Ang Linggwistikang Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Ang Linggwistikang Filipino

Filipino 302

1. Ano ang linggwistika? Bakit mahalaga ang pag-aaral

at pagtuturo nito?

Ang linggwsitika ay isang agham na nag-aaral sa

wika, pag-unlad nito, ang mga penomena na bumubuo ng

isang partikular na elemento ng wika at yunit.

Napakahalaga ng magiging tungkulin ng Linggwistika sa

pagpapakadalubhasa ng isang indibidwal upang lumawak ang

pananaw at magbukas ang kaalaman upang matuto sa takbo ng

buhay sa ginagalawang daigdig ng isang tao .Ang

Linggwistika ay ang pagsasaalang-alang at paggamit ng mga

maagham na paraan sa pag-aaral at pagsusuri ng wika .

Maagham na paraan sa pagtuklas ng impormasyon at

kaalaman tungkol sa wika.:Maagham na paraan sa pagtuklas

ng impormasyon at kaalaman tungkol sa wika .Sa mahabang

panahon na ako ay nagtuturo ng asignaturang Filipino,

makailang beses na ring naitatanong sa akin ang tungkol

sa pagtuturo nito. Ang kadalasang tanong ay, “Mahirap ba

itong ituro?” o “Paano ba ito itinuturo?” Ngunit ang mas

mapanghamong tanong ay, “Bakit kailangang ituro ang

Filipino?”.Sa ganang akin, ang pagtuturo ng asignaturang

Filipino ay higit sa pagtuturo lamang ng kaalamang

balarila o gramatika at pag-unawa sa akdang binasa. Hindi

nagtatapos ang kaalaman sa pagbuo ng wasto at

makabuluhang pangungusap at pagsagot sa mga kasanayan sa


pagbasa. Ang FILIPINO bilang asignatura ay pagpapalalim

ng ating wika at kultura. Bilang guro ng Filipino,

mahalagang maisama sa oryentasyon ng mga batang

tinuturuan kung bakit nila pinag-aaralan ang Filipino. Sa

oryentasyong ito, malalaman nila na higit sa isang

asignatura ang Filipino na kanilang pinag-aaralan. Sa

pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang kaalaman at

kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Kapag ginagamit

parati ang wika, magiging matatag ang pundasyon ng mga

salita na siyang magagamit sa  pag-unawa sa maraming

bagay tungkol sa ating mga Pilipino. Ang mga nakalimbag

na akda, dula o anumang palabas o panoorin, at ang mga

kuwentong naririnig tungkol sa ating mga Pilipino gamit

ang wikang Filipino ay mas napahahalagahan dahil sa

pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito rin ang

maaaring pag-ugatan ng damdaming pagkamakabayan at

magsisilbing ningas ng pagmamahal sa ating bansa, sa

ating pagka-Pilipino. Hindi ba’t kay sayang isipin na

nauunawan ng mga batang Pilipino ang kanilang kultura

gamit ang wikang Filipino? Mahalaga na sa murang edad ng

mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang

Filipino. Kaya naman kailangan ang patuloy na paglinang

sa kakayahan ng mga bata na magamit ito araw-araw sa

kanilang pamumuhay. Sa paraang komunikatibo kailangang

maipagamit ang wikang Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino,

hindi sapat na matukoy ng mga bata ang mga bahagi ng


pananalita. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung

ipagagamit ito sa kanyang pakikipagtalastasan sa iba.

Isang magandang halimbawa nito ay ang paggamit ng

pang-uri o salitang naglalarawan. Mas mabuting ipalarawan

sa mag-aaral ang kanyang kalaro o kaibigan kaysa ipaisa-

isa sa kanya ang mga salitang naglalarawan. Sa ganitong

paraan, babaunin niya ang kaalaman at kasanayang

natutuhan upang sa kanyang paglabas sa paaralan ay

magamit niya nang wasto at makabuluhan. Ganoon din, isang

araw, kapag kinailangan niyang ilarawan ang kanyang

sarili sa oras ng panayam o anumang gawaing may kinalaman

sa pagpapakilala, kakayanin niyang gawin ito dahil hindi

naman itatanong sa kanya kung ano ang pang-uri sa halip,

ipalalarawan sa kanya ang kanyang sarili. Ayon kay

Gng.Reyno, "Makapangyarihan ang wasto at mabuting

paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon

tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan."

Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng

ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga

Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung

tatanungin muli ako kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng

Filipino sa mga bata, ito ang aking tugon. Ang kabataan

ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang

magbubuklod sa ating mga Pilipino at magpapakita ng

kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga Pilipino.


Sila rin ang magpapamalas sa buong mundo kung gaano

kaganda at kayaman ang ating wika at kultura. Nararapat

lamang na matutuhan nila ito

2. Talakayin nang masaklaw ang kasaysayan ng


linggwistika sa daigdig at kasaysayan ng linggwistika sa
Pilipinas.
Sa pagkakaroon natin ng kasaysayan sa Pilipinas ay

nagkaroon ng kanya-kanyang tiyak na pangangalagaan ang

bawat Orden, nagkaroon ng sigla ang pag-aaral sa mga

katutubong wika na humantong sa paglilimbag ng mga

gramatika at diksyunaryo. Ang dahilan marahil ay sapagkat

Tagalog ang wikang ginagamit sa Maynila na siyang

pinakasentro ng pamahalaan.

Panahon ng mga Amerikano.Ang pagsakop ng mga Amerikano sa

Pilipinas ang naging sanhi ng panibagong pagtingin sa

pag-aaral sa mga wikang laganap sa kapuluan.Ang mga

linggwistang paring Kastila’y napalitan ng mga

linggwistang sundalong Amerikano. Ano ba ang pinagkaiba

ng layunin ng mga Kastila sa pag-aaral ng ating wika, sa

layunin ng mga Amerikano? Kung ang pangunahing layunin

ng mga Misyonerong Kastila ay mapabilis ang

pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa kapuluan, ang mga

Amerikano naman ay maihasik sa sambayanang Pilipino ang

ideolohyang demokratiko. Ang naging suliranin ng mga

prayleng Kastila at ng mga sundalong Amerikano ay iisa:

Ang kawalan ng isang wikang magiging daluyan ng

komunikasyon upang maisakatuparan ang kani-kanilang


layunin. At tulad din ng mga Kastila, inisip ng mga

Amerikanong higit na madali kung sila ang mag-aral ng mga

pangunahing wika sa kapuluan kaysa kanilang hintayin na

matuto ng Ingles ang nakararaming Pilipino. Isa pa,

inisip din ng mga Amerikano na higit na magiging madali

ang pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino kung mauunawaan

ng mga guro ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Ingles sa

iba’t-ibang wika sa kapuluan.Maraming isinagawang pag-

aaral si Conant tungkol sa mga wika sa Pilipinas,ngunit

ang pinakakilala sa kanyang mga pananaliksik ay ang

kanyang “The RGH Law in Philippine Languages” (1910) at

“The Pepet Law in Philippine Languages” (1912) na

tumatalakay sa nagaganap sa pagbabago sa mga tunog ng

iba’t-ibang wika sa kapuluan.Hal. Ang tunog na r sa

pagkakawatak-watak ng mga wikang mula sa Proto-

Austronesian ay nananatili sa ibang wika, samantalang sa

iba ay nagiging g, h, y. Ano nga ba ang RGH Law ni

Conant? Ang angkan ng wikang Malayo-Polinesyo (kilala

rin sa tawag na Austronesian)Pangalawang pinakamalaking

angkan sa buong daigdig. (pinakamalaki ang Indo-

European)Lumaganap ito sa mga kapuluan sa Pasipiko at sa

gawing kanluran ng Madagascar. Sa mga wikang buhat sa

angkang ito ay kabilang ang mga ss. na lumaganap sa

gawing kanlurang Pasipiko:Malay- na lumaganap sa Sumatra,

Malaya, Borneo at iba pang karatig na pook; Indonesyo-


wikang opisyal ng Indonesya - sinasabing nakabatay sa

wikang Malay.

Kasaysayan ng Linggwistika.Masasabing nagsimula ang

maagham na pag-aaral sa wika mula nang magtanung-tanong

ang tao ng ganito: Bakit hindi magkakatulad ang mga

wikang sinasalita ng tao? Papaano nalikha ang unang

salita? Ano ang relasyon ng katawagan at ng bagay na

tinutukoy nito? Bakit ganito o gayon ang tawag sa ganito

o ganiyong bagay? atbp. Mga Teologo(Theologians) Sa

kanila nagbuhat ang mga unang sagot sa mga gayong

katanungan. Sinasabing nilikha ng Diyos ang wika.

Sinasabing ang pagkakaroon ng ibat-ibang wika sa daigdig

ay parusa ng Diyos sa pagmamalabis ng tao (gaya ng

natalakay sa kabanata I). Subalit ang mga palaaral nang

unang panahon, tulad nina Plato at Socrates, ay hindi

nasiyahan sa mga ganong paliwanag ng simbahan. Nagsimula

silang maglimi tungkol sa wika. Sa kanilang mga sinulat

ay mababakas ang kanilang halos walang katapusang

pagtatalu-talo tungkol sa pinagmulan at kakanyahan ng

wika. Mga mambabalarilang Hindu. Kauna-unahang pangkat na

kinilala sa larangan ng linggwistika. Nang panahong iyon,

naniniwala ang mga tao na wika ng Diyos ang ginamit sa

matatandang banal na himno ng Ebreo. Mahabang panahong

hindi nila ginalaw ang istilo ng lenggwahe ng nasabing

mga himno kahit nakaiwanan na ng panahon sa paniniwalang

paglapastangan sa gawa ng Diyos ang anumang isasagawang


pagbabago dito. Subalit nagpunyagi ang mga palaaral na

Hindu.Sinuri nila ang matandang wikang ginamit sa

nasabing mga himnosa palatunugan, palabuuan, palaugnayan,

sa layuning makatulong sa pagpaliwanag ng diwa ng halos

di maunawaang mga himno. Ang mga pagsusuring isinagawa ng

mga mambabalarilang Hindu ay naging simula ng mga pag-

aaral sa ibang wika sa Europa. Mapapatunayan ito sa mga

terminolohiyang teknikal na ginamit ng mga unang

mambabalarilang Hindu na hangggang sa kasalukuyan ay

ginagamit pa ng mga makabagong mambabalarila at

linggwista. Sa mga wikang Griyego at Latin, unang

nagkaanyo ang wika sa tunay na kahulugan nito, sapagkat

ang mga wikang ito ang dalawang magkasunod na wikang

unang nalinang at lumaganap nang puspusan sa Europa ng

panahong iyon. Mapapansing kung saan unang nalinang ang

sibilisasyon ay doon din unang nagkaanyo ang kauna-

unahang maagham na pagsusuri sa wika. Aristotle at ang

pangkat ng mga Stoics Ilan lang sa mga linggwistang

laging nababanggit nang mga panahong yaon. Itinuturing na

syang nagsipanguna sa larangan ng agham wika. Panahon ng

Kalagitnaang Siglo (Middle Ages) Hindi gaanong umunlad

ang agham-wika sapagkat ang napagtuunang-pansin ng mga

palaaral noon ay kung papaanong mapapanatili ang Latin

bilang wika ng simbahan. Panahon ng Pagbabagong Isip

(Renaissance) Dahil sa mabilis na pag-unlad ng

sibilisasyon at paglaganap ng karunungan sa ibat-ibang


panig ng daigdig mula sa Gresya at Roma, ay naging masusi

at puspusan ang pagsusuring panlinggwistika sa mga wikang

Griyego at Latin dahil sa napakarami at ibat ibang

karunungang sa dalawang wikang ito lamang matatagpuan.

Ang pag-aaral sa mga wikang Griyego at Latin ay

nakaimpluwensya sa ibat-ibang wika sa Europa. Wikang

Ebreo orihinal na wikang kinasusulatan ng

MatandangTipan.pinaniniwalaang siyang wikang sinasalita

sa paraiso kayat inakalang lahat ng wikay dito nag-ugat,

pati na ang Griyego at Latin na syang unang mga wikang

kinasalinan ng nasabing Bibliya. Pagsapit ng ika-19 siglo

Nagkaroon ng malaganap na pag-unlad ang aghamwika.

Nagkaroon ng mga pananaliksik sa pinagmulan ng mga wika

na humantong sa pagpapapangkat-pangkat ng mga ito ayon sa

pinagmulang angkan. Ang pagsusuri sa mga wika ay hindi

lamang palarawan (descriptive) kundi sumasagot pa rin sa

bakit ng mga bagay-bagay tungkol sa wika. Lumitaw ang

ibat-ibang disiplina sa linggwistika. Sa panahong itoy

nakilala ang tungkung-kalan sa linggwistika na labis na

nakaimpluwensya sa larangan ng linggwistika sa Europa:

Bopp (Sanskrito) Grimm (Aleman) at Rask (Islandic) Ang

mga linggwistang itoy sinundan ng marami pang iba tulad

nina: RappfMadvig BredsdorffMuller SchleicherWhitney

Curtiosat marami pang iba. Tinangka nilang ihambing ang

mga wikang tulad ng Sanskrito, Griyego, Latin, Italyano,

Espanyol, Pranses, atbp. sa wikang Ebreo na itinuturing


ngang pinakasimula ng lahat ng wika sa daigdig ng mga

panahong iyon. Ang mga pananaliksik sa larangan ng

linggwistika sa teknikal na kahulugan nito, ay alam

nating karakarakang nauunawaan ng mga hindi linggwista.

Muller at Whitney (1860-75) nagsikap na maging payak ang

pagtalakay sa mga prinsipyo at simulain at agham na ito

upang mapakinabangan ng mga paaralan. Sa paglakad ng

panahon, ibat-ibang modelo o paraan ng paglalarawan sa

wika ang lumaganap sa daigdig. Lumitaw ang itinuturing na

makabagong pamamaraan ngunit masasabing nananatiling

hindi nagagalaw ang makalumang pamamaraan. Hal. Hanggang

sa ngayon ay wala pang kinikilalang pamamaraan na

maaaring higit na mabuti sa pamamaraan ni Panini sa

paglalarawan ng gramatika ng Sanskrito. Gayundin sa

gramatika ng Ebreo na nalinang noong Kaligatnaang Siglo

at sa gramatika ng Klasikang Arabiko at Intsik.

Linggwistikang Historikal (Historical Linguistics)

Itinuturing na kauna-unahang disiplina sa linggwistika na

naglalayong magpatotoo na ang mga wika sa daigdig ay mula

sa ibat-ibang angkan. Ang ganitong simulain ay

pinatunayan sa pamamagitan ng pag-alam sa mga salitang

magkakaugat (cognates) sa mga wika. Sa payak na

pakahulugan, ang mga wikang katatagpuan ng sapat na dami

ng mga salitang magkakaugat, bukod sa malaking pagkahawig

sa palatunugan, palabuuan, at palaugnayan ay pinapangkat

sa isang angkan. Naging matagumpay ba ang linggwistikang


historikal bilang isang disiplina sa linggwistika? Oo

Blumentritt Isa sa nagpasimula sa pag-aaral sa angkang

Malayo-Polinesyo na pinagmulan ng ibat-ibang wika sa

Pilipinas. Sinasabing sya ang nakaimpluwensya kay Rizal

upang magtangka ring magsagawa ng ilang pag-aaral sa mga

wika sa Pilipinas, tulad ng Tagalog. Sumunod kay

Blumentritt ang iba pang linggwistang tulad nina: Otto

Dempwolf, Otto Scheerer, Frank Blake, C. Douglas

Chretien, Carlos Conant, Harold Conklin, Isidore Dyen,

Richard Howard McKaughan, at Cecilio Lopez ng Pilipinas.

(cf. Gonzales, et. al., 1973) Linggwistikang Istruktural

(Structural Linguistics) Sinundan nito ang Linggwistikang

Historikal. Nagbibigay diin sa pagsusuri sa distribusyon

ng mga ponema at morpema sa isang salita o pangungusap.

Ibat-ibang mahahalagang pag-aaral ang isinagawa sa mga

diyalekto sa Asya, Australya at sa Amerika sa ilaim ng

disiplinang ito. Ngunit sa pagsusuri sa balangkas ng mga

pangungusap sa ibat ibang wika ay nangangailangan ang mga

dalubwika ng mga simbolong pamponetika at pamponemika

upang kumatawan sa ibat ibang tunog. Taong 1870 lumitaw

ang IPA (International Phonetic Alphabet) na gumamagamit

ng hindi kukulanging 400 simbolo. Ang gayong dami ng

simbolo ay naging suliranin hindi lamang sa mga dalubwika

kundi gayundin sa bumabasa ng bunga ng kanilang

pananaliksik. Nagsimulang umisip ang mga dalubwika kung

papaano nila magagawang payak ang kanilang isinasagawang


paglalarawan sa mga wikang kanilang sinusuri. Ponema

Hindi nagtagal ay lumitaw ang ponema (phonemes) na naging

palasak na palasak hanggang sa kasalukuyan. Sa

pamamagitan ng ponema ay naging payak ang paglalarawan sa

palatunugan ng isang wika sapagkat kakaunting simbolo na

lamang ang ginagamit. Sa I.P.A. ay binibigyan ng katumbas

na simbolo pati mga alopono ng isang ponema kayat lubhang

napakarami ang ginagamit na mga simbolo. Ang ponema ay

itinuturing na panulukang-bato ng linggwistikang-

istruktural. Gumagamit din ang mga instrukturalista ng

katawagang morpema (morpheme) sa pagsusuri sa palabuuan

ng mga salita ng isang wika. Ang linggwistikang

istruktural ay naging popular noong 1925 hanggang 1955.

Namukod-tangi sa panahong ito ang pangalang Leonard

Bloomfield ng Amerika. Subalit sa paglakad ng panahon ay

napansin ng mga dalubwika na hindi sapat na ilarawan

lamang ang mga balangkas ng mga pangungusap. Inisip din

nilang kailangan ding alamin kung bakit at kung paano

nagsasalita ang tao. Ang mga pantas (philosophers), mga

sikologo (psychologists), antropologo (anthropologists),

at maging mga inhinyero (engineers) ay nangangailangan ng

isang wikang inilalarawan sa pamamagitan ng isang maagham

na pamamaraan upang kanilang higit na maipahayag ang

kanilang karunungan sa isang mabisa, tiyak at teknikal na

paraan. Logical Syntax Pinabuti at pinayaman ni Zellig

Harris na hindi nagtagal at nakilala sa tawag na


transformational o generative grammar. Linggwistikang

Sikolohikal (Psycho-linguistics) Sinasabing bunga o

resulta ng gramatika heneratibo upang lalong matugunan

ang pangangailangan sa larangan ng sikolohiya. Si Harris

ang kinikilalang transitional figure mula sa istruktural

tungo sa linggwistikang heneratibo. Anthropological

Linguistics Pinangungunahan nina Boas, Sapir, Whorf,

Malinowski, Kroeber, at Trager. Tagmemic Model ni Kenneth

Pike Nagbibigay-diin sa pagkakaugnayan ng anyo (form) at

ng gamit (function). Ang isang anyo at gamit sa

disiplinang tagmemiko ay itinuturing na isang yunit na

may sariling lugar o slot sa isang wika. Ang isang yunit

ay may ibat-ibang antas: Antas ng Ponema (phoneme level)

Antas ng Morpema (morpheme level) Antas ng Salita (word

level) Antas ng Parirala (phrase level) Antas ng Sugnay

(clause level) Antas ng Pangungusap (sentence level) at

Antas ng Talakay (discourse level). Phrase-Structure

Transformational Generative Model Masasabing nag-ugat sa

logical syntax. Ditoy namukod-tangi ang pangalan ni

Chomsky. May pagkakahawig sa linggwistikang sikolohika-

ang pagtarok sa sinasabi at di sinasabi ng nasasalita sa

kanyang sariling wika. Modelong Generative-Semantics

Sinundan nito ang transformational-generative. Kung ang

una ay nagbibigay-diin sa form o anyo, ang huli naman ay

sa meaning o kahulugan. Ditoy nakilala ang pangalang


Lakoff, Fillmore, McCawley, Chafe, atb. Sa Pilipinas,

masasabing ang pinakapalasak na modelo ay istruktural pa

3. Isa-isahin ang (3) sangay ng linggwistika at


ipaliwanag ang kahulugan ng bawat isa.

Sinkronikong Linggwistiks (Synchronized Linguistics)

Inilalarawan nito ang aktwal na gamit at balangkas ng

wika sa isang tiyak na panahon. Ditto pinag-aaralan ang

fonolohiya(pag-aaral ng mga tunog ng isang wika),

morfolohiya(pag-aaral ng mga morpema) at sintaks( pag-

aaral ng ugnayan ng mga salita upang makabuo ng

pangungusap).

Dayakronikong Linggwistiks (Diachronic

Linguistics).Dito gumagawa ng pag-aaral sa mga pagbabago

ng wika. Kilala rin ito sa tawag na historical na

linggwistiks dahil pinag-aaralan ditto ang pinagmulan at

evolusyon ng wika.

Sosyolinggwistiks.Ito ang sangay ng linggwistiks na

nag-aaral sa sosyal na aspeto ng wika. Inaalam ditto at

sinusuri ang ugnayan ng tao, wika at lipunan.

Mga tungkulin nila : Magsagawa ng patuluyang saliksik sa

ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantics ng

Filipino.Maghanda ng opisyal na sangguniang gramatika at

pedagohikong gramatika ng Filipino at rebisahin at

paunlarin ang mga ito sa pana-panahon.Pag-aralan ang

posibleng aplikasyon ng modernong teoryang linggwistiko

at mga modelong gramatiko sa pagsusuri at pagtuturo ng


istruktura ng Filipino.Magsagawa ng mga

sosyolinggwistikong sarbey at mga pag-aaral panlarangan

tungkol sa mga lumilitaw na barayting diyalektikal at

register ng Filipino. Isalin sa Filipino ang lahat ng

makabuluhang gramatika ng Tagalog at ng lumalaganap na

wikang Filipino gayon din ang kaugnay na mahalagang mga

akdang iskolarli; at Magrekomenda ng posibleng mga

istandard ng tinatanggap na gramatika.

4. Sa paanong paraan nagkakaugnay ang mga barayti ng


wika sa pag-aaral ng linggwistika?

Ang pagkakaroon ng isang wika ay nagsisilbing simbolo ng

pagkakaisa na nagbibigkis sa mga tagapagsalita ng

nasabing wika. Ang wika ay isang produktong sosyal ng

kakayahang magsalita at isang koleksyon ng mahahalagang

kombensiyon na binuo at ginamit ng isang grupo para

magamit ng mga indibidwal. Ang wika kung gayon ay isang

panlipunang pangyayari. Dahil sa anumang pahayag,

pagkilos o salita ng isang indibidwal ay nagiging

makabuluhan lamang kung ito ay nakakonteksto sa loob ng

lipunan at ibinabahagi sa iba pang indibidwal o grupo.

Malaki ang ugnayan ng wika at lipunan dahil sa kapwa nila

naiimpluwensiyahan at nahuhubog ang isa’t isa. Nahahati

ang lipunan ayon sa antas ng pamumuhay, lahi, kasarian,

edad, hanapbuh ay, interes at iba pang panlipunang

sukatan. Ang mga tao rin sa loob ng lipunan ay

nagpapangkat-pangkat batay sa mga salik na nabanggit.Sa


patuloy na pakikipag-usap o interaksyon ng mga grupo ng

taong ito sa iba pang mga grupo o komunidad, nagkakaroon

ng mga katangian ang salita nila na naiiba sa mga

miyembro ng ibang grupo. Nagbubunsod ito ng pagkakaroon

ng iba’t ibang komunidad ng tagapagsalita .Ito raw ay ang

pangkat ng mga taong hindi lamang gumagamit ng wika sa

magkakatulad na paraan kundi nababatid din nila ang

patakaran at pamantayan kung paano ginagamit at

nauunawaan ang mga gawaing pangwika.Sa pananaw ng mga

sosyolingwistiko, may barayti ang wikang ginagamit ng mga

tao sa loob ng isang lipunan. Ang iba’t ibang anyo ng

wikang ginagamit ng mga dayalektong salita sa isang

lipunan ang pinag-aaralan sa socio-linguistics. Socio-

linguistics – isang larangan ng pag- aaral ng wika na

nagsusuri sa pagkakaiba ng wika sa istruktura ng lipunan.

(Paz et al.,2003).

Baryasyon ng Wika Ang pagkakaiba-iba ng wika ay

maiuuri ayon sa dalawang pangunahing dimensyon: 1.

heograpikong diyalekto – baryasyon ng wika batay sa

katangian nito (punto o accent) na karaniwang ginagamit

ng mga tao sa isang rehiyon o pook.(Rubrico,2006)varayti

ng wika at sinasalita ng mas maliit na grupo. 2. Social

dialect o sosyolek – baryasyon ng wikang ginagamit ng mga

speech communities ayon sa uri, edukasyon, trabaho, edad

at iba pang panlipunang sukatan.Dahilan ng pag-iiba-iba

ng heograpikong diyalekto:1. heograpiyang lokasyon ng mga


speech communities – tumutukoy sa lugar kung saan

ginagamit ang mga partikular na wika na pwedeng

pinaghihiwalay ng isang anyo ng tubigan o kabundukan2.

language boundary – bunga ng migrasyon o paglilipat ng

komunidad sa ibang lugar, maaaring dahil sa kalamidad

tulad ng lindol o bagyo, giyera o ang unti-unting

pagsasama ng dalawang dating magkahiwalay na komunidad.

Pagkakaiba ng Wika at pagkakaintindihan – ginagamit na

batayan ng mga lingguwista sa pagkakaiba ng wika at

diyalekto. Kapag ang dalawang tao ay nag-uusap at

gumamit ng magkaibang speech variety at hindi sila

nagkaintindihan, magkaibang wika ang kanilang ginamit.

Samantala, kung ang dalawang nag-uusap ay gumamit ng

magkaibang speech variety at nagkaroon ng kaunting

disturbance sa pag- unawa(dahil magkaiba ang punto o

pagbigkas ng mga salita o gumamit ng ibang salita para sa

iisang kahulugan), nagsasalita lang sila ng magkaibang

diyalekto ng iisang wika.Hal. Ang Tagalog na sinasalita

sa Metro Manila ay may mga diyalekto na: Tagalog-Bulacan,

Tagalog-Batangas, Tagalog-Cavite, Tagalog- Laguna,

Tagalog-Quezon, Tagalog-Nueva Ecija.

Register – varayting may kaugnay ng higit na malawak

na panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa

oras ng pagpapahayag.(Alonzo,2002) - paggamit ng ispiker

ng wika hindi lang batay sa lokasyong heograpikal kundi

batay sa kanyang katayuan sa lipunan o sa grupong kanyang


kinabibilangan; maaaring tumukoy rin sa mga ispesipikong

salitang ginagamit ayon sa hinihingi ng sitwasyon

Idyolek – dayalekto na personal sa bawat ispiker.

Ito ay kabuuan ng mga katangian at kagawian sa

pagsasalita ng isang indibidwal. - bawat tao ay may

tanging paraan ng paggamit ng wika. (Paz, 2003)Istandard

na wika – varayti na ginagamit ng mga nakaaangat sa buhay

o mga maykapangyarihan at hinahangaan o mga may pinag-

aralan; nagiging pamantayan ng istatus ng nagsasalita sa

komunidad

Lingua – franca – wikang komon sa mga tagapagsalita

ng iba’t ibang wika sa Pilipinas; makabubuo ng

lingguwistikong varayti o varyasyon sa loob ng wikang ito

dulot ng pagiging pangalawa at pangkalahatang wika nito

at ng impluwensya ng mga unang wika.Kaya, may nabubuong

Cebuano- Filipino, Ilokano-Filipino, Hiligaynon-

Filipino, Kinaray-a-Filipino, at marami pang iba.

Diyalekto – varayti ng wika batay sa lugar, panahon

at katayuan sa buhay kaya’t may tinatawag na diyalekton

heograpikal, diyalektong temporal, at diyalektong sosyal.

- (mula sa salitang Kastilang dialecto) anyo ng wikang

ginagamit sa isang partikular na pook o rehiyon.Dayalek

ay wika na katulad din ng bernakular na palasak sa isang

pook ng kapuluan. - unang wikang kinamulatan at ugat ng

komunikasyon sa tahanan, pamayanan at lalawigan. -


nagsisilbing midyum ng komunikasyon sa isang pook na kung

saan ang nasabing katutubong wika ay nabibilang.

5. Ipaliwanag ang pagsusuri sa dalawang modelong


panggramatika ni Chomsky ("Structures 1957 at Aspects
1965").
Ano-ano ang mga implikasyon nito sa pagtuturo?

You might also like