Compilation AP8 Q4 Weeks5to8

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 68

8

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 5 to 8
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
8
Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 4:
Mga Ideolohiyang Politikal
at Ekonomiko

1
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Mga Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Raymart B. Guinto
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Salvador B. Lozano
Madonna R. Estacio / Alma G. Pineda
Tagasuri ng Wika: Neil Omar B. Gamos / Madonna R. Estacio
Tagasuri ng ADM Format: Raymart B. Guinto
Tagasuri ng Paglapat
at Pagguhit: Jeremy Daos / Jay Ahr Sison
Tagaguhit: Neil Omar B. Gamos / Rona DC. Dionisio
Tagalapat: Reynaldo B. Pacleta
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Marie Ann C. Ligsay PhD
Fatima M. Punongbayan
Salvador B. Lozano
Arnelia R. Trajano PhD
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Rehiyon III
Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: [email protected]

2
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan upang


higit mong maunawaan ang patungkol sa mga pangunahing Ideolohiyang Politikal
at Ekonomiko na lumaganap sa daigdig. Ito ay nakabatay sa most essential learning
competencies (MELCs) AP8AKD-IVi-9 sa Araling Panlipunan Baitang 8.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong paksang aralin:


• Paksa 1 – Ang Kahulugan ng Ideolohiya
• Paksa 2 – Mga Ideolohiyang Politikal
• Paksa 3 – Mga Ideolohiyang Pangkabuhayan

Sa pagtatapos ng modyul na ito, malilinang ang iyong kasanayan sa mga


sumusunod:
1. nasusuri ang epekto ng mga ideolohiya sa pamamahala ng mga bansa;
2. napaghahambing ang iba’t ibang ideolohiya; at
3. napahahalagahan ang mga ideolohiyang angkop sa sariling paniniwala na
tumutugon sa sistemang politikal at ekonomiko ng bansa.

Mga Tala para sa Guro


Maraming pagbabago ang naganap sa kasaysayan ng daigdig sa
aspektong politikal, ekonomiko, at panlipunan. Mahalaga ang naging
gampanin ng mga ideolohiya sa mga pagbabagong ito.

Sa modyul na ito ay matutunghayan natin ang katangian ng


ideolohiya at kung papaano ito naging salik sa mga pagbabagong
naganap sa kasaysayan ng daigdig. Gumamit ng mapa sa araling ito
upang makita natin kung papaano lumaganap ang iba’t ibang
ideolohiya sa daigdig.

3
Subukin

Magsanay Tayo!
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin kung anong
ideolohiya ang inilalarawan nito. Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob
ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

a. Demokrasya/Kapitalismo
b. Komunismo/Sosyalismo
c. Awtoritaryanismo/Totalitaryanismo

________ 1. Sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksiyon at distribusyon


ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal.

________ 2. Naglalayong makamit ang perpektong lipunan sa pamamagitan ng


pantay na distribusyon ng produksiyon ng bansa, pagtutulungan, at
paghawak ng pamahalaan sa mahalagang industriya.

________ 3. Layunin nito ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ng tao sa


lipunan.

________ 4. Ang kapangyarihan at pamahalaan ay nasa kamay lamang ng iilang tao.

________ 5. Sa sistemang ito, ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng


mga tao at karaniwang pinipili ang mga pinuno sa pamamagitanng isang
halalan.

________ 6. Ang pamahalaang ito ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador


o grupo ng mga taong makapangyarihan.

________ 7. Ideolohiyang nilinang ni Karl Marx na ang layunin ay ilagay sa


pamahalaan ang pagmamay-ari ng produksiyon.

________ 8. Ayon kay Vladimir Lenin, ang dahas at pananakop ay kailangan upang
maitatag ang diktadurya ng manggagawa.

________ 9. Ang pamahalaang ito ay kahalintulad ng pamumuno ni Hitler sa


Alemanya.

________ 10. Ang pamahalaang ito ay pinairal sa bansang Italy ni Mussolini.

________ 11. Nagmula sa salitang komun na ang ibig sabihin ay pantay-pantay o


walang uri na nakahihigit sa kapwa tao.

4
________ 12. Ang pribadong sektor ang gumagawa ng desisyon ayon sa idinidikta ng
pamilihan na tinatawag ding ito bilang free enterprise o free market
system.

________ 13. Binibigyang-diin ang kooperasyon sa halip na kompetisyon para sa


perpektong lipunan.

________ 14. Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa


kamay rin ng isang grupo o ng diktador. Nasa kamay ng pamahalaan
ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng bansa, at mga industriya.

________ 15. Ang pamumuno ng isang diktador ay naaayon sa konstitusyon o


saligang batas.

Mahusay! Natapos mo na ang panimulang pagtataya. Maaari na nating


simulan ang mga paksang aralin. Para lubos mong maunawaan ang mga
katanungan na hindi mo nasagot mula sa panimulang pagtataya ating itong
lilinangin sa mga tekstong iyong babasahin.

Aralin
Mga Ideolohiyang Politikal
1 at Ekonomiko

Ang daigdig sa makabagong


panahon ay naglalayon ng malaking
impluwensiya ng mga ideolohiya,
bunga ito nang iba’t ibang pananaw at
sistema na umiiral sa mga bansa. Ito
ang nagdikta kung anong uri ng
pamahalaan at sistemang pang-
ekonomikong patakaran ang paiiralin
ng isang bansa.

Mahalagang Tanong:

Paano hinubog ng mga ideolohiyang politikal at ekonomiko ang kasaysayan


ng daigdig?

5
Balikan

Ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isa sa mga mahahalagang


kaganapan na siyang puminsala sa maraming mga bansa. Pagkatapos nito ay
pinagsumikapan ng mga bansa na makamit ang Kapayapaang Pandaigdig. Sa
pagkamit ng kapayapaang pandaigdig, nilayon nito ang seguridad at bigyang
solusyon ang mga alitan ng mga bansa.

Panuto: Upang masubukan natin ang iyong kakayahan, suriin ang mga
pangungusap sa ibaba at isulat sa patlang ang TAMA kung nagbibigay ito
ng tamang impormasyon at HINDI kung mali ang ibinibigay na
impormasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

__________1. Bunga ng Kumperensiya sa Yalta, itinatag noong ika-24 ng Oktubre


1945 ang United Nations na naglalayong protektahan ang mga kasapi
nito mula sa agresyon at panatilihin ang kapayapaan.

__________2. Ang United Nations ay nagpahayag ng Proklamasyon ng Pandaigdigang


Pahayag ng Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights)
noong ika-10 ng Disyembre 1948.

__________3. Ninais ng United Nations na matamo ang pagkakaisa sa paglutas ng


mga suliraning internasyonal gaya ng pangkabuhayan, sosyal, kultural,
at sa pagtataguyod ng paggalang sa karapatang pantao.

__________4. Noong Pebrero 1945, ang tinaguriang “Big Three” na sina Pangulong
Roosevelt, Punong Ministro Churchill, at Premier Stalin ay sumang-ayon
sa planong Dumbarton Oaks na bubuo ng Saligang Batas para sa United
Nations.

__________5. Nabigyang solusyon ng United Nations ang tumitinding suliranin sa


terorismo na nakababahala sa daigdig.

Tuklasin

Halina’t ating pag-aralan ang iba’t ibang ideolohiyang umiral sa daigdig.


Inaasahang magbibigay ka ng iyong sariling pananaw tungkol sa mga isyung ito.
Inaasahan ding ang aral na mapupulot mo rito ay magiging gabay mo upang masagot
ang katanungang paano nakaapekto ang iba’t ibang ideolohiya sa kaunlaran ng mga
bansang papaunlad pa lamang.

6
Suring Larawan:
Panuto: Pag-aralang mabuti ang kasunod na larawan at subuking sagutin sa
sagutang papel ang katanungan sa loob ng talahanayan.

Mga Tanong Sagot


1. Ano ang kahulugan at
kapansin-pansin sa larawan?
2. Anong bansa sa iyong palagay
ang gumamit ng ganitong
representasyon ng kanilang
paniniwala?
3. Sa iyong palagay bakit
nagkaroon ng tunggalian ang
dalawang makapangyarihang
bansa?

Marahil ay may tanong na naglalaro sa iyong isipan tungkol sa iba’t ibang


paniniwala o prinsipyo ng mga bansa. Halina’t basahin ang teksto at suriin ang
talahanayan tungkol sa iba’t ibang ideolohiya.

Suriin

Ang Kahulugan ng Ideolohiya


Ang ideolohiya ay mula sa salitang ideya o kaisipan na maaaring magdikta sa
isang uri ng pamamahalang politikal o sistemang pang-ekonomiko. Mula sa mga
kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa isang uri ng pamamaraan ng
pamamahala na siyang iiral sa isang partikular na bansa.

7
Ito rin ang magiging batayan ng mga tao upang
sumunod sa itinatakda ng ideolohiyang niyakap ng
isang bansa.

May iba’t ibang ideolohiyang sinusunod ang


mga bansa. Ipinapahayag ng mga ito ang mataas
na uring pagpapahalaga at mga kasagutan sa mga
suliranin at pangangailangan ng mga
mamamayan. Naaayon din ang mga ito sa kultura
at kasaysayan ng bansa. Si Destutt de Tracy ang
nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling
pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya.

Sa modyul na ito, aalamin natin ang mga ideolohiyang lumaganap sa daigdig.

Mga iba’t ibang kategorya ng Ideolohiya


Ideolohiyang Ideolohiyang Ideolohiyang
Pangkabuhayan – Pampolitika – Panlipunan –

Ito ay isang Ito ay isang uri ng Ito ay tumutukoy sa


patakarang pang- paraan ng pamumuno at pagkakapantay-pantay
ekonomiya ng bansa at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa
paraan ng paghahati ng ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba
mga kayamanan para sa pamamahala. Ito ay mga pang pangunahing aspeto
mga mamamayan. pangunahing prinsipyong ng pamumuhay ng mga
Nakapaloob dito ang mga politikal at batayan ng mamamayan.
karapatang kapangyarihang politikal.
makapagnegosyo, Karapatan ng bawat
mamasukan, mamamayan na bumuo
makapagtayo ng unyon, at magpahayag ng
at magwelga kung hindi opinyon at saloobin.
magkasundo ang
kapitalista at mga
manggagawa.

Iba’t ibang uri ng Ideolohiya Halimbawang Bansa

1. Kapitalismo – Ito ay isang uri ng sistema na ang USA


mga tao ay may karapatang magmay-ari ng ari- Singapore
arian at magtatag ng sariling kabuhayan. Batay Philippines
ito sa doktrinang laissez-faire ni Adam Smith na Germany
tumutukoy sa hindi pakikialam ng pamahalaan Canada
sa takbo ng ekonomiya. Ito ay nakapaloob sa free France
enterprise o free market.

8
2. Demokrasya – Hango sa salitang Griyego –
Switzerland
“demos” at “kratia” na ibig sabihin ay mga “tao”
Philippines
at “pamamahala.” May dalawang anyo ng
USA
demokrasya, ang tuwiran at ‘di tuwiran. Sa
Argentina
tuwiran, direktang ibinoboto ng mga tao ang
Bolivia
gusto nilang pinuno ng batas. Sa di-tuwiran,
Brazil
inihahalal ng mga kinatawan (representative) ng
Colombia
mga mamamayan ang mamumuno para sa
Chile
pamahalaan.

3. Awtoritaryanismo – Isang uri ito ng


pamahalaan na kung saan ang namumuno ay
may lubos na kapangyarihan. Makikita ito sa
pamahalaan ng Iran, kung saan ang namumuno
ay siya ring puno ng relihiyon ng estado, ang
Islam. May napakalawak na kapangyarihan na
sinusunod ng mga mamamayan ang Iran
namumuno. Mayroon ding tinatawag na Azerbaijan
konstitusyonal na awtoritayanismo kung saan Bahrain
ang kapangyarihan ng namumuno ay itinakda Syria
ng Saligang Batas. Ito ang tawag ng dating Hungary
Pangulong Marcos sa kaniyang pamamahala sa
ilalim ng Batas Militar noong 1972 hanggang
magwakas ang Batas Militar noong 1981 at siya
ay napatalsik bilang pangulo noong ika-25 ng
Pebrero 1986.

4. Totalitaryanismo – Ang pamahalaang


totalitaryan ay karaniwang pinamumunuan ng
isang diktador o grupo ng taong
makapangyarihan. Sa ilalim ng ganitong
pamahalaan, may ideolohiyang pinaniniwalaan China
at may partidong nagpapatupad nito. Limitado USSR
ang Karapatan ng mga mamamayan sa North Korea
malayang pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa Myanmar
pamahalaan. Cambodia
Pati ang pagpapahayag ng relihiyon ay hindi Afghanistan
lubusang sinasang-ayunan, ngunit hindi rin
nman tahasang ipinagbabawal. Lahat ng
desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan
ay nasa kamay rin ng isang grupo o ng diktador.

5. Komunismo – Ayon sa ideolohiyang ito, walang USSR


uri ang mga tao sa lipunan, pantay-pantay ang China
lahat, walang mayaman at walang mahirap. North Korea

9
Tatanggap ang lahat ng tao ng yaman batay sa Vietnam
kanilang pangangailangan. Pag-aari ng mga Cuba
mamamayan at ng estado ang produksyon na Bulgaria
inilalabas sa mga pagawaan at lahat ng negosyo Yugoslavia
sa bansa. Czech Republic

6. Sosyalismo – Isang doktrina o sistema na


nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na
kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay
nasa kamay ng isang pangkat ng tao. Ang China
pangkat nito ang nagtatakda sa pagmamay-ari Denmark
at pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo Finland
ng produksiyon. Ang mga industriya at lahat ng Netherlands
mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng Canada
mga mamamayan ay nasa kamay rin ng Sweden
pamahalaan. Hangad ng sosyalismo ang Norway
pagkakamit ng perpektong lipunan sa Ireland
pamamagitan ng pantay na distribusyon ng New Zealand
produksiyon ng bansa. Binibigyang diin nito ang Belgium
pagtutulungan habang ang mahahalagang
industriya ay pag-aari ng pamahalaan. Ito rin ay
may katangiang naaayon sa kapitalismo at
komunismo.

Mga Puwersang Pangkabuhayan sa Politika ng Bansa


1. Ang Pagsilang ng Komunismo sa Russia – Nag-ugat ang ideolohiyang
komunismo sa Russia noong panahon ng mga Czar – tawag sa pinuno. Ayon
sa nasusulat sa kasaysayan, ang Russia sa ilalim ng Czar ay naging
makapangyarihan subalit ang mga namumuno ay naging despotic – ito’y isang
anyo ng pamumuno ng solong entidad at ganap ang kapangyarihan. Ilan sa
mga naging kaguluhang ito ay ang politikal, pangkabuhayan, at sosyal.

Sa paglaganap ng Komunismo, narito ang mga prinsipyong kanilang


pinaniniwalaan:
a. Pagtatatag ng diktadurya ng mga manggagawa: Ang manggagawa ang
supremo ng pamahalaan;
b. Pangangasiwa ng pamahalaan sa sistema ng produksiyon at distribusyon
ng pag-aari.
c. Pagwawaksi sa kapitalismo;
d. Pagtatwa sa kapangyarihan ng Diyos at lubos na paghihiwalay ng estado
at ng simbahan; at
e. Pagsuporta, paghikayat at pagpapalaganap ng Kilusang Komunismo sa
buong daigdig.

10
2. Pagsilang ng Fascism sa Italy – narito ang mga kondisyong nagbigay daan sa
pasismo sa Italy. a. Nasyonalismo, b. Paghihirap sa Kabuhayan, at c.
Kahinaan ng Pamahalaan. Dahilan nito kung bakit niyakap ng Italy ang
pasismo na pinangunahan ni Benito Mussolini.
Mga prinsipyong sinunod ng Fascism ay ang mga sumusunod:
a. Gumagawa lamang ang tao sa kapakanan ng estado.
b. Ang demokrasya ay mahina at walang saysay at lakas ang
kinakailangang pangibabawin.
c. Lahat ng bibitiwang opinyon, pasalita man o pasulat, ay kailangang
naaayon sa pamahalaan.
d. Kinukontrol ang buong sistema ng edukasyon upang ang
mamamayan ay makapagsilbi sa estado at makatulong sa
paghahanda sa digmaan. Dinodominahan ng fascistang propaganda
ang mga paaralan.
e. Maingat na sinesensor ang lahat ng mga pahayagan at publikasyon.
f. Lahat ng uri ng libangan ay sinusuri ng pamahalaan.
g. Hindi kinikilala ang kalayaang sibil.
h. Binibigyan ng bonus ang malalaking pamilya.
i. Hindi binibigyang ng karapatang sosyal, politikal, at pangkabuhayan
ang mga babae.

3. Ang Nazi sa Germany – bilang isang ideolohiya, ang Nazism ay nangyari sa


Germany sa simula noong 1930 sa pangunguna ni Adolf Hitler. Isa sa
pinakamalupit na diktaduryang totalitaryan sa makabagong panahon. Ninais
makabawi sa kahihiyan ng Germany sa pagkatalo noong World War I sa
layuning ang Aleman ang siyang mamuno sa daigdig.

Mga Prinsipyo ng Nazismo na napapaloob sa akdang “Mein Kampf, Ang Aking


Labanan”, ni Adolf Hitler ay ang sumusunod:
a. Ang Kapangyarihang Racial
b. Anti-Semitism
c. Ang pagbuwag sa Treaty of Versailles
d. Pan-Germanism
e. Ang pagwawakas ng Demokrasya

Pagyamanin

Gawain 1: Tama Ba?


Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat ang TAMA kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng katotohanan at MALI kung hindi. Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel.

11
__________1. Ang laissez faire ay isang mahalagang konsepto ng kapitalismo.

__________2. Ang kalayaan sa pamamahayag at paggalang sa kalayaan ng tao ang


mahahalagang paniniwala ng Demokrasya.

__________3. Pinahihintulutan ng Demokrasya ang paggamit ng karahasan sa pag-


aayos ng lipunan.

__________4. Ayon kay Karl Marx, walang pag-uuri ng mga tao sa Komunismo.

__________5. Walang pagkakaiba ang sosyalismo at komunismo.

__________6. Sa kapitalismo pinaniniwalaang dapat pinangangasiwaan ng


pamahalaan ang ekonomiya.

__________7. Ang Totalitaryanismo at Awtoritaryanismo ay isang uri ng ideolohiya ng


pang-ekonomiko.

__________8. Isinusulong ng kapitalismo ang pagkakaroon ng malayang pamilihan.

__________9. Ang pagpili sa pinuno sa pamamagitan ng halalan ay isang uri ng


demokrasya.

__________10. Ang ideolohiya ay binubuo ng iba’t ibang kategorya tulad ng


pampolitika, at panlipunan.

Gawain 2: Sino Siya?


Panuto: Piliin sa kahon kung sino ang inilalarawan sa sumusunod na bilang. Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Siya ang may akda ng The Communist Manifesto.


________________________________________

2. Siya ang may-akda ng The Wealth of Nations.


________________________________________

3. Siya ang pinakamakapangyarihang pinuno ng Nazi at isinilang sa Austria at


maituturing na isang panatikong nasyonalista.
________________________________________
4. Siya ang tagapagtatag ng samahang Fascista, dating sosyalista at editor ng
pahayagan.
________________________________________
5. Siya ang itinuturing na Ama ng Komunistang Rusya.
________________________________________

Adolf Hitler Vladimir Lenin Benito Mussolini


Adam Smith Marx at Engels Owen at Fourier

12
Gawain 3: Paano natin pupunan?
Panuto: Kompletuhin ang sumusunod na diagram sa pamamagitan ng pagbibigay
ng deskripsyon kaugnay sa mga ideolohiyang politikal at ekonomiko.
Maaaring pumili ng mga salita sa loob ng kahon sa ibaba. Gawin ito sa
sagutang papel.

Kapitalismo Demokrasya Awtoritaryanismo

1. _________________ 4. _________________ 7. _________________


2. _________________ 5. _________________ 8. _________________
3. _________________ 6. _________________ 9. _________________

Totalitaryanismo Komunismo Sosyalismo

10. _________________ 13. _________________ 16. _________________


11. _________________ 14. _________________ 17. _________________
12. _________________ 15. _________________ 18. _________________

Mas Mahalaga ang


kalayaan sariling interes
Estado
Ang yaman ng tao ay
Hindi prayoridad ang
Perpektong Lipunan batay sa kanilang
pakikipagkalakalan
pangagailangan
Pribadong
Malayang kalakalan Paglikom ng kapital
pagmamay-ari
Limitado ang Karapatan
Kapalit ng kapitalismo karapatan at pagtutol sa
pamahalaan
Pantay-pantay ang
kompetisyon Diktador na Pinuno
lahat
Itinakda ng Batas ang
Kooperasyon sa halip
Mahigpit na Batas kapangyarihan ng
na kompetisyon
Pinuno

13
Gawain 4: Dapat bang Ihambing?
Panuto: Pumili ng tatlong ideolohiya mula sa sa ating tinlakay at gumawa ng
paghahambing gamit ang triple venn diagram. Gawin ito sa sagutang papel.

Pagkakaiba

Pagkakatulad

Pagkakaiba

Pagkakaiba

Gawain 5: Paano Bumuo ng Ideya?


Panuto: Gamit ang kasunod na ladder web, isulat sa sagutang papel ang
kahalagahang ginagampanan ng ideolohiya sa isang bansa.

Bakit mahalaga ang ideolohiya


sa isang bansa?

14
Gawain 6: Tama! Pupunan ko?
Panuto: Subukan natin ngayon ang iyong kaalaman sa paksang binasa. Punan ng
impormasyon ang kasunod na data retrieval chart.

Mga Ideolohiya Katangian Halimbawang Bansa

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iba-ibang uri ng ideolohiya sa daigdig?


2. Anong mga bansa ang nagtaguyod ng mga ideolohiyang ito?
3. Paano nagkakaiba ang kanilang patakaran at katangian?
4. Paano nakaapekto ang ideolohiya ng bansa sa pag-unlad ng
kabuhayan nito?
5. Sa mga ideolohiyang iyong nabasa, alin ang higit mong
pinaniniwalaan? Bakit?

15
Isaisip

Kung May Katwiran, Ipaglaban Mo!


Panuto: Sagutin ng Oo o Hindi ang mga sumusunod na tanong at pangatwiranan.
Pagkatapos ay sagutin ang tanong sa kahon bilang pagtatasa sa sarili.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Likas bang mabuti ang tao?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Mabuti ba o masama ang kapitalismo?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Dapat bang pangasiwaan ng pamahalaan ang mga salik ng produksiyon?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Alin ang higit na makabubuti para sa lipunan? Tradisyon o Pagbabago?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Sang-ayon ka ba sa pribadong pagmamay-ari?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6. Dapat bang magtaglay ang pamahalaan ng ganap na kapangyarihan?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ano ang iyong realisasyon tungkol sa sarili batay


sa iyong mga sagot sa mga tanong sa itaas?
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
______________________________________________
_____

16
Isagawa

Punan ng Salita
Panuto: Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Nagustuhan ko ang _______________ bilang sistema ng pamamahala dahil


_______________.
2. Ayaw ko ang _______________ dahil sa _______________.
3. Saludo ako kay _______________ dahil sa ______________.
4. Nais kong tularan si _______________ sa kaniyang _______________.
5. Hinangaan ko ang _______________ dahil _______________.
6. Karapatan kong _______________ ng pinuno para sa _______________.
7. Magiging _______________ para sa _______________ ng aking bansa.
8. Susunod ako _______________ dahil ito _______________.
9. Iiwasan kong _______________ dahil _______________.
10. Tutularan ko si _______________ dahil siya ay _______________.

Tayahin

A. Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang


letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Batay sa kaisipang komunismo, ang mga manggagawa ang siyang magiging
tagapamalakad ng pamahalaan at magbibigay-daan sa pagwawakas ng
_______.
A. Awtoritaryanismo C. Monarkiya
B. Kapitalismo D. Pasismo

2. Ang bawat bansa ay may sinusunod na ideolohiya. Alin sa sumusunod na


tambalan ang hindi magkatugma?
A. Demokrasya – South Korea C. Monarkiya – Britain
B. Komunismo – China D. Totalitaryanismo – Philippines

3. Alin sa sumusunod na kaisipan ang hindi kabilang sa prinsipyo ng


komunismo?
A. Ang mga manggagawa ang pinakamataas sa pamahalaan
B. Lubos ang paghihiwalay ng Simabahan at ng Estado
C. Pagpapalakas ng mga mangangalakal sa pribadong negosyo
D. Pagwawakas ng Kapitalismo

17
4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi tumutukoy sa katangian ni
Vladimir Lenin?
A. Naging unang pinuno ng Komunismo sa Russia
B. Nakilala sa kanyang panawagan na “Kapayapaan, Lupa, at
Tinapay”
C. Nakuha ang tiwala ng mga tao dahil sa pag-angkin ng pamahalaan
sa lahat ng pagawaan at industriya
D. Nagpatupad ng malawakang pagpapahirap sa pagpatay sa mga
Hudyo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

5. Ang lahat ng mga pinunong ito ay tumangkilik sa sosyalismo, maliban sa isa.


________
A. John Locke C. Karl Marx
B. Joseph Stalin D. Vladimir Lenin

6. Sinong pangulo ng Pilipinas ang namuno sa ilalim ng Batas Militar noong


1972?
A. Diosdado Macapagal C. Fidel Ramos
B. Ferdinand Marcos D. Joseph Estrada

B. Panuto: Hanapin sa kahon ang mga bansang nagtaguyod ng mga ideolohiya


na nasa talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Demokrasya/ Komunismo/ Awtoritaryanimso/


Kapitalismo Sosyalismo Totalitaryanismo

7._________________ 10._________________ 13. ________________

8._________________ 11._________________ 14._________________

9._________________ 12._________________ 15._________________

Afghanistan Antarctica Asia China

Cuba Europe Iran North Korea

Pilipinas Singapore Syria USA

18
Karagdagang Gawain

Mula sa ating modyul patungkol sa mga Ideolohiyang Politikal at


Ekonomiko, sumulat ng isang sanaysay patungkol sa iyong personal na
paniniwala na tumutugon sa sistemang politikal at ekonomiko ng bansa.
Itala ang iyong sagot sa isang papel.

Gabay na Tanong:

• Kung ikaw ay bibigyang pagkakataon na maging pinuno ng isang bansa,


anong ideolohiya ang iyong ipatutupad sa pagtugon sa suliranin tulad
ng pandemyang covid-19?

Rubrik para sa Pagsulat ng Sanaysay

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Nilalaman 20

Pagkamalikhain 15

Kaangkupan sa Tema 10

Kalinisan 5

KABUUANG PUNTOS 50

19
20
Pagyamanin Isaisip/Isagawa
Subukin
G1. 1.TAMA 6. MALI Ang sagot ay
nakadepende sa
1. A 6. C 11. B
2. TAMA 7. MALI pagkakaunawa ng bata
2. B 7. B 12. A 3. MALI 8. TAMA
4. TAMA 9. TAMA Tayahin
3. B 8. C 13. B
5. MALI 10. TAMA 1. B
4. C 9. C 14. C
2. D
G2. 1. Marx at Engels
5. A 10. C 15. C 3. C
2. Adam Smith 4. D
5. A
3. Adolf Hitler
6. B
Balikan 4. Benito Mussolini 7. Singapore
8. Philippines
5. Vladimir Lenin
1. TAMA 9. USA
2. TAMA G3. 1. Malayang Kalakalan 10. China
3. TAMA 11. Cuba
2. Paglikom ng Kapital
4. TAMA 12. North Korea
5. MALI 3. Kompetisyon 13. Afghanistan
14. Iran
4. Kalayaan
Tuklasin 15. Syria
Ang sagot ay 5. Karapatan
nakadepende sa 6. Pribadong Pagmamay-ari
pagkakaunawa ng bata
7. Mahigpit na Batas
8. Itinakda ng Batas ang
kapangyarihan ng Pinuno
9. Mas Mahalaga ang
Estado
10. Sariling Interes
11. Diktador na Pinuno
12. Limitado ang Karapatan
at pagtutol sa pamahalaan
13. Pantay-pantay ang lahat
14. Ang yaman ng tao ay
batay sa kanilang
pangangailangan
15. Hindi prayoridad ang
pakikipagkalakalan
16. Kooperasyon sa halip na
kompetisyon
17. Kapalit ng Kapitaslimo
18. Perpektong lipunan
G4-6
Ang sagot ay nakadepende
sa pagkakaunawa ng bata
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Blando, Rosemarie C. et al. Modyul ng Mag-aaral Kasaysayan ng Daigdig. Quezon


City, Philippines: Vibal Group, Inc., 2014.

K - 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10. Department of


Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/
2019/01/AP-CG.pdf.

Most Essential Learning Competencies (MELCs). Learning Resource Management


and Development System, 2020. http://lrmds.deped. gov.ph/pdfview/1827

Project EASE: Araling Panlipunan III – Kasaysayan ng Daigdig. Learning


Resource Management and Development System, 2014.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.
The Truth - Marx Lenin Stalin Mao. “91-914594_the-truth-marx-lenin-stalin-
mao.png”, https://www.pngkey.com/maxpic/u2q8t4u2y3i1t4u2/

Vivar, Teofista L. et al. Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon: Kasaysayan ng Daigdig.
Manila City, Philippines: SD Publication, Inc., 2000.

Wikimedia Commons. “Antoine-Louis-Claude_Destutt_de_Tracy.png”,


https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/c/cb/Antoine-Louis-
Claude_Destutt_de_Tracy.png

21
22
8
Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 5:
Ang Cold War at Neokolonyalismo

23
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Ang Cold War at Neokolonyalismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Raymart B. Guinto
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Salvador B. Lozano
Madonna R. Estacio / Alma G. Pineda
Tagasuri ng Wika: Neil Omar B. Gamos / Madonna R. Estacio
Tagasuri ng ADM Format: Raymart B. Guinto
Tagasuri ng Paglapat
at Pagguhit: Jeremy Daos / Jay Ahr Sison
Tagaguhit: Neil Omar B. Gamos / Rona DC. Dionisio
Tagalapat: Reynaldo B. Pacleta
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag PhD / Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD / Marie Ann C. Ligsay PhD
Fatima M. Punongbayan / Salvador B. Lozano
Arnelia R. Trajano PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando,
Pampanga
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]

24
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

25
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan upang


pagyamanin ang iyong kaalaman sa mga mahahalagang kaganapan sa panahon na
ang Daigdig ay nasa Gitna ng Cold War at Bagong Sigwa ng Kolonyalismo. Ito ay
nakabatay sa most essential learning competencies (MELCs) AP8AKD-IVi-10 sa
Araling Panlipunan Baitang 8.

Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na paksang aralin:


• Paksa 1 – Sanhi ng Cold War
• Paksa 2 – Mabuti at Di-Mabuting Epekto ng Cold War
• Paksa 3 – Uri ng Neokolonyalismo
• Paksa 4 – Epekto ng Neokolonyalismo

Sa pagtatapos ng modyul na ito, malilinang ang iyong kasanayan sa mga


sumusunod:
1. naipaliliwanag ang kahulugan ng Cold War at Neokolonyalismo;
2. natutukoy ang iba’t ibang anyo ng labanan noong Cold War at paraang
ginamit sa pagpapalaganap ng Neokolonyalismo; at
3. nasusuri ang mga dahilan ng pagwawakas ng Cold War at paraang ginamit
sa pagpapalaganap ng Neokolonyalismo.

Mga Tala para sa Guro


Sa yugto na ito ng kasaysayan mauunawaan natin ang mga
kaganapan sa daigdig ng sumiklab ang Cold War o tunggalian ng
makapangyarihang mga bansa at pagsibol ng Neokolonyalismo o isang
bagong uri ng pananakop sa mga papaunlad na bansa.
Gumamit ng mapa sa araling ito upang makita natin kung
papaano sumiklab ang Cold War at ang pagsibol ng Neokolonyalismo.

26
Subukin

Panuto: Upang masubok ang iyong kaalaman tungkol sa nilalaman ng modyul na


ito, sagutin ang panimulang pagtataya. Isulat ang letra ng wastong sagot
sa iyong sagutang papel. Bigyang pansin ang mga aytem na hindi mo
nasagot at subuking muling sagutan ang nasabing aytem habang
ginagamit ang modyul na ito.

1. Ang Cold War ay digmaan ng nagtutunggaling ideolohiya ng dalawang


makapangyarihang bansa o superpower. Anong dalawang bansa ang nakaranas
nito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Germany at France
B. Germany at Union of Soviet Socialist Republics
C. United States at France
D. United States at Union Soviet Socialist Republics

2. Malaki ang naging epekto ng Cold War sa ekonomiya ng mga bansa sa Asya at
mga Kanluraning bansa. Paano nagsimula ang Cold War?
A. Pagnanais ng Russia na sakupin ang United States
B. Tinanggihan ng Russia ang mga kalakal mula sa United States
C. Pangingibabaw ng ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa
D. Hindi pagbibigay ng pahintulot ng United States sa mga Russia
namakapasok sa kanilang bansa

3. Dahilan sa matinding kompetisyon ng United States at USSR ninais ng United


States na isaayos ang daigdig matapos ang WWII. Gumawa sila ng iba’t ibang
mga hakbang upang pigilan ang paglaganap ng ideolohiya ng USSR. Anong
ideolohiya ang nais ipalaganap ng USSR na nais pigilan ng United States?
A. Awtoritaryanismo C. Sosyalismo at Komunismo
B. Demokrasya at Kapitalismo D. Totalitaryanismo

4. Paano tiniyak ng United States ang pagbangon ng Kanlurang Europe bilang


kapanalig sa kanluran?
A. Capitalist Plan C. Planong Militarismo
B. Marshall Plan D. US Plan

5. Anong bansa sa silangan ang tiniyak na makabangon ng Unites States na


pinamahalaan ni Heneral Douglas MacArthur?
A. Japan C. Taiwan
B. South Korea D. Vietnam

6. Bakit ginamit ng dalawang bansang makapangyarihan sa panahon ng Cold War


ang polisiyang brinkmanship?

27
A. Upang magkaroon sila ng mga yaman mula sa ibang bansa.
B. Upang buksan ang konsepto ng pakikipagkalakalan sa mga bansa
C. Upang laging handa ang hukbong sandatahan sa oras na magkaroon ng
digmaan
D. Ito ay isang propaganda lamang upang maakit ang mga bansa sa kanilang
husay

7. Anong uri ng patakaran ang ipinatupad ni Gorbachev upang labanan ang


katiwalian sa pamahalaan at Partido Komunista?
A. Détente C. Perestroika
B. Glasnost D. Proxy War

8. Anong uri ng patakaran ang ipinatupad ni Gorbachev na naglalayon ng


pagsasaayos ng patakarang ekonomiko ng bansa?
A. Détente C. Perestroika
B. Glasnost D. Proxy War

9. Ito’y isang uri ng hindi tuwirang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa


isang pang bansa?
A. Imperyalismo C. Neokolonyalismo
B. Kolonyalismo D. Paggagalugad

10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng konsepto ng Neokolonyalismo?


A. Ito ay pagpapalaya sa mga bansang walang yaman
B. Ito ay tuwirang pananakop sa isang bansang mahirap
C. Ito ay isang programa upang maging tanyag ang isang bansa
D. Ito ay isang impluwensiya o hindi tuwirang pagsakop gamit ang ekonomiya
at kultura

11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng Dayuhang Tulong o Foreign Aid?
A. Pagiging tanyag na bansa ang layunin nito
B. Tulong ng mga dayuhan na walang kapalit
C. Mayamang bansa ang nakakatulong sa mahihirap na bansa
D. Nagbebenta ang bansang tumulong ng mga imported na produkto sa
bansang tinulungan

12. Sa konseptong Dayuhang Pautang o Foreign Debt, kung hindi susundin ang mga
kondisyon, anong posibleng mangyayari sa isang bansang mangungutang?
A. Pauutangin pa rin ang bansa C. Hindi na pauutangin ang bansa
B. Mababaon sa utang ang bansa D. Makakaahon sa utang ang bansa

13. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang aspeto ng


sistemang neokolonyalismo?
A. Ganda ng Bansa C. Lawak ng Teritoryo
B. Industriyal at Pinansiyal D. Militarismo

28
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa naging epekto ng
neokolonyalismo?
A. Continued Enslavement C. Over Dependence
B. Loss of Pride D. Pagyaman ng mahirap na bansa

15. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting epekto ng Cold War?
A. Maraming imbensiyon ang naisagawa ng dalawang makapangyarihang
bansa
B. Peaceful Co-existence o Mapayapang Pakikipamuhay sa halip na
makipaglaban pa sa digmaan
C. Inayos ang International Bank for Rehabilitation and Reconstruction (IBRR)
o World Bank upang tumulong sa gawaing rehabilitasyon at
rekonstruksiyon
D. Nagkaroon pa rin ng mga banta ng digmaan tulad ng North Atlantic Treaty
Organization (NATO), WARSAW Treat Organization o Warsaw Pact, at
ikatlong puwersa o kilusang non-aligned

Mahusay! natapos mo na ang panimulang pagtataya. Maaari na nating


simulan ang mga paksang aralin. Para lubos mong maunawaan ang mga
katanungan na hindi mo nasagot mula sa panimulang pagtataya ating itong
lilinangin sa mga tekstong iyong babasahin.

Aralin
Ang Cold War
1 at Neokolonyalismo

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagkaroon ng matinding


suliranin ang United Nations, dahil sa mithiing makaiwas sa digmaan at sa
pagpapabuti ng kalagayan ng mga tao na lubhang naapektuhan ng digmaan. Sa
pagtatapos na ito ng digmaan ay tila may nabubuong tensyon sa dalawang
pinakamakapangyarihang bansa bunga ng ikinikilos ng Russia at United States.
Isinulong na sinimulan ng Russia ang pagpapalaganap ng komunismo at tumulong
naman ang United States sa mga demokratikong bansa. Nahati sa dalawang pangkat
ang mga bansa: 1. Ang pangkat ng mga komunistang bansa, at 2. Ang mga bansang
demokratiko.

Maraming pagbabago ang naganap sa


kasalukuyang panahon na magbibigay ng katibayan
sa mga nagaganap na panibagong uri ng
kolonyalismo. Nakikita ito sa iba’t ibang aspeto ng
buhay ng mga papaunlad na mga bansa, ito ang
Neokolonyalismo.

29
Mahalagang Tanong:

• Paano naapektuhan ng Cold War ang daigdig noong ika-20 siglo?


• Paano naisasakatuparan ang neokolonyalismo sa mga nagsasariling bansa?

Balikan

Atin ng napag-aralan ang mga lumaganap na Ideolohiyang Politikal at


Ekonomiko. Bago tayo magpatuloy sa panibagong paksa, tignan natin kung inyo
pang naalala ang mga nakaraan nating aralin.

Panuto: Piliin sa Hanay A ang tinutukoy na Ideolohiya mula sa Hanay B. Isulat


ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

_____ 1. Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay a. Komunismo


ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba
pang pangunahing aspeto ng pamumuhay b. Kapitalismo

_____ 2. Nakapaloob dito ang mga karapatang c. Ideolohiyang


makapagnegosyo, mamasukan, makapagtayo ng Pampolitika
unyon, at magwelga kung hindi magkasundo ang
kapitalista at mga manggagawa. d. Demokrasya

_____ 3. Batay ito sa doktrinang laissez-faire ni e. Ideolohiyang


Adam Smith na tumutukoy sa hindi pakikialam ng Panlipunan
pamahalaan sa takbo ng ekonomiya. Tinatawag
itong free enterprise o free market system. f. Awtoritaryanismo

_____ 4. Hango sa salitang Griyego – “demos” at g. Ideolohiyang


“kratia” na ibig sabihin ay mga “tao” at Pangkabuhayan
“pamamahala.”.
h. Totalitaryanismo
_____ 5. Limitadong karapatan ng mga mamamayan
sa malayang pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa i. Sosyalismo
pamahalaan. Pati ang pagpapahayag ng relihiyon ay
hindi lubusang sinasang-ayunan, ngunit hindi rin
nman tahasang ipinagbabawal. Lahat ng desisyon
tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa
kamay rin ng isang grupo o ng diktador.

30
Tuklasin

Sa pagsisimula ng ating paksang aralin mayroon akong inihandang problem-


solution organizer upang mataya ang paunang pag-unawa sa mga problema ng
daigdig at ang panukalang solusyon dito na humahadlang sa pagkamit ng
rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran
sa mga bansa at rehiyon sa daigdig mula sa panahon ng Cold War hanggang sa
kasalukuyan.

Panuto: Magbigay ng mga problemang kinahaharap ng daigdig sa makabagong


panahon at mungkahing solusyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Problema at Solusyon

Ano ang problema? Ano ang solusyon?


_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong masasabi patungkol sa mga problemang kinahaharap ng


daigdig sa makabagong panahon?
2. Paano mo maisasagawa ang mga mungkahing solusyon upang maiwasan
ang mga problemang kinahaharap ng daigdig?

31
Suriin

Sa araling ito, iba-ibang ideolohiya ang umiral sa daigdig at ating bibigyang


pansin ang mga dahilan ng pagkakaroon ng Cold War at Neokolonyalismo at ang
impluwensiya nito sa mga bansang hindi pa maunlad at papaunlad pa lamang.

A. Ano ang Cold War?

1. Ang Cold War ay isang tahimik na tunggalian na kinabibilangan ng United


States at Soviet Union. Sila ay makapangyarihang bansa na tinawag na
superpower matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

2. Nagkaroon ng matinding kompetensiya na nauwi sa Cold War ang mga


bansa noong 1947 hanggang 1991. Hindi lamang tunggalian sa
kapangyarihan kundi pati na sa ideolohiya ang dahilan nito. Ang bansang
United States ay isinulong ang ideolohiyang demokrasya at kapitalismo
samantalang ang bansang Soviet Union ay isinulong naman ang
ideolohiyang sosyalismo at komunismo.

3. Nagsagawa ng mga hakbang na plano ang United States upang mapigilan


ang USSR sa pagsusulong ng sosyalismo at komunismo, gumawa ito ng
iba-ibang hakbang na siyang tutugon sa pangangailangan ng ilang mga
bansa.

4. Tiniyak ng United States ang pagbangon ng kanlurang Europa bilang


kapanalig sa kanluran gamit ang European Recovery Program (ERP) na
nasa ilalim ng Marshall Plan.

5. Tiniyak din ng United States ang pagbangon ng bansang Japan sa


pamamahala ni Heneral Douglas MacArthur.

B. Sanhi ng Cold War

1. Ang United States at Soviet Union ay dating magkakampi at kasama sa


mga bansang nagtatag ng “Nagkakaisang mga Bansa”. Ngunit dumating
ang pagkakataong sila’y nagkaroon ng “Cold War” o hindi tuwirang
labanan. May mga pangyayaring namagitan sa kanila at lumikha ng
tensiyon dahil sa pagkakaiba ng ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan.

2. Ang United States ang pangunahing bansang demokratiko, samtalang ang


Soviet Union ay komunista. Upang mapanatili ng Soviet Union ang
kapangyarihan sa Silangang Europa, pinutol nito ang pakikipag-ugnayan
sa mga kanluraning bansa.

32
3. Naputol ang kalakalan at naging limitado ang paglalakbay, bawal ang
pahayagan, magasin, aklat, at programa sa radyo. Ito ang tinagurian ni
Winston Churchill na Iron Curtain o pampolitikang paghahati sa pagitan
ng Soviet Bloc at taga-Kanluran.

4. Noong 1945, hiniling ni Stalin na magtayo ng base militar sa bahagi ng


Black Sea at Aegean. Bahagi ito ng pagpapalawak ng Soviet Union. Bilang
tugon sa nagpalabas ng patakarang Truman Doctrine si Harry S. Truman,
pangulo ng United States.

Mabuting Epekto ng Cold War

1. Isinulong ang kani-kanilang ideolohiyang pampolitika at pang-ekonomiko


ng United States at Soviet Union.
2. Tiniyak ng US na maayos ang takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang
sistemang kapitalista, kasama ang larangan ng Militar.
3. Binuo ang International Monetary Fund (IMF) upang ayusin ang daloy ng
malayang kalakalan sa mundo. Kasabay ring inayos ang International
Bank for Rehabilitation and Reconstruction (IBRR) o World Bank upang
tumulong sa gawaing rehabilitasyon at rekonstruksiyon.

4. Nang mamatay ni Stalin ng USSR ay hiniling ni Khrushchev ang Peaceful


Co-existence o Mapayapang Pakikipamuhay sa halip na makipaglaban pa
sa digmaan.
5. Isinulong ni Mikhail Gorbachev ang glasnost o pagiging bukas ng
pamunuan sa pamayanan upang labanan ang katiwalian sa pamahalaan
ng Partido Komunista at perestroika o pagsasaayos ng patakarang
ekonomiko ng bansa.
6. Nagkasundo ang USSR at US na tapusin na ang Arms Race upang
maituon ang badyet sa ekonomiya at pangangailangan ng nakararami.
7. Maraming imbensiyon ang naisagawa ng dalawang panig: ang
pagpapalipad ng Sputnik I ng USSR at Vostok I, sakay si Yuri Gagarin,
unang cosmonaut na lumingid sa mundo. Ang US naman ang
nakapagpalipad ng Friendship 7, Apollo 11, at mga puwersang nukleyar
na hindi lang ginamit sa digmaan kundi pati sa medisina at
komunikasyon.

Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War

1. Dahil sa Cold War, umigting ang hindi pagkakaunawaang pampolitika,


pangmilitar, at kalakalan ng mga bansa.
2. Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng Soviet Union na nagdulot ng
malaking suliraning pang-ekonomiya.
3. Dahil sa matinding sigalot, nawalan ng tunay na pagkakaisa.
4. Nagkaroon pa rin ng mga banta ng digmaan tulad ng North Atlantic Treaty
Organization (NATO), WARSAW Treat Organization o Warsaw Pact, at
ikatlong puwersa o kilusang non-aligned.

33
Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA

Talahanayan ng mga Imbensiyon ng USSR at USA

USSR Petsa US

Inilunsad ang Sputnik


I, ang unang satellite 4 Oct. 1957
na gawa ng tao Inilunsad ang unang
31 Jan. 1958
US satellite, Explorer I
Nakarating sa buwan 14 Setp. 1959
ang Luna 2 Nakabalik ng buhay
19 Aug. 1960 mula sa kalawakan
Nakarating sa ang mga ipinadalang
kalawakan si Yuri 12 April 1961 hayop at halaman
Gagarin, sakay ng
Vostok I 5 May 1961 Nakarating sa kalawakan
si Alan Shepard, sakay ng
19 May 1961 Freedom 7
Ang satellite Venera I
ay nakalapit sa Venus
20 Feb. 1962 Naikot ni John Glenn
Jr. ang mundo, sakay
Nakarating sa 16 June 1963 ng Friendship 7
kalawakan si
Valentina Tereshkova 14 July 1965
isang babae, sakay ng Ang satellite Mariner 4
Vostok 6 ay nakalapit sa Mars
21 July 1969
Nakarating ang Venera
Narating nina
7 sa Venus. 15 Dec. 1970 Armstrong, Aldrin, at
Collins ang buwan,
sakay ng Apollo 11

C. Pananakop sa Makabagong Panahon


Ang neokolonyalismo ay nangangahulugan ng bago at ibang anyo ng
pananakop at ipinapakita ito sa tatlong paraan:

1. Ang mga mamamayan ng bagong layang estado ay pinagsasamantalahan at


inaapi ng kanilang sariling mga pinunong nasusuhulan, umaabuso sa
kapangyarihan, at nagpapayaman ng kanilang sarili.
2. Ang ekonomiya ng mga bansang umuunlad ay patuloy na
pinangingibabawan ng mga kanluraning bansa sa pamamagitan ng tulong,
kalakalan, at pagpapautang ng mga pribadong pamumuhunan.

34
3. Ang mga bagong layang estado ay nagsagawa ng mga pananalakay at
nagdagdag ng mga teritoryong pag-aari ng ibang bansa.

Uri Ng Neokolonyalismo

1. Ekonomiko – Nagpapalaganap ito


sa kunwaring tulong tungo sa
pagpapaunlad ng kalagayang
pangkabuhayan ng bansa. Dahil
dito, patuloy na nakatali ang
bansang tinutulungan sa
pamamagitan ng mga patakaran at
tadhana ng mga bansang
nagkaloob ng tulong.

2. Kultural – Sa anyong kultural,


nabago ang mga likas na pananaw
at paniniwala ng mga bansa. Sa
pagdagsa ng mga dayuhang
musika, sayaw, mga pelikula, o
palabas, at mga babasahin ay unti-unting nawala o nabago ang mga panlasa
o hilig ng mga tao.

3. Dayuhang Tulong o Foreign Aid – Isa pang instrumento ng neokolonyalismo


ang nakapaloob na tulong, maaari itong pang-ekonomiya, pangkultural, o
pangmilitar.

4. Dayuhang Pautang o Foreign Debt – anumang pautang na ibigay ng


International Monetary Fund o World Bank ay laging may kaakibat na
kondisyon.

5. Lihim na Pagkilos (Covert Operation) – kung hindi mapasunod nang


mapayapa, gumagawa ng paraan ang mga neokolonyalista upang guluhin
ang isang pamahalaan o ibagsak ito nang tuluyan.

Mga Epekto ng Neokolonyalismo

1. Overdependence o Labis na Pagpapakandili


2. Loss of Identity o Kawalan ng Pagkakakilanlan
3. Loss of Pride o Kawalan ng Karangalan
4. Continued Enslavement o Patuloy na pagkaalipin

35
Pagyamanin

Gawain 1: Hanap-Salita.
Panuto: Hanapin ang mga salita/terminolohiya na may kaugnayan sa ating aralin
at bigyan ito ng sariling pagkakaunawa o depenisyon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

N E I L A R M S T R O N G Y O
S P A C E A G E A S E Q Z M I
J O H N G L E N N J R P S N J
A B N M G T Y U I O Y I L U K
Y J O S E P H S T A L I N K N
U U N I T E D S T A T E S L O
R U I T Y U K P Y N H Y J E I
I K L L L O G N Q W E R T Y N
G Q W E T Y O P O X C V B A U
A J K S O L K L L M M Y Y R T
G B O W O R L D B A N K Y U E
A V T K L O I O P Q V B R I I
R B O J P T E L S T A R Z K V
I E T A W C O L D W A R J K O
N B M K L L N M K I N T U P S

1. ________________________ 9. __________________________
2. ________________________ 10. _________________________
3. ________________________ 11. _________________________
4. ________________________ 12. _________________________
5. ________________________ 13. _________________________
6. ________________________ 14. _________________________
7. ________________________ 15. _________________________
8. ________________________

36
Gawain 2: Sabihin kung Tama!
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay totoo at MALI
kung ang pahayag ay hindi totoo.

_________ 1. Ang pagpapalaganap ng mga ideolohiya ng mga mayayamang bansa ay


nakabuti sa kultura ng bansa.

_________ 2. Ang pag-utang ng salapi upang tustusan ang mga programang


pampaaralan tulad ng Cyber-Education ay hindi katanggap-tanggap
para sa mga papaunlad na bansa.

_________ 3. Sa programang Balikatan sa Pilipinas, natamo ng bansa ang


katahimikan.

_________ 4. Ang pagbibigay ng scholarship sa mga mahihirap na mag-aaral ng mga


dayuhang kompanya ang isang paraan ng kolonyalismo.

_________ 5. Ang paggamit ng wikang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan
ay nakabuti sa globalisasyon.

_________ 6. Ang pagpasok ng mga dayuhang pelikula sa bansa ay anyo ng


neokolonyalismo.

_________ 7. Ang sistemang Built Operate Transfer (BOT) na pinaiiral ng gobyerno


upang tustusan ang mga programang pang-agrikultural ay nakabubuti
sa ekonomiya.

_________ 8. Ang pagtangkilik sa mga kasuotang banyaga ay nangangahulugang


pagtanggap sa banyagang kultura.

_________ 9. Ang pagtanggap sa mga awiting banyaga ay nangangahulugang


pagtanggap sa banyagang kultura.

_________ 10. Ang paghingi ng tulong medikal mula sa mga kompanyang dayuhan
ay nakabababa sa paningin ng mga dayuhan.

Gawain 3: Tukuyin Natin!


Panuto: Suriin ang mga epekto ng Cold War at isulat sa sagutang papel ang letrang
M kung epekto nito ay mabuti at letrang DM kung hindi mabuti.

_________ 1. Pagkakaroon ng iba’t ibang imbensiyon

_________ 2. Walang tunay na kapayapaan

_________ 3. Ang mga imbensiyon ay nagdulot ng panibagong banta sa digmaan

_________ 4. Ang pagtuon ng pansin sa ekonomiya

_________ 5. Ang kawalan ng pagkakaisa.

37
Gawain 4: Kompletuhin ang Tsart.
Panuto: Mula sa miyembro ng inyong pamilya ay gumawa ng isang sarbey
patungkol sa kanilang nalalaman sa Cold War at Neokolonyalismo.
Pagsama-samahin mo ang iyong sagot sa isang bukod na papel.

Pangalan ng Ano ang Cold War at Ano ang mga salitang


Kapamilya Neokolonyalismo? maiuugnay mo rito?

1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 5: Tiyakin mo!


Panuto: Punan ng wastong datos ang tsart. Itala sa sagutang papel ang iba’t ibang
anyo at epekto ng neokolonyalismo.

Mga Anyo Mga Epekto

1._______________ 1. _______________

2. _______________ 2.________________

3. _______________ 3.________________

38
Gawain 6: Subukin mo!
Panuto: Punan ng wastong datos ang diagram. Itala sa sagutang papel ang mga
impluwensiyang dayuhan na nakikita mo sa paligid.

• _______________________
• _______________________
Musika
• _______________________

Mga • _______________________
Impluwensiya • _______________________
ng mga Pananamit
• _______________________
Dayuhan

• _______________________
Ugali • _______________________
• _______________________

Isaisip

Paghusayan ang Pangangatwiran!

Panuto: Bilang isang mamamayang Pilipino, dapat bang tanggapin ang mga tulong
ng mga dayuhang bansa? Pangatwiranan ang kasagutan at isulat sa
sagutang papel.

OO HINDI

39
Isagawa

Gampanan ang Tungkulin!

Ikaw ay isang SK Chairman at may nahaharap na suliranin ang iyong


nasasakupan. Alin sa sumusunod na hakbang ang iyong ikokonsidera sa pagresolba
ng mga suliranin sa inyong lugar? Isulat sa sagutang papel ang mga napiling
hakbangin.

1. Konprontasyon sa mga taong may kinalaman sa isyu.


2. Pagdinig sa tunay na isyu.
3. Madiplomasyang pagharap sa isyu.
4. Pagdulog ng suliranin sa mas nakatataas na opisyal sa lugar.
5. Daanin sa lakas ang suliranin.

Ipagtanggol ang mga napili mong sagot at isulat ang paliwanag sa sagutang papel.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Tayahin

Paghusayan:
A. Panuto: Sagutin ang sumusunod at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang lahat ng sumusunod ay halimbawa ng kultural na neokolonyalismo. Alin


ang hindi kabilang?
A. Ang pagsuot ng mga kasuotang banyaga
B. Ang pagtangkilik sa mga awiting banyaga
C. Ang pagpasok ng mga dayuhang pelikula sa bansa
D. Ang paghingi ng tulong medikal sa mga mayayamang bansa

2. Ang pagkakahating ideolohikal ng Europa ay tinawag ni Winston Churchill ng


Great Britain na “Iron Curtain”. Ano ang naging bunga nito?
A. Nagkaroon ng Bipolar World
B. Mahigpit na patakaran ng turismo

40
C. Pagtigil ng ugnayan sa pagitan ng Kanluran at Silangang Europa sa
iba’t ibang larangan
D. Paglalagay ng kurtinang bakal sa pagitan ng mga bansang
demokratiko at komunista

3. Ang neokolonyalismo ay patuloy na ugnayan ng dating mga kolonya ng mga


bansang Kanluranin. Alin sa mga ito ang tunay na dahilan upang maisagawa
nila ito?
A. Panghihimasok sa politika ng pamahalaan
B. Paglagak ng foreign investment sa bansa
C. Pagtatayo ng pamilihan ng kanilang surplus goods
D. Lahat ng nabanggit

4. Anong patakarang ang pinairal ng Russia na nangangahulugang openness o


pagiging hayag?
A. Détente C. Kibbutz
B. Glasnost D. Perestroika

5. Anong dalawang bansa ang kapuwa tinawag na superpower sa panahon ng


Cold War?
A. Germany at Syria C. US at Philippines
B. North Korea at South Korea D. US at USSR

B. Panuto: Piliin at ihanay mula sa kahon ang mga ambag at mga tanyag na tao
ng US at USSR sa panahon ng Cold War. Gawin ito sa sagutang papel.

Ambag ng US Ambag ng USSR

1.______________________ 4._______________________
2.______________________ 5._______________________
3.______________________ 6._______________________

Friendship 7 John Glenn Jr. Mariner 4


Space Racket Space Shuttle Sputnik I
Titanic Vostok I Yuri Gagarin

C. Panuto: Piliin ang hindi kabilang sa pangkat at isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.

_____ 1. a. France b. Japan c. Russia d. USA


_____ 2. a. Apollo 11 b. Friendship 7 c. Mercury d. Sputnik
_____ 3. a. Aldrin b. Armstrong c. Gagarin d. Glenn
_____ 4. a. Brezhnev b. George Bush c. Gorbachev d. Nixon

41
Karagdagang Gawain

Matapos ang aralin, narito pa ang karagdagang gawain upang higit na


pagyamanin ang iyong kaalaman patungkol sa paksang ating tinalakay.

Gumawa ng isang poster sa short bond paper na nagpapakita kung mayroon


o walang colonial mentality ang mga Pilipino. Isaalang-alang ang sumusunod na
pamantayan sa pagmamarka sa paggawa ng poster.

Rubrik para sa Paggawa ng Poster

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Nilalaman/Larawan 20

Pagkamalikhain 15

Kaangkupan sa Tema 10

Kalinisan 5

KABUUANG PUNTOS 50

42
43
Subukin Pagyamanin Isaisip/Isagawa
1. D G1. 1. Yuri Gagarin Ang sagot ay
2. C 2. Cold War nakadepende sa
3. C 3. Neokolonyalismo pagkakaunawa ng
4. B 4. United Sates bata
5. A 5. Soviet Union
6. Joseph Stalin Tayahin
6. C
7. World Bank 1. D
7. B
8. Space Age 2. C
8. C
9. Sputnik 3. D
9. C
10. Vostok 4. B
10. D
11. Apollo 5. D
11. D
12. Neil Armstrong 6. John Glenn Jr.
12. C
13. John Glenn Jr. 7. Friendship 7
13. B
14. Telstar 8. Mariner 4
14. B
15. Nukleyar 9. Sputnik
15. D
G2. 1. T 10. Vostok I
2. M 11. Yuri Gagarin
3. T 12. C
Balikan 4. M 13. C
5. T 14. C
1. E 15. B
6. T
2. G
3. B 7. T
4. D 8. T
5. H 9. T
10. M
Tuklasin G3. 1. M 2. DM
Ang sagot ay
3. DM 4. M
nakadepende sa
pagkakaunawa ng bata 5. DM
G4-6
Ang sagot ay
nakadepende sa
pagkakaunawa ng bata
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Blando, Rosemarie C. et al. Modyul ng Mag-aaral Kasaysayan ng Daigdig. Quezon


City, Philippines: Vibal Group, Inc., 2014.
K - 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10. Department of
Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/
2019/01/AP-CG.pdf.

Most Essential Learning Competencies (MELCs). Learning Resource Management


and Development System, 2020. http://lrmds.deped. gov.ph/pdfview/1827

Project EASE: Araling Panlipunan III – Kasaysayan ng Daigdig. Learning


Resource Management and Development System, 2014.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.

Vivar, Teofista L. et al. Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon: Kasaysayan ng Daigdig.
Manila City, Philippines: SD Publication, Inc., 2000.

Wikimedia Commons. “14692747449_a0d034f116_b.jpg”, Accessed August 10,


2014,https://www.flickr.com/photos/121483302@N02/14692747449

44
8

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan– Modyul 6:
Mga Pandaigdigang Organisasyon,
Pangkat, at Alyansa

45
Araling Panlipunan– Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan– Modyul 6: Mga Pandaigdigang Organisasyon, Pangkat,
at Alyansa
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Raymart B. Guinto
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Salvador B. Lozano
Madonna R. Estacio / Alma G. Pineda
Tagasuri ng Wika: Neil Omar B. Gamos / Madonna R. Estacio
Tagasuri ng ADM Format: Raymart B. Guinto
Tagasuri ng Paglapat
at Pagguhit: Jeremy Daos / Jay Ahr Sison
Tagaguhit: Neil Omar B. Gamos / Rona DC. Dionisio
Tagalapat: Reynaldo B. Pacleta
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD / Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD / Marie Ann C. Ligsay PhD
Fatima M. Punongbayan / Salvador B. Lozano
Arnelia R. Trajano PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]

46
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

47
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan upang


higit mong maunawaan ang patungkol sa mga Pandaigdigang Organisasyon,
Pangkat at Alyansa na nabuo sa daigdig. Ito ay nakabatay sa most essential learning
competencies (MELCs) sa Araling Panlipunan Baitang 8 na “Napahahalagahan ang
bahaging ginampanan ng mga pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan, at kaunlaran”.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong paksang aralin:


• Paksa 1 – Mga Pandaigdigang Organisasyon
• Paksa 2 – Mga Pang-ekonomikong Organisasyon at Trading Blocs
• Paksa 3 – Mga iba pang Organisasyong Pandaigdig

Sa pagtatapos mo sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. nasusuri ang mga programang makatutulong sa pagkamit ng
pandaigdigang pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran;
2. naipaliliwanag ang bahaging ginampanan ng mga pandaigdigang
organisasyon at alyansa sa pagsulong ng pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran;
3. natutukoy ang epekto ng mga pang-ekonomikong organisasyon sa
pandaigdigang ekonomiya.

Mga Tala para sa Guro


Ang daigdig sa panahon ng pagbubuo ng pandaigdigang
organisasyon, pangkat, at alyansa upang naisin ang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran. Sa pamamagitan ng iba’t
ibang mga gawain, inaasahang higit na madaragdagan at lalawak ang
iyong kaalaman sa paksa
Gumamit ng mapa sa araling ito upang makita natin kung saang
mga bansa nagsimula ang pagbubuo ng pandaigdigang organisasyon,
pangkat, at alyansa.

48
Subukin

Upang masubok ang iyong kaalaman tungkol sa nilalaman ng modyul na ito,


sagutin ang panimulang pagtataya.

Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot sa iyong sagutang papel. Bigyang pansin
ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan ang
nasabing aytem habang ginagamit ang modyul na ito.

1. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig. Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan?
A. nagkaroon ng WW III
B. naitatag ang United Nations
C. nawala ang Fascism at Nazism
D. nagkaroon ng labanan ng ideolohiya

2. Ang European Union ay isang organisasyon na nakatalaga upang mapatatag ang


pangkabuhayang integrasyon at mapalakas ang kooperasyon ng mga bansang
kasapi. Kailan pormal na naitatag ang European Union?
A. Nobyembre 1, 1993 C. Nobyembre 1, 1995
B. Nobyembre 1, 1994 D. Nobyembre 1, 1996

3. Ninais ng European Union na mapaunlad ang kanilang ekonomiya kung kaya’t


pinairal ng Economic and Monetary Union (EMU) na gumamit ng iisang pamalit o
currency. Anong uri ng salapi ang kanilang ginamit?
A. Dollar $ C. Peso ₱
B. Euro € D. Yen ¥

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga layunin ng Organization of


American States (OAS)?
A. Kaunlarang Militar C. Kaunlarang Pangkultura
B. Kaunlarang Panlipunan D. Kaunlarang Pangkabuhayan

5. Ano ang organisasyong pinag-isang boses ng mga bansang Muslim upang iligtas
at protektahan ang mga interes nito, tungo sa pandaigdigang kapayapaan at
pagkakasunduan?
A. United Nations
B. European Union
C. Organization of Islamic Cooperation
D. Association of South East Asian Nations

49
6. Ang Association of South East Asian Nations ay naitatag noong ika-8 ng Agosto
taong 1967, upang pag-isahin ang mga bansa mula sa Timog-Silangang Asya.
Saang bansa ito nabuo?
A. Cambodia C. Laos
B. Indonesia D. Thailand

7. Napagkasunduan ng ASEAN Community noong 2003 na hatiin sa tatlong sangay


o haligi ang asosasyon. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong
haligi?
A. Political Community C. Economic Community
B. Security Community D. Sociocultural Community

8. Ano ang pandaigdigang institusyon na nagpatupad ng epektibong


patakarangpangkabuhayan na tumutugon sa sistemang pananalapi ng isang
kasaping bansa?
A. International Political Fund C. International Economic Fund
B. International Security Fund D. International Monetary Fund

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa layunin ng World Trade


Organization?
A. Pagpapatupad ng mga limitasyon sa pakikipagkalakalan
B. Pangasiwaan ang lahat ng kasunduan tungkol sa kalakalan
C. Pagkakaloob ng tulong teknikal at pagsasanay para sa mga papaunlad na
bansa
D. Tagapamagitan sa mga bansang nagtatalong mga kasaping bansa
kaugnay sa mga patakaran

10. Ano ang pandaigdigang institusyon na pinagmumulan ng pondo para sa tulong-


pananalapi at teknikal sa mga bansang papaunlad?
A. World Bank C. Universal Bank
B. Nations Bank D. International Bank

11. Ang organisasyon ay isang uri ng pagbubuklod-buklod ng mga kasapi ayon sa


kanilang mithiing itaas ang antas ng kabuhayan ng mga kasapi at mabigyan ng
seguridad kung kinakailangan. Ano ang isinasaad ng pahayag?
A. Tama ang pahayag C. Parehas na Tama o Mali
B. Mali ang pahayag D. Walang tamang sagot

12. Isa sa layunin ng World Bank ay makapagpautang sa mga bansang nagpapakita


ng kaunlaran, subalit marami na dito ay baon na sa utang at wala ng pag-asang
mabayaran pa ito. Ano ang isinasaad ng pahayag?
A. Tama ang pahayag C. Parehas na Tama o Mali
B. Mali ang pahayag D. Walang tamang sagot

13. Alin sa mga sumusunod ang dalawang lupon na nagtataglay ng mahalagang


papel sa APEC?
A. Committee for Land Transportation / LTO Council

50
B. Committee for Loan Agreement / Political Council
C. Committee for Trade & Investment / Economic Council
D. Committee for Industrial Investment / Cultural Council

14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng positibong pananaw sa


Organisasyon o Alyansa?
A. Nagkakaroon ng pagtutulungan
B. Ito ay may masamang epekto sa mga tao
C. Walang maibubuting pag-unlad sa isang bansa
D. Nagkakaroon ng interes sa yaman ng ibang bansa

15. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Three Pillars ng APEC?
A. Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo
B. Liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan
C. Pagbibigay tulong pangkabuhayan at pangteknikal
D. Patuloy na pagpapautang sa mga mahihirap na bansa

Mahusay! natapos mo na ang panimulang pagtataya. Maaari na nating


simulan ang mga paksang aralin. Para lubos mong maunawaan ang mga
katanungan na hindi mo nasagot mula sa panimulang pagtataya ating itong
lilinangin sa mga tekstong iyong babasahin.

Aralin Mga Pandaigdigang

1 Organisasyon, Pangkat,
at Alyansa

Nang matapos ang Ikalawang


Digmaang Pandaigdig, dumanas ng
kahirapan ang mga bansa na nasalanta ng
digmaan. Nagsumikap silang bumangon sa
tulong ng sama-samang pagharap at
pagtugon sa mga suliranin.
Karamihan sa mga pandaigdigang
alyansa ay nabuo matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig na pinangunahan ng
United Nations.

Mahalagang Tanong:
Bakit naging matagumpay ang mga bansa sa pagbuo ng mga alyansa at
organisasyon sa gitna ng pagkakaiba-iba ng paniniwala, ideolohiya, at kultura?

51
Balikan

Binabati kita dahil natapos na natin ang nakaraang aralin. Bago tayo
tuluyang pumunta sa bagong paksang aralin ay may inihanda akong pagsasanay
para sayo.

Text Twist Tayo!


Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa pamamagitan ng pag-punan ng tamang
letra ang bawat patlang at isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. Ito ay labis na pagdepende ng tao sa mayayamang bansa lalong-lalo na sa


United States.

O_ _ r D_ _ _ _ d _ _ ce

2. Ito ay isang tahimik na tunggaliang namagitan sa dalawang


makapangyarihang bansa ang US at USSR.

C_ l _ W_ _

3. Ang unang satellite na gawa ng tao.

T_ls___

4. Ito ay nangangahulugang bago at ibang anyo ng pananakop.

N _ _ K _ _ _ _ y _ li _ _ _

5. Kaisipang mainam ang mga produktong dayuhan kaysa lokal na produkto.

Co _ _ _ _ al M _ _ _a _ _ t _

6. Nawalan ng pagkakakilanlan dahil sa pagyakap sa mga ideyang dayuhan.

L _ _ _ of I _ _ _ _ _ ty

7. Patakarang pinairal sa Soviet Union na nangangahulugang openness o


“pagiging hayag.”

G______t

52
8. Isang ambisyong programang pang-ekonomiya ni Gorbachev.

Pe _ _ _ _ _ _ ika

9. Mga bansang papaunlad.

Th _ _ _ W _ _ _ _ C _ _ _ _ _ _ _ _

10. Mga bansang maunlad.

Fi _ _ _ W _ _ _ _ C _ _ _ _ _ _ _ _

Tuklasin

May mahalagang papel na ginampanan ang mga organisasyong pandaigdig sa


mga hakbang tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng mga bansang kasapi nito.
Sisimulan mo na ngayong tuklasin ang ginampanang papel ng mga pandaigdigang
organisasyon sa pagtataguyod ng kapayapaan at ang kanilang pagtutulungan upang
makamit ang pag-asenso.

Panuto: Sagutan sa sagutang papel ang tanong sa paksa sa pamamagitan ng


graphic organizer.

Paksa: Ano ang bahaging ginampanan ng mga pandaigdigang organisasyon,


pangkat, at alyansa sa pagkamit ng rehiyonal at pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran sa daigdig?

_________________
_________________
_________________
_________________
___
_________________
_________________
___

_________________
_________________
_________________
______

53
Suriin

Pandaigdigang Oraganisasyon
Hindi kaila na walang sinuman o alin mang bansa na uunlad kung nag-iisa
lamang. Kinakailangan niyang makipag-ugnayan sa ibang bansa upang makamit
niya ang wala o kakulangan niya. Gabay ng ganitong pangangailangan ang isang uri
ng pagtutulungan ang naitatag upang matugunan ang mga pangangailangan ng
bawat isa. Iba’t ibang samahang pangrehiyon ang sumibol at patuloy pa rin sa
pagtutulungan sa kasalukuyang panahon.

Sa mabilis na takbo ng pamumuhay, iba’t ibang suliranin at isyu ang


nakakaharap ng mga bansa. Dito kailangan pumasok ang pakikipag-ugnayan ng
mga bansa at itaguyod ang pagtutulungan upang maiwasan ang mga panganib at
mga suliranin at magkaroon ng pagkakataon na umunlad.

Mga Tanyag na Pandaigdigang Organisasyon


Bukod sa United Nations marami pang organisasyong pandaigdig na nabuo
na may layuning pagbigkisin ang mga bansa upang matamo ang pandaigdigang
kapayapaan at kaunlaran.

1. European Union (EU) – Ang Unyong Europeo ay isang pang-ekonomiko at


pampolotikal na unyon ng 27 malalayang bansa. Ito ang pinakamalaking
kompederasyon ng mga malalayang estado na itinatag sa ilalim ng pangalang
iyon noong 1992. Ang mga aktibidad ng Unyong Europeo ay sumasakop sa
patakarang publiko, patakarang ekonomiya sa ugnayang panlabas, tanggulan,
pagsasaka, at kalakalan.

2. Organization of American States (OAS) – Ang samahan ng mga Estadong


Amerikano ay isang pandaigdigang samahang nakabase sa Washington D.C.,
Estados Unidos. Mayroon itong tatlumpu’t limang kasaping nagsasariling estado
ng Amerika. Layunin nitong makamit ang kapayapaan at hustisya, itaguyod ang
pagkakaisa ng mga estadong kasapi, patatagin ang kanilang pagtutulungan,
pangalagaan ang kanilang awtonomiya, ang kanilang teritoryo, at ang kanilang
kalayaan.

3. Organization of Islamic Cooperation (OIC) – Ang OIC ay isang internasyunal na


organisasyon ng 57 estado. Ito ay samahan ng mga bansang Muslim na
naglalayong siguruhin at protektahan ang interes mula sa pamamagitan ng
pagsulong ng kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan.

4. Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) – Ang Kapisanan ng mga Bansa


sa Timog-Silangang Asya o kilala bilang ASEAN ay isang organisasyong
heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga bansa sa Timong-Silangang

54
Asya. Ang mga layunin ng samahang ito ay maitaguyod ang paglago ng
ekonomiya, kaunlarang panlipunan, pagsulong ng mga kultura ng bawat kasapi,
at pagpapalaganap ng kapayapaang panrehiyon.

Mga Pang-ekonomikong Organisasyon at Trading Blocs


1. World Bank – ay isang pandaigdigang bangko na nagbibigay ng tulong-
pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga programang
pangkaunlaran tulad ng mga tulay, kalsada, paaralan, at iba pa na may layunin
ng pagpapababa ng antas ng kahirapan.
2. International Monetary Fund – ay isang organisasyong internasyunal na
pinagkatiwalaang mamahala sa pandaigdigang sistema sa pananalapi sa
pamamagitan ng pagmasid sa mga halaga ng palitan at banlanse ng mga
kabayaran, gayon din ang pag-alok ng teknikal at pinansiyal na tulong kapag
hihingi.
3. World Trade Organization – ay isang organisasyong pandaigdig na itinatag upang
pamahalaan at magbigay ng Kalayaan sa kalakalang pang-internasyunal. Ang
WTO ay nabuo noong ika-01 ng Enero 1995, kahalili ng Pangkalahatang
Kasunduan sa mga Taripa at Kalakalan (GATT).

Iba pang Oraganisasyong Pandaigdig


May mga samahang rehiyonal din na bumubuo ng trade blocs. Ang Trade
Blocs ay isang kasunduan ng mga bansang kadalasan ay magkakaanib sa isang
samahang rehiyonal na naglalayong bawasan, paliitin, o tanggalin ang mga taripa at
mga hadlang sa taripa sa pagitan ng mga miyembrong bansa.

1. ASEAN Free Trade Area – Ang Sonang Malayang Kalakalan ng ASEAN (AFTA) ay
isang kasunduan ng hanap na pangkalakalan ng Kaisipan ng mga Bansa sa
Timog-Silangang Asya na nagtaguyod ng mga pampagawaang pampook (local
manufacturing) sa lahat ng bansa sa ASEAN.
Ang mga tahasang mithiin ng AFTA ay makamit ang sumusunod:
• Palakihin ang hangganan bilang batayang pamproduksiyon sa
pandaigdigang pamilihan sa pamamagitan ng pag-awas, sa loob ng
ASEAN, ng mga taripa at walang taripa; at
• Akitin ang maraming panlabas na tuwirang pamumuhay sa ASEAN.

2. North American Free Trade Agreement (NAFTA) – Ito ay isang kasunduan na


nilagdaan ng Canada, Mexico, at Unites States na lumilikha ng trilateral trade
bloc sa North America. Ito ay nagbigay bias noong 1994 na nagbigay-daan sa
pagkakabuo ng isang trade bloc na maituturing na may pinakamataas na
pinagsama-samang purchasing power party sa GDP.

3. APEC – Ang Asia-Pacific Economic Cooperation ay isang organisasyong binubuo


ng 20 bansa at isang rehiyong administratibo. Ang mga kasaping bansa ay
nagpupulong upang maiayos ang kanilang ugnayang pagkabuhayan. Isinusulong

55
din ng organisasyon ang pagkakaroon ng kaunlarang pang-ekonomiya,
kooperasyon, kalakalan, at pamumuhunan sa rehiyon ng Asia-Pacific. Tampok
ang programa ng APEC na tinawag nilang Three Pillars:
• Liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan
• Pagpapabilis at pagpapadali ng negosyo
• Tulungang pangkabuhayan at pangteknikal

Pagyamanin

Gawain 1: Subukan mo!


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin sa kahon ang
tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

__________1. Isang pang-ekonomiko at pampolitikal na unyon ng 27 malalayang


bansa. Ito ang pinakamalaking kompederasyon ng mga malalayang
estado naitinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong 1992.

__________ 2. Isang organisasyong heopolitikal, ekonomikal, at pangkultura ng mga


bansa sa Timong-Silangang Asya.

__________ 3. Isang pandaigdigang samahang nakabase sa Washington D.C., Estados


Unidos. Mayroon itong tatlumpu’t limang kasaping nagsasariling
estado ng Amerika.

__________ 4. Isang internasyunal na organisasyon ng 57 estado. Ito ay samahan ng


mga bansang Muslim na naglalayong siguruhin at protektahan ang
interes mula sa pamamagitan ng pagsulong ng kapayapaang
pandaigdig at pagkakaunawaan.

__________ 5. Isang organisasyong internasyunal na pinagkatiwalaang mamahala sa


pandaigdigang sistema sa pananalapi sa pamamagitan ng pagmasid sa
mga halaga ng palitan at balanse.

__________ 6. Ito ay isang kasunduan na nilagdaan ng Canada, Mexico, at United


States na lumilikha ng trilateral trade bloc sa North America.

__________ 7. Isang kasunduan ng hanap na pangkalakalan ng Kaisipan ng mga


Bansa sa Timog-Silangang Asya na nagtaguyod ng mga pampagawaang
pampook sa lahat ng bansa sa ASEAN.

__________ 8. Isang pandaigdigang bangko na nagbibigay ng tulong-pananalapi at


teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga programang
pangkaunlaran tulad ng mga tulay, kalsada, paaralan, at iba pa namay
layunin ng pagpapababa ng antas ng kahirapan.

56
__________ 9. Isang organisasyong pandaigdig na itinatag upang pamahalaan at
magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-internasyonal.

__________10. May programa ang organisasyong ito na tinawag nilang Three Pillars
at binubuo ito ng mga sumusunod: a. Liberalisasyon ng kalakalan at
pamumuhunan, b. Pagpapabilis at pagpapadali ng negosyo, at c.
Tulungang pangkabuhayan at pangteknikal

• Organization of American States • Association of Southeast


(OAS) Asian Nations (ASEAN)
• European Union (EU) • Organization of Islamic
• International Monetary Fund Cooperation (OIC)
• World Trade Organization (WTO) • ASEAN Free Trade Area
• World Bank (WB) • North American Free Trade
• Ang Asia-Pacific Economic Agreement (NAFTA)
Cooperation (APEC)

Gawain 2: Gotta Guess the Flag!


Panuto: Kilalanin ang mga watawat ng sumusunod na organisasyong pandaigdig.
Pumili ng sagot mula sa kahon sa baba at isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.

1. _________________________ 4. __________________________

2. _________________________ 5. __________________________

3. _________________________ 6. ___________________________

United Nations (UN) European Union (EU) World Bank (WB)


Organization of Islamic Cooperation (OIC)
Association of Asian Nation (ASEAN) World Trade Organization (WTO)

57
Gawain 3: Map Reading!
Panuto: Hanapin ang mga sumusunod na bansang kasapi sa ASEAN batay sa
mapa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. ___________________
2. ___________________
3. ___________________
4. ___________________
5. ___________________
6. ___________________
7. ___________________
8. ___________________
9. ___________________
10. ___________________
11. ___________________

Gawain 4: Magpaliwanag Tayo!


Panuto: Sagutin ang tanong sa loob ng bilog at magbigay ng halimbawa ng
maunlad na bansa at di-maunlad na bansa. Gawin ito sa sagutang papel.

Maunlad Di-Maunlad
__________________ Bakit may mga __________________
__________________ Bansang
Maunlad at Di- __________________
__________________
Maunlad? __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________
_________________
__________________
________________
__________________
________________
__________________
____
__________________
__________________
__________________
__________________
___________
58
Gawain 5: Organisasyon mo… Ipaglaban mo!
Panuto: Dahil nalaman mo na ang ilan sa mga pandaigdigang samahan na
nagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran, isa-isahin ngayon ang mga
layunin nito. Pagkatapos ay itala sa sagutang papel ang iyong sagot.

Mga Organisasyon Layunin

1. European Union

2. Organization of American States

3. Organization of Islamic
Cooperation

4. Association of Southeast Asian


Nations

Gawain 6: Tiyakin mo!


Panuto: Pumili sa mga pandaigdigang organisasyon o samahan na ating natalakay,
gamit ang Venn Diagram ay paghambingin ang iyong napiling
organisasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakatulad

1. __________________ 2. ______________________
Napiling Organisasyon Napiling Organisasyon

59
Isaisip

Pagpapasya!
Panuto: Isaayos ang sumusunod na pahayag na para sa iyo ay dapat bigyan ng
pansin. Isulat ang bilang 1 para sa nararapat na maging prayoridad, bilang
2 para sa sumusunod na dapat na maging prayoridad hanggang bilang 3.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Layunin ng Samahan

_______ a. Tiyakin ang mabuting kalagayan ng mga bansang nasasakop ng


Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) sa kasalukuyan at
panghinaharap.
_______ b. Maisaayos at mapangalagaan ang mga patakaran sa produksiyon
at mga kalakal.
_______ c. Maitaguyod ang panrehiyong kapayapaan at katatagan sa mga
bansang kasapi.
Balikan ang layunin na nilagyan mo ng bilang 1. Bakit mo ito naging
prayoridad? Pangatwiranan.

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Isagawa

Pagbuo ng Samahan!
Panuto: Kung bibigyan ka ng pagkakataon na magtatag ng samahan kung saan
ang mga nagsasariling bansa ang iyong magiging kasapi, ano ang
kalikasan ng iyong itatatag na samahan? Gawin ang tsart sa sagutang
papel.

60
____________________________________________

Pangalan ng Samahang Pandaigdig

1. Tungkol saan ang itatatag na samahan?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Anu-ano ang layunin ng samahan?

a. ________________________________________________
________________________________________________
b. ________________________________________________
________________________________________________

3. Aling bansa ang mga kasapi?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

4. Bakit mo pinili ang mga bansang iyon?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

5. Mahalaga ba ang iyong itatatag na samahan? Ipaliwanag.

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

61
Tayahin

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod at isulat ang letra ng tamang sagot sa


sagutang papel.

1. Lahat ng sumusunod ay kabilang sa Three Pillars ng APEC maliban sa isa.


A. Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo
B. Tulungan pangkabuhayan at pangteknikal
C. Liberasyon ng kalakalan at pamumuhunan
D. Pagpapatatag sa politika ng bansa

2. Ang ASEAN ay binubuo ng tatlong haligi. Alin ang hindi kabilang?


A. Security Community C. Political Community
B. Economic Community D. Socio-Cultural Community

3. Bakit mahalaga ang organisasyong pandaigdig?


A. Dahil ito ang nagbibigay ng grasya at pag-asa sa mga kasaping bansa.
B. Dahil ito ang nagbibigay-hudyat kung kailan dapat salakayin ang kaaway
na bansa
C. Dahil pinagbubuklod nito ang mga bansa, pinanatili ang kapayapaan at
pagkakaisa.
D. Dahil, ito ay nagiging paraan ng isang bansang makapangyarihan upang
pamunuan ang mga bansang sakop.

4. Ang taong 1960 ay simula ng pandaigdigang pag-unlad. Lumaganap ang mga


reporma at pagbabagong anyo sa lahat ng bansa dala ng lumalagong
pandaigdigang negosyo. Ang panahong ito ang _______.
A. Simula ng paglaganap ng kalakalan.
B. Tinatayang simula ng pag-unlad ng Asya.
C. Simula ng paglaganap ng katahimikan sa daigdig.
D. Simula ng paglaganap ng masiglang ekonomiya para sa mga umuunlad
na bansa.

5. Kinilalang pangalawang pinakamalaking sona ng malayang kalakalan ang


_____.
A. AFTA C. NAFTA
B. ASEAN D. OPEC

B. Panuto: Mula sa kahon, ihanay ang mga bansang kasapi ng bawat


pandaigdigang organisasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

62
Association of Southeast Organization of
European Union
Asian Nations Islamic Cooperation

1._______________________ 5.___________________ 8.____________________


2._______________________ 6.___________________ 9.____________________
3._______________________ 7.___________________ 10.___________________
4._______________________

China France Iraq Iran


Italy Laos Lebanon Netherlands
Philippines Thailand USA Vietnam

Karagdagang Gawain

Matapos nating mapag-aralan ang modyul na ito ay narito ang panghuling


gawain para sa iyong mas malalim na pagkakaunawa.

Panuto: Lumikha ng isang collage na nagpapakita sa iyong mga adhikaing


makahikayat na nagmamalasakitan sa kabuhayan ng bansa. Isaalang-
alang ang katanungang sa ibaba habang gumagawa ng collage.

Gabay na Tanong:

Bakit naging matagumpay ang mga bansa sa pagbuo ng mga alyansa at


organisasyon sa gitna ng pagkakaiba-iba ng paniniwala, ideolohiya, at kultura?

Rubrik para sa Paggawa ng Collage

Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos


Nilalaman/Larawan 20
Pagkamalikhain 15
Kaangkupan sa Tema 10
Kalinisan 5
KABUUANG PUNTOS 50

63
64
Pagyamanin Isaisip/Isagawa
Subukin
G1 1. EU 6. NAFTA Ang sagot ay
1. A 11. A nakadepende sa
2. ASEAN 7. AFTA
2. A 12. B pagkakaunawa ng
3. B 13. C 3. OAS 8. WB bata
4. A 14. A
5. C 15. D 4. OIC 9. WTO
6. D 5. IMF 10. APEC Tayahin
7. A
G2. 1. ASEAN 2. WB A.
8. D
9. A 1. D
3. UN 4.EU
10. A 2. C
5. OIC 6. WTO 3. C
Balikan 4. D
5. A
1. Over Dependence G3. 1. EAST TIMOR B.
2. Cold War 1. Philippines
3. Telstar 2. INDONESIA
2. Laos
4. NeoKolonyalismo 3. PHILIPPINES 3. Thailand
5. Colonial Mentality 4. Vietnam
6. Loss if Identity 4. VIETNAM
5. Italy
7. Glasnost 5. LAOS 6. France
8. Perestroika 7. Netherlands
9. Third World 6. MYANMAR
8. Iran
Countries 7. THAILAND 9. Iraq
10. First World 10. Lebanon
Countries 8. CAMBODIA
9. BRUNEI
Tuklasin
Ang sagot ay nakadepende 10. MALAYSIA
sa pagkakaunawa ng bata 11. SINGAPORE
G4-6
Ang sagot ay nakadepende sa
pagkakaunawa ng bata
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Blando, Rosemarie C. et al. Modyul ng Mag-aaral Kasaysayan ng Daigdig. Quezon


City, Philippines: Vibal Group, Inc., 2014.

K - 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10. Department of


Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/
2019/01/AP-CG.pdf.

Most Essential Learning Competencies (MELCs). Learning Resource Management


and Development System, 2020. http://lrmds.deped. gov.ph/pdfview/1827

Project EASE: Araling Panlipunan III – Kasaysayan ng Daigdig. Learning


Resource Management and Development System, 2014.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.
Public Domain Clip Art Image: Embrace the World.
“13931651416408.jpg”,http://www.publicdomainfiles.com/show_file.php?i
d=13931651416408

Vivar, Teofista L. et al. Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon: Kasaysayan ng Daigdig.
Manila City, Philippines: SD Publication, Inc., 2000.

Wikimedia Commons. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Map_of_Asia.svg

Wikimedia Commons.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Infobox_ASEAN_flag.png

Wikimedia Commons.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Flag_of_Europe.svg

Wikimedia Commons.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Flag_of_the_United_Nations_(19
45-1947).svg

Wikimedia Commons.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Logo_The_World_Bank.svg

Wikimedia Commons.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:OIC_Logo_since_2011.jpg

Wikimedia Commons.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:World_Trade_Organization_
(log_a nd_wordmark).svg

65
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Region III Learning Resources Management


Section (LRMS)

Matalino St., Government Center, Maimpis,


City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 598-8580 to 89

Email Address: [email protected]

66

You might also like