Pamaraan Sa Pagtuturo NG Wika Fil 223

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Iba’t ibang pamaraan

ng pagtuturo ng wika
DULOG, PAMARAAN, TEKNIK
• Mula noon hanggang ngayon ay patuloy pa rin tayong
naghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong hinggil sa
pagtuturo ng wika .

• Ang paghahanap ay may kinalaman sa “pamaraan” o isang


panlahat na pamaraan na magagamit sa epektibong pagtuturo.

• Subalit sa kasaysayan ng pagtuturo ng wika, nakaranas tayo ng


pagdating ng maraming pamaraan na pagkaraan ng ilang
panahon ay iwawaksi na lamang dahil mayroon na namang
bagong kapalit.
ANO NGA BA ANG PAMARAAN ?

Nagbigay si Edward M. Anthony ( 1963) ng isang


magandang depinisyon ng pamaraan na
tinatanggap ng maraming guro sa loob ng
mahabang panahon.

Ang kanyang konsepto sa pamaraan ay


ikalawa sa tatlong herarkiya ng mga
elemento, alalaong baga’y,
DULOG , PAMARAAN , TEKNIK .
Ang dulog ay isang set ng pagpapalagay
hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto
DULOG at pagtuturo.

Isang panlahat na pagpaplano para sa isang


sistematikong paglalahad ng wika at batay ito
sa isang dulog.
PAMARAAN
May tiyak na hakbang na sinusunod ang bawat
metodo o pamaraan.

Tiyak na gawain na malinaw na makikita sa pagtuturo at


konsistent sa isang pamaraan at katugong dulog.
TEKNIK
Ay tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong
pangklase. Alinman sa mga kagamitang pagsasanay o gawain
sa loob ng klasrum, upang maisakatuparan ang mga layunin ng
isang aralin.
•MGA
PAMAMARAAN
SA PAGTUTURO
NG FILIPINO
KLASIKONG METODO ANG MGA DESIGNER METHODS
NG DEKADA ’70
1. Pamaraang Grammar
Translation 1. Ang community language
Learning (CLL)
2. Series Method
2. Ang suggestopedia
3. Direct Method 3. Silent Way
4. Audio-Lingual Method 4. Total Physical Response
( ALM) (TPR)
5. Natural Approach
MGA PAMAMARAAN SA PAGTUTURO
NG FILIPINO
1. PAMAMARAANG GRAMMAR TRANSLATION
Mithiin ( goals) :
2. Mabasa ang literatura ng target na wika.
3. Maisaulo ang mga tuntuning balarila at talasalitaan ng
target na wika.

KATANGIAN :
1. Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang
gamitin ang target na wika.
2. Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng mga talasalitaan.

3. Binibigyang-diin ang pagbasa at pagsulat at halos hindi nalilinang


ang pakikinig at pagsasalita.

4. Pabuod ang itinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-


aaralan, at pagkatapos ay magkakaroon ng maraming pagsasanay
at pagsasalin.
5. Ang pagbabasa ng mga kahirapang teksto ay isinasagawa nang
hindi isinasaalang-alang ang kahandaan ng mga mag-aaral.

6. Kawastuhan sa pagsasalita ang mahalaga. Inaasahan na


magaling sa pagsasalin ang mga mag-aaral mula sa target na wika.
2. Ang Series Method
• Isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang
target ng wika ay itinuturo nang TUWIRAN ( walang
pagsasalin) at ang serye ng mga magkakaugnay na
pangungusap ay madaling mauunawaan ng mag-
aaral.

• Walang pagpapaliwanag sa tuntuning balarila


bagama’t maaaring mayroong kayariang balarila na
nakapaloob sa mga pangungusap ang dapat linawin.
Series Method
Hal.
Papunta ako sa pintuan. Papalapit na ako sa pintuan. Nasa
may pintuan na ako. Huminto ako sa may pintuan.
Inabot ko ang door knob. Inikot ko ang door knob. Binuksan
ko ang pinto . Itinulak ko ang pinto.
Gumalaw ang pinto. Bumukas ang pinto. Binitawan ko na ang
door knob.
Ang pamaraang ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto
ng wika ay ang transpormasyon ng mga pananaw sa wika at
isang konsepto na madaling maintindihan.
3. Ang pamaarang Direct Method
Katangian :
1. Ang pagkaklase ay nagaganap na target na wika lamang ang
ginagamit.
2. Mga pang-araw-araw na bokabularyo at pangungusap ang
itinuturo.
3. Ang mga kasanayang pasalita ay nalilinang sa pamamagitan
ng palitang tanong at sagot sa pagitan ng guro at mag-aaral.
4. Itinuturo ang ilang tuntuning pambalarila sa paraang pabuod.
5. Parehong binibigyang-diin ang kasanayan sa pagsasalita at
pakikinig.
4. Ang pamaraang Audio- Lingual
Method (ALM)
Katangian ng ALM :
1. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang
panggagaya, pagsasaulo ng mga pararila at paulit-ulit na
pagsasanay.
2. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga
paulit-ulit na pagsasanay.
3. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning
pambalarila. Ang mga tuntuning balarila ay itinuturo sa
tulong ng pulit-ulit na pagsasanay.
4. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng
guro sa pagkaklase.
5. Sinisikap ng guro na gamitin ng mga mag-
aaral ang wika nang walang kamalian.
Naging bukambibig ng maraming guro ang ALM sa loob ng
mahabang panahon., subalit naglaho rin ang popularidad
nito noong 1964 sa pamumuno ni Wilga Rivers.

Ang pagkatuto ng wika ay hindi natatamo sa pamamagitan


ng maraming pag-uulit at pagsasanay, na ang pagkakamali
ay bahagi ng pagkatuto at hindi itinatakda ang wikang
dapat matutuhan.
Ang mga designer method ng Dekada 70
Ang dekada’70 ay makahulugan sa kasaysayan ng pagtuturo
ng wika sa dalawang kadahilanan:
Una: sumigla ang mga pagkatuto ng wika sa loob at labas ng
klasrum.
Ikalawa: nabuo ang ilang inobasyon kung hindi man mga “
rebolusyonaryong” paraan sa pagtuturo.

Ang designer method ay ibinahagi sa maraming guro bilang


pinakabago at pinakamahalagang bunga ng pananaliksik
pangwika.
1. Ang community language learning “
CLL”
• Noong dekada ‘70 kinilala ng marami ang pagpapahalaga
sa damdamin ng mga mag-aaral sa wika.
• Ilan sa mga pamaraang lumabas noon ay karaniwang may
pagbibigay-diin sa likas na damdamin ng tao.

• Ang community language learning ( cll) ay isang klasikong


halimbawa ng pamaraan na batay sa domeyn na
pandamdamin.
• Ang pagkabahala ay nababawasan dahil sa ang klase ay
isang komunidad ng mag-aaral na laging nag-aalalayan sa
bawat sandali ng pagkaklase.

• Ang guro ay tumatayo bilang isang tagapayo at laging


handa sa anumang pangangailangan ng mag-aaral.
• Mga katangian :
1. isinasaalang-alang ang balarila, pagbigkas at
bokabularyo ayon sa pangangailangan. Binibigyang-diin
ang pagkaunawa at pagsasalita.
2. Wala itong tiyak na paraan ng pagtataya. Ginagamit ang
mga interaktibong pagsusulit kaysa obhektibo o tiyak.
3. Hinihikayat din ang sariling pagtataya upang mabatid ng
mga mag-aaral ang kanilang pag-unlad.
2. Suggestopedia
• Ang pamaraang ito ay ay mula sa paniniwala ni George Lozanov.
• Na utak ng tao ay may kakayahang magproseso ng malaking dami
ng impormasyon kung nasa tamang kalagayan sa pagkatuto.
Hal.
Sa isang relaks na kapaligiran at ipinauubaya lahat sa guro ang
maaaring maganap sa klase.

Mahalaga sa pamaraang ito ang musika na tinaguriang BAROQUE na


may 60 kumpas bawat minute at may tanging indayog na lumulikha
ng isang “ relaks na kapaligiran” at nagbubunga ng isang pagkatuto
na lagpas sa inaasahan.
• Ayon kay Lozanov, habang nakikinig ang isang mag-aaral
sa musikang Baroque, nagagawa niyang makapagtamo ng
maraming impormasyon dahil sa pagbilis ng alpha brain
waves at pagbaba ng presyon ng dugo at pulso.
KATANGIAN :
1. Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang
pagkatuto at may maririnig na mahinang tugtugin.
2. Napapalinaw ang mga kahulugan sa pamamagitan ng
pagsasalita sa katutubong wika.
3. Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika,
awitin at drama.
3. Silent Way
• Ang silent way ay nanghahawakan sa paniniwalang
mabisa ang pagkatuto kung ipinapaubaya sa mga mag-
aaral ang kanilang pagkatuto ( Gattegno, 1972).

• Ang mga nag-aaral sa isang klasrum na silent way ay


nagtutulungan sa proseso ng pagtuklas ng mga kasagutan
sa mga suliraning pangwika.
• Sa ganitong kalagayan, nananatiling tahimik ang guro
kaya ang katawagan ay silent way.
• Kinakailangan paglabanan ng guro ang pagtulong sa
sandaling humingi ng tulong ang mga mag-aaral at kung
maaari ay lumabas ang guro habang bumubuo ng
solusyon sa isang suliranin an buong klase.
Katangiang :
1. Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto.
Pananagutan ng mga mag-aaral ang sarili nilang
pagkatuto.
2. Tahimik ang guro ng maraming oras, ngunit aktibo sa
pagbibigay ng sitwasyon at pakikinig sa mga mag-aaral;
nagsasalita lamang siya upang makapagbigay hudyat
( clues), pinapayagan ang interaksyong mag-aaral mag-
aaral.
4. Ang Total Physical Response (TPR)
• Ang pamaraang ito ay humango ng ilang kaisipan sa
Series Method ni Gouin na nagsasabi na ang pagkatuto ay
epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang
pinag-aralan.
• Pinatunayan din ito ng mga saykologist sa kanilang trace
theory ng pagkatuto na nagsasaad na ang pag-alaala ay
napabibilis kung may kaugnay na pagkilos ang pag-aaral.
Katangian :
1. Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mga
utos mula sa titser na isinasagawa ng mga mag-aaral.
2. Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang wika sa
pamamagitan ng mga kilos.
3. May interaksyong guro-mag-aaral o mag-aaral – mag-
aaral; nagsasalita ang guro, tumutugon ang mga mag-
aaral, nagbibigay sila ng mungkahi sa mga kapwa mag-
aaral sa pamamatnubay ng guro.
5. Natural Approach
• Naniniwala sina Krashen at Terrel na kailangan komportable at
relaks ang mga mag-aaral sa isang klasrum pangwika.

• Nakikita rin nila ang pagsasaisangtabi muna ng pagsasalita sa


wikang pinag-aralan hanggang sumapit ang panahong naroon
ang intension at pagkukusa sa pagsasalita.

• Nilalayon ng NATURAL APPROACH na malinang ang mga
personal na batayang kasanayang pangkomunikasyon tulad ng
gamiting wika para sa mga pang-araw-araw na sitwasyon
gaya ng pakikipag usap , pamimili, pakikinig sa radio at iba pa.
• Ayon kina Krashen at Terrel sa Natural Approach , ang mga
mag-aaral ay dumaraan sa tatlong yugto ng pagkatuto;
1. Ang yugtong PREPRODUCTION kung saan ang nililinang ang
mga kasanayan sa pakikinig.
2. Ang yugtong EARLY PRODUCTION na kakikitaan ng mga
pagkakamali habang nagpupumilit ang mga bata sa
paggamit ng wika.
3. Yugtong EKSTENSYON NG PRODUCTION sa mahahabang
diskurso at nakapaloob dito ang mga mas mahihirap na
laro. Role play, dayalog, talakayan at pangkatang Gawain.
• Binigyan tayo ng pagkakataong masilayan ang limang
designer method ng dekada ‘70. Nawa’y maging batayan
ang pamaraang ito upang matuto tayong pumili,
magtimbang upang maiangkop ang mga ito sa iba’t ibang
konteksto.

• Tungkulin natin bilang guro na pumuli ng pinakamagaling


na mga pamaraan mula sa mga sinuri at pinag-aralan ng
mga pantas sa larangan ng pagtuturo ng wika.

You might also like