Ikawalang Kabanata - Pamamaraan Sa Pagtuturo NG Wika-1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 34

1.

Paglilipat-Baybay (Grammar Translation)

Ito ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga salita, pangungusap, etc.


Ang pagtuturo nito ay ibinibigay gamit ang sinusong wika ng
mga mag-aaral.
Ang tuon ng pamamaraang ito ay ang pagtuturo ng balarila,
baybay, at pagkakabuo ng isang mensahe.
1. Paglilipat-Baybay (Grammar Translation)

Maagang pinapabasa ang mga mag-aaral ng mahihirap na babasahing


nasusulat sa nais matutunang wika. Ang kadalasang pagsukat ng
kakayahan ng mga mag-aaral ay base sa paglilipat ng wika mula sa
sinusong wika papunta sa wikang nais matutunan.

Ang kahinaan ng pamamaraang ito ay ang kawalang kakayahan ng mga


mag-aaral na gamitin ang wikang ninanais matutunan sa pasalita sa
kadahilanang ang kasanayan ng mga mag-aaral ay sa pasulat na
pamamaraan.
2. Direktang Pamamaraan (Direct Approach)

 Ang pamamaraang ito ay reaksyon mula sa pag-gamit ng paglilipat


baybay (grammar-translation) at sa kawalang kakayahan nitong
makapagturo sa mga mag-aaral na gamitin ang target na wika sa
pasalitang komunikasyon.

 Sa pamamaraang ito, hindi pinapayagan ang paggamit ng sinusong


wika. Ang mga aralin ay kadalasang nagsisimula sa mga dayalogo o
kasabihan na gagamitin upang magkaroon ng ugnayang-
komunikasyon o pag-uusap.
2. Direktang Pamamaraan (Direct Approach)

 Ang pagkumpas, paggamit ng katawan, at mga larawan ay ginagamit


upang lubos na maunawaan ang nais iparating ng komunikasyon.
 Ang pagtuturo ng balarila ay hindi direkta at kung kinakailangan
lamang.
 Ang mga gawang pampanitikan ay pinapabasa sa mga mag-aaral
upang maglibang lamang at hindi upang analisahin ang nilalaman
nito.
 Ang kultura ng wikang ninananais matutuhan ay hindi din
direktang itinuturo sa mga mag-aaral. Ang guro ay dapat may lubos
na kakayahan sa pagtuturo ng target na wika ng mga mag-aaral.
3. Pabasang Pamamaraan (Reading Approach)

 Ang pamamamaraang ito ay isang reaksyon sa mga problemang


lumutang sa paggamit ng direktang pamamaran ng pagtuturo ng
wika.

 Ito ay nababatay sa paniniwalang ang kakayahan sa pagbasa ay


ang mas magagamit na kakayahan sa pag-aaral ng ibang wika lalo
na sa paglalakbay.

 Ito rin ay nabuo sa dahilang kakulangan ng mga guro sa kakayahan na


gamitin ang direktang pamamaraan.
4. Audiolingualism

 Ang pamamaraang ito ay isang reaksyon mula sa problema at


kakulangang nakita sa reading approach.
 Mula sa kabiguan ng reading approach na makapagsanay ng mga mag-
aaral na nakakapagsalita at nakakapakinig sa komunikatibong antas.
 Ito ay nagmula sa reporma ng direktang pamamaraan ngunit
dinagdagan lamang ng saklaw ng structural linguistics.
 Ang mga aralin ay sinisimulan sa paglalatag ng mga dayalogo.
4. Audiolingualism

 Ang pagmememorya at panggagaya ng mga salita ay ginagamit bilang


isang mabisang teknik dahil sa paniniwala na ang wika ay natutunan
mula sa pagkasanay na gamitin ito.
 Ang pagsasanay sa pagbaybay ng mga salita ay ang tuon mula sa
simula ng pagaaral.
 Masidhi ang pagpigil sa pagkakamali ng mga mag-aaral sa pag-gamit
ng wika.
 Ang wika ay itinuturo sa pamamagitan ng pagmamanipula ng guro at
hindi tinutuunan ng pansin ang pakahulugan ng mensahe.
 Ang guro ay dapat may lubos na kakayahan sa pagtuturo ng balarila at
pagbibigkas (ponolohiya).
5. Oral – Sitwasyonal

 Ang pamamaraang ito ay isang reaksyon mula sa paggamit ng


pabasang pamamaraan ng pagtuturo ng wika dahil sa kakulangan
nito na bigyang diin ang kakayahan ng mag-aaral sa pagsasalita at
pakikinig.

 Ito ay sumikat sa Britanya noong 1940 hanggang 1960.

 Sa pamamaraang ito, ang sinasalitang wika ay ang pundasyon.


5. Oral – Sitwasyonal

 Ang wikang nais matutunan ay ipinipresenta sa mga mag-aaral sa


pasalitang paraan bago sa pasulat.

 Tanging ang wikang nais matutunan ang ginagamit sa loob ng silid


aralan.

 Ang pagtuturo ng balarila ay mula sa simple hanggang sa komplikado.

 Bagong mga salita ang itinuturo sa mga mag-aaral base sa bawat


sitwasyon.
6. Kognitiv

 Sa pamamaraang ito, ang pag-aaral ng wika ay pinaniniwalaang


nangyayari sa pagkatuto ng mga batas at alintunin ng balarila at
hindi sa pmamagitan ng pagsasanay na gamitin ito.

 Ang pagtuturo ay kadalasang isahan kung saan ang mga mag-aaral ang
pangunahing dahilan ng kanilang sariling pagkatuto.

 Ang balarila ay itinuturo sa mga mag-aaral.

 Ang pagtuturo ng baybay ay itinuturo din sa mag-aaral ngunit hindi


nakatuon sa pagpapalinis ng pagbigkas.
6. Kognitiv

 Ang pagbasa at pagsulat ay mga pinakamahalagang paraan ng


pagkatuto kapantay ng pagkatuto sa pakikinig at pagsasalita.

 Ang pagtuturo ng mga salita ay kinikilala ding mahalaga.

 Ang kamalian ng mag-aaral sa pag-gamit ng wika ay kinikilala ding


hindi maiiwasan ngunit malilimitahan.

 Ang guro ay inaasahang magaling sa pag-gamit ng wikang nais


matutunan ng mga mag-aaral.
7. Afectiv-Humanistik

 Ang pamamaraang ito ay isang reaksyon sa pangkalahatang


kakulangan ng ibang mga pamamaraan sa pandamdaming aspeto ng
pagtuturo ng wika.

 Sa pamamaraang ito kinikilala ang mga mag-aaral bilang isang


indibidwal na may damdamin at kakayahan.

 Ang pagtuturo ng komunikasyon ay base sa kakayahan ng mag-aaral.


7. Afectiv-Humanistik

 Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng dalawahan o pangkatang


pagsasanay.

 Ang klima ng emosyon sa loob ng sild aralan ay kinikilalang mas


mahalagang kagamitan sa pagtuturo ng wika kaysa sa anumang
material.

 Ang suporta ng kaibigan at kamag-aaral ay


kinikilalang mabisang pantulong sa pagkatuto.
8. Comprehension-Based

 Sa pamamaraang ito, ang pakikinig ay kinikilalang pinakamahalagang


kakayahan upang matutong magsalita, bumasa at magsulat ng maayos
ang mga mag-aaral.

 Ang mga mag-aaral ay nagsisimula sa pakikinig ng mga


makabuluhang salita at nagbibigay ng fidbak sa makabuluhang paraan
ng komunikasyon.

 Ang mga magaaral ay hindi nakakapagsalita hanggang hindi sila


handa.
8. Comprehension-Based

 Ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nagmumula sa mga


makabuluhang karanasan na kanilang ikinokonekta sa pag-aaral ng
wika.

 Ang pagwawasto ng istruktura ng pagkaunawa ng mag-aaral ay


kinikilalang hindi mahalaga.

 Ideya ang kinikilalang mahalaga sa pagkatuto ng mga mag-aaral.


9. Komunikatibo (Communicative)

 Sa pamamaraang ito, kinikilala na ang layunin ng pag-aaral ng wika


ay ang pagsali sa gawaing kumunikasyon.
 Pinaniniwalaan sa pamamaraang ito na ang pagbuo ng kahulugan at
ang kaugnayan nito sa balarila ay mas mabisang paraan ng pagkatuto
ng buo sa wikang ninanais matutunan.
 Ang mag-aaral ay madalas na nag-aaral ng wika sa pangkatang paraan.
 Ang mga Gawain at pagsasanay ng pagkatuto ay kadalasang otentik.
 Ang mga Gawain ay dapat repleksyon ng tunay na buhay at pangyayai
upang maikonekta ng mga magaaral sa kanilang karanasan.
 Ang guro ay isa lamang tagasubaybay sa pagkatuto.
Mga Metodo o Dulog sa Pagtuturo Wika
1. Ang Pagtuturong Nakapokus sa Mag-aaral (Learner- Centered Teaching)

 Binibigyang-halaga ang pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral o


pagkatuto ng mga estudyante.

 Sinabi ni Willing (1988; Nunan 1991; Badayos 1999) na ang isang gurong
sensitibo at isinasaalang-alang ang istilo sa pag-aaral ng mga estudyante ay
makatutulong upang magkaroon ng isang matagumpay at mabisang pagkatuto.

 Sa pag-aaral ni Willing, pinangkat niya ang mga estudyante sa apat at


nagmungkahi siya ng mga naaangkop na estratehiya sa bawat uri.
Uri ng Estudyante Estratehiya ng Pag-aaral
Estudyanteng “concrete” 1. mga laro
2. mga larawan
3. VCR tapes
4. Pair work
5. Pagsasanay ng wika sa labas ng klasrum

Estudyanteng “analitikal” 1. pag-aaral ng gramatika


2. pag-aaral ng maraming aklat sa wika
3. pagbabasa ng mga pahayagan
4. pag-aaral nang mag-isa
5. pag-alam sa pagsusuri ng mga kamalian sa wika
6. pagtuklas ng mga solusyon sa mga suliraning
inilahad ng guro
Uri ng Estudyante Estratehiya ng Pag-aaral
Estudyanteng 1. pagmamasid at pakikinig sa mga katutubong nagsasalita ng
“communicative” wika
2. pakikipag-usap sa kaibigan na gamit ang wikang pinag-aaralan
3. panonood ng programa sa TV sa wikang pinag-aaralan
4. pag-aaral ng mga bagong salita sa pamamagitan ng pakikinig
dito at paggamit ng akwal na pakikipag-usap
Estudyanteng 1. mas gusto ang magpapaliwanag nang lahat tungkol sa wika
“authority oriented” 2. may sariling batayang aklat
3. isinusulat ang lahat ng impormasyon sa notbuk
4. pinag-aaralan ang balarila
5. nagbabasa para matuto
6. natutuhan ang mga bagong salita kung makikita ang mga ito
2. Ang Kooperatibo at Kolaboratibong Pagkatuto

 Ang mga gawain sa loob ng klasrum ay nakatuon sa sama-sama at


tulung-tulong na pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo ang
itinakdang gawain.
 Layunin ng KKP ay mabawasan ang kompetisyon at maragdagan ang
kooperasyon ng mga estudyante.
 Napatunayan sa pag-aaral nina Kagan, Slavin at Allport ang
magagandang bunga ng kooperatibong pag-aaral sa mga pag-aaral gaya
ng mga sumusunod:
2. Ang Kooperatibo at Kolaboratibong Pagkatuto

a. na malaki maitutulong ng kooperatibong pag-aaral sa paghubog ng


magandang pag-uugali at pakikipagkapwa ng mga estudyante.
b. Napatataas din ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa kanilang
sariling kakayahan.
c. Mataas na pagsulong sa pagkatuto
d. Malilinang ang matalino at mapanuring pag-iisip
e. Nagkakaroon ng positibong atityud sa pag-aaral, mataas na
motibasyon
f. Mas mabuting resalasyon ng guro at estudyante; estudyante sa
kapwa estudyante
3. Ang Pagkatutong Interaktibo ( Interactive Learning)

 Ayon kay Wells (sa Rivers 1987), ang interaksyon sa klase ay


kinapapalooban ng tatsulok na ugnayan ng tagapaghatid ng
mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging
pasalita o pasulat na komunikasyon.
 Sa loob ng klasrum, may tatlong uri ng interaksyon na maaaring
lahukan ang estudyante: interaksyon sa guro, sa kapwa estudyante
at sa teksto o kagamitang pampag-aaral.
3. Ang Pagkatutong Interaktibo ( Interactive Learning)

 Ayon kay Wells (sa Rivers 1987), ang interaksyon sa klase ay


kinapapalooban ng tatsulok na ugnayan ng tagapaghatid ng
mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging
pasalita o pasulat na komunikasyon.
 Sa loob ng klasrum, may tatlong uri ng interaksyon na maaaring
lahukan ang estudyante: interaksyon sa guro, sa kapwa estudyante
at sa teksto o kagamitang pampag-aaral.
4. Ang Pagkatutong Integratibo ( Integrative Learning)

 Binibigyang-diin dito ang integrasyon ng paksang-aralin sa pag-


aaral ng wika.

 Ang paglalahad ng wika ay hinahango sa nilalaman o ng paksa.

 Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa


wika ay itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ng
paggagamitan nito.
4. Ang Pagkatutong Integratibo ( Integrative Learning)

 Binibigyang-diin dito ang integrasyon ng paksang-aralin sa pag-


aaral ng wika.
 Ang paglalahad ng wika ay hinahango sa nilalaman o ng paksa.
Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa
wika ay itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ng
paggagamitan nito.
 Nakapalood din dito ang pagkatutong nakapokus sa estudyante at
ang integrasyon ng apat na kasanayan.
4. Ang Pagkatutong Integratibo ( Integrative Learning)

 Dito, ang guro ay tagapagdaloy lamang ng pagkatuto, ang mga


estudyante ang nagsasagawa ng mga gawain.
 Ang guro ay tagagawa lamang ng iskrip ng pagkatuto; konsultant,
tagagabay, tagakumpas, subalit sa kabuuan ng pag-aaral ng isang
aralin, ang estudyante ang sentro o ang bida.
 Siya ay aktibong nagsasalita, nakikinig, bumabasa at sumusulat
kung kinakailangan. Ginagamit ng estudyante ang wika sa
matalino, mapanuri at malikhaing paraan. Nagiging makabuluhan
at kawili-wili ang pag-aaral at pagkatuto sapagkat aktibong
gumagana ang kanilang pandama at pag-iisip
PAMARAANG 4P’S

ANG PAMARAANG 4P’S AY NAKAKATULONG SA MGA MAG-AARAL UPANG MALINANG ANG


TINATAWAG NA COOPERATIVE LEARNING O ANG KANILANG PAKIKIISA SA PANGKATANG GAWAIN AT
TALAKAYAN. ANG 4P AY NANGANGAHULUGANG PAGPAPANGKAT, PAGBABAGYONG-ISIP, PAGTALAKAY AT
PAGBIBIGAY-INPUT.
HAKBANG SA PAGGAMIT NG PAMARAANG 4P’S
A. PAGPAPANGKAT – PAPANGKATIN ANG KLASE SA APAT O DEPENDE KUNG GAANO KALAKI ANG KLASE.
B. PAGBABAGYONG-ISIP – MAGKAKAROON NG PAGBABAGYONG-ISIP ANG BAWAT PANGKAT NG MGA
MAG-AARAL HINGGIL SA PAKSANG IBINIGAY NG GURO. ISA SA PANGKAT ANG MAGTATALA SA
KANILANG NAPAG-USAPAN HINGGIL SA PAKSA.
C. PAGTALAKAY – MATAPOS ANG PAGBABAGYONG-ISIP NG PANGKAT AY TATALAKAYIN NG LIDER NG
PANGKAT SA KLASE ANG NAPAG-USAPAN NG KANILANG PANGKAT.
D. PAGBIBIGAY-INPUT – KAPAG NAKAPAGLAHAD AT NAKAPAGTALAKAY NA ANG BAWAT LIDER AY
MAGBIBIGAY NA NG FEEDBACK AT INPUT ANG GURO HINGGIL SA PAKSA.
LOVE TEAM STRATEGY O PAMARAANG PAGTATAMBAL

ANG LOVE TEAM STRATEGY O PAMARAANG PAGTATAMBAL AY GINAGAMIT SA PAGBIBIGAY-


KAHULUGAN NG SALITA O TALASALITAAN.

HAKBANG SA LOVE TEAM STRATEGY O PAMARAANG PAGTATAMBAL


A. HATIIN ANG KLASE SA DALAWA NG PANGKAT, ANG GRUPO NG LALAKI AT ANG GRUPO NG BABAE.
B. IBIGAY SA MGA LALAKI ANG MGA MAHIHIRAP NA SALITANG ISA-ISANG NAKASULAT SA
CONSTRUCTION PAPER.
C. IBIGAY NAMAN SA MGA BABAE ANG MGA KAHULUGAN NG MGA SALITANG MAHIHIRAP.
D. NAKAHANAY ANG MGA BABAENG MAY HAWAK NG CONSTRUCTION PAPER NA SINUSULATAN NG
MGA KAHULUGAN NG MGA SALITANG HAWAK NG MGALALAKI. ISA-ISANG LALAPIT ANG MGA LALAKI
UPANG HANAPIN ANG KANILANG KATAMBAL. NAKADEPENDE SA KAHULUGAN NG SALITANG KANLANG
HAWAK ANG KANILANG MAGIGING KATAMBAL.
E. KUNG MAHANAP NA NILA ANG KAHULUGAN O ANG KANILANG KATAMBAL AY SABAY NILA ITONG
IDIDIKIT SA PISARA.
PAMARAANG SAGOT O SAYAW
ANG PAMARAANG ITO AY MAKAKATULONG UPANG MASUKAT ANG TALAS AT KRITIKAL
NA PAG-IISIP NG MGA MAG-AARAL SA PAGSAGOT SA MGA NAKAHANDANG KATANUNGAN.
PAANO ISASAGAWA?
A. MAGHANDA NG MGA KATANUNGAN NA MAY KAUGNAYAN SA PAKSANG TINALAKAY. ISULAT
ITO SA MALIIT NA PAPEL TAPOS BILUGIN AT IPASOK SA PLASTIC NA BOTE.
B. PAUPUIN ANG MGA MAG-AARAL NANG MAGKAHARAP O AYOS PABILOG.
C. HABANG IPINATUGTOG ANG MUSIKA AY IPAPASA NILA ANG BOTE.
D. SA PAGHINTO NG TUGTOG, ANG MAY HAWAK NG BOTE AY KUKUHA NG ISANG KATANUNGAN
SA LOOB NITO.

PAGKATAPOS MABASA ANG TANONG AY SASAGUTIN NIYA ITO SUBALIT KUNG HINDI NIYA
MASAGOT ANG KATANUNGAN KAILANGAN NIYANG SUMAYAW SA LOOB NG 30 SEGUNDO.

You might also like