Aiwa
Aiwa
Aiwa
Ang elehiya ay isang komposisyon na nagpapahayag ng pagkalungkot dahil sa pagkamatay ng minamahal sa buhay. Ang istoryang ito ay nagkukwento ukol sa isang estudyante na nagsasalaysay ng kanyang mga napagdaanan at natutunan sa buhay dahil sa kanyang guro sa kanilang eskwelahan. Genevova-Edroza Matute Si Genevova-Edroza Matute ay hindi lamang isang manunulat, siay rin ay isang guro sa asignaturang Filipino sa isang estadong paaralan. Siya ay nagging isang guro sa loob ng apatnaput dalawang taon, mula elementraya hanggang hayskul. Pinarangalan siya ng Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noongPebrero, 1992. Mga Piling Maikling Kuwento ng Ateneo University Press; Ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press. II. Nilalaman a. Mga Tauhan Pangalan 1. Mabuti Paglalarawan (Gampanin) -Ang pinaguusapan sa Kuwento -isang guro Pagsususri sa ugali ng Tauhan Si Mabuti ay isang mabuting guro na bukal ang lob. Siya ay isang ina na mau dinadalang malaking problema ukol sa pagkamatay ng kanyang asawa at pinaplano niya para sa kanyang anak ay ang pagiging isa ring
manggagamot tulad ng kanyang ama. 2. Anak ni Mabuti -Ang isang tao na bibigyan halaga ni Mabuti Hindi nito nakilala ang kanyang ama dahil namatay ito, at binibigyang halaga ito ni Mabuti upang matustusan ang mga pagkukulang ng ama nito sa kanya. - mapagsuring -Si Fe ang nakatuklas estudyante, sa kanyang ng isang malaking guro suliranin ng kanyang guro, na ngayon lang naibahagi sa buong buhay nito.
3. Fe
b. Tagpuan Naganap ang kuwento sa paaralan, na kung saan si Mabuti ay nagtuturo sa mga estudyante. Sa silid aralan, kung saan ibinahagi ni Mabuti ang kanyang kuwento tungkol sa kanyang anak. At sa silid aklatan kung saan lalo ninaganap ang pagkukuwento ng buhay ni Mabuti bilang isang ina. c. Buod Ang kuwento ay tungkol sa isang guro na kung tawagin niya ay Mabuti at sa isang estudyante. Mabuti ang kanyang tawag dahil ito ay madalas bangitin habang siya ay nagtuturo. Siya ay isang pangkaraniwan guro, simpleng manamit at sa kanyang pagtuturo. Natutunan nito ang kariktan ng buhay, sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog. Nakilala lalo ni Fe si Mabuti ng minsan ang nakita siya ng guro na umiiyak sa isang sulok ng silid aklatan, nasabi nito ang kanyang problema at nabigyan siya ng payo. Ngunit naging palaisipan sa kanya ang sinabi ng guro na maging higit na mabuti sana sa iyo ang buhay. Doon niya pinagmasdan ang guro na may itinatagong kapaitan sa buhay ngunit hindi mo makita sa kanyang pagtuturo. Sa silid aralan ay
pinuno nya kami ng maririkit na guni guni sa aming mga isipan at mga tunog an gaming pandinig at dito naming natutuhan ang kagandahan ng buhay. Sa silid aralan ay unti unting ibinabahagi ng guro ang kanyang buhay lalo na ang kanyang anak na babae ngunit hindi nito binabangit ang ama. Isinasalaysay sa kanila ang mga pangarap nito sa anak, ang gusto ng batang maging mangagamot at bigla ay may nagbangit Gaya ng kanyang ama. Doon natiyak ni Fe na may itinatagong lihim ang kanyang guro. Gusto niya itong tulungan gaya ng pagtulong ng guro sa kanya sa silid aklatan. Ang lihim ng kanyang guro na siya ay isang dalagang ina at ang ama ng bata ay iyong mangagamot na nakaburol sa ibang bahay.
III. Pagsusuri A. Kaisipan 1. Sa bahay na hindi na tinitirhan ng batang iyon, doon ibinurol ang
kanyang ama- nagpapahiwatig na magkaiba ang bahay ng ama sa anak, dahil nga naghiwalay na si Mabuti at ang kanyang asawa.
2. Ang pananalig niya sa kaloobanng maykapal sa amin ay walang kabuluhan.- Nagpapahiwatig ito ng kagandahang pisikala ng guro, na kahit ito ay may pinangangahawakang suliraning sa buhay, ay nagagawa niya paring maging masaya sa klase, na isang bagay na ikinalulungkot ni Fe, ang mag-aaral niya. 3. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anakat isang mabuting manggagamot.- sinasabi nito na ang pangarap sa kanayng anak ay maging isang doctor, katulad ng kanyang ama. 4. Ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.sinasaad nito ang pag-asa na meron ang bawat tao, kahit anuman ang suliraning harapin nito.
B. Suliranin Ang suliranin ng pangunahing tauhan na si Mabuti ay kung paano palalakihin ang kanyang anak sa kabila ng paghihiwalay nila ng kanyang asawa at sa pagkamatay nito na hindi kakilala ng anak. Binabangit ito sa kwento, Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpapahayag an gaming guro ng isangh pangamba ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak Gaya sa kasalukuyan, marami sa ating mga magulang na natatakot para sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Marami sa mga ito ay iyong mula sa mga mahihirap nating kababayan na walang ipangtutustos sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Dapat gawin ng pamahalaan na siguruhing na ang mga mahihirap na mga estudyante na mabigyan ng pangunahing tulong sa kanilang pag-aaral gaya ng iskolarship at allowance sa kanilang pag-aaral. C. Kabuuang Pagsusuri Ayon sa aking binasang kuwento, ipinapahayag nito ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat tao. Ang pagiging matapang sa bawat pagsubok ng buhay at pagpapatuloy nito. At ang bawat tao ay may tinatagong mga lihim na maaaring nakakaapekto sa kanilang katauhan, kayay marapat tayong making at umunawa sa bawat isa.
St. Paul College of Makati Kalye D.M. Rivere, Poblacion, Lungsod ng Makati
Ipinasa nina: Jan Aira Tumaliuan Almazan Angela Marie Red Orig Petsa Ng Pagpapasa: Agosto 10, 2011
kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silidaklatan. Ang sulok na iyon,.. "Iniiyakan natin," ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo'y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kuing nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong. . .aming dalawa. At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinsabi. Ngunit, sa tuwina, kasyahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno nya ng maririkit na guni-guni an gaming isipan at ng mga tunog ang aming mga pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay nagging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at ako'y humanga. Wala iyon bdoon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi nagging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na kiaraniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buonmg panahon ng pag-aaral naming sa kanya, Ngunit bumabanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak.. .nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya'y hindi balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki ng mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon niyang baka siya ay hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang sa mga bagay na "pinagtitiisang" pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit niyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa man ay nabubuo na sa akingt isipan ang isang hinala. Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya'y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon niya'y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak at isang mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: "Gaya ng kanyang ama!" Narinig n gaming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya'y nagsalita. "Oo, gaya ng kanyang ama," ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Matitiyak ko noong may isang bagau ngang mali siya sa buhay niya. Mali siya nang ganoon na lamang.n At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang pusoko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, "Oo, gaya ng kanyang ama," habang
tumatakas ang dugo sa kanyang mukha. Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimtan kailanman. Tiningnan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang pagngionig ng mga labi at sinabi ang ganito: "Mabuti.. mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalkungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahn. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin" Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mgan lihim na kalungkutan ay nakakilala ng mga lihim na kaligayahan. At minsan pa, nang umagang iyon, habang untiunting bumabalik ang dating kulay ng mukha niya,muli niyang ipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang kariktan ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay. At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng mbatang iyon marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.