Chapter 2 Filipinolohiya
Chapter 2 Filipinolohiya
Chapter 2 Filipinolohiya
Katulad ng SP, ang Pilipinolohiya ay isa ring diskursong nagmumula sa naratibo ng indihenisasyon
na naglalayong maging isang disiplinang nanggagaling at kumikilala sa
pambansa/panloob/pansariling talino at karanasan. Ang paglikha at pagbalangkas ng kaalaman
tungkol sa bansa na mula sa loob na taliwas sa pagbasa ng mga kanluranin na mula sa labas ang
isa sa pinaka punto ng Pilipinolohiya (Mendoza, 2002.) Ayon kay Salazar, naiiba ito sa sa higit na
popular na “Philippine Studies” sapagkat ang huling nabanggit – bagamat isang malawak na
diskurso tungkol sa bansa – ay nakatuon lamang sa Pilipinas bilang bahagi ng “area studies” na
pangangailangan ng mga kanluranin. Taliwas sa istilong-Amerikanong pagbasa sa bansa, ang
Pilipinolohiya ay naghahain ng pagpapa-unlad ng isang kamalayang nagmumula sa loob bilang
isang paraan ng pagtingin at pag-unawa sa mga kaalaman sa Pilipinas. Bagamat hindi gaanong
nagsulat si Covar ng mga talakay tungkol sa nasabing konsepto, malaki ang katugmaan at ambag
nito sa higit na pagpapalakas ng diskurso at paglilinaw ng direksyon ng intelktuwal na tradisyong
1
maka-Filipino sa bansa. Katulad ng SP, tinatapyas nito ang kolonyal na kamalayan at naghahain ng
alternatibong daan sa pag-unawa ng bansa.
Ayon kay Salazar, panloob na ugnayan ng katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin,
kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan na ipinapahayag sa
pamamagitan ng isang wika ang sinasabing pangkalahatang larawan ng PP (Bautista at Pe-pua,
1991). Isa sa mga simulain ng PP ay ang naging analisis ni Salazar sa pundamental na punto-de-
bistang pangkasaysayan ng ating bansa (Navarro at Bolante, 2007). Nakita niya na higit na
pangkami at hindi pantayo ang mga pananaw na inihahain ng mga ensayklopedya, nakita ito sa
kalagayang pangwika na kung saan ang wika ay banyaga at hindi naiintindihan ng nakararami sa
lipunang Filipino. Batid ang pagkakataon na tingnan lamang ang bansa bilang isang obheto o
paksain ng pag-aaral na nagpapaunaw ng isang pagtingin na hindi nagmumula sa loob at hindi rin
para sa mga taga loob. Dagdag pa rito ang hindi pagpapahalaga sa mga konsepto, pandama at diwa
ng kalinangang Filipino. Bilang isang pananaw sa umiikot sa konsepto ng “tayo”, ayon kay Salazar
ang isang lipunan at kalinangan ay may PP lamang kung ang lahat ay gumagamit ng mga konsepto
at ugali na alam ng lahat ang kahulugan pati na ang relasyon ng mga kahulugan nito sa isa’t isa. Sa
kalagayan ng Pilipinas na binubuo ng maraming grupong etnolingguwistiko, ang katuparan ng
pambansang PP ay hindi madali sapagkat bawat kalinangan ay mayroong sariling ugnayang
panloob, kultura at sistemang panlipunan at maging wika. Ang mga pagkakaiba-iba na ito ay ang
layuning mahabi ng PP sa pambansang konsepto, para sa akin - upang lumikha ng pag-iisa at hindi
pag-iiba-iba ang larawan ng PP. Kasama sa pagkamit ng larawang ito ang pagpapalakas ng wikang
pambasa, ang wikang Filipino - hindi lamang bilang isang wikang kakatawan sa kabuuan ng
kulturang Filipino kundi wikang humahabi sa mga pagtatagpo at paghihiwalay ng iba’t ibang kultura.
Hindi rin nalalayo rito ang esensya ng Filipinolohiya, kung bibigyan ng pagpapakahulugan, ito ay
isang disiplina ng karunungan na nakasalig sa maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan, kalikasan
at ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang batis ng
karunungang Pilipino, gayundin ay nililinang nito ang mga karunungang ambag ng mga Pilipino sa
daigdig ng mga karunungan (nasa tesis ni MV Apigo-2001 batay sa panayam kay Prop. Gandhi G.
Cardenas). Ayon sa papel ni Abadilla na pinamagatang Wisyo ng Konseptong Filipinolohiya,
mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na kaisipan sa pagpoproseso ng mga karanasang bayan
upang ito ay maging talinng bayan. Ang talinong mapapaunlad ang magiging gabay sa paglikha ng
mga pangangailangan sa lipunan. Sa isang panayam naman kay Prop. Marvin G. Lai (kasalukuyang
tagapangulo ng Kagawaran ng Filipinolohiya), ang Filipinolohiya ay nagtataglay ng makamasa,
siyentipiko at makabayang edukasyon.
2
Paghahabi ng mga Pagkakatulad at Pagkakaiba
Kung titingnan, nagtatagpo sa maraming aspeto ang apat na konseptong nabanggit sa taas na
masasabing mga pangunahing diskursong dapat nauunawaan sa pagpapaunlad ng kalinangang
Filipino. Lahat ito ay nagsusulong ng pag-unawa na nanggagaling sa loob at bumabangga sa
malalim na nakaugat na impluwensyang kanluranin. Malinaw ang pagsusulong ng pagpapa-unlad
ng kamalayang makabansa sa punto-de-bistang nagmumula sa pag-unawa sa ugnayan ng sariling
wika, kultura, lipunan at sarili – at para sa kapwa Filipino. Bagamat malakas ang pagsusulong ng
pag-unawang panloob at may pagtatatwa sa impluwensyang panlabas, hindi naman ito
nangangahulugan ng ganap na pagsasara. Kung ang maidudulot ay totoong pag-unlad, ang pag-
unawa sa mga banyaga at panlabas konsepto ay binibigyan ng espasyo ngunit sa isang proseso ng
indihenisasyon at maayos na paglalapat nito sa pangangailangan bansa.
Malaki ang naging problema sa lebel ng oryentasyon/kamalayan ng mga Filipino dahil sa naging
sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Sa isang bansang mayaman sa kalinangan, maraming mga
karanasang bayan na ilang henerasyon nang nagpasalin-salin ang hindi nasinop o hindi naman
kaya’y naproseso sa paraang walang pagpapahalaga sa totoong pambansang pag-unlad. Sa unawa
ko sa katas ng mga nabanggit na konsepto, ang mga karanasang bayan na ito ay dapat masinop at
maiproseso ng isang sistemang pang-edukasyon / intelektuwal na may pagpapahalaga sa panloob
na karanasan at hindi sa pagtinging panlabas o banyaga. Malaki ang naging problema sa kamalayan
ng mga Filipino sapagkat sa mahabang panahon ay hindi napapahalagan ang mga karanasang
bayan na ito at naipoproseso upang maging talinong bayan na sanay gagabay sa paglikha ng mga
pangagailangan sa ating lipunan. Nakaugnay sa kung papaano naiproseso ang karanasan natin sa
mga mananakop, ang sakripisyo ng mga bayani, ang yaman ng bansa, ang kultura, lipunan,
industriya at sarili - ang naging takbo ng kamalayan ng bayan. Matagal itong pinanghawakan ng
kolonyal na sistema na ngayo’y binabasag ng mga diskursong nabanggit. Sapagkat nabanggit na
malaki ang papel ng pagsisinop ng sistema ng edukasyon sa karanasan ng bayan upang ito ay
maging isang ganap na talino, marapat na ang proseso ng pagsisinop ay kargado ng oryentasyon ng
ideolohiyang inilalatag hindi lamang nina Enriquez, Covar, Salazar at Abadilla kundi ng iba pang
mga makabayang edukador at indibiduwal. Isang uri ng pag-unawang may pagpapahalaga sa hindi
lamang sa karanasan at ugnayang panloob – kundi sa totoong pambansang kaunlaran. Hindi nga
maikakailang may kakulangan ang mga perspektibong nabanggit, ngunit sa aking pag-unawa ay
patuloy itong mapupunan kung sa larawan ng totoong pag-unlad ng bansa nakatingin. Sa isang
palagay, sa kabila man ng masalimuot at iba’t ibang landasin ng kulturang intelektuwal sa Pilipinas,
patuloy pa rin itong pagtatapuin ng iisang layunin at pangarap ng totoong pag-unlad. Patuloy pa rin
itong babanigin ng pangangailangan ng pagkakaisa at katulad ng iba’t ibang dinadaluyan ng mga
ilog, likas at patuloy pa rin itong masisitagpo sa karagatan kung saan pare-pareho na lamang tubig.
Maaaring ditto unawain ang mga kaibihan at pagkakatulad sa mga nabanggit na kamalayan sa pag-
aaral ng pagka-Filipino, patuloy dapat itong pinagtatagpo ng isang layunin – ang pagkamit ng
totoong pambansang kaunlaran.
3
WISYO NG KONSEPTONG FILIPINOLOHIYA
(2002)
Bayani S. Abadilla
____________
--Francis Bacon
--Wisyo Pinoy
PANIMULA
Kaakibat ng katotohanan ang katarungan sa batas ng buhay. Kaipala, ang totoo sa matalisik na pag-
unawa ay may kintal ng kagalingang panlipunan. Etikal na teknolohiya ng sosyedad ang timbulan ng
katarungan—damdamin ng bayan sa magaang sabi.
Sa buhay tandisang nagaganap ang hidwaan ng mga bayan. Hatid ito ng inter-aktibong sibilisasyon.
Sa epistemolohiya, ang kabatiran sa sigalot ng mga bayan ay heopulitika. Sa sigalutan—kalayaan at
kasarinlan/soberanya—ang usapin/isyu na nasa hapag ng konsiderasyong hinaharap ng mga lider
at/o ng buong bayan.
4
noon) na tahasang humihinga lamang at hindi namumuhay. Walang katuturan ang buhay. Alipin ang
mga Indiyo: busabos.
Gobyernong Praylokrasya (pawang mga prayle o kagustuhan ng mga prayle) ang panuntunan sa
pamamahala ng mga bagay-bagay na pantao sa buong kapuluan—liban sa dulong silangan ng
Mindanaw na matibay ang komunidad ng Muslim sa bisa ng relihiyong Islam.
Malupit sa mga Indiyo ang gobyernong Praylokrasya. Sapagkat hindi mamamayan ang mga Indiyo:
Alipin. Walang karapatan ang alipin. Hindi siya tao sa turing ng mga namamanginoon sa
pamumuhay. Taong pisikal lamang ang mga alipin. Dugo o lahing awtranesyano ang mga katutubo o
indiyo.
Noong 1896, sumiklab ang giyerang Pilipino-Espanyol. Nakilala ito sa kasaysayan ng bayan na
“sigaw sa Pugadlawin.” Nagtagumpay ang Katipunan (kilusang mapagpalaya) sa himagsikang
nilahukan ng mga alipin. Idineklara sa Kawit, Kabite ang kalayaan ng mga Indiyo—1898.
(Nasa mga aklat ng kasaysayan ang mga datos hinggil sa mapanakop na pakana ng Amerika sa
Pilipinas. Pangunahing datos ang tratado ng Paris...)
Samantalang nilupig ng kolonyalismong Espanyol ang bait sa isip ng mga katutubo sa pamamagitan
ng relihiyon, edukasyon naman ang bumitag sa katinuan ng sambayanang Pilipino sa iskema ng
pananakop ng Amerika sa Pilipinas.
Diwang kolonyal ang naipunla at nalinang ng edukasyong mga kano ang titser sa maagang yugto na
nang lumaon ay mga gurong Pilipino na. Ingles ang midyum ng pagtuturo sa edukasyong
itinataguyod ng Amerika sa Pilipinas. Bunga nito, naging pamantayan ng karunungan ang
kabihasaan sa pagsasalita sa wikang Ingles. Edukado o marunong ang turing ng lipunan sa mga
5
Pilipinong bihasa mag-Ingles. Sa pamantayang Ingles, ang katalinuhan ay tahasang natiwalag sa
kamalayang panlipunan kaipala ding tumitipon sa pambayan at pambansang katuturan.
(sa mga dyornal o aklat maraming diskurso ng progresibo na naglalahad sa maling edukasyon na
balakid sa kamulatan ng mga kabataan sa kapaligirang panlipunan—tiwalag ang isip sa reyalidad
ng pamumuhay ng sambayanan. Sa kabuluhan ng tama at makatuturang Pilipino, ayon sa
kagalingan ng lipunan at kaunlaran ng bansa, lumilitaw na mga intelektwal na idyot yaong
nakapagkamit ng mga diploma sa tersiyaryong antas ng edukasyon sapagkat marurunong sila sa
napiling disiplina na walang kamuwangan sa tunay na kalagayan ng lipunang Pilipino—batay sa
siyentipikong pananaw.)
Sa umiiral na gobyernong papet (inutil ang konstitusyon at walang silbi ang kalayaan) malaya’t
walang habas na nakakamkam ng malalaking dayuhang imbestor/kapitalista ang masaganang likas
na yaman ng bansa. Nakikinabang nang mabuti ang mga dayuhang kapitalista sa murang halaga ng
lakas paggawa ng lipunang Pilipino.
Higit pa rito, kasangkapan o kakutsaba ng mga dayuhan ang mga taong umuugit sa gobyerno sa
pandarayukdok sa mga produktibong elemento ng lipunan. Dahil sa mahigpit na dayuhang kontrol
sa kabuhayang bansa, nanatiling atrasado ang ekonomiya: lumalaon bumubuti na sumasama pa
sa dati. May lukemya ang ekonomiya. Habang nalulubog naman sa utang panlabas ang buong
bayan sa kagagawan ng mga namamahala sa kapakanan ng lipunan o bayan.
Ang diwang materyal o kaisipang pera-pera ay nakasigid o malalim ang baon sa kultura ng bayan.
Kaipala, salapi ang mahalaga sa kapamuhayang sosyal. Unti-unti hanggang maglaho ang diwang
damayan at bayanihan na naisalin ng sinaunang sibilisasyon sa kasalukuyang pamumuhay ng mga
Pilipino. Dulot ito ng henosidyo sa kultura na kinasasangkutan ng mga institusyong sosyal na
lumulumpo sa katinuan ng bayan.
Sinasalabusab ng mga “angkan ng Diyos” ang yamang sosyal habang iginugumon ang bait ng bayan
sa mga kapalaluan at kabulastugan. Bunga nito, nagkawindang-windang sa kultura ang
pagpapahalagang pantao, pambayan, pambansa at panlipunan.
6
Habang napipilas ang mga taon sa kasaysayan, parawal nang parawal ang pamumuhay sa lipunan,
palagim nang palagim ang kaayusang nagpapalakas sa pagkahayop na nasa mga tao o
mamamayang Pilipino.
Ang pagkatao ng mga nilalang sa lipunang Pilipino ay may dalawang sangkap: katauhang
bayalohikal at katauhang kutural. Sa una, pagkain ang nagpapanatili sa pisikal na anyo ng tao. Sa
ikalawa, talino ang sumusustento sa kalikasang tao (rasyonal) –ang talino ay may hibo ng mga
kauring kamalayan o class consciousness.
Sa kapamuhayang makauri ng lipunang Pilipino, tandisang may hibo ng mga uri ng pagkatao ang
sensibilidad. Ang mga uring sensibilidad ay nababago sa tagisan ng talino na nagaganap sa
dinamismo ng kultura.
Sa diskurso ni Amilcar Cabral “The role of culture in the liberation struggle,” inilahad: “culture is the
dynamic synthesis, at the level of individual or community consciousness, of the material and
spiritual historical reality of a society or a human group, with the relations existing between man
and nature as well as among men, and among social classes and sectors.”
Isinilang ang mga Pilipino sa isang sistemang kultural na umiinog sa kasaysayan. Nakatimo sa isip
ng sambayanan ang sagisag, mga tradisyon, kaugalian, pananaw sa buhay at mga
pagpapahalagang pantao. Ito ang kalinangan ng bayan. Sa kalinangan ng bayan masasalamin ang
angking katauhan o identidad ng mga mamamayang namumuhay sa lipunan.
Wikang Filipino ang pangunahing sumasalamin sa pagkataong Pilipino. Sa wika ng bayan sumisibol
at nalilinang ang talino ng sambayanang nakabigkis sa pambansang patrimonya.
Sa sosyolohiya, may kasabihan: walang taong isang pulo. Samantala sa wisyo ng bayan isinasaad
naman na ang sakit ng kalingkingan ay iniinda ng buong katawan. Ang dalawang pilosopiyang
7
sosyolohikal ay maganda sa teorya (larangan ng mga ideya) ngunit paandap-andap na liwanag na
lamang, kung baga sa ilaw, kapag iniugnay sa buhay ng lipunang Pilipino sa kasalukuyan. Dulot ito
ng kaisipang makasarili na nakabaon sa kamalayang panlipunang nakukulapulan ng oryentasyon at
simulaing kapitalismo at pyudalismo. Bago iba ako muna. Ito ang nangingibabaw na diwa sa
kamalayang panlipunan. Ang nabanggit na diwa ay sinusuhayan pa ng paano naman ako?.
Namumuni ang mga angkan ng Diyos sa kulturang pera-pera. Ang serbisyo sa lipunan ay pay. Wika
nga, mukhang pera ang mga tao sa lipunan.
Ang lipunang sahol sa makataong sensibilidad ay sadyang kalipunan lamang ng mga hayop. Ang tao
ay hayop. Walang makapagpapasubali rito.
8
alinsunod sa diwang makatao hahangaan at igagalang ng ibang lahi ng sangkatauhan ang lahing
kayumanggi.
Produkto o bunga ng karunungan ang talino. Wisyo ang pinong anyo ng talino. Gumagana ang wisyo
sa hamon ng mga pangangailangan sa pamumuhay ng lipunan. Diyalektikal ang kalikasan ng talino:
likha ng karunungan at nababago ng karunungan: umuunlad ang karunungan sa tumatalas na
talino.
Ayon sa mga kaalaman at impormasyon sa antropolohiya, napukaw ang talino ng mga mababangis
na taong-bundok o taong-gubat, na ninuno ng lahing kayumanggi, nang pagkiskisin nila ang
dalawang batong lumikha ng apoy. Ang sitwasyon ng pagkiskisan sa dalawang bato ay akto ng
paggawa: apoy ang nalikha.
Sa antropolohiyang pag-aaral hinggil sa tao, malinaw ang kabatirang naging tao ang bakulaw sa
pamamagitan ng paggawa. Naghunos ang hayop sa pagiging tao. Tinatayang 250,000 hanggang
500,00 taon, sumaklaw sa panahong Paleolitiko, ang nilakaran sa kasaysayan sa antas-antas na
pag-unlad o pagbabago sa anyo’t katangian ng Homo Erectus Pilipinensis. Ninuno ng lahing
kayumanggi na namuhay sa Islas Maniolas, sinauna o orihinal na pangalan o tatak sa heograpiya ng
kapuluan sa sinauang mapa ng mundo o globo. Si Claudio Ptolemy, griyegong topograpista o
gumagawa ng mapa ang naglapat sa pangalan ng bansa sa sinaunang mapa ng mundo.
Magala ang mga bakulaw, sa maliit na pulutong, naglalakad sila sa kabundukan o kagubatan na
nanginginain ng mga bungang kahoy, nanghuhuli ng hayop para kainin at nagtatago sa
yungib/kuweba para magkanlong sa malakas at matagal na pagbuhos ng ulan at matinding lamig ng
kapaligiran.
Sa lalawigan ng Kagayan natagpuan ang ilang labi ng sinaunang kagamitan sa pamumuhay ng mga
Pilipino. Kasangkapan iyon ng Homo Erectus Pilipinensis, ayon sa mga arkiyologo.
9
kinasasangkutan ng tao at natural na kapaligiran, makapangyarihan ang tao (pinakamataas na anyo
ng kalikasan) dahil nabiyayaan siya ng talino. Ang angking talino ng tao ay tumatalas sa paggawa—
na nakalilikha sa gusto o pangangailangan ng tao sa pamumuhay sa ibabaw ng mundo.
Ang pinagmulan o etimolohiya ng talino at katangian o kalikasan nito (ontolohiya) ay may ganitong
pangitain:
Ang galaw ng mga kamay sa pagkikiskisan ng dalawang bato ay sitwasyon ng paggawa—apoy ang
nalikha. Sa bisa ng paglikha ng apoy sa paggawa, nabago nang nabago ang pamumuhay ng
sinaunang mga nilalang sa Islas Maniolas. Sa patuloy o walang humpay na katangian ng paggawa,
naghunos ang hayop (bakulaw) na naging tao. Sa tugunan ng paggawa at natural na kapaligiran,
may nalilikha, nalilinang naman ng lakas ng katawan ang talino sa isip. Ang pagtugon ng talino sa
paggawa sa udyok ng gusto o naisin ay bugso ng kalayaan sa akit ng pangangailangan. Ideomotor o
pwersa ng kalayaan ang talinong gumagawa/lumilikha. Ang paggawa ay gintong mohon sa
kasaysayan ng sibilisasyong Pilipino. Walang sibilisasyon kung walang paggawa.
Kinategorya ng mga sosyologo ang talino sa kaisipang burgis at kaisipang proletaryo o anakpawis.
Ang kaisipan o talino ng mga uring burgis: kapitalista-komprador, burukrasiya-kapitalista at
petiburgis ay nasasapian ng pilosopiyang idealismo at metapisikal. Sa kaisipang idealista, ideya
ang saligan ng katotohanan kaugnay ng mga bagay-bagay na may buhay o walang buhay. Sa
kabilang banda, ang kaisipan ng uring proletaryo o anakpawis ay nakabatay sa materyal na realidad
ng buhay na sinasalamin lamang ng mga ideya. Sa pagsipat ng talinong proletaryo sa mga abstrakto
o kongkretong mga bagay pawang historikal--diyalektikal—historikal—materyalismo ang
pilosopiyang nakatanglaw sa katalinuhan.
Permanente sa talinong burgis ang mga bagay-bagay kaugnay ng buhay. Sa talinong proletaryo,
nagbabago sa esensiya at anyo ang mga bagay-bagay sampu ng talino o karunungan. Ang reyalidad
ng nagbabagong mga bagay ay tandisang kumikilos sa diyalektikal na proseso: nag-aakitan,
nagsasanib, nagpipingkian at nagbabago.
Sa hatak ng pangangailangan nagkakaugnayan ang mga makauring talino sa lipunang Pilipino. May
pamamaraan ang talino na tumutugon sa akit ng pangangailangan, gusto at layunin na pawang
kaakibat ng pamumuhay sa lipunan. Ang kilatis ng talino na humalubilo at umaatupag sa mga
bagay-bagay kaugnay ng pamumuhay ay tinatawag na ideolohiya.
10
Ang makauring talino ay matatagpuan sa mga batas, patakaran, sulating pansikhayan o diskurso,
literatura at ibang likhang sining at sa karaniwang araw-araw na mga gawain sa ibat-ibang larangan
ng pamumuhay sa lipunan. Nag-aakitan at nagpipingkian ang mga makauring talino sa pabrika
(kapitalista vs. Manggagawa), pagsasaka (propitaryo vs. Magsasaka) sa gobyerno (namumuno vs.
Mamamayan) at iba pa.
Ang tunggalian ng mga uri ng mga pagkatao, sa antas ng diwa o interes sa pamumuhay, ay tahasang
nakukulapulan ng mga motibo at intensyon. Ito ang reyalidad ng sikolohiya. Sa siko-sosyolohikal na
dimensyon umiinog ang makauring kamalayang ibinubugso ng makauring disposisyong tumutugon
sa makauring kapakanan o kagalingan.
Ang kontradiksyon, sa pamumuhay, ng mga uri ng mga tao sa lipunan ay may katangiang
antagonistiko at di-antagonistiko. Sa prebilihiyadong pedestal/ kinaroroonan ng iilang angkan ng
Diyos (10% ng 85 milyong populasyon) at marawal na pamumuhay ng masa (katawagan sa lahat ng
uri sa lipunan na api at napagsasamantalahan) tahasang antagonistiko ang mga suliraning
kinasasangkutan ng magkahidwang mga uri. Sa hanay ng masa di-antagonistiko (madaling ayusin
ang karaniwang hinampuhan o di-pagkakaunawaan) ang mga suliranin.
Lingid sa kaalaman ng mga karaniwang tao sa lipunang Pilipino na ang kanilang asal , ugali, gusto,
hilig, pananaw sa buhay, paninindigan ay pawang hinuhutok ng mga aparatong ideolohikal:
pamilya, paaralan, simbahan, gobyerno at mas midya. Ang mga aparato ng ideolohiya ay pawang
mga institusyong panlipunang nagdidirehe sa mga kagawian o aktitud (kusang reaksyon ng isip sa
mga bagay-bagay na may buhay o wala.)
Ang mga kagawian ay likas na nasasaniban ng motibo at intensiyon. Sabihin pa, mga aparato ng
ideolohiya ang obhetibong lunsaran, daluyan at buweltahan ng umiiral na talino sa antas ng kultura
11
ng bayan. Mayroong tagapaghatid at may tagatanggap sa mga produktong pangkultura (mga ideya,
batas, aliwan...) na pinaiinog ng mga isip sa dinamismo ng kultura.
Liban sa pamilya, pinagkakaitan ang operasyon ng mga aparato ng ideolohiya. Sa gayon, industriya
ng utak ang pagtingin ng mga pantas sa komunikasyong panlipunan sa tahasang negosyong
katuturan ng operasyon ng mga aparato ng ideolohiya. Samantala, sa dimensyong kultural, isang
lambat-bitag ng kamalayang panlipunan ang mga aparato ng ideolohiya—lalo na ang mas midya.
Kapitalista-komprador ang taguri ng mga pantas sa komunikasyong sosyal sa mga taong
nagkakamali ng limpak-limpak na salapi sa industriya ng utak na itinataguyod ng mga aparato ng
ideolohiya.
Sistema ng paglinang sa talino ang edukasyon. Isa itong unti-unti at antas-antas na proseso sa
pedagohiya o pagtuturo at pag-aaral. Nakaprograma sa paaralan o akademya ang paglinang sa
talino, agham at sining ang timbulan ng pedagohiya. Isip ang pinagtutuunan ng pedagohiya. Sa
diwang ito ang sistema ng edukasyon ng lipunang Pilipino—sa simulain. Layunin at gawain—ay
dapat na mabulas na tumutugon sa adhikain ng lipunan, layunin ng mga mamamayan at
kagustuhan ng bayan sa pamumuhay na matiwasay at maunlad.
Taliwas sa nabanggit ang katotohanang umiiral sa sistema ng edukasyon. Marurunong ang produkto
ng umiiral na sistema ng edukasyon.
12
pilosopiya ng buhay sa lipunang Pilipino. Sapagkat nabuo na ng kabihasnan ang kolektibong sarili
sa kilatis ng katauhan ng mga uri ng pagkatao sa lipunan. Nagmamalasakitan ang iwing kolektibong
sarili sa kauri na kapinsalaan o kapahamakan naman ng ibang uri. Nagagatungan pa ang
pansariling tendensya ng magkakahidwaang kolektibong sarili sa mga uri ng mga tao sa lipunang
Pilipino ng kaisipang rehiyonalismo. Isang anyo ng kulturang pyudal ang rehiyonalismo—makitid sa
pananaw ng katuturan ng salimuhaang panlipunan na balakid sa pambayan at pambansang
kagalingan.
Aktibong mawawasak ang pagkamakasarili sa kolektibong sarili ng mga uri ng pagkatao sa lipunan
sa pamamagitan lamang ng karunungang Pilipino, na mula sa mga karanasan ng sambayanang
Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanaw—sinisinop ng akademya—para sa kaunlaran ng bansa at
kabutihan ng sambayanang Pilipino. Wikang Filipino, na bigkis ng iba-ibang wikang lalawiganin o
bernakular, ang tanging makalilinang sa talino ng sambayanan na makatao, makalipunan,
makabayan at may pandaigdigang pananaw.
May pananagutan ang mga guro sa akademya sa pananatili ng mapaminsalang talinong nakasanib
sa kamalayang panlipunan ng kabihasnang Pilipino. Dapat magtika ang kaguruan at magiting na
harapin ang marawal at malagim na reyalidad sa lipunan. Mababago nila ang reyalidad kung
babaguhin muna ng kaguruan ang angking talinong hinubog ng pormal na maling edukasyon. Inuuk-
ok ng mapaminsalang talino ang bait/katinuan ng kaguruan sa partikular at sa pangkalahatan ang
diwang makabayan at progresibo na maghahatid sa lipunan sa kaluwalhatian.
Masakit ilahad ngunit ito ang totoo: sa mapanuring pagkukuro, mistulang punerarya ng utak ang
akademya at ang mga guro ay embalsamador ng talino.
13