Ngumingiting Kabughawan Isinuri Ni Mark Nipal
Ngumingiting Kabughawan Isinuri Ni Mark Nipal
Ngumingiting Kabughawan Isinuri Ni Mark Nipal
Pamagat Ang pamagat ay ngumingiting kabughawan dahil sa kuwento ay magbabago ang ugali ng isang tao dahil sa kapaligiran, sa libro at dahil na rin sa mga ikinuwento sa kanya ng kaibigan niya. Banghay 1. Simula Si Seni at ang kanyang maliit na kapatid na si Mining ay naglalakad sa kalsada papunta sa kaibigang si Flora. Kinurot ni Seni ang kanyang kapatid ng umagang iyon dahil siya ay pabagal-bagal kung kumilos.
2.
Gitna Nadaanan nila si Aling Desyang habang sila ay naglalakad at hinaplos siya ni Aling Desyang dahil alam niyang hindi totoo ang kanyang ngiti, napilitan lang siyang gawin dahil kukurutin siya kung hindi
3. Wakas Sa huli ay nakapunta na sila sa bahay ng kanyang kaibigang si Flora, sila ay nagkuwentuhan tungkol sa kanilang mga paboritong libro. At kinuha narin ni Seni ang kanyang pagkakataon para humiram kay Flora ng libro. Pagkatapos nilang magbasa ng magbasa napagusapan naman nila ang tungkol sa kanilang ama. Ikiniwento ni Flora ang tungkol sa mga librong ibinibigay sa kanya ng ama tuwing umuuwi ito na kinaiingitan ni Seni dahil ang kanyang ama ay iniwan na sila. Pagkatapos ay umalis na sila Seni kasama si Mining at simula noon hindi na niya sasaktan ang kanyang kapatid dahil baka mawala pa ito.
Mga Tauhan 1. Seni Siya ang pangalawa sa pinakamatatanda sa kanilang magkakapatid, siya na rin ang gumagawa ng tungkulin ng kanilang ama at ang pagtulong sa kanilang ina, kaya nagging masungit siya dahil matitigas ang ulo ng kanyang mga kapatid. Sa maliit na taong gulang sila ay iniwan ng kanilang ama. 2. Mining Si Mining ay ang nakababatang kapatid ni Seni, siya ang madalas na pagbuhusan ng galit ng kanyang mga kapatid dahil siya ay makulit pero hindi nila naiintindihan na siya ay bata pa lamang. Siya na lang ang at ang kanyang ate Seni ang naiwan sa kanilang bahay. 3. Delia Kung si Seni ay masungit at nangungurot kabaliktaran naman iyon sa kanilang panganay na kapatid, Hindi niya kailanmang magagawang kurutin ang kanyang mga kapatid pero kaya niyang parusahan lamang ang mga ito kung sila ay may mga nagawang mali. Si Delia ay may asawa na kaya naiwan nalang si Seni sa kanilang bahay ang tanging tulong na kanyang nagagawa ay ang pagbibigay ng suportang pang pinansyal mula sa sahod ng kanyang asawa 4. Flora Si Flora ay isang dalagang may kaya sa buhay, ang kanyang tatay ay may magandang trabaho at samantalang ang kanyang ina naman ay housewife lamang. Dahil dito siya ay kinaiingitan ni Seni na kanyang matalik na kaibigan at dahil mabait naman si Flora pinapahiram niya ng kung ilan ang gusto. Sila Flora ay may maraming libro na galling sa kanyang tatay
Buod ng Kuwento Ang kuwento ay nagsimula sa kanilang bahay. Si Seni ay ginigising ang kanyang maliit na kapatid na si Mining para bumangon at mag-almusal para makapunta na sa bahay nila Flora ang kanyang matalik na kaibigan. Si Mining ay nakagising na ngunit siya ay nagpaumat-umat pa at pinagigpit pa ng mga laruan at matagal na oras ang lumipas bago pa nakapili ng damit na isusuot kaya noong sila ay naglalakad si Mining ay Humihikbi pa dahil kinurot siya ng kanyang Dete: ang tawag niya sa kanyang ate. Habang sila ay naglalakad tungo sa bahay ni Flora nadaanan nila si Impong Desyang at nang si Mining at batiiy lalong lumakas ang paghikbi at dumalas ang pagkusot sa mata. Kaya ang ginawa ni Seni ay pinigilan siya nang mahigpit sa isang bisig, ngumiti kay Impong Desya at nilakipang angngiting ito ng pawalang-bahalang tugon, At hinaplos ni Impong Desyang si Mining dahil alam niyang ni lalambing lang siya nito at sila ay nagpatuloy sa kanilang paglalakad Nang sila ay nakarating na sa bahay nila Flora, binitiwan na ni Seni ang kapatid at inutusang itong mag-ayos ng mukha, Huwag kitang makitang mamugot-mungot banta ng kanyang ate. At sinalubong nila si Flora ng may ngiting pilit lamang.Ang unang tinanong ni Seni kay Flora pagkatapos nilang umupo ay Nasaan ang Nanay mo ? nasa kusina sagot ni Flora, Pinasuot kay Seni ang Tsinelas bago pinapasok sa kanyang kuwarto at humiram na rin si Seni ng librong kanyang gusto at dahil mabait naman si Flora ay pinahiram niya ito ng maraming-marami-maramingmarami at pagkatapos nun ay nagkuwentuhan sila ng sobrang haba tungkol sa kanilang ama at nang umuwi na si Seni siya ay nagbago hindi na niya kalian pang muling kukurutin ang kanyang maliit na kapatid.
Pagsusuring Panglinggwistika nagpaumat-umat kumilos ng mabagal, inaantok 2. hikbi paghigop, umiiyak 3. bisig kamay, kamao 4. nilakipan nilagyan, tinakpan,binigay 5. dumalang nabawasan, 6. marahan dahan-dahan 7. Dete ate 8. bulyaw mga haka-haka, tsismis 9. nagbubunsod nagdudulot 10. bugnutin mainitin ang ulo
1.
Pagsusuring Pangnilalaman 1. Kaya nang lumalakad na silang magkapatid sa daan, hihikbi-hikbi pa si Mining, at maminsan-minsay kinukusot pa ang mga mata -ang may akda Si Mining ay kinurut ng kanyang ate bago sila umalis dahil nga paumat-umat pa ito kaya siya ay umiiyak.
2. pagigil na iniwagwag ni Seni ang bisig ng kanyang kapatid -ang may akda Si Seni ay nagagalit na dahil pinagtitinginan siya ng mga tao ng masama dahil ang akala nilay sinasaktan nito ang kanyang maliit na kapatid
3. nakikita ng mga batang ang nagbubunsod sa paglalapat niyon ng parusa ay ang galit sa kanila, Hindi ang nadarama nilang lungkot ng kanilang ate kapag silay pinapalo -ang may akda Ibig sabihin ng pahayag ay Si Seni ay nagagalit sa kanila dahil iniwan sa kanyang mga kamay na dapat ay tungkulin ng kanyang ama at ina kaya ganyan nalang ang galit na kanyang nadarama tuwing sinasaktan ang kanyang mga kapatid.
4. Huwag kitang makitang mumungot-mungot! banta pa ni Seni sa kapatid -Seni Sinabi ni Seni iyon sa kanyang kapatid dahil baka magbago ang isip ni Flora at hindi na siya pahiramin ng libro kapag nabwisit siya sa kanyang makulit na kapatid.
5. Ang nanay mo? -Seni Hinahanap ni Seni ang nanay ni Flora para magbigay respeto rito kaya niya agad tinanong pagkaupo pa lamang at para maipalam na nandoon na siya sa loob ng kanilang bahay. Si Seni ay may ugaling gagawin ang lahat para makamit ang isang bagay at iyon ay ang makahiram ng libro na kanyang gusting-gusto.
Pagsusuring Pangsosyolohikal Sa kuwento ay Dete ang tawag sa kanilang ate at nalaman kong iyon ang lumang tawag sa ate noong mga luma pang panahon, Ang kuwento ay napaka-ikli ni hindi ko nga malaman kung saan ba talaga ang climax rito at sa tingin ko ay walang ginintuang aral ang kuwento di tulad sa ngayon.
Aking iiuugnay ang kuwento tungkol sa lipunan ngayon, una ang mga batang malilit o kadalasan ung mga nakababatang kapatid ay ang laging pinagbubuntungan ng galit at sila lagi ang parang bodyguard halimbawa pag titikim ng pagkain sila muna para malaman kung may lason ito, Pangalawa naman ay maraming bata ngayon ang sinasaktan ng pagkukurot at pag hahaplos ng malakas na alam ko ay hindi tama ang dapat na gawin ay parusahan lamang at palo lang dapat, At dapat din nating intindihin na sila ay bata pa at wala pang gaano kaalam. At ang panghuli ay katulad ng ngayon ang mga panganay ay ang mga nagpapakasarap habang ang mga nakababata nilang kapatid ay ang nagdudusang gumagawa ng mga gawaing bahay at lalo pa wala silang tatay ang hirap siguro nun. Pagsusuri Kalakasan Ang may akda ay sumulat ng isang kuwento na tungkol sa problema ng mga pamilya kaya puwede itong makuhaan ng kuwento at inspirasyon ng mga batang may kaugnayan sa kuwento Kahinaan Ang may akda ay kadalasang nag nanarate na sumisira sa excitement ng mambabasa at pag dating sa bandang gitnang bahagi ay magsasawa ka sa puro narration at nawawalan tuloy ng gana ang mambabasa dahil kala mo ang haba ng kuwento, ang daming nangyare ngunit hindi, mahaba nga puro narrate naman, ang konti ng nangyari parang g-go lang kaya ko ngang ikuwento ang nangyari sa isang sentence lang eh: Pumunta sila kay Flora at humiram ng libro
at pagkatapos ay nagging mabuti na si Seni kailanman, yan ang tunay na buod, Maganda sana yung topic eh hindi ko namang sinasabi na magaling ako pero sana inisip din niya yung mararamdaman nang mambabasa ayan tuloy ang babaw tuloy ng moral lesson at dahil sa may akda naghihirap ako ngayon sa kaka bulaslas sa paggawa ng pagsusuring ito dahil wala akong mahanap ang resulta parang minadali pero hindi, at kung ako ang gagawa ng kuwento isusulat ko ang mga importanteng detalye gaya ng lugar at babaguhin ko ang lumang style ng pagsusulat. Ewan ko lang pero mas magaling pa kaklase ko magsulat noong grade 2 pa ako si bebs grabe ung mga kuwento lahat nakaka-iyak parang taga dreamworks ata. Kahulugan (ginintuang aral sa kuwento) Ang ginintuang aral sa kuwento ay dapat mahalin mo na ang mahal mo sa buhay habang sila ay buhay pa dahil sa huli ay pagsisisihan mo lang pag hindi mo nagawa kaya ingatan na ninyo ang inyong mga pamilya iwasan na ang makipagaway dahil wala namang naidudulot itong mabuti, may alam ako isa lalakas kayo tapos mamatay din kayo. Dapat hindi niyo laging isipin na ang galit ay nalalabas hindi yan nalalabas nawawala at nakakalimutan lang gaya ko madaling makalimut wala tuloy akong galit tanga nga lang pero ansarap maging tanga minsan try niyo astig. Reaksyon Unang reaksyon (first impression) uy wow ang ganda ng title parang may saysay at medyo interesante ang dating parang tungkol sa environment o whatever. Ang daming nangyari sa umpisa. Ikalawa(pagkatapos basahin) Ang korni ng kuwento, ang dami kong inasahan ngunit lahat ay guniguni lamang, Pagkatapos kong mabasa pakiramdam ko nasayang ang 30mins ng buhay ko sana buod nalang binasa ko
isang sentence tapos na sana haaay buhay. Sana hindi nalang sinipag magbasa nun sana parang copy paste nalang.
Paglalapat Maiiugnay ko ang kuwento sa aking buhay sa mga dahilanang lagi nalang kawawa ung mga nakababatang kapatid nang panganay, Kasi gaya sa kuwento kami dito sa bahy ay may panganay na may kakaibang logic kunyari sinabi ni mama anak maglinis ka nga sasabihin niya e di sana pumasok nalang ako kung ganyan din ang gagawin ko dito, yan yung madalas niyang sabihin tapos halos lahat ng gawaing bahay kami gumagawa parang si Seni lang ako tapos Si Delia ung kuya kong astig, parang ganon lang Repleksyon Ang aking gagawin kung ako si Seni ay hindi ko sasaktan ang maliit kong kapatid dahil naiintindihan ko naman na siya ay isang bata lamang at wala pang masyadong alam. At lahat ng galit na nadarama ni Seni dahil sa kawalan ng ama ay aking kakalimutan dahil alam kong walang kuwenta iyon. At kung ako si Seni hindi ko hahayaang may ibang gagong mananakit sa sarili kong kapatid, Ipaglalaban ko ang aking kapatid at tatanggapin ko ang itsura niya kahit saan pumasok kahit sa bahay nang kung sino.