FILDIS MODYUL 4edited
FILDIS MODYUL 4edited
FILDIS MODYUL 4edited
LARANGAN
I. Mga Layunin:
II. Introduksyon:
Sa pinagdaanang kolonisasyon ng Pilipinas mula sa iba’t ibang mga bansa tulad ng Spain,
United States at Japan, hindi nakapagtatakang napakalaki at napakalalim ng impluwensiya ng
mga ito sa buhay ng mga Pilipino. Sa aspekto ng wika, hindi pa rin nakakawala ang bayan sa
pagkagapos sa kolonyalismo ng nagdaan. Nagdaan na ang isang siglo mula nang makamit ang
Kalayaan sa mga Espaῆol ngunit nanatili na ang kulturang ipinamulat sa atin. Kalahating siglo
naman na ang nakalipas mula nang lumaya ang bansa sa kamay ng United States, ngunit tila
pilat na ang pagkakadikit ng wikang Ingles sa mga Pilipino – sa estado , sistemang edukasyon at
maging sa mundo ng mga korporasyon.
Maaaring maiugnay sa imperyalismong lingguwistiko ang kalagayang ito kung saan ang
pananakop sa mga bansa ay hindi nasa pisikal na aspekto kundi sa diwa at ideolohiya ng mga
mamamayan nito sa pamamagitan ng wika. Dito, ang pagkontrol ay sa isipan na ng mga
nasakop na mga mamamayan na nangyayari dahil sa walang habas na pagpapatanggap sa isang
puspusang itinuro, pinatanggap at pinagamit ang Ingles sa mga Pilipino sa panahon ng
pagsakop. Taliwas ito sa tahasang pagdadamot ng mga mananakop na Espaῆol sa kanilang wika
upang matutuhan ng mga Pilipino. Isa ito sa malinaw na dahilan kung bakit sa kabila na
malayong agwat sa haba ng pananakop ay mas nanaig at nanatili ang Ingles kaysa sa Espaῆol sa
kamalayang Pilipino. Maliban dito, tumutugma rin ang paliwanag ni Ferguson (2006) sa
artikulong The global spread of English: cause, agency, effects and policy responses sa kaso ng
pagkahumaling ng mga Pilipino sa wikang Ingles. Ayon sa kaniya, ang rasyonal sa katanyagan ng
Ingles sa sistemang edukasyon lalo na sa mga kolehiyo at mga unibersidad ay sosyo-ekonomiko.
Ipinaliwanag niya na sa pamamagitan ng pagkatuto ng wikang Ingles, higit na magkakaroon ng
access sa trabaho ang isang tao at dahil dito mas aangat ang kaniyang kalagayang ekonomiko.
Magbubunsod din ito ng paglawak ng kaniyang impluwensiya sa lipunan o access sa mga may
kapangyarihan, kultural, kapital, intelektuwal, o politika. Tinatanaw kung gayon ang pagtinging
ito na mahalaga ang gampanin ng Ingles bilang instrument sa realisasyon ng pang-angat na ito.
Sa kaso ng Pilipinas, naipapaliwanag pa rin ang pagsusuri ni Ferguson kung bakit patuloy
ang kalagayang ito. Una, ang kawalan ng ideolohikal na pagsalag sa promosyon sa Ingles bilang
pangunahing wika, diumano, ng mundo. Pangalawa, ang paniniwala sa laganap na papanaw na
may personal na bentahan sa pagtatamo ng kahusayan sa Ingles dahil ito ang wika ng
intelektuwalisadong mga larangan at gayundin ang wikang pasaporte sa paglago ng ekonomiko.
Ang mga ito ang patuloy na lumilikha ng ilusyon sa mga Pilipino na Ingles ang maghahatid sa
kanila sa mga hangaring ito, bagama’t malinaw na mangnapapabulaanan ang mga paniniwalang
ito sa karanasan ng maraming mga bansang tulad ng Japan, Germany, France, China at marami
pang iba.
Sa sistemang K-12 ng Pilipinas, gumaganda ang kalagayan ng Filipino at iba pang mga
wika sa Pilipinas. Ipinatutupad sa sistemang ito ang mother tongue-based/multilingual
education kung saan sa primaryang antas pangunahing wika ng pagtuturo ang unang wika ng
komunidad at unti-unting papasok ang paggamit ng Filipino at Ingles. Gayunpaman, ang
probisyon ng patakaran sa bilingguwal na edukasyon ay magpapatuloy ay magpapatuloy pa rin
sa mas matataas na antas tulad ng sekondarya at tersiyarya. Sa antas tersiyarya, gagamitin ang
Ingles o Filipino bilang wikang panturo sa mga tiyak na kurso. Ingles sa mga kurso sa agham,
matematika at teknolohiya; at, Filipino naman sa mga kursong nasa agham panlipunan at
humanidades. Sa kasamaang palad, ganito man ang nakasaad sa patakaran hindi naging
mahigpit ang implementasyon nito sa lahat ng mga paaralan. Sa katunayan, naging makiling pa
rin sa paggamit ng Ingles ang kalakhang bahagdan ng mga kolehiyo at unibersidad. Patunay
halimbawa noon ang paggamit ng Ingles sa pagtuturo ng mga kurso sa ekonomiks, sosyolohiya,
kasaysayan at maging sa kurso sa buhay ni Rizal. Hindi malayo kung gayon na ganito pa rin ang
magiging kalagayan ng Filipino sa bagong sistema ng edukasyon. Kolonyal pa rin at malayo sa
mapagpalayang antas ang edukasyong Pilipino. Sa Bilingguwal na Edukasyon na kung saan ang
wikang Filipino ay mapalaganap bilang wika ng literasi, madebelop bilang simbolo ng
pambansang pagkakaisa at identidad, mamodernays ito bilang wika ng scholarship at malinang
at mapakontinito para sa diskursong scholarly (nasa Fortunato, 2003), naisulong ito sa larangan
ng agham panlipunan at humanidades. Hindi man naging maigting ang pagpapatupad sa mga
probisyon ng polisiya, ang mga iskolar at akademiko ay nakapag-ambag sa matagumpay na
pagsusulong ng Filipino sa larangang ito.
Ang pagsasaling ito, teknikal man o pampanitikan ay mahalagang instrumento para higit
pang isulong ang Filipino sa iba’t ibang larangan. Layunin nito ng maiabot sa mga Pilipino ang
mga obra maestra ng mga dakilang manunulat sa daigdig upang ang kanilang mga ideya at
karunungan ay umabot sa pakinabang ng mamamayang Pilipino. Inaasahan na ang
pagkakasalin ng mga pinakamahusay na aklat, tula, nobela, sanaysay, kuwento ,dula at
dokumento at iba pa ay maipapakita ang kakayahan ng Filipino upang magamit sa pagtalakay sa
mga temang intelektuwal, nataliwas sa popular napaniniwala ng kawalang kakayahan ng
Filipinong magamit sa mga ganitong antas ng diskurso.
Sapagkat lubhang magkalayo ang pamilya ng mga wika sa Pilipinas at sa Spain, ang una’y
sa Austronesian at ang ikalawa’y sa Indo-European, naging mabigat na balakid ito sa mithiing
nais isakatuparan ng mga mananakop. Mahirap magkaintindihan gamit ang dalawang
magkaibang wikang ito.
Dahil sa kakaunti ang bilang ng mga prayleng misyonero, hindi lohikal na kanilang ituro
ang wikang Espaῆol sa higit na nakararaming katutubo; bagkus, sila ay nagsumikap na pag-
aralan ang ating wika upang maging mabisa ang kanilang pakikipag-ugnayan sa madla. Kasabay
ng kanilang pagkatuto sa pagsasalita ng Tagalog ay inaral nila ang balarila nito nakaalinsunod
naman ng pagsulat nila ng mga aklat ng panggramatika at mga diksyunaryo na lubhang
malaking tulong sa mas mabisa pa nilang pagkatuto.
Maiuugnay naman natin ang ating mga paniniwala sa bisa ng dasal, lalo na ang mga
Kristiyanong Katoliko, sa mga turong pinababatid ng mga dokumentadong akda ukol sa mga
panalangin. Ilan sa mga ito na naisalin sa Tagalog ay ang: Ang infiernong nacabucas o manga
pagbubulay-bulay nang manga cahirapan at casa-quitan doon ni Pablo Clain S.J. (p.6); ang
salinni Ma. Alfonso Ligouri na Manga Pagninilay nilay sa Pasion nang ating Panginoong
Jesucristo (p.7); at pagsisiyam, Ocol sa capurihan nang marangal na pintacasi sa manga salot
at sakit na si San Roque ni Raymino Martinez (p.10).
Mapapansin na ang mga akdang yaon ay sumasailalim sa buhay ng mga tao sa naturang
panahon. Naglalaman ito ng kanilang mga kaugalian, tradisyon, alituntunin at mga bagay.
Di tulad ng Spain, itinuro rin ng mga mananakop ang kanilang wika ang Ingles. Dahil dito
yumabong at yumaman ang panitikang Filipino sa wikang Ingles. Ngunit upang lalo pang
maunawaan ng mga Pilipino ang mga panitikang ito, nagingaktibo rin ang pagsasalin sa
panahong iyon. Maraming na isaling mga tula, dula, maikling kuwento, nobela at sanaysay mga
popular na anyong pampanitikan.
Marami naming mga dula na mga obra mestra ang naisa-Filipino rin. kabilang sa
isinaling mga dula ang Noli Me Tangere ni Sofronio Calderon, 1906; Ang Hampas Lupa ni Julian
Balmaceda, 1916; Ang Masayang Balo ni Patricio Mariano, 1916; at Mga Artistang Sampay-
Bakod,1919; Ang mga Anak ni Sisa, 1929, ni Godofredo; at ang Kondesa Montecristo, 1932 ni
Jose Maria Rivera. ito’y mga dulang galling sa iba’t ibang panig ng mundo. patunay ang
mgapagsasaling ito na ang buhay ng mga Pilipino ay katulad din ng mga melodrama sa mga
akdang ito.
Ilang naman sa mga maikling kuwentong naisalin ay ang Mithi ng Bayan nu S.G.
Calderon; Pagbabalik sa Lumipas ni Aurelio Curcura; Alaalang Panibagong Taon ni Alejandro
Abadilla; at ang Tunay na Diyos ni Isaac Dizon.
Katulad ng mga maikling kuwento, marami-rami ring mga nobela ang nagawang isalin.
Ilan dito ang Ang Hiwaga ng Paris ni Francisco Sugui: Sa Lupa’t sa langit ni Gerardo Chanco;
Dugo sa Dugo ni Francisco Laksamana: Kilabot sa Karagatan ni Leonardo Diamzon; at Ang
Palaisip na Maharlikang si Don Quijote dela Mancha ni Dionisio San Agustin.
Sumasalamin ang mga maikling kuwento’t nobelang ito sa mga pangyayari sa buhay ng
mga mamamayan sa bawat bansang pinagmulan ng mga ito. Lalo itong nagpayabong sa
edukasyong hatid ng mga Amerikano sa mga Pilipino dahil naisasalin sa kanilang ang iba’tibang
kaalaman, kultura, karanasan at kasaysayan ng iba’tibang lahi sa mundo.
Katulad ng mga naunang anyong pampanitikan, marami ring sanaysay ang naisalin
patungong Filipino. Layunin nito ang nagpapalaganap ng iba’tibang uri ng kaalaman-
pampolitika, relihiyon, panlipunan at iba pa. kabilang sa mga ito ang Ang ABC…. ng mga
Filipino ni Vales Ronquillo; Isipan Tungkol sa Hula ni Daniel ni Sofronio Calderon; Kodigo
Munisipal ni Manuel Aguinaldo; at Ang Lihim ng Ahente ng Hapon ni I.P. Caballero. Lahat ng
mga ito’y nagsilbing behikulo sa pagpapalaganap ng iba’t ibang kaalaman.
Hindi man dakila na panahon ng mga Amerikano, di rin naman maikakaila ang mga
ideolohiyang naibahagi nila sa atin. Ito’y ang mga di-maitatatwang pagkamulat sa edukasyon at
demokrasiya na sa kabilang banda ay isa ring anyo ng pagbubulag sa mga Pilipino upang sa
kalaunan ay sambahin, kontrolin at maging sunod-sunuran sa imperyalistang ito.
Ang Greater East Asia Co- Prosperity na may islogang Asyano para sa Asyano ang
propagandang ibinandera ng mga Hapones upang lalong mahikayat ang mga Pilipino sa
kanilang mga panukala. Bagama’t laganap ang himagsikan noon, patuloy pa rin naman ang
pagyabong ng edukasyon. Pinasidhi ang paggamit ng wikang Tagalog o Pilipino at sinikap na
alisin ang wikang Ingles.
May mga dula at maikling kuwento na puspusang naisalin noon. Sa mga dula, kabilang
ang Bahay naPaupahan ni Julian Balmaceda, 1943 at ang kaniyang Diktador sa Ehipto noong
1944. Ang Dalawang Pabulang Mandarin ni Federico Sebastian at ang Limang Kuwentoni
Andersen na isinalin naman ni Antonia Villanueva. Mapapansing politikal at panlipunan ang
paksa ng mga dula, samantalang ang mga maiikling kuwento ay nasa anyong panitikang
pambata.
Ilang piling sanaysay rin ang naisalin sa Filipino. Kabilang dito ang Kautusang Panloob sa
mga Manggawa sa Arsenal, 1942; at ang Si Barrentes at ang Dulaang Tagalog, 1943 ni Julian
Balmaceda.
Lumiliit ang mundo. Habang tumatagal ay lalong umiiksi at kumikitid ang pagitan ng
mgabansa sa mundo. Isa sa malaking salik sa kaganapang ito ang patuloy na umuunlad na
teknolohiya ng kompyuter at komunikasyon. Kaakibat ng pagbabagong ito ang wika. Lalo pa
itong lumiit at tilapi nag-iisa. Pinalalakas ang makapangyarihan at lalong pinahihina ang maliliit
na wika, dahil sa pangingibabaw ng malalakas na bansa ng globalisasyon.
Ang wika ang nagiging daluyan sa paglaganap ng mga kaalamang ito,subalit ang wika ay
mawawala ng kabuluhan kung ito ay hindi na iintindihan ng mga taong nakaririnig o nakababasa
nito. Upang bigyang -lunas ang ganitong suliranin, ang pagsasalin ay dapat puspusang itaguyod
at paunlarin. Maisasagawa ito sa patuloy na paglilimbag. Ang mga pinakamahuhusay na akda,
lokal man o banyaga ay dapat magkaroon ng salin sa Filipno. Ito’y upang lubos na maipamalas
at maipabatid sa mga Pilipino ang diwa at ganda ng iba’t ibang kultura at gayundin ang
kahusayan ng iba’t ibang kaalaman.
Narito ang ilang mga akdang naisalin na at ang mga tagasalin ng mga ito – mulatula,
dula, maikling kuwento, nobela at sanaysay. Ilan sa mga tulang naisalin sa kontemporaryong
panahon ang: Sa Hardin ng mga Tula, 1949, ni Rufino Alejandro; Ang Malawak na Hapag ni
Alberto Alejo; Bukang liwayway sa Dibdib ng Aprika ni Virgilio Almario; at ang Huling Paalam ni
Jose Sevilla. Ang mga tulang ito ay may iba-ibang paksa na kumakatawan sa puyos na
damdamin ng mga tao at ng lipunang kanilang ginagalawan sa isang takdang panahon.
Kabilang naman sa mga piling mga dula ang isinalain sa Filipino. Ilan ang New York sa
Tondo ni Marcelino Agana; Anim na Tauhang Naghahanap ng Isang Mangangatha ni Lilia
Antonio; Harutan ni Belinda Guttierez; at ang Balong Masaya ni Jose Victor Torres. Ang mga ito
ay sumasailalim sa realidad ng buhay ng mga Pilipino at iba pang lahi sa mundo. Marami mga
dulang dayuhan ang itinanghal sa mga teatro sa bansa, ngunit lahat ng mga ito’y nakasalin na sa
Filipino.
Samantala malaking bilang ang maikling kuwento’t nobela ang naisalin at patuloy na
isinasalin sa kasalukuyan. Ito’y mga kuwentong naglalarawan ng mga tunay na buhay ng mga
mamamayan. Ilan sa mga kuwentong ito ang: Paghahanap ni Orpha Abesamis; Lihim na Pag-
ibig ni Belves Paz; at ang Tigang na Palay ni Jun Cruz Reyes. kabilang naman sa mga nobela
ang: Munting Prinsipeng Pilay ni Rufino Alejandro; Huwag mo Akong Salangin ni Dionisio
Salazar; at ang Ilog na Walang Tulay ni Lorenzo Tabin.
Mataas din ang bilang ng mga sanaysay na naisalin sa ating wika. Kinabibilangan ito ng
mga titulong Bulag na Pagkadakila ni Erlinda Abad; Agham at Teknolohiya sa Dantaon-19 ni J.
D. Bernal; at Kriminal ng Digmaan ni Leonora Dimagiba.
Bilang isang konstitusyonal na ahensya, ang KWF ay patuloy naman ang kaniyang mga
pagsasalin. Sa katunayan, nasimulan at nagpapatuloy pa ang mgapagsasalin ng mga klasiko at
pinakamahuhusay na akdang pampanitikan sa daigdig. Isinalin din ang ilang mga klasikong akda
sa iba’t ibang larangan. Makikita sa kanilang online website na www.kwf.gov.ph ang ilang sa
mga akdang isinalin na maaari nang ma-access ng mga Pilipino upang maging hanguan ng
bagong impormasyon at kaalaman. Inaasahan na sa patuloy na inisyatibang ito, hindi lamang
mapapaunlad ang kaalamang ng mamamayan kung hindi maisusulong din ang Filipino sa isang
kalagayang intelektuwal.
2. Napapaunlad ang korpus ng Filipino habang patuloy ang mga gawaing pagsasalin. Sa
mga katulad na inisyatiba, nabibigyang katumbas sa ating wika ang mga konsepto na tanging sa
Ingles o ibang wika natin nababasa. Maaaring ang pagtutumbas na ito ay dumaan sa
pagsakatutubo, adaptasyon o lumikha man ng mahalaga ay magkakaroon ang mga konsepto ng
mga tiyak na katumbas sa Filipino.
4. Nagtutulay ang pagsasalin, gamit ang mga naisaling akda, upang puspusang magamit
ang Filipino sa akademiya partikular sa mga kolehiyo at unibersidad. Kung mga aklat at
materyales na panturo o sanggunian ang mga naisalin magiging mas madalina ang pagtuturo at
hindi na magiging dahilan ang kawalan ng kagamitan kaya hindi ginagamit ang Filipino sa mga
kursong wala pang nalilimbag na aklat sa Filipino.
5. Napapaunlad nito ang pedagogical idiom sa isang larangan. Bagama’t pagpapaunlad
din ito ng korpus ng Filipino, partikular na tinutukoy nito ang mga salita na magagamit para
maituro nang mabilis at episyente ang isang kurso gamit ang Filipino. Dahil sa mga naisaling
akda, unti-unti itong mabubuo ng magagagamit ng Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang larangan.
Agam-agam ng maraming akademiko at maging mga estudyante kung possible nga bang
magamit ang Filipino sa pagtuturo at pananaliksik. Bagama’t may mga sumubok na
nananatiling palaisipan o sadyang ayaw tanggapin kung magiging epektibo ba ito. Kadalasang
dahilan ng ilan, possible naman na magamit ang Filipino sa mga talakayan na tila ba pantulong
na wika lamang ito at hindi ang pangunahing instrument sa pagtuturo. Maaari daw ito sa mga
pasalitang pagkakataon tulad ng mga panayam at talakayan sa klase, subalit bumabalik na sa
nakasanayang Ingles kung ito’y pasulat na.
Ano nga ba ang ipinapakita ng karanasan ng mga sumubok nang walang alinlangan sa
paggamit ng Filipino sa kanilang mga pananaliksik at pagtuturo?
Maraming kaso ng paggamit ng Filipino upang ituro ang mga kurso na agham
panlipunan at humanidades. Isang magandang halimbawa ang naging karanasan ni Manuel Dy,
Jr. isang propesor ng pilosopiya sa Pamantasang Ateneo de Manila. Sa kaniyang personal na
salaysay, nagsimula na siyang magturo ng pilosopiya sa Filipino noong pang 1975.
Impluwensiya ito ng kaniyang mga kaibigan at kasamahan na nagturo din ng mga katulad na
kurso hindi sa Ingles kundi sa Filipino. Kasama sa mg impluwensiyang ito si Padre Roque
Ferriols, S. J. na isang Ilocano at si Dr. Ermita Quinto ng La Salle na isang Kapampangan.
Hindi lamang iisang kurso sa pilosopiya ang itinuro ni G.Dysa Filipino kung hindi tatlo pa.
Ang mga ito ay mga Pilosopiya ng Tao, Pilosopiyang Moral at Pilosopiya ng Relihiyon. Tulad ng
inaasahan, lalo na sa mga unang semester ng pagtuturo, naging mapanghamon ang desisyong
ito. Mula sa hindi pagiging taal sa Tagalog dahil siya’y Cebuano hanggang sa pagtanggap at
kooperasyon ng mga estudyante niya. Subalit hindi naglaon ay naging maayos na ang daloy ng
mga talakayan sa kaniyang mga klase.
Ngunit hindi natapos sa paggamit ng Filipino sa loob ng klasrum ang inisyatiba niyang
ito. Upang tugunan ang mga hamon tulad ng kawalan ng babasahing nakalimbag sa Filipino
nagsalin siya ng pinakamahalagang teksto sa mga kursong itinuturo niya. Nagsulat din siya ng
sariling panayam at inilimbag para sa kapakanan ng kaniyang mga klase. Nailimbag niya noong
1979, kasama sina Padre Roque Ferriols at G. Eduardo Calasanz, ang Magpakato, Ilang
Babasahing Pilosopiko. Sinundan pa ito noong 1985 ng kaniyang Mga Babasahin sa
Pilosopiyang Moral na maituturing na kauna-unahang antolohiya ng Pilosopiyang Moral na
naisulat sa Filipino. Ginamit din sa klase ang salin ni Ferriolsna Penomenolohiya at Metapisika
ng Pag-asa para sa kursong Pilosopiya ng Relihiyon.
Hindi rin nagtapos ang paggamit ng Filipino sa kanilang mga talakayan, sapagkat
pinasulat din niya sa Filipino ang mga papel sa kurso ng mga mag-aaral.
Walang pinag-iba ang karanasan nina Tereso Tullao ng La Salle at Agustin Arcenas ng UP
na nagturo naman ng mga kurso sa ekonomiks gamit ang Filipino. Hindi rin naiiba ang naging
karanasan ni Generoso Benter na gumamit naman ng Filipino sa pagtuturo ng Lohika. Pare-
pareho ang kanilang mga naging karanasan at hamon at nagkakaisa rin ang mga ito sa
pagpapatunay na epektibo at magagamit nang lubusan ang Filipino sa pagtuturo ng anumang
kurso sa humanidades at agham panlipunan kung magpupursige lamang at huwag tamarin dahil
sa mga nakaaambang hamon at kakulangan.
Upang makita ang kawalang basehan ng mga basehang ito makikita sa Talahanayan 5.1
ang ilang artikulo, riserts at mga tesis at disertasyon sa agham panlipunan, sining at
humanidades na gumamit ng Filipino.
Ang inklusibong edukasyon ay tumutukoy sa kagustuhang malampasan ang mga hadlang sa partisipasyon
at pagkatuto ng lahat ng mga mamamayan sa paaralan – anuman ang kanilang wika, politika na panindigan o uring
kinabibilangan. Upang matamo ito, mahalaga ang papel na ginagampanan ng inklusibong wika. Kung kaya, layon ng
pag-aaral na suriin ang paggamit ng inklusibong wika sa Filipino ng mga guro sa Paaralan ng Edukasyong Pangguro
ng Saint Louis University, Baguio City. Ginamit ang deskriptibong pamamaraan upang makuha ang mga datos mula
labing-anim na respondent. Lumabas sa resulta ng pag-aaral na ang paggamit ng mga guro ng inklusibong wika sa
Filipino ay kalimitang ukol sa katawagan sa kapansanang pisikal at mental. Natukalasan ding nangungunang salik
ang ugnayan ng wika at kultura sa paggamit ng inklusibong wika tungo sa pagpapatupad ng inklusibong edukasyon.
Sa huli, ang mga mungkahing pamantayan mula sa mga guro ay nagbibigay ng pansin sa lahat ng domeyn ng
holistikong pagkatuto gaya ng pagkakaroon ng kaalaman, pagpapahalaga, at pagsasagawa. Samakatwid, kailangang
bigyang-pansin ang ugnayan ng wika at edukasyon sa pagtamo ng inklusibong edukasyon sa lahat ng aspekto at
larangan.
Ang mga Subanen ay isa sa mga etnikong pangkat na naninirahan sa Zamboanga Peninsula. Isinagawa ang
pag-aaral upang malaman ang lingwistikong pagkakaiba sa wikang Subanen na ginagamit sa Lapuyan, Zamboanga
Del Sur at sa Sindangan, Zamboanga Del Norte. Kinalap ang mga katawagang kultural sa siklo ng buhay,
pangkabuhayan, at pananampalataya sa pamamagitan ng pamamaraang indehinus nina Santiago at Enriquez.
Sinuri ang mga ito gamit ang kwalitatibo, kwantitatibo at deskriptibong pamamaraan. Sa huli, natuklas na ang
dalawang dayalek sa Subanen ay may varyasyonal leksikon, morpolohiya, at ponolohiya.
Pagpapahalaga:
Pangalan:______________________________________ Marka:______________
I. Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag at tukuyin kung Tama o Mali ang
ideyang ipinararating ng bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung valid ang ideya ng pahayag at
MALI naman kung hindi. Sagutinsa ½ napahaba na papel.
__________________ 1. Ang pagsasaling pampanitikan ay higit na kultural an lapit kaysa
pagsasaling teknikal sapagkat ang buhay at tradisyon ng mga tao ang sinasalamin ng mga
akdang isinalin dito.
__________________ 5. Teknikal ang siyentipiko ang naging tuon ng mga pagsasalin noong
panahon ng mga Espaῆol.
__________________ 8. Hindi sapat ang wikang Filipino upang maipaliwanag ang ilang mga
konsepto at termino sa larangan ng Humanidades at Agham Panlipunan.
__________________ 10. Sa teorya ng pantayong pananaw, mahalaga ang wikang Filipino para
sa paglinang ng sariling kultura at kasaysayan para sa mga Pilipino.
Wakas
Gabay sa Pagtalakay;
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa isang buong papel.
2. Sa mga klase mong Ingles ang pangunahing gamit bilang midyum ng instruksiyon,
posible bang gamitin ang Filipino sa mga ito? Ano ang mga konsiderasyon kaya ang dapat
mong isaalang-alang o ng guro bago simulan ang paggamit nito?
5. Sa iyong palagay kung magamit ang Filipino sa mga diskursong intelektwal, may
pakinabang ba ang mga gumagamit nito o ang komunidad na kanilang kinabibilangan sa
aspektong kultural, ekonomiko, political o sosyolohikal? Ipaliwanag.
Ang teorya ay wika dahil ito ay gumagamit, lumilinang ng mga salitang ‘di payak at
nakikipagtalastasan para maunawaan at mailapit ito sa iba’t ibang tiyak na panukat, domeyn at
kaligiran ng pananaliksik.
Hindi uunlad ang teorya at pagteteorya sa Araling Filipino kung hindi wikang Filipino ang
gagamitin, liban nalang sa kung nasa ibang bansa na iba yong pananaw ang ginagamit o
Filipinong nasa Ingles ang kinalulunalan nila. (Nuncio at Nuncio, 2004).
Sa kabanatang ito ay tatalakayin ang mga teoryang akma sa araling P/Filipino at sa pag-aaral ng
lipunang Pilipino. Ilan sa mga ito ay ang Panatayong Pananaw ni Zues Salazar, Sikolohiyang
Filipino ni Virgilio G. Enriquez, Marxismo ni Karl Marx, Teoryang Dependensya at iba pang
nakaugnay rito.
Ang Marxismo ay isang kalipunan ng mga sosyolistang doktrina na itinatag nina Karl
Marx at Friedrich Engels na may matibay na paniniwalang ang kapitalistang lipunan ang tunay
na dahilan ng paghihirap ng mga tao.
Habang yumayaman ang mga kapitalista ay lalo naming naghihirap ang mga manggagawa.
Sosyalismo – isang uri ng lipunang pagmamay-ari ng mga mamamayan nito at ‘di nga
mga naghaharing uri lamang.
Nais ng mga Marxista ang isang klasles na lipunang may tunay na kalayaan,
pagkakapantay-pantay at katarungan. Sa lipunang yaon ay wala nang mainiil (Timbreza, 2002)
Ayon kay Timbreza (2002), sa konteksto ng lipunang Pilipino, ang Partida Komunista ng
Pilipinas o Communist Party of the Philippines at National Democratic Front ang mga
nagtataguyod ng ilang simulain at pag-aaral ng Marxismo.
Bilang teorya, ito ay magagamit sa mga paksang pananaliksik na may kaugnayan sa:
1. Migrasyon at diaspora
2. Karahasan sa mga kababaihan
4. Kahirapan
5. Globalisasyon at iba pa
◦ sabi ng mga dayuhang propesor na walang sariling sikolohiya ang mga Pilipino at
ikinagalit ito ni Enriquez.
Sikolohiya
Ang kapwa ng mga Pilipino ay ibang-iba sa Ingles na others sapagkat ang kapwa ay ang
pagkakaisa ng sarili at ng ibang tao o others.
Pakikisalamuha/Interaksyon
Pakikilahok/Pagsama/Pagsali
Pakikibagay/Pagsunod
Pakikisama/Pakikiayon
Pakikisangkot/Pakikialam
Pakikiisa/Pagkakaisa
Halimbawa:
Ang salitang hiya, hindi naman ito nangangahulugan ng shame sa wikang Ingles sapagkat
nababago ang kahulugan nito batay sa kultural na konteksto at pamamaraan ng paglalapi
Halimbawa:
Iba na ang kahulugan ng salitang nakakahiya, kahiya-hiya, hiyang-hiya, ikinahiya, ikahiya, hiyain,
manghiya, nakahihiya, mahiyain at walang-hiya.
Nariyan din ang pagkakaiba-iba ng kahulugan ng mga salitang may kaugnayan sa salitang loob
Halimbawa:
Marami ring sikolohikal na konseptong katutubo ang mga Pilipino na mahirap tumbasan o isalin
sa ibang wika.
Halimbawa:
Halimbawa:
Ang pamasok-butas na nangangahulugan ng pagbibigay ng ideya na ang isang tao ay hindi ang
unang dapat na nasa kanyang kinalalagyan at dahil sa ‘di napwede ang nauna ay siya na ang
nakuhang kapalit.
Bukod sa wika, mahalagang batayan din ng Sikolohiyang Pilipino ang kinagisnang sikolohiya na
sumusunod:
Samantala, bunsod din ang pagkakatatag ng Sikolohiyang Pilipino ay nabuo din ang maka-
Pilipinong metodo sa pangangalap ng datos na binanggit nina Pe-pua at Marcelino gaya ng:
Pagtatanong-tanong
Pagmamasid-masid
Panunuluyan
Pakikipagkwentuhan
Pakapa-kapa
Samakatwid, akmang gamitin ang pananaw na Sikolohiyang Pilipino sa mga pananaliksik sa
kasaysayan, kultura at wika ng mga Pilipino na nakatuon sa paraan ng pag-iisip at
pagpapakahulugan ng mga partisipant o saklaw ng pag-aaral.
Ang Pantayong Pananaw ay isang maka-pilipinong lente ng pangkasaysayan na binuo ni Dr. Zeus
Salazar na kinilala bilang “ama ng bagong kasaysayan”.
Ayon kay Chua (1989), ang Pantayong Pananaw ay ang pag-aaral ng kasaysayan natin sa ating
sariling perspektiba gamit ang mga konsepto/dalumat at isang wikang naiintindihan ng lahat.
Ito ay mula sa salitang tayo. Ito ay mga kwento at kasaysayan ng Pilipinong isinilaysay ng mga
Pilipino para sa mga Pilipino.
Para sa Pantayong Pananaw, dapat ang pagkukuwento ay nasa wikang naiintindihan ng halos
lahat ng Pilipino – at sa panahong ito, ito ay ang Wikang Filipino.
Ayon kay Salazar (1997), magkakaroon lamang ng pantayong pananaw kapag gumagamit ang
lipunan at kalinangan ng Pilipinas ng mga konsepto at ugali na alam ng lahat ang kahulugan na
magiging talastasang bayan.
Layunin ng teoryang ito na tugunan ang rasismo, patriyarkang lipunan, opresyon ng lahi, at iba
pang uri ng diskriminasyong lumilikha ng ‘di pantay na pagtingin sa kababaihan.
Ayon naman kay Dr. Olena Hankivsky, ang Intersectionality bilang teorya ay nakabatay
sa paniniwalang ang buhay ng tao ay multidimensyonal at komplikado.
Sinabi rin ni Symington na ito ay nag-ugat sa prinsipyong ang tao ay nabubuhay sa multi-
layered identities na nagmula sa pakikipag-ugnayan at nakaugat na kasaysayan. Ipinaliliwanag
ng teoryang ito na ang tao ay bahagi ng higit pa sa isang komunidad na maaaring makaranas ng
pribelehiyo o opresyon nang magkasabay.
Sa pagsusuri ng Intersectionality bilang teorya, layunin nito naipakita ang mas makahulugang
pagkakaiba at pagkakatulad ng bawat tao upang malagpasan ang diskriminasyon upang tunay
na maramdaman ang karapatang pantao.
Kung gayon, magagamit ang teoryang ito sa mga pananaliksik na umiikot sa kalagayang babae
sa iba’t ibang setting.
1. Midyum
2. Konteksto
3. Kontent o Anyo
4. Aktor
5. Manonood
4. Ito ay intersubjective.
G. TEORYANG DEPENDENSYA
Ito ay ipinakilala ni Raul Prebisch na noon ay director ng United Nations Economic Commission
for Latin America.
Ayon sa pagsusuri, kapalit na patuloy na pagyaman ng mga mayayaman nang mga bansa sa
mundo ay ang patuloy na paghihirap ng mga maliliit, mahihirap at walang kalaban-labang mga
bansa bunsod ng mga ‘di makatarungang polisiyang pang-ekonomiyang nararanasan mula noon
hanggang sa kasalukuyang panahon,
Ito ay tinatawag ding Dependensya sa Dayuhan. Ito ay ginagamit upang ipaliwanag ang
pagkabigo ng mga ‘di industrialisadong bansa na magpaunlad ng ekonomiya sa kabila ng mga
puhunan mula sa mga industrialisadong mga bansa. Ang sentral na argumento sa teoryang ito
ay: Labis ang ‘di pagkakapantay-pantay ng ekonomiyang pandaigdig sa distribusyon ng
kapangyarihan at yaman bunga ng kolonyalismo at neokolonyalismo. Ito ang naglalagay sa
maraming bansa sa posisyon ng dependent o umasa.
Katulad ng nabanggit na, kaugnay ng teoryang ito ang konsepto ng kolonyalismo. Ayon kay
Crossman (2018). Inilarawan ng kolonyalismo ang ablilidad at kapangyarihan ng mga
industrialisado at nangungunang bansa na epektibong manakawan ng mahalagang resorses ang
kanilang mga kolonya tulad ng lakas-paggawa at mga natural na element at mineral. Sa kabilang
banda, ang neokolonyalismo ay tumutukoy sa pangkalahatang dominasyon ng mga
makapangyarihang bansa sa mga banang ‘di mauunlad kasama ang kanilang mga kolonya sa
pamamagitan ng panggigipit at opresibong rehimeng political.
Sinasabi nga ng Teoryang Dependensya na hindi tiyak na ang mga umuunlad na bansa ay
magiging industriyalisadong bansa kalaunan kung sila’y susupilin ng mga pwersang panlabas na
epektibong nagpapatupad ng dependensya sa kanila kahit pa sa mga batayang pangangailangan
sa buhay. Halimbawa ang bansang Africa na tumatanggap ng bilyong dolyar na utang mula sa
mayayamang bansa mula 1970 hanggang 2002. Nagkapatong-patong ang interes ng mga utang
na iyon. Bagama’t nabayaran na ng Africa ang kanilang utang ng kanilang mga lupain, may
bilyong utang pa rin ang Africa upang mamuhunan sa kanilang sariling ekonomiya at pag-unlad
ng tao. Malabo nang umunlad pa ang Africa liban nalang kung patatawarin ang interes ng mga
makapangyarihang bansang nagpapautang upang tuluyan nang mabura ang utang ng Africa
(Crossman, 2018). Hindi ba parang pamilyar sa atin ang kwentong Africa?
IV. PAGTATAYA
Panuto: Talakayin ang mga sumusunod na gabay na katanungan. Isulat ang iyong/inyong
kasagutan sa isang buong papel.
2. Ano-ano ang mga teorya o pananaw sa pananaliksik na akma sa lipunang Pilipino? Ano-
ano ang batayang premis at esensya ng bawat isa? At paanong ang bawat isa ay masasabing
akma sa lipunang Pilipino?
3. Ano-ano ang iba pang teorya o pananaw sa pananaliksik na akma sa lipunang Pilipino?
Ano-ano ang batayang premis at esensya ng bawat isa? Bakit at paanong ang bawat isa sa mga
iyon ay masasabing akma sa lipunang Pilipino?
V. KARAGDAGANG GAWAIN