Pagsasalin at Teoya NG Pagsasalin - Report

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

2/12/2019 MGA BATAYANG

KAALAMAN SA
PAGSASALIN
Ang Pagsasalin at Teorya
ng Pagsasalin

PANGKAT 1
[Insert member’s name here]
BSMA 1-10

GEED 10033: Ms. Gerlie Lomtong

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


I. Mga Layunin ng Kabanata
A. Matalakay ang layunin ng Pagsasalin mula sa iba’t-ibang pananaliksik
B. Maipaliwanag ang batayang ideya ng pagsasalin mula sa mga mailalatag na kahulugan
C. Mailahad ang iba’t-ibang layunin ng Pagsasalin
D. Maipaliwanag ang mga katangian at tungkulin ng isang tagasalin
E. Matalakay ang kabutihang dulot ng Gawain ng pagsasalin sa mga tagasalin

II. Kahulugan ng Pagsasalin


A. Ethymolohiya
1. Ang “translation” ay nagmula sa salitang Latin na “Tranlatio” na nangangahulugang
“Pagsalin”.
2. Sa wikang Griyego, Tinatawag nila itong “Metafora” o “Metaphrasis” na siyang pinagmulan
ng salitang Ingles na “metaphrase” o “Salita-sa-salitang pagsalin” [Kasparek 1983]
3. “Traduttore, Traditore” – isang italyanong kasabihan na kung isasalin sa ingles ay
“Translator, Traitor” – tumutukoy sa pagsasalin bilang isang pagtataksil at isang hamak na Gawain
sa sinaunang lipunan.
B. Ang pagsasalin bilang agham o sining
1. Ayon kay Enani [1997] – Ang Pagsasalin bilang modernong agham sa hangganan ng
pilosopiya, lingguwistika, sikolohiya, at sosyolohiya ay maituturing na mahalaga sa agham, sining,
at araling kultural.
2. Ayon kay Chabban [2002] – Ang Pagsasalin ay isang mabusising trabaho sapagkat hindi pa
ito natatakdaan ng istriktong siyentipikong panuntunan at patuloy na tumatanggap ng iba’t-ibang
anyo ng salin. At isa pa itong subhetibong sining na kaiba sa agham …
3. Ayon naman kina Liban-Iringan [2005-2006] – Ang Pagsasalin ay higit pa sa transmisyon ng
mga paksa na nalantad sa panahong ito’y nabuhay kaya ito’y masasabing umabot sa tugatog ng
tagumpay. Ang Pagpapanatili sa orihinal ay natamo sa muling pagliha [ever renewed latest] sa
huling sandal na ito’y kinilala.. Ang pagsasalin ay may misyong tapusin ang pagiging isteril ng wika
sa pamamagitan ng muling paglikha.
4. Ayon kay Nida [1964] – Ang Pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng
pinakamalapit at likas na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa
ay sa estilo.
5. Ayon kay Savory [1968] – Ang pagsasalin ay maaring maisagawa sa pamamagitan ng
pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita.
6. Ayon kay Larson [1984] – Ang Pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng
tekstong naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa simulaang wika subalit gumagamit ng mga
piling tuntuning gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika.
7. Ayon kay Newmark [1988] – Amg Pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng
pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa
ibang wika.
8. Ayon kay Santos [ 1996] – Ang pagsasalin ay isang malikhain at mahabang proseso ng
pagkilala at pagunawa ng mga kahulgan sa isang wika at ang malikhain at mahabang proseso ng
paglilipat ng mga ito sa kinilala at unuunawang mga kahulugan ng isa pang wika.
III. Mga layunin ng Pagsasalin
A. Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan
mula sa ibang wika
B. Mailahok sa pambansang kmalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t
ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa.
C. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura mula sa pagbubukas ng bagong
mundo mula sa mga salin

IV. Ang proseso ng pagsasalin


A. Meaning-Based Translation [Diagram] ayon kay Mildred Larson
Simulaang Lengguwahe Tunguhang Lengguwahe

Tekstong isasalin

Tuklasin ang Kahulugan Muling ipahayag ang kahulugan

Kahulugan
Figure 1 Diagram of Meaning-Based Translation

B. Ipanapakita ng diyagra ang mga sumusunod:


1. Magkaiba ng hugis ang tekstong SL at Tekstong TL dahil Dalawang magkaibang
lengguwahe ang sangkot sa pagsasalin;
2. Ang tungkulin ng tagalin ay tuklasin ang kahulugan ng tekstong SL
3. Muling ipahayag ang kahulugang ito sa tekstong TL
C. Ang Tatlong katangian ng isang mahusay na salin
1. Clear [Malinaw]- kailangan ang katangiang ito upang maisakatuparan ang layunin ng
pagsasalin
2. Accurate [Wasto]- ang katangiang ito naman ang nagdididkta kung gaano kalapit ang
mensahe ,na nais iparating ng orihinal na awtor, ng naisalin sa orihinal na likha.
3. Natural [Natural na daloy] – ang katanigang ito ang tumutulong upang hindi mabanaid
ang pagkakaiba ng orihinal sa nasalin.

V. Mga Katangian at Tungkulin ng Tagasalin


A. Ayon kay Lucero [1996], “Ang Tatlong tungkulin ng Tagasalin”
1. Tagasalin [Verb]
2. Tagabuo ng kasaysayang pampanitikan ng kanyang rehiyon
3. Tagapag-ambag sa pagbubuo ng kanon ng panitikang Filipino
B. “Pahayag hinggil sa mga karapatan at tungkulin ng mga tagasalin”
[1986,PEN American Center]
1. Ang tagasalin ang pangunahing kawil sa orhinal na trabaho at sa madla nito sa ibang wika
2. Ang pagkilala sa pagsaslin bilang isang gawaing pampanitikan ay kailangang maging
saligan sa anumang kasunduan ng tagasalin at ng tagapaglathala
3. Dapat ituring na awtor ang isang tagasalin, at dapat tumanggap ng karampatang mga
karapatang pangkontrata, kasama na ang karapatnang-ari, bilang isang awtor
4. Kailangang nakalimbag sa angkop na laki ang mga pangalan ng tagasalin sa mga jaket,
pabalt, at pahinang pampamagat ng mga aklat, gayundin sa materyales pampublisida at mga
listahang pang-aklatan
5. Kailangang igalang ang patuloy na karapatan sa royalty ng tagasalin at ibigay ang
kaukulang bayad, may kontrata man o wala.
6. Ang salin ng mga trabahong may karapatang-ari ay hindi dapat ilathala nang walang
pahintulot mula sa mga orihinal na awtor o mga kinatawan nila, maliban kung hindi sila
mahingan ng pahintulot dahil sa mga panyayaring lapas sa kapangyarihan ng mga tagapaglathala
7. Kailangang igalang ng mga tagasalin ang orhinal at iwasan ang mga pagputol o pagbabago
maliban kung ang mga naturang pagpapalit ay may pahintulot ng mga sumulat o ng kanilang
awtorisadong mga kinatawan. Dapat igalang ang mga teksto ng tagasalin. Maliban sa
maipaliliwanag ng mga pagkakataon, kailangang may pahintulot o pagsang-ayon ng tagasalin ang
anumang pagbabagong editorial.
C. Kasanayang Dapat Linangin ng isang tagasalin
1. Kasanayan sa Pagbasa- gabay para sa tagasalin
a) Alamin ang pangkalahatang ideya ng akda
b) Alamin ang mga particular na detalye ng binabasa
c) Kilalanin ang kahulugan ng mga bagong salita at iba pang pahayag gamit ang isa o higit
pang bahagi ng panunuring estruktural tulad ng panlapi, salitang-ugat, ayos ng salita, bantas,
padrong ng pangungusap[point of view], at iba pa.
d) Tiyakin ang kahulugan ng mga bagong salita at iba pang pahayag gamit naman ang
panunuring kontekstwal tulad ng pagkilala sa kasingkahulugan at kasalungat, at sa mga ibinigay
na halimbawa
e) Kilalanin ang estilo ng pagsulat ng manunulat – matalinghaga, siyentipiko, teknikal,
impormatibo, nakikipagtalo, at iba pa
f) Kilalanin ang antas ng wika na ginamit sa akda – balbal, lalawiganin, kolokyal,
pampanitkan, at iba pa,
g) Bigyang0pansin ang kultural na aspekto sa pagpili ng salita ng teksto
2. Kasanayan sa Pananaliksik -upang ganap na maging maayos ang pagsasalin, mainam para
sa isang baguhang tagasalin na gawin ang mga sumusunod
a) Gumamit ng bilingguwal na diksiyonaryo sa paghahanap ng kahulugan ng mga bagong
salita
b) Gumamit ng monolingguwal na diksiyonaryo upang matiyak ang paggamit ng mga
bagong salita sa SL at sa TL
c) Gumamit ng ensakylopedya o glosaryo para sa mga teknikal o espesyalisadong termino
d) Maaring sumangguni sa mga espesyalisasdong magasin o journal upang maging
pamilyar sa tekstong isasalin, lalo na ang mga teknikal na teksto
3. Kasanayan sa Panunuri
a) Bago gawin ang mismong pagsulat, kinakailangan dumaan ang tagasalin sa proseso ng
pag-iisip ukol sa teksto, pagkakaroon ng artikulasyon ng mga ideya, paniniwal, tauhan, ritmo at
iba pang salik ng teksto
b) “Generative Grammar” [Noam Chomsky]-ang tendensiyang magkaroon ng maraming
pakahulugan at salin ang isang particular na pahayag.
c) Ilan pa sa m,ga bagay na makatutulong sa tagasalin sa yugtong ito ay ang mga
sumusunod;
(1) Kilalanin ang iba’t ibang ideyang nakapaloob sa teksto at ang relasyon ng mga ito
sa isa’t isa.
(2) Piliin ang angkop na salita sa TL na naayon sa konteksto
(3) Kilalanin ang estruktura ng TL at ihambing ito sa estruktura ng SL.
4. Kasanayan sa Pagsulat
a) Makakatulong sa nagsisimulang tagasalin ang mga sumusunod na estratehiya sa
pagsulat ng salin:
(1) Gamitin ang kaayusan ng salita at pangungusap na nakabatay sa estruktura ng TL
(2) Isalin ang ideya mula sa orihinal na teksto na iniasaalang-alang ang kalinawa nito
sa TL
(3) Maaring baguhin ang ilang bahagi ng teksto sa layuning maihatid ang kabuuuang
kahulugan ng orihinal na teksto, kasabay ng pagsasaalang-alang sa natural na daloy ng
pahayag sa TL
D. Ang kabutihan ng pagsasalin sa mga tagasalin
1. Patuloy na nalilinang ng pagsasalin ang iba’t ibang kasanayan sa komunikasyon
2. Pinauunlad nito ang kakayahan ng tagasalin sa paggamit ng wika, pangunahing sangkap
ng pagsasalin ang wika.
3. Hinuhubog ng pagsasalin ang disiplina sa pagkatuto at pagtuklas
4. Binubuksan ng pagsasalin ang pagkilala at pagbubuo ng isang “bagong bayan” sa mata ng
tagasalin

VI. Teorya ng Pagsasalin


A. Theodore Savory. The Art of Translation, 1968 [12 principles, 6 pairs]
1. 1st pair: sumasagot sa isyu ng pagsasalin sa pasalita o pakahulugan
a) A translation must give the words of the original
b) A translation must give the ideas of the original
2. 2nd pair: sumasagot sa isyu ng estilo ng pagsasalin [tunog orihinal o salin]
a) A translation should read like an original work
b) A translation should read like a translation
3. 3rd pair: sumasagot sa isyu ng estilo ng pagsulat [estilo ng awtor o estilo ng translator]
a) A translation should reflect the style of the original
b) A translation should possess the style of the translator
4. 4th pair: sumsasgot sa gamit ng lengguwahe [ panahon ng awtor o panahon ng translator]
a) A translation should read as a contemporary of the original
b) A translation should read as a contemporary of the translator
5. 5th pair: sumasagot sa pagpapaliwag ng gawa
a) A translation may add to or omit from the original
b) A translation may never add to or omit from the original
6. 6th pair: sumasagot kung paano isasalin ang isang tula
a) A translation of verse should be in prose
b) A translation of verse should be in verse Commented [J.C1]: Further notes;
B. Teorya at Praktika According to Catford, the translation
1. Teorya. equivalence is to be established at the sentence
rank because he thinks that the sentence is the
a) Hanay ng mga konsepto na naglalayong magsilbing gabay at magpabuti sa praktika, ang grammatical unit most directly related to speech
gabay ng tagasalin. Ang batayang ginagamit sa mga pagpapasyang paiiralin sa proseso ng function within a situation. ...
pagsasalin.
2. Praktika
a) Ang aktuwal na pagsasagawa ng pagsasalin
3. Ang tingin ng mga dalubhasa
a) Newmark [1982] “there is no such thing as a law of translation, since laws admit of no
exception.” Idinagdag pa nia “there can be and are various theories of translation… there can be
no valid single comprehensive theory of translation…”
b) Louis Kell “A ‘complete’ theory of translation has three components: Specification of
function and goal; description and analysis of operations; and critical comment on relationships
between goal and operations.”
c) Tatlong sangkap;
(1) Pagtukoy sa tungkulin at pinag-uukulan ng salin,
(2) Pagsusuri sa paraan ng pagsasalin
(3) Pagsususuri sa ugnayan ng dalawang nabanggit.
4. Para kay Venuti, Ang kasaysayan ng pagsasalin ang saksi sa nagbabagong ugnayan ng
Awtonomiya [Autonomy] ng salin at ng dalawa pang konsepto, ang Equivalence at Function
a) Autonomy – mg katangian at paraan ng pagpapahayag ng mga tekstong salin na iba sa
pinaghanguang teksto, ar iba pa rin sa mga tekstong orihinal na sinulat sa tunguhing
lengguwahe. Ang isang tekstong may salin ay may sarili ng buhay at mga katangiang ibang-iba sa
orihinal
b) Equivalence – tumutukoy sa paraan ng pagtutumbas na ginamit ng tagasalin at siya ring
nagsilsilbing ugnayan ng orihinal at ng salin
c) Function – tumutukoy sa posibleng bisa ng salin,
C. Teorya sa Pagsasalin sa Paglipas ng Panahon
1. Unang Teorya – binibigyang diin ang kahalagahan ng wika bilang behikulo ng pagsasalin,
ito na g nagging pundasyon ng pamantayan ng pagsasalin, ngunit hindi ito maituturing na teorya
sa Mahigpit na pagpapakulugan.
a) Sinanunang Roma – Mahalaga para sa kanila ang pagsasalin bilang bahagi ng Retorika,
na kanilang ginamit upang maisalin ang mga gawang Griyego ngunit ginawa nila ito sa paraang
naangkop sa kanilang sariling wika, ang Wikang Latin. Ang pagsasalin ay inaangkop sa
propesyong kinagagalawan at hindi sa tungkulin bilang isang tagapagsalin.
b) .Ang Pagsasalin ng Bibliya – naglayong ipalawak ang unang isyu ng pagsasalin ; ang salita
– sa – salitang tumbasan laban sa kahulugang tumbasan
c) .iba pang mga teorya sa pagsasaling pampanitikan
(1) Etienne Dolet [ 1509-46] – iwasan ng tagasalin ang salita-sa-salitang tumbasan
(2) George Chapman [1559-1634] -.posibleng ilipat ang diwa at tono ng orihinal sa
ibang kontekstong kultural, ngunit ang tagasalin ay dapat kasing husay ng orihinal at ang
kanyang tungkulin ay di lang naayon sa kanyang tagabasa bagkus pati sa orihinal na awtor
(3) Wyatt [1503-42] at Surrey [1517-47] -.hindi lamang kahulugan ang dapat isalin
kundi pati ang epekto at tungkulin nito sa orihinal na mambabasa
(4) Philemon Holland [1552-1637] – ang tagasalin ay dapat gumamit ng
contemporaryang termino, sa kanyang panahon, at dapat magbigay ng paliwanag sa
malalabong parte ng isasalin
(5) John Dryden [1631-1700]-
(a) may tatlong uri ang salin
(i) Metaphrase- Salita- sa- salitang tumbasan
(ii) Paraphrase – kahulugan sa kahulugan
(iii) Imitation- malayang pagsasalin, ang tagasalin ay maaring
magbago sa paraang tingin niya ay tama.
(b) Pamantayan [kung pagsasalin ng tula]
(i) Isang makata
(ii) Mahusay sa dalawang wika
(iii) Nauunawan ang diwa at katangian ng original na makata, at di
lamang sa siya ay umaayon sa panuntulan na umiiral sa kanyang
panahon
(6) Alexander Pope [1688-1744] – mahalagang bigyang diin ang estilo at
pagpapanatili ng “Apoy” para sa mga saling patula
(7) Friedrich Schleiermarcher [1768-1834] – Hiwalay ang wikang pampagsalin
[Translation language] at pampanitikang salin [literary translation]. Mahusay ang salin
kung ito ay “Tunog-dayuhan”, sa tulong nito naisasakutaparan ang pagpapaunlad ng
sariling wika at isang protesta. Isang pamamaraan upang maisakatuparan ang tungkulin
ng pagsasalin sa lipunan at kultura
(8) Johann Wolfgang von Goethe –
(a) Tatlong uri ng salin
(i) Pagpakilala ng dayuhang bansa sa TL
(ii) Parodistic – pagpapaunawa ng tagasalin sa dayuhan teksto sa
pagkuha ng piling dayuhang ideya at aangkinin ang mga ito
(iii) Maging katulad na katulad ang orihinal sa pogpapanatili nito sa
katangiang pangwika at pangkultura na nakapaloob dito
(9) Dante Gabriel Rosetti [1828-82] -dapat sundin ng tagasalin ang porma at
lengguwahe ng orihinal ngunit iba ito kung tula ang paguusapan,[pagbuo ng bagong tula
na nagtataglay ng estetiko ng orihinal]
(10) Matthew Arnold [1822-68] -ang tekstong SL ang mahalaga, at paglingkuran ito ng
buong puso, kabaliktaran kay Edward Fitzgerald [1809-63] |mas mahaga na bigyang diin
ng tagasalin na “mas mabuti na ang buhay na maya kaysa pinatuyong agila” ang tagasalin
ay may layang pakialaman nang husto ang orihinal at idagdag sa salin ang sariling ideya
2. Apat na Panahon ng Teorya ng Pagsasalin
a) Ayon kay Steiner sa kanyang libro “After Babel” na tumalakay sa teorya, praktika at
kasaysayna ng pagsasalin, na mahahati sa apat na panahon ang kasasayan ng pagsasalin ngunit
mahirap tukuyin ang hangganan ng bawat panahon.
(1) Unang Panahon- nagsimula sa pahayag ni Cicero at nagwawakas ito sa panahong
lumabas ang “Essays on the Principles of Translation [1792] ni Alexander Fraser Tyler At
sanaysay ni Schleiermacher noong 1813.
(2) Pangalawang Panahon – panahon ng Hermeneutic Inquiry [Ang pagsasalin n ay
iniuugnay sa mas pangkalahatang teorya ng wika at isipan] tinawag ito ni Steiner na “Age
of Philosophic-Poetic Theory and Definition” nagwawakas ito sa pagkalathala ni Valery
Larbaud ng Sous L’invocation de Saint Jerome [Invocations of Saint Jerome] noong 1946.
(3) Pangatlong Panahon - nagsimula sa paglathala ng unang papel tungkol sa
machine translation noong 1940’s.pumasok sa panahong ito ang structural linguistics at
teorya ng komunikasyon maraming journali at samahang internasyunal ang nagsilipana.
Ang bagong direksyon sa panahong ito ay tinalakay sa dalawang aklat ; On Translation ni
Reuben Brower noong 1959 at The Craft and Context of Translation; A Critical Symposium
noong !961
(4) Pang-apat na Panahon – kasabay ng ikatlong panahon at nagsimula noong
dekada 60. Ang “pagkatuklas” [pagkilala ng mundo] sa gawa ni Walter Benjamin ‘Die
Aufgabe Des Ibersetzers’ [The Task of The Translator] na nailathala noong 1923, at ang
impluwensiya nina Heidegger at Hans-Georg Gadamer na nagpapakita ng pagbalik sa
Hermenuetic at metapisikal na pagsisyasat sa pagsasalin at interpretasyon.
b) Ang dalawang tanong ni Ronal Knox
(1) Alin ang dapat mauna, ang bersiyong lieterari o ang literal
(2) May lay aba ang tagasalin na ipahayag ang kahulugan ng orihinal sa alinmang
estilo at idyomang mapipili niya?
c) Mga teorya sa Pagsasalin ng Siglo 20
(1) 1900-1930
(a) Ang Wika ay hindi lamang itinuturing na kasangkapan ng komunikasyon,
kundi may malikhain itong kapangyarihan dahil tio ang tagapagpahayag ng mga
kaisipan at ng realidad
(b) Ang tagasalin ay bumubuo ng isang bagong teksto batay sa kanyang
pagpapakahulugan o interpretasyon ng orihinal
(c) Sa proseso ng muling pagsulat ng dayuhang teksto, nagkakaroon ito ng
bagong anyo na ibang-iba na sa orihinal, maliban na lamang sa mensahe.
(d) Nabuhay ang ideya ni Freidrich Schleiermacher
(e) Lumaganap ang teorya ni Walter Benjamin – pagbalik sa Hermenuetic at
pagpapalutang sa Awtonomiya ng salin
(i) Nagsimula ang pagsasalin, sa isang orihinal na teksto, na
nasusulat sa isang particular na lengguwahe, na isasalin sa isa pang
lengguwahe, at ang salin ay hindi kailangang maging katulad ng orihinal
kundi isang kritikal na pagbasa nito
(ii) Ang orihinal ay kailangang maunwaan sa liwang ng salin
sapagkat ang salin ang “muling pagkabuhay” ng orihinal
(iii) Hindi masasabing mahusay na salin ang orihinal kundi ito isinulat
sa TL.
(iv) Ang pagiging tapat sa orihinal ay sa pamamhitan ng pagiging
literal
(v) Tungkulin ng tagasalin na hayaang payamanin at palawakin ng
SL ang TL.
(f) Rudolf Pannwitz – dapat maging tunog-dayuhan ang salin sapagkat ang
TL ay sumsailalim ng transpormasyon dahil sa impluwensiya ng SL.
(g) Ezra Pound- ang paggamit ng sinaunag mga salita ay nakakatulong upang
maipakita nag pagkakaiba ng makabago at makalumang wika ng SL
(h) Hillarie Belloc- “any hint of Foreigness in the translated version is a
blemish” tungkulin ng pagsaslin sa lipunan na mapangalagaan ang kaisahang
pangkultural ng isang bansa.
(i) Jose Ortega y Gasset- mahalaga ang tradisyon sa pagsasalin, sa
pamamgitan nito magiging mulat ang mga mambabasa ng TL sa pagkakaiba ng
mga wika at kultura.
(2) 1940-1950
(a) Naging paksa ng debate ang problema ng Translatability – possible
kayang maging tulay ang pagsasalin upang pag-ugnayin ang mga wika at
kultura?
(b) Martin Heidegger – “The Anaximander Fragment” – sa pagssasalin ng
tula dapat gumamit ng makalumang salita
(c) Vladimir Nabokov-
(i) ang panitikan ng isang bansa ay natatangi
(ii) ito ay nagtataglay ng mg kultura, lengguwahe at iba pang mga
katangiang pagkakakilalan ng natatanging bansa
(iii) kaya isang ideyal bersyon dapat ang mgaing salin
(iv) imposibleng magawa, dulot ng pagkakaiba ng wika ng bawat
bansa
(v) ang mahusay na salin ay gumgamit ng lengguwaheng malapit sa
estruktura ng SL.
(d) Dudley Fitts – sa pagsasalin ng tula, dapat madulas ang daloy at
gumgamit ng kasalukuyang wika ng tagapagsalin ngunit sa pagsasalin ng
kaliskong panitikan, dapat ang metodong gagamitin ng tagasalin ay nakakiling sa
adapsyon.
(e) Roman Jakopson– “On Linguistic Aspects of Translation” may talong uri
ng pagsasalin
(i) Intralingual – muling pagpapahayag.
(ii) Interlingual -pagsasalin mula sa isang wika tungi sa isa pang
wika, ang mensahe ng SL ay tinutumbasan ng katapat na mensahe ng TL,
ang pagsasalin ay recording
(iii) Intersemiotic – interpretasyon ng mga pasalitang simbolo sa
pmamagitan ng mga simbolong hindi pasalita.
(3) 1960-1970
(a) Ang problema ng pagtutumbas ang pinagtuunan ng mga teorisyan at
praktisyuner ng mga dekadang ito, solusyon na naisip- kailang suriin ang gamit ng
mga salita, ang balrila nito, at pati estilo.
(b) Eugene Nida
(i) Formal Equivalence – tunog-salin, tapat sa estruktura ng SL,
pinpanatili ang mg a katangian ng wika ta kultura ng SL.
(ii) Dynamic Equivalence/ Functional Equivalence – pagsasalin ng
mensahe ng simulaan teksto na inaangkop ang salin sa wika at kultura
ng TL.
(a) Madulas
(b) Idyomatiko
(c) Natural na daloy
(d) Hindi “Tunog-salita”
(e) Parang orihinal na isinulat sa TL.
(iii) Equivalent Effect –
(a) isang katangian ng mahusay na salin
(b) kung ano ang naging epekto ng salin sa orihinal na
mambabasa ay gayon ding epekto ang dapat ibigay ng salin sa mga
mambabasa nito.
(c) J.C. Catford – A Linguisitic Theory of Translation [1965]
(i) May mga unibersal na katangian ang mga wika at kultura kaya
possible ang pagsasalin mula sa isang wika tungo sa ibang wika
(ii) Sa pagsususuri ng salin mahagang maunawaan ang
LInguwistikong aspeto ng SL tulad ng - ponolohiya, morpholohiya,
sintaks- at paano ito naiiba sa Lingguwistikong aspeto ng TL.
(d) Itamar Even-Zohar at Gideon Toury- Teorya ng Polysystem
(i) Ang panitikan ay isang polysystem ng magkakaugnay na mga
porma at kanonna bumubuo ng mga pamayauang nalilimita sa mga
mapagpipilian at estratehiya ng tagsalin
(ii) Ang panitikang salita ay isang sariling Sistema at ang salin at ang
orihinal na obra ay kapwa may lugar sa mga sistemang pampanitikan at
kapwa may tungkuling pampanitikan.
(e) George Steiner-
(i) naniniwala na ang wika ay may kapangyarihang
makapagsagawa ng iba’t ibang pagpapahayag
(ii) ang particular na mga pahayag ng pahayag ng bawat indibidwal
ang mahirap isalin
(iii) hindi saklaw ng unibersal na katangian ng lingguwistika
(iv) amg mahusay na salin ay kailangang makapagbigay ng
pinakamalapit na katumbas ng mga salitang mahirap tapatan.
(4) 1980
(a) Translation Studies ni Susan Bassnett
(i) Manipis na aklat, hitik sa mga teorya, kritisismo, at mga salik ng
pagsasalin
(ii) Sinulong awtonomiya ng tekstong salin, ang sariling buhay,
malayang anyo na naiiba sa SL
(iii) Ang pagsasalin ay hindi lamang produkto, isa itong hakbang na
naglalayong mapagaralan nang wasto di lang ang tapos na gawa kundi
ang paraan ng paggawa.
(b) Andre Lefevere
(i) Binibigyang halaga ng salin ang paglilipat ng Sistema ng
pagtangkilik ng mga mambabasa sa SL patungo sa TL..
(c) Theo Hermans “The Manipulation of Literature; Studies in Literary
Translations”.ang pagsasalin ay hindi lamang komunikasyon kundi ito ay
manipulasyon, hindi lamang pagbabagong-anyo ng isang dayuhang teksto, kundi
isang pagttanong [ interrogative], sa pananalita ni Jacques Derrida ay
Deconstructive -muling pagpapahayag matapos mahimay-himay ang mga bahagi
(5) 1990 pataas
(a) Mga ideyang lumaganap
(i) Text Linguistic- ang paggamit sa mga teksto bilang sistemang
pangkomunikasyon na naglalayong maunawaan ang balarila ng
particular ng teksto
(ii) Discourse analysis- ang pag-aaral na iba’t obang paraang nag
paggamit ng lengguwahe sa pagitan ng bawat indibidwal, pasalita man o
pasulat. Ang layunin ng larangang ito ay maunawaan at masuri ang ibat
ibang paraan ng bawat tao sa pagbuo ng kahulugan, mula sa
kahulugang ito paano nila ito gingamit pati na rin ang prosesong
nagpapatakbo dito,
(iii) Pragmatcs- isang sangay ng linguwistika na naglalayong mapag-
aralan ang epekto ng kinagagalawan ng isang indibidwal, sa kanyang
pagbuo ng kahulugan sa bagay-bagay at paano nito naapektuhan ang
kanyang lengguwaheng ginagamit
(b) Basil at Hatim – discourse anf the translator [1990] and the translator as
communicator [1998]
(i) Pinakita ang pagsusuri ng teksto at paano nito naapektuhan ang
proseso ng pagsasalin.
(c) Corpus Linguistics- ang paggamit ng computer upang mas lalong mapag-
aralan nang malawakan ang mga tekstong salin na ipinapasok dito
(d) Mona Baker at Sara Laviosa
(i) Sa pagunawa sa mga tekstong nagnanais na maging eksakto
ang pagtutumbas, di maiiwasang makalikha o makaimbento gn mga
bagong pahayag ang tagapagsalin.
(ii) Upang maunawaaan ang mga pahayag na ito dapat maganalisa
at gumamit ng mga konseptong katangi-tangi, na di bunga ng
kakulangan at kakintalan ng kakayahan ng isang tagapagsalin.
(e) Norman Shapiro- “The Translator’s Invisibility” –
(i) ang pagsasalin ay pagtatangkang makalikha ng isang tekstong
napakalinaw kaya’t parang hindi salin.
(ii) Ang isang mahusay na salin ay parang bintanang salamin.
(iii) Malalaman mo lamang na bintanang salamin pala iyon kapag
may napansin kang mumunting kapintasan- mga kalos o bula.
(iv) Sa ideyal na sitwasyon, dapat ay wala nito.
(v) Wala dapat makapansin na ito’y salin.
(f) Venuti – hindi dapat “Makita” ang tagsalin [ hindi dapat tunog-salin ang
tekstong salin]
(i) Mas madulas ang salin, mas hindi mababanaag ang tagsalin, at
mas makikita ang manunuolat.
(ii) Hindi makikita ang kahulugan ng dayuhang teksto
(g) Comment: mga dapat bigyang pansin upang makabuo ng teoya ng
pagsasalin
(i) Ang layunin ng pagsasalin
(ii) Ang pinag-uukulan ng salin.

VII. Mga Metodo [ Methods of Translation]


A. Layunin
1. Maipaliwanag ang iba’t ibang metodo sa pagsasalin
2. Mailapat sa pagsasalin ang iba’t ibang metodo
B. Metodo sa Pagsasalin
1. Newmark [1988]: V Diagram

Simulaang Lengguwahe Tunguhang Lengguwahe


Salita- sa - salita Adaptasyon
Literal Malaya
Matapat Idyomatiko
Semantiko Komunikatibo

a) Salita-sa-salita –
b) Literal – Ang estruktura ng Sl ang sinusundan ng tagasalin, hindi ang natural at madulas
na dalyo ng TL, at kadalasan ding ang pangunahing katuturan ng salita ang ibinibigay na
panumbas, hindi ang salitang may pinakamalapit na kahulugan sa orihinal
c) Adaptasyon- pinkamalyang anyo ng salin dahil sa may pagkakaton na malayo na ito sa
orhinal
d) Malaya- ayon kina almario et al ito ay “Malaya at walang control, at parang hindi na
isang salin”
e) Matapat – sinisikap ibigay ang eksaktong kahulugan ng orihinal habang sinusundan
naman ang estrukturang gramtikal ng SL, kung paano inihanay ang mga salita sa SL, gayon din
ang gingawang paghahanay ng mga salita sa TL na nagdudulot ng madulas na daloy ng salin
f) Idyomatiko -ang mensahe ng orihinal ay isinasalin sa paraang madulas at natural ang
daloy ng TL, sa paggamit nito nagiiba ang porma ng pahayag, ngunit ang mensahe ay
ipnapahayag sa paraang nakakatuwang basahin.
g) Sematiko at komunikatibong salin-ayon kay Newmark “ the concepts of communicative
and semantic translation represent my main contribution to general translation theory”
2. Mga katangian at Pagkakaiba ng Semantiko at Komunikatibong Salin
a) TABLE;
Semantikong Salin Komunikatibong Salin
(1) Tuon sa Awtor Tuon sa Mambabasa
(2) Hinuhuli ang nasa isip ng Awtor. Hinuhuli ang intensiyon ng awtor.
May kinalaman sa isipan. May kinalaman sa pananalita.
(3) May Tungkulin sa Awtor bilang May pag-aangkop upang madaling
indibidwal maunawaan ng mambabasa ang kaisipan
at pangkulturang nilalaman ng orihinal.
(4) Tuon sa semantika at sintaktika. Tuon sa bisa. Hindi sinusunod ang SL.
Hangga’t maari, sumusunod ang
haba ng pangungusap, ayos ng
mga salita at sugnay, ng orihinal.
(5) Matapat, Mas Literal Matapat. Mas Malaya
(6) Nagbibigay-kaalaman Mabisa
(7) Kadalasang mas asiwa, mas Magaang basahin, mas natural, mas
detalyado, mas komplikado, madulas, mas simple, mas maliwanag,
ngunit mas maikli. mas direkta, mas kumbensiyunal.
Umaayon sa particular na register ng
wika ngunit mas mahaba.
(8) Personal Panlipunan
(9) May pagkiling sa SL May pagkiling sa TL
(10) Over-Translated: mas konsentrado Under-Translatead: Gumagamit ng mga
at mas tiyak kaysa orihinal salitang panlahatan
(11) Mas mapuwersa Di gaanong mapuwersa
(12) Lagi na, mas mababang uri kaysa Posibleng mas mahisay kaysa sa orihinal
orihinal dahil may nawwalang kahit pa nabawasan ang nilalamang
kahulugan sematiko dahil bawi naman sa linaw at
nauunawang pahayag.
(13) Labas sa panahon at local na lugar. Panandalian at nakaugat sa konteksto,
Eternal – Panghabang Panahon eksitensyal
(14) Malawak at unbeersal Sadyang nilikha para sa isang kategorya
ng mambabasa; iisang tungkulin ang
gingampana, iisang Gawain ang
tinutupad
(15) Laging mali ang pagiging di wasto Pinpayagan, ang bahagyang mga
palabok, paggamit ng sinonimo o
singkahulugan, basta’t tama ang datos at
kinwiwilihan ng mambaabsa
(16) Walang karapatan ang tagasalin na May karapatan ang tagasalin na iwasto at
iwasto o pagandahin ang teksto pgandahin ang lohika at estilo ng orihinal.
Linawin ang Malabo o dalwqang kahulugan
at Jargon, gawing estandarsado ang
kaaktwang personal na gamit ng wika
(17) Ang mga kamalian sa orihinal ay Maaring itama ng tagapagsalin ang mga
matutukoy lamang sa talbaba/ kamalian sa datos ng orihinal
(18) Target: isang “tunay” na bersiyon Target: “maligayang” bersiyon, ibig sabihin,
isang eksaktong pahayag tagumpay na salin
(19) Yunit ng pagsasalin: salita, Yunit ng pagsasalin: oangungusap at talata
kolokasyon, at sugnay
(20) Mailalapat sa lahat ng sinilat na Mailalapat sa mga tekstong di personal.
ginamit ng mga orihinalna
pagpapahayag
(21) Pangunahing kaisipan: isang Pangunahing kaisipan: isang kasanayan ang
sinign ang pagsasalin pagsaslin
(22) Kadalasa, gawa ng iisang tagasalin Kung minsa, produkto ng isang pangkat ng
mga tagasalin
(23) Umayon sa “relativist position of Umaayon sa posisiyong “universalist” at nag-
cultural relativity” aakaliang possible ang eksaktong pagsasalin
(24) Kahulugan Mensahe
-
Semantikong Salin Komunikatibong Salin
(25) Tuon sa Awtor Tuon sa Mambabasa
(26) Hinuhuli ang nasa isip ng Awtor. Hinuhuli ang intensiyon ng awtor.
May kinalaman sa isipan. May kinalaman sa pananalita.
(27) May Tungkulin sa Awtor bilang May pag-aangkop upang madaling
indibidwal maunawaan ng mambabasa ang kaisipan
at pangkulturang nilalaman ng orihinal.
(28) Tuon sa semantika at sintaktika. Tuon sa bisa. Hindi sinusunod ang SL.
Hangga’t maari, sumusunod ang
haba ng pangungusap, ayos ng
mga salita at sugnay, ng orihinal.
(29) Matapat, Mas Literal Matapat. Mas Malaya
(30) Nagbibigay-kaalaman Mabisa
(31) Kadalasang mas asiwa, mas Magaang basahin, mas natural, mas
detalyado, mas komplikado, madulas, mas simple, mas maliwanag,
ngunit mas maikli. mas direkta, mas kumbensiyunal.
Umaayon sa particular na register ng
wika ngunit mas mahaba.
(32) Personal Panlipunan
(33) May pagkiling sa SL May pagkiling sa TL
(34) Over-Translated: mas konsentrado Under-Translatead: Gumagamit ng mga
at mas tiyak kaysa orihinal salitang panlahatan
(35) Mas mapuwersa Di gaanong mapuwersa
(36) Lagi na, mas mababang uri kaysa Posibleng mas mahisay kaysa sa orihinal
orihinal dahil may nawwalang kahit pa nabawasan ang nilalamang
kahulugan sematiko dahil bawi naman sa linaw at
nauunawang pahayag.
(37) Labas sa panahon at local na lugar. Panandalian at nakaugat sa konteksto,
Eternal – Panghabang Panahon eksitensyal
(38) Malawak at unbeersal Sadyang nilikha para sa isang kategorya
ng mambabasa; iisang tungkulin ang
gingampana, iisang Gawain ang
tinutupad
(39) Laging mali ang pagiging di wasto Pinpayagan, ang bahagyang mga
palabok, paggamit ng sinonimo o
singkahulugan, basta’t tama ang datos at
kinwiwilihan ng mambaabsa
(40) Walang karapatan ang tagasalin na May karapatan ang tagasalin na iwasto at
iwasto o pagandahin ang teksto pgandahin ang lohika at estilo ng
orihinal. Linawin ang Malabo o dalwqang
kahulugan at Jargon, gawing
estandarsado ang kaaktwang personal na
gamit ng wika
(41) Ang mga kamalian sa orihinal ay Maaring itama ng tagapagsalin ang mga
matutukoy lamang sa talbaba/ kamalian sa datos ng orihinal
(42) Target: isang “tunay” na bersiyon Target: “maligayang” bersiyon, ibig
isang eksaktong pahayag sabihin, tagumpay na salin
(43) Yunit ng pagsasalin: salita, Yunit ng pagsasalin: oangungusap at
kolokasyon, at sugnay talata
(44) Mailalapat sa lahat ng sinilat na Mailalapat sa mga tekstong di personal.
ginamit ng mga orihinalna
pagpapahayag
(45) Pangunahing kaisipan: isang Pangunahing kaisipan: isang kasanayan
sinign ang pagsasalin ang pagsaslin
(46) Kadalasa, gawa ng iisang tagasalin Kung minsa, produkto ng isang pangkat
ng mga tagasalin
(47) Umayon sa “relativist position of Umaayon sa posisiyong “universalist” at
cultural relativity” nag-aakaliang possible ang eksaktong
pagsasalin
(48) Kahulugan mensahe
(49)
b) -

You might also like