DAGLI

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

HACIENDA

“Miguel Anak, tingnan mo ang buong paligid.” ang nakangiting paanyaya ni Ruben sa anak na
lalaki.

“Napakaganda po.” Tumingala si Miguel sa amang si Ruben habang nakatayo ang mag-ama sa
tuktok ng burol.

“Tama ka. At tingnan mo nang maigi ang buong lupain anak. Ito ang tatandaan mo, magmula
ngayon, ang buong lupain na ito, hanggang sa kung saan ang marating ng mga mata mo – “

Sabik na muling tumingin si Miguel sa ama.

“Diyan ka magtatrabaho.”

At iniabot ni Ruben ang kanyang regalo para sa ika-sampung taong kaarawan ng anak. Ang
kanyang bagong
PLANO

“Toti anak, magbe-bertdey ka nanaman bukas, matanong nga kita, ano ba talaga ang mga plano
mo sa buhay?”

“E ‘Nay, simple lang naman mga ambisyon ko sa buhay e, magkaron ng magandang trabaho,
makapag asawa, magkaron ng milyones sa bangko at makabili ng magarang kotse. Kapag
natupad ko nang lahat ng ‘yon ‘Nay, makakapag relaks na tayo habambuhay.”

Napaiyak na lamang si Aling Mena sa tinuran ng anak.

“Nay?”

“Anak ka ng ama mong magulang, treinta y siete anyos ka na bukas, tatlumpu’t pitong taong ka
na ring nagre-relaks dito sa bahay! Animal na ito…
PEKLAT

Tanda ng kulit ang malaking peklat sa noo, malapit sa kanang mata, apat na pulgada ang haba,
nag-keloid, na gawa ng pagkakadapa ng patihaya, sakto, sa plot ng kaklase na ginagambulan ng
piko, sa garden ng eskuwelahang elementarya, habang ikaw ay nakikipagharutan at tumatakbo.

Sindak ang lahat: “Patay na ba? Patay na yata! Patay na!” Maririnig na sigawan ng karamihan.

Ngunit hindi pa. Salamat kay Miss Cruz at sa mabilis at mapagkalingang pagsaklolo. Pinangko ka,
inihiga sa pinagdikit-dikit na desk, sinuri at pinaampat ang sugat sa inihubad niyang sarili mong
uniporme, nilapak sa dalawang hati ang nakabulsang sarili niyang panyo, saka ginawa iyong
pantali upang makipkip ang kalahating garapong kape na ibinudbod sa sugat upang mapigil ang
pag-agos ng dugo. Nagising kang nakaupo sa isang silya sa tabi mo si Miss Cruz. Hinaplos ang
mukha mo. At parang umaawit ang isang anghel sa pagsasabing “O, okey ka na. Sa susunod,
huwag ka sanang sobrang kulit at likot. ‘Ta’mong nangyari. . .”

Makalipas ang tatlong buwan, lumipat ng paaralang pinagtuturuan si Miss Cruz. Kailanman ay
hindi mo na siya muli pang nakita. Ngunit siya ay nagbabalik sa alaala — sa tuwing ikaw ay
nananalamin — at nakikita ang nag-keloid na peklat sa kanan mong noo.
BAHA DULOT SA BASURA

Si Henry ay mahilig magrumi sa kapaligiran. Hindi niya iniisip na masama ang kaniyang
ginagawa. Tapon doon, Tapon ditto iyan ang lagi niyang ginagawa araw-araw. Kahit na
pinapagalitan nang kaniyang ina ay hindi parin siya sumusunod nito na huwag magkalat.
Palibhasa’y may katulong silang laging inuutusang maglinis ng kalat sa loob at sa labas nang
kanilang pamamahay. Dumating ang panahong kailangang umuwi ang kanilang kasambahay sa
probinsiya at walang ibang katulong ang pumalit dito. Kaya obligado si Henry na gawin ang mg
autos sa kanilang pamamahay sa loob o sa labas man. Isang umaga ipinatapon nang kaniyang
ina ang sako-sakong basura sa may eskinita kung saan doon kinukuha ng mga basurero ang mga
basura. Ngunit dahil sa pagiging tamad ni Henry itinapon niya ito sa likod nang kanilang bahay
kung saan may ilog doon. hindi alam nang ina ni Henry ang kaniyang ginawa kaya hindi siya
napagalitan nito. Isang gabi habang si Henry ay mahimbing na natutulog, napakalakas na ulan
ang humagupit sa kanilang bayan hanggang sa bumaha. Pumasok sa loob nang kanilang bahay
ang tubig at iba’t-ibang klase nang mga basura. Nagulantang ang ina ni Henry sa nangyari siya
ay nalito kung bakit may mga basurang nagkalat sa loob nang kanilang bahay kung ipinatapon
niya ito. kaya pinuntahan niya ang kaniyang anak at tinanong kung saan nito itinapon ang sako-
sakong basura. Sinabi ni Henry ang katotohanan na sa ilog niya itinapon ang mga basura. kaya
nagalit ang kaniyang ina at sinabihan itong linisin ang basura mag isa. Napag tanto ni Henry na
mali ang kaniyang ginawa kaya sinabi niya sa sarili na hinding-hindi na niya iyon gagawin at
magiging responsable na siya.
SUNSET

Papalubog na ang araw. Nagpapaalam sa langit at binabati ng halik ang dagat. Nasa papalubog
na araw ang tingin mo.

Kapag tinitigan ko kaya nang maiigi ang araw, mababasa ko dun ang mga nasa isip mo?
Malalaman ko kaya kung ano ang nilalaman ng puso mo?

Hindi ko alam. Ang alam ko lang kapag may sinasabi ka sa’king ayaw mong malaman ng iba,
pumupunta tayo sa tabing dagat. Bakit kaya? Baka siguro kayang tangayin ng hangin ang mga
sikreto, dalhin ng alon, at lunurin ang mga ito sa dagat. Baka nga ganun.

“Sakali bang magmahal ako uli, matatanggap mo?” tanong mo sa’kin pero sa araw ka rin
nakakatitig.

“Mahal mo na ba siya?” ang tanging tugon ko.

“Alam mo na ang sagot diyan.”

“Kung ako ang tatanugin mo, matatanggap ko naman.”

“Salamat.”

“Pero hindi ibig sabihin na tanggap ko ay tama na… O siya, gumagabi na mama. Mauna na ako,
baka mag-alala pa sa’kin si papa.“

Wala na ang araw.Nagpaalam matapos halikan ang dagat.. at kinabukasan ay babating muli.
ANG BISITA

Nasasabik ngayon si K.

May bisitang makata ang campus. Naghintay pa siya ng isang oras bago magsimula ang
workshop, tumambay sa mga upuan mag-isa, sinubukang magbasa at nakipaglaban sa mga
lamok. Bakit kasi alas-singko pa ng hapon ang schedule. Dumidilim na at walang tao ang mga
bulwagan ng gusali. Pumasok siya sa AVR. Nakaandar ang aircon. Konti lang ang mga
estudyante. Mga ka-kurso din nya sa B.A. Literature ang karamihan. Mga pamilyar na mukha
ang iba. Kumpleto din ang faculty ng humanities department. Napatigil si K nang makitang
handa na ang bisita sa harap. Doon din ang may bakanteng upuan. Nakipangsiksikan muna siya,
tumingin sa dinadaanan at iniisip na hindi sana sya masyadong pinapansin ng bisita. Nakaupo
rin sya sa wakas. Puti na ang buhok ng makata. Retired na pero maaliwalas pa rin ang mukha.
Naka-puting polo at maong na pantalon. May salamin pero hindi sinusuot, nakakwintas.
Katamtaman ang tangkad, medyo malaki ang tyan.

Nagsimula na. Introduction of the speaker. Taga-Leyte, retired na professor, sumusulat sa


dalawang wika. Isang libro ang mga tulang Waray, pitong libro ng mga tulang Ingles. Pinanganak
sa Iloilo, taga-Pavia ang nanay. Huminga ng malalim si K. Sana hindi ang tula nya ang unang
isasalang. Alam na nya ang takbo ng mga workshop na ito. Konting lecture kuno. Tsaka ang
madalas madugong paggisa sa mga obra. Ang pinadala nyang tula ay social commentary.
Masaya to mamya, double-trouble. Siguradong syang puro mga tula ng kasawian ang pinadala
ng iba. Nagsalita na ang bisita.

Disappointed daw sya. Hilaw na hilaw ang mga tulang pinadala namin. Hindi pa kami handa sa
isang writing course kaya naghanda nalang sya ng isang reading course. Wala kaming kapit sa
wika at porma. Sa madaling salita, sa tradisyon ng panulaan. Pinamigay ang handouts. May mga
lumang kanta/tulang Hiligaynon. Pinakanta. Pinabasa. Pinabilang ng syllables. Pinahanap ng
mga tugma.

You might also like