Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Huling

Istasyon




MGA MAY-AKDA

Kristine Crisostomo
Charmaine Escorpiso
Alexis Paula Martinez
Frances Loren Querijero
Erminia Therese Relova
Alyssa Mikaela Reyes




Mula sa 3LM3
FAKULTAD NG SINING AT PANITIK
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Marso 2014

Layout ni
FRANCES LOREN QUERIJERO


ng

4 Paunang Salita
5 Hanggang sa Muli Alyssa Mikaela Reyes
9 Bolpen . ...Frances Loren Querijero
14 Sa Likod ng Pintuan . Charmaine Escorpiso
21 End of the Rope Alexis Paula Martinez
24 Huling Sulyap Erminia Therese Relova
29 Pagaalala, Pagpapaalam . Kristine Amielle Crisostomo
32 Estranghero .Frances Loren Querijero
33 Tagapayo sa Pagpapaalam Charmaine Escorpiso
34 Pasasalamat


PAUNANG SALITA
Ang buhay ng tao ay parang himpilan ng tren, may simula at may hangganan. Bawat pasaherong
sumasakay ay may tiyak na patutunguhan. Parang ang buhay ng tao, may tiyak na pangarap na nais
marating balang araw. Subalit bago marating ang paroroonang iyon ay dumadaan muna sa mga himpilang
kung saa'y nakararanas ng ibat-ibang karanasan. Maihahalintulad ito sa landas na tinutungo ng bawat
indibidwal, maging sa ibat-ibang karanasang dinaranas ng isang tao sa araw-araw. Lahat ng bagay ay
nagtatapos. Lahat ng kwento ay may wakas. Maging ang ating mga minamahal ay lumilisan. Parang ang
pagbyahe sa isang tren na nagtatapos sa paghinto sa tiyak na himpilang tinutungo.
Ang aklat na ito ay pinamagatang Huling Himpilan. Ito ay isang koleksyon ng maiikling kwento at
tula tungkol sa pagpapaalam at pagtatapos. Ang mga kwento at tula sa koleksyong ito ay tiyak na
maiuugnay ng mga mambabasa sa sarili nilang buhay.
Ang maiikling kwento sa aklat na ito ay hango sa aming personal na karanasan. Nakasulat dito ang
mga alaala at gunita namin sa buhay. Sa pagsulat ng mga sanaysay na nanggaling pa sa yungib ng aming
alaala, para kaming nangangaso sa isang malawak na kagubatan. Nag-iiwan kami ng pain subalit hirap pa
ring makahuli ng hayop na may halaga. Kailangan ay matindi talaga ang inspirasyon ng isang manunulat
upang may maisulat na makabuluhan. Ang mga akdang naisulat sa aklat na ito ay masasabing
paglalarawan ng mga bagay na hindi namin ninais magwakas o maglaho. Ito ay pag-alala sa mga bagay na
nagtapos at nagpaalam. Gayun pa man, ang mga sanaysay sa koleksyong ito ay naglalahad ng iisang
perspektiba batay sa pagkakaunawa ng mga may-akda. Maaaring iba ang palagay ng ibang makakabasa
nito mula sa may-akda.



Hanggang sa Muli
ALYSSA MIKAELA REYES

TGIF! Ito ang kadalasang sinasabi ng mga estudyante tuwing Biyernes. Sabik ang lahat
dahil araw ng pahinga kinabukasan. Naalala ko tuloy noong ako ay bata pa. Mahalaga sa akin
ang araw na Biyernes. Hindi dahil sa walang pasok kinabukasan, kundi dahil makakasama ko
na ang aking mga magulang. Mararamdaman ko na muli ang higpit ng yakap ng aking Daddy
at ang masarap na halik ng aking Mommy. Bubuksan namin ang mga pasalubong nila sa akin
na kadalasan ay mga laruan. Kakain kami ng magkakasabay sa isang mesa habang kinukwento
ko sa kanila ang aking mga naging karanasan noong mga nakalipas na araw. Ang lahat ng ito
ay normal na gawain ng isang pamilya. Ngunit hindi sa akin.
Lumaki ako sa aking Lola sa Bulacan habang ang mga magulang ko ay nakatira sa
Quezon City. Tuwing Biyernes, Sabado at Linggo ko lamang nakakasama ang Mommy at
Daddy ko. Linggo ay aalis na sila muli at babalik sa Quezon City dahil doon sila nagtatrabaho.
Pauwi pa lamang ako galing eskwela ay nararamdaman ko na ang pananabik dahil alam kong
madaratnan ko sa bahay ang mga magulang ko. Kahit na ganoon ang aming sitwasyon, hindi
nagkulang ang aking Lola at Lolo sa pagmamahal sa akin. Hindi nila hinayaan na
maramdaman kong malayo ako sa aking mga magulang.
5

Lahat ng ito ay nagbago noong dumating ang kapatid ko sa aming buhay. Siyam na
taong gulang ako noon. Ayaw ng aking mga magulang na lumaki kami ng kapatid kong
magkahiwalay kaya kinausap nila ang aking Lola at Lolo at sinabing kukunin na raw nila ako
at sa Quezon City na ako titira kasama nila. Masaya ako dahil magiging katulad na ako ng
aking mga kaibigan na kasama ang kanilang buong pamilya sa iisang bahay ngunit sa kabilang
banda ay nalulungot ako dahil napamahal na ako sa aking Lolo at Lola. Unang apo ako kaya
naman hindi na nagtataka ang aming mga kamag-anak kung bakit mahal na mahal ako ng
Lola at Lolo ko.
Unang taon na magkakasama kaming buong pamilya. Bagong kapaligiran. Bagong
paaralan. Bagong mga kaibigan at kaklase. Nahirapan man ako mag-adjust ay kinaya ko dahil
ang kapalit naman nito ay ang matagal ko nang hinihintay na pagkakataon na mabuo kaming
pamilya. Araw-araw ay magkakasabay kaming kumakain ng almusal at ihinahatid at
sinusundo ako ng aking Daddy at Mommy sa paaralan. Naalala ko pa noong unang beses ako
natulungan ng Mommy ko sa aking takdang aralin. Iba ito sa nakagisnan ko sa Bulacan na
school bus lamang ang naghahatid sundo sa akin at tutor ang nagtuturo sa akin. Iba pala talaga
HULING HIMPILAN

7

kapag nakatutok ang magulang mo sa iyo. Pag-uwi ko galing eskwela ay sasalubungin ako ng
aking kapatid at kahit pagod ako ay maglalaro pa rin kami. Matagal din akong naging only
child kaya sabik ako sa pagkakaroon ng kapatid. Tuwing Linggo ay nagsisimba kaming buong
pamilya at pagkatapos ng misa ay nagpupunta kami sa mall. Iyon ang pinakamasayang
dalawang taon ng aking buhay.
Kinalaunan, naghiwalay ang aking mga magulang. Masakit dahil hindi ko kailanman
naisip na posible iyon mangyari. Ang kapatid ko ay napunta sa aking Mommy at pinapili nila
ako kung kanino ko gusto sumama. Ayokong pumili. Pareho ko silang mahal ngunit sa edad na
labing-isa ay kailangan kong gumawa ng mabigat na desisyon. Kinuha ako muli ng aking Lola
at Lolo na magulang ng aking Daddy para tumira sa Bulacan. Mas gusto ko ring sa kanila
nalang ulit tumira kaysa pumili ng isa sa aking mga magulang. Alam kong hindi nila ako
pababayaan at hindi naman ako nabigo. Siniguro nila na maipaparamdam nila sa akin ang
pagmamahal ng buong pamilya. Hindi sila nagkulang sa pangangaral sa akin. Palagi nila
akong ginagabayan sa lahat ng aking ginagawa. Sinasabihan nila ako na huwag sasama ang
loob ko sa aking mga magulang dahil hindi rin nila ginusto ang kinahinatnan ng aming
pamilya. Ngunit hindi ko maitanggi sa aking sarili na mas naging mahirap ang sitwasyon.
Kapag may okasyon sa aking paaralan ay dumadalo ang aking mga magulang ngunit
palagi silang magkahiwalay ng upuan. Tuwing kaarawan ko ay kailangan kong pumili kung
sino ang aking makakasama. Kailangan rin pumili kung sino ang aking makakasama pag pasko
at bagong taon. Hindi maaaring maging sabay. Kung maaari lang sanang gawing madali ang
sitwasyon. Kung pwede lang sana ibalik ang panahon.
HULING HIMPILAN

8

Kahit na ganoon ang nangyari, nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papano ay
nabigyan ako ng dalawang taon upang maranasang magkaroon ng isang buong pamilya. Ang
karanasang ito ay parang Biyernes, Sabado at Linggo na aking pinananabikan noong ako ay
bata pa. Na bawat sandali ay masaya. Dumating man ang araw ng Linggo sa aking buhay kung
saan kailangan kong magpaalam sa perpektong buhay na aking nararanasan, hindi ako
mawawalan ng pag-asa. Patuloy ko pa ring hihintayin ang Biyernes kung kalian alam kong
mabubuong muli ang aking pamilya at sisiguruhing sa pagkakataong ito, hindi na darating
ang araw ng Linggo kung saan kailangan naming magpaalam muli sa isat isa.


Bolpen
FRANCES LOREN QUERIJERO

Isang normal na umaga iyon nang pumanaw ang aking lolo. Bagamat nalungkot ako sa
balitang inihatid sa akin ni Papa ay inasahan na rin ng buong pamilya namin ang pagpanaw
niya. Ilang taon rin siyang nakipaglaban sa sakit na cancer. Bawat ubot taghoy ay masakit
marinig, lalo pat alam naming hindi namin lubos na mauunawaan ang hapis na dulot ng
karamdamang ito. Kaya naman nang siyay pumanaw, lumuwag ang aming loob, sa ideyang sa
wakas ay nagtapos na rin ang kanyang paghihirap. Siyamnaput isang taong gulang siya nang
pumanaw. Masasabing suwerte na siya at umabot pa siya sa ganong edad. Sa siyamnaput
isang taong iyon ay pumapaloob ang milyun-milyong mga karanasan. Base sa mga naikwento
niya sa akin, masaya ang karaniwan sa mga karanasang ito. Malawak ang aming bakuran sa
probinsya. Don ay madalas akong kuwentuhan ni Lolo.
Naaalala ko pa tuwing bibisitahin namin siya sa probinsya namin sa Nueva
Ecija. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kagalakan at kasiyahang hindi mapapantayan ng
anumang bagay sa mundo. Abot tenga ang ngiti niya habang isa-isa kaming bumababa sa
sasakyan at isa-isa rin niya kaming yayakapin at hahalikan habang binubulong ang mga
salitang, Be good, and continue being good. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan sapagkat
iyon din ang huling hanay ng mga salitang narinig ko mula sa kanya. Dahil pagod mula sa
HULING HIMPILAN

10

mahabang byahe papunta don, dali-dali kaming pumapasok sa loob ng kubo katabi ng bahay
para kumain ng mga putaheng inihanda ng aking tiyahin. Madalas may kare-kare at menudo
na handa tuwing kamiy umuuwi. May kasama pang gatas ng kalabaw at bagong lutong
pandesal mula sa pugon. Hindi rin mawawala ang sandamukal na sariwang prutas na
nakalatag lamang sa kabilang mesa kalapit ng hapag-kainan. Sabay-sabay kaming kumakaing
nakakamay sa isang malaking dahon ng saging, habang hinahainan pa ng inihaw na bangus at
karne na kakahurno lang ni Tiya.
Ang aking lolo ay isang guro. Dati rin siyang naging punong-guro ng isang
kolehiyo malapit sa amin. Makikita sa kanyang mga parangal ang matinding dedikasyon niya
sa kanyang trabaho. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga nakakakilala sa kanya, minsan niyang
ninais maging isang abogado. Iyon daw talaga ang pangarap niya mula pa nang siyay bata.
Marahil ay siya ang inspirasyon ng aking layunin sa buhay. Hindi siya nagkaroon ng
pagkakataong tuparin iyon sapagkat wala silang pera pambayad sa isang law school. Mahal pa
naman ang matrikula. Lalo na nong panahong iyon. Mahirap lamang daw sila kayat minabuti
na lang niyang tulungan ang kanyang mga magulang sa pagpapaaral ng iba niya pang
kapatid. Panganay pa man din siya. Alam kong hindi ko lubos mauunawaan ang mga
sakripisyo niya sa buhay, lalo na sa pagbitiw niya sa matagal niya nang pangarap, dahil malayo
ito sa kasalukuyan kong dinadanas. Gayon pa man, madalas niya akong kuwentuhan ng mga
karanasan at pagpupunyagi niya sa buhay. Sa palagay ko, sapat nang inspirasyon iyon sa
pagpapatuloy ko sa mga mithiin ko sa buhay.
HULING HIMPILAN

11


Sa silid ng aking lolo, may nakatayong isang malaking istanteng gawa sa kahoy
na madalas kong buksan. Ang istanteng ito ay naglalaman ng mahigit isang daang libro. Kayat
laking tuwa ko lang tuwing pupunta kami sa probinsya dahil muli ko na namang
mahahalungkat ang koleksyong ito ng aking lolo. Mahilig kasi akong magbasa, lalo na ng mga
kakaiba at kawili-wiling mga libro. Ibat ibang libro. Ibat ibang genre. Lahat ay natatangi.
Kadalasan, tuwing kamiy pauwi mula sa probinsya ay may dala-dala akong iilang mga librong
hiningi ko kay Lolo. Natutuwa naman siya at naipapamahagi niya ang mga ito sapagkat
walang ibang nagkakainteres dito. Sa pinakagilid ng istante ay may isang bolpen, iyon bang
mga bolpen na karaniwang ginagamit ng mga matatanda sa pagpirma. Ito ay nakalukob sa
maliit na piraso ng metal at may gold lining sa magkabilang dulo. Sinubukan ko kung may
HULING HIMPILAN

12

tinta pa ito. Mayroon pa nga. Nais ko sanang kunin ito at iuwi subalit nag-dalawang isip ako.
Ibinalik ko na lang ang bolpen at ipinagpatuloy ang paghahalungkat ng mga libro.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang kirot na nararamdaman ko tuwing
makikita ko ang pighati sa mukha ni Lolo tuwing kamiy pabalik nang Maynila. Nangingilid
ang mga luha sa kanyang mga mata. Kaya naman binababad ko na lang ang sarili ko sa mga
librot gadyet na mayron ako upang makaiwas sa pagkalumbay. Gayunman, kabisado ko na si
Lolo. Hindi man ako nakatingin sa kanya upang magpaalam ay alam kong pinanonood niya
ang aming sasakyan habang unti-unti itong papalayo hanggat mawala na ito sa kanyang
paningin.
Ilang buwan bago ang kanyang pagpanaw, pansin na pansin na sa kanyang pisikal na
itsura ang pagkalanta. Walang tigil na pag-ubo at pagsuka. Lubos siyang nangayayat.
Napakalaki ng kanyang eyebags, at nauutal na rin siyang magsalita. Kahit nakinita na namin
ang posibleng pangyayari nito ay masakit pa rin. Hindi pa rin nito napadali ang pagtanggap
ng katotohanang maaari na siyang permanenteng mamaalam.
Dumating ang aking ika-labingwalong kaarawan. Nasa tradisyon ng mga
Pilipino na ipag-diwang ang pagtapak sa edad na ito na siyang taon kung kailan daw nagiging
tunay na babae ang isang dalaga. Hindi ko masyadong batid ang rationale ng katwirang iyon.
Hindi man ako sang-ayon sa magarbong pagdiriwang na ito ay ipinagpatuloy pa din ng aking
magulang. Kinalaunan, nabatid ko rin ang kahalagahan ng ika-labingwalong kaarawan ko
dahil iyon na rin ang huling kaarawan na nakasama ko si Lolo. Unang sayaw ko siya non.
Masaya naman dahil bagamat kamiy nagsasayaw ay patuloy pa rin siyang nagkukuwento at
HULING HIMPILAN

13

nangangaral sa akin. Kung tama ang aking pag-alala, tungkol sa pasasalamat sa aking
magulang ang pinag-usapan namin non. Paulit-ulit niyang pinapaalala sa akin na respetuhin
ko daw ang magulang ko at alagaan sila pagdating ng panahon. Hindi rin gaanong nagtagal
ang aming pag-uusap dahil isang minuto lang ang nakalaan sa bawat sayaw. Pagkatapos ng
pagdiriwang, galak na galak kong binuksan ang lahat ng mga regalo. Ano pa ngang aasahan
kong matanggap na regalo kung hindi mga libro, damit, pitaka at iba pang pambabaeng
kagamitan. Bagamat makabuluhan naman ang lahat ng regalo ay wala pa ding makakapantay
sa ibinigay sa akin ni Lolo, ang bolpen mula sa kanyang silid. Kalakip nito ay isang maikling
tala, For my favorite granddaughter.
Pero hindi ang talang iyon ang lubos na nagpasaya sa akin. Ako ay lubos na
nagpapasalamat sa mahahabang oras ng pagkukwentuhan namin simula pa dati. Pati na rin sa
mga makabuluhang librong ibinigay niya sa akin nong mga nagdaang taon. Kasama nito ang
lahat ng aral sa buhay na nakuha ko sa kanya. Bukod don, masayang masaya ako sa
pagtitiwala at pagbabahagi niya sa akin ng ilang parte ng buhay niya na alam kong mahirap
aminin, lalo na sa isang batang katulad ko. Kasama ng aking pagpapaalam ay ang
pagpapasalamat ko sa pagkakaroon ng kaibigang nag-iisa at walang katulad.
Tahimik na ang dating silid ni Lolo. Bihira na lang din kaming umuwi sa
probinsya. Kung kami namay umuuwi, wala ng yakap at halik na sumasalubong sa amin.
Subalit sa tuwing makikita at gagamitin ko ang metal na bolpeng galing kay Lolo, naaalala ko
ang lahat ng sayang dinulot niya sa pamilya namin at ang ngiti sa mukha niyang tila walang
maliw sa tuwing bababa kami sa sasakyan upang yakapin at halikan siya.


Sa Likod ng Pintuan
CHARMAINE ESCORPISO

Maraming klase ng pintuan merong gawa sa mamahaling kahoy tulad ng Narra,
Mahogany, Acacia, meron din namang mga gawa lang sa mumurahing materyales: plywood,
yero, minsan pa ay karton, meron ding gawa sa aluminum steel at minsan ay may screen pa.
Mayroong ibat ibang kasangkapan din na dinadagdagan sa itsura ng pintuan yan ay mga
accessories kung tawagin may door knob na minsan ay ginintuan pa, chains: yung may ibon na
nakasabit at pag nahanginan ay bumubuo ng nakagiginhawang tunog, may mga pampaswerte
rin na inilalagay lalo na sa mga pintuan ng Intsik, madalas may sulat pa nga sa mga pintuan na
marahil ay gawa ng isang makulit na bata, may ibat ibang klase ng sarahan na para sa
kaligtasan at wag kalimutan ang kulay g isang pintuan minsan ay natural na kulay kahoy lang
na nilalapatan ng barnis, ang iba naman ay naiiba dahil sa ibat ibang kulay na nais ng
nagmamay-ari rito. Ibat ibang disenyo na naka-ukit o naka-lapat dito, may ibat ibang salita,
pangalan o numero na naka-dikit dito at mayroon din namang mga pinutuan na kailangan
ikandado. May simple, may magarbo pero tulad ng tao and kagandahan nito ay depende sa
tumitingin depende sa itsura, sa tibay at sa ala-alang kaakibat nito.
Para sa akin, isa sa mahahalagang kasangkapan ng bahay ang pintuan. Dito lumalabas
at pumapasok ang bawat miyembro ng pamilya at maging mga bisita na may ibat ibang pakay,
HULING HIMPILAN

15

istorya at relasiyon sa may ari. Ito ay nagsisilbing proteksiyon at nagbibigay seguridad laban sa
masasamang tao. Ito ay nagsisilbing harang sa pampubliko at pribadong buhay ng isang tao. Sa
pintuan ng isang kwarto nagsisimulang maikubli ng isang tao ang sakit na kanyang nadarama,
dito unang naitatago ang luha sa kanyang mga mata at maging ang sikretong kanyang
tinatago, sa pintuan unang humaharap ang taong may ngiti sa mukha, dito unang naisisiwalat
ang ligaya ng isang tao at dito rin unang nababasag ang saya. Sa likod ng pintuan ay
maraming kwento may saya, may lungkot, may pighati at paglumbay, may kwentong
nagsisimula o magtatapos. Sa likod ng pintuan ay maraming naitatago. Sa likod ng pintuan
marahil may isang taong pagbubuksan ka at pagsasarhan ka. Sa likod ng pintuan may
istroyang nabubuo at nasisira.
Aking sandalan ang pintuan, katuwang sa hirap at ginhawa. Bilang nag-iisang babae sa
aming magkakapatid, naramdaman ko ang pagiging espesyal sa masaya at hindi ganoon
kasayang pagkakataon. Madalas pakiramdam ko ay nasa akin ang lahat ng pressure, atensiyon
at proteksiyon nila na minsan nga ay mahirap ng gumalaw. Lumaki ako bilang isang
perfectionist dahil lagi kong nais na bigyang ikalulugod ang aking magulang lalo na pa ang
aking nanay ngunit umabot sa sukdulan ng kalungkutan ang nais ko na ito. Simula bata ay
plinano ko na ang aking buhay, sabi ko sa elementary ay dapat kong galingan dahil ito ang
simula ng lahat; sekondarya, pakasaya ka muna at panahon para sa sarili; at sa kolehiyo, ibigay
mo na ang lahat. Kaya ako ay isa sa pinakamagagaling na estudyante noon sa elementary pero
isang quarter, 2nd quarter noong ako ay Grade 4, ako ay nahulog mula sa Top 1 ng batch
papunta sa Top 5. Dito ko unang nasilayaan ang dismaya sa mukha ng aking nanay. Sobrang
masakit dahil hindi ko alam ang sasabihin o maging ang gagawin para maibalik ang
HULING HIMPILAN

16

pagkakataon. Pinagalitan niya ako ng sobra, ni hindi ko magawang tignan si Mama. Napa-isip
ako nung mga panahon na iyon kung bakit pag bagsak ang dalawang kapatid ko ay ayos lang
samantalang akong mabuting estudyante na nagkamali ng isang beses ay sobrang kinagalitan.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin at yun ang unang pagkakataon na ako ay tumakbo at
nagtago sa likod ng pintuan. Hiya, lungkot at pait ang unang nasilayan ng pintuan sa akin. Ang
dami kong nais sabihin, ibulyaw at iiyak pero walang makikinig. Sobra ang aking pasasalamat
dahil nabuo sa mundong ito ang konsepto ng pagkakaroon ng pintuan. Simula noon hanggang
ngayon ay natuto akong itago ang tunay na nadarama sa madla, ang bawat luha sa aking mata
at tanging sa likod ng pintuan lamang mababasag.










HULING HIMPILAN

17

Ang tao ay parang isang pintuan; dinidisenyuhan, pinapatibay, nasisira at naayos.
Hinuhusgahan nang tumitingin at may kwentong kinukubli tayo ay nabubuhay bilang isang
pintuan. Nakakatakot ang masaraduhan ng pintuan o ma-reject; yung binigay mo na lahat
pero hindi ka pa rin tinanggap, yung akala mo iyo pero tinaggihan ka pa rin. Nakakatakot
magsara ng pintuan kasi hindi mo alam kung sino ang pinagsasarhan mo, parang sa horror
kung saan sinaraduhan mo na pala yung magliligtas sayo kasi nasa likod mo ay ang killer na
nakatayo para patayin ka. Nakakatakot yung pintuang bigla na lang sumasara ng walang
nagsara, parang relasyong biglang natapos ng walang dahilan, walang closure, walang klarong
rason kung bakit pero ang masakit kapag nawalan ka ng isang importanteng tao sa buhay mo.
Nakakatakot yung pintuang laging bukas; yung tipong kung sino-sino na lang ang pwedeng
pumasok, kung sino-sino na lang ang pwedeng gumamit sayo, yung mga taong kasama mo
ngayon bukas ay nasa iba naman, yung bukas ka sa lahat kaya madali kang husgahan at
saktan, yung tipong madali kang iwan. Nakakatakot yung pintuang sira ang lock o kandado
kasi akala mo ligtas ka pero hindi pala para mong pinapaniwala ang sarili mo sa
kasinungalingan dahil nalulunod ka na sa nabuo mong pantasiya at wala ng katiting ng
realidad sa buhay mo, para kang trinaydor ng paulit-ulit, sinaktan ng paulit-ulit at nagamit ng
maling paniniwala ng pauli ulit dahil yang kandado ay tiwala mo na trinaydor ka kasi ang bilis
mong nahulog sa pagkukunwari. Pero ang pinaka-nakakatakot ay ang pintuang napakaganda
sa labas ngunit hindi mo naman mabuksan akala mo ayos ang lahat dahil wala kang nakikita
sa loob, akala mo masaya pero unti-unti kang sinisira sa loob, akala mo okay ang lahat niloloko
ka na pala, akala mo protektado ka pero iniwan ka na pala, akala mo ikaw na pero may iba pa
pala, akala mo paninindigan ka pero susukuan ka naman pala at akala nila okay ka pero basag
HULING HIMPILAN

18

na basag ka na pala. Ito yung pintuang nagmamatibay, nagmamatigas pero inaanay na pala sa
loob; yung pintuang mapanlinlang sa tumitingin, yung pintuang hindi masyadong iniintindi
kasi may saya ang harap di mo naman makita ang lungkot sa loob dahil sa likod ng pintuan na
ito ay may kwentong nakakubli.
Ang pintuan ay parang isang tao. Handang masaktan, handang humarap sa iba at
tumanggap ng iba sa buhay nila at handang magparaya para sa iba. Minsan kailangan mong
lokohin ang sarili mo para sa kapakanan ng iba kasi minsan kailangan mong maging tao yung
nabubuhay sa realidad na imperpektong mundo na puno ng sakit at pighati ngunit may tyansa
kang magbukas para sa mas magandang oportunidad, mga taong mamahalin at tatanggapin ka
at mas maligayang kinabukasan. Parang pintuan na sa katagalan ay unti-unting nasisira
habang ikaw naman ay unti-unting namamatay kasabay rin ng panahon. Parang tao na
nagkukunwaring masaya pero nasasaktan na pala, yung nakangiti pero durog na durog na
pala, yung akala mong okay pero nasisira na pala, yung laging masaya pero umiiyak sa gabi,
yung laging nakangiti pero may luha na pala sa likuran ng mga mata, yung malakas tumawa
pero humahagulgol sa sulok, yung akala mong moved on ka na pero masakit pa rin na para
kang sinusugatan ng palalim bawat araw, yung nakalimot ka na pero paulit ulit na bumabalik
yung hapdi ng bawat sugat yung akala mong maayos at magandang pintuan ay natatanggal
na pala, nasisira, nawawalang ng kulay at bumibitiw na pala sa pinagkakabitan. Mahirap
husgahan ang isang pintuan kasi hindi mo naman alam ang tunay na pangyayari sa loob nito
parang tao na hindi mo naman kakilala. Pero madalas mabilis bumuo ng kakutyaan ng isang
tao o pintuan sa pamamagitan ng mga naririnig na ingay sa loob o kumakalat na chismis; sa
panlabas na anyo, materyales na gamit, sa disenyo at accessories nito parehas na tinitignan at
HULING HIMPILAN

19

hinuhusgahan. Ito ang nagiisang bagay na unique o natatangi sa mundong ito ang pagbuo
ng kasalanan o pagdulot ng sakit sa iba pa sa paligid.
Bawat tao o pintuan ay may istorya; hindi man kasing halaga o garbo ng sa iba, ito ang
bumubuo sa parehas. Bawat tao o pintuan ay magkakaiba sa anyo, ugali, tibay, istorya o
dahilan. Bawat tao o pintuan ay may hirap na nararanasan na maaaring dulot ng nature, ng
tao o ng sarili. Bawat tao o pintuan ay naaapektuhan ng iba pang tao sa paligid niya: nababago,
naaayos, nasisira. Ang pinagkaiba nila, ang tao ay rasyonal: may damdamin at at kaisipan
kaya niyang ayusin, iligtas, ipagtanggol, pagtibayin at protektahan ang sarili niya; di tulad ng
pintuan na walang damdamin at pag-iisip hindi kayang ipagtanggol ang sarili, handa
lamang tumanggap ng sakit, hindi kayang ayusin ang sarili kung walang aayos, hindi kayang
tumayo ng kusa kung matutumba, hindi pwedeng magreklamo kung ayaw ang ginagawa sa
kanya, hindi kayang magbago ng emosyon dahil binuo na siya ng may ganoong kaanyuan. Ang
masakit karamihan sa tao ay nagiging pintuan, tumatanggap ng sakit nang walang paggamit
ng damdamin at kaisipan. Martir kung tawagin pero may mga taong pintuan na handang
masaktan, mahulog, madapa sa kadahilanang minsan sila lang ang makakaintindi dahil ang
rason ay parang Diyos di mo makita pero nararamdaman mo dahil naniniwala ka. Ang rason
ay ang puso ng bawat isa; ang kandado ng bawat pintuan. Ako rin ay isang pintuan ngunit
pinili kong maging tao. Pinili kong makadama, mabago, magpakatatag at pinili kong lumaban
sa buhay na ito. Pinili kong buksan ang kandado ng aking puso at tignan ang bawat bagay na
hindi lamang gamit ang utak ngunit pati puso. Mas nakita ko ang tunay na liwanag at saya ng
buhay na mayroon ako.
HULING HIMPILAN

20

Ang pinaka-importante kong natutunan sa likod ng pintuan ay wala sa anyo kung
hindi nasa tibay ng pagkatao ang tunay na tagumpay, wala sa kagalingan kundi sa sinseridad
ang tunay na halaga, wala sa labas pero nasa loob ang tunay na pagkatao parang isang
pintuan: wala sa harap ngunit SA LIKOD NG PINTUAN nakakubli ang tunay na istorya ng
buhay, ang tunay na damdamin, ang tunay na pakay, ang rason ng pagkabuo. SA LIKOD NG
PINTUAN, nagtatago kung sino ka talaga. SA LIKOD NG PINTUAN, nabubuo ang pagkatao mo
sa pamamagitan ng saya at lungkot na iyong nadarama. SA LIKOD NG PINTUAN, oo nasisira,
nasasaktan ka pero SA LIKOD NG PINTUAN mo rin mararamdaman, makikita ang tunay na
ligaya para muli kang tumayo at sumubok. SA LIKOD NG PINTUAN, may mga alaalang masakit
isipin, mga ala-alang sumusugat, mga ala-alang gusto mong malimot o maalala muli ng paulit
ulit, mga alaalang nagpapaalala sayo na ikaw ay isang matapang, mabuti, matalino,
magandang indibidwal na nabubuhay magulo at imperpektong mundo nasasaktan, nadadapa
ngunit patuloy na lumalaban at tumatayo. Dahil SA LIKOD NG PINTUAN mo makikita kung
sino kang tunay: isang taong may puso. SA LIKOD NG PINTUAN, HANDANG LUMABAS ANG
MAS MATAPANG AT BUONG IKAW NA PINAGTIBAY NG PAGSUBOK AT PIGHATI NA IYONG
IIWAN SA LIKOD NG PINTUAN AT MULING BUBUKSAN SA PANAHONG NAWAWALA KA SA
MUNDONG IYONG KINAGAGALAWAN UPANG IPAALALA SAYO NA IKAW AY MAHALAGA
SA MATA NG PANGINOON AT MAHALAGA SA MUNDONG ITO. SA LIKOD NG PINTUAN AY
MAIIWAN ANG BAKAS NG PAGPAPAALAM SA LAHAT NG SAKIT NA DULOT NG BUHAY.


End of The Rope
ALEXIS PAULA MARTINEZ

I have fallen in love several times, dated a number of guys, got into a relationship with some of
them, but I have only been in love once and that was when I met him.
Ngayon lang nangyari sa kin ang ganito. Napapaisip ako ng mga bagay na gusto kong
gawin kasama niya sa kasalukuyan. Tinatago ko ang mga bagay na binibigay niya sa akin,
ultimo ang mga natuyong bulaklak ay hindi ko magawang itapon. Sa kanya ko lang naranasan
maging ganito kasaya. Pinaranas niya sa kin ang mga unusual na bagay na ginagawa ng isang
magkasintahan.
Nakilala ko siya noong akoy nasa second year college pa lang. Magkaklase kami sa
dalawang subject noon. Hindi kami gaano nag-uusap noong simula. Talagang kaklase lang
siya para sa akin. Ganon din naman siya. Makulit siya at pala-tawa. Minsan inaasar niya ako
ng pabiro at dahil don, napapatawa niya ako. Hindi ko inakala na makakaramdam ako ng
lubos na excitement sa tuwing darating ang araw na magiging kaklase ko siya. Nagulat na lang
akong dumating kami sa punto na nagpapalitan na kami ng good morning at good night
messages, at yun ang mga messages na inaabangan ko sa araw-araw.
HULING HIMPILAN

22

Masaya at maganda ang naging simula namin. Iba siya sa lahat ng mga nakilala ko.
Minsan, pag magkasama kami, feeling ko nagmature na talaga ako. Sa sobrang saya ko ay
hindi ko na magawang maitago ang nararamdaman ko. Parati ko siyang bukambibig na tipong
sawa na ang mga kaibigan ko sa pakikinig ng aming love story.
Will you still love me in the morning?
Akala ko ay siya na talaga. Akala ko ay pangmatagalan na talaga itong aming relasyon.
Pero nagbago ang lahat. Parang nawala yung spark. Nagbago yung treatment niya sa kin.
Hindi ko alam kung ano nangyari. Nagulat na lang ako na nagbago ng parang bula yung
dream relationship ko. Inisip kong mabuti kung may nagawa ba ako. Pero wala talagang
pumasok sa isip ko na maaaring rason. Inintindi ko siya. Lahat ng mga ginawa niya para sa
akin noon ay ginawa ko rin para sa kanya ngayon. Subalit hindi ako nakaramdam ng kahit
anong appreciation. Na-disappoint ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko hindi na ako sapat
para sa kanya.
Perhaps, the problem is not the intensity of your love, but the quality of the person you are
loving.
Nagbago na nga siya. Talo pa yung pakiramdam na iniwan ka. Para kang nawalan.
Nasa yo nga pero parang hindi naman para sayo. Umaasa akong pag hinigitan ko yung kaya
niyang ibigay para sa akin ay magiging maayos ang lahat. Babalik ang lahat sa kung ano kami
noon. Pero hindi. Hanggang ngayon, ginugulo pa din ako ng mga tanong sa isip ko na tila wala
namang kasagutan.
HULING HIMPILAN

23


At first it seemed we were very alike, but then as time went by, we changed into new people.
Thats when I realized, it was time to let you go.
Noong nakilala ko siya naniwala ako na may happily ever after . Na may forever .
Pero na-realize ko na pansamantala lang pala yung kaligayahan na pinaranas niya sa kin dati.
Gusto ko nang bumitaw. Para malaman ko kung hihilahin ba niya ako pabalik. Gusto ko nang
bumitaw. Para malaman ko kung may sasalo ba sa king pagbagsak. Gusto ko nang bumitaw
dahil pakiramdam ko ay ako na lang ang may hawak ng lubid, na wala na yung taong nasa
kabilang dulo nito.


Huling Sulyap
ERMINIA THERESE RELOVA

Hinding-hindi ko makakalimutan noong una tayong nagkakilala, ang una nating pag-
uusap, unang tawanan, unang kilig, unang pag-iyak at ang aking huling sulyap sa iyo.
Una tayong nagkakilala noong freshmen pa tayo sa isang organisasyon kung saan lagi
tayong nagpupulong at nagkakantahan kasabay ng pagkaskas sa gitara at pagpalo sa tambol.
Tahimik ako sa isang sulok dahil wala pa akong kakilala na ibang miyembro. Bigla kang
lumapit noon at nakipag-kamayan. Tinanong mo ang pangalan ko at sinabi mo naman yung
iyo. Tumugon ako sa iyong pakikipagkamay at ngumiti pero di kita kinausap pagkatapos dahil
nahihiya ako. Nagyaya kang kumain ng merienda pagkatapos ng miting. Tumanggi ako na
may kasamang ngiti at ang dahilan ko ay di ako gutom. Pero ang totoo, di kita ganoon kakilala.
Sabi mo ayos lang at sa susunod sumama na ako kapag kayo ay kakain.
Pagkatapos ng ilang pagtitipon sa orgainsasyon, nakapag-usap din tayo ng maayos.
Nagsimula sa mga karaniwang tanong tulad ng taga-saan ka? ilang taon ka na? saan ka
nagtapos ng high school? hanggang sa nakilala na natin ang isat isa ng paunti-unti. Araw
araw, pagkatapos ng klase, pinupuntahan mo ako sa classroom namin at nagyayayang kumain
at umistambay kung saan-saan sa loob man o sa labas ng unibersidad. Nagkukwentuhan tayo
HULING HIMPILAN

25

tungkol sa ibat-ibang asignatura o di kayay sa kung ano man ang nangyari sa araw na iyon sa
klase. Dito nagsimula ang ating pagkakaibigan.
Umuupo tayo sa mga bangko malapit sa mga maliliit na pabilyon sa may bandang
Medicine Building. Doon ay pinapatawa mo ako gamit ang iyong mga corny jokes. Lagi tayong
nagpapalitan ng jokes para ba makalimutan ang stress sa school kahit panandalian lamang.
Kung hindi man sa biruan, nilalabas natin ang stress sa kung saan tayo mahusay, sa pagtugtog
at pagkanta. Pag nagkamali ng chords sa gitara o sa paghampas ng tambol ay
pinagkakatuwaan na lang natin kasama ang ibang miyembro sa organisasyon.









HULING HIMPILAN

26

Lagi tayong naguusap, sinasabi mo sa kin ang mga sikreto mo. Lagi mo akong
pinapatawa. Hindi natatapos ang araw ko nang hindi mo ako pinapasaya. Isang araw pa nga
ay bigla mo na lang akong tinugtugan at kinantahan. Nagulat ako noon at napatitig sa iyong
mga mata, ngumiti ka sa akin habang kumakanta at nag-gigitara. Dito akoy kinilig at dito rin
nagsimula ang pag-ibig ko sa iyo. Labis akong natuwa sa ginawa mo at hanggang sa pag-uwi
ko sa dormitoryo ay hindi maalis sa aking mukha ang ngiti o kilig ko. Kinabukasan, hinahanap
kita upang makakuha ng isang sulyap sa iyo, ngunit di kita Makita. Hindi kita nakita buong
araw. Ni wala akong natanggap na text mula sa iyo noong araw na iyon. Nalungkot ako pero
nagkamali pala ako nang kalabitin mo ako dahil sa surpresa mong dalapagkain at inumin
pagsasaluhan nating dalawa. Bago matapos ang araw na iyon, hinatid mo ako sa may lobby ng
dormitoryo namin at sabi mo Bye! See you again tomorrow! Thanks again for today.
nagpaalam din ako sa iyo. Nung tumalikod na ako, hinila mo ako at niyakap ng mahigpit.
Nagulat ako at syempre kinilig, para bang may mga paru-paro sa loob ng aking tiyan.
Binitawan mo ako. Kumaway ka habang papalayo. Pagtapos ay umakyat na ako sa kwarto nang
nakangiti hanggang sa makatulog. Sana ngay parati na lamang ganoon.
Lumipas ang bakasyon at nae-excite akong makita ka ulit. Hinahanap kita sa iyong
classroom subalit wala ka doon. Nagtaka ako dahil sa pagkakaalam ko, hindi ka naman umaalis
ng room pag oras ng klase. Uwian na at hindi parin kita makita, kayat tinanong ko sa mga
kaklase mo kung pumasok ka ba. Sabi nila oo pero nagmadali kang umalis dahil ang sabi mo
raw ay may pupuntahan ka. Kaya umuwi nalang ako ng dorm. Habang naglalakad pauwi,
parang may nakita akong anino mo. Kinusot ko ang aking mga mata upang matiyak kung ikaw
ba talaga yung nakita ko. Hindi ako nagkamali sa nakita ko. Lalapitan pa sana kita kaso may
HULING HIMPILAN

27

kausap ka, nakangiti ka pa at parang bang tuwang-tuwa ka sa iyong kasama, nalungkot ako at
sa nakita ko. Hinalikan mo yung kausap mo, hinawakan mo ang kanyang mga kamay at
niyakap mo sya. Sobra akong nasaktan at tumakbo ng mabilis pauwi dahil ayokong may
makakita sa akin na umiiyak. Sa mga sumunod na araw, pag nakikita mo ako at niyayaya mo
ako kung saan man, tinatanggihan na kita hindi dahil sa nasaktan ako kundi dahil gusto ko
munang lumayo at umiwas sa iyo dahil baka may makakita sa atin at gumawa pa ng isyu.
Nakita kitang masaya sa iyong iniirog kaya naging masaya din ako para sa iyo dahil
nakahanap ka ng taong magpapaligaya sa iyo.
Lumipas ang isang taon, nakapag-move on na ako at masaya na ulit ako, may iba na
akong sinasamahang mga tao, nagpokus ako sa pagaaral, at sumali ako sa isang football team.
Nang may isang beses, pagkatapos ng exam nilapitan mo ako at sinabi mo sa akin na kailangan
mo ng taong makakaintindi sa iyo. Nag-usap tayo sa may football field, at tinanong ko sa iyo
kung ano ang problema. Noon mo sinabi sa kin wala na kayo ng girlfriend mo. Nagulat naman
ako at naawa dahil kitang-kita ko sa mukha mong mahal mo pa siya at tinanong ko sa iyo
kung maaari ko bang malaman ang dahilan, sinabi mong ayaw mo ng long-distance
relationship dahil sa tingin mo masasaktan mo lang yung babae dahil ikay mag-aabroad at
titira na doon. Dinamayan kita at naiyak din ako dahil di ko kayang makita kang nasasaktan.
Bago tayo naghiwalay, tinanong ko sa iyo kung magiging ok ka lang at sabi mo susubukan mo.
Pag tapos ng ating pag-uusap, binigyan kita ng isang mahigpit na yakap at sinabi kong
Magiging ok ang lahat. Kaya mo yan. Nginitian mo ako kahit na may luha ka pa sa mata. Sabi
mo pa Salamat! Hindi mo ako iniwan. at naglakad na paalis.
HULING HIMPILAN

28

Ngayon, bilang kaibigan, susubukan kong punan ang natitirang isang taon ng walang
iba kundi masasayang alaala. Susubukan kong hindi malungkot sa iyong pag-alis. Lahat ng
gusto mong gawin susubukan nating gawin. Pipilitin kong gawin. Pero habang lumilipas ang
araw, hindi padin mawala sa isip ko ang pagpunta mo sa abroad mo. Minsan, naiiyak ako dahil
kahit uso ang facebook chat, skype, messenger, iba pa rin talaga yung nakakausap mo sa
personal ang minamahal mo. Mamimiss ko ang lahat ng mga ginawa natin simula noong
tayoy first year. Lahat ng usapan, sikreto, tawanan, at iyakan. Higit sa lahat, hinding-hindi ko
makakalimutan ang aking huling sulyap sa iyo.










Pagaalala,
Pagpapaalam
KRISTINE AMIELLE CRISOSTOMO

Galing ako sa pamilyang hindi masyadong pinagpala. Masaya na sa mga simpleng
bagay. Wala ng iba pang hangad kundi ang mapabuti ang buhay. Ngunit sa bawat pamilya
madami ring itinatagong baho. Nagsimula akong magtaka noong akoy bata pa lang. Madalas
kasi silang mag-awayang aking nanay, tatay, pati na rin ang mga tito, tita at lolo ko.
Naaalala ko pang madalas akong magtago noon sa kwarto habang lahat silay nagsisigawan sa
labas. Maririnig ko pa rin ang pagbabasag nila ng pinggan, paghagis ng vase, pagtunog ng
suntok sa mukha dahil sa pagtikim niya sa kamao ng isa. Sobrang gulo at sobrang nakakahiya
talaga sa mga kapitbahay.
Nung una ay wala pa akong pakialam sa sinasabi at pinagaawayan nila, pero habang
akoy tumatanda nasasama na rin ako pag-aaway nila. Ang tagal ng panahon na wala akong
kinakampihan sa kanila dahil nga pare-pareho naman silang may mali. Subalit ngayon ay
masyado ng madami ang aking nalalaman. Hindi ko na kayang umupo na lang at hintayin na
magaway-away muli sila. Dahil nadamay na rin naman ako sa kanilang pag-aaway, halo-halo
HULING HIMPILAN

30

na ang aking nararamdaman: Galit, dahil sa mga kasinungalingan at sikreto na kanilang
tinatago. Takot, dahil kapag sinabi ko sa kanila ang mga nalalaman ko ay baka masaktan lang
nila ako. At higit sa lahat, pagod, dahil hindi ko na kayang ako lamang ang nakakaalam ng
mga sikretong ito. Napapagod man ako ng lubusan, hindi ko pa rin maaring sabihin sa iba ang
aking mga nalalaman dahil mahirap nang makahanap ng mga taong tunay mong
mapagkakatiwalaan. Kaya kahit kinakain na ko ng mga sikretong ito ay mas pinipili ko pa ring
itago na lang ang lahat.
Sa palagay ko, nagsimula ang lahat ng ito nung namatay ang lola ko. Pare-pareho
silang nagkaproblema simula nung nawala siya. Para sakin kasi, siya ang taga-ayos nang lahat
HULING HIMPILAN

31

ng gusot dito sa bahay. Kaya nung nawala siya, parang nawala na din ang ilaw na gumagabay
sa lahat ng tao dito. Pero wala na kaming magagawa. Hindi na maaring ibalik ang dati. Wala
na siya. Naaalala ko pa nung mga panahong araw-araw niya akong ipinapasyal sa kung saan-
saan. Pero ngayon hindi na ito maaaring mangyayari muli. Buti na lang at puro masasayang
alaala ang meron kami sa kanya.
Mas kailangan namin siya, lalo na ngayong sobrang dami ng mga problemang
hinaharap namin. Pero iisa na lamang ang aming magagawa, alalahanin ang mga
magagandang alala na meron kami sa kanta at ayusin ang mga problema sa sarili naming
pamamaraan.

Estranghero
FRANCES LOREN QUERIJERO

Makikilala mo lamang ako
Pag ang ngalan koy limot mo na
Maaalala mo lamang ako
Sa tuwing ikay mahahalina.
Darating din ang panahon
Na akoy hahanap-hanapin mo
At pagdating ng oras na iyon
Wala kang maaaninag, ni aking anino.
Nais ko sanang mahalin ka
Ngunit nais ko ring maging maligaya
Nagmamasid, tila ba nagtataka
Bakit ba akoy di mo mapasaya?
Sa iyong tuluyang paglisan
Nabatid kong hindi ka kawalan
Kung sayoy di naman liligaya
Ay mabuti pang maging Malaya.


Tagapayo sa
Pagpapaalam
CHARMAINE ESCORPISO

Aking kaibigan, wag mangamba
Tapusin na ito, wag nang magkaroon ng kaba
Masakit pang isipin na iyong minahal
Ay turing kong tatay sa pakultad
Ang saklap pagmasdan kaibigan ko
Para kang nasugatan ng pako
Di mawari kung kanino kampi
Pagkat pantay kayo sa aking puso
Tumalikod na at wag umiyak
Hayaan siya, ayusin ang gayak
Marami pang iba, umayos ka
Ayoko naman kasing umasa ka

Mahal ko siya pero mahal din kita
Kung kayo talaga, babalik siya
Kung hindi man, ayos na siguro
Ituring gabay ito ng guro
Hindi masama ang magpaalam
Nadadagdagan ang iyong alam
Pagisipan itong aking payo
HULING HIMPILAN

34

Andito lang ako iyong panyo
Wag mo sana siyang saktan
Siyay ama ko, iyong tandaan.

PASASALAMAT
Buong puso kaming nagpapasalamat sa mga sumusunod:
Sa aming mga magulang, kapatid, at pamilya. Kayo ay nagsilbing malaking inspirasyon ng mga akdang
naisulat namin dito.
Sa aming mga minamahal na siyang pangunahing inspirasyon namin hindi lamang sa pagsusulat kundi
pati na rin sa buhay. Salamat sa pagbibigay inspirasyon at gabay sa amin upang makamit ang aming mga
mithiin sa buhay.
Sa aming guro sa Retorikakay Bb. Criselda Sicat. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi magiging posible
ang aklat na ito. Salamat sa pagbibigay ng pagkakataong ito upang maipahayag ang aming mga tinatagong
hinanakit at damdamin.
Sa aming mga kaibigan at kasamahan sa Unibersidad ng Santo Tomaslalo na sa mga kaklase namin
mula sa 3LM3. Kayo ang nagsisilbing lakas at inspirasyon namin sa pagsusulat ng maiikling kuwento at tula.
Sa aming mga guro na laging gumagabay sa amin at handang umalalay sa bawat kalungkutan at kagipitan
na pinagdadaanan namin sa buhay. Salamat din sa mga salita ng karunungan na kanilang patuloy na
ibinabahagi sa amin upang kami ay maging mas mabuti at mahusay na indibidwal.
Kay Kuya Alexis Lim, salamat sa mga napakagandang litratong ipinahiram mo sa amin upang gamitin sa
aklat na ito.
Higit sa lahat, sa Panginoon na siyang nagsisilbing ilaw namin sa gabing madilim, sandigan at gabay na
nagtuturo ng tamang daan tungo sa landas ng kabutihan.

You might also like