawa ng bawat larangan

na meron ang mga Pilipino.


 Ang mga Kastila at Amerikano ay may ambag sa akademikong disiplina sa Pilipinas.

Ito ang dahilan kung bakit mayroong maayos at magandang edukasyon sa bansa.
 Pinalaganap ng mga Kastila at Amerikano ang unibersalismo kung saan ang ethnic,

parochial, at provincial ng bansa ay unti-unti ng nawawala o napapalitan.


 Kailangan ng Pilipinolohiya ang akademikong disiplina upang mapalaya ang

Pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan at hindi ang kabaliktaran nito.


 PAGLILINAW!!!

 Ang teorya ng Pilipinolohiya ay nagbabalangkas ng mga datos upang magbigay

liwanag sa pag-unawa ng tatlong larangan. Samakatuwid, pawang datos ang


nagdidikta ng metodo sa pag-aaral nito
 Ang dating Philippine Studies ay walang pantayong pananaw dahil ito ay nakatuon

sa mga banyaga o sa mga naturingang Pilipino na nanaliksik ayon din sa pananaw ng


mga banyaga.
 Nag-ugat ang mga pananaw ng mga Pilipino sa mga katutubong kamulatan at

kamalayan upang mabuo ang makabansang kabihasnan at hindi laman upang pag-
aralan ang mga nangyari sa mga Pilipino at Pilipinas.
Ang Pantayong Pananaw
Bilang Diskursong
Pangkabihasnan
Ang pantayong pananaw ay nasa panloob
na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng
mga katangian, halagahin,kaalaman,
karunungan, hangarin, kaugalian, pag-
aasal at karanasan ng isang kabuuang
pangkalinangan.
Pantayong Pananaw sa
Kasaysayan
1. Wala pang iisang pantayong pananaw ang mga grupong
etnolingguwistiko sa buong arkipelago, sa kabila ng kanilang
pagiging magkakamag-anak at lubusang pagkakahawig sa lahi
at kalinangan.
2. Wala pa nga noon ang nasyong Pilipino na sumasaklaw
ngayon sa mga kultura’t lipunang nabanggit; lalo’t higit, tulad
ngayon, wala pa ring isang bansang magbibigay ng kabuuan sa
Kapilipinuhan.
3. Ang nasyong Pilipino ay nabuo lamang noong ikalawang
bahagi ng nagdaang dantaon. Nabuo ito sa pagsusumikap ng
mga elite ng bahaging Kristiyano ng kolonyang Kastila.
 ELITE ang tawag sa “mga akulturadong grupo ng tao.”
 Nagsimula sila sa isang grupong panlipunan noong panahon ng unang
pagkatagpo ng mga taga-arkipelago at Kastila.
 Tinawag ang mga grupong ito na ladino sapagkat sila ang natuto ng
Kastila.
 Ginawa silang tagasalin at tagatulong ng mga prayle sa ebanghelisasyon
ng mga Pilipino.
 Isinalin nila sa kanilang katutubong wika ang mga konsepto at
kaisipang ibig ipaliwanag ng mga prayle, at isinalin din nila ang mga
katutubong konsepto, ideya, at kaisipan sa wikang Kastila para sa mga
prayle.
 Dahil sa paggawa nila ng mga pagsasalin, nagkahalo-halo ang konsepto
ng mga kastila at mga katutubo kaya’t umusbong ang tulang bilinggwal.
Pantayong Pananaw
• Isang metodo ng pagkilala sa kasaysayan at
kalinangang Pilipino na nakabatay sa panloob
na pagkakaugnay-ugnay.
• Isang reyalidad ito sa loob  ng alin mang
etnolinggwistikong grupo na may kabuuan at
kakanyahan sa atin, at sa iba pang dako ng
mundo.
Ang Kahalagahan ng
Pilosopiya sa
Sikolohiyang Pilipino
Pangkaming Pananaw
• Ang nagawa ng hanay ng mga Propagandista tulad nina Rizal, Luna atbp. bilang
pamamaraan sa paglilinang ng kabihasnan natin.
• Ang kausap nila sa kanilang mga nilalathala ay ang mga banyaga—partikular ang
mga kolonyalistang Kastila.
• Ang mga Kastilang ito na pinapaniwala ang mga indio na sila ang nagdala ng
‘kaliwanagan’ sa atin (bunga ng relihiyon) at utang natin ito sa kanila dahil tayo
daw ay mga barbaro at walang sariling sibilisasyon, kung hindi pa sila dumating
dito sa atin.
• Mga edukado sa kaalaman ng liberalismo mula Europa ang mga Propagandista at
mahusay mag-Kastila, kaya’t karaniwang sa Kastila nila sinusulat ang kanilang
mga likha. 
• Ang  pangkaming pananaw ang  isa sa iniiwasan na mangyari sa suhestyon na
metodo ni Salazar, sapagkat para makabuo ng isang metodong nagsasarili, mainam
na umpisahan ang  paglilinang sa mismong taga-loob.
Mga Palagay:
1. Sa pagkakaroon ng pilosopiya at sikolohiyang Pilipino, makikilala
ang kaibahan ng “musika sa Pilipinas” at “musikang Pilipino.”
2. Maaaring ipahayag sa iba’t-ibang paraan ang problema.
3. Ginagamit din ang sikolohiya sa Pilipinas bilang isang modelo.
Ayon kay Stauffer, ang paggamit ng di-wastong modelo ay
nagbubunga ng maling resulta.
4. Sa pagkakaroon din ng pilosopiya at sikolohiyang Pilipino, ito ay
magkahiwalay subalit magkaugnay na agham. Ayon kay Peters, ang
pilosopiya at sikolohiya ay katulad ng pag-ibig at pagkapoot, pag-
aasawa at paghihiwalay. Ayon din kay Mercado, ang ideya ng
pilosopiya at sikolohiyang Pilipino ay kapwa dinamiko at istatiko.
Dalawa ang ginagampanang papel ng pilosopiyang
Pilipino sa sikolohiyang Pilipino:
1. negatibo
- Ito ay negatibo sapagkat kinakailangang tukuyin ang
hakang pilosopikal ng mga dayuhan.

2. positibo
- Ito naman ay positibo sapagkat itinuturo dito ang daan
para makapanaliksik ang mga sikolohista.

You might also like