Linggo 11-12 PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

WIKA, LIPUNAN AT KULTURA 1|

INTELEKTUWALISASYON NG WIKA

LINGGO 11- 12: Intelektuwalisasyon ng Wika

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag- aaral ang sumusunod:
1.

Panimula

ANG INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO

Pangunahing adyendang pangwika ng bansa ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino


sa layuning magamit ito bilang wika ng karunungan at iskolarling talakayan. Ipinahayag ito sa
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52. 1987:

“Ang mga tunguhin ng Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ay:

1. Pagpapahusay ng pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika upang matamo ang mas


mataas na edukasyon gaya ng itinakda ng Konstitusyon 1987;
2. Pagpapalaganap ng Filipino bilang wika ng literasi;
3. Paglinang ng Filipino bilang linggwistikong sagisag ng pambansang pagkakaisa at
pagkakakilanlan;
4. Paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang wika ng pangkarunungang pagpapahayag
na nangangahulugan ng patuloy na intelektwalisasyon nito.”

Nang simulang iimplementa ang Patakarang Edukasyon Bilinggwal noong 1974, ang
gawaing pang-intelektwalisasyon ay ipinamahala sa mga guro sa batayang edukasyon. Ngunit
napansin na mabagal ang pagsulong nito kaya ipinag utos ng DECS na ang pagsulong ng Gawain
ay pangungunahan ng institusyon sa antas tersyarya at susuporta lamang ang mga nasa
elementary at sekundarya alinsunod sa DECS Order 52, 1987.

KAHULUGAN NG INTELEKTWALISASYON

Sa paliwanag nina Espiritu at Catacataca (2005), ito ay pumapaloob sa apat na


dimensyon: seleksyon, estandardisasyon, diseminasyon at kultibasyon. Sa kultibasyon papasok
ang konsepto ng intelektwalisasyon. Ani Neustupny (1970), ang kultibasyon ay isang proseso na
nagmumula sa kodifikasyon ng wika tungo sa kultibasyon at elaborasyon nito.

Sa paglinang ng wikang pambansa ng Pilipinas, marami nang naisagawa at at isinagawa


simula pa noong 1937 na ideklara ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa hanggang
sa pagkodifika ng wika na inihudyat ng paglabas ng Balarila ng Wikang Pambansa noong 1940
WIKA, LIPUNAN AT KULTURA 2|
INTELEKTUWALISASYON NG WIKA

at pagsisimula ng pagtuturo ng wikang pambansa nang mga taon ding iyon hanggang sa pana-
panahong rekodifikasyon.

Tulad ng nabanggit na, ang pinakamahalagang adyendang kailangan matamo ay ang


intelektwalisasyon ng wika na bahagi ng dimensyong kultibasyon. Ang kultibasyon ng wika ay
kinapapalooban ng pagbuo ng mga rejister sa wikang iyon para sa iba’t ibang intelektwal na
disiplina o lawak ng ispesyalisasyon para magamit ang wika sa pagkatuto at maging
tagapagdaloy ng karunungan. Sa kabuuan, nangangahulugan lamang na ang tanging layunin ng
intelektwalisasyon ay upang magampanan ng wika ang kanyang mga tungkulin sa mga
gumagamit nito.

ANG INTELEKTUWALISADONG WIKA

May apat na katangian ang isang intelektwalisadong wika. Una, aktibo, marami at
malawak ang gumagamit ng wika partikular na ang pasulat na anyo kaysa pasalita. Pangalawa,
ang wika ay estandardisado. Ibig sabihin, walang kalituhan kaugnay sa palabaybayan nito,
nararapat na ito ay kodipikado sa mga diksyonaryo at iba pang referensiya. Pangatlo, ang wika
ay nararapat na may kakayahan na maisalin sa iba pang intelektwalisadong wika. At panghuli,
ang wika ay nararapat na maunlad at tanggap sa iba’t ibang rejister na ang ibig sabihin ay
nagagamit ito sa iba’t ibang larangan o bahaging-larangan. Mahalaga ito sa konsepto ng
intelektwalisasyon dahil tumutukoy ito sa lawak ng gamit ng wika.

Samantala, iminungkahi naman ni Sibayan (sa Francisco, 2010) ang mga tiyak na
referensiya upang masubok kung intelektwalisado ba talaga ang wikang Filipino.

1. Nagagamit ba ang Filipino bilang pangunahing wika ng instruksyon mula sa kindergarten


hanggang level pampamantasan?
2. Ang Filipino ba ay ang pangunahing wika sa trabaho kung saan Ingles ang kasalukuyang
gamit?
3. Ang Filipino ba ay ang nais at mithiing wika ng mga Pilipino upang magamit sa kanilang
sosyo-ekonomiko at intelektwal na pag-unlad?

Ayon kay Sibayan (sa Francisco, 2010), mahirap makamit ito subalit ito ang mga
katangian ng isang intelektwalisadong wika na maaring magamit bilang kontroling na domeyn ng
isang bansa. Sa kasalukuyan, ang Filipino ay kinakaharap ang napakaraming problema, kung
kaya, hindi maiiwasang maging mabagal ang tinatahak nitong landas tungo sa intelektwalisasyon.
Ilan sa mga problema ay ang mga sumusunod:

1. Kulang ang “political will” sa pag-iintelektwalays nito.


2. Kulang ang suportang ibinibigay ng mga nasa industriya, komersyo, negosyo at iba pa.
Ingles pa rin ang ginagamit sa mga larangang ito bilang pangunahing midyum ng
komunikasyon.
3. Kulang sa pondo mula sa pamahalaan kaugnay sa pagpapalawak ng gamit ng Filipino sa
iba’t ibang ahensiya nito gayundin ang mga sapat na treyning.
WIKA, LIPUNAN AT KULTURA 3|
INTELEKTUWALISASYON NG WIKA

4. Mismong ang akademiya ay may kakulangan tungo sa intelektwalisasyon ng Filipino. Ito


ay sa apektong pagdevelop ng mga libro na naka-Filipino.
5. Dagdag pa ang mismong Pangulo ng bansa na nagnanais na ibalik ang Ingles bilang
pangunahing midyum ng pagtuturo. Mula ito sa kanyang EO 210 na pagpapalakas sa
gamit ng Ingles.

Ang mga ito ay refleksyon ng realidad na kasalukuyang kinakaharap ng wikang Filipino.


Isang nakalulungkot na pangyayari dahil hindi masalamin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng
isang pambansang wika na siyang makapagbubuklod at magbibigkis sa isang kulturang maka-
Pilipino na kakikitaan sana ng ating identidad.

Tinalakay rin sa sanaysay “Pilipino Para Sa Mga Intelektwal,” ni Rolando S. Tinio ang
dalawa sa maraming mga hadlang na kinahaharap ng wikang Filipino tungo sa intelektwalisasyon
nito. Una, ipinalalagay ng mgaPilipino na walang kakayahan ang kanilang wika bilang wikang
intelektwal. Atikalawa, nangangamba ang mga Pilipino na maiwan sa kaunlarang pag-iisipkung
tumiwalag tayo sa wikang Ingles

Bilang pangwakas, isang hamon sa kasalukuyan sa mga Pilipino partikular na sa mga


guro kung paano ba magiging intelektwalisado ang wikang Filipino. Nagbigay rin ng mga
mungkahi si Sibayan kaugnay rito:

1. Kinakailangan ng mga tagatangkilik at tagapagpaunlad nito.


2. Kinakailangan ng mga praktisyuner at employer na naniniwala sa epektibong gamit ng
Filipino sa anyong pasulat hindi lamang sa pagtuturo gayundin sa pagkatuto.
3. Hindi lamang sa mga disiplinang teknikal gamitin ang Filipino, bagkus, magamit ito sa iba
pang disiplina.
4. Kinakailangan ng mga pablisher na handang maglathala ng mga publikasyon sa Filipino.
5. Kinakailangan din ng mga taong handang ponduhan ang programang pang-
intelektwalisasyon.
6. Ang Filipino ay kailangang tanggap ng nakararaming bilang ng mga Pilipino lalo na sa
erya ng kontroling na domeyn ng wika.
7. Pagkamahinahon ay higit na kailangan din. Ang Filipino ang hindi magiging ganap na
intelektwalisado sa madaling panahon.
8. Huwag magturo ng Filipino kung walang libro o materyal na nakasulat sa Filipino.

Ang mga mungkahing ito na inilahad ni Sibayan ay ang mga maaaring mapagnilayan ng
bawat Pilipino habang patuloy na dinidivelop ang wikang Filipino. Magsilbi sana ito gabay nating
lahat tungo sa mabilis at malawakang estandardisasyon at intelektwalisasyon ng ating wika – ang
wikang magsisilbing tagapagbuklod sa lahat ng mamamayan ng bansang ito tungo sa iisang
mithiin makabansa.

PAGPAPLANONG PANGWIKA AT ELABORASYON TUNGO SA


INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG FILIPINO
WIKA, LIPUNAN AT KULTURA 4|
INTELEKTUWALISASYON NG WIKA

Language planning is deliberate language change; that is, changes in the systems of
language code or speaking or both that are planned by organizations that are established for such
purposes or given a mandate to fulfill such purposes. As such, language planning is focused on
problem-solving and is characterized by the formulation and evaluation of alternatives for solving
problems to find the best (or optimal, most efficient) decision. In all cases, it is future-oriented..
(Rubin at Jernudd, Sa Catacataca, 2004).

Totoong maraming mga suliraning kaugnay ng paglinang ng wikang Filipino bilang isang
wikang akademiko tulad na lamang ng mababang pagtingin sa kakayahan ng wikang Filipino at
sa kawalan o kakulangan ng political will sa pagpapaunlad nito. lyon ang mga suliraning
kailangang hanapan ng lunas sa pamamagitan ng pagpaplanong pangwika. At ang prosesong ito
ay delibereyt katulad nga ng nabanggit na, hindi ito maaaring iasa sa panahon. Sinasadya ito.

Kaugnay ng konsepto ng pagpaplanong pangwika ang elaborasyon ng wika. Ito ay


tumutukoy sa proseso ng pag-unlad at pagbabago ng estraktura at gamit ng wika. Halimbawa
nito ay ang mga pagbabago sa ispeling o pagbabaybay, Sa proseso ng elaborasyon, may mga
bagong anyo o tuntuning pumapasok o kaya’y tinatanggap dahil sa paggamit ng lipunan sa mga
ito. Dahil dito, lumalawak ang wika bunga ng mga pagbabago ng panahon.

Samantala, ayon kay Fishman (1974), ang pagpaplanong pangwika ay nakadepende


nang malaki sa elaborasyong leksikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng intelektuwalisasyon ng
mga terminolohiya. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga dating di-kilalang
salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng depinisyon, sinonim, antonim at hayperonim ng mga
bagong terminolohiya.

Kung gayon, sa paglinang ng Wikang Filipino bilang isang wikang akademiko, mahalaga
ang ginagampanang tungkulin ng pagpaplanong pangwika at elaborasyon. May legal na batayan
ang prosesong ito. Muli, ang probisyong pangwika sa ating Konstitusyon ang nagtatakda ng
pangangailangang patuloy na paunlarin ay payabungin ang ating wikang pambansa. Ang
tunguhin ng prosesong ito ay ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.

Ang intelektuwalisasyon ay pagpapayaman sa bokabularyo ng wika upang magamit itong


kasangkapan sa talakayang intelektuwal o sa matatayog na larangan ng karunungan at kaalaman
(Pineda, sa Catacataca, 2004). Samakatuwid, ang Filipino ay masasabi nang intelektuwalisado
kung ito ay nagagamit na bilang wikang akademiko sa mga talakayan at diskursong iskolarli
hinggil sa iba't ibang larangan at disiplina.

May isang pangangailangan sa intelektuwalisasyon ng isang wika at ito ay ang magamit


ang wika sa akademya at mga iskolarling pag-aaral. Samakatuwid, upang ang Filipino ay maging
intelektuwalisadong wika, kailangang gamitin ito bilang midyum ng pagtuturo at pagkatuto sa
lahat ng antas ng pag-aaral, sa iba't ibang disiplina, lalong-lalo na sa agham, matematika,
teknolohiya, humanidades at sining. Sa kasamaang palad, hindi nga gayon ang pananaw ng
marami, lalo na ng ating mga pinuno sa mga ahensyang pang-edukasyon at ng ating mga politiko.
WIKA, LIPUNAN AT KULTURA 5|
INTELEKTUWALISASYON NG WIKA

Ikinakatuwiran naman ng ibang edukador na ang Filipino ay kailangan munang maging


intelektuwalisado bago ito magamit bilang midyum ng pagtuturo- pagkatuto. Hindi nila nalalaman
na ano mang buhay na wika ay magiging intelektuwalisado lamang sa pamamagitan ng
malawakang paggamit nito sa lahat ng posibleng domeyn.

Tungo sa mabisang paggamit ng Filipino sa akademya, kailangang maging bukas ito sa


panghihiram sa mga wikang dayuhan, partikular sa wikang Ingles. Ayon kay Pineda (sa
Catacataca, 2004), ang panghihiram na ito ay may tatlong kaantasan 1) ponetik, 2) morpemik at
3) sintaktik. Ang una'y panghihiram ng tunog, ang ikalawa'y ng mga pantig at salita at ang ikatlo
ay ng mga parirala at pangungusap. Maaari itong maisagawa sa pamamagitan ng isa o
kumbinasyon ng mga sumusunod na lapit:

1. Pagsasalin

Halimbawa:

east silangan

fever lagnat

ability kakayahan

home tahanan

student mag-aaral

book aklat

2. Lubusang panghihiram

Halimbawa:

xerox xerox

joules joules

enzyme enzyme

cake cakee

cellular cellular

visa visa

3. Transliterasyon
WIKA, LIPUNAN AT KULTURA 6|
INTELEKTUWALISASYON NG WIKA

Halimbawa:

Computer kompyuter

nurse nars

domain domeyn

Camera kamera

television telebisyon

facilitator pasiliteytor

Ang proseso ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino ay matagal nang napasimulan.


Maraminang hakbang ang naisagawa kaugnay nito. Nangangailangan na lamang ito ng ibayo
pang tulak, ika nga ni Pineda (2004). Kinakailangan sa prosesong ito ang puspusang pakikilahok
ng lahat ng uri ng midya. Ang gobyerno at ang pribadong sektor ay kailangan ding magtulungan
sa pagpupursiging ito. Ang mga paaralan, guro at mag-aaral ay kailangan ding masigasig na
lumahok dito. Ang lahat ng posibleng kaparaanan ay dapat tuklasin at isagawa.

TALASANGGUNIAN

AKLAT

Catacataca, Pamfilo D. at Espiritu, Clemencia C. 2005. Wikang Filipino: kasaysayan at pag-


unlad. Manila: Rex bookstore, Inc.

Garcia, Teresita P. et al. 2012. Ang akademikong Filipino sa komunikasyon. Malabon: Mutya
Publishing House, Inc.

Komunikasyon book

INTERNET

Francisco, Christian George C. (Setyembre 2010). Ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino.


Nakuha noong Disyembre 15, 2016 sa https://www.scribd.com/ANG-WIKANG-
FILIPINO-MULA-SA-KONSEPTO-NG-PAGPAPLANONG-PANGWIKA

You might also like