Final Modyul Sa Makrong Kasanayan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

BAGUIO CENTRAL UNIVERSITY

FINALS

MODYUL

SA MAKRONG KASANAYANG PANGWIKA

PANGALAN: REYJENIE CHARISSE D. MOLINA


ARALIN 1. PAGBABALIK –ARAL

ARALIN 2. BANGHAY –ARALIN

SANGGUNIAN
Tabangcura, R. P. 2016. Pagtuturo at Pagtataya sa Pagbasa at Pagsulat.

PANUTO:
1. Ang handout ay binubuo na ng final at final exam.
2. Ipapasa ito sa Ika-14 ng Disyembre
3. Maaaring magtanong sa goggle classroom o sa messenger
4. Tandaan ang banghay aralin ang inyong final awtput .
ARALIN 1.
LAYUNIN:

1. Natatalakay ang uri ng banghay-aralin

2. Nakakabuo ng banghay-aralin
3. Natutukoy ang mga terminong angkop gamitin sa paggawa ng banghay-
aralin
Paglalahad ng Aralin
-ang banghay –aralin ay ang balangkas ng gawain ng guro sa araw-araw
bilang patnubay niya sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng pagtuturo
para sa ikapagtatamo ng mga inaasahang bunga.
URI NG BANGHAY NG PAGTUTURO
1. Masusing Banghay Aralin ng Pagtuturo
-Ito ang karaniwang inihahanda ng mga mag-aaral na magiging guro
at mga gurong naatasang magpapakitang turo sapagkat ang lahat ng
mga dapat gawin at dapat itanong ng guro.
- pati na ang dapat gawin at isagot ng mag-aaral at detalyadong
nakasulat dito ss ilalim ng bahaging pamamaraan na nahahati sa
dalawang kolum.
2. Mala-Masusing Banghay na Pagtuturo
Sa ganitong uri ng banghay, ang mga gawain na laman ng guro ang
isinusulat. Hindi na kasama ang gawaing – bata. Hindi na nakikita ang
pamagat na gawaing – guro at gawaing –bata.
-Sapagkat naiintindihan nang ang mga nakasulat dito ay mga sunod-
sunod na gawaing ipapatupad ng guro sa klase.
3. Maigsing Banghay ng Pagtuturo
- Sa maikling banghay, sapat nang banggitin sa ilalim ng pamaraan ang
sunod-sunod na hakbang at gawaing isasakatuparan sa bawat hakbang.
- Bukod sa pang-araw-araw na banghay ng pagtuturo, mayroon tayong
tinatawag na long range plan o pangmahabang panahong banghay ng
pagtuturo. Nangangailangan ito ng maraming sunod-sunod na pagkaklase
sa halip na isang pagkaklase lamang.
Mala – masusing Banghay- Aralin sa Filipino

(Hakbang sa Pagbasa)
Mala-Masusing Banghay –Aralin sa Filipino
Filipino 1 – Komunikasyon sa Akademikong Filipino
I. Layunin

A.Nalalaman ang iba’t ibang mga hakbang sa pag-unawa sa binasa.

B. Nasusuri ang pagkakaiba ng iba’t ibang hakbang sa pag-unawa sa


binasa.
C. Napahahalagahan ang isang ganap na pagbasa
D. Nakapagbabahagi ng karanasan sa pagbasa ng ilang mga akda.
E. Nakapagbibigay ng isang pagsusuri sa mga akdang binasa.

II. Paksang – Aralin


A. Paksa: Mga Hakbang sa Pag-unawa
B. Talasanggunian

Aguilar, Jennifor L. 2010. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.


Jehner’s Publishing House. Rizal.
Austero, Cecilia S. et.al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Unlad
Publishing House. Pasig City.
C. Kagamitan: Projector, Marker,

D. Pagpapahalaga: Pag-unawa at ganap na pagbasa.


III. Pamamaraan

A. Paunang Gawain
1. Pagdadasal
2. Pagstek sa atendans
3. Pagsasaayos ng mga upuan
B. Pagganyak
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung sila ba ay nagbabasa?
Pagtalakay sa kung ano ang kanilang binabasa? Ano ang nilalaman
ng kanilang binabasa? Ano ang kanilang pagkakaunawa sa kanilang
binasa? Ano- ano ang mga hakbang na kanilang isinagawa bago
lubusang maunawaan ang kanilang binasa. Lilimitahan lamang ng
dalawang mag-aaral.
C. Paglalalahad
1. Pagtalakay sa mga hakbang sa pagbasa
2. Masusing pagtalakay at pagbibigay ng halimbawa sa unang hakbang:
pagkilala
3. Masusing pagtalakay at pagbibigay ng halimbawa sa ikalawang
hakbang : Pag-unawa
4. Masusing pagtalakay at pagbibigay ng halimbawa sa ikatlong
hakbang : Reaksyon
5. Masusing pagtalakay at pagbibigay halimbawa sa ikaapat na
hakbang: Asimilasyon/Integrasyon

D. Paglalahat
-Pagtanong ng guro sa mga mag-aaral sa kung ano ang kahalagahan sa
isang tao nag pagkakamit ng isang ganap na pag-unawa sa binasang akda.
Matapos nito ay ang malayang talakayan hinggil sa tugon ng mga mag-
aaral.
E. Paglalapat
Magbibigay ang guro ng isang saknong mula sa tulang “Vulcan Mayon” na
isinulat ni Rafael Grageda. Babasahin at uunawain ito ng mga mag-aaral.
Matapos nito ay hihingian sila ng kanilang mga masasabi hinggil sa akda.
Susukatin sa gawaing ito ang kanilang hakbang sa [ag-unawa hinggil sa
binasa. Lilimitahan lamang ito ng guro ng limang minute.
IV. Takdang-Aralin
Basahin at unawain ang akdang “Ang Mundo sa Paningin ng Isang…na
Isinulat ni Rogelio Ordonez. Bigyang reaksyon ito.

Ang mga halimbawa ng mga termino na ginagamit sa layunin ng banghay ay ang


Blooms taxonomy.
Domeyn ng Aralin
1. Pangkabatiran o Kognitib (Cognitive Domain)
a. Kaalaman (knowledge)
Nakakatalos
Nakababatid ng tiyak na katotohanan
Nakababatid ng saligan
b. Pag-unawa (understanding)
Nakapagpapaliwanag ng tsart
Nakagaganap sa gawain
Nakapagbubuo
Nakapagsasalin
c. Aplikasyon
Nakapagbabago
Nakapagpaparami
Nakatutuklas
Nakapagtuturo
Nakapagpapatotoo
d. Pagsusuri (Analysis)
Nakapagwawasto ng hinuha batay sa ibinigay na impormasyon
Nakapagbubukod ng katotohanan sa hinuha
e. Paglilinaw o sintesis
Nakasusulat nang maayos na sulatin
Nakasusulat ng kuwento at iba pang akda
Nakabubuo ng hinuha
Nakabubuo ng paglalahat

2. Saykomotor/ pangkagawian (Psychomotor Domain)- ang mga


layunin sa domyn na ito ay hinggil sa mga saloobin, emosyon,
kawilihan, at pagpapahalaga.
Nakakasulat nang mabilis at maayos
Nakabubuo ng modyul
Nakapagsasalin ng likido

3. Pandamdamin (Affective Domain)


a. Pagtanggap (receiving)
Nakapagtatanong
Nakasusunod
Nakakikilala
Nakatutukoy
b. Pagtugon (responding)
Nakasusunod sa mga alituntunin at regulasyon
Nasisiyahan sa pagtulong sa kapwa
Nakapagpapahayag ng saloobin
c. Pagpapahalaga (valuing)
Gumugunita
Humahanga sa
Nagpapahalaga sa
MGA GAWAIN

1. Gumawa ng banghay aralin na mala-masusi pumili ng anumang paksa sa


mga makrong kasanayan.
2. Gawan ng tig-isang banghay aralin ang bawat makrong kasanayan.
3. Ibig sabihin limang banghay aralin ang inyong gagawin, isa sa pagbasa,
pagsulat, pakikinig, pagsasalita at panonood.
4. Ang banghay aralin ay ipapasa sa Ika -14 ng Disyembre, kasama ito sa
panghuling pagsusulit.
5. Encoded, long bond paper, margin 1” sa kaliwang margin at kanang
margin.
6. Pakiprint ito para may kopya kayo.
7. Ibigay sa akin ang banghay aralin na personal. Para may oral na
interview kayo sa akin. 5minuto lamang, sa room 411 sa Ika – 14 ng
Disyembre.
8. Huwag kayong mahuhuli sa pagpasa ng banghay-aralin, maari ring sa
Ika-18 ng Disyembre umaga mga alas nuwebe.
9. Saliksikin pa ang blooms taxonomy. Isama ito sa inyong awtput.
(30pts.)
10. Panghuli gumawa ng reaksyong papel sa panghuling paksa. Encoded
ito kasama ang banghay aralin. (30pts.)
11. Ang banghay ay may kabuuang puntos na 100. Pakigawa nang maayos.
Mga Pamantayan sa banghay aralin
Kaayusan -10 mga margin, format ng banghay
Kalinisan – 10 – hindi lukot lukot
Pagkakaayos ng banghay aralin – 25
Mga estratehiya, pamaraan -25
Paksa – 20
Kabuuan -10

You might also like