Wika Complete

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

KATUTURAN

AT MGA
KATANGIAN
NG WIKA
KATUTURAN:
 Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan
ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat at pasalitang
simbolo (Webster, 1974).

 Ang wika ay isang masistemang balangkas ng


sinasalitang tunog na pinipili at isinasaaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa
isang kultura (Henry Gleason, 1961).
Ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng
komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan nito
maaaring matamo ng tao ang kaniyang instrumental
at sentimental na mga pangangailangan
(Constantino, 1996).
Ang wika ang ekspresyon, ang imbakan-
hanguan at agusan ng kultura ng isang grupo
ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at
likas na katangian (Salazar, 1996).
MGA KATANGIAN NG WIKA
1. Ang wika ay tunog- Unang natutuhan ang
wika sa mga tunog na naririnig, hindi sa mga
titik na nababasa. Mahalaga ang nasabing
tunog sa batang namumulat sa kaniyang unan
wika o sa sinumang natututo ng pangalawang
wika sa anumang edad dahil narerehistro ito s
kaniyang isip, sa tinatawag na language
acquisition device o LAD, na siya niyang
nagagaya at nabibigkas.
2. Ang wika ay arbitraryo - Hindi magkakatulad
ang tuntuning sinusunod ng mga wika sa pagbuo ng
salita at sa pagkakabit ng kahulugan sa mga salitang
iyon. Maaari itong mag-iba-iba, depende sa
natatanging kalikasan ng bawat wika.
Halimbawa:
Tagalog
langgam - insektong pula o itim
Bisaya
langgam - ibon
3. Ang wika ay masistema – Ang wika ay may tiyak na ayos
na sinusunod upang makabuo ng kahulugan at maunawaan.
Halimbawa: Kung nais mabuo ang konsepto ng pook na
tinitirhan, ang salitang “bahay” ay dapat ayusin sa eksaktong
paraan.Nauuna ang ponemang /b/ na susundan ng /a/, /h/, /a/,
/y/. Kapag nagulo ang ayos na ito, halimbawa’y nagging
“bhaay”o “baahy” o “bhyaa,” hindi mabubuo ang
konseptong nais mabuo at maipaunawa ito sa kausap.
4. Ang wika ay sinasalita –Ang pagsasalita ay
isang mabilis na paraan upang makapagpahayag
ng kaisipan o saloobin. Nabubuo ang wika sa
tulong ng mga aparato at iba’t ibang sangkap sa
pagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin, ilong,
lalamunan at iba pa.

5. Ang wika ay kabuhol ng kultura – Ayon kay


Salazar(1996), ang wika ang “impukan-kuhanan
ng isang kultura. Dito natitipon ang pag-uugali,
isip at damdamin ng isang grupo ng tao.
6. Ang wika ay nagbabago - Dahil daynamiko ang wika,
nagbabago ito dahil sa impluwensiya ng panahon at
kasaysayan.

7. Ang wika ay may kapangyarihang lumikha - Ayon kay


Ferdinand de Saussure,(1983), ang isang ideya ay binubuo ng
salitang kumakatawan dito at ng konseptong kaakibat nito.
Malikhain ang wika dahil nagagamit ito sa paggawa ng iba’t
ibang pahayag, diskurso, o panitikan, pasalita man o pasulat,
gaya ng tula,bmaikling kuwento, sanaysay, dula, nobela,
talumpati, balita, batas, at marami pang iba.
8. Ang wika ay may kapangyarihang makaapekto
sa kaisipan at pagkilos

- Ang wika ang anyo at paraan ng


kapangyarihan. Ito ang gamit ng nasa itaas upang
ipakilala ang kaniyang awtoridad at ipailalim ang
mga taong nakabababa sa kaniya.
ILAPAT ANG NATUTUNAN

Mag-online

Gamit ang Internet, humanap ng isang palabas sa


telebisyon, maikling video, o pelikulang na-upload sa mga
video hosting sites o social networking sites o kaya naman
ay isang programa sa radio (Hal. Panayam o talakayan).
Suriin kung paano umiral dito ang mga katangian
wika. Lumikha ng Powerpoint presentation ng
inyong pag-uulat. Ibahagi sa klase.

You might also like