Inwf Pinal Lagumang Pagkatuto

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO

 Ang wika ayon kay G. Lumbera bilang pagpapahalagang Filipino, ito ay nasa lahat ng dimensiyon ng
kultura

 May graduwadong programa sa Ph.D. Filipino sa UP na ang isang erya ay Pagpaplanong Pangwika.
Sinimulan ito noong 1989.

 Masasabing ang pag-aaral sa pagpaplanong pangwika sa Filipinas sa kalahatan ay nasa yugto ng pag-unlad
bagama't hindi pa sapat dahil hindi pa gaanong malaawak at malalim ang mga pag-aaral dito dahil na rin sa
hindi pa gaanong nagkainteres sa larangan.

 Kung uunawain ang pahayag na ito, “Nasa lahat ng aspekto ng kultura ang wika” ito ang naangkop na
kahulugan, “Sadyang hindi mapaghihiwalay ang wika at kultura. Kinakatawan ng wika ang mga produkto,
praktika, tao, pamayanan, pananaw na bumubuo ng kultura. Produkto rin ng kultura ang wika ngunit may
natatangi itong tungkulin sa kulturang ito.”

 Suliranin ang di kabilang para sa kinatawan ng wika mula sa produkto, praktika, at tao.

 Para tukuyin at iorganisa ang mga produkto ang mga miyembro ng kultura ay lumilikha at gumagamit ng wika.

 Bilang rekomendasyon, nababagay para sa Mahalaga sa pag-aaral ng pagpaplanong pangwika sa Filipinas.


“Huwag ikompara sa mga bansang halos may kahawig na mga karanasang kolonyal at historikal.”

 Intelektwalisasyon ang tawag sa mas mataas na antas ng pag- unlad ng isang wika paris ng naaabot ng wikang
Ingles, ang wikang kakompetensiya.

 Ang pragmatikong pananaw ay ipinahayag ni Prop. Leslie E. Bauzon, na nagsabing dahil wala pa namang
matatawag na "Filipino social science methods.

 Ang Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (DAPP), ay nangunguna sa mga Departamento ng


Linggwistiks, Kasaysayan, Sikolohiya at Sosyolohiya. Sa kasaysayan, parehcng 96 % porsyento ang gigamitan
ng Filipino sa mga seksyon ng Kasaysayan I at Sibilisasyong Asyano, pati na rin sa mataas na antas.

 Tungo sa pagbuo ng teoryang magmumula sa kaisipan ng mga Filipino at hinugot sa kung saang tradisyong
inihaharap ni Salazar ang pantayong pananaw bilang pasok sa pagbuo ng diskursong Filipino.

 Para kay Abueva, hindi isyu ang intelektwalisasyon ng wika. Malakas ang aking paniniwala na walang wikan
nananatiling salat kung gagamitin ito hindi lamang sa pangaraw-araw na buhay kundi sa diskurso at iba pang
larangang pang-intelektwal.

 Mula sa marami pang konsepto ang katarungan ang higit na makapagpapaliwanag ng pagkataong Filipino
kagandahang loob at karangalan.

 Upang mailarawan ang pagsasa-Filipino ng diskurso sa agham panlipunan at sa iba pang sangay ng
karunungan tungo sa pagbuo ng iisang diskursong pangkalinangan kailangang tanglawan ng pantayong
pananaw.

 Ang pinakamabuti o maayos na paglalarawan sa pagtanaw para sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino,


agham panlipunan at sa iba pang sangay ng karunungan ay ang mas puspusang paglaganap ng paggamit ng
wikang Filipino sa edukasyon, gobyerno at negosyo.

 Ang Pakikibaka gawain para itampok ang kaisipang Filipino at ang orihinal dito, at marinig ang mataginting na
tinig ng Filipinong intelektuwal na mahigpit na nakaugnay sa kanilang bayan ay mahalagang sangkap ng
mithiing kalayaan ng bayan?
 Nais ni Arlene na mapahalagahan ang implikasyong pampulitika, kaya ang dapat niyang gawin palaganapin
ang ganitong pananaw sa hanay ng mga dalubhasa sa mga pag- aaral.

 Dekada ’70 nagsimula ang tatlong pagsisikap na para baguhin ang ng pambansang wika.

 Dahil sa dami ng mga letra binansagan ang taong 1976 bilang pinagyamang alpabeto.

 “Modernisasyon ng Alpabeto ng Wikang Pambansa” Surian ng Wikang Pambansa ang unang hakbang tungo
sa pagrereporma ng ispeling.
 Kung bubuuin o pasisimulan ang rebisyon ng orihinal na wikang pambansa upang buksan ito, alin ang
mapapabilang sa pagpasok ng bokabularyo, gramatika, sintaks, at mga letra ng mga kapatid na wika galing sa
iba't ibang rehiyon sa iba't ibang grupong etniko.

 Umusbong na sangay ng APP na nauukol sa natural, likas na pag-unlad delibereyt at sinadyang paglutas at/o
pagdulog sa mga problema sa wika lalo na sa aspekto ng pagbuo ng desisyon at palising linggwistik,
kodipikasyon, elaborasyon, estandardisasyon, implementasyon, ebalwasyon, at maging ng ekonomiks nito.

 Nakatuon ang PPF sa layunin, gamit at gampanin ng wikang pambansa ng Filipinas lalo na ang wikang Filipino

 May layunin, gamit at gampanin ng wikang pambansa ng Filipinas lalo na ang wikang Filipino.ang dapat o
naaangkop na depenisyon ukol sa Pagpaplanong Pangwika sa Filipinas (PPF).

 Sa tunguhin at pagpapahalaga ng Pagpaplanong Pangwika sa Filipinas, unti-unting uusbong at sisibol ang wika
ang maaaring maging resulta?

 Sa pag-usbong at paglinang sa Aralin sa Pagpaplanong Pangwika (APP). Lalo pa itong nalilinawan,


nagkakahugis, at nagkakadireksiyon.

 Kung tutukuyin base sa paradaym na nabanggit na apat na komponent APP ang depenisyon di maituturing na
kabilang sa erya nito.

 Para mabuo ang typology ay nakatuon sa lapit at metodo sa pagdulog sa na mga problema at pagtatrato dito
gayundin sa mga paksa, at ng penomenon sa PP, may paraan sa pagpoproseso, pag-uuri at pagsasama-sama
ay ang pagleleybel ng mga kaalamang nagkalat.

 Malinaw ang batayang anti-kolonyal sa nasyonalismong pinasimulan ng himagsikang Filipino, at ang mga
pangunahing kaisipang gumabay sa kilusang ito, gaya ng "Kartilya" ng Katipunan ni Emilio Jacinto, ang
"Katapusang Hibik ng Filipinas" at "Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog" ni Andres Bonifacio.

 Sa ilalim ng militaristikong pananakop ng mga Hapon, ipinagpatuloy ang armadong pakikibaka ng mga
Hukbalahap at kilusang gerilya. Ang mga tula at awit ng moa Huk, pati na ang mga pagsusuring panlipunan.

 Ang pakikibakang anti-kolonyal din naisakatuparan ang kilusang inilunsad ng mga Colorum noong1920’s.

 Ang mga Batas Payne noong 1909 at Underwood Simmons noong 1913 ang mga nagsakatuparan ng
paglalaan sa pamilihang Filipino bilang gonap na nasa ilalim ng kontrol ng dayuhang mananakop. sa ilalim ng
kalakalan, ang mga mangangalakal at mamumuhunang Amerikano.

 Ang liberalisasyon, deregulasyon, at pagsasapribado ng mga kompanya na makikita sa kasalukuyang


pamahalaan ay pagpapatuloy lamang at pagpipino ng mga naunang patakarang ang patutunguhan ay ang
tuluyang integrasyon ng kabuhayan sa Pandaigdigang sistema na ginagabayan ng kapital.

 Nagkaroon ng panlipunang dimensiyon ang mga may kakayahan sa wikang ito sa pamamagitan ng pagtingin
sa kaalamang akademiko at tradisyong intelektuwal na nasasambit sa Ingles bilang higit na katanggap-tanggap
kaysa sa mga nabanggit sa lokal na wika kaya malinaw na sa pananakop ng Amerika, ay may institusyon sa
pagpapalaganap ng kolonyalismo.

 Matapos ang pormal na pagbibigay ng kalayaan sa Filipinas noong 1946. Ang pagkakaroon ng matibay na
pundasyon ng industriyalisasyon ang naging kalakaran sa kabuhayan ang di maaaring maibilang na datos.

 Upang mapabilis ng pagsasakatuparan nito at ang lawak ng nasasaklawang estrukturang panlipunan sa labas
ng estrukturang pangkabuhayan pati na ang pagkaSuson-suson ng implementasyon nito sa iba't ibang fora na
rehiyunal, multi-rehiyonal, at internasyonal ang ilan pa sa mga kapuna-punang katangian nito.

 Mahalagang linawin ang ilan sa mga naging epekto ng ganitong kalagayan sa ating lipunan. Ang globalisasyon
ng paggawa ang nagbunga ng dalawang magkaugnay na kalagayan sa mga manggagawang Filipino kaya
naman magkakaroon ng maraming mga manggagawa
 Sa katangiang nakikihamok, mahalagang bigyang pansin na ang katangiang makikita sa lahat ng mga
nabanggit na kilusan ay ang pagtantiya nila sa kalagayan ng kaunlaran ay matatamo sa pamamagitan ng
pagpawi ng dominasyon ng mga dayuhan sa sariling bayan
 Para maipakita sa maikling paglalahad na ang kasaysayan ng pakikibaka ng mga mamamayan para sa
nasyonalismo nararapat na may pakikibaka rin ng mga mamamayan laban sa dominasyon ng mga dayuhan.

 Bilang isang halimbawa ng pamumuno, naipahayag sa sariling wika hindi lamang bilang tagapagtaguyod ng
lokal na kaalaman kundi bilang tagapagdaloy din ng kaalaman ukol sa kaunlaran kailangang kilalanin ang
papel
ng pagpapalawak ng kaalamang bayan.
 Sa taong 1975, ay nakapagsimula na si Enriquez at Santiago ng pagpapatunay kaya ng Filipinong
mananaliksik na makabuo ng modelong Filipino.
 Binigyan ang wika para Pagbibigay-kahulugan ng datos o impormasyong ibubunga ng paglalarawan ng
penomenong pangkultura sa pamamagitan ng: Ang magiging batayan sa pagbuo ay mga interpretasyon o
kahulugan.

 Mangyayari ang tunay na intelektuwalisasyon kapag ang wika ay gagamitin ng mga Filipinong intelektuwal at
iskolar sa pag- iisip.

 Matutukoy ang ibig sabihin ng Wika ng Pagtugon matapos ang interpretasyon o pagbuo ng mga kahulugan sa
pamamagitan ng kailangang gabayan ang mga estudyante na magpahayag ng mga tugon sa penomenong
pangkultura.

 Sa mga sumusunod: pagpuna, paghuhusga at pagtatanggol ang pagpapaunlad di kabilang sa mga funsiyon ng
wika.

 Ipinaliwanag ang direksiyon ng pagsasa-Filipino ng Agham Panlipunan, dapat na nakatanaw sa pagbubuo ng


teorya at metodong bunga ng kaisipang Filipino.

 Ito ang patunay na nasa panahong dinadaluyong ang institusyon ng edukasyon ng mga pagbabagong hatid ng
programang K-12 at ng CHED Memorandum 20, kumikilos nang ginagabayan ng mga pananaw na tunay na
nagsasaalang-alang sa kapakanan ng sambayanang Filipino.

 Bilang mag-aaral at isa sa mamamayang Pilipino paano mo dapat isabuhay ang paggiling o pag-usad ng
Intelektwalisasyon, gamitin ang wikang Filipino sa iba't ibang disiplina ng agham at Agham Panlipunan.

 Ayon kina Feliciano 1965, Espiritu 1968, at David 1977, namalayan na ang ilang Filipinong dalubhasa noon
pa mang huling hati ng dekada sisenta ay ilang problema at pulitika ng malaganap na oryentasyong kanluranin
ng Agham Panlipunan.

 Bilang isang mamamayang Pilipino, kung hindi mangyayari ang intelektwalisasyong natural. Mananatili ang
kasalukuyang kalakarang pagsasalin lamang ng salitang banyagang naghayag ng konsepto.

 Ang pagbabago sa alpabeto at mga tuntunin sa paggamit nito ay bunsod ng pagpapaunlad at pagpapalaganap
ng pambansang wika.

 "Pinasimpleng alpabeto" tinanggal sa dati ang mga digrapo o kambal-katinig na ch, Il, sa katwirang ang mga
letrang c, h, l, r, a.

 May 28 letra pa rin sa 2001 alpabeto, walang idinagdag, walang binawas ang pinaka-angkop na katangian ng
Pinakahuli sa mga pagbabagong 2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling Komisyon sa wikang
Filipino.

 Kung makikipagtulungan ka bilang isang mamamayan ng bansa, ang dapat mong gawin para sa pagbabago
ng alpabeto, dapat samahan ng angkop na rebisyon sa mga tuntunin sa paggamit ng alpabeto.

 Si P. Alberto Alejo ang gumamit sa teolohiya upang buksan ang wika at alamin ang mga pagpapahalagang
relihiyosong nakatinggal dito.

 Ang Pilipinolohiya ay sistematikong pag-aaral ng Pilipinong kaisipan, Pilipinong Kultura at Pilipinong lipunan.

 Mala- Tagalog ang unang naging anyo ng wikang pambansa, bagay na kaya sa kalaunan ay tinutulan ng taga-
ibang rehiyong may sariling wikang kaututubo na ipinalagay nilang pinapatay ng wika

 Bilang papel ng mga edukador sa Pagtuklas ng Kaalamang Pangwika, ito ang nararapat nilang gawin ang pag-
aralan ang wika bilang palalaganapin sa pamamagitan ng mga paaralan, at pakikipagtalastasan.

 Di- umano, lubhang humihina ang kakayahan ng mga kabataan sa paggamit ng wikang Ingles. Bentahe raw ng
mga Filipino sa kompetisyon para sa trabaho sa labas ng Filipinas maliban sa buksan ang teritoryo ng Filipinas

 Ang naangkop para sa Produkto ng lipunang Filipino ang Wikang pambansa ay nakalangkap dito ang kultura
ng mga taong gumamit noon at gumagamit ngayon nito sa kanilang pakikipamuhay sa ibang tao.

You might also like