Barayti at Baryasyon NG Wika

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Urdaneta City University

One San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan


KOLEHIYO NG PAGKAGURO EDUKASYON AT AGHAM PANTAO
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

YUNIT I: KONSEPTONG PANG WIKA

1. Ang Filipino sa kasalukuyang panahon.

A. Teorya ng wika
Ang teorya ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay
na may batayan pero hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan ng lubos.
Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang
partikular na lugar. Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng mga signo,
tunog at mga kadugtong na batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang
sistemang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa paraan ng pagsasalita at
pagsusulat.

Mga iba’t ibang mga teorya ng wika


 Teoryang Bow-wow - Isang teoryang ginagayaang mga tunog na nililikha ng mga
hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok, atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya
ng ihip ng hangin, patak ng ulan, atbp.
 Teoryang Ding-dong - Itinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa
kapaligiran tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.
 Teoryang Pooh-pooh- Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha
ang mga tunog na galing sa dala ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.
 Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay- Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay
galing sa mga tunog na nilikha sa mga ritwal na nagbabagu-bago at binigyan ng ibang
kahulugan katulat ng pagsayaw, pagtatanim, atbp.
 Teoryang Sing-song- Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at
musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
 Teoryang Biblikal- Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabii na ang buong
lupa ay iisang wika at iisang mga salita,
 Teoryang Yoo He Yo - Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga ng
kaniyang puwersang pisikal.
 Teoryang Ta-ta - Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat
kapag ang isang tao ay nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o
pababa.

B. Barayti ng wika
Ang Barayti ng wika ay dulot ng pagkakaiba ng antas ng edukasyon, hanapbuhay o trabaho,
henerasyon ng pagkabuhay o edad, pamumuhay sa lipunang kinabibilangan, at maging
lokasyon o heograpiya ng isang lugar. Ang Barayti ng wika ay bunga din ng pagkakaroon ng
heterogeneous na wika na nabubuo naman ayon sa pangangailangan ng paggamit nito na
nagbubunga ng baryasyon ng wika.

C. Barayti at Baryasyon ng wika


Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na
ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng
pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo
ay nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga variety ng wika, ayon
sa pagkakaiba ng mga indibidwal.
Mga Halimbawa:
Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na
naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod
tangi at yunik.
Halimbawa:
“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
“Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio
“Hoy Gising!” ni Ted Failon
“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza
“I shall return” ni Douglas MacArthur

Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang


salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay
wikain. Meron tatlong uri ng Dayalek:
 Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)
 Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
 Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)
Halimbawa:
a) Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Baki ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
Tagalog = Nalilito ako
Bisaya = Nalilibog ako

Sosyolek – n na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti


lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang
ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na
gumagamit ng mga naturang salita.
Mga halimbawa ng Sosyolek:
 Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
 Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
 Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ng
gelpren mo)
 Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
 May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na ako
kaibigan/kapatid)

Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga


etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol
ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang
pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Mga Halimbawa ng Etnolek:
 Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing
panahon ng tag-init at tag-ulan
 Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
 Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain
Province
 Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang
mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda,
malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Mga Halimbawa ng Ekolek:
 Palikuran – banyo o kubeta
 Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
 Pamingganan – lalagyan ng plato
 Pappy – ama/tatay
 Mumsy – nanay/ina

Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang


“nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal
na nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang
ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang
wika lamang.
Mga Halimbawa ng Pigdin:
 Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
 Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
 Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
 Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko. Bibigyan kita
ng diskawnt.)
 Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang mataas ang
iyong grado.)

Creole  – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng


indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng
partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang
Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at
Espanyol (ang Annobonese).
Mga Halimbawa ng Creole:
 Mi nombre – Ang pangalan ko
 Di donde lugar to? – Taga saan ka?
 Buenas dias – Magandang umaga
 Buenas tardes – magandang hapon
 Buenas noches – Magandang gabi

Register  – minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang espisyalisadong


ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong
gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Mga Halimbawa ng Register:
 Mga salitang jejemon
 Mga salitang binabaliktad
 Mga salitang ginagamit sa teks
 Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doctor.

D. Rehistro ng wika sa iba-t ibang larangan

Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mga salitang sa


biglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang pagkakagamit dahil sa kahulugang
taglay nito. Dapat nating tandaan na maraming salita ang nagkakaiba-iba ng kahulugan ayon
sa larangang pinaggamitan. Natutukoy lamang ang kahulugan nito kung malalaman ang
iarangang pinaggamitan nito. ito ang bnatawag na register ng wika.
Pansinin ang pagbibigay-kahulugan sa salitang register. 
 isang opisyal na listahan ng mga pangalan, kapanganakan, pagpapakasal,
kamatayan
 isang listahan ng mga bisita sa isang hotel (turismo)
 pagpapatala ng isang sulat sa post office (komunikasyon)
 pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika)
 pagpasok ng mga mensahe sa utak/pagtanda o pag-alala sa natutuhan (sikolohiya)
Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginamit upang hindi ipa gkamal i ang
kahulugan ng salita at maging madali ang pag-unawa rito. May mga akronim tayo tulad ng CA
na ang kahulugan sa medisina ay cancer, calcium sa nutrisyon, Communication Arts sa
Komunikasyon at Civil Aeronautics sa kursong Aeronautics, Chartered Accountant, Chief
Accountant sa Accounting, Chronological Age, Coast Artillery, at Consular Agent.
Samantala, ang withdrawal ay maaaring mangahulugang pag-atras o pagsuko sa larangan ng
military, pagkuha ng salapi sa bangko (banking), pagpapalabas ng semilya upang hindi
makapasok sa kaangkinan ng babae (science), pagtigil o Dagpigil sa bagay na gustong sabihin
o gawin (komunikasyon).

Salita Larangan Kahulugan

komposisyon (composition) musika piyesa o awit

lengguwahe sulatin

agham pinagsama-samang elemento

isyu (issue) politika usaping pampolitika/panlipunan

pamamahayag bilang ng labas ng pahayagan

general military mataas na ranggo

lengguwahe pangkalahatan

race sociology lahi, angkan, lipi

lengguwahe pangkalahatan

agham pinagsama-samang elemento

stress psychology tensiyon

lengguwahe diin, tuldik

strike sports nasapol, termino sa bowling

paggawa welga

lengguwahe hambalusin, hampasin

state politika bansa, estado

komunikasyon sabihin, ipahayag

psychology kalagayan, kondisyon

operasyon medisina pagtistis

paggawa pagpapalakad ng makina/ opisina

militar pagsasagawa ng isang plano


Salita Larangan Kahulugan

hardware teknolohiya kagamitang pangkompyuter sa loob ng CPU

tindahan ng mga gamit para sa pagtatayo ng


kalakalan
bahay

authority literatura dalubhasa dahil sa sariling likha

militar taong may katungkulan

tao o pangkat na may karapatan o


psychology
kapangyarihan

E. Homogenous at Heterogenous

Heterogenous - Dahil sa masusing pag-aaral at pananaliksik tungkol sa sosyolohikal at


linggwistika, nabuo ang teorya ng sosyolinggwistik. Ito ang naging batayan ng mga
linggwistiko para magkaroon ng heterogeneous na wika. Ang heterogeneous ay isang pang-
uri na salita. Mula sa salitang heterous (magkaiba) at genos (uri/lahi) nabuo ang
heterogeneous.
Dahil sa pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo ng tao, ayon sa lipunan na kanyang
ginagalawan, antas ng pamumuhay, edad, lebel ng edukasyon na natamasa at interes sa
buhay, nagkaroon ng ibat-ibang barayti ang ating wika. Una ay ang permanenteng barayti
kung saan ay nakasama dito ang mga idyolek at dayalektong uri ng wika.
Ito ay ang mga uri ng wikang karaniwang ginagamit sa pakikipag-interaksyon sa araw-araw.
Bawat rehiyon o lugar ay may partikular na dayalektong ginagamit.
Maihahanay din sa Heterogenous ang mga salitang di pormal at mga naimbento lamang
ng mga ibat- ibang grupo sa ating lipunan. Ito ay mga salitang ginagamit sa iba’t-ibang
pamamaraan at istilo pero ang kahulugan ay iisa din lamang. Andiyan ang mga salitang
nabuo sa mga kalye o mga pabalbal na uri ng mga salita.
Gaya ng tinatawag na gay linggo o salita ng mga bakla, ang tawag nila sa ama nila ay fudra o
fader, mudra, maderaka o mama naman sa kanilang ina. Magkakaibang bansag,
magkakaibang baybay, magkakaibang tunog ngunit iisa rin ang ibig sabihin, ina at ama.
Homogenous- Sa paglipas ng panahon maraming uri ng salita ang nabuo at patuloy
na ginagamit ng mga tao ngayon. May mga salitang ibat-iba ang baybay, ngunit sa
pangkalahatan ay iisa lamang ang tinutumbok na kahulugan. Ito ang uri ng mga wika na kung
tawagin ay “Homogeneous”. Mula sa isang pang-uri na salita na ang ibig sabihin ay pare-
pareho o pagkakatulad.
Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng pagbabaybay at
intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.

F. Linguwistikong Komunidad

Ang lingguwistikong komunidad ay isang termino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy


sa isang grupong ng mga taong gumagamit sa iisang uri ng barayiti ng wika at
nagkakaunawaan sa mga ispesipiko o tukoy na patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng
wika.
Sa paglipas ng iba’t-ibang salik lahi at sa pagsibol naman ng mga makabagong
henerasyon, tayo ay nagkaroon ng maraming barayti at baryasyon ng wikang Pilipino.
Linggwistikong komunidad ang tawag sa sa mga wikang ito.
Sa isang komunidad ay may sari-saring uri ng indibidwal na nakatira. Bawat tao o grupo
ng tao ay may kanya-kanyang dayalekto na ginagamit. May mga gumagamit ng mga
katutubong salita, depende sa lugar na kanilang pinanggalingan.
Halimbaw nito ay ang Tagalog ng mga taga-Batangas. Kasama rin sa pag-aaral ng
lingguwistikong komunidad ay ang pagpapalawak at pagpapaunlad ng wikang ginagamit dahil
sa mass media, paaralan, at ang makabagong teknolohiya.

G. Bilingwalismo at Multilinguwalismo

Bilingwalismo -Sa ating araw-araw na pakikisalamuha sa ating kapwa, tayo ay


natututo ng iba pang uri ng wika o salita. Ayon sa mga pag-aaral, ang bawat indibidwal ay
may isa o dalawang lenggwahe na natutunan o nadedebelop. Ito ang kanilang nagiging gabay
at sandata upang masigurado ang isang maayos na pakikipagtalastasan sa loob o labas man
ng ating bansa.
Ang bilinggwalismo ay ang paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika. Mula sa
partikular na rehiyon o probinsiya na ating kinabibilangan tayo ay may sariling dayalektong
ginagamit sa loob ng ating tahanan.
Pagtungtong naman natin sa paaralan ay may mga wikang tinturo ang ating mga guro tulad
na lamang ng Ingles. Mga wikang natutunan at nadedebelop nating gamitin sa pakikipag-usap
natin sa ating mga kaeskwela at mga guro.
Halimbawa:
Sa asignatura ng mga primarya at sekondaryang Antas ng mga
mag- aaral, isinabatas ng gobyerno ang paggamit ng Billingwal na Patakaran ng Edukasyon o
ang BPE. Ingles at Pilipino ang pangunahing wika na ginagamit, ngunit may mga bago na ring
kurikulum na kung saan ang mga texto ng mgaaklat at iba pang uri ng babasahin ay nilimbag
na gamit ang bilinggwalismo na uri ng wika.

Multilinguwalismo- Hango sa salitang ingles na “multi” na ang kahulugan ay marami at


salitang lenggwahe na ang ibig sabihin ay salita o wika. Sa kabuuan ang multilinggwalismo ay
“maraming salita o wika”.
Ang wikang Pilipino ay binubuo ng maraming wika. Mula sa ating wikang pambansang gamit,
may mga nabuo pang salita hango sa ating mga kasalong wika.
Halimbawa:
Ang mga halimbawa nito ay ang paggamit ng wikang Kapampangan ng mga taga
Pampanga, Tarlac at Bataan, Ilocano naman sa mga rehiyon ng Ilocos at ilang bayan ng
Pangasinan at Nueva Ecija.
Sa sektor ng edukasyon, ay nagkaroon din ng patakaran ng paggamit ng multilinggwilismo. Sa
katunayan ay kasalukuyang ipinatutupad ng kagawaran ang pagdagdag sa paggamit ng
“Mother Tongue”o Inang Wika sa sistema ng asignatura ng mga elementarya sa mga
pampublikong paaralan.

H. Antas ng wikang Filpino

Ang tao ay nilalang na may pinakamataas na antas ng kaanyuang pisikal at intelektwal.


Dahil dito tayo rin ay nabiyayaang ng kakayahan na makapag-pahiwatig ng ating mga saloobin
gamit ang sari-saring uri ng wika.
Wika na daan sa pagkakaisa, pakikisalamuha, pakikipagtalastasan at higit sa lahat, paglilinang
ng katalinuhan ng buong sangkatauhan.
Ang bawat indibidwal ay nabibilang sa iba’t-ibang uri ng antas sa lipunang kanyang
ginagalawan. Tandaan na walang parehong indibidwal ang mayroong eksakto o parehong uri
o istilo ng pananalita. Nababatay ang pagkakaiba sa antas sa mga sumusunod na aspeto:

1. Katayuan o estado sa buhay


2. Edad
3. Kasarian
4. Grupo o pangkat etniko na kanyang kinabibilangan
5. Antas ng natapos
6. Kasalukuyang propesyon
7. Pagiging dayuhan o local

 LIMANG ANTAS NG WIKA


o Balbal- Ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ngmga salitang kanto na
sumusulpot sa kapaligiran / ginagamit salansangan.
o Kolokyal- Ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya ng
tinatanggap sa lipunan. Ang mga ganitong salita ay natural na phenomenon ng
pagpapaikli ng mga salita upang mapabilis ang daloyng komunikasyon.
o Lalawiganin- Kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan.
o Pambansa -Salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Ito ay
isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkakilanlan ng isang lahi o
bansa. Ang mga salitang itoginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong
pangmadla. Ito rinang wikang ginagamit sa paarala at sa pamahalaan
o Pampanitikan- Ito ang antas na may pinakamayamanguri. Madalas ito ay ginagamitan
ng mga salitang may ibapang kahulugan. Idyoma, eskima, tayutay, at iba't ibangtono,
tema, at punto ay ginagamit sa pampanitikan.

YUNIT II: LINGGUWISTIKANG PANG-ANTROPOLOHIYA

A. Lingguwistikang Pang-antropolohiya
Ang lingguwistikang pang-antropolohiya o lingguwistikang antropolohikal (Ingles:
anthropological linguistics) ay ang pag-aaral ng ugnayan na nasa pagitan ng wika at kultura at
ang ugnayan sa pagitan ng biyolohiyang pantao, pagtalos at wika. Malakas nitong
napapatungan ang larangan ng antropolohiyang lingguwistika, na sangay ng antropolohiya na
nagsasagawa ng pag-aaral ng mga tao sa pamamagitan ng mga wikang ginagamit nila.
Anumang ang maging tawag sa larangang ito, ang larangan ay nagkaroon ng isang malaking
impluwensiya sa mga pag-aaral ng mga pook na katulad ng persepsiyong biswal (natatangi na
ang sa kulay) at demokrasyang biyorehiyonal, na kapwa nakatuon sa pagkakaiba na nagawa
sa mga wika hinggil sa pag-unawa ng mga kapaligiran.
May apat na sanga ng antropolihiya:

A. Antropolohiyang Panlipunan (Ingles: Sociocultural Anthropology)


 Ito ay binubuo ng mga prinsipyo ng antropolohiyang kultural at antropolohiyang
sosyal.
 Ang sangang kultural ay ang araling pahambing ng mga sari-saring daanan kung
saan ang mga tao ay gumagawa ng sentido sa mundo.
 Sa sangang lipunan naman, ito ay kaakibat sa araling panlipunan at kasaysayan.
B. Antropolohiyang Byolohiko (Ingles: Biological Anthropology)
 Kilala rin bilang Antropolohiyang Pisikal, ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng tao at
ang kanilang mga ninuno sa kanilang byolohikong, ebolusyonal, at demograpiyang
mga sukat
C. Antropolohiyang Arkheolohiko(Ingles: Archeology)
 Ito naman ay ang pag-aaral nga mga tao sa kasaysayan gamit ang mga naiwan
nila sa mundo tulad ng mga artepekto, mga labi ng hayop, at mga lpaing ginawa ng
mga tao na ginagamit bilang ebidensya ng ano ang kabuhayan at kultura nila noon.
D. Antropolohiyang Linggwistika (Ingles: Linguistic Anthropology)
 Ito naman ay ang pag-iintindi ang proseso ng komunikasyon ng tao, ang berbal
at hindi berbal, at ang baryasyon ng wika sa kasaysayan ng mundo.

Mga Sabkategorya
1. Etimolohiya - Ang etimolohiya ay galing sa salitang Griyego na “Etumologia”. Ang kahuluagn
ng salitang ito ay “may kahulugan”. Bukod dito, ang etimolohiya ay isang pag-aaral na ang
layunin ay malaman ang kasaysayan ng isang salita.

Dito natin makikita kung saan at paano nagsimula ang isang salita. Malalaman rin natin gamit
ang etimolohiya kung paano nagbago at nag-iba ng anyo ang etimolohiya sa paglipas ng
panahon. Dito ay naliliwanagan at nabibigyan ng kahulugan ang bawat salita. Kaya kung may
nais kang malaman tungkol sa isang salita ay kailangan mong hanapin ang etimolohiya nito.

Halimbawa:
Silya – nagmula ito sa salitang Kastila na “silla” 
Kosmolohiya – nagmula ito sa salitang Ingles na “cosmology”, na hinango naman sa
salitang Griyego na “kosmos” (universe) at “logia” (study).
Flower (bulaklak) ay mula sa wikang Latin
 Latin – flor/flos
 Old French – flor/flour
 Middle English – flour
 Modern English – flower
Salamangkero – galing sa Espanyol na “salamanca”. Ito’y naglalarawan sa isang lugar sa
Espanya na kadalasan ay kuweba sa mga burol, kung saan laganap ang pagtuturo ng mahika
o salamangka.
2. Leksikolohiya- Ang tulad ng mismong pangalan ng agham na ito ay nagpapahiwatig, ay
ang salitang (Greek leksis, leksicos - salita, expression; logo - pagtuturo). Sa gayon, sinusuri
ng leksikolohiya ang pagbuo ng bokabularyo (leksikal) ng wika sa iba't ibang aspeto.
Nakaugalian na makilala pangkalahatanat pribadoleksikolohiya. Ang una, na tinawag sa Ingles
na pangkalahatang leksikolohiya, ay isang seksyon ng pangkalahatang lingguwistika na pinag-
aaralan ang bokabularyo ng anumang wika, na tumutukoy sa mga leksikal na unibersal. Ang
pribadong leksikolohiya (espesyal na leksikolohiya) ay nakikipag-usap sa pag-aaral ng mga
isyu na nauugnay sa bokabularyo ng isa, sa aming kaso, Ingles, wika. Kaya, ang
pangkalahatang leksikolohiya ay maaaring isaalang-alang, halimbawa, ang mga prinsipyo ng
magkasingkahulugan o magkasunod na relasyon sa isang wika, habang ang pribadong
leksikolohiya ay haharapin ang mga kakaibang katangian ng mga kasingkahulugan ng Ingles
o mga antonim.
Ang leksikolohiya ay nakikibahagi sa paghahambing ng mga phenomena ng leksikal ng isang
wika sa mga katotohanan ng iba o iba pang mga pahambing,o magkasalungat(magkakaibang
lexicology). Ang layunin ng naturang mga pag-aaral ay upang subaybayan ang mga landas ng
intersection o pagkakaiba ng mga lexical phenomena na likas sa mga wikang pinili para sa
paghahambing.
3. Linggwistikang Historikal (Historical linguistics)
 Kauna-unahang disiplina sa linggwistika.
 Ito ay naglalayong magpatotoo na ang mga wika sa daigdig ay nagmula sa iba’t-ibang
disiplina.
 Naging matagumpay ito kaya’t noong 1970 ay masasabing napangkat na halos ang
lahat ng wika sa daigdig.

4. Pagsasalin - Ang Pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe sa,
kalapit na katumbas na diwa na gamit ang ibang wika ayon kay (Griarte, 2014).” “Ang
Pagsasalin ay paglalahad sa tumatanggap ng wika ng pinakamalapit na natural na katumbas
ng mensahe ng simulang wika, Una ay sa kahulugan at Pangalawa ay sa estilo ayon kay
(Eugene Nida, 1964).
Sa pagsasaling wika dapat isinasaalang-alang ang diwa o konteskto at ang balarila o gramatika
ng dalawang wika. Dapat isinasaalang-alang din ang pamamaraan ng pagsulat o estilo upang
hindi mabago ang diwa ng tekstong isasalin. Kadalasan nagiging kamalian sa pagsasalin, ang
pagsasalin ng salita-sa-bawat-salita sapagkat ang pagsasalin sa ganitong paraan ay maaring
hindi mabigyang pansin ang diwa, estilo at balarila. Dapat maging maingat sa pagsasalin
upang mapanatili ang diwa ng orihinal ng teksto.

Ang pagsasalin ay paglilipat ng isang akda sa pinakamalapit na diwa mula sa simulaang


lengguwahe (source text) patungo sa tunguhang lengguwahe (target text). Ang tagasalin ay
nararapat na may kaalaman sa simulaang lengguwahe at mas may sapat na kaalaman sa
tunguhang lengguwahe upang maayos na maisalin ang teksto.

5. Palaugnayan - Ang sangay ng balarila na tumatalakay sa masistemang pagkakaayus-ayos


ng mga salita sa pagbuo ng mga parirala at pangungusap.  Ito ang pag-aaral ng mga
prinsipyo at mga patakaran sa pagbubuo ng mga pangungusap sa loob ng likas na mga wika.
Maaari ring tumukoy ang salitang palaugnayan sa mismong mga batas o patakaran, katulad
ng "palaugnayan ng isang wika.

6. Ponetika- agham ng wika na nag- aaral sa tamang pagbigkas ng mga salita at


tumatalakay kung paano nagsasalita ang isang tao.

7. Sosyolingguwistika- ay tumutukoy sa kakayahang gamitin ang wika tumutukoy sa


kakayahang gamitin ang wika na may naaangkop na panlipunang kahulugan base sa
sitwasyong pangkomunikasyon. Ito ang paggamit ng wika batay sa kung sino ang kinakausap
ng isang tao. Nababago ang pakikipagkomunikasyon kung ang kinakausap ay nakatatanda,
kaibigan, o pamilya.

8. Terminolohiya- Isang listahan ng mga termino para sa paghahanap na ginamit ng


marami-raming tao bago makita ang iyong ad. Gamitin ang ulat na ito para pinuhin ang iyong
mga salita para ang mga tamang paghahanap lang ang malita sa iyong hinahanap na salita.

9. Ponolohiya- maka-agham na pag-aaral ng mga ponema.

You might also like