Kritikal Na Pagsusuri
Kritikal Na Pagsusuri
Kritikal Na Pagsusuri
FALLARCUNA
Kritikal na Pagsusuri ng Panitikang Filipino
Si Arceo ang may-akda ng mga natatanging nobela gaya ng Cabal de la Reina (1985) at Titser (1995).
Ipinalimbag rin ang iba't ibang koleksyon ng maikling kwento gaya ng Ina, Maybahay, Anak at iba pa,
Mga Maria, Mga Eva, Ang Mag-anak na Cruz (1990), at ang Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997). Halos
lahat ng kanyang mga gawa ay inilimbag sa pamantasan ng Ateneo de Manila at Unibersidad ng Pilipinas.
Bukod sa pagiging isang manunulat, ipinakita rin ni Arceo ang kanyang husay bilang isang aktres.
Ipinamalas niya ito sa isang Hapon at Pilipinong pelikula na pinamagatang Tatlong Maria.
Ilan sa mga natanggap niyang parangal ay ang Carlos Palanca para sa Maikling Kwento sa Tagalog
(1962); isang Gawad CCP para sa Literatura na inihandog ng Cultural Center of the Philippines (1993);
isang Doctorate sa Humane Letters, honoris causa, mula sa University of the Philippines (1991); ang
Catholic Authors Award mula sa Asian Catholic Publishers (1990), at angGawad Balagtas Life
Achievement Award para sa Fiction mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (Writers Union of the
Philippines or UMPIL) noong 1998.
Sa kabila ng pagpanaw niya noong ika-anim ng Disyembre sa taon ng 1999, patuloy pa rin ang
paglilimbag sa kanyang mga akda. Ang kanyang mga isinulat ay ang nagsisilbing inspirasyon sa kanyang
mga mambabasa.
TITSER
ni Liwayway A. Arceo
Pamagat: Titser
Awtor: Liwayway A. Arceo
Uri ng Panitikan: Nobela, isang serye mula sa magasing Liwayway noong 1950's
Wika: Pilipino
Taon ng Paglalathala: 1995
Tagapaglimbag: Ateneo de Manila University Press
Protagonista: Amelita Martinez at Mauro
Lugar: Isang pamayanan sa kanayunan ng Pilipinas
Punto de bista: Ikatlong Persona
Tema: Pakikialam ng ina sa pag-aasawa at propesyon ng anak, pag-iibigan ng dalawang guro sa kabila ng
kahirapan.
MGA TAUHAN:
Si Amelita ay isang dalagang 'public school' titser, bunso sa lima na anak ni Aling Rosa. Umiibig kay
Mauro. Nagpamalas ng kakaibang katapangan sa pagpapahayag ng ibang desisyon sa kabila ng ibang
plano nanais ng ina para sa kanya. Ang protagonista sa kuwento.
Si Mang Ambo ang asawa ni Aling Rosa. Maunawain na ama ni Amelita na mas nakakaintindi kaysa
sa kanyang ina.
Si Osmundo ay isang makisig na binata, nagmula sa isang mayaman at respitadong pamilya. Umiibig
sya kay Amelita ngunit ayaw sa kanya ni Amelita dahil siya ay arogante at maka-mundo.
Si Mauro naman ay isa din 'public school' titser hindi man siya mayaman pero minamahal pa rin siya
ni Amelita. Mabait, at may galang sa lahat ng tao. Siya ang inspirasyon ni Amelita noong naging
guro niya ito para pasukin ang mundo ng pagtuturo. Si Mauro ay isang mabait na asawa at
matulungin sa kapwa. Mas priyoridad niya ang kanyang pamilya kaysa ibang bagay. Protagonista sa
kwento.
Aling Idad – Ang ina ni Mauro na bukas loob na tinanggap si Amelita at itinuring para ring isang
tunay na anak.
BUOD:
Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro
na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling
Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay
nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng
kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa
kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa
katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit
nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si
Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.
Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang
dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling
Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso
ng mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at
ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa
probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados
Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal.
Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi
ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si
Mauro.
Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang anak
na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni
Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin
tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha
pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.
Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay
nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating.
Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan.
Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na manliligaw.
Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.
Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito.
Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw
ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at
Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni
Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni
Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan
ang minamahal na si Amelita.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit
wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at
padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang
pagkakamali.
KOMPETENSI
--Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian.
Katanungan
1. Sino ang maituturing na pangunahing tauhan sa nobela?
2. Ilarawan ang sumusunod na tauhan batay sa pangyayaring naganap sa nobela.
-Amelita
-Mauro
-Osmundo
-Aling Rosa
3. Anong katangian ang ipinakita ni Amelita laban sa kagustuhan ng kanyang ina na ipakasal siya kay
Osmundo?
-Katapangan na harapin ang hadlang at Ipinakita ni Amelita ang paninindigan niya nang siya ay
magpakasal kay Mauro sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng kanyang ina. Makikita ito sa
bahaging ipakakasal ni Aling Rosa ang anak na si Amelita kay Osmundo ngunit hindi pumayag
ang babae kaya’t kahit hindi gusto o sang-ayon ng kanyang ina ay nagpakasal ito sa taong
mahal niya na si Mauro. Ipinaglaban at pinanindigan niya ang kanyang pagmamahal sa taong
mahal niya gayundin ng lalaki.
KOMPETENSI
Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay ng mga pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan.
Katanungan
1.Sino ang maituturing na pangunahing tauhan sa nobela?
2. “Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata
mula sa pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita..” Mula sa akdang binasa, ibahagi o
ilahad ang damdaming nangibabaw sa tagpo o bahaging ito ito.
3.Kompletuhin ang damdamin na nangibabaw sa akdang binasa at bigyang patunay.
Nangibabaw ang damdamin na pag-ibig dahil____________
Nangibabaw ang damdaming selos o inggit sapagkat_____________
Nangibabaw ang damdaming galit sapagkat__________________.
Ang dulog na ito ang sa tingin ko ang maaaring angkop sa akdang “Titser” sapagkat sinasabi na
ito ay pagtalakay sa takbo ng isip ng may katha sa iba’t ibang paraan tulad ng pagtimbang sa antas
ng buhay, paninindigan, paniniwala, mga bagay na binibigyan halaga, at kung ano ang tumatakbo
na isipan at kamalayahan na makikita sa kabuuan ng akda. Nang mabasa ko ang buod ng akdang ito
ay mangingibabaw ang paninindigan ng desisyon na ginawa ni Amelita, pagmamahal ng
dalawang tauhan na si Amelita at si Mauro sa kabila ng pagtutol ng magulang ni Amelita sapagkat
ito ay naniniwala na walang magandang buhay na maibibigay ang lalaki sa babae dahil sa
kakarampot na sahod nito bilang isang pampublikong guro kumpara kung ito ay magpapakasal sa
katulad ni Osmundo na isang asendero. Dahil sa pagmamahalan ng dalawa ay dumating sila sa punto
na magpakasal upang ipakita ang paninindigan niya sa kanyang desisyon. Kahit na ang magulang ay
hangad ang kabutihan sa anak ay hindi pa rin ito matitinag ng isang desisyon lalo na’t kaakibat nito
ang paniniwala sa sarili at pagbibigay halaga sa kanyang pinaniniwalaan.
Teoryang Eksistensyalismo,
- ang bawat tao ay may kalayaang pumili sa kanyang sarili. Dahil sa kalayaang ito, ang tao ay
responsible sa anumang maaaring kahinatnan o maging resulta ang kanyang ginawang pagpili.
Taglay ng mga tauhang ito ang katatagan o kung minsan ay kahinaan, upang hamunin o tanggapin
ang resulta ng kanilang kalayaang pinili.
Ang tao ay may sariling buhay at ang kanyang buhay ang nagbibigay kahulugan sa kanya bilang
tao. Walang maaaring umako sa buhay ng may buhay.
Ang tao ay napalilibutan ng maraming posibilidad at mapagpipilian kung paano niya gustong
mabuhay. Siya ang lilikha ng kanyang sariling buhay na ayon sa kanyang desisyon. Kadalasan ang
mga desisyon niya ay nakaaapekto sa relasyon niya sa ibang tao. Bagama’t sinasabing hindi rin
naman nabubuhay ang tao nang mag-isa lamang.
Teoryang Romantisismo
-Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-
aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na
gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa
tao o bayang napupusuan.
Sa akdang Titser , ipinakita ng dalawang tauhan (Amelita at Mauro) ang kanilang pag-iibigan kahit
pa walang pagsang-ayon ang nanay ng dalaga. Ipinakita rin na kahit may mga pagsubok na dumating
o iadya ng pagkakataon kapag ang dalawang tao ay nagmamahalan walang makapipigil o makasisira
nito.