Fildis Modyul 4
Fildis Modyul 4
Fildis Modyul 4
Introduksyon:
naisalin ng katesismo na
pinagpapalaman nang
Ang mahusay tna paraan ng paggagamot ayon kay Tissot na salin ni Michael
Blanco (p.140; at ang Manga Panalanging pagtatagobilin sa caloloa ng
taoung naghihingalo ni Gaspar Aquino de Belen mit (p.15). Ang dalawang
huling nabanggit na mga akda ay ukol sa paggamot sa pisikal na
karamdaman at sakit ng kaluluwa.
mayayaman ay nakakapag-aral.
Sa katunayan, nagpadala
Di tulad ng Spain, itinuro rin ng mga mananakop ang kanilang wika ang
Ingles. Dahil dito yumabong at yumaman ang panitikang Filipino sa wikang
Ingles. Ngunit upang lalo pang maunawaan ng mga Pilipino ang mga
panitikang ito, naging aktibo rin ang pagsasalin sa panahong iyon. Maraming
naisaling mga tula, dula, maikling kuwento, nobela at sanaysay mga popular
na anyong pampanitikan.
Marami namang mga dula na mga obra mestra ang naisa-Filipino rin.
Kabilang sa isinaling mga dula ang Noli Me Tangere ni Sofronio Calderon,
1906; Ang Hampas Lupa ni Julian Balmaceda, 1916; Ang Masayang Balo ni
Patricio Mariano, 1916; at Mga Artistang Sampay-Bakod,1919; Ang mga
Anak ni Sisa, 1929, ni Godofredo; at ang Konde sa Montecristo, 1932 ni Jose
Maria Rivera. ito’y mga dulang galing sa iba’t ibang panig ng mundo.
Patunay ang mga pagsasaling ito na ang buhay ng mga Pilipino ay katulad
din ng mga melodrama sa mga akdang ito.
Ang Greater East Asia Co- Prosperity na may islogang Asyano para sa
Asyano ang propagandang ibinandera ng mga Hapones upang lalong
mahikayat ang mga Pilipino sa kanilang mga panukala. Bagama’t laganap
ang himagsikan noon, patuloy pa rin naman ang pagyabong ng edukasyon.
Pinasidhi ang paggamit ng wikang Tagalog o Pilipino at sinikap na alisin ang
wikang Ingles.
Ilang piling sanaysay rin ang naisalin sa Filipino. Kabilang dito ang
Kautusang Panloob sa mga Manggawa sa Arsenal, 1942; at ang Si
Barrentes at ang Dulaang Tagalog, 1943 ni Julian Balmaceda.
Narito ang ilang mga akdang naisalin na at ang mga tagasalin ng mga ito –
mula tula, dula, maikling kuwento, nobela at sanaysay. Ilan sa mga tulang
naisalin sa kontemporaryong panahon ang: Sa Hardin ng mga Tula, 1949, ni
Rufino Alejandro; Ang Malawak na Hapag ni Alberto Alejo; Bukangliwayway
sa Dibdib ng Aprika ni Virgilio Almario; at ang Huling Paalam ni Jose Sevilla.
Ang mga tulang ito ay may ibaibang paksa na kumakatawan sa puyos na
damdamin ng mga tao at ng lipunang kanilang ginagalawan sa isang
takdang panahon. Kabilang naman sa mga piling mga dula ang isinalin sa
Filipino. Ilan ang New York sa Tondo ni Marcelino Agana; Anim na Tauhang
Naghahanap ng Isang Mangangatha ni Lilia Antonio; Harutan ni Belinda
Guttierez; at ang Balong Masaya ni Jose Victor Torres. Ang mga ito ay
sumasailalim sa realidad ng buhay ng mga Pilipino at iba pang lahi sa
mundo. Marami mga dulang dayuhan ang itinanghal sa mga teatro sa
bansa, ngunit lahat ng mga ito’y nakasalin na sa Filipino.
Talahanayan 5.1
Mga Pag-aaral
Daluyan 12:1