AP 8 q4 Week 6 SSLM 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN - 8

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: Ikaapat Linggo: Ikaanim


MELC(s): Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng establisadong
institusyon ng lipunan AP8AKD-IVi-9
Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan: Kasaysayan ng Daigdig
➢ Layunin 1.Nabibigyan ng pagkakakilanlan ang iba’t-ibang uri ng ideolohiya.
➢ Kabanata: 4 Pahina: 497-499 Paksa: Ideolohiya

Tuklasin Natin
ANG IDEOLOHIYA AT ANG MGA PANGUNAHING KATEGORYA NITO
Ang ideolohiya ay nagmula sa salitang ugat na idea o kaisipan na tuwirang sinusunod
ng mga tao. Si Destutt de Tracy, isang pilosopo ang nagpakilala sa salitang ito. Ang ideolohiya
ay nahahati sa dalawang pangunahing kategorya: ang ideolohiyang pang-ekonomiya at ang
ideolohiyang pampolitika. Nakatuon ang ideolohiyang pang-ekonomiya sa mga patakarang
pangkabuhayan ng bansa, samantalang ang ideolohiyang pampolitika ay nakatuon sa paraan
ng pamumuno at sa paraan ng pagpapatupad sa mga mamamayan.

Ang Iba’t-ibang Ideolohiya


1. Kapitalismo – Tumutukoy sa sistemang pang-ekonomiya. Binibigyan diin dito ang pag-iipon
ng kapital upang higit na mapalago ang negosyo at mapalaki ang tubo ng namumuhunan. Sa
pamamagitan ng kompetisyon ng mga negosyante, higit na mapahusay ang kalidad ng bawat
produkto at serbisyo sa pamilihan. Ito rin ay ideolohiyang nagsasabi na ang produksyon,
distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal hanggang sa
maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan.
2. Demokrasya – Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Ito ay
pinamumunuan ng mga kinatawang pinili ng mamamayan sa pamamagitan ng malaya at
matapat na halalan. Ang mga tao ay maaring bumoto, tumakbo bilang kandidato at maluklok
sa posisyon. Ang mga mamamayan ay nagtatamasa ng sumusunod na karapatan kagaya ng:
bumuo ng mga samahan, malayang magpahayag ng saloobin, magmay-ari ng mga ari-arian,
maipagtanggol ang kanilang sarili at iba pa.
3. Awtoritaryanismo – Uri ng pamahalaan kung saan ang namumuno ay may lubos na
kapangyarihan. Ang bansang Iran ay may ganitong uri ng pamahalaan kung saan ang
namumuno ay siya ring puno ng relihiyon ng estado, ang Islam. May napakalawak na
kapangyarihan na sinusunod ng mga mamamayan ang namumuno. Si Pangulong Marcos ay

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


nagpa-iral ng ganitong uri ng pamahalaan ngunit ang kanyang kapangyarihan ay itinakda ng
Saligang Batas. Ito ang pamahalaan na kanyang ipinatupad sa ilalim ng Batas militar
hanggang sa mapatalsik siya noong Pebrero 1986.
4.Totalitaryanismo – Uri ng pamahalaan na karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o
grupo ng taong makapangyarihan. Ang sumusunod ay mga katangian sa pamahalaang
totalitaryan: may ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong nagpapatupad; limitado ang
karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa
pamahalaan; lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay ng
isang grupo o ng diktador; kontrolado ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan
ng bansa, at mga industriya; ginagamit ang pamahalaang ito tuwing may kagipitan o labanan
at may pangangailangang magtakda ng isang punong militar na may kapangyarihang
diktatoryal. Ang pamahalaan ni Hitler ng Germany at Mussolini sa Italy bago at habang
nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay halimbawa ng ganitong uri ng
pamahalaan.
5. Sosyalismo – isang doktrina na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan
ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao. Ang pangkat na
ito ang nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng
produksyon. Ang mga industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng
mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan. Ito ay naghahangad ng isang
perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribyusyon ng produksyon ng bansa.
Binibigyang-diin nito ang pagtutulungan habang ang mahahalagang industriya ay pag-aari ng
pamahalaan. Tinatangkilik ito ng mga bansang China at Russia.

Subukin Natin

Pagkatapos mong mapag-alaman ang iba’t-ibang ideolohiya na ipinapatupad ng mga


bansa, susubukan natin ngayon ang iyong kakayahan sa paksang iyong binasa. Suriin ang
sumusunod na pahayag kung sa aling ideolohiya ito napabilang. Gamiting pamantayan ng
inyong sagot ang mga pagpipilian sa loob ng kahon. Titik lamang ang isulat sa patlang bago
ang bilang. Maglaan ng hiwalay na sagutang papel para sa pamprosesong tanong.
a)Kapitalismo b)Demokrasya c)Awtoritaryanismo
d)Totalitaryanismo e)Sosyalismo
______1.Mahalagang sangkap sa ideolohiyang ito ay ang kompetisyon upang mapahusay ang
kalidad ng mga produkto at serbisyo.
______2.Uri ng pamahalaan na pinatupad sa ating bansa sa panahon ni Pangulong Marcos
noong pinairal ang Batas Militar hanggang mapatalsik ito noong Pebrero 1986.
______3. Ito ay isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang mga industriya at lahat ng
mga kailangan ng mga mamamayan ay nasa kamay ng pamahalaan.
______4.Uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng
taong-bayan.
______5.Uri ng pamahalaan kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan,
samantalang limitado ang kapangyarihan ng mga mamamayan.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Pamprosesong Mga Tanong:
1. Sa paanong paraan nagkakahintulad at nagkakaiba ang kapitalismo sa
sosyalismo? Saan sa mga ideolohiyang ito ang tinatangkilik ng Pilipinas?
2. Sa paanong paraan nagkakaiba ang totalitaryanismo sa demokrasya? Alin sa mga
ideolohiyang ito ang tinataguyod ng Pilipinas?
3. Bakit magkaiba-iba ang ideolohiya ng mga bansa?
4. Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang ideolohiya sa isang bansa?

Isagawa Natin

Ano sa palagay mo?

Batay sa iyong nabasang teksto, aling ideolohiya ang mas mabuting sundin para sa
ating bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________
__

Ilapat Natin

Ikaw bilang mamamayan ng isang demokratikong bansa, gagawa ka ng isang slogan


na maglalahad ng mga karapatang tinatamasa ng isang mamamayang Pilipino. Gawin ito sa
isang long size bond paper.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Rubrik

Ang rubrik na ito ay gagamiting pamantayan sa pagwawasto ng iyong gawain


Pamantayan 5 3 1
Nilalaman Ang mensahe ay May kakulangan sa Walang mensaheng
mabisang naipakita mensaheng naipakita
naipakita
Kaangkupan May malaking Bahagyang Walang kaugnayan
kaugnayan sa paksa nauugnay sa paksa sa paksa ang islogan
ang islogang ginawa ang islogan
Kabuuang Napakalinis, Hindi gaanong Hindi maayos ang
presentasyon napakalinaw at malinis, malinaw at kabuuang
napakaganda ang maganda ang presentasyon ng
pagkasulat at pagkasulat at islogang ginawa
pagkagawa ng pagkagawa ng
islogan islogan
Kabuuang puntos

Sanggunian

Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan, Modyul ng Mag-aaral


Kasaysayan ng Daigdig, Vivar et al
Kasaysayan ng Daigdig, Mateo et al

LRMDS, DepEd Philippines

SSLM Development Team


Writer: Irene G. Pelonio
Evaluator: John Mark M. Javier / April G. Formentera
Illustrator:
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Education Program Supervisor – Araling Panlipunan: Lito S. Adanza, Ph. D.
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021

You might also like