Natatanging Diskurso

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

MGA NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT

PANITIKAN

Deskripsyon ng Kurso:
-Pagsusuri sa mga piling diskursong pangwika at
pampanitikan sa konteksto ng lipunang Pilipino.
Pagtukoy sa mga konsepto at isyung pangwika at
pampanitikan at kahalagahan at kaugnayan ng mga ito
sa akademiko at di-akademikong gawain at karanasan
ng mga mag-aaral na Pilipino.
 DISKURSO-ang pagpapahayag o diskurso, sa anumang
uri ng wika- sa diyalekto, sa wikang rehiyunal, sa
wikang pambansa, sa wikang pandaigdig—ay
nagsimula sa salita na naging isang sugnay na sa
pagsasama-sama ay nagiging isang ganap na
talataang may ganap na mensaheng ipinapahayag.
 -tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng
kumbersasyon
 -maari rin daw itong pormal at sistematikong
eskaminasyon ng isang paksa, pasalita man o
pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon.
LAYUNIN
 Ang layunin ng Diskurso ay malinaw na
maipaunawa sa kapwa, sa pasalita man
o pasulat, ang nais niyang sabihin, o
ihatid na ideya, saloobin, paniniwala at
iba pa nang tama at walang labis
walang kulang.
AKTIBITI

Magbibigay ang guro ng iba’t


ibang naka ramble na salita,
huhulaan ito ng mga mag-aaral
at ibigay at katuturan nito
pagkatapos sasabihin ng mag-
aaral kung saang uri ito ng
Diskurso nabibilang, Pasulat ba o
Pasalita.
LNAORJ

JORNAL
LMUTIPATA

TALUMPATI
YASAYNSA

SANAYSAY
ALTHLAINA

LATHALAIN
DALAWANG MAGKAUGNAY NA PARAAN NG DISKURSO

TATLONG URI NG PASALITA PASULAT


DISKURSO
1. PERSONAL HARAPAN JORNAL,LIHAM
PANGKAIBIGAN,
TALAARAWAN O
DAYARI,
AWTOBAYOGRAPIYA,
REFLEKSYON O BALIK-
LARAWAN, ALAALA
IMAHINASYON
2. PAMBAYAN TALUMPATI SANAYSAY, EDITORYAL,
ARTIKULO AT KA-URI
3. TRANKSAKSYUNAL SAGUTIN SA LIHAM,
MEMO SIRKULAR ATBP.
URI AT ANYO NG DISKURSO
 1. Diskursong Personal
Sumasaklaw ito sa pansariling sulatin, gaya ng;
a. Harapang usapan
b. Liham pangkaibigan
c. Talaarawan o dayari-rekord ng magagandang nagawa sa
bawat araw
d. Jornal-uri ng panalangin sa bawa’t araw
e. Awtobayografiya- sinulat sa sariling talambuhay
f. Refleksyo o balik-larawan, alaala, imahinasyon

Na hindi nangangailanan ng formal na salita, maaring


gamitan ng mga salitang islang, intimate o
kombersasuyonal.
 Diskursong Pambayan-
ito’y mga seryusong diskurso, kaya
karaniwang dito’y piling-pili ang mga salitang
pampanitikan. Dito pumapasok ang masisining
na pananalita-maretorikang pananalita.
-Napapasoob naman sa diskursong ito ang
a. Koposisyong mula sa intervyu
b. Komposisyog nagpapaliwanag ng
kahulugan,
c. Artiklong pampamamahayag at
d. Artikulong may human interest
 Diskursong Transakyunal
sagutan sa liham pantanggapan, memo office, order,
sirkular.

Ano ang Ibig sabihin ng sanaysay?


Sanaysay- ay isang malayang pagpapahayag sa kapwa
ng kanyang damdamin. Kaisipan, pananaw o inspirasyon
sa paraang pasulat. Ang pangunahing saligan ng pagsulat
nito ay ang kahusayan ng sumusulat sa paglalahad ng
damdamin ng tao sa nakakaharap niyang kasayahan,
kalungkutan, pagkamangha, gayon din ng mga kabiguan
at tagumpay. Kaya kabilang ang mga sulating satiriko,
pangangatwiran; pamumunang pampulitika, pang-
edukasyon, pangkultura, pangkabuhayan at pansining.
Samakatuwid, saklaw nito ang pagsulat ng lathalain,
editoryal, opinyon, biro at katatawanan, kasaysayan,
talambuhay at iba pang sulating personal.
 Sa bahaging ito ang tatalakayin lamang ay ang pagsulat ng lathalain o
artikulo.
Ang salitang lathalain ay katapat ng Ing. Feature article. Ito’y naghahatid
ng kabatiran sa mambabasa, bukod sa kasiyahan at kawilihan.
Wala itong nakatakdang istilo, na may simula, kaigtingan at kasukdulan
gaya sa maikling kwento hindi to nagsisimula sa pinakamahahalaga at
nagwawakas lamang sa may katiting na kahalagahan tulad ng kayarian
ng isang balita. Ang istilo nito ay nakasalalay sa kalikhaan ng isang
sumusulat. Ang totooy hindi kailangang itanong dito kung itoy nasa
mataas na uri ng panitikan ang kailangang itanong ay ‘totoo ba ito,
mahalaga ba ito sa kasalukuyan; nakakaantig ba ito ng damdamin;
nakapagbibigay ba ito sa akin ng kaliwanagan; nakakaganyak ba ito sa
akin?
Anupa’t ang lathalain bagamat nagbibigay ng natatanging impormasyon
ay umaantig pa sa damdamin ng magbabasa at naghahatid sa tugatog ng
di maipaliwanag na kasiyahan kaya’t ang uri ng sanaysany na ito ay isang
akdang “may laman at dugo’ parang may ganap na katauhan, lumuluha,
tumatawa, sumasayaw, nagdaramdam”

Ano ang mga katangian ng isang lathalain na naiiba sa isang panitikan?


Ano ang mga katangian ng isang lathalain na naiiba sa ibang sulating pampanitikan?

MGA KATANGIAN NG LATHALAIN

Una, ang paksa nito ay mahalaga, totoo, at napapanahon.

Ikalawa, ito’y nakakaaliw. Kalimitang ito’y isang paglalarawan ngunit isang malikhain
paglalarawang umaantig sa aitng damdamin, sa tuwa o lungkot, ng tapang o takot, ng
tagumpay o kabiguan, ng pag-asa at kawalang pag-asa at iba pa.

Ikatlo, ito’y kawiliwili. Bukod sa nagagawa nitong maipabatid sa mambabasa kung ano
ang nangyari, nagagawa parin nitong maipakita, maipadama, maipalasa ang
pangayari.

Ikaapat, lagi itong nanghahawakan sa katutuhanan matapos na mapili ang paksa,


nagsisimula na ang manunulat na magtipon ng kailangang mga impormasyon sa
pamamgitan ng pagmamasid, pananaliksik, pakikipanayam kung kinakailangan upang
maiptaas ang antas ng katangian ng kanyang sulatin, hindi ito katulad ng ibang genre
ng panitikan na maaaring sulatin sa upuan lamang kailangan dito ang mga patibay at
matayog na imahenasyon ng may akda. Kailangan dito ang malikot at mayamang
guniguni ng manunulat upang maanag-ag ang paksa mula sa pinakalmillit na hilatsa ng
pangyayari wika nga’y matalino ang isang lathalain kung patalino ang sumusumulat
nito.

Ikalima, lagi itong may byline-pangalan ng may-akda.


 Bagama’t walang tiyak na istilo na pagsulat ng lathalain, mabuti ring
gamiting gabay sa pagsulat nito ang ang ilang tuntuning itinatagubilin
ni Carolina Malay pahayagang Taliba sa mga estudyanteng editor ng
pahayagang pampaaralan, pangkoleheyo o panguniversidad.

 Una, tiyakin kung ano ang pangunahing ideya o impresyon na ibig


ipahayag sa paksa. Iugnay roon ang bawa’t babanggitin sa artikulo.
Ang unang pangungusap ay dapat magpakilala sa idea o impresyong
iton, samantalang ang huling pangungusap ay dapat mag-iwan ng
makahulugang impresyon tungkol sa paksa.

 Ikalawa, Sikaping ilarawan ang katauhan o personalidad ng taong


kausap, kung interviyu, ang sinusulat, ang anyo ng lugar, kung
papaano ang pakiramdam ng isang nakasaksi sa pangyayari, Piliin ang
detalyeng makahulugan. Tandaang ang mga paraan ng pagsasalita,
gayon din ang iba’t ibang mga ingay, amoy, tanawin. Magbasa ng mga
lathalaing batay sa mga impormasyong nakalikom sa pakikipanayam.

 Ikatlo, ipakita kung ano ang kahalagahan ng paksa sa buhay ng babasa


ng lathalain.
 MGA URI NG LATHALAIN
Narito ang anim na uri ng Lathalain
1. Lathalaing Balita (feature news)
Ito’y isang uri ng balita na nagtatampok ng bahaging makatao ng isang
tuwirang balita, sa paraang kawili-wili at madula. Ang pangunahing layunin nito
ay makaaliw, makapagpahanga sa pangyayari. Karaniwang hindi gaanong
mahalaga rito ang pangyayari, ang mahalaga’y ang madula at nakaaliw na
pagkakganap ng pangyayari.
2. Lathalaing di-karaniwang tao o bagay
Ang lathalaing ito’y sinusulat tungkol sa di-pangkaraniwang tao, bagay o
pangyayaring nakakagulat o nakakatawa. Naiiba ito sa lathalaing balita o
balitang nagtatampok dahil sa wala itong pangyayaring pambalita, sapagkat
ang binibigyang-diin ay kawilihan at kasiyahan ng mambabasa. Ang ganitong
masiglang lathalain ay nagbibigay-buhay sa mga pahina ng pahayagan lalo na
ng pahayagang pampaaralan. Narito ang karaniwang pinapaksa ng ganitong
lathalain.
a. mga taong di-pangkaraniwan-karaniwang ito’y isang paglalarawan ng
isang nakakatuwang tao sapagka’t mayroon siyang kakaibang katangian.
b. Mga nakakatawang pangyayari-ang ganitong lathalain ay tunay na
nakakaaliw. Ang mahalaga sa salaysay na ito ay ang pagkikintal ng tinatawag
na ‘punch’- panggulat. Ang usapan ay nakakatulong sa pagpapasigla sa
ganitong salaysay.
 3. Lathalaing pangkatauhan (personality sketch)
-karaniwang nahihinggil ang lathalain ito sa isang taong may
kakaibang katangian.
4. Lathalain ng paglalakbay (travelogue)
-Pagsasalaysay naman ito ng isang kasiya-siya o kahindik-hindik na
karanasan sa ginawa niyang paglalakbay sa isang malayong lugar
sa Pilipinas o sa ibang bansa.
5. Lathalaing Pangkasaysayan
 Nahihinggil naman ito sa pinagmulang kasaysayan ng isang

bagay, halimbawa, kasaysayan ng paaralan, kolehiyo o


pamantasan; kasaysayan ng baranggay, bayan o lungsod atbp.
Kabilang dito ng kasaysayan ng pinakamatandang huwarang
angkan, lahi, pook, bayan, lalawiagn.
6. Natatanging Lathalain
-Karaniwang nahihinggil ang lathalaing ito sa isang taong tanyag sa
kanyang natatanging kaalaman, natatangin nagawa, natatanging
kontribusyon sa kaunlaran sa larangan ng edukasyon, pananalapi,
transportasyon, komunikasyon, batas---saligang batas, at batas
internasyonal, kalusugan at marami pang iba.
PAGSASANAY

 1. Sumipi ng isang lathalain sa Filipino sa pahayagan at o/ sa magasin sa Filipino at


sumulat ng isang pagsusuri batay sa sumusunod:
a. Uri ng Lathalain
b. May-akda
c. Nakaaliw ba ang simula? Magbigay ng patunay.
d. Ilan sa inyong pandama ang naantig sa inyong pagbabasa? Magbigay ng patunay.
e. Nagawa ba ng may-akda ang pataas nang pataas na kapanibikan? Patunayan.
f. Nanghahawakan ba ito sa katotohan? Sa paanong paraan? Mayroon bang usapan?
Magbigay ng halimbawa.
g. Ano ang katangian ng wakas? Nanghihikayat ba sa iyo na mag-iisp, humanga,
magsuri o mag-usisa o sumalungat sa sinabi ng may-akda. .
2. Sumulat ng sariling lathalain hinggil sa alinman sa sumusunod:
a. Lathalain ng di karaniwang tao-bagay
b. Lathalaing pangkatauhan
c. Lathalain ng paglalakbay
d. Lathalaing pangkasaysayan.
3. Ipaliwanag ang kahalagahan at iugnay ito sa akdemiko at di akademikong gawain

You might also like