FINAL COVERAGE Filipino Sa Ibat Ibang Disiplina

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 54

1

SURIIN
Ang pagtuntong ng bawat mag-aaral sa lalong mataas na antas ng edukasyon ay mangangahulugan
ng ibayong pagsisikap dahil sa mga sopistikadong kailanganin ng iba't ibang gawaing akademiko sa kolehiyo
at pamantasan.

Subalit maraming mag-aaral sa mga kolehiyo at pamantasan ang tila bantulot at nagsasabi na hindi pa
sila gaanong handa sa mga hamon ng mga pagbabasang dapat na isagawa sa antas na ito ng kanilang pag-
aaral. Alam nilang hindi sila nabigyan ng sapat na pagkakataon para makapagtamo ng mga kasanayang
kakailanganin para sa epektibong pagbasa ng mga teksbuk sa kolehiyo at pamantasan.

Ang kabanatang ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka para sa ibayong pagdedebelop ng
iyong kasanayan sa pag-unawa ng iyong mga aklat akademiko. Inilahad sa kabanatang ito ang ilang tiyak na
istratehiya at Teknik para sa mabisang pagtukoy ng mga impornmasyon, idea, at konsepto na nakapaloob sa
mga teksbuk na iyong babasahin.

1. PAGTUKOY SA PAKSA O TAPIK

Sa anumang gawaing pagsulat, kailangang may paksang susulatin bago magsulat. Kung walang
paksa, ano ang susulatin?
Ang unang ginagawa ng mahusay na mambabasa tungo sa pag-unawa ay ang pagtukoy sa paksa ng
tekstong binasa. Kapag natiyak na ang paksa, madali na ang pagbibigay ng mga makabuluhang tanong
tungkol dito.

Ang paksa o tapikay maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung ano ang
isinulat ng awtor.

2
PAANO ANG PAGTUKOY SA PAKSA?
Isa sa epektibong paraan sa pagtukoy sa paksa ay ang pagtatanong sa sarili ng ganito:

 Tungkol saan o kanino ang talata?


O
 Ano ang paksa ng talata?

Kung sakaling hindi mo agad masagutan ang inilahad na mga tanong huwag mabahala, dahil may mga
tekstong hindi talagang litaw o halata ang paksa. Kung dumating ang ganitong pangyayari sa iyong
pagbabasa, maaari mong gamitin ang alinman sa limang istratehiyang tatalakayin sa ibaba.

Ang unang istratehiya na makatutulong sa pagtukoy ng paksa ay ang pagkilatis sa pamagat.

1) Alamin kung tinutukoy na ng pamagat ng paksa.

Maraming mambabasa ang hindi gaanong binibigyang-pansin ang pamagat ng teksto. Sa katunayan,
malimit na ipinahihiwatig ng pamagat ang paksa ng isang talata.

Ang ikalawang istratehiya sa pagtukoy ng paksa ay ang pagpansin sa ilang salita na limbag sa bold.

2) Tingnan kung may salita, pangalan, o parirala na nakalimbag sa bold.

Narito naman ang ikatlong istratehiya sa pagtukoy ng tapik o paksa.

3) Bigyang-pansin kung may salita, ngalan, o parirala na paulit-ulit na binabanggit sa teksto.

4) Suriin kung ang talata ay sinimulan sa isang salita o parirala na paglalaon ay kinakatawan na ng isang
panghalip (siya, sila, ito, iyon, o tayo) o ng iba pang mga salita.

5) Sa pagbasa ng isang talata, bigyang pansin kung anong paksa ang karaniwang ipinahahayag ng mga
pangungusap.

2. PAGTUKOY SA PANGUNAHING IDEA O KAISIPAN

Pagkatapos mong matiyak ang paksa o tapik ng isang talata- ang susunod na dapat itanong sa sarili ay
ganito - "Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng awtor sa akin tungkol sa paksa? Ang sagot sa tanong
na ito ay ang pangunahing idea o kaisipan ng talata.

Ang pagtukoy sa pangunahing idea o kaisipan ng isang talata ay katulad ng proseso sa pag-iisip na
ginagamit mo sa pang-araw-araw na pakikipamuhay. Halimbawa, kung naratnan mong nag-uusap ang iyong
mga kabarkada, hindi maiaalis na magtanong ka ng ganito- sa iyong sarili.

“Ano kaya ang nangyari?” Ano ang paksa o tapik?


“Sino o ano ang kanilang pinag-uusapan.

“Ano ang sinasabi nila tungkol sa tao Ano ang pangunahing


o bagay na pinag-uusapan? “ idea o kaisipan?

Maaaring ang pinag-uusapan ng iyong mga kabarkada ay ang laro ng basketball (paksa/tapik) noong
Linggo. Nanghihinayang sila sa pagkatalo ng Barangay Ginebra (ang pangunahing idea, o di kaya'y ang

3
kanilang obserbasyon sa laro ng Barangay Ginebra). Ang pangunahing idea ay ang pinakamahalagang
kaisipan tungkol sa paksa o tapik ng isang talata.

Magiging madali ang pagtukoy sa pangunahing idea ng isang talata a teksto kung itatanong mo sa
iyong sarili ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang paksa o tapik? Tungkol kanino o ano ang paksa?
2. Ano ang nais ipaunawa ng awtor tungkol sa paksa? (Ang pangunahing idea ang kasagutan sa
tanong na ito.)
3. Makikita ba sa una o huling pangungusap ang kasagutan sa ikalawang tanong?

Basahing mabuti ang huling pangungusap ng bawat talata at bigyang-pansin ang ilang hudyat na mga
salita na maaaring simula ng isang kongklusyon. Ang kongklusyon ay maaaring ituring na pangunahing idea
ng talata. Narito ang ilang gamiting hudyat na mga salita:

*Bilang pagwawakas *Sa gayong dahilan


* Samakatuwid; Dahil dito, *Sa ganitoKaya
*Sa wakas; Bilang pagwawakas *Sa ganitong kadahilanan

4. Kung hindi nakasaad alinman sa una o huling pangungusap ng talata ang pangunahing idea,
mayroon bang pangungusap sa loob ng talata na maaaring magpahayag ng pangunahing idea?

Huwag isipin na maibibigay mo agad ang pangunahing idea o kaisipan ng isang talata sa pamamagitan
nang pahapyaw na pagbasa sa una at huling pangungusap nito. Kailangang basahin mong mabuti ang
kabuuan ng talata upang matiyak ang pangunahing idea. Upang makatiyak na ang isang pangungusap ang
pangunahing idea/kaisipan, kailangan tumutugon ito sa tanong na "Ano ang nais na ipaunawa ng awtor
tungkol sa paksa/tapik".

Tandaan na ang pangunahing idea o kaisipan ay ang pinag-uusapan sa alinmang salaysay,


paglalahad, paglalarawan o pagbibigay ng matuwid. Ito ang iniikutan ng talakay. Mahalagang basahin nang
may pag-unawa ang amumang teksto upang matukoy ang pangunahing idea nito.

3. PAGBUO NG MGA PANGUNAHING IDEA NA DI-TUWIRANG INILAHAD SA TEKSTO


Ang pangunahing idea na di-lantad ay iyong idea na hindi tuwirang inilahad ng awtor sa loob ng isang
talata. Kaya mahalaga sa isang mambabasa na alamin kung paano ang pagbuo ng pangunahing idea na
nagpapahayag ng kaisipang nais ipaunawa ng awtor.

Pag-aralan ang tatlong paraan sa pagbuo ng mga di-lantad na pangunahing idea.

1. Maaaring naipahihiwatig ng awtor ang pangunahing idea sa loob ng isang pangungusap


ngunit kailangang magdagdag pa ang tagabasa ng isang salita o parirala na buhat sa iba
pang pangungusap upang mabuo nang lubos ang pangunahing idea.

Tingnan ang halimbawa;

Isang salita Binuong


Isang pangungusap + o parirala = pangunahing
buhat sa idea
ibang pangungusap

4
2. May mga awtor na nailalahad nang di-tuwiran ang pangunahing idea sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga bahagi nito. Sa dalawang magkaibang pangungusap. Maaaring
magkasunod o magkalayo ang mga pangungusap sa loob ng talata. Pagtatambalin ng
tagabasa ang kaisipang nakapaloob sa mga pangungusap upang mabuo ang pangunahing
idea.

Iba pang Binuong


Isang pangungusap + pangungusap = pangunahing
idea

3. Makabubuo rin ang tagabasa ng pangunahing idea sa pamamagitan ng pagsasama-sama


at sariling interpretasyon ng mahahalagang diwa mula sa mga pangungusap ng talata. Sa
ganitong kalagayan, iniuugnay ng tagabasa ang kanyang sariling idea sa idea ng awtor batay
sa kanyang kaalaman at sariling karanasan. Nangangahulugan ito na gagamit ang tagabasa
ng sarili niyang pananalita sa pagpapahayag ng pangunahing idea.

Mga idea sariling Binuong


mula sa + interpretasyon = Pangunahing
tekstong ng tagabasa idea
binasa

MGA PAGPAPALIWANAG AT HALIMBAWA

May babasahin kang isang talata buhat sa isang aklat sa sikolohiya na ang pangunahing idea ay
mabubuo sa ganitong paraan.

1. Isang pangungusap + Isang salita binuong


o parirala = pangunahing
buhat sa ibang idea
pangungusap

Ang paksa/tapik ng talata ay ang nilalaman ng ating mga panaginip o ang “mga kuwento" sa likod
ng ating mga panaginip na matutuklasan mo sa unang pangungusap. Sa talatang ito wala ni isa mang
pangungusap na naghahayag ng pangunahing idea, bagamat masasalamin ito nang bahagya sa ikalawang
pangungusap. Mabubuo mo ang pangunahing idea sa pamamagitan ng pagdaragdag ng paksa na nasa
unang pangungusap sa ikalawang pangungusap.
Mapapansin na ang talata ay sinimulan sa isang tanong. At tinugon ito ng awtor sa ikalawang
pangungusap. Ang pangunahing idea ay mabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng ilang impormasyon
buhat sa tanong at ang kasagutan nito.

Ang Nilalaman ng mga Panaginip

Saan galing ang mga kuwento sa ating mga panaginip? Karamihan sa mga itolay
lumitaw bilang isang larawan ng mga pangyayari sa loob ng isang araw na may bahagyang
paglayo sa tunay na pangyayari. Batay sa mahigit na 10,000 panaginip na iniulat ng mga
ordinaryong tao, natuklasan ni Calvin Hall (1996) na ang mga panaginip ay pangkaraniwan.
Karamihan sa mga ito'y nagaganap sa pamilyar ng mga lugar, gaya ng isang bahay, bagamat
ang bahay na iyon ay maaaring hindi sa bahay ng taong nanaginip. Pinakapopular na
tagpuan ang salas, kasunod dito'y ang silid-tulugan, kusina, hagdanan at paliguan, silid-

5
kainan at bulwagan. Ang silid ay madalas na pinagsama-samang mga silid na pamilyar sa
nananaginip. Ang panaginip ng mga babae’y karaniwan pambahay samantalang mga
pangyayari sa labas ang sa mga lalake.
Sikolohiya
nina Diane Papalia
at Sally Olds
(Malayang Salin)

Subukin naman natin ang ikalawang paraan ng pagbuo ng pangunahing idea iba pang binuong idea.

2. Isang pangungusap + Isang salita binuong


o parirala = pangunahing
buhat sa ibang idea
pangungusap

Basahin ang teksto sa ibaba at ibigay ang pangunahing idea na ipinahihiwatig ng awtor. Kailangang
mapagdugtong mo ang dalawang pangungusap para maibigay mo ang pangunahing idea ng teksto.

Ang Pinanggalingan ng mga Tao

Bukod sa mga planeta, ang pinagmulan ng ating mga ninuno ay isa pang katanungang pilit
na inihahanap ng kasagutan ng maraming siyentipiko sa loob ng maraming taon, hanggang
sa kasalukuyan.

Isa sa nangungunang pangalan sa latangan ng pananaliksik tungkol sa pinanggalingan ng


mga tao ay si Charles Darwin, isang siyentipikong Ingles. Bago pa sinulat ni Darwin ang
Origin of the Species, mayroon nang mga naunang siyentipiko na naglabas ng magkakatulad
na teorya na ang tao ay hindi basta sumulpot sa daigdig na mukha nang tao. Siya'y unti-
unting dumating sa kasalukuyan niyang kalagayan at hitsura sa pagdaraan ng mga taon. Sa
kanyang pagkatig sa teorya ng ebolusyon, si Darwin ang unang nagbigay ng maraming
ebidensyang matiyaga niyang tinipon na nagpapatunay sa kanyang paniwala. Ganunpaman,
hindi naging madali ang buhay para sa kanyán matapos lumaganap ang kanyang teorya.
Marami sa mga taong nakabasa ng_kanyang libro ang nahirapang tanggapin ang posibilidad
na ang tao ay maaaring nagmula sa mga bakulaw.

Sosyolohiya at Antropolohiya
ni Josephine P. Aguilar

Ano ang paksa/tapik ng teksto? Ang paksa ay tungkol sapinanggalingan ng mga tao.

Anong diwa ang nais ipaunawa ng awtor sa mambabasa tungkol sa pinanggalingan ng mga tao?
Upang masagutan ang tanong na ito; kailangang pagtambalin mo ang dalawang pangungusap na ito, ang
tao ay hindi basta sumusulpot sa daigdig at may posibilidad na ang tao ay maaring nagmula sa
bakulaw. Pansinin na hindi sinipi nang buo ang dalawang pangungusap. Ang mahalagang bahagi lamang ng
dalawang pangungusap ang pinagsama.

Ang ikatlong paraan ng pagbuo ng pangunahing idea ay ang pagsasama-sama ng mga idea mula sa
teksto at pansariling interpretasyon ng mga ideang inilahad ng awtor sa kabuuan ng talata:

3. mga idea sariling binuong

6
mula sa + interpretasyon = pangunahing
teksto idea

Basahin ang tekstong pangkalusugan sa ibaba. Ibigay ang paksa at pag-isipan ang mga ideang
inilahad ng awtor at suriin kung paano mapag-isa ang mga ito sa pagbuo ng pangunahing idea o kaisipan.

Mga Ulay o ""Pinworms"


Ang mga ulay o mga bulati sa puwit (seat-worms) ay maliliit na putting bulati na ang
haba ay ikapat-na bahagi ng isang pulgada. Di-katulad ng ibang mga impeksiyon ng bulati,
ang isang ito ay hindi limitado sa mga lugar ng kabukiran, kundi natatagpuan din naman sa
mga lungsod at sa gitna ng lahat ng uri ng mga tao. Mga bata ang pinakakaraniwang
naimpeksiyon, gayon ma' y maaari rng magkaroon ng sakit na ito ang mga matatanda. Ang
matatanda nang bulati ay tumitira sa itaas na bahagi ng malaking bituka, na kinakain ang
laman ng bituka.

Ang may gulang nang mga babaeng bulati ay nagtitinggal ng kanilang mga itlog sa
mga katawan nila at saka ililipat ang mga ito sa bitukang malaki at sa tumbong hanggang sa
balat na pnaglulunggaan nila at mangingitlog pa nang marami. Ang mga itlog na ito ay
nagiging sanhi ng masidhing pangangati, kakamutin namang mabuti ng pasyente ang paligid
ng tumbong, anupa't marami sa mga itlog ang makukuha sa mga daliri at napapasingit sa
mga kuko. Mula roon ay naililipat ang mga ito sa bibig at nalululon ang mga ito pagkatapos ay
lilipat pababa sa ibabang bahagi ng bituka, at sa gayo'y paulit-ulit na nagpapatuloy ang
ganitong pangyayari.

Ang mga itlog ng ulay ay madalas matagpuang nakasingit sa mga kuko ng


naimpeksiyong mga bata. Maaari pa nganig ang ilang itlog ng ulay ay matangay ng haniging
kasama ng alikabok o mailipat sa pagkain buhat sa nahawakang kamay. May mga itlog ng
ulay na nakukuha mula sa mga hapag, mga upuan, mga istante, mga pasamano ng bintana,
mga inodoro, mga pålanggana o, mga batya, mga banyerang paliguan, mga kumot sa mga
kutson. Ito'y nangangahulugang kung naimpeksiyon ang isa sa saimbahayan ay dapat ding
gamutin ang lahat ng iba pa, sapagka't ang impeksiyong ito ay maaaring mabilis na kumalat
sa buong pamilya o mga naninirahan sa kapaligiran ding iyon.

Bagong Patnubay sa Kalusugan


ni CliffordR.Anderson, M.D.
Isinalin ni Jeremiah M. Montalban

4. PAGTUKOY SA MAHAHALAGANG DETALYE AT MGA PANTULONG NA KAISIPAN

Mahalaga ang pagtukoy sa paksa at pangunahing idea ng isang talata para sa lubusang pag-unawa
nito. Ang isang talata ay binubuo rin ng mga pangungusap na nagtataglay ng mga pansuportang detalye.
Ang mga pansuportang detalye ang nagbibigay-linaw sa pangunahing idea upang maunawaan ito ng lubos.
Halimbawa, ang mga pansuportang detalye ay maaaring taglay ng mga petsa, pangalan, lugar, paglalarawan,
datos, istatistika at iba pang mahahalagang impormasyon na nagbibigay suporta sa pangunahing idea. Dahil
nakatutulong nang malaki ang mga pansuportang detalye sa epektibong pag-unawa ng isang teksto, hindi ito
dapat balewalain sa ating pagbabasa.

Ang mga pansuportang detalye ay nagtataglay ng mahalagang impormasyon na


tumutulong sa isang mambabasa upang lubusang maunawaan ang pangunahing idea o

7
kaisipan ng isang talata.
Bakit mahalaga ang pagkilala at pag-unawa sa mga detalyeng nagbibigay ng suporta sa pangunahing
idea?

Una, ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing idea.


Ikalawa, nakatutulong ang mga pansuportang detalye para madaling matandaan ang mahahalagang
impormasyon sa isang talata.
Ikatlo, ang pagtukoy sa mga pansuportang detalye ay makatutulong din upang maunawaan ang
pagkakabuo ng isang talata.
Ikaapat, ang ilang mga katanungan sa mga pagsusulit ay karaniwang nakabatay sa mga pangunahing
detalye. Ang mga tanong hinggil sa mga pangalan, petsa, lugar, at iba pa ay ilan lamang sa
mgatanong na hinahango sa mga detalye.

Ang pagtatamo ng mga kasanayan sa pagtukoy ng paksa, pangunahing idea at mga pansuportang
detalye ng isang talata ay isang magandang simula upang ikaw ay maging epektibong mambabasa at mag-
aaral.

Kailangang maging interaktib ang anumang akto ng pagbabasa na iyong isasagawa. Ito'y
nangangahulugan na habang bumabasa, kailangang bumuo ka ng mga tanong tungkol sa iyong binabasa.
Pagkatapos, alamin kung ito'y natutugunan habang ikaw ay nagbabasa. Karaniwan nang isinasaalang-alang
ng awtor ang mga posibleng tanong ng tagabasa at naglalaan din siya ng mga kasagutan para sa mga ito.
Subalit hindi lahat ng maaaring itanong ng bawat tagabasa ay naisasaalang-alang ng awtor. Sa ganitong
kalagayan, kailangang humanap ang tagabasa ng iba pang mapaghahanguan ng impormasyon gaya ng
glosari, diksyunaryo o iba pang katulad ng teksbuk para sa aralin o subjek.

Anong katanungan ang dapat na itanong sa sarili sa isang akto ng pagbasa?


Maaaring ganito ang itanong mo -

"Anong mga karagdagang impormasyon ang nais na ipaalam ng awtor sa akin para lubusan
kong naunawaan ang pangunahing idea?"

Tandaan na ang mga tanong tungkol sa pansuportang detalye ay isang lohikal na ekstensyon para sa
mabisang paglilinaw ng pangunahing idea. Sa madaling sabi, isasalin mo lamang sa anyong patanong ang
pangunahing idea sa tulong ng mga saitang tanong gaya ng - sino, ano, saan, kailan, bakit, at paano.

Ang kasagutan ay ang mga pansuportang detalye gaya ng

 Petsa
 Pangalan
 Lugar
 Paglalarawan
 Halimbawa
 istatistik at mga datos
 at iba pang mahahalagang impormasyon na sumusuporta sa pangunahing idea

5. PAGKILALA SA HULWARAN O ISTILO NG AWTOR SA PAGSULAT

Isang mahalagang elemento sa sining ng pagbasa ng mga teksbuk akademiko ay ang pagkilala sa
hulwaran o istilo ng awtor sa pagsulat. Sa bahaging ito ng aklat ay magkakaroon ka ng ibayong kabatiran
sa ilang kaalaman sa "sining ng pag-iisip, at unti-unti mong matutuklasan kung paano isinasalin ng awtor ang
kanyang iniisip sa anyong pasulat upang ang makababasa nito'y magaganyak na mag-isip, kumilos at
matuto.Makikilala mo rin dito ang limang pangunahing hulwaran o istilo na ginagamit ng mga awtor sa pagsulat
ng mga teksbuk at iba pang pang-akademikong babasahin sa antas tersyarya.

8
Maaaring magulat ka kung mababatid mong may alam ka na pala sa limang hulwaran sa pagsulat.
Pag-araw-araw mong nagagamit ang mga ito dahil repleksyon ito ng iyong paraan ng pag-iisip, gaya rin ng
kung paano ginagamit ng isang awtor ang mga hulwarang ito sa kanyang pagsulat.

Halimbawa:

Maaaring nag-iisip ka ng ganito sa iyong sarili. “Pagpunta ko sa supermarket, kailangang


bumili, ako ng toyo, patis, suka, mantika, asin, asukal, at ilang de-latang pagkain’ (Ito'y isang
halimbawa ng hulwarang pagtatala.)

Maaaring nag-isip ka rin ng ganito kung bibili ka ng isang regalo. Bibili ako ng regalo.
mamayang paglabas sa klase. Ipababalot ko ito at ipapadala ko. sa aking kumare, bukas ng
umaga upang maihabol sa bertdey ng aking inaanak sa makalawa." (Ito' isang halimbawa ng
hulwarang pagsusunud-sunod.)

Maaari mo ring isipin, "A, iyon pala ang ibig nilang pakahulugan kung binabanggit nila ang
salitang manugang asawang babae o lalake ng iyong anak." (Ito'y isang halimbawa ng
hulwarang depinisyon.)

Nag-iisip ka rin ng ganito, "Pupunta ba ako sa Boracay o sa Punta Baluarte sa darating na


semestral break? Anu-ano ang kabutihan ng bawat isa? Mga kahinaan? (Ito'y isang
halimbawa ng hulwarang paghahambing at pag-uuri-uri.)

Maaaring iniisip mo rin ang ganito, kung biglang huminto ang minamaneho mong kotse,
"Bakit ba hindi ako nagpagasolina kaninang umaga? (Ito ay isang halimbawa ng hulwarang
sanhi at bunga.)

Tandaan na ang inilahad na mga hulwaran sa pag-isip ay magiging hulwaran o istilo sa pagsulat kapag ang
mga ito'y isasalin sa anyong pagsulat.

Ang hulwaran o istilo sa pagsulat ay isang sistema o kaparaanan kung paano binubuo at
inilalahad ng awtor ang mga impormasyon o idea sa mga teksto o babasahin.

Bakit mahalaga ang pagkilala sa hulwaran o istilo sa pagsulat ng isang awtor?

Isa sa mga kabutihan ng pagkilala ng mga hulwaran o istilo sa pagsulat ay nagagawa agad ng
tagabasa na makuro kung anong impormasyon ang maaaring susunod na ilalahad ng awtor. Katangian ng
isang magaling na tagabasa ang mahulaan kung ano ang susunod na idea o kaisipang ilalahad sa teksto.
Minomonitor din ng isang epektibong tagabasa ang kanyang komprehensyon sa pamamagitan ng pagtiyak
kung tama o mali ang kanyang hula o prediksyon.

Bagamat ginagamit din ang mga hulwarang ito sa pang-araw-araw nating buhay, maraming mga mag-
aaral ang hindi nakakikilala sa mga ito sa kanilang pagbabasa. Mahalagang isaisip ng bawat tagabasa na ang
pagkilala sa mga hulwaran o istilo sa pagsulat ay makatutulong sa lubusang pag-unawa ng isang teksto.

9
Ang mga impormasyong inilahad sa isang sistematikong paraan ng pagbubuo ay madaling matandaan
o maalaala. Ang isaug tagabasa na magaling sa pagkilatis sa teknik o istilo ng awtor sa pagsulat ay magaling
din sa pag-unawa at paggunita ng mga impormasyon. Sa kalaunan, matutuklasan ng isang tagabasa, na
nagagawa na rin niyang tularan o gayahin ang hulwaran o istilo ng isang awtor sa kanyang mga isinusulat.

MGA HULWARANG TEKSTO

1. Pagtatala o Paglilista
2. Pagsusunud-sunod
3. Depinisyon
4. Paghahambing at Pag-uuri-uri
Minsan ay nais ng awtor na bigyang-pokus sa kanyang teksto ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng mga bagay. (Sa paghahambing ay naipakikita ang mga pagkakatulad ng dalawa o mahigit pang
bagaysamantalang ipinakikita naman sa pag-uuri-uri ang pagkakaiba-iba ng dalawa o mahigit pang
bagay.)
5. Sanhi at Bunga
Madalas ay nagtatanong ka kung bakit ganito o ganoon ang nangyayari sa mga kabataan sa
kasalukuyan. Hindi ka naman nasisiyahan na tanggapin na lamang ang pangyayaring hanggang hindi mo
nalalaman ang mga dahilan nito.

6. NATUTUKOY AT NAUUNAWAAN ANG UGNAYAN NG MGA KAISIPANG NAKAPALOOB SA


TEKSTO SA PAMAMAGITAN NG HALIMBAWA; PAGPAPALIWANAG; AT PAGHAHAMBING AT
PAG-UURI

Napag-aralan mo sa mga naunang bahagi ng kabanatang ito na ang isang talata ay may taglay na
pangunahing idea/kaisipan at ito'y repleksyon ng diwa ng talata na nais ipaunawa sa iyo ng awtor. Kung
pinaniniwalaan mo ito, maaaring magtanong ka ng ganito: Bakit kailangan maging mahaba ang paglalahad ng
isang talata? Ang sagot dito'y - kailangan ng awtor ang angkopna paglilinaw sa kaisipang nais niyang
ipaunawa sa tagabasa. Kailangang tulungan ka rin sa pag-unawa kung ano ang nais niyang ipakahulugan.
Paano ito ginagawa ng awtor?

Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang at pansinin ang ugnayan ng mga ito.

1. Mahilig si Andrew sa mga pagkaing malasa at maanghang. Sa katunayan paborito niya


ang pagkaing "Bicol Express" na totoong napakaanghang.

2. Nitong mga nakalipas na taon, maraming ulat tayong nabasa at narinig tungkol sa mga
UFO na namataan sa iba't ibang bahagi ng ating bansa. Halimbawa, malimit daw na
nakakikita ng UFO ang mga naninirahan sa kalakhang Maynila nitong mga nakaraang taon.
At ang pinakahuling ulat (Setyembre 2000) ay ang nakitang UFO sa may Las Piñas MM ni
Tony Israel. Nakuhanan niya ito ng video footage sa kanyang handycam.

10
3. Isa si Lilia sa mga masugid na tagapagtaguyod ng kilusang feminist sa ating kampus. Sa
katunayan malimit siyang nagbibigay ng talumpati tungkol sa karapatan ng mga kababaihan.
Siya rin ang pangulo ng GABRIELA sa ating pamantasan.

Ano ang kaugnayan ng ikalawang pangungusap sa unang pangungusap sa bilang 1 sa itaas?


Nagbibigay ito ng isang HALIMBAWA ng pagkain na gustung-gusto ni Andrew. Sinabi ito ng awtor upang
lubusan mong maunawaan ang nais niyang ipakahulugan sa unang pangungusap.
Malinaw na ang pangunahing idea sa bilang 2 sa itaas ay ito – may mga UFO na namamataan sa iba't
ibang bahagi ng ating bansa. Ano ang kaugnayan ng kaisipang ito sa ikalawang pangungusap? Ito'y
HALIMBAWA ng isang bahagi sa ating bansa na may namataang UFO.
Tingnan naman ang bilang 3. Napansin mo ba kung paanong sinuportahan ng mga HALIMBAWA sa
ikalawa at ikatlong pangungusap ang pakikisangkot ni Lilia sa kilusang feminista?

Tingnan ang mga nakatala sa kolum A at kolum B sa ibaba. Kung ang halimbawang inilahad sa kolum
B ay angkop para sa katapat na idea na inilahad sa kolum A isulat ang Tama sa puwang. Isulat ang Mali, kung
hindi.

A B

1. Pampasaherong dyip ______ Sarao Jeep


2. Pinakamataas na marka ngayong ______ 95% sa Filipino ngayongsemestre
semestre
3. Pinakamataas na marka ngayong ______ 95% sa lahat ng subjek
semestre ngayong semestre
4. Isang pang-araw-araw na gawain ______ Paliligo
5. Ang dalawa kong kapatid na babae , ______ Rhiana
6. Ang dalawa kong kapatid na babae ______ Rhiana at Annalyn
7. Ang dalawa kong kapatid na babae ______ Orly

Ihambing ang iyong mga sagot sa mga paliwanag sa ibaba.


Tama ang dapat na isinagot mo sa una at ikalawang bilang. Ang Sarao Jeep ay isang halimbawa ng
pampasaherong dyip. Ang markang 95% sa Filipino ay isang halimbawa ng pinakamataas na marka ngayong
semestre. Ang marking 95% para sa lahat ng sabjek ay hindi bahagi ng kabuuan, ito ang kabuuan. Inuulit
lamang nito ang buong kaisipan ngunit hindi ito isang halimbawa. Tama rin angmga kasagutan para sa bilang
4 at 5, ngunit Mali ang dapat na sagot para sa bilang 6 sa kadahilanang tulad nang inilahad sa bilang 3. Mali
ang dapat na sagot para sa bilang 7 dahil pangalang lalake ang Orly at hindi ito maaaring kapatid na babae.

Basahin ang pangunahing idea sa ibaba at ang tatlong pangungusap na kasunod nito. Isulat ang H sa
pangungusap kung ito'y halimbawa para sa pangunahing idea. Ipaliwanag ang napiling pangungusap.

11
Nagugustuhan ni Jaypee ang halos lakat ng flavor ng ice cream.
_________ Masarap ang flavor ng lahat ng ice cream.
_________ Gusto niya ang chocolate ice cream.
_________ Subalit hindi siya mahilig sa cake.

Ngayon nama'y bigyang pansin ang mga pangungusap sa ibaba.


1. Tumawag si Lex ng doktor dahil mataas ang lagnat ng kanyang kapatid.
2. Hilig ni Dino ang paghahalaman. Naiibsan nito ang kanyang pagod pagkatapos ng maghapong
pagtatrabaho sa opisina.
3. Maraming mga tao ang ayaw makialam o makisangkot sa mga isyung nakakaapekto sa kanilang
buhay. Masyado raw silang abala o di kaya'y ayaw nilang masangkot sa kaguluhan kung sakaling
ipahayag nila ang kanilang niloloob.

Ano ang kaugnayan ng ikalawang bahagi sa unang bahagi ng pangungusap sa unang bilang sa itaas.
Isinasaad nito ang dahilan kung bakit tumawag ng doktor si Lex. Ang ugnayang ito ay ang
PAGPAPALIWANAG. Gayon din ang ugnayan ng unang pangungusap sa ikalawang pangungusap sa bilang 2
at 3. Sa tuwing magbibigay ng paliwanag o dahilan ang awtor para sa isang partikular na gawi o beheybyor,
siya'y gumagawa ng PAGPAPALIWANAG.

Tandaan na isinasaad sa isang PAGPAPALIWANAG, kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay o
pangyayari, inilalahad din nito ang mga dahilan para sa isang partikular na kilos o beheybyor.

Basahin ang pangunahing idea sa ibaba at ang tatlong pangungusap na Kasunod nito. Isulat ang PL sa
pangungusap na nagpapaliwanag sa pangunahing idea Pangatwiranan ang napiling sagot.

Nagpasiya si Rey-An na hindi niya kukunin ang stbjek na Kemistri.

__________ Wala talaga siyang hilig sa mga kurso sa agham.


__________ Ganoon din ang ginawa niya noong isang taon.
__________ Dahil dito, kailangang baguhin niya ang kanyang iskedyul.

Ano ang pagkakaiba ng HALIMBAWA sa PAGPAPALIWANAG? Sa isang halimbawa, ang binigyang-


pokus ng awtor ay ang isang idea at ginagawa niya itong tiyak samantalang sa pagpapaliwanag, binibigyang-
paliwanag o dahilan ang isang idea.

Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Pag-aralan at suriin kung aling pangungusap ang
HALIMBAWA o PAGPAPALIWANAG ng ulong pangungusap. Isulat ang H para sa (mga) pangungusap na
halimbawa at PL para sa (mga) pangungusap na pagpapaliwanag ng kaisipan o idea. Pangatwiranan ang mga
sagot.

Ang problema tungkol sa malinis na hangin ay malaking suliranin para sa maraming tao sa
kasalukuyan.

__________ Ito'y alalahanin para sa mga maninirahan sa Kalakhang Maynila.


__________ Malaki ang epekto nito sa kalusugan ng tao.
__________ Ito'y isang suliranin ng mga taong may karamdaman sa baga.
__________ Malaking halaga ang kailangan sa pagpapanatili ng malinis na hangin sa kapaligiran.

May iba pang teknik o paraan na ginagamit ang awtor upang maipakita ang kaugnayan ng
pangunahing idea sa mga pangungusap na nakapaloob sa talata. Nagagawang maipaunawa ng awtor sa
tagabasa ang isang idea o kaisipan sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagkakatulad (paghahambing) o pag-
iiba-iba (pag-uuri-uri) ng dalawang bagay Ito ay tinatawag na ugnayang PAGHAHAMBING-PAG-UURI-URI.

Basahin ang ulong pangungusap sa ibaba at ang tatlong pangungusap na kasunod nito. Isulat ang PP
sa pangungusap na paghahambing-pag-uuri-uri. Ipaliwanag ang kasagutan.

12
Totoong sakitin na si Helen nitong mga huling araw.

__________ Gayun pa man, si Jaime na kanyang asawa ay malakas ang katawan.


__________ Siya ay may sakit sa puso.
__________ Malaki na ang nagagastos ng kanyang pamilya para sa mga panustos niyang mga gamot.

Pagtukoy at pag-unawa sa ugnayan

1. Makikita ang ugnayan ng mga pangungusap sa pangunahing idea sa isang talata sa


pamamagitan ng
1.1 halimbawa
1.1 pagpapaliwanag
1.1. paghahambing at pag-uuri-uri

2. May mga salita. na, nagsisilbing patmubay at nakakatulong sa pag unawa ng ugnayan ng
mga pangungusap sa isang talata.
2.1 Mga salitang nagsasaad ng pagpapatuloy ng daloy ng kaisipan
at bilang karagdagan
rin/din at saka
bukod sa roon
2.2 Mga salitang nagsasaad nig pagbabago o pag-iiba ng takbo ng kaisipan
ngunit sa kabila ng
gayumman Samantala
2.2 Mga salitang nagpapaliwanag ng kaisipan
Samakatuwid
(mangyayari ito) dahil sa
Bagaman

2.2 Mga salitang nalalarawan ng kaisipan


ipagpalagay na
halimbawa

2.2 Mga salitang nagbubuod


sa madaling sabi
sa,isang salita
sa maikling pananalita
bilang paglalagom

2.2 Mga salitang naglalahad ng bunga o kinalabasan


kaya ngga kung ganoon
sa wakas sa gayon
Sa dakong huli dahil dito
kung kaya

7. PAGHIHINUHA SA DAMDAMIN, TONO, LAYUNIN AT PANANAW

Kung ikaw ay naghihinuha, karaniwan nang ginagamit mo ang iyong taglay na kaalaman o karanasan
upang maunawaan ang isang kaisipan o idea na di-tuwirang inilahad sa teksto. Kung makakakita ka ng isang
bihis na bihis na babaeng bumababa mula sa isang de-drayber na kotse, mahihinuha mo agad na ang babae
ay mayaman mula sa iyong kaalaman ng antas ng pamumuhay ng mga tao. Kung makikita mong pinapaligiran
ng mga pulis ang isang gusali, hinihinuha mong may mga masasamang-loob na nakapasok sa gusaling iyon at
mapanganib ang mga ito.
Paano mo mailalapat ang iyong dating kaalaman sa pagpapakahulugan ng diwang inilalahad ng awtor?

13
Anuman ang isulat ng isang awtor teksbuk, maikling kuwento, nobela, o tula palaging may dahilan
(layunin) siya sa pagsulat at mayroon siyang sariling pananaw sa paksang isinulat na nais niyang ipaunawa sa
mambabasa. Ang layunin at pananaw ng pagkakasulat ng isang teksto ay karaniwang naipahahayag sa
pamamagitan ng tono at/o himig. Ang tono at/o himig ay mga palatandaan upang mahinuha ng tagabasa ang
intensyono kung ano ang nais ilahad o ipahayag ng awtor.
Ang tono (tone) ay tumutukoy sa saloobin ng awtor tungkol sa paksang tinatalakay, may mga
manunulat na nagagawang mapagaan ang paglalahad o pananaw ng isang seryosong paksa. Ang tono ay
maaari ring mapagbiro o mapanudyo, malungkot, o di kaya'y satiriko.
Ang himig (mood) ng isang teksto ay iyong damdaming nadarama ng bumabasa. Halimbawa, may
mga tekstong nakalilikha ng himig o damdamin ng pagkatakot. Ang iba'y maaaring mag-iwan ng damdamin ng
pagkalungkot, mapag-isip o di kaya'y pagiging masaya.

Basahin ang mga pahayag na ito mula sa kuwentong "Yumayapos ang Takipsilim ni Genoveva E.
Matute.

Sa kabila ng makapinid na pinto'y naulinigan niya ang tinig ni Ramon. Malakas. Ngunit hindi
malinaw ang salitang hinahadłangan ng makapal na pinto. Naulinigan niyang bahagyang-
bahagya ang tinig ni Carmen. Marahas. Hindi galit.Malamig. Naglagos sa pinid na pinto ang
kalamigan ng tinig na iyon.

May galaw ang bawat paglalarawan kina Ramon at Carmen. Ngunit ang mga iyon ay para sa kanilang
sarili lamang at walang kintal sa pagkukuwento. Dahil dito, kung mababatid ng mambabasa ang ugat ng
paglakas ng tinig ni Ramon at ang panlalamig ng tinig ni Carmen, dito papasok ang damdamin sa loob ng
kuwento. Ang damdamin kung gayon ay isang elementong magpapatingkad sa katotohanan na nais ilhad o
bigyang-buhay sa kuwento. (lpabasa sa klase ang buong kuwento upang lubusang maunawaan ng mga
estudyante ang mga pagpapaliwanag sa itaas.)

8. NABABASA AT NABIBIGYANG-KAHULUGAN ANG MGA MAPA, TSART, GRAP AT


TALAHANAYAN NA NAKAPALOOB SA ISANG TEKSTO

Ang mga mapa, tsart, grap, at talahanayan ay mga larawang nagbibigay ng impormasyon, ugnayan at
kalakaran.

Kung minsa'y naghahambing ang mga ito ng mga pangyayari o bagay, o di kaya'y naipakikita ng mga
ito kung paano nagbabago ang isang bagay ayon sa isang takdang oras o panahon. Samantala, ang mga
mapa ay naglalarawan ng hugis, agwat o pagitan at lokasyon.

Upang maging lubusan ang iyong pag-unawa sa mga teksbuk pangkolehiyo, kailangang marunong
kang bumasa ng mga mapa, tsart, grap at mga talahanayan. Ang mga grapikong materyalna ito'y nagbibigay
buod o di kaya'y nagbibigay ng kapupunan sa mga idea o kaisipang inilahad sa isang teksto. Paano ang
mabisang pagbasa ng mga ito? Narito ang ilang hakbang na maaaringmakatulong sa iyo:

1. Basahin ang pamagat at mga sub-seksyon ng teksto. Maaaring nakasaad dito ang
layunin ng mga grapikong materyal na ginamit sa teksto.
2. Basahin at unawaing mabuti ang legend at scale of mileskung sakaling nasa teksto
(ang mga bahaging ito ay karaniwang makikita sa mga mapa.)
3. Basahin ang mga impormasyon sa gilid at ibaba ng mga grap, tsart at talahanayan.
Ito'y makatutulong sa pag-unawa kung anong dami o kantidad ang inilalahad o ano
ang pinaghahambing.
4. Tiyakin ang iyong layunin sa gagawing pagbasa ng mapa, tsart, grap at talahanayan.
5. Basahin ang mga ito ayon sa itinakdang layunin.

14
PAGBASA NG MGA GRAP, TSART, AT TALAHANAYAN

ANG GRAP. Ang grap ay isang representasyon ng dalawang pares ng bilang. Isinasaad ng pares ng mga
bilang ang relasyon ng bawat isa.

Mga Uri Ng Grap


May apat na uri ng grap na maaaring ipakita sa grid. Ito ay ang line grap, bar grap, circle o pie grap, at picture
graph o pictograp.

ANG LINE GRAP


Ang line grap ay nagpapakita kung pataas o pababa ang tunguhin ng kantidad at kung mabilis o
mabagal ang pagbabago kaugnay ng interbal na tagal o panahon. Ito ay binubuo ng dalawang guhit na
patayo o perpendikular sa isa't isa. Ang bawat linya ay nilalagyan ng leybel para sa bagay na
kinakatawannito.

Ipinakikilala sa line graph sa itaas ang datos tungkol sa iskor ng mga mag-aaral sa isang pagsusulit.

Ilang mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 5? 10? 15? 30?

ANG BAR GRAP

Ang bar grap ay nagpapakita ng iba't ibang kantidad sa pamamagitan ng haba ng bar. Ang bar
ay maaaring patayo o pahiga.

Pag-aralan ang bar grap sa ibaba.

15
Tungkol saan ang bar grap?
Ano ang pinaghahambing sa grap na ito?
Ilang taon ang sakop ng paghahambing sa grap
Kailan pinakamalaki ang bilang ng mga walang trabaho sa Hilagang Luzon

ANG CIRCLE O PIE GRAP


Gumagamit tayo ng isang bilog para sa isang circle o pie grap. Upang matantiya ang tamang
pagbabahagi ng bilog, kailangang ilarawan ito na sumasakop sa apat na kwadrant. Tingnan ang
larawan sa ibaba (Beltran, et al. 1996)

Ang bawat kwadrant ay may 90° at ang kabuuan ay 360°. Batay sa bilang ng pagkahati, alamin
ang bahagdan ng bawat hati Ikompyut ang bilang ng mga degree ayon sa bahagdan. Protractor ang
ginagamit upang matiyak ang bilang ng degroe ng bawat bahagi.

16
Sayaw 25%
Agham 35%

Isport 25%

Ang circle o pie grap sa itaas ay nagpakita kung ilang bahagdan ng mag-aaral ang sumali sa iba't ibang
gawaing ekstra-kurikular sa isang paaralan. Ang datos ay batay sa 200 estudyanteng sumali sa limang
gawaing ekstra-kurikular.

Ilan ang sumali sa Agham? 70 = 35% = 126°


lan ang sumali sa Sayaw? 50 = 25% = 90°
lan ang sumali sa Drama? 40 = 20% = 72°
Ilan ang sumali sa Musika? 10 = 5% = 18°
lan ang sumali sa Isports? 30 = 15% = 540°
200 100 360

Paano tinantiya ang bilang ng mag-aaral na sumali sa bawat gawain?


Paano tinantiya ang bilang ng mga degree?

ANG PICTOKGRAP
Tunay na larawan o drowing ang ginagamit sa pictograp upang maipahayag ang mga datos.
Ang pictograp ay maganda sa paningin at madaling maunawaan (Tangco, et al. 1997)

Mga katangian ng isang pictograp.


1. Dapat na magkakasinlaki ang mga larawan na kakatawan sa isang yunit-

halimbawa

= 1, 5, 10, 100, 1000, IM o IB

Hindi sa laki ng larawan makikita ang kabuuang bilang ng kantidad, kundi sa dami ng larawan.

2. Hindi hinahati ang larawan para ipakita ang bahagi ng isang yunit. Kung 50% higit pa ang datos,
katumbas na ito ng isang larawan; kung mas kakaunti sa 50%, bale wala na ito.
Halimbawa:

17
1. Ilan ang kabuuang ani para sa taong 1998 sa apat na rehiyon sa Luzon?
_________________________________________________________

2. Ilang kabang palay ang kinakatawan ng bawat sako?


_________________________________________________________

3. Saan may pinakamaraming bilang ng aning palay?


_________________________________________________________

ANG TALAHANAYAN. Sa paglalahad ng datos sa pormang tabular, sistematikong inilalagay sa mga hanay at
kolum ang mga nilikom na datos.

Pababa nang pababa ang bilang ng mga anak ng mga mag-asawa sa bansa. Mula sa mahigit apat na
anak bavwat ina noong 1993; dumausdos ito sa mahigit tatlo na lamang nitong 1998. Pangunahing
dabilan dito ang pagdami ng mga tumatangkilik ng iba't ibang paraan laban sa pagbubuntis o
contraceptives. Noong 1968, 15 porsyento ng mga babae sa bansa ang gumagamit ng contraceptives.
Tumaas ito ng talong ulit at umabot sa 47 porsyento makalipas ang tatlong dekada.

Kapuna-puna ang tuloy-tuloy na pagtaas ng paggamit ng modernong pamamaraan, mula 1968


hanggang 1997. Mas marami na ang gumagamit ng makabagong paraan (28 porsyento) kaysa
tradisyonal na paraan (18 porsyento).

Ayon sa National Demographic and Health Survey na isinagawa ng National Statistics Office,
Department of Health at Macro Iternationa, Inc.

Paggamit ng Contraceptives
Porsyento ng may asawang babae (edad 15-44 na gumagamit ng contraceptives
sa Pilipinas, 1968-1998.

Survey Modemong Tradisyunal Total


Paraan na Paraan
1968 National Demographic Survey 2.9 11.5 15.4

18
1973 National Demographic Survey 10.7 6.7 17.4
1978 Republic of the Philippines 17.2 21.3 38.5
Fertility Survey
1983 National Demographic Survey 18.9 13.1 32
1988 National Demographic Survey 21.6 14.5 36.1
1993 National Demographic Survey 24 15.1 40
1996 Family Planning Survey. 30.2 17.9 48.1
1997 Family Planning Survey 30.9 16.1 47
1979 Republic.of the Philippines 28.2 18.3 46.5
Fertility Survey

Sangunian: World Bank, 1991, NSO, 1996; NSO, 1997; NSO at Macro Intemational, 1994.
Kasalukuyang mga may asawang babae, edad 15-44.

Ano ang pamagat ng talahanayan?


Ano ang ipinahihiwatig ng talahanayan?

9. NATUTUKOY AT NAUUNAWAAN ANG MGA TAYUTAY

Iba't ibang paraan ang ginagawa ng mga awtor para lubusan maipaiunawa sa isang tagabasa ang
teksto. Kung minsan nagagawa ng awtor na maipaunawa ang isang punto o kaisipan sa pamamgitan ng
paghahambing nito sa isang bagay o pangyayari na pamilyar sa tagabasa.

Ano ang tayutay?


Ang tayutay ay pagpapahayag ng isipan o paglalarawan at paghahambing ng mga kaisipan upang mas
higit na maunawaan ang isang idea o mailarawan ito nang higit na malinaw.
Mahalaga ang pagkilala at pag-unawa sa mga tayutay sa pagbasa. Ang kahinaan ng tagabasa sa
pagkilala at pag-unawa ng mga tayutay ay maaaring maging sanhi ng maling pag-unawa o interpretasyon sa
kaisipan nais ipakahulugan ng awtor.

Basahin at unawain ang kahulugan ng mga sumusunod na pahayag.


Maipaliliwanag mo ba ang kahulugan?

1. Impiyerno ang buhay ng isang adik sa ipinagbabawal na gamut.


2. Animo'y pasas ang mukha ng matandang pulubi.

Ano ang nais ipakahulugan ng unang pangungusap sa itaas? Ang tao ay mayroon konseptong
pangkaisipan tungkol sa impiyerno - isang dagat-dagatang apoy na pinagtatapunan ng mga makasalanan. Sa
pangungusap na ito, hindi lamang itinutulad ang buhay ng sugapa sa ipinagbabawal na gamot
saimpiyerno, ipinalalagay pa na ang dalawang ito ay iisa.

Pansinin ang ikalawang pangungusap. Paano mo ilalarawan ang pasas? Maliit, malambot at
kulukulubot, hindi ba? Ang pasas ay tinuyong ubas. Alin sa mga katangian ng pasas ang magagamit mo sa
paglalarawan ng mukha ng matanda? Pinakaangkop na marahil ang salitang kulukulubot. Paano ang pagtukoy
o pagkilala ng mga tayutay sa loob ng teksto? Unang-unang, humanap ng mga salita o parirala na mahirap
bigyang-kahulugan sa kanyang sarili. Narito ang ilang halimbawa ng mga pagpapahayag na gumagamit ng
tayutay.

Halimbawa:
1) Pagtutulad (simile) – Ito'y ang paghahambing sa dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari, atb.
Katangian ng pagpapahayag na ito ang paggamit ng'mga salita't pariralang tulad ng, para ng, kawangis
ng, gaya ng, animoy,atb.
Halimbawà:
Parang dagundong ng kulog ang boses ng kanyang ma.
Kawangis ng panahong madaling magbago ang isip ng mga babae.

19
2) Pagwawangis (metaphor) – Ito'y tiyakang paghahambing at naiiba sa pagtutulad sa di paggamit ng
mga pariralang tulad ng, pará ng at iba pa.

Halimbawa:
Isang bukas na aklat sa iyo ang buhay ko.
Ang iyong balita'y punyal sa aking dibdib.

3) Pagbibigay-katauhan (personification) – Ito'y ang pagsasalin ng talino, gawa at katangian ng tao sa


mga bagay na karaniwan. Naipakikilala ito sa karaniwang paggamit ng pandiwa at pangngalan.
Halimbawa:
Ang ngatngat ng panibugho'y hindi nagpatulog sa kanya.
Nagsayaw-sayaw ang mga dahon ng kahoy sa dapyo ng hangin.
Lumuhuha ang panahon sa araw ng kamatayan ng bayani.
Pingot ang pisngi ng buwan.

4) Pagmamalabis (hyperbole) – Ito'y ang lubhang pinalalabis o pinakukulang na katunayan ng


kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Nakaulusaw ang tingin ng lalakig iyon.
Bumaha ng dugo nang magkasagupa ang dalawang pangkat.

5) Pagpapalit-diwa (metonymy) – Ito'y pagpapalit ng katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy, Ang


pagpapalit ay maaaring:
a. sagisag para sa sinasagisag. –
Si Princesa Elizabeth ang nagmana ng korona. (kaharian)
b. sisidlan para sa isinisilid –
Limang bakol ang kanyang itininda.
Pinarusahan ng mayor ang nayon. (mga tao sa nayon)

6) Pagpapalit-saklaw (synecdoche) – Ang pagpapa hayag na ito'y naisasagawa sa pamamagitan ng:


a. pagbanggit sa bahagi sa pagtukoy sa kabuuan. –
Bawat kamay (tao) sa nayon ay tumulong sa gawain.
Huwag ko nang makita na tutungtong ka sa aming hagdan. (bahay)
b. ang nag-iisang tao ay kumakatawan sa isang pangkat. –
Nabilang na rin siya sa mga anak ni Balagtas.
Talagang Hudas ang taong iyan!

7) Paglilipat-wika (transferred epithets) – Inililipat sa mga bagay ang ilang namumukod na pag-uring
gamit lamang sa tao.
Halimbawa:
Ang ulila't kaaawa-awang silid ay pinasok ni Lina.
Tinanaw niya ang palalong buwan.

8) Pagsalungat (epigram o oxymoron) – Maikli at pinag-ugnay na mga salitang magkasalungat ng


kahulugan.
Halimbawa:
Ang kawal ay namatay upang mabuhay.
Umuunlad ang daigdig sa katanaran ng tao.
Mamatay-mabuhay ang liwanag ng ilawang tinghoy.

9) Pagtawag (apostrophe) – Ito'y ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay o sa isang di-nadaramang


kaisipan na para bang pakikipag-usap sa isang buhay na tao na gayong wala naman ay parang naroon
at kaharap.
Halimbawa:
Pag-asa, ako'y lapitan nang ako'y mahango sa karalitaan.

20
0, Buwan, sumikat ka't aliwin ako sa pangungulila.
Pag-ibig, masdan ang ginawa mo!

10. MGA ISTRATEHIYA SA PAGBASA AT PAG-AARAL NG MGA TEKSTO SA IBA'T IBANG


DISIPLINA
Si Abraham Maslow, isang kilalang saykologist ay nagsabi minsan nang ganito: “Kung ang tangi mong
gamit o kasangkapan ay isang martilyo lamang, lagi mong tatanawin ang bawat problema na katulad sa isang
pako." Sa pag-aaral man, kung ang lagi mong bitbit ay mga lumang gawi at teknik na. natutuhan mo sa
elementarya at hayskul, hindi katakataka na ganitong beheybyor din ang iyong ipakikita sa pag-aaral at
pagbasa sa kolehiyo, kahit na sabihin mo pang epektibo ang mga teknik na ito.
Ilalahad sa bahaging ito ng aklat ang ilang praktikal na mga istratehiya para sa epektibong pag-aaral at
pagbabasa sa antas tersyarya.

ANG MGA KATANGIAN NG MGA TEKSBUK SA ANTAS TERSYARYA

Ang mga Teksbuk sa Iba't Ibang Disiplina


Bukod sa iyong mga dating kaalaman, mahalaga ring malaman ang mga katangian ng mga teksbuk sa
iba't ibang disiplina. Nakatala sa ibaba ang ilang disiplinang pang-akademiko at mga subdibisyon na
pumapailalim sa bawat isa.
1. Humanidades
Wika
Literatura
Pilosopiya at Teolohiya
Mga Pinong Sining
Arkitektura
Teatro
Sining
Musika
2. Agham Panlipunan
Sosyal Oryentasyon
Sosyolohiya
Paglilingkod Panlipunan
Sikolohiya
Bisnes/ Pangangalakal
Ekonomiks
Pagtutuos/ Akaunting
Administrasyong Pangangalakal
Pag-aaral sa mga Sinaunang Tao
Antropolohiya
Arkeolohiya
Edukasyon
Oryentasyong Politikal
Abogasya
Kasaysayan
Agham Politika
3. Mga Agham Pisikal
Mga Eksaktong Agham
Matematika
Pisika
Kemistri

Mga Agham Biyolohikal


Biyolohtya

21
Pagsasaka/ Agrikultura
Paggagamot / Medisina
Paggugubat
Botanika
Soolohiya
Tunay na mga Agham Pisikal
Astronomiya
Inhinyeriya
Heolohiya
Sa dami ng subdibisyon at mga kurso, totoong mahirap bumuo ng panlahat na katangian para sa
bawat dibisyon. Gayon pa man, ang pagkakaiba-iba ng tatlong pangunahing disiplina ay tatalakayin ayon sa
anim na lawak na inilahad sa ibaba:

 terminolohiya;
 mga pangunahing idea;
 pagbubuo ng teksto
 paggamit ng mga tipograpikal na pantulong
 mga pagpapalagay tungkol sa dating kaalaman; at
 mga pagsusulit.

Terminolohiya
Ang mga teksto sa humanidades (lalo na ang mga teksto sa literatura) ay karaniwang nagtataglay ng
kakaunting bilang ng bagong mga terminolohiya. Gayunman, may kahirapan ang pang-unawa ng mga
tekstong ito dahil sa paggamit ng mga dayalekto, idyoma, at mga luma o sinaunang gamit ng mgasalita.
Ginagamit din sa teksto ang mga simboliko o metaporikal na pahayag at isang malaking hamon ang
interpretasyon o pagpapakahulugan ng mga ito sa maraming mag-aaral.
Sa mga teksto ng agham panlipunan at sining, mapapansin na ang mga karaniwan o pamilyar na mga
salita ay maaaring magtaglay ng mga bago o espesyal na kahulugan. Sa pagkakataong ito, aakalain ng
maraming mag-aaral na alam nila ang kahulugan ng mga salitang ito ngunit ang totoo'y hindi pala ganoon ang
tamang pagpapakahulugan.
Samantala, sa mga teksto ng agham pisikal, mga bagong terminohiya at depinisyon ang inilalahad.
Nangyayari din na ang isang bagong terminolohiya at depinisyon ang inilalahad. Maaari ring ang isang bagong
salita ay ginagamit sa pagpapakahulugan ng iba pang mga bagong salita. Kung hindi mo alam ang unang
salita, magiging malaking suliranin ang pag-unawa sa susunod na salita.

Mga Pangunahing Idea / Kaisipan


Karaniwang binibigyang diin sa mga teksto ng humanidades ang layunin ng awtor, paggamit ng
simbolo at imahen, tono, at himig ng seleksyon o babasahin. Madalas na hindi tuwirang inilalahad ang mga
kaisipang ito kaya't dapat itong tuklasin o hulaan ng mag-aaral.
Binibigyan-diin naman sa mga teksto sa agham panlipunan ang mga teorya o mga kaisipang may
pagkiling subalit binibigyan naman ng kaukulang ebidensyang pansuporta. Dahil mahirap mapatunayan ang
pag-iisip ng mga tao at mga institusyong sosyal, umaasa na lamang ang mga pantas sa agham panlipunan sa
mga teorya upang maipaliwanag ang mga pangyayari sa isang lipunan. Ang pagtukoy kung ang teksto ay
isang teorya, katotohanan o opinyon ay malaking suliranin na taglay ng mga teksto sa agham panlipunan.

Sa mga teksto naman sa pisikal na agham, ang mga simulain at mga teorya ay karaniwang tinatanaw
bilang mga katotohanan.

Pagbubuo ng teksto
Sa mga teksto sa humanidades, lalo na sa literatura, ang mga impormasyon ay karaniwang inilalahad
sa pormat na tulad ng isang kuwento, dula, sanaysay, o tula. Ang teksto ay maaaring ilahad ayon sa
kapanahunan, anyo o uri ng literatura, tema ng literatura, o mga rehiyon ng daigdig. Karaniwang kakaunti o
walang anumang grapikong pantulong (grap, tsart, dayagram) sa teksto maliban sa ilang larawan.

22
Karaniwan namang tapikal o papaksa ang mga teksto sa agham panlipunan: ang teksto, o di kaya'y
ang kabanata ay hinahati sa tapik o sub-tapik na halos magkakapantay ang kahalagahan. Ang ibang teksto sa
agham panlipunan gaya ng kasaysayan ay inilalahad sa isang lohikal na pagkakasunud-sunod. Sa ganitong
kalagayan, mahalaga ang kaalaman sa mga impormasyong nakapaloob sanaunang mga kabanata upang
lubos na maunawaan ang binabasang kabanata sa kasalukuyan.
Ang mga teksto sa agham ay karaniwang inilalahad sa isang sistematikong pagkakasunud-sunod at
kailangang basahin at pag-aralan ang bawat kabanata sa isang partikular na pagkakasunud-sunod.
Gumagamit ng mga seksyon, sub-seksyon at italisadong mga salita ang mga teksto sa disiplinang ito.

Paggamit ng mga tipograpikal at mga pantulong sa pagkatuto


Bihirang gumamit ng mga grap, tsart, o dayagram ang mga teksto sa humanidades ngunit
pangkaraniwan ang mga larawan o litrato sa teksto. Ang mga larawan ay ginagamit upang pukawin ang interes
o kamalayan ng bumabasa o di kaya'y upang ilarawan ang isang bahagi ng teksto.
Ang mga grap, tsart, mapa, o dayagram ay karaniwan makikita sa mga teksto sa agham panlipunan.
Ang mga ito'y ginagamit upang grapikong mailarawan ang ilang mahahalagang puntos sa isang teksto o di
kaya'y pansuportang impormasyon o pagbubuod ng isang talakay sa teksto.
Gumagamit din ng iba't ibang tipograpikal at pantulong sa pagkatuto ang mga teksto sa agham-pisikal.
Ang mga pantulong ay ginagamit upang maglahad ng dagdag na impormasyon o di kaya'y upang buurin ang
isang mahabang teksto (halimbawa ay isang dayagram ng siklo ng tubig na maaaring kumatawan sa isang
dalawang pahinang talakay). Mahalaga sa agham ang pagsusuri at pag-unawa sa
mga ganitong pantulong upang maging ganap ang pagkatuto.

Mga palagay tungkol sa dating kaalaman


Ipinalalagay sa mga teksto sa literatura na may taglay na kaalaman ang tagabasa sa mga batayang
balangkas ng mga kuwento, sanaysay, tula, at dula. Inaasahan din na magagawa ng tagabasa na tukuyin at
maunawaan ang mga simbolismo, tayutay, kaisipan, tono at himig na nais pakahulugan ng awtor sa tulong ng
dating kaalaman. Ipinalalagay na natutuhan na ang mga kasanayang ito sa hayskul.
Magiging mahirap ang pagbasa at pag-unawa ng mga teksto sa literatura kung hindi taglay ng mag-aaral ang
mga kasanayang ito.
Inaasahan sa mga teksto sa agham-panlipunan na may sapat na pag-unawa ang tagabasa kung paano
nag-uugnayan ang mga tao sa isang lipunan. Ipinalalagay ng awtor na mauunawaan na ng mag-aaral ang
isang payak na depinisyon ng "social stratification" dahil may karanasan na siya sa pakikipamuhay sa isang
pamayanan. Inaasahan din ng mga awtor na may kakayahan na ang mga mag-aaral sa pagkilala kung ano
ang teorya at ang isang mapanghahawakang katotohanan.
Ipinalalagay naman sa mga teksto sa agham-pisikal na may kakayahan na ang mag-aaral sa pag-
unawa sa scientific inquiry.

Mga Pagsusulit
Karaniwang mga sanaysay na pagsusulit ang ibibigay sa mga kurso sa humanidades. Makabubuting
itanong sa iyong mga propesor kung anong uri ng pagsusulit ang kanilang ibinibigay.
Ang mga pagsusulit sa agham-panlipunan ay maaaring kombinasyon ng maraming pagpipiliang sagot
(MCQ test), pagpuno ng puwang, at sanaysay na pagsusulit.

Para naman sa mga pagsusulit sa agham, karaniwan din ibinibigay ay MCQ, pagpuno ng puwang o di
kaya’y pagleleybel dahil _ang binibigyang diin sa mga kurso sa agham ay mga katotohanan at kaeksaktuhan
ng kaalaman.

GAWAIN
Awtput # 1

23
Saan isusulat ang sagot? - Sa Papel (Yellow Pad) o Word Document
Kailan ang huling pasahan? - May 2, 2022
Saan ipapasa - Messenger (Piktyuran lang or screenshot)

“Gawain: Paper-pencil test”

Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba, tiyakin ang paksa at buuin ang pangunahing idea/kaisipang
ipinahihiwatig nito.Pagkatapos, bumalangkas ng tanong( o mga tanong) tungkol sa pansuportang detalye at
isulat ang angkop na sagot.

Ang Pamahalaan at mga Gawain Nito

Isinasaad sa Konstitusyon ng Pilipinas ang pagkakaroon ng isangbinagong pamahalaang


parlamentarya. Ito ay pinaghalong pamahalaangpresidensiyal at parlamentarya.
Tampok sa umiiral na pamahalaan ng Pilipınas ang pagkakaroonng isang malakas at
makapangyarihang pangulo. Bagamanmagkahiwalay ang tatlong bahagi ng pamahalaan – ang panguluhan,
batasan, at hudikatura – nagkakaugnay pa rin ang mga ito. Ito, aykatangian ng isang pamahalaang
presidensiyal.
Hango naman sa pamahalaang parlametarya ang pagkakaroon ngpunong minister. Subalit sa paglilipat
ng mga kapangyarihan ng PunongMinister sa Pangulo, ang Punong Minister ay naging pinuno na lamangng
Gabinete at punong tagapangasiwa ng mga gawain ng pamahalaan.
Gayon pa man, maaaring payuhan ng Punong Minister angPangulo, upang buwagin ang batasan kung
kinakailangan. Samantala, maaaring alisin o itiwalag ng Batasan ang Punong Minister sapamamagitan ng
pagpapahayag na wala nang tiwala sa kanya ang mgakagawad.
Sa balangkas ng pamahalaan nagtataglay ng hiwalay ngunitmagkakaugnay na kapangyarihan at mga
tungkulin ang tatlong bahagi nito. Layunin ng ganitong balangkas na pangalagaan ng bawat isa angkani-
kanilang mga gawain at kapangyarihan.
May nakatakdang kapangyarihan ang bawat bahagi ngpamahalaan. Nakatakda sa batasan ang
kapangyarihan sa pagpapanukalaat pagpapatibay ng mga batas. Tungkulin ng panguluhan
angpagsasakatuparan ng mga batas at pamamahala ng bansa. Nasahudikatura naman ang kapangyarihang
magpasiya kung sang-ayon saKonstitusyon ang mga batas, mga patakaran, at aksiyon ng lahat ng
mgamamamayan.
Bahagi rin ang pambansang pamahalaan lokal na binubuo ng apatna subdibisyong teritoryal at pulitikal.
Ito ang lalawigan, lungsod, bayanat barangay. Nasasalalay sa pambansang pamahalaan ang pagpapairal
ngmga batas na may kaugnayan sa mga pamahalaang lokal.

Pamahalaan ng Pilipinas
Nina Aurora L.T. Rerez, et. al.

1. Ano ang paksa/tapik ng teksto?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Anong mahalagang kaisipan ang dapat na maunawaan mo tungkol sapaksa? Isulat ang pangunahing
idea na sagot sa tanong na ito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Anong karagdagang impormasyon ang nais na ipabatid ng awtor upang lubusan mong maunawaan
ang pangunahing idea? Bumuo ng isang tanong na pa pansuportang detalye at isulat ito sa ibaba.

24
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng pagtatalata ng mga pansuportang detalye.


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Awtput # 2

“Gawain: Paper-pencil test”

Panuto: Basahin ang sumusunod na talata at tukuyin ang himig at/o tono nito.

"Ako'y hindi mayaman. Hindi ako tanyag Ngunit sa ngayon ayipinalalagay ko na ako'y isang tagumpay.
Itinuturing kong ang akingsarili'y isang tagumpany, sapagkat kumikita ako ng ikabubuhay at ngikatutustos sa
aking kaanak sa pamamagitan ng sarili kong pagsisikap atisang paraang marangal at malinis. Napag-aaral
ko ang aking mga anak.Kami'y kumakain nang hindi sumasala sa oras. Nakapagdaramit kami
ngkatamtaman. At nakadadalo rin kami sa mga kasayahan. Oo, sa kabila ngkawalan naming mag-anak ng
isang magarang tahanan, ng isang sarilingsasakyan, ay itinuturing kong ako'y isang tagumpay, sapagkat
ako'ymatahimik sa sariling pamamahay. Wala akong kaaway. Ngunit maramiakong kaibigan. Kaya para sa
akin ako'y isang tagumpay.
Hango sa "Ang Sukatan ng Tagumpay"
ni Gemiliano Pineda

Awtput # 3

25
“Gawain: Paper-pencil test”

Panuto: Narito ang dalawang linya na hango sa mga kontemporaryong awitin. Tukuyin ang mga tayutay na
nakapaloob dito at bigyan ng sariling pagpapakahulugan

1. Huwag, huwag mo akong ibibitin,


Baka ako kalawangin,
Parang pakong binasa't iniwan sa hangin.
“Bagyo Kang Talaga"
C. de Leon2

2. Marami sa ating tiwala sa sarili,


Akala nila'y tsampyon sila,
Lalo na kung siya ay inyong pinupuri,
Pumapalakpak ang kanyang tainga.
“Laki ng Ulo"
M. Mallillin, Jr.

Sanggunian: Filipino sa Iba’t ibang Disiplina (FILIPINO 2 – Para sa Kolehiyo at unibersidad) Paquito B. Badayos

26
Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin
maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man. Ito ay nangyayari sa kabila nang maraming
taong ginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang ito. Sa pagkakataong ito, maaari nating tanggapin na ang
pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo. Subalit mayroon tayong magagawa..napag-
aaralan ang wasto at epektibong pagsulat.

ANG PAGSULAT: ISANG MULTIDIMENSYONAL NA PROSESO

Hindi basta nagaganap ang pagsulat. Ito'y nangyayari lamang kung ang mga tamang sangkap sa
pagsulat ay mahusay na napag-iisa sa isang sistematikong paraan isang manunulat ... karanasan ..kawing ng
mga salita... at isang kapaligiran na magsisilbing landas tungo sa mabisang paglalahad ng mga ideya at
kaisipan.
Ang karanasan ay maaaring dumating anumang oras, saanmang lugar. Kung sa paaralan ito nadama,
maaaring bunga ito ng isang magandang talakayang pangklase o ng isang kuwento o tula. Maaari ring isang
panauhin o taong nakadaupang-palad. Isang paglalakbay o di kaya nama'y isang tanawin o pangyayaring
nasaksihan. Ito'y maaari ring bunga ng isang damdaming emosyunal tulad ng galit, paghanga, tuwa, lugod, ng
kuryosidad, ng paghahanap at marami pang makukulay na mga pangyayari na makapagbibigay-sigla sa isang
mag-aaral upang makalikha ng isang sulatin.
Kung naging maganda ang bunga ng karanasan sa mag-aaral, ang paglalahad ay hindi lamang ang
tuwirang naranasan kundi pati na rin ang sariling pagkukuro at impresyon tungkol dito. Ang paglalapat ng
sariling pananaw sa karanasang ilalahad ang siyang dahilan ng pagiging katangi-tangi ng isang likhang-
komposisyon.
Ang pagsulat, di gaya ng pagsasalita, ay pormal na pinag-aaralan. Ang paglalapat ng lapis sa papel ay
isang mabagal at kompleks na proseso. Ito'y isang Sining na nangangailangan ng malalim na pag-unawa at
pag-iisip.

27
ANG PAGSASALITA VS PAGSULAT
Ang wika, pasalita man o pasulat ay ginagamit na behikulo sa pagpapahayag ng ating mga nadarama
at mga pangangailangan. Bawat wika ay may sariling tuntuning semantiko at sintaktiko na kinakailangang
sundin ng bawat nagsasalita o nagsusulat upang maunawaan siya ng kanyang tagapakinig o mambabasa. Sa
kabilang dako, kinakailangan din ng mga tagapakinig o mambabasa ang mga kabatirang ito upang
maunawaan niya ang wikang kanyang naririnig o binabasa.

Sa paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan, mahalaga ang pagkakaroon ng tiyak na antas ng pag-


unawa at parehong pag-asam sa mga pangyayari ng tagapagsalita at tagapakinig o manunulat at ng
mambabasa upang maging matagumpay ang kanilang pakikipagtalastasan sa isa't isa.

Bilang mga gawaing komunikatibo, kinakailangan ng nagsasalita o sumusulat ang pagkakaroon ng


kamalayan sa pakikipag-ugnayang panlipunan at ang paggamit ng tamang dekorum sa pasalita man o pasulat
na diskurso. Ang mga ito ang magiging gabay ng tagapagsalita o ng manunulat sa pagpili ng
angkop na wikang gagamitin sa iba't ibang pagkakataon.

PAGKAKAIBA NG PASALITA SA PASULAT NA DISKURSO

Mga Salik Pasalita Pasulat


A. Gawaing Sosyal 1. Gawaing Mag-isa
 may kontekstong sosyal  isang anyo ng pakikipagtana na
dahil may awdyens, at may ginagawa nang mag-isa.
interaksyong nagaganap  maaaring ginagawang pag-
 may kagyat na pidbak sa aakma ang manunulat upang
anyong berbal at di-berbal; maisalang-alang ang di
 gumagamit ng mga nakikitang awdyens, o tagabasa
paralinguistic features, ng sulat na ginagawa;
halimbawa, tigil, lakas; diin,  walang kagya’t na pidbak kaya’t
Mga Salik sa Sikolohikal intonasyon; hindi na mababago kung ano ang
 gumagamit din ng extra naisusulat
linguistic features katulad  kailangang panindigan kung ano
ng pagtango, pag-iling, ang naisiulat
ekspresyon ng mukha, kilos
ng katawan at iba pa.
 ito’y anyong tuloy-tuloy
(linear); hindi na mababawi
ang nasabi ngunit maaaring
baguhin
Mga Salik na Lingguistic  maaaring gumagamit ng  kailangang mahusaya ang
mga impormal at mga paglalahad ng kaisipan upang
pinaikling konstruksyon ng makatiyak na malinaw ang dating
mga salita. sa mambabasa
 maaaring ulitin; baguhin at  mas mahaba ang konstruksyon
linawin ang nabitiwang ng mga pangungusap at may
salita ayon sa reaksyon ng tiyak na istrukturang dapat na
tagapakinig sundin
 napagbibigyan ang mga
pag-uulit ng mga pahayag
 nauulit ang anumang sinabi
lalo na kung sa palagay ng
nagsasalita ay hindi narinig
ng tagapakinig (Ang
salitang binigkas ay
ephemeral, panandaliang
narinig ngayon at sa ilang

28
saglit lamang ay wala na.)
 natutuhan sa paaralan at
 ang pagsaalkita ay kailangan ang pormal na
madaling natatamo pagtuturo at pagkatuto;
 natutuhan sa isang  mahirap ang pagbubuo ng
prosesong natural na tila isusulat ng mga ideya kaysa
walang hirap (ego-building) pagsasabi nito;
Mga Salik na kognitibo
 ang pagsaalin ng “inner  karamihan sa mga karanasan sa
speech(kaisipang binubuo pagsulat ay hindi maganda kaya
bago ipahayag sa anyong ang gawaing ito’y “ego-
pasalita) ay isang madaling destructive” lalo na kung ang
proseso sulatin ay sa W2(Pangalawang
wika)

ANO ANG PAGSULAT?


Ang pagsulat at iinog sa kung gaano kabisa at kasensitibong makabubuo ng mga pahayag ang isang
manunulat upang ang makababasa nito'y magaganyak na mag- isip, kumilos at magalak. Sa puntong
pedagohikal, ang mga pahayag (statement) ay iyong paggamit ng wika bilang instrumento sa mabisang
paglalahad ng naiisip o nadarama, saloobin, at reaksyon sa isang natural na paraan (kakayahang
komunikatibo). Ang wika ay isa lamang sa maraming midyum ng komunikasyon sa pagpapahayag. Sa daigdig
ng sining, maraming kaparaanang ginagamit sa pagpapahayag ng karanasan, halimbawa; musika, pagpinta,
paglilok, sayaw, dula, at iba pa.

Kung tatanawin ang pagpapahayag sa wikang Filipino bilang isang anyo ng sining, marapat lamang na
bigyang-pansin natin ang tatlong dimensyon ng pagsulat.

1. Ang masining at istetikong hikayat (artistic and aesthetic appeal) ng mga malikhaing sulatin na
siyang
2. Kasunod ng herarkiyang ito'y ang paggamit ng wika kung nais nating magbigay ng ulat katulad ng uri
ng wikang ginagamit sa mga pahayagan. Ito'y tinatawag naexpressive purpose ayon kay Samuel
(1988).
3. At ang pinakagamiting dimensyon hinggil sa hikayat ng pagsulat ay ang functional purpose. Kabilang
sa dimensyong ito ang pagsulat ng liham sa editor ng isang pahayagan. Ang mga kombensyong
ginagamit sa ganitong uri ng pagsulat ay mga panimulang gawaing magagamit ng mag-aaral sa
paglinang ng mga kasanayan hinggil sa paglalahad ng mga detalye, pakiusap, pagsusumamo, at iba
pa Laging isaisip na palagay ang sinumang tao kung alam niyang tinatanggap ng balana ang wikang
kanyang ginagamit.
Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyon interpersonal na gumagamit ng simbolo at
isinusulat/inuukit sa isang makinis na bagay tulad ng papel, tela o di kaya'y isang malapad at makapal na tipak
ng bato Ang pagsulat sa Filipino ay gumagamit ng isang sistema na binubuo ng 28 letra (a, b, c…….. z).
Nahaharap tayo sa iba't ibang uri ng sulatin araw-araw. ang dyaryo, adbertisment, phone bills, electric
bills, liham, paalaala, atb. Hindi lahat ng tao ay nakasusulat kahit na nga ang sinumang normal na tao ay
nakapagsasalita nang walang sistematiko o pormal na pagtuturo Kakaiba ang pagsulat. Kailangan tayong
turuan ng pagsulat at ito'y nagaganap sa paaralan

MGA URI NG SULATIN


1. Personal na Sulatin – impormal, walang tiyak na balangkas, at pansarili Ito ang pinakagamiting uri
ng ulatin ng mga mag-aaral dahil nagagawa nilang iugnay ang anumang paniniwala, damdamin,
pag-iisip, o di kaya'y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili.

2. Transaksyunal na Sulatin – pormal, maayos ang pagkakabuo, at binibigyang-pokus ang


impormasyon o mensaheng nais ihatid dahil komunikasyon ang pangunahing layunin ng ganitong
sulatin

29
3. Malikhaing Sulatin – masining na paglalahad ng naiisip o nadarama at karaniwang brmbigyang-
pansin ang wikang ginagamit sa sulatin. Ito'y ginagawa ng ilang tao bilang midyum sa paglalahad
ng kanilang sariling pananaw sa mga bagay sa paligid o di kaya'y isang libangan.

Personal na Sulatin Transaksyunal na Sulatin Malikhaing sulatin


Shopping(groseri) list Liham Pangalakal Tula
Tala Panuto Maikling Kuwento
Diary Memo Awit
Dyornal Plano Anekdota
Dayalog Proposal Biro
Liham Patakaran at mga Tuntunin Bugtong
Mensahe Ulat
Pagbati Adbertisment
Talambuhay

Bukod sa mga uri ng sulating inilahad sa itaas, ang mga sulatin ay maaari ring uriin ayon sa anyo.

1. Pasalaysay(Narration)
Pagpapalahad na naglalayong maghayag nang sunud-sunod ng isang pangyayarı, may tauhan
at may tagpuan. (maikling kuwento, talambuhay, dyornal, kasaysayan, kathang-isip, atb.)

2. Palarawan(Descriptive)
Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang bagay, na
pangyayari o magbigay ng isang biswal na konsepto ng mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari.
(paglalarawan ng mga tao, bagay, lugar, o konsepto)

3. Panghihikayat (Persuasive)
Pagpapahayag na naglalayong mahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin ang
pananaw ng manunulat. (adbertisment, sanaysay na politikal, editoryal, brosyur)

4. Eksposisyon (Exposition)
Pagpapahayag na may tunguhing ipaliwanag ang pangyayari, opinyon, kabatiran at mga
kaisipan. (Pagpapaliwanag., impormasyon)

5. Pangangatwiran (Argumentation)
Pagpapahayag ng isang kaisipan, paniniwala o kuru-kuro na naglalayong mapaniwala ang
kausap o bumabasa sa opinyon, palagay at paniniwala ng nagsasalita o ng sumusulat. (opinyon,
talakay, ebalwasyon)

MGA KAILANGANIN SA PAGBUO NG ISANG SULATIN

Ang pagsulat ay isang kompleks na kasanayan Ang isang manunulat ay kailangang may sapat na
kaalaman sa mga salik na mahalaga sa pagbuo ng isang sulatin, gaya ng mga sumusunod:

1. Tapik/Paksa. Kailangan sa pagbuo ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o impormasyon sa


paksang susulatin. Ang mga kaalaman/impormasyon ay maaaring galing sa mga sanggunian aklat,
dyornal, atb., o mga impormasyong nakalap buhat sa mga pagmamasid at/o personal na mga
karanasan

2. Layunin. Dapat na malinaw sa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit siya nagsusulat. Malaki ang
magiging epekto nito sa kanyang paraan ng pagsulat. Kaya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang
sulatin ay nakabatay nang malaki sa layunin

30
3. Interaksyon at Isang Kamalayan ng Awdyens. Dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap
na interaksyon sa pagsulat. Kung minsan, ang manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa,
kapag nagsusulat siya ng dyornal, pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang tao.
Nagsusulat ka para mangamusta (halimbawa, pagsulat sa mahal sa buhay upang ipaalam na nasa
mabuti kang kalagayan). 0 di kaya'y pagsulat nang isang maikling paalaala/mensahe o kung may nais
ipagawa sa isang kasambahay. Kailangang linangin din ng isang manunulat ang kanyang kasanayang
interpersonal. Dapat na alamin niya kung sino ang sinusulatan, ano ang gusto niyang malaman, ano
ang lawak ng kanyang pag-unawa, anong uri ng wika ang angkop na gamitin kung isasaalang-alang
ang kanyang kalagayan sa buhay, antas ng kanyang pinag-aralan, at iba pa.

4. Wika. Ang isang manunulat ay kailangan mayroong kaban ng wikang maaaring gamitin ayon sa
pangangailangan. Dapat alam niya ang istilo ng wikang angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon.

5. Kombensyon. Dapat isaalang-alang ang mga kombensyon sa pagsulat na tinatangkilik sa isang


pamayanan. Halimbawa, may sariling pomat at istilo ng wika ang pagsulat ng adbertisment na kaiba sa
pagsulat ng isang memorandum.

6. Mga Kasanayan sa Pag-iisip. Ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng iba't ibang kasanayan sa
pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang
madesisyunan niya kung alin ang mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lohika upang
makapangatwiran siya nang mabisa, kailangang alam din niyang pagalawin ang kanyang imahinasyon
at maging malikhain sa isang kawili-wiling paglalahad, kailangan mayroon din siyang kakayahan sa
pagbibigay ng sariling pagpapasiya, at iba pa. Anupa't totoong masasabi natin na ang pagsulat ay
isang kompleks na proseso sa pag-isip.

7. Kasanayan sa pagbubuo. Isa sa mga tunguhin ng manunulat ang makabuo nang maayos na talataan
na naglalahad nang malinaw na ideya at mga pansuportang detalye. Nagagawa rin ng isang mahusay
namanunulat na lohikal na mailahad ang pagkakasunus-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang
magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamit ng mga angkop na pang-ugnay.

8. May Sariling Sistema ng Pagpapahalaga. Dapat isaalang-alangsa pagsulat ang mga


pagpapahalagang pinanaligan ng isang manunulat at handa siyang panindigan ang mga ito.
Binibigyang-pansin niya sa pagsulat ang mga sumusunod:
 ano ang mabalaga sa paksa;
 ano ang maganda o mahusay na pagsulat,
 ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may edad kaysa sumusulat;
 sino ang awdyenso pinaglalaanan ng sulatin;

Ang mga ito at ilang pang personal o pansariling pagpapahalaga ay nakakaapekto sa pagsulat
ng isang tao.

9. Mekaniks (pagkakasulat, pagbaybay, pagbabantas, kombensyon sa pagsulat). Dapat isaisip na ang


maayos na pagkakasulat ng isang sulatin ay isang kailanganin na dapat isaalang-alang sa
pagsulat.Kailangan din na ang lahat ng salitang gaganmitin sa pagsulat ay may wastong baybay. Hindi
rin dapat kaligtaan ang wastong pagbabantas at ang angkop na anyo ng teksto na gagamitin sa
pagsulat.

10. Ang Proseso sa Pagsulat. Dapat mabatid ng isang manunulat ang mga proseso na sinusunod sa
pagsulat: pagpili ng paksa, paglilikom ng mga ideya, paggawa ng draf o burador, pagrerebisa, pag-
eedit, ibayong pagtingin sa buong manuskrito at paglalathala.

31
GAWAIN
Awtput # 4

Saan isusulat ang sagot? - Sa Papel (Yellow Pad) o Word Document


Kailan ang huling pasahan? - May 2, 2022
Saan ipapasa - Messenger (Piktyuran lang or screenshot)

“Gawain: Paper-pencil test”

Panuto:Sumulat ng isang komposisyon na naglalarawan sa isang espesyal na regalona hindi mo


makakalimutan. Maaari mong sundin ang balangkas na inilahadsa ibaba para sa iyong susulating
komposisyon.
Sa unang talata, sabihin:
a. Sino ang nagbigay ng regalo?
b. Ano ang regalong ibinigay sa iyo? llarawan ito upang "makita" ngbabasa ang regalo.
c. Kailan mo tinanggap ang regalo? Ilarawan ang okasyon.

Sa ikalawang talata, sabihin:


a. Ano ang naramdaman mo nang tanggapin mo ang regalo?
b. Ano ang iyong naging reaksyon?
c. Karapat-dapat ba sa iyo ang ganoong regalo?
d. Bakit espesyal ang regalong ito?

Sa ikatlong talata, sabihin:


a. Kung taglay mo pa ang regalo, nasaan na ito? Ginagamit mo pa baito?
b. Kung hindi mo na ginagamit, bakit?
c. Ano ang nararamdaman mo kung sumasagi sa iyong alaala angregalong ito?
d. Ano ang naging epekto ng regalong ito sa iyong pananaw sa buhay?
.

32
“Walang permanenting kahulugan ang isang salita. Katulad ito ng mga Pagala-galang mga elektron na maaaring uminog
na papalayo mula sa kanilang dating orbit at pumasok sa isang malawak na magnetic field. Walang sinuman ang
nagmamay-ari sa isang salia o may karapatang magdikta kung paano ito gagamitin o bibigyang-kahulugan."
David Lehman, Makata,
Editor at Kritiko

Hindi na bago sa iyo ang pagbibigay ng depinisyon. Sa katunayan, nasa elementarya ka pa lamang ay
nagbibigay ka na ng depinisyon ng mga salita sa mga klase mo sa Filipino, Agham, Matematika - sa madaling
salita sa lahat ng iyong sabjek. Bakit ba kailangan pang bigyan ng depinisyon ang isang salita? Bakit? Dahil
mahirap talakayin at pag-usapan ang literatura, biyolohiya, mga agham at iba pang larangan ng pag-aaral
kung hindi mo alam ang talasalitaan ng mga disiplinang ito.

ANG PAGBIBIGAY NG DEPINISYON


Ang awat larangan ng karunungan ay may tanging set ng wika at talasalitaan. Kailangang may sapat
kang kabatiran sa wikang ito at sa mga bokabularyong nakapaloob dito upang maging epektibo at higit na
madali ang pakikipagtalastasan sa mga taong kabilang sa larangang ito.
Hindi sapat na alam mo ang mga bokabularyo ng isang lawako larangan na iyong pag-aaralan o
papasukan. Kailangang epektibo mong magagamit ang mga ito kung mayroon kang ipapakiusap,
imumungkahi, ipaliliwanag o ilalarawan kaya. Magiging madali ang gawaing ito kung ang mga taong iyong
kakausapin ay may kabatiran sa wika at bokabularyong iyong gagamitin. Kadalasan, kungmayroon man,
malayo ito sa nais mong pakahulugan.
Kung sa isang pagawaan o isang pabrika ka nagtatrabho, kailangan may sapat kang kasanayan sa
pakikipag-usap sa kapwa trabahador, supertbisor, manedyer, employer o di kaya'y sa mga kiyente. Kung sa
isang klinik ka naman mamamasukan, alam mo rin dapat ang tamang pakikipag-usap sa mga doktor,nars, at
mga pasyente na kadalasa'y mga b'ata.
Ang iba't ibang awdyens ay may iba ibang pangangailangang pangkabatiran at may pagkakataong ang
mga tangi o espesyal na bokabularyong taglay mo'y malayo sa kanilang pang-unawa. Ngunit hindi mo sila
puwedeng talikuran. Labag ito sa kagandahang-asal.

33
Mga Gamit ng Depinisyon
Ang depinisyon ay hindi makapag-iisa. Karaniwan na itong bahagi ng isang diskurso.
Halimbawa, ang pagbibigay ng panuto o direksyon sa paggamit ng isang personal na
kompyuter ay maaaring magsimula sa pagbibigay ng depinisyon ng mga teknikal na
bokabularyo. Kailangan ito upang maging madali ang pagsunod o pagsasagawa ng pamuto o
direksyon kung sakaling makatagpo ang mga salitang ito.

BAKIT MAHALAGA ANG PAGBIBIGAY NG DEPINISYON


Madalas nating ipinalalagay na mauunawaan ng ating tagabasa o tagapakinig ang anumang salitang
ating isusulat o sasabihin gaya nang nais nating ipakahulugan. Gayunman, paano na kung ang isang salita ay
nagtataglay ng higit sa isang kahulugan o di kaya'y kung gumagamit ka ng teknikal na salita? Sapagkakataong
katulad nito, kailangan mo na sigurong maglahad ng depinisyon maliban na lamang kung nakatitiyak kang
hindi magkakamali sa pag-unawa ang iyong tagabasa o tagapakinig.

MGA SALITANG MARAMING KAHULUGAN


Maraming salita ang nagtataglay ng higit sa isang kahulugan. Polysemous ang tawag sa mga salitang ito at
nakakaepekto ito sa mabisang pagbasa at pagsulat. Kung sa palagay mo'y maaaring magkamali sa
pagpapakahulugan sa isang salita ang iyong awdyens, maglaan agad ng isang depinisyon.
Halimbawa, ang diksyunaryong Ingles ay may itinalang dalawampung depinisyon para sa salitang
stock. Ang salitang ito'y ginagamit sa iba ibang konteksto ng mga taong kabilang sa iba ibang trabaho o
hanapbuhay.

 Sa isang mangangalakal, ang stock ay taglay na mga paninda o iyong mga nakaimbak pa sa bodega.
 Sa isang ekonomist, ang stock ay salaping-puhunan sa isang kompanya.
 Sa isang botanist, ang stock ay isang halaman na kinuhanan ng sangang pananim.
 Sa isang chef (punong-kusinero/a), ang stock ay sabaw mula sa pinaglagaan ng karne o gulay na
ginagamit sa sopas, o sarsa.
 Sa isang asendero, ang stock ay lahat ng hayop na inaalagaan sa asyenda.
 Sa isangg sosyologist, ang stock ay kumakatawan sa lahi ng isang pangkat ng tao, (eg. lahing Intsik,
lahing Hapon).

Para sa matinong usapan sa pagitan ng isang chef at botanist, kailangan magkasundo sila kung aling
depinisyon ng stock ang kanilang kikilalanin.

MGA IDEA O KAISIPANG BASAL


Tahas (kongkrit) ang tawag sa nga salitang tumutukoy sa mga bagay na nakikita, nararamdaman,
natitimbang o nasusulat. Basal (abstrak) ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa isang diwa o kaisipan. Ang
katamisan ay basal samantalang ang asukal ay tahas.
Ang kahulugan ng isang salitang basal ay nagbabago ayon sa konteksto at ito'y nagiging isang
suliranin sa pag-unawa. Halimbawa, anong gagawin mo kung sinabi ng iyong boss na "Magbanat ka ng buto. "
Bibilisan ang kilos? Mag-eehersisyo? luunat ang kamay?
Paano binibigyan ng depinisyon ang salita o pariralang basal? Mabibigyan ng depinisyon ang basal na
salita o parirala sa pamamagitan ng paglalahad ng mga kriterya na magiging panukatan sa salita o terminong
binibigyan ng depinisyon. Anu-anong kriterya ang magbibigay kahulugan satamang-tamangsukat para sa
isang arkitekto? Sa isang surbeyor? Sa isang kosturera?
Suriin ang pariralang ligtas na kapaligiran. Anu-anong kriterya ang maikakapit dito para sa isang day
care center? Sa isang planta ng mga kemikal? Sa isang maraming palapag na gusali?

34
AKRONIM
Ang akronim ay isang salita na binuo mula sa unang letra ng mga salita sa isang parirala. Ito ay
isinusulat sa malaking letra at hindi tinutuldukan. Halimbawa, ang akronim naSWAT ay kumakatawan sa mga
unang letra ng Special Weapons And Tactics.
Hindi na binibigyan ng depinisyon ang mga akronim na nauunawaan na ng nakararami. Sa katunayan,
ang ilang akronim ay palasak na nating ginagamit sa araw-araw at nakakalimutan tuloy na akronim ang mga
ito. Halimbawa ay ang akronim naradar (Radio Detecting And Ranging).
Hindi lahat ng akronim ay binibigkas ng katulad sa isang salita gaya ng NBI (National Bureau of
Investigation) subalit kinikilala natin ito bilang akronim at hindi isang daglat.
Ang mga akronim na nauunawaan o makahulugan lamang sa ilang tao o espesyalist ay
nangangailangan ng depinisyon. Ang mga taong ang trabaho ay may kinalaman sa kompyuter ay gumagamit
ng mga akronim na hindi nauunawaan ng marami sa atin gaya ng mga sumusunod:

LAN local area network


GIGO garbage in, garbage out
FAQ frequently ask questions
CAD computer aided design
RAM random-access memory
DOS disk operating system
GUI graphic user interface
PIM personal information manager
MUD multi-user dungeon
MIDI musical instrument digital interface

Kung gagamit ka ng akronim sa isang sulatin, isulat ito nang buo sa unang pagkakataon. Pagkatapos,
maaari nang ipalagay na alam na ito ng iyong awdyens kung sakaling gagamitin mo ulit sa ikalawa o ikatlong
pagkakataon.

Halimbawa:
Ang CPU (central processing unit) ang pinakautak ng isang kómpyuter.

Subuking bigyan ng kahulugam ang mga akronim na inilahad sa itaas.

Ang mga leksikograper aymga taong nagsusulat o bumubuo ng mga


Diksyunaryo. Hindi sila imbentor ng mga salita; inlalarawan nila ang mga salitang ginagamit
ng mga tao sa usapan, sa iteratura, at sa media. Dahil sa patuloy ang paglingkod ng bagóng
mga salita at ang mga lumang salita ay nabibigyan ng bagong kahulugan, hindi nawawalan
ng trabaho ang mga leksikograper. Ang bagong teknolohiya ay palági nang may kákabit na
bagong mga salita. Hálimbawa, hindi kasama sa mgá diksyunaryong Ingles na inilimbag
noong 1992 ang mg salitang hacker o CD-ROM o internet.

PAGBUBUO NG SALITA
Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay patuloy na nag-iimbento ng mga salita at mayroon silang
kategorisasyon na ginagamit sa pagbubuo ng mga salita.

1. Binaligtad (inverted o reversed category). Ito ay may layong lumikha ng tangi o sariling bokabularyo.
Halimbawa:
gatbi (bigat) = heavy
tomguts (gutom) = hungry
astig (tigas) = strong/powerful/influential

35
2. Likha (coined words). Ito'y walang tiyak na pinagmulan at karaniwang maririnig kung kani-kanino at kung
saan saan.
Halimbawa:
paeklat - maarte = overacting
bonzai - maliit/pandak = very smal
hanep - papuri/paghanga = praise/appreciation
utol - kapatid = brother/sister
esmi - esposa = wife
espi - esposo = husband

3. Pinaghalu-halo (mixed). Ito'y pinagsama-samang salita at/o pantig ng salitang Ingles at Filipino.
Halimbawa:
in-na-in - sunod sa uso = fashionable
kilig-to the bones - matinding paghanga = deeply in love
kadiri - pag-ayaw = dislike/repulsive

4. Iningles. Ito'y mga salitang Ingles ngunit may ibang kahulugan.


Halimbawa:
weird = pambihira/kakaiba = rare/lunusual
bad trip = kawalang pag-asa = hopeless/ frustration
yes, yes, yo = pagsang-ayon = overwhelmingly/approved

5. Dinaglat (abbreviated). Ito'y mga letrang kumakatawan sa mga salita o pariralang pinaikli.
Halimbawa:
SMB = Style Mo Bulok
BLT = Biktima ng Love Triangle
NPAA = No Poise At All
MARLBORO = Men Always Remember Love
Because of Romance Only
IMUS = I Miss U, Sweetheart
MALABON = May A Lasting Affair Be Ours Now
HOLLAND = Hope Our Love Lasts and Never Dies

PAGBUO NG MAKABULUHANG DEPINISYON

Ang karamihan sa mga salitang ginagamit natin ay mabibigyan ng makabuluhang depinisyon sa pamamagitan
ng isang maingat na binuong pangungusap na tinatawag na isang tatlong bahaging pangungusap na
depinisyon.

TATLONG BAHAGI NG ISANG PANGUNGUSAP NA DEPINISYON

Ang tatlong bahagi ng isang pangungusap na depinisyon ay ang sumusunod:


salita, pangkat, at mga detalye.
 Ang salita - ito ang bibigyang-kahulugan
 Ang pangkat - ito'y isang pamilya ng klasipikasyon na kinabibilangan ng salita.
 Ang mga detalye - ito ang mga impormasyong nagsasaad kung paano naiiba ang salita sa iba pang
salita na kasama sa pangkat.

Salita Pangkat Mga Detalye
Ang toxin ay isang lason na galing sa isang
hayop o halaman

Salita Pangkat Mga Detalye


Ang conflagoration ay isang malaki sunog

36
at mapinsalang

Ipagpalagay na pabubuuin ka ng isang tatlong bahaging pangungusap na depinisyon ng salitang


bandehado. Anu-ano ang dapat mong isaisip? Ang bandehado ay kabilang sa pangkat ng mga plato o
pinggan. Ang depinisyong “ang bandehado ay isang uri ng pinggan" ay maaari nang tanggapin subalit kulang
pa rin ito dahil hindi lahat ng pinggan ay tinatawag na bandehado. Isang detalye magpapakita ng pagkakaiba
ng bandehado sa iba pang uri ng pinggan ay ang hugis nitong bilohaba at malanday. Dalhil sa detalyeng ito'y
maihihiwalay natin ang mga plato, platito, at mangkok. At kung idaragdag ang detalyeng ginagamit ang
bandehado na bulusan ng kanin o pang-ulam, hiwalay nang lubos ang mga pinggang hindi tumutugon sa
depinisyon ng bandehado.

Ang bandehado ay isang biluhaba at malanday na pinggan na bulusan ng kanin o pang-ulam.

Kung minsan ay hindi pa rin sapat ang isang tatlong bahaging pangungusap na depinisyon kayat
kailangang bumuo ka ng isang pinalawak na depinisyon. Taglay ng ganitong depinisyon ang lahat ng
impormasyong gustong malaman ng isang nakikinig o nagbabasa.

Sa isang pinalawak na depinisyon ang paksa, awdyens, at layunin ang nagtatakda ng-
 anyo ng komunikasyon (pasulat / pasalitą)
 dami ng impormasyon
 uri ng impormasyon
 mga salitang gagamitin
 balangkas ng pangungusap at talata

PAGHAHANDA SA PAGBUO NG ISANG PINALAWAK NA DEPINISYON

Isaalang-alang ang dating kaalaman ng awdyens tungkol sa salita at kung ano pa ang gusto nitong
malaman. Upang malinaw na mabigyan ng depinisyon ang isang salita, kailangang mahulaan mo ang mga
posibleng itatanong ng awdyens tungkol sa salita sa loob ng isang partikular na sitwasyon at sikaping
masagutan ang mga ito sa bubuuing depinisyon. Ang mga kasagutan sa mga tanong angkakatawan sa mga
datos na kailangan para sa isang pinalawak na depinisyon.

MGA BAHAGI NG ISANG PINALAWAK NA DEPINISYON

Ang Pamagat. Isinasaad ng pamagat kung anong uri ng impormasyon ang matatamo sa depinisyon.

Ang Panimula. Bahagi ng panimula ang isang mapapanaligang tatlong bahaging pangungusap na depinisyon.
Maaaring ilahad din sa. bahaging ito ang ilang pagpapaliwanag kung bakit mahalaga sa tagabasa o
tagapakinig ang mga dagdag na datos. Inilalahad din dito ang mga pangunahing paksa na tatalakay sa
katawan ng depinisyon.

Ang Katawan. Ito ang pinakatampok na bahagi ng depinisyon. Inilalahad ditto ang mga datos na pantugon sa
inaasahang mga tanong tungkol sa salita. Maaaring gumagamit ng larawan o ilustrasyon sa bahaging ito kung
kinakailangan.

Ang Pangwakas. Ang pangwakas ay maaaring hindi na isagawa. Pagpapasiyahan kung kailangan pang-
 nilahad muli ang mahalagang puntos.
 tukuyin kung saan makakakuha ng mga karagdagang impormasyon.
 bigyan ng buod ang mahahalagang kaisipan o idea.

Ang Sanggunian. Ang depinisyon ay maaaring hango sa iyongg sariling karanasan at kaalaman. Kung
sakaling sumangguni ka sa ilang ekspert, teksbuk, artikulo, manwal at iba, mas mabuting banggitin ang mga

37
ito sa hulihan ng depinisyon. Ito ang magbibigay patunay sa kawastuhan ng mga impormasyoninilahad sa
depinisyon. Narito ang ilang halimbawa kung paano itinatala ang mga sanggunian. Bigyang-pansin ang
paggamit ng malaking letra at mga bantas. Kung maaari, gawing italisado ang pamagat ng aklat o magasin sa
halip na lagyan ito ng salungguhit.

IMPORMASYON MULA SA ISANG AKLAT:

Awtor P. B. Badayos
Pamagat Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika
Lugar ng Pinaglimbagan Makati City
Pangalan ng Palimbagan Grandwater Publications and Research
Corporation
Taon ng Paglilimbag 1999

Badayos, P.B. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Makati City:


Grandwater Publications and Research Corporation, 1999.

PLANO PARA SA ISANG PINALAWAK NA DEPINISYON

Paksa URL Nilalaman


AWDTENS Isang bagong kawani Mga posibleng itanong ng awdyens
at mga datos upang sagutin ang
mga ito.
LAYUININ Ano ang layunin para sa Ano ang magagawa ng URL?
awdyens? Inaakay ang isang browser sa Web
Mauunawaan kung ano ang URL at page…katulad ito ng
malaman kung ano ang mga tirahan(address) kung mgahuhulog
bahagi nito. ng sulat.
PORMAT Pasulat Anong ibig sabihin ng http?
Hypertext Trasper Protocol pormat
na ginagamit para makuha ang
isang dokumento.
SANGGUNIAN WEBstar Home Page Mr. Reyes Ano ang domain?
BISWAL Anong biswal ang maaaring Ano ang huling bahagi ng URL?
gamitin upang maging epektibo
ang depinisyon? Mga bahagi ng Ano ang ibig sabihin ng mga
URL na may iba’t ibang kulay. ngalang domain?

PANIMULA Isang tatlong bahaging Paano ang wastong pag-type o key


pangungusap na depinisyon: in ng URL sa kompyuter?
Ang URL (Uniform Resource malaki man o maliit na letra, baybay,
Locator) ay isang metodo ng bantas.
pagpapangalan ng mga dokumento
o di kaya’y mga lugar sa internet.

Maaari mong sundin ang balangkas sa ibaba para sa pagsulat ng isang pinalawakna depinisyon.

Ano ang URL?


Panimula

Isang tatlong bahaging pangungusap na depinisyon

38
http://www.epa.gov/energystar.html

Protocol Domain Document


Name

Ilust. 1 URL para sa Enegy Star Program

Katawan

Ang Protocol
Ang Domain Name
Ang Document Name

Sanggunian.
Internet Acronyms." Webmaster
http://www.WEBstar.usv.educ/:acronyms.html. May 8, 1998,
Morales, Lilia. Guro sa Computer Science, Laguna Science High
School. Personal na Interbyu. May 10, 19998

GAWAIN
Awtput # 5

Saan isusulat ang sagot? - Sa Papel (Yellow Pad) o Word Document


Kailan ang huling pasahan? - May 6, 2022
Saan ipapasa - Messenger (Piktyuran lang or screenshot)

“Gawain: Paper-pencil test”

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga akronim at bigyan ito ng depinisyon.

a. CEO f. PIN
b. ZIP code g. DNA
c. laser h. LPG
d. CD-ROM i. ECG
e. GNP j. AIDS

39
ANG PAGSULAT NG MENSAHE

Tunghayan natin ang kuwento ng isang magsasaka: natuwa ang isang magsasaka dahil natuklasan
niyang mabisa pala ang apoy na pamuksa sa mga pesteng daga. Gumawa siya ng isang gadyet na katulad ng
isang flame thrower na itinatapat sa mga lungga ng daga. Upang makatiyak na ligtas itong gamiting pamuksa
sa daga, Iumiham siya sa Pambayang Agrikulturist. Dahil mapanganib ang paggamit ng flame thrower, ganito
ang naging tugon ng agrikulturist, “Epektibo ang apoy na pamuksa sa mga daga subalit mapanganib naman
ang flame thrower lalo na doon sa hindi sanay sa paggamit nito." Nagpasalamat ang magsasaka sa mabilis na
tugon sa kanyang liham. Dahil sa pagmamalasakit ng agrikulturist, sumulat siya muli sa magsasaka: "Hindi
tayo nakasisiguro sa maaaring panganib ng paggamit ng flame thrower bilang pamuksa sa mga daga, kaya
iminumungkahi naming umisip ka pa nang mas ligtas na paraan."

BAKIT KAILANGANG SUMULAT


Ang kuwento ng magsasaka sa panimula ng kabanatang ito ay nagpapakita sa kahalagahan ng pag-
alam kung sino ang awdyens at ano ang layunin ng mensahe bago pa man isulat ang unang salita nito.

Halos lahat ng komunikasyong nagaganap sa araw-araw ay sa pamamagitanng isang usapan na


maaaring harapan o di kaya'y usapan sa telepono. Subalit mahalaga sa kasalukuyang panahon ang marunong
sumulat ng mga mensahe. Bakit? Dahil may mga mensahe na mas epektib ang dating kung ito'y nakasulat
kaysa sinasabi. Narito ang ilang patunay kung bakit epektibo ang nakasulat na
mensahe.

 Kung mahalaga at medyo sensitibo ang mensahe, nagagawa ng tagasulat na ito'y pag-isipan mabuti,
buuin nang maayos at baguhin kung kinakailangan. Bukod pa rito, nagagawa rin ng tagabasa na pag-
isipang mabuti ang mensahe dahil maaari siyang huminto upang basahin muli ang ilang seksyon o
bahagi ng mensahe na nais niyang bigyan ng ibayong pansin.

40
 Pinipili lamang ng tao ang nais pakinggan. Ang nakasulat na mensahe ay higit na mauunawaan kaysa
kung ito ay maririnig lamang.
 Mas permanente ang nakasulat na mensahe, anunsyo, pakiusap o pagbati. Maaari itong itago at
basahin muli sa ilang pagkakataon kung kailangan.
 Tiyak na makararating sa kinauukulan ang nakasulat na mensahe kaysa kung itatawag ito sa telepono.
May mga taong tamad sa pagsagot sa telepono o di kaya'y sinisino ang tumatawa
 Mas ekonomikal ang pagsulat kaysa pagtawag sa telepono laio na kung malayo ang hahatiran ng
mensahe.
 Mas makatitipid sa panahon at salapi ang nakasulat na mensahe lalo na't maraming tao ang dapat na
makaalam nito.
 Kung ikaw ay galit o medyo mainit ang ulo, maaaring pagsisihan mo bandang huli ang anumang
nabitiwang salita, samantalang sa pagsulat magagawa mong makontrol ang iyong emosyon o di kaya'y
baguhin ang anumang naisulat na.

LAYUNIN NG MGA MENSAHE

Mapapangkat ang mga nakasulat na mensahe ayon sa layunin. Ang karamihan sa mga mensahe ay
mapapangkat sa lima:

 Mga mensaheng naghahayag


 Mga mensaheng nagbibigay ng impormayon
 Mga mensaheng humihiling
 Mga mensaheng nag-aatas
 Mga mensaheng nanghihikayat

May mga mensahe na higit sa isa ang layunin. Halimbawa, ang isang mensahe ay maaaring magturo
sa mga manggagawa kung psano susulatan ang isang pormularyo, maaari rin nitong himukin ang mga tao na
tapusin ang gawaing ito bago matapos ang linggong kasalukuyan.

Narito ang isang talahanayan na nagpapakita ng mga layunin at mga mungkahing nilalaman ng mga
nakasulat na mensahe.

NILALAMAN NG MGA NAKASULAT NA MENSAHE


Layunin Mungkahing Nilalaman
KATANGIAN NG EPEKTIBONG MGA
MENSAHE
Nagbibigay ng impormasyon Layunin ng mensahe
Pagpapaliwanag ng sitwasyon (Sino? Ano?
Paano? Saan? Kailan? Paano? Bakit?)
Konklusyon, rekomendasyon, at/o panapos
na pahayag
Mapitagang pagtatapos
Humihiling Layunin ng mensahe
Kaligirang impormasyon
Mga detalye na naging batayan ng pagtugon
(Sino? Ano? Saan? Kailan? Paano? Bakit?)
Mapitagang Pagtatapos
Nag-aatas o nagbibigay ng panuto Layunin ng mensahe
Dahilang kung bakit kailangang sundin ang
panuto
Itala ang mga hakbang at kung ano at paano
ito isasagawa
Mapitagang pagtatapos
Nanghihikayat Layunin ng mensahe
Pagbibigay ng lohikal na ebidensya

41
Maaayos na pagbubuo
Kailangang kapanipaniwala at mapanghikayat
Mapitagang pagtatapos

KATANGIAN NG EPEKTIBONG MGA MENSAHE


Ang anumang nakasulat na mensahe ay repleksyon ng buong pagkatao ng sumusulat nito. Kaya ang isang
padalus-dalos na pagsulat at hindi binigyan nang malalim nan pag-iisip ay malamang na mauwi sa
pagwawalang-bahala ng taong makakabasa nito.
1. Malinaw na Paglalahad ng Layunin
Tiyak in muna sa sarili ang tunay na layunin bago isulat ang mensahe. Nangyayari minsan na ang
inang mahalagang mensahe ay hindi napapalalagahan nang tama. Ito'y nagaganap dahil ipinalalagay
ngsumulat na mauunawaan ng tagabasa ang mensahe o dahil sa hindi nilinaw ang layunin ng mensahe.
2. Kaangkupan ng tono o Himig ng Pananalita
Ang ating istilo sa pananamit ay katulad din ng ng pagsulat ng mensahe. Iniangkop natin ang
isinusuot na damit sa okasyong paggagamitan nit0 – may pormal at impormal na kasuotan. Gayundin ang
tono o himig ng isang mensahe’y maaaring kaswal, pangkarwaniwan o pormal batay sa sitwasyon,
intensyon, at sa relasyong nagagamitan sa tagasulat at tagabasa. Ang pagsulat ay gaya rin ng pagsasalita,
lamang ang una’y dapat na may katiyakan at katumpakan sat ono o himig at sa gamit ng salita.

“Ikaw” muna bago “Ako”


Sa pagbasa ng isang mensahe, agad na inaalam ng tagabasa kung “ano ang para sa kanya”.
Pansinin ang mga halimbawa.
Kung paanong ang maka – “ako” ay nagging “ikaw”

ORIHINAL BINAGO
Nagpapasalamat ako sa iyong ipinakitang Maraming salamat sa iyong ipinakitang
interes sa aming bagong produkto. May interes sa aming bagong produkto. Makikita
inilakip akong pamplet na nagbibigay ng mo sa pamplet na nakapaloob dito ang mga
detalye tungkol sa mga kagalingan ng aming kagalingan ng produktong ito.
bagong produkto. Kung bibili ka ng mas maaga, mabibigyan ka
Sana’y magustuhan mo ito para makabili ka naming ng malaking diskwento. Maraming
agad dahil may malaking diskuwento kami salamat sa iyo.
para sa unang mamimili.

Maging Positibo
Kahit na ikaw ay nagagalit o medyo may pagkasiphayo, panatilihin ang pagiging magalang at
magiliw. Maaari kang magmatigas na hindi nanunuya o nagagalit. Kung positibo ang tono ng iyong
liham, makikita mong maluwag sa kaloobang susundin ng bumabasa ang iyong kagustuhan.
Magagawa mo ring mailahad na positibo ang isang negatibong mensahe. Tingnan ang halimbawa sa
ibaba.

ORIHINAL BINAGO
Hindi mo ipinadala ang iyong implikasyon Natanggap namin ang iyong implikasyon
bago ang huling takdang araw. pagkaraan ng takdang huling araw.

Maling pormularyo ang iyong ipinadala. Ang tinanggap namin ay Porm A ngunit Porm
B ang kailangan sa ating transaksyon.

Maaari mo akong tawagan kung may problem


Matatawagan mo ako kung ikaw ay may
aka. gusting itanong.
Mababayaran namin ang balanse nang
Hindi naming ito mababayaran nang buo hulugan sa loob ng anim na buwan kung
gaya ng iyong kahilingan. inyong mamarapatin.iyo.

42
"Maraming Salamat" at "Ikinalulungkot Ko" Huwag Kaliligtaan
Huwag maging maramot sa pagbibigay ng taos sa pusong pasasalamat kailanma't may –
o nakipagtransaksyon sa iyo
o nagbigay- puri sa iyo.
o naging napakamaunawain sa iyo.
o nagbigay ng mga puna o mungkahi.
o nakapagpatawa sa iyo.

3. Maging matipid at mapitagan sa pananalita


Hindi mo maaasahang babasahing lahat ang iyong liham ng isang taong abala sa kanyang
trabaho. Tiyakin na ang iyong mensahe ay mababasa sa loob ng maikling panahon - tukuyin ang nais
ipahayag at tapusin ito agad. Hindi dapat palampasin sa 20 salita ang bawat pangungusap at ang
bawat talata ay kailangang buuin lamang ng limang linya. Tingnan ang mga halimbawa.

ORIHINAL BINAGO
Ang mga instrument ay pinakuluan ni Lilia. Si Lilia ang nagpakulo sa mga instrument.

Nais kong samantalahin ang pagkakataon Maraming salamat sa mga tulong mo sa


upang mapasalamatan ka sa iyong mga aming proyekto.
naitulong sa aming proyekto.

Huwag kaligtaan ang pagkamagalang kahit na maikli ang mensahe.

ORIHINAL BINAG0
Kailangan ko sa lalong madaling panahon Inihanda na namin ang Purchase Order para
ang iyong lagda sa Purchase Order para sa sa bagong kompyuter upang malagdaan mo.
bagong kompyuter. Hindi agad ako Pakipirmahan ito at pakibalik agad sa akin
makakaaksyon hangga't hindi mo ito para maipadala ko kay Miss Recto para sa
nalalagdaan. kanyang
pagsang-ayon.

Malinaw at Tiyak na Pananalita


Maging maingat sa pagpili ng mga salita at ilahad ito nang maayos at malinaw sa mga
pangungusap at mga talata. Iwasan ang paggamit ng teknikal jargon maliban kung alam mong
mauunawaan ito ng babasa.

ORIHINAL BINAGO
Isa sa aming mga mamimili ang tumawag at Tumawag ang suki naming si Amy Bella at
inirereklamo ang mahinang serbisyo sa nagrereklamo dahil noong Oktubre 4
inyong departamento dahil kailangan pa naghintay siya ng dalawang oras habang
niyang maghintay nang matagal para gawin inaayos ni Rey Morales ang naputol niyang
ng isang tauhan ninyo diyan ang isang salamin sa mata: ang simpleng
simpleng pagkukumpuni na dapat ay pagkukumpuning ito ay karaniwang tumatagal
matapos sa loob ng maikling panahon. lamang ng 15 minuto.

Nilalaman ng mga Epektibong Mensahe


May tatlong mahalagang bahagi ang 1sang epektibong mensahe natumutugon sa sumusunod na mga
tanong:
o Tungkol saan ang mensahe?
o Anu-anong mga impormasyon ang inilahad at paano ito bibigyan kahulugan?
o Ano ang dapat gawin?

Tungkol saan ang mensahe?

43
Sa panimula pa lamang ay dapat mabatid na ng tagabasa kung ano ang paksa ng mensahe at
kung sino ang sumulat. Gawing kawili-wili ang panimula ng mensahe upang maganyak ang tagabasa
na basahin ang kabuuan nito. Huwag ipagpahuli ang mahahalagang puntos ngg mensahe dahil baka
hindi na ito mapansin.

Anu-anong mga impormasyon ang inilahad at paano ito bibigyang kahulugan?


Sa bahaging ito ng mensahe, kailangang makabuo na ang tagabasa ng desisyon,
maipagkaloob na ang kahilingan o di kaya'y malutas na ang problema. Para sa madaliang pagbasa,
maaaring isa-isang itala angmahahalagang puntos o mga detalye sa halip na nakalahad nang patalata.

Ano ang dapat gawin?


Kailangang nagpapakilos ang isang mensahe upang mabatid ng babasa kung ano ang gagawin
at kailan ito magaganap. Dapat ding linawin kung ano ang intensyon ng sumulat.

PAGSULAT NG MAIKLING LIHAM (notes)


Ang mga maikling liham(notes) ay mga impormal at personal na mga mensahe. Karaniwan
itong sulat-kamay upang madama ng sinulatan ang kadalisayan ng intensyon ng sumulat. Ipinakikita sa
ibaba ang isang tipikal na pormat ng isang maikling liham o tala.

Petsa ----------------------------------------Oktubre 4,

Bating Pambungad -----------------------Mahal kong Lilia,


Nakarating sa akin ang isang
magandang balita tangkol sa iyong
pagtaas ng tungkuli.
Binabati kita!
Katawan ----------------------------------- Hindi naman ako totoong nabigla
Alam kong dibdiban kang
magtrabaho at karapat-dapat ka
lamang umasenso.
Bating Pangwakas ----------------------------------------Sumasaiyo.
Kit

Ilust. 8-1 Isang Sulat Kamay na Tala

ANG PAGSULAT NG MEM0


Ang mga memorandum o memo ay mga mensaheng sinulat para sa mga tao sa isang organisasyon.
Ang mga memo ay binubuo ng dalawang pangunahing bahagi ang pamuhatan at ang mensahe. Walang iisang
pormat para sa mga memo. Ang bawat organisasyon o kompanya ay may itinatanging pormat.

ANG PAMUHATAN
Ang pamuhatan ng isang memo ay may apat na bahagi at bawat isa ay may guide word:

PARA KAY/SA Pangalan ng tagabasä, na minsan ay sinusundan ng kuwit at


ang titulo ng taong sinulatan
MULA KAY: Pangalan ng sumulat na minsan ay sinusundan ng kuwit at ang
titulo ng sumulat
PETSA: Petsa kung kailan isinulat ang memo
SABJEK: Isang maikling deskripsyon ng ilalaman ng memo. Kung
minsan, sa halip ng “Sabjek".Nakasaad dito'y “REFERENCE" o
“RE".

44
Kung minsan ay kasama din sa pamuhatan ang copy notation, (kahulugan- "copy"), na sinusundan ng
pangalan ng iba pang tao na nakatanggap ng sipi ng nemo. Ang copy notation ay maaari ring ilagay sa ibaba
ng katawan ng memo.

ANG MENSAHE
Karamihan sa mga memo ay maikli at mayroon din namang mahaba ang mensahe. Hindi karaniwang
sinusunod sa pagsulat ng memo ang tradisyonal na pagtatalata na paksang pangungusap, katawan,
pangwakas na pangungusap. Tinataggap ang pinaikling pormat hanggat magagawang maunawaan ng babasa
ang kahulugan ng memo.

Para sa :Sa Puno at mga Kaguruan


Kagawaran ng Filipino
Mula kay : Dr. RodBriones, Dekano, Kolehiyo
Pamubatan ng mga Sining at Agham
Petsa : Oktubre 18,2000
Sabjek :Pulong Pangkagawaran
COE-Filipino

Inaanyayahan ko kayo sa isang pulong sa 20 Oktubre,


Biyernes, ika-10 ng umagå sa Silid-Komperensya n
Pangalawang Pangulo

Adyenda:
1. Ulat sa implementasyon ng mga proyekto ng COE-Filipino
Mensahe 2. Pagpili'ng Tagapangulo ng Komite sá Filipino
3. Iba pa

Inaasahang dadalo rin si Df. Nelia Briones,


Pangalawang Pangulong Pang-akademiko at si Dr.
Larry Mojica, Dekano ng Paaralang Gradwado.
cc. Pangulo

Ilust. 8.2 Ang dalawang bahagi ng isang memo

ANG PAGSULAT /PAGPAPADALA NG ELEKTRONIK MAIL


Ang elektronik mailna lalong kilala sa tawag na e-mail ay isang komunikasyong teknolohiya at
pinakamadaling paraan nang pagpapadala ng mga memo sa mga tao sa isang organisasyon sa pamamagitan
ng kompyuter. Ang e-mail ang pinakamabilis na paraan ng pagpapadala ng maiiklingg mensahe. Ang
komunikasyon ay maaaring kompyuter sa kompyuter ng mga tao sa iisang gusalio di kaya'y milya-milya ang
layo sa isa't isa. Ang pagpapadala at/o pagtanggap ng e-mail ay maaaring sa loob ng 24 oras sa isang araw,
365 araw sa loob ng isang taon at may kagyat na pagtugon. Ang karamihan sa mga mensahe sa e-mail ay
maikli at mayroon din itong sariling pormat na halos katulad ng pormat ng mga memorandum.

45
GAWAIN
Awtput # 6

Saan isusulat ang sagot? - Sa Papel (Yellow Pad) o Word Document


Kailan ang huling pasahan? - May 6, 2022
Saan ipapasa - Messenger (Piktyuran lang or screenshot)

“Gawain: Paper-pencil test”

1. Baguhin/Isulat muli ang sumusunod na mga mensahe upang maging komunikatibo.


a. Malugod naming pinapahalagahan ang iyong mga pagsisikap.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

b. Huwag kang mag-atubili na tumawag sa akin kung mayroon kang mgatanong.


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Baguhin/Isulat muli ang sumusunod na mga negatibong mensahe at gawing positibo ang bawat isa.
a. Kailangan na namin ang iyong kabayaran sa linggong ito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

b. Sarado ang aming tanggapan kung araw ng Linggo.


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Gawing maka - "ikaw" ang mga pangungusap sa ibaba.


a. Ipadadala ko agad ang listahan ng mga kalahok.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

b. Tiyak na magugustuhan ng mga kostumer ang aming serbisyo.

46
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Baguhin/Isulat muli ang pangungusap upang mapabuti ang tono o himig ng bawat isa. Gawin din itong
matipid, mapitagan at tiyak.
a. Maraming tao ang dumalo sa paligsahan
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

b. Ikinalulungkot naming sabihin sa iyo na magkakaroon ng kauntingpagkabalam ang pagpoproseso ng


iyong mga papeles.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

c. Marami ang nagmungkahi na palawigin pa ang itinakdang huling araw sapagpapasa ng pamanahong
papel._____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_____

Sanggunian: Filipino sa Iba’t ibang Disiplina (FILIPINO 2 – Para sa Kolehiyo at unibersidad) Paquito B. Badayos

47
Ano bang pelikula ang ating panonoorin? Saang restoran ba tayo Kakain? Mailalarawan mo ba ang
naganap sa sayawan? Paano mo sasagutin ang mga tanong na ito" Huwag mabahala. Isang buod o lagom
lamang ang solusyon sa mga tanong na iyon. Kapag nakabasa ka ng buodng banghay ng mga pelikula sa
isang rebyung pampelikula, tiyak na makapipili ka ng panooring pelikula. Humanap ng dyaryo o magasin at
tingnan ang seksyon ng patnubay sa mga restoran at malalaman mo kung saan masarap maghapunan Dahil
sa ang mga patnubay ay buod na ngiba't ibang uri ng pagkain at ang halagang dapat na bayaran. Kaya ang
pamimili ay madaling-madali lamang. Dahil dumalo si Susan sa sayawan, malalagom niya yang malinaw ang
makukulay na pangyayari sa sayawan sa loob ng ilang salita lamang Ang pagbanggit sa pinakatampok na
kaganapan ay paulalagom na tunay na tunay Dahil sa ang isang lagom aynakapokus sa kung ano ang
pinakapaksa kaya nakatitipid sa oras at espasyo kung lagi ito ginagawa.
BUOD/LAGOM: ISANG DEPINISYON
Ang mga buod/lagom ay pinaikling bersyon ng mga talumpati, katha at mga kaganapan. Ang mga
buod ay maaaring nilikha mula sa mga aklat, artikulo, pulong at mga ulat. Sa pagsulat ng buod ang
pangunahing paksao idea ay lagging kasama, ngunit ang paglalahad, sa orihinal ay medyo iba na. Ang ilang
mahalagang detalye ay maaaring isama kung talagang mahalaga sa sentral na idea. Ang buod ay maikli
lamang at maaaring katulad ng isang pangungusap o dikaya'y mahaba na kung sa tatlo o apat na papel
isinusulat.

MGA KATANGIAN NG ISANG BUOD


Taglay ng isang buod ang sumusunod na mga katangian: maikli, malinaw ang paglalahad, malaya, at
matapat sa kaisipan.

 Maikli. Ang buod ay maikli at hindi maligoy. Hindi ito hihigit sa isang talata at maaaring isang
pangungusap lamang.
 Malinaw ang paglalahad. Bukod sa maayos ang pagkakasulat, ang kaisipan ay dapat na maayos na
mailahad. Ang mga pangungusap ay dapat na ugnay-ugnay upang makabuo ng may kaisahang talata.

48
 Malaya. Ang buod ay malinaw na paglalahad at nakatatayo sa kanyang sarili. Taglay lamang nito ang
pangunahing idea o kaisipan ng orihinal na teksto.
 Matapat na Kaisipan. Ang buod ay naglalaman nang matapat na pag- unawa sa orihinal teksto o
pangyayari. Hindi nito binabaligtad ang nais ipakahulugan at malınaw na masasalamin dito ang
intensyon o hangarin ng awtor.

MGA BATAYAN SA PAGBUBUOD


Maikli lamang ang isang buod dahil ang tanging isinasaalang-alang dito'y ang pinakamahalagang
impormasyon. Gayunman, sa isang pagbubuod, laging isaisipang paksa, ang awdyens, at ang layunin ng
buod.
ANG PAKSA
Sa totoo lamang, ang pagsulat ng buod ay katulad sa pagsulat ng isang bagong sulatin. Ito'y pinaikling
salaysay ng orihinal. Gumagamit lamang ng ilang piling salita at tiyak at buo ang kaisipan ng mga
pangungusap. Hindi kinakailangang katulad sa orihinal ang pagbubuo ng isang buod, ngunit kailangang
konsistent ito at hindi dapat nakalilito sa mambabasa. Kailangang maunawaan nang lubos ang isang buod o
lagom na hindi sasangguni pa sa orihinal.
ANG AWDYENS
Ang pagsulat ng buod ay dapat na iangkop sa kung sino ang babasa. Ang uri ng awdyens ang
magtatakda sa anyo at nilalaman ng buod na isusulat.

ANG LA YUNIN
Laging isaisip ang layunin sa pagsulat ng isang buod. Ang magpasiya kung alin sa mga detalye ang
isasama o aalisin ay hindi gawang biro. Laging itanong sa sarili ang ganito: Ano ang nais ipakahulugan ng
teksto? Ang tanong na ito ang mag-aakay sa iyo sa pagtiyak sa magiging layunin ng buod.
Ang awdyens at ang layunin ay halos magkaugnay sa pagbuo ng isang buod. Ang ama ng isang
pasyenteng ooperahan ay makikiusap na makarinig ng ilang batayang salaysay sa layuning makapagtamo
siya ng impormasyon at kasiguruhan sa operasyong isasagawa sa kanyang anak.

MGA URI NG MGA BUOD/LAGOM


Ang layunin ng isang buod ang titiyak kung aling uri ng buod ang dapat isulat.May tatlong uri ng mga
buod: impormatib, nagpapaliwanag at nagsusuri.

ANG BUOD NA IMPORMATIB


Sa buod na impormatib pinaiikli ang pangunahing idea ng awtor na walang elaborasyon o mga
detalyeng binabanggit. Karaniwang ang pangunahing idea ng orihinal na teksto ang kumakatawan sa
pinakabuod o di kaya nama'y inilalahad itong muli sa sariling pangungusap ng sumulat.
Ang isang buod na impormatib ay maaaring magtaglay lamang ng agenda ng isang ginanap na
programa. Tingnan ang halimbawa sa ibaba.

Ang Paglulunsad ng Programang Alay-Puso ng Kagawaran ng Kalusugan

Ang paglulunsad ay nagsimula pagkatapos ng isang pananghalian na sinundan ng isang


talakayang panel at pagpapakita ng mga slide. Pagkatapos ay isinagawa ang paghahalal ng
pamunuan at pagtatalaga sa tungkulin ng bagong set ng mga pinuno para sa taong 2000-
2001.

ANG BUOD NA NAGPAPALIWANAG


Ang buod na nagpapaliwanag ay naglalaman din ng mga impormasyon na wala ring banggit na
anumang pagsusuri o opinyon. Obhetibo ang pagsulat nito na taglay ang pangunahing idea ng awtor at
ilang mga pansuportang detalye.
Ang isang buod na nagpapaliwanag ng paglulunsad ng Programang Alay-Puso ng Kagawaran
ng Kalusugan ay nagtataglay hindi lamang ng ikedyul ng mga gawain kundi pati na rin ang maikling

49
paglalarawan ng bawat gawain. Sa ganitong uri ng buod, itinatala ng sumulat ang kanyang
obserbasyon sa mga pangyayari at iniiwasan niya ang pagbibigay ng sariling ebalwasyon o
pamumuna.

Nasa ibaba ang isang buod na nagpapaliwanag ng isang bahagi ng Programang Alay-Puso.

Ang Paglulunsad ng Programang Alay-Puso ng Kagawaran ng Kalusugan


Ang talakayang panel at pagpapakita ng mga. slide ay isinagawa ng mga kinatawan mula sa
Kagawaran ng Kalusugan sa paglulunsad ng programang Alay-Puso noong Pebrero 14. Ang
mga bagong halal na pamunuan ay ipinakilalang isa-isa at itinalaga sa tungkulin ng Kalihim
ng Kalusugan. Nagpaunlak na magbigay ng maikling pananalita ang Kgg. na Kalihim ng
Kalusugan.

ANG BUOD NA NAGSUSURI


Ang isang buod na nagsusuri ay nagpapaliwanag, nag-eebalweyt o nagbibigay ng puna sa mga
kaganapan. Kasabay ng pagbibigay ng impormasyon, isinasama na ng sumusulat ang kanyang
obserbasyon at/o mga puna o mungkahi. Gayunman, kailangang tukuyin nang malinaw sa buod kung
ang inilahad na impormasyon ay katotohanan o opinyon lamang. Ang buod ay kailangang magtaglay
ng sapat na mga impormasyon para maunawaan nang lubos ng sinumang makababasa, makakikita o
makaririnig nito. Narito ang isang buod na nagsusuri ng Programang Alay-Puso.

Ang Paglulunsad ng Programang Alay-Puso ng Kagawaran ng Kalusugan


Ang isinagawang talakayang panel ng mga kinatawan mula sa Kagawaran ng Kalusugan ay
nagustuhan ng mga dumalo sa paglulunsad ng programang Alay-Puso. isa ay nagsasabing
mahalaga at makabuluhan ang talakay na isinagawa.
Naging maayos ang isinagawang halalan at bawat isa ay nasiyahan sa mga bagong halal na
pamunuan. Ang seremonya sa paglilipat ng mga tungkulin pagkatapos ng panunumpa ay
naging, emosyunal. pagpatuloy sana ninyo ang magandang adhikaing ito.

KATOTOHANAN BA 0 OPINYON
Sa araw-araw na pakikipagtalastasan, nakakakuha ka ng impormasyon sa mga
makatotohanang pagpapahayag na iyong naririnig. Kaalinsabay nito'y ang pagbibigay mo ng sariling
opinyon o haka sa paksa o isyung pinag-uusapan. Kaya't mahalaga ang kasanayan sa pagkilala at
pagtukoy sa pagkakaiba ng makatotohanang pagpapahayag sa mga pahayag na opinyon lamang ang
isinasaad.
May katotohanan ang isang pahayag kung ito ay
o sinusuportahan ng mga ebidensya at maaaring mapatunayan;
o buhat sa isang taong dalubhasa o eksperto at napatunayan na ang angking kredibilidad; at
o gumagamit ng estatistika na nagpapatunay sa mga datos o pangyayaring inuulat o
isinasalaysay.
Sa kabilang dako, ang mga opinyon naman ay ang iyong personal na pinaniniwalaan at sinasang-
ayunan na maaaring batay sa isang katotohanan. Ang mga opinyon ay personal na pananaw o damdamin;
ito'y mga pahayag na may pagkiling. Batay man o hindi sa katotohanan ang isang opinyon, mahirap itong
mapatunayan na tama o mali.

MAPATUTUNAYAN ANG MGA KATOTOHANAN


Ang mga buod na impormatib at nagpapaliwanag ay pawang nagtataglay ng mga makatotohanang pahayag.
Inilalahad sa sariling pananalita ang ganitong mga buod na walang pagdaragdag na pagsusuri o paghuhusga.
Ang mga buod na nagsusuri ay maaaring magtaglay ng mga opinyon ng sumulat ngunit batay ang mga ito sa
katotohanan.

50
Katotohanan Opinyon

Ang temperature ay 97 digri. Totoong napakainit ng panahon ngayon.

PAGHAHANDA SA PAGBUBUOD NG ISANG ARTIKULO O BABASAHIN


Mahalaga sa pagbubuod ng isang artikulo ay masinsinang pagbasa at pagtiyak sa pangunahing idea o
kaisipan. Inilahad sa ibaba ang ilang paghahanda sa pagbubuod ng isang artikulo o babasahin.

PHOTOCOPYING
Pagkatapos na makapili ng artikulong gagawan ng lagom, makatutulong kung makukuha mo
ang buong sipi ng artikulo at sa pagkakataong ito'y mahalaga ang photocopy machine. Kung mayroon
kang sariling sipi ng artikulo, maiuuwi mo ito at mababasa nang puspusan.
Sa pagkopya, kailangan ang buong teksto at ang pahina nito. Huwag kaliligtaan ang
sanggunian, awtor, pamagat, palimbagan, at petsa ipinaliwanag na ang pormat sa naunang kabanata
ng aklat. Tandaan na ang photocopying ay hindi pagtatala, ito'y magbibigay lamang ng kapupunan ng
isasagawang pagtatala.
PAGPILI AT PAG-AAYOS NG MGA PANGUNAHING PUNTOS
Pagkatapos piliin at basahin ang artikulong bibigyan ng buod o lagom mahalagang matukoy mo
rin ang nuiwaran ng pagbuo ng tekstong lalagumin sa pamamagitan ng pagmamarka (highlighting) na
may katapat na marginal note at pangangalap-tala (note-taking).
ANG HULWARAN NG PAGBUUO
Sa pagbasa, mahalaga rin na mayroon kang kaalaman sa pagtatala ng mga hulwaran kung
paano binubuo at inaayos ang mga kaisipan sa isang teksto. Ang mga karaniwang hulwaran sa
pagbubuo ay pagtatala, pagsusunud-sunod, sanhi at bunga, at iba pa. Ang mga kaalamang ito ay
masinsinang tinalakay sa ikalawang bahagi ng aklat.
ANG PAGMAMARKA (Highlighting)
Ang highlighter ay mahalaga sa pagmamarka ng pangunahing idea/paksa at mga pansuportang
detalye. Ang pagmamarka ay katulad din ng pagsasalungguhit, ngunit ito'y mas simple, madaling
makita at mas malinis tingnan kaysa sa salungguhit. Tandaan na sariling aklat o teksto lamang ang
dapat markahan. Inilahad sa ibaba ang ilang hakbang sa pagmamarka ng isang artikulo o babasahin

1. Basahin nang buo ang artikulo. Ang pagmamarka ay maisasagawa lamang pagkatapos basahin at
unawain ang buong artikulo.

2. Bilang isang tuntunin, humigit-kumulang 10 bahagdan lamang ng artikulo ang dapat markahan.
Tandaan na ginagawa mo ang pagmamarka upang maging mas madali ang pagharap sa mga
mahahalagang puntos na kakailanganin sa pagbubuod.

Samakatuwid, ang pagmamarka ay ginagawa upang magkaroon ka ng permanenteng hanguan


ng mahahalagang kaisipan o idea na makatutulong nang malaki sa pagrerebyu o pagbasang muli ng
isang artikulo o babasahin.

MGA TALANG MARGINAL


Ang mga talang marginal ay mga salita o simbolo na isinusulat sa teksto o sa palugid ng teksto upang
mapaigting ang pagmamarka at ginamitan ng highlighter. Ang mga tala ay personal at ang mga simbolo ay
sariling likha Tingnan ang ilang tipikal na mga talang marginal at simbolo

PAGKUHA NG TALA
Kung imposibleng mamarkahan ang isang artikulo/teksto dahil hiniram mo lang ito, kumuha ng maikling
tala na binibigyang pokus ang pinakamahalagang idea o kaisipan. Gayunpaman, huwag masyadong tipirin at

51
limitahin ang pagkuha ng tala at baka kailangan mong basahin pang muli ang artikulo o teksto upang
maunawaan ang mga kinuhang tala.

Narito ang ilang mungkahing hakbang sa pagkuha ng tala.


1. Una, basahin nang puspusan ang buong teksto o artikulo.
2. Ikalawa, itala ang pangunahing idea/kaisipan sa sariling pananalita. Ang mga talang ito ang
maaaring panimula ng iyong mga pahayag sa sandaling gumawa ka ng buod.
3. Pagkatapos, magtala ng mga kaalaman na magbibigay suporta sa pangunahing idea.
4. Markahan ang lahat ng personal na reaksyon sa mga panaklong. Makakagawa ka rin ng mga
graphic organizer tulad ng webbing o mapping.

ANG PAGSULAT NG BUOD


Inilalahad sa ibaba ang mga hakbang sa pagsulat ng lagom ng isang artikulo at iba
pang teksto.

1. Mabilis na paraanan ang buong artikulo at bigyang pansin ang ilang pagbubuod sa loob ng artikulo
o teksto.
2. Basahin nang puspusan ang buong teksto o artikulo.
3. Pagkuha ng tala. Maaaring gumamit ng pagmamarka o marginal notes upang maitala nang maayos
ang mahahalagang puntos ng artikulo/teksto.
4. Pagsulat. Isulat sa sariling pananalita ang bawat seksyon o talata ng artikulo/teksto.
5. Pagbubuo. Pagsamahin ang pangunahing idea at mga pansuportang detalye at gumamit ng mga
angkop na pang-ugnay. Sumulat ng isang pangungusap na magpapatibay at mag-uugnay sa mga
malilit na tala o puntos. Pagkatapos, umisip ng angkop na panapos na pangungusap.
6. Pagsulat ng draf.
7. Pagtiyak ng tamang dokumentasyon.
8. Pagrerebisa at pagwawasto ng draf.
9. Pagsulat ng pinal na lagom o buod.

52
Awtput # 7

Saan isusulat ang sagot? - Sa Papel (Yellow Pad) o Word Document


Kailan ang huling pasahan? - May 9, 2022
Saan ipapasa - Messenger (Piktyuran lang or screenshot)

“Gawain: Paper-pencil test”

Panuto: Basahin ang artikulo sa ibaba at gawan ito ng –


a. Buod na Impormatibo
b. Buod na Nagpapaliwanag
c. Buod na nagsusuri

TABLA MULA SA BUNOT NG NIYOG


ni Armand Maguilas

Hindi na kailangang gumamit ngmga sintetikong pandikit para saproduksyon ng tabla.Dati, dalawa
lang ang klase ng table ang kilala ng mga Pilipino, plywood o lawanit. Nitong mga huling taon, dumamiang
uri ng mga tabla. May tinatawag naplyboard at, ang pinakahuli, ang mgaparticle board tulad ng hardiflex.
Ngunit lahat ng mga ito aygumagamit ng kemikal na pandikit.Sa isang pag-aaral na isinagawa ng
Forest Products Research andDevelopment Institute (FPRDI), naipakitang hindi na kailangan ngmamahaling
mga pandikit sa paggawa ngtabla. Maaaring magamit ang pinulbos nabuhok o hibla ng bunot ng niyog
(coconuthusk) sa paggawa ng tabla.
Ang prosesong ito ay gumagamit lamang 40 porsiyentong solusyon ng nitric acid atpagpapainit o hot
pressing sa temperaturiang 150 degrees Centrigrade. Isinagawa ang pag-aaral ng Chemical Processing and
Product DevelopmentDivision ng FPRDI.
Napag-alaman sa pag-aaral na mas mayaman ang buhok ng bunot (coconut coir) satinatawag na
lignin at tannin kumpara sa kahoy. Halos 54 porsyento ng pinulbos nabuhok ng niyog ay lignin, isang likas
na kemikal sa halaman na magagamit na pandikit.

Maaaring magamit amg pinulbos na buhok o hibla ng bunot ng niyog (coconut husk) sa paggawa ng table.

Dahil dito, naging masigasig ang mga eksperto dito at sa labas ng bansa na gumawa ng tinatawag
na binderless particle board. Isang paraan na ginagamit dito ay pinapasingawan (steaming) ang kahoy bago
diinan ng todo ng makina habang pinaiinitan. Isa pang paraan ditto ang paggamit ng mga likas na sangkap
ng kahoy sa pamamagitan ng mga kemikal o oxiding agent tulad ng nityric acid. Kinukumpara sa pag-aaral
na maaaring gamitin sa produksyon ng tabla, isinailalim sa ilang eksperimento ang pulbos na buhok ng
niyog.
Sa unang dalawang eksperimento, diniinan ng makina ang purong pulbos habang pinaiinitan.
Ginagawa ito sa iba’t ibang temperature at tagal. Matatag ang mga tablang ipinailalim sa eksperimentong ito
particular ang pinainitan sa 250 degrees Centigrade pero nababali agad kapag bahagyang nabaluktot.
Sa iklatong eksperimento, nilagyan ng 40 porsyentong nitric acid and pulbos at diniinan ng makina
sa init na 150 Centigrade sa loob ng 15 minuto. Ngunit pumasa na sa industry standard ang tibay at tatag ng
particle board na ipinailalim sa ikatlong eksperimento.
Gayundin ang hinaluan ng 20 porsyento at 30 porsyentong nitric acid. Kung gagamitin sa

53
komersyal na produksyon, malaking bentahe ang pulbos na coconut coir na bumubuo sa 70 porsyento ng
bunot. Malaking bahagi ng tinatayang 10 bilyong bunga ng niyog o buko ang tinatapon lamang. Katunayan,
malaki ang matitipid nito kaysa sa paggamit ng mga mamahaling pandikit na gawa sa petrolyo (petroleum
based adhesives) tulad ng formaldehyde emission.

Pilosopong Tasyo
4 oktobre 1999

Sanggunian: Filipino sa Iba’t ibang Disiplina (FILIPINO 2 – Para sa Kolehiyo at unibersidad) Paquito B. Badayos

……………………….End of Final Coverage………………………

54

You might also like