ADM_AP8_Q3_Mod6

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

8

Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan –
Modyul 6:
Mga Ideolohiyang Politikal at
Ekonomiko sa hamon ng
Establisadong Institusyon ng
Lipunan
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Mga Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko sa
Hamon ng Establisadong Institusyon ng Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayon paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gemma L. Lituañas
Editor: Hiede Golosino, Joanne F. Digamon, Ryan Valiente, Joelita Cantoria

Tagasuri:

Tagaguhit:

Tagapamahala: Bianito Dagatan


Casiana P. Caberte
Marina S. Salamanca
Carmela M. Restificar
Jupiter I. Maboloc
Josephine D. Eronico

Department of Education – Region VII, Division of Bohol


Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Barangay Cogon Tagbilaran City
Telefax: 501-7550
E-mail Address: [email protected]
8Araling
Panlipunan

Ikaapat na Markahan –
Modyul 6:
Mga Ideolohiyang Politikal at
Ekonomiko sa hamon ng
Establisadong Institusyon ng
Lipunan.
Aralin
Mga Ideoyolohiya
1 (Politikal at Ekonomiko)
(Unang Araw)

Alamin
Ang modyul na ito ay tungkol sa mga ideolohiyang
political at ekonomiya sa hamon ng establisadong institusyon ng
lipunan. Inaasahan na lubos mong maunawaan ang mga ideolohiya na
nakapaloob sa aralin na ito upang makapagbigay ng sariling pananaw
tungkol sa mga isyu sa lipunan.
Sa panimulang aralin na ito ay inaasahan ang aral na mapupulot
para magiging gabay sa pagsagot sa mga katanungan kung paano
nakakaapekto ang iba’t ibang ideolohiya.. Mahalagang maunawaan mo
ang mga ito upang ikaw ay maging kabahagi pagkilos at pagtugon sa
mga isyu at hamong panlipunan.
Sa modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
1. Naibibigay ang kahulugan ng salitang ideolohiya sa
pamamagitan ng mga kaugnay na salita o mga kaisipan;
2. Nailalahad ang mga iba’t ibang ideolohiyang
sinusunod ng mga bansa;
3. Napapahalagahan ang makatuwiran at bukas na
isipan ng mga bansa lalo na ang Pilipinas sa
pagpili ng mga ideolohiyang yayakapin.

Tayo na’t pag-aralan at tuklasin ang ika-anim na modyul.


Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat


sa patlang ang titik:

A. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Demokrasya;


B. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Kapitalismo;
C. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Komunismo;
D. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Monarkiya;
E. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Sosyalismo; at
F. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Totalitaryanismo.

_____ 1. Ang pamahalaang ito ay kahalintulad ng pamumuno nina Hitler sa


Alemanya at ni
Mussolini sa Italya. Kadalasang isang punong-militar ang may
kapangyarihang
diktador. Karaniwang lumaganap ang ideolohiyang ito sa mga bansa sa
Timog
Amerika at Aprika.
_____ 2. Ayon kay Nicolai Lenin ang dahas at pananakop ay kailangan upang
maitatag ang
“DiktaDurya ng Manggagawa”.
_____ 3. Ang ideolohiyang ito ay malaya sa pamamahala at sa kabuhayan na
sinusunod ng
mga bansang tulad ng Pilipinas, Hapon, Estados Unidos, at Timog Korea.
_____ 4. Ideolohiyang nalinang ni Karl Marx na naglalayong maging pagmamay-ari
ng
lipunan ang produksyon.
_____ 5. Ang pamahalaang ito ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o
grupo ng
mga taong makapangyarihan. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng
mga
lupain, kayamanan ng bansa, at mga industriya.
_____ 6. Sa sistemang ito ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng m
ga tao at karaniwang pumipili ang mga tao ng pinuno sa pamamagitan ng
halalan.
_____ 7. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng isang tao.
Ang pinuno ng sistemang ito ay karaniwang tinatawag na hari o reyna.
_____ 8. Layunin nito ang pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag- uuri-uri
ng lipunan (classless society) kung saan ang mga salik ng produksyon ay
pag-aari
ng lipunan.
_____ 9. Naglalayon na makamit ang perpektong lipunan sa pamamagitan ng
pantay
na distribusyon ng produksyon ng bansa, pagtutulungan, at ang paghawak
ng
pamahalaan sa mahahalagang industriya.
_____ 10. Sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon at
kalakaran ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal.

Balikan

Binigyang-diin sa nakaraang Aralin ang mga pangyayayri sa


pagkatapos ng Ikalawang digmaang Pandaigdig na nagbigay daan sa
pag-usbong ng mga ideolohiya na sinusunod ng iba’t ibang bansa.
Naging pamantayan ito na sinusunod ng mga mamamayan. Nalalaman
din ang kahulugan ng ideolohiya at kung sino ang nag-imbento ng
salitang ideolohiya. Pag aralan naman ang mga pangunahing
ideolohiyang political at ekonomiko na siyang tatalakayin sa susunod na
aralin.

Tuklasin
Gawain 1: Mga Larawang Ito Suriin Mo
Panuto: Pag-aralang Mabuti ang kasunod na mga larawan at subuking sagutin ang
katanungan sa loob ng talahanayan.
Mga Tanong Sagot

1. Anong mga imahe ang kapansin-


pansin sa unang larawan?

2. Ano ang kahulugan ng unang


larawan?
3. Anong bansa sa iyong palagay ang
gumamit ng ganitong simbolismo
bilang representasyon ng kanilang
paniniwala?
4. Anong sikat na estatwa ang ipinakita
sa pangalawang larawan? Anong
mga detalye ng estatwa ang
ipinapakita rito?
5. Ano sa iyong palagay ang kahulugan
ng mga detalye ng estatwang ito?
6. Anong aksyion ang ginagawa ng
mga imahe sa ikatlong larawan?
7. Sa iyong palagay anong mga bansa
ang sinisimbulo ng nagtutunggaling
imahe?
8. Ano ang kahulugan ng
pagtutunggaling ito ng mga bansa?

Suriin
Basahin
Mo!

Ang kahulugan ng Ideolohiya

Ang ideolohiya ay isang Sistema Ang kahulugan ng Ideolohiya ay isang sistema o


kalipunan ng mga ideya o kaisipan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong
magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito. Galing ito sa salitang
ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.

Si Desttutt de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling


pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya. Iba’t ibang kategorya ng ideolohiya.

1. Ideolohiyang Pangkabuhayan - Nakasentro ito sa mga patakarang pang-


ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa
mga mamamayan.
2. Ideolohiyang Pampolitika – Nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno
at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. Ito ay mga
pangunahing prinsipyong politikal at batayan ng kapangyarihan politikal.
3. Ideolohiyang Panlipunan – Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mga
mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng
pamumuhay ng mga mamamayan.

Iba’t ibang ideolohiya


1. Kapitalismo – Tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan
ang produksiyon, distribusyon at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong
mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng
pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan.
2. Demokrasya – ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga
tao. Sa demokrasya, maaring makilahok ang mga mamamayan nang tuwiran
o di-tuwiran. Ito ay tinatawag na direct o tuwirang demokrasya kung ibinoboto
ng mamamayanan ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan.
3. Awtoritaryanismo – Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang
namumuno ay may lubos na kapangyarihan. Mayroon ding tinatawag na
konstitusyonal na awtoritaryanismo kung saan ang kapangyarihan ng
namumuno ay itinakda ng Saligang Batas. Ito ang tawag ng dating Pangulong
Marcos sa kaniyang pamamahala sa ilalim ng Batas Militar noong 1972.
4. Totalitaryanismo – Ang pamahalaang totalitaryan ay karaniwang
pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan.
Limitado ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos,
pagsasalita at pagtutol sa pamahalaan. Lahat ng desisyon tungkol sa
pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay ng isang grupo o ng diktador.
Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng
bansa at mga industriya.
5. Sosyalismo - Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-
ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay
ng isang pangkat na tao. Ang pangkat nito ang nagtatakda sa pagmamay-ari
at sa pangangasiwa ng lupa, kapital at mekanismo ng produksiyon. Ang mga
industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga
mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan.
Gawain 2: Talahanayan, Punan Mo!
Subukan natin ngayon ang iyong kaalaman sa paksang binasa. Punan ng
impormasyon ang kasunod na data retrieval chart.

Mga Ideolohiya Katangian Bansang


Nagtataguyod

Aralin Mga Ideolohiya


(Mga Pwersang Pangkabuhayan sa Politika ng Bansa,
2 Paglaganap ng Komunismo sa Russia, Italy at
(Ikalawang Araw) Germany)
SURIIN

Mga Pwersang Pangkabuhayan sa Politika ng Bansa.


Ang Pagsilang ng Komunismo sa Russia
Nag-ugat ang ideolohiyang komunismo sa Rusya noong panahon ng mga
Tsar. Ayon sa kasaysayan, ang Rusya noong panahon ng Tsar, ay naging
makapangyarihan subalit ang namumuno ay naging despotic. Mula 1917 hanggang
1920, nagkaroon ng mga labanan sa pagitan ng mga Red Army ng mga Bolshevik at
ng mga White Army ng mga konserbatibo na dating pamahalaan, nasupil ng mga
Red Army ang mga White Army. Noong 1920, napasailalim ng Komunista ang boung
Russia. Ipinalagay ni Lenin na kailangan ang dahas at pananakop para maitatag ang
“Diktadurya ng mga Manggagawa.” Ang estadong naitatag nila ay tinawag na Union
Soviet Socialist Republic o USSR. Mga prinsipyong pinaniniwalaan ng Komunismo
ang mga sumusunod:
1. Pagtatag ng diktadurya ng mga manggagawa: Ang manggagawa ang
supremo ng pamahalaan;
2. Pangangasiwa ng pamahalaan sa sistema ng produksiyon at distribusyon ng
pag-aari;
3. Pagwawaksi sa kapitalismo;
4. Pagtatwa sa kapangyarihan ng Diyos at lubos na paghihiwalay ng estado at
ng simbahan; at
5. Pagsuporta, paghikayat at pagpapalaganap ng Kilusang Komunismo sa
boung daigdig.

Pagsilang ng Fascism sa Italy

Sa Italy, ibang ideolohiya naman ang namayani. Tinawag itong fascism. Mga
kondisyong nagbigay daan sa fascism sa Italy ang sumusunod:

1. Nasyonalismo – Hindi nasiyahan ang mga Italyano sa resulta ng Unang


Digmaang Pandaigdig gayong nabigyan naman ito ng bahagi sa mga pabuya
ng digmaan.
2. Paghihirap sa Kabuhayan – dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, nagkulang
sa pagkain at maraming pangangailangan sa Italy. Tumaas ang halaga ng
mga bilihin. Iginawad ng pamahalaan ang mataas na buwis upang mabayaran
ang malaking pagkakautang ng bansa bunga ng digmaan. Marami ang
nawalan ng trabaho sapagkat nasira ng digmaan ang mga sakahan at
pagawaan.
3. Kahinaan ng Pamahalaan – Hindi nakayanan ng pamahalaang lutasin ang
mga suliranin ng bansa. Pinalala pa ng pagkakaroon ng mahinang opisyal sa
pamahalaan. Bunga nito, nawalan ng saysay ang mga tradisyong
demokratiko pati na ang mga tao sa kanilang demokratikong institusyon. Ang
kapayapaan ay naibalik ng mga Fascista, isang samahang itinatag ni Benito
Mussolini na dating sosyalista at editor ng pahayagan.

Benito Mussolini

Ang mga tagasunod ni Mussolini ay bumuo ng mga pangkat militar na


tinawag na Black Shirts na nagsagawa ng mga pagpupulong ng mga grupong
sosyalista at komunista. Ipinangako nilang pangalagaan ang mga pribadong ari-
arian. Noong oktobre, 1922 naganap ang dakilang pagmamartsa sa Roma. Pinilit
ni Mussolini at ng mga Black Shirts na buwagin ang Kabinete. Si Haring Victor
Emmanuel ay napilitang magtatag ng bagong kabinete na si Mussolini ang
Punong Ministro. Ang Parliyamento ay napilitang maggawad ng mga
kapangyarihang diktatoryal kay Mussolini. Ayon sa paniniwala ni Mussolini, bigo
ang demokrasya, kapitalismo at sosyalismo. Sa halip, itinatag niya ang isang
diktaduryang Totalitarian, Corporate State. Pinagsama-sama niya ang
kapitalismo, sosyalismo at ang sistemang guild ng Panahong Midyebal. Mga
prinsipyongsinunod ng Fascism ay ang mga sumusunod:
1. Gumagawa lamang ang tao sa kapakanan ng estado.
2. Ang demokrasya ay mahina at walang saysay at lakas ang kinakailangang
pangingibabawin.
3. Lahat ng bibitiwang opinyon, pasalita man o pasulat ay kailangang naaayon
sa pamahalaan.
4. Kinukontrol ang buong sistema ng edikasyon upang ang mamamayan ay
makapagsilbi sa estado at makatulong sa paghahanda sa digmaan.
Dinodomihan ng fascistang propaganda ang mga paaralan.
5. Maingat ng sinesensor ang lahat ng mga pahayagan at publikasyon.
6. Lahat ng uri ng libangan ay sinusuri ng pamahalaan
7. Hindi kinikilala ang kalayaang sibil
8. Binibigyan ng bonus ang malaking pamilya.
9. Hindi binibigyan ng karapatang sosyal, politikal at pangkabuhayan ang mga
babae.

Paglaganap ng Ideolohiya sa Germany

Bilang isang ideolohiya, ang Nazism ay nangyari sa Germany simula noong


1930. Isa sa pinakamalupit na diktaduryang totalitaryan sa makabagong panahon.
Nakakahawig ito ng fascism sa Italy at ng komunismo sa Russia.

Adolf Hitler

Ang pagnanais na makabawi sa kahihiyan ng pagkatalo sa World War I at


ang paniniwala na ang Aleman ang dapat mamuno sa daigdig ay ilan lamang sa
pangunahing layunin ng diktaturyang Nazism. Ang mga sumusunod ay mga
pangyayaring tumulong sa pagkatatagng diktaturyang Nazismo.
1. Ang Kahinaan ng Weimar Republic
2. Kasunduan ng Versaillles
3. Ang paghihirap sa kabuhayan
Gawain 1: Pag-isipan mo!
Aralin
3 Mga Ideolohiya
(Ang Pilipinas at ang Ideolohiya Nito)
(Ikatlong Araw)

Suriin
Pagyamanin

Panuto: Matapos mong mabasa at maunawaan ang teksto ay


punan mo
ang hinihinging impormasyon.
Isaisip

Dapat natin tandaan na ang ideolohiya ai isang Sistema o lipon ng mga


odeiya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago
nito. Ang mga pangunahing ideolohiya na lumaganap sa daigdig ay ang kapitalismo,
monarkiya, demokrasya, totalitaryanismo, awtoritaryanismo, sosyalismo at
komunismo. Na kung saan, ang demokrasya at ang komunismo ang dalawang
magkasalungat na ideolohiya sa daigdig. Mas maraming bansa ang nainiwala sa
kabutihan ng demokrasya sa kaunlaran at kagalingang panlipunan. Ang Pilipinas ay
isang republika na may Demokratikong Pamahalaan. Sa kasalukuyan ay sinisikap
ng mga Pilipino na mapanatili ang diwa ng Kalayaan at demkrasya sa Pilipinas.

Sa paglaganap ng komunismo, ang maraming biktima ni Hitler ay ang mga


Hudyo na kung saan marami siyang pinapatay na mga Hudyo.

Ang Pilipinas ay isang Republika at may Demokratikong pamahalaan. Alin


sunod sa Saligang ng 1987, mayroon itong check and balance sa bawat sangay ng
Pamahalaan.

Isagawa

Gawain 1: Diyagram ng Kahulugan


Pagkatapos nauunawan ang araling iyo, mag-isip ng mga salitang may kaugnayan
sa katagang ideolohiya. Mag isip ng mga kaugnay na kaisipan ang maaaring
makatulong sa iyo upang mas lalong maunawaan ang salitang ito. Isulat sa
diyagram o kahon ang iyong sagot.
Karagdagang Gawain

Gawain: Paglalapat

Panuto: Itala sa talahanayan sa ibaba ang mga katangian ng demokrasya at


lomunismo.

DEMOKRASYA KOMUNISMO
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat sa
patlang ang titik:

A. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Demokrasya;


B. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Kapitalismo;
C. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Komunismo;
D. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Monarkiya;
E. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Sosyalismo; at
F. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Totalitaryanismo.

_____ 1. Sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon at


kalakaran ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal.
_____ 2. Naglalayon na makamit ang perpektong lipunan sa pamamagitan ng
pantay
na distribusyon ng produksyon ng bansa, pagtutulungan, at ang paghawak
ng pamahalaan sa mahahalagang industriya.
_____ 3. Layunin nito ang pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag- uuri-uri
ng lipunan (classless society) kung saan ang mga salik ng produksyon ay
pag-aari ng lipunan.
_____ 4. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng isang tao.
Ang pinuno ng sistemang ito ay karaniwang tinatawag na hari o reyna.
_____ 5. Sa sistemang ito ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng m
ga tao at karaniwang pumipili ang mga tao ng pinuno sa pamamagitan ng
halalan.
_____ 6. Ang pamahalaang ito ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o
grupo ng mga taong makapangyarihan. Nasa kamay ng pamahalaan ang
pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng bansa, at mga industriya.
_____ 7. Ideolohiyang nalinang ni Karl Marx na naglalayong maging pagmamay-ari
ng lipunan ang produksyon.
_____ 8. Ang ideolohiyang ito ay malaya sa pamamahala at sa kabuhayan na
sinusunod ng
mga bansang tulad ng Pilipinas, Hapon, Estados Unidos, at Timog Korea.
_____ 9. Ayon kay Nicolai Lenin ang dahas at pananakop ay kailangan upang
maitatag ang “DiktaDurya ng Manggagawa”.
_____ 10. Ang pamahalaang ito ay kahalintulad ng pamumuno nina Hitler sa
Alemanya at ni Mussolini sa Italya. Kadalasang isang punong-militar ang
may kapangyarihang diktador. Karaniwang lumaganap ang ideolohiyang
ito sa mga bansa sa Timog Amerika at Aprika.
SUSI SA PAGWAWASTO

Subukin

1. F

2. C

3. A

4. C

5. F

6. A

7. D

8. C

9. E

Gawain 1: Pag-isipan Mo
Pagyamanin: Gawain
2: Pagpapalawak ng
Kaalaman

1. Presidensyal
2. Parlyamentaryo
3. Presidensyal
4. Presidensyal
5. Parlyamentaryo

Gawain 1: Diyagram ng Kahulugan

Gawain 1: Karagdagang Gawain


Tayahin:
6. B
7. E
8. C
9. D
10. A
11. F
12. C
13. A
14. C
15. F

You might also like