PAGSUSURI UHAW ANG TIGANG NA LUPA Kriscel

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

FL 115

Panunuring Pampanitikan
Pagsusuri sa Maikling Kwento
“uhaw ang tigang na lupa”
ni liwayway b. arceo

Isinulit ni:
Kriscel A. Impreso
BSEd/Filipino/3C

Isinulit kay:
Bb. Melody G. Agudilla
Guro

Marso 25, 2019


“UHAW ANG TIGANG NA LUPA”
Uhaw ang Tigang na Lupa
ni LIWAYWAY B. ARCEO

I. PANIMULA

Maari tayong makaimbento ng iba’t ibang klase ng pamilya sa paksang uhaw ang tigang na
lupa. Pamilya ang ating kalakasan sa lahat ng bagay sapagkat pamilya lang ang ating malalapit
kapag tayo ay nangungulila sa pagmamahal. Ang pamilya ang isa sa bumubuo ng ating pagkatao
sila ang nagbibigay lakas at inspirasyon sa atin.

Maaaring sa kwentong ito ay malaki talaga ang naging epekto ng pangunahing tauhan sa
kanyang mga magulang na naghahanap ng pagmamahal sa kanilang pamilya. Na lahat nalang ng
bagay at kinikilos ng kanyang mga magulang ay napapansin niya na walang halong pagmamahal
ang kanyang mga magulang sa isa’t isa.

Kasalukuyan marami na tayong naririnig na mga ganitong pangyayari tulad sa kwentong ito
na nagiging repleksyon sa atin ay hindi maganda sapagkat alam natin na ang pamilya ay
kailangan ng isang samahan na masaya na binubuo ng matapat na pagmamahalan na hindi
pinapabayaan ang bawat kasapi ng pamilya.

Ang liham din ang isa sa napakahalaga sa kwento sapagkat dito nila natuklasan ang mga
importanteng bagay na lalong makakasira sa kanilang pamilya na nagkaroon ng ibang karelasyon
ang kanyang ama at ito at patuloy parin niyang minamamahal kahit na sila ang kanilang pamilya
nito na dito na siya lalong nasaktan pati ang kanyang ina.

Alam natin na ang talaarawan ang isa sa mga maituturing natin na ating kapatid sapagkat dito
ay nasasabi natin ang mga gustong nating sabihin isa ito sa nakakatulong satin upang magpagaan
ng kaloob sapagkat dito natin sinusulat ang mga ating sekreto sa buhay na alam natin na tayo
lang ang nakakabasa ang masama nga lang ay ang naging katulad sa kwento na natuklasan ng
anak ang matagal na niyang tinatago ng kanyang ina at ng dahil sa talaarawan ay nalaman niya
ang buong kwento na kung bakit ganon ang kanyang ama sa kanyang ina .
Na ang anak din ang isa sa pinakamahalaga na bububuo sa pamilya sapagkat sila ang
nagpapasaya sa kanilang magulang alam natin na ang ating mga magulang ay may mga kahinaan
kaya dapat alam natin sa sarili natin kung paano paliligayahin ang atin mga magulang. May mga
bagay talaga na kailangan natin pag-isipan tulad nalang ng ama sa kwento na may una na siyang
minahal kaya naman ang ina at ang anak ang nagsasakripisyo sa kanyang ginawa. Maging
matapat tayo sa mga nakakapareho natin sapagkat sila na ang makakasama natin sa panghabang-
buhay.

Buong pusong kailangan nating patawarin ang mga nahingi ng kapatawaran sa atin na tulad
sa kwento bago namatay ang ama ay humingi ito ng tawad sa kanyang mag-ina at ito naman ay
pinatawad ng mag-ina na itunuro lang sa atin ng may akda na ang pamilya kahit anong manyari
ay nagpapatawaran sabihin na natin ang ating mga kasalanan bago pa mahuli ang lahat. Na alam
natin na lahat ng tao ay nagkakasala.

II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN

A. PAKSA
Ang kwento ay pumapaksa sa isang pamilya na uhaw sa pagmamahal.

B. TAUHAN
 Anak – isang dalagita na uhaw sa pagmamahal sa kanilang pamilya
 Ama – may karelasyon sa iba at namatay sa sakit
 Ina – tahimik, walang imik at laging malungkot

C. TAGPUAN
Silid-aklatan sa bahay – dito nakita ang larawan at ang liham ng ama.

D. BANGHAY
1. Naging kapansin-pansin niya ang ilang gabi ng hindi makatulog ang kanyang
ina at ilang araw na ring hindi niya nadadalaw ang aklatan na hindi niya
nasasalamin ang isang larawang mahal sa kanya.
2. Ni minsan ay di niya nakitang nagkagalit ang kanyang ama’t ina at kung
minsan ay hinahanap niya ang pagkukuwento ng isang ama at pagmamasid ng
isang ina sa kanya habang masayang nakikinig.
3. Nababagot siya sa kanyang pag-iisa, nanabik siya sa isang sanggol na kapatid o
isang mapaghihingan ng sama ng loob at kung hindi man nagkakagalit ang
kanyang ama’t ina ay hinahanap din niya ang magiliw na paglalambingan o
pagbibiruan ng mga ito.
4. Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsan ay may ibinalik na maliit na
aklat ang tagalaba, nakakuha nito sa likuran ng kanyang ama at ibinigay sa
kanyang ina yaon ay talaarawan na kinabukasan ay may bakas na luha sa mata
ng kanyang ina at lalong di naging palakibo at malungkot naisip niya na ano
ang nasa talaarawan.
5. Isang gabi umuwi ang ama niya na lasing at idinaing ang kanyang dibdib at ulo
na noon ay ilang araw din na nakaratay ang kanyang ama na hindi ito
hiniwalayan ng ina niya na ayaw ipagtapat sa kanya ang tunay na karamdaman
ng kanyang ama.
6. Ipinaayos ng kanyang ama ang hapag sa kanya at idinikit ang kwentong
kalalathala pa lamang na may nakita siyang pelus ng rosas at isang salansan ng
mga liham na nakatitik ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan sa mga
sobre.
7. Ang larawan sa kalahating pelus ay hindi yaong hawas ang mukha at ilong na
parang loro at nakasulat dito ang ”sapagkat ako’y hindi nakalimot,” walang
lagda ang larawan at bilang napoot at naghihinakit sa kanyang ama.
8. Malimit na mawala ang diwa ng kanyang ama samantalang ang ina niya ay
patuloy sa di pagkibo at patuloy sa pagluha kung walang makakakita dito at
dumantay ang kamay ng kanyang ama sa noo niya at pinatakas ang tinitimping
sama ng kanyang loob sa pagdadaop ng mga ngipin at labi nito.
9. Iminulat ng kanyang ama ang mabigat na talukap ng mga mata nito at
nagkatinginan sila ng ng kanyang asawa at hawak ng kanyang ina ang kamay
ng kanyang ama na muli itong nagsalita na “Sabihin mo, mahal ko, na
maaangkin ko na ang kaligayahan ko.”
10. Kinagat ng ina niya nang mariin ang labi at sinabing…”Maaangkin mo na,
mahal ko!” na hinagkan ng kanyang ina ang ama at sabay ng paglisan ng isang
kaluluwa at wala nang dumaloy sa mga iyon.
E. PAHIWATIG
 “Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko!”anang ama.
 Ang pahayag na ito ay nangangahulugan na makakamit niya ang
kanyang kapayapaan at kaluwalhatian sa kanyang kamatayan.
 Ang moog na kinabibilangan ko’y aking wawakasan.
 Ang pahayag na ito ay nangangahulugan na wawakasan na ang
paghihirap at handa na niyang ibigay ang kanyang buong pag-ibig.

F. SIMBOLISMO
 Talaarawan – sumasalamin sa katotohanan
 Ama, Anak, Ina – sumisimbolo sa isang pamilya

G. TEORYANG PAMPANITIKAN
 Teoryang Realismo
 Ito ang teorya na ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang
totoo sapagkat isinaalang-alang ang kasiningan at pagkaepektibo. Na
nakita natin sa kwentong uhaw ang tigang na lupa sapagkat alam natin
sa ngayon na marami na ang nangyayari sa atin na ganito na ang
pinagdadaanan o dinaranas ng ibang pamilya dito sa ating lipunan.
 Teoryang Simbolismo
 Ito ang teoryang ginagamitan ng simbolismo na dito sa kwentong uhaw
ang tigang na lupa ay madaming ginamit na simbolismo tulad na lang
ng larawan na kung saan hindi dito lantaran sinabi sa liham pati na rin
anak, ama, ina na sumisimbolo sa isang pamilya at marami pang iba.

H. MAHALAGANG PAHAYAG
 Ang ngiti niya ay parang patak ng ulan kung tag-araw. Ang batang puso ng
anak ay tigang na lupang uhaw na uhaw.
 Na sila’y pinaglapit ng tadhana na isang pagkakataong mayroon nang sagwil o
hadlang sa kanilang kaligayahan.
 “Huwag padala sa simbuyo ng iyong kalooban, ang unang tibok ng puso ay
hindi pag-ibig tuwina.’’
 “sabihin mo, mahal ko, na maangkin ko na ang kaligayahan ko,”

III. REAKSYON

Pagkatapos kong mabasa ang kwento naisip ko na kailangan talaga ng anak ang pagmamahal
ng mga magulang sapagkat isa ito sa mga hinahanap nila upang maging masaya. Napakahalaga
ng isang buong pamilya kung ito ay binubuo lagi ng mga masasayang ala-ala na kasama na natin
sa panghabang-buhay. Naisip ko na hindi masama ang pagsasabi ng mga sama ng loob sa ating
pamilya sapagkat ito ang paraan upang maayos ang samahan ng bawat pamilya.

Naisip ko rin na malaki pala talaga ang nagiging epekto sa isang anak kapag ang isang
pamilya ay binubuo na lang ng kumpleto na wala ng kahalong pagmamahal sa isa’t isa na sa
bawat kilos rin ng mga magulang ay nakikita at nararamdam ng isang anak ang sakit na sa
palagay ko ay dadalahin na ito ng isang anak hanggang sa paglaki.

Naisip ko rin na pag-isipan muna natin kung siya na ba talaga ang ating makakapareha sa
habang buhay sapagkat isa rin pala ito sa mga dahilan upang hindi gumanda ang samahan ng
isang pamilya lalo na kapag may mga anak na naghahanap nang mga kalingan ng pagmamahal
ng isang magulang na hindi ninyo kayang ibigay sa mga anak.

Nagandahan ako sa kwento pagkatapos kong basahin sapagkat madami itong kapupulutan ng
aral lalo na sa mga pamilyang uhaw sa pagmamahal. Maganda ang naging takbo ng kwento may
mga maayos na pagkakasunod-sunod na mga pangyayari at angkop ang mga ginamit na salita sa
kwento. Nakita rin dito ang nais iparating ng akda sa mga mambabasa kakikitaan ng husay ang
may akda sapagkat nakuha niya ang damdamin ng mga mambabasa.

Ang una kong aral na nakuha sa kwento ay maging maayos tayo sa pagpili ng makakapareho
sa habang buhay dahil ito ang iyo nang pakikisamahan habang buhay pag-isipan ng mabuti kung
siya na ba talaga upang hindi ka magsisi hanggang sa huli sapagkat hindi mo na maiibalik ang
dati maging mapili tayo sa ating mga kapareha na alam natin na makakasundo natin sa lahat at
higit sa lahat mahal natin ito

At ang pangalawa ko na natutunan sa kwento ay magsabi tayo ng mga nararamdaman natin


sa ating pamilya sapagkat sila lang ang makakatulong sa atin; sila lang ang nakakaintindi sa mga
pinagdadaanan natin kailangan natin sabihin sa bawat isa ang mga sama ng loob sa pamilya
sapagkat ito ang paraan upang magkaroon tayo ng pagmamahalan ng lubos at maging masaya
ang ating pamilya na binuo.

Higit sa lahat natutunan ko na pahalagahan natin ang ating mga magulang kahit ito ay hindi
nagparamdam sa atin ng pagmamahal dahil sa bandang huli pamilya pa rin ang ating kailangan,
maging mapagkumbaba lang tayo at maging matibay sa anumang pagsubok na pinagdadaanan ng
pamilya bigyang natin ng pagmamahal ang bawat isa.

Nais ko rin na maging malawak ang pang-unawa ng mga anak sa mga magulang lalo na kung
alam natin na sila ay may pinagdadaanan. Ipakita na natin ang buong pagmamahal sa ating mga
magulang sapagkat hindi na natin ito maibibigay kapag wala na sila sa mundo. Mahalin natin
ang ating mga pamilya upang wala tayong pagsisihan sa huli. Ako bilang anak natutunan ko na
pahalagahan ang bawat ginagawa sa akin ng aking mga magulang.

You might also like