REGIDOR - BEED 3B - Gawain 4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Cebu Normal University


Osmeña Blvd. Cebu City, 6000 Philippines

College of Arts & Sciences


Telephone No.: (+63 32) 254 6814 local 140
Email: [email protected]
Website: www.cnu.edu.ph

Masining na Pagpapahayag

Gawain Blg. 4: Kuwento: Ipagpatuloy Mo!


Panuto: Ipagpatuloy ang kuwento sa ibaba. Kinakailangang sundin ang gabay sa
mabisang pagpapahayag (Kaisahan. Kohirens, at Pokus).
"WALLET"
Isinulat ni: Jackelyn Dela Cruz
Sa riles ng tren na ito babalikan ko ang lahat. Isang gabi dinala ako dito ni tatay,
sabi niya "Ito ang ticket Intoy, sumakay ka na patungong Bicol. Puntahan mo'ng nanay mo."
Sa pagitan ng pag-ubo at paghithit ng sigarilyo, pinagmamasdan ko ang may katandaan na
niyang mukha. Sabi, tumanda sa init ng araw at sa pagpupukpok ng mga kinukumpuning
bahay. "Ito wallet ko, ’yan lang mapapamana ko sa ’yo. Hindi na siguro tayo magkikita
pagkatapos ng gabing ito. Ingatan mo na lang, Intoy."
Marami pang sinabi si tatay pero maingay na ang paparating na tren kaya't buka na
lang ng bibig ang nakita ko, na may kasamang pag-ubo. At laway na kulay dugo sa bawat
pagdahak niya. Hindi ko na nakita si tatay mula noon. Tumira ako kay nanay kasama ang
bago niyang asawa at dalawa kong kapatid sa ina.
Sampung taon ang lumipas at nagbalik ako sa lugar kung saan ko huling nakita si
tatay. Sa sulok ng puso ko'y umaasa akong naroon pa rin siya, nag-aabang, naghihintay,
umaasa sa aking pagbabalik. Hawak ko ang wallet ni tatay. Sa loob ng mahabang panahon,
hindi ko iyon binuksan minsan man.
Sa pagbukas ng pintuan ng tren tumambad sa akin ang pamilyar na lugar. Ang lugar
kung saan huli kong nasulyapan ang maamong mukha ni tatay. Pinaghalong emosyon ang
aking nararamdaman. Saya, na sumibol dahil sa aking pagbabalik at dulot na rin ng sariwang
pag-asa na muli kong makikita si tatay, at lungkot dahil sa loob ng sampung taon wala ako sa
kanyang tabi upang sa hirap at ginhawa umaruga at umalalay sa kanya. Malakas ang sikat ng
araw nang ako’y dumating sa sakayan ng dyip. Habang tumatakbo ang dyip patungo sa ruta
nito nasaksihan ko na marami na ang nagbago sa lugar na aking kinagisnan. Hindi ko na
mabilang kung ilang malalaking establisyimento ang nagsitatayuan. Dumami na rin ang mga
tao kumpara noon kung saan payapa at kaunti lamang ang mga naninirahan sa aming bayan.
Nabatid ko na ako ay malapit na sa amin nang huminto ang sinasakyan kong dyip sa palengke
na malapit sa aking puso. Sariwa pa sa aking isipan noong ako ay bata pa lamang. Habang
abala si tatay sa pagkumpuni ng bahay ng mga mayayaman o may kayang pamilya
pumupunta ako sa palengke upang tumulong sa mga tindero para kahit papaano may pera ako
pambili ng ulam pag-uwi. Pinagmasdan ko ng mabuti ang palengke, inalala ang lahat. Bigla
naputol ang aking pagsasariwa nang sumigaw ang drayber, senyales na nasa babaan na kami.
Nilakad ko ang papunta sa amin dahil malapit na lamang ito. Hindi ko inalintana ang malakas
na sikat ng araw dahil labis ang kaba na aking nararamdaman nang akoy malapit na sa aming
tinitirhan noon. Sa aking pagkakaalala malapit lang sa maliit na kapilya ang tinirhan namin
na barong-barong ni tatay kaya sariwa pa sa aking isipan ang daanan. Pagkadating ko,
tumambad sa akin ang maraming maliliit na kabahayan. Sa aking paglalakad, may narinig
akong pamilyar na tinig, pagkalingon ko nasa harapan ko si Aling Nena, “Intoy ikaw na ba
yan?” “Opo aling Nena. Kumusta na po kayo?” “Ganon parin Intoy kayod kalabaw parin.
Maiba ako, matagal na kitang hindi nakita, sobra kitang na miss Intoy.” tumawa lamang ako.
“Ikinalulungkot ko ang nangyari sa tatay mo Intoy.” sabi sa akin ni Aling Nena “Po? Ano po
ang nangyari kay tatay?” Tila naguguluhan si Aling Nena sa aking tanong, halata sa kanyang
ekspresyon sa mukha. “Hindi mo alam hijo? Nagka amnesya ka ba sa Bicol? Anim na taon
ng patay ang iyong tatay dahil sa sakit na tuberkulsis. Pumunta nga rito ang nanay at bago
niyang kinakasama para asikasuhin ang libing ng tatay mo sa madaling panahon.” Walang
salita ang lumabas sa aking bibig. Dagdag pa ni Aling Nena, “Ang akala ko alam mo dahil
nong tinanong ko ang nanay mo sinabi niya lamang sa akin na hindi ka makakapunta dahil
may sakit ka at mahal ang pamasahe.” Tila gumuho ang mundo ko nang nalamang wala na si
tatay. Sakit at poot dahil itinago sa akin ang katotohanan. Napabuntong hininga nalang si
Aling Nena at hinawakan niya ang aking kamay at tila ba naiintindihan ang aking
nararamdaman. “Sige na Intoy, puntahan mo ang iyong tatay. Naghihintay siya sayo sa
sementeryo.” Dinala ako ng aking mga paa sa sementeryo, lugar kung nasaan si tatay nakatira
ngunit hindi na maaring mayakap at mahawakan pa. Ang tanging nakikita ko lang ay ang ukit
ng pangalan sa kanyang puting lapida. Bumuhos ng walang tigil ang aking mga luha; sakit,
poot, at paghihinayang ang naghari sa aking damdamin. Hawak ang wallet na binigay sa akin
ni tatay, napagdesisyonan ko na buksan na ito. Sa pagbukas ko tumambad sa akin ang
kanyang mga ID, isang-daang piso, at nakatuping puting papel sa loob ng wallet ni tatay.
“ Intoy, pagpasenyahan mo na si tatay dahil kahit dalawa lang tayo hindi ko parin nabibigay
sayo ang iyong mga gusto. Mga laruan na alam kong gustong-gusto mo, mga mamahaling
pagkain, mga desenting damit, at maayos na tirahan. Kaya siguro iniwan ako ng iyong nanay
dahil ako ay nagkulang bilang asawa at ama sa pagtugon sa inyong mga pangangailangan,
ngunit anak labis ko kayong mahal, lalong lalo na ikaw anak. Isapuso mo na kahit ano ka,
tanggap kita. Kahit pambabae ang iyong galawan anak hindi magbabago o mapapantayan
ang pagmamahal ko sayo. Patawarin mo ako anak kung hindi na kita kayang buhayin.
Nararamdaman ko na malapit na ako mawala sa mundong ito kaya ipinaubaya na kita sa
iyong ina. Sana anak hindi ka nagtanim ng galit sa iyong ina. Mahalin at aalagaan mo siya
Intoy. Isapuso at isaisip mo na mahal na mahal ka ni tatay. Huwag matakot maging ikaw
anak.
Nagmamahal, Tatay Carding”
Humahagulhol ako ng iyak pagkatapos basahin ang sulat ni tatay. Siya ang unang
tumanggap sa aking tunay na pagkatao. Oo, ako ay isang bakla pero tao parin ngunit
kinamumuhian ng ibang tao, ang pinakamasakit pa ay ni nanay. Si nanay at ang kanyang
pamilya hindi ako tanggap dahil salot daw ang maging bakla. Nang naghiwalay si tatay at
nanay hindi ako sumama kay nanay dahil takot ako sa kanya, at nong pinaubaya ako ni tatay
kay nanay labis ang aking kalungkutan dahil hindi maganda ang trato sa akin ni nanay pati na
rin ng kanyang kinakasama. Labing-anim na taong gulang ako nong umalis ako sa puder ni
nanay. May kumukop sa akin, si Kagawad Nila, isang matandang dalaga. Binihisan at pinag-
aral at trinato bilang isang tunay na anak. Nakapagtapos ako ng pag-aaral sa kolehiyo at
naging ganap na lisensyadong guro sa elementaya. Si tatay ang naging motibasyon ko sa
buhay, siya rin ang nagsisilbing lakas ko sa gitna ng mga unos na dumating sa aking buhay.
Hinding hindi ko iwawala ang wallet at sulat ni tatay na nagsisilbing alaala ko sa kanya.
Gaano man kagulo o kataksil ang mundo ang kinagisnan ko, hindi ako nanghihinayang na
magpatuloy dahil alam ko na sa bawat hakbang at kung saan man ako mapunta kasama ko si
tatay. Si tatay ang nagsisilbing liwanag sa makitid at walang kasiguradughan na daanan ng
buhay. Patuloy ang aking buhay kasama ang wallet ni tatay, na sumisimbolong sa walang
katumbas na pagmamahal niya sa akin.

Sanggunian: https://www.scribd.com/document/427475031/Dagli

You might also like