Uhaw Ang Tigang Na Lupa
Uhaw Ang Tigang Na Lupa
Uhaw Ang Tigang Na Lupa
Loco
I. Talambuhay ng Awtor
-Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at
Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong
mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa
telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng
pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino.
A. Tauhan:
Ang dalagita o anak - Tauhang Lapad
Ay siyang nagbukas sa mga papaksain ng mga iba pang tauhan. Kung ating
mapapansin sa pamagat pa lang ng kwento ay may ideya n aka agad tayo
kung ano yung takbo ng kwento, ang pagkauhaw ng anak sa kanyang pamilya.
Hindi nito nararanasan ang saya ng isang tunay na pamilya dahil sa kalagayan
ng kanyang ama at ina. At sa pangunahing tauhan din unang umikot ang
kwento na siyang nagpakilala pa sa ibang tauhan.
Paliwanag: Ang ugali ng anak ay nanatili hangga’t sa nalaman niya ang lihim
ng kaniyang Ama.
B. Tagpuan:
Silid- Aklatan
Patunay: Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang
hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha,
malapad na noo, hati-sa-kaliawang buhok, singkit na mga mata, hindi
katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa
kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na
kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina.
Paliwanag:
Aklatan ang maaring tagpuan ng kwento mapupuna ang mga bagay na
maaaring pinagmulan o mga bagay na tatalakayin sa kwento. Dito ay
matatagpuan ang talaarwan at liham ng ama na ginamit upang buksan ang
ang paksa kung saan matutukoy ang problema o suliranin sa kwento.
Dito din naganap ang mga bagay na di inaasahan, gaya ng mga bagay na
doon lamang nadiskubre ng ama,ina at ng anak na siyang bumasa dito. Kung
hihimaymayin ang parteng ito ng kwento makikita na hindi lamang ang liham
ang binanggit o ipinakita,nariyan din ang ang sobre, larawan, at ang pelus na
rosas. Maaaring mabanghay sa pagkakasunod sunod ang mga
mahahalagang detalye sa tagpuan. (Sobre⇨Liham⇨Pelus na Rosas⇨Larawan)
Sa pagkakasunod sunod na ito sa banghay ng tagpuan ipinapakita ang
pagkakaugnay ugnay ng bawat isa na siya ring nagbibigay ng magandang
daloy sa kwento nakung susuriing mabuti ay may ibang mas malalim na
kahulugan ang bawat isa na inilihim o di agad ipinakita ng may akda upang
magkaroon ng oras ang mambabasa na galugading maiigi ang loob ng kwento
sa pamamagitan palang ng tagpuan.
C.Banghay
Panimula
IIang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos
akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng
kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga
niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…
Tunggalian
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may
ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay
nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: sapagkat ako’y
hindi makalimot.. Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko bigla ang
pagkapoot sa kanya at sa mga sandalingyaon ay natutuhan ko ang
maghinanakit kay Ama.
Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit
marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay,
bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan
sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay
malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan.
Kasukdulan
Kakalasan
Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama.
Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi
pag-idlip, patuloy sa kanyang pahluha kung walang makakita sa kanya...
Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng
isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop
ng kanyang ngipin sa labi.
Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong
niya sa kanyang mga palad.
Wakas
Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, mahal
ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko.
Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi
ko naaming kay Ina ang tinig na yaon: Maaangkin mo na, mahal ko!
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga
labi ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa
pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon:
natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa.
D. Simbolismo:
E. Tema:
“Huwag mong pilitin ang isang bagay kung hindi ito para sa iyo, hindi lang ikaw
ang masasaktan ngunit mas nasasaktan ang mga apektado.”