Malikhaing Pagsulat Ko

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ROMA D.

FALLARCUNA

MALIKHAING PAGSULAT

Gumawa ng narrative ukol sa paborito mong akda

1. Anong mayroon sa akda na wala sa ibang akda na nabasa ninyo na? Bakit nyo nagustuhan

“UNIPORME”

-Isabel L. Torre
Bachelor of Arts Ib Psychology sa PNU, Literary Competition
Ikalawang Karangalan -Pagsulat ng Maikling Kwento
Ika-10 Gawad Pampanitikan ng The Torch
Unang Gawad Genoveva Edroza Matute

-Ang akdang uniporme ay tumatalakay sa isang bata na kapos sa buhay ngunit sa kabila noon ay hangad niya na
makapag-aral. Bagama’t ganoon ang sitwasyon ay gumawa siya ng paraan upang makamit niya ang hinahangad niya
kapalit man ay ang buhay niya.

-Masasabi ko na wala naman ito ipinagkaiba sa ibang akda na binasa ko ngunit ang kaibahan lang may pagka tragic
sapagkat humantong ito pagkasawi na hindi man lamang nakakamit ang simple kagustuhan niya.

-Nagustuhan ko ang kwentong ito sapagkat una ko itong nabasa ay noong nasa High School pa lamang ako at alam ko na
walang kakayahan na matulungan ako ng mga magulang ko pagdating sa pinansiyal na pangangailangan kaya’t
nakipanuluyan ako sa ibang bahay para sa makapagtapos ng pag-aaral at makamit ko ang pangarap ko bagama’t naging
magkaiba ang naging kapalaran ko sa tauhan sa kwento.

2. Ano ang istilo ng awtor

ISTILO -paraan ng pagpapahayag ng manunulat sa kanyang akda


Maaring maipakita sa:
-PAGGAMIT NG WIKA
Isa sa mga naging istilo ng manunulat ay pagpili ng mga salitang mauunawaan ng mga mambabasa gayundin ay hindi
minadali ang mga pangyayari sa halip ay naging detalyado ang bawat pangyayari. Karagdagan ay paggamit ng
paglalarawang salita na nakatulong upang maunawaan ng mga mambabasa
-PARAAN NG PAGLALAHAD
Ang paglalahad ng kwento ay kronolohikal o sunod-sunod. Nagsimula sa simpleng pangarap na magagawa rin niya
katulad ng mga batang pumapasok sa paaralan hanggang sa huling bahagi na muntik na niyang maabot ang kanyang
simpleng pangarap.
-TONO
Saloobin ng akda sa kanyang isinulat. Sa Kwento ay samu’t sari ang tono ng kwento sapagkat makikita ang kasiyahan,
kalungkutan ng tauhan sa kwento na base sa bawat pangyayari.

Tukuyin ang mga estilong nagustuhan ninyo. Kung kayo ang magsusulat, gusto nyo ba ang estilong ito?
Maiimpluwensyahan ba kau ng estilo ng akda kung kayo ang magsusulat?

 Masasabi ko na lahat ng estilong napansin ko na maaring nagamit ng may-akda ay nagustuhan ko sapagkat


umakma naman ito sa kahingian ng kwento at pagkaunawa ng mambabasa katulad ko. Nagustuhan ko ang estilo
na ginamit ng may akda ngunit kung ako ang suuslat ay hahanapin at aalamin ko kung ano ba ang estilo na
nababagay at aakma sa kagustuhan ko na masasalamin sa katauhan ko.

Aktibiti #2

Gumawa ng sariling kwento

“Ang Munting Pangarap”

“Bahala na kayo diyan, aalis na ako."Isang tinig na hanggang ngayon ay hindi malilimutan ng batang si Eno. Simula
nang siya'y magkaisip ay alam na niyang tuluyan na silang iniwan ng kanilang ama. Musmos pa lamang ay danas na niya
ang kahirapan ng buhay.Ang kanyang ina na si Aling Letlet ay isang mangangalakal ng gulay at prutas sa palengke.
Madaling araw pa lamang ay gising na siya kasabay ang kanyang ina upang tumungo sa bayan."Nay, hindi na po ba talaga
babalik si tatay?" ang bigla niyang natanong."Ano ba?!, pwede ba tigilan mo ako katatanong sa ama mo!, paasik na
tanong naman ng kanyang ina.Malungkot at halos maiyak siya ngunit sa takot sa ina na mapagalitan ay pinigilan niya ito.
Mabait naman ang kanyang ina ngunit pagnababanggit ang ama nito ay biglang tumataas ang dugo sa ulo.

Isang araw ay may dumating na malayong kamag-anak ang kanyang ama si Ereneo. "Rene, ang mahinang pagsisimula
ng kanyang ina."Alam mo ba kung nasaan naroon si Badong? ang tanong nito. "Ay oo, Anti, sa Quezon, pero mahirap
makarating don dahil isla iyon" ang paliwanag naman nito. "Ibigay mo sa akin ang adres, gusto ko siyang puntahan"ang
sabi naman ng kanyang ina. Lingid sa kanilang kaalaman ay nakikinig si Eno sa kanilang usapan. Gustuhin man niyang
sumali sa usapan ay alam niyang kagagalitan lamang siya ng kanyang ina."Gusto kong dalhin sa kanya ang anak namin,
gusto kong mabuo muli ang pamilya namin" ang pagpapatuloy ng kanyang ina.Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa
hanggang sa makatulog naman na siya sa lapag kapapakinig sa usapan. Kinaumagahan ay maagang bumangon si Aling
Letlet ginising niya ang anak na si Eno sapagkat isasama niya ito sa Quezon upang makita na nito ang ama. Alam niya
kung gaano kagusto na makita at makasama nito ang ama."Inay saan po tayo pupunta?" ang ng pupungas-pungas pang
bata, "Basta, alam ko na ito ang nais mo, ayaw ko na ipagdamot kung ano ang ninanais mo". Napangiti si Eno na parang
alam na niya ang nais sabihin ng kanyang ina.

Nakarating sila sa piyer ng barko papunta sa islang sinasabi ng kanyang tiyo Rene.Makalipas lamang ang dalawang
oras ay nakarating na sila. Napakaganda ng lugar. Halos napaliligiran ng mga puno. Sariwa ang hangin at maamoy din ang
tubig ng dagat. "Halika na" ang putol ng kanyang ina sa pagkamangha nito sa lugar. "Inay, malapit na po ba tayo?, "Oo
anak, malapit na." bagamat hindi ipinakikita ang ngiti nito. Nakarating sila sa isang barangay, "Villa Esperanza, ito na
iyon". Sa isip ng kanyang ina. "Magandang tanghali po, saan po ang bahay ni Mang Malou? "Ay doon ho, tatawid pa ng
ilog. may tulay na kawayan, nag-iisang kubo iyon doon". ang sagot naman sa kanya ng matandang pinagtanungan.
"Salamat ho". ang sagot ng kanyang ina. Hindi niya mawari ang kanyanh nararamdam, kinakabahan siya na natutuwa
ngunit may pag-aalinlangan.

Nang marating na nila ang sinabi ng matanda ay agad na tinawag ng ina niya ang isang lalaki na nakaupo sa kahoy
habang nagbabayo ng palay. Napatigil naman ito at napatingin sa dalawa."Letlet? , Eno?, anak ko".

You might also like