NegOr Q4 AP10 Module7 v2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 7
Papel Ng Mamamayan sa Pagkakaroon
ng Mabuting Pamahahala

ii
NegOr_Q4_AP10_Module7_v2
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Papel Ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting
Pamahahala
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cyril Vincent M. Torres


Editor: Divina May S. Medez
Tagasuri: Germelina V. Rozon, Divina May S. Medez
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz, Rommel P. Dayot
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: [email protected]

i
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na


matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin
Magandang Araw!

Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aralan habang wala ka sa paaralan. Batay sa MELC AP10Q4Wk7 – Natatalakay ang papel
ng mamamayan sa pamamahala ng isang komunidad, ay tatalakayin at susuriin kung ano
ang kanyang papel bilang isang mamamayan sa komunidad. Malaki ang papel ng mga
mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting pamamahala mula sa pamahalaan. Hindi
natin maipagkakailang malaki ang problema ng ating bansa kung demokrasya ang pag-
uusapan. Kaya naman mahalaga ngayong kumilos ang mamamayan para tugunan ang mga
isyu at suliraning ito. Nararapat na hingin ng mamamayan sa pamahalaan pagbabagong ating
hinahangad.
Ang modyul na ito ay tungkol sa papel ng mamamayan para sa pagkakaroon ng
mabuting pamamahala. Bilang mahalagang bahagi ng estado, nasa kamay ng mamamayan
ang pag-asa para sa ikauunlad ng bayan. Upang matupad ang misyong ito, ang mamamayan
ay kinakailangang may sapat na talino at kakayahan para paunlarin ang bansa. Mauunawaan
mo din ang kalagayan ng ating demokrasya sa kasalukuyan sa pamamagitan ng democracy
index at Corruption Perception Index. Ipaliliwanag din sa modyul na ito kung ano ang mga
dahilan kung bakit nagaganap and Democracy Index at Corruption Perceptions index sa isang
bansa.
Bigyang-halaga ang nasabing isyu upang mas malinaw ang pag-unawa ng lahat ng
mamamayang pilipino sa mundong ating ginagalawan.
Handa ka na bang matuto? Simulan mo na!

Subukin Paano mo ito ipinakita o


ipinadama? Bakit mo
naramdaman ito?

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba na nasa Hanay A at piliin ang titik ng tamang
na nasa Hanay B. Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.

HANAY A HANAY B

_____1. Binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos a. Buwis


protesta lipunang pagkilos at mga non-governmental
organizations/Peoples Organizations.
_____2. Ito ay paraang nagbibigay ng kapangyarihan sa b. Civil Society
mamamayan para makamit ang tinatamasa ng mabuting
pamamahala.

1 NegOr_Q4_AP10_Module7_v2
_____3. Ito ay binabayad ng bawat mamamayang Pilipino na may c. Politikal na
hanapbuhay at ari-arian. Pakikilahok
_____4. Artikulo ng 1987 Saligang Batas ng ating bansa makikita d. Saligang batas
ang pagkamamamayan.

_____5. Kasulatan kung saan nakasaad ang pagkamamamayang e. Artikulo IV


Pilipino. Seksyon 1

_____6. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro f. Naturalisasyon


ng isang pamayanan o estado?

_____7. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa g. Jus Soli


pagkamamayan ng isa sa kanyang mga magulang

_____8. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan h. Jus sanguinis


siya ipinanganak.

_____9. Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na i. Participatory
nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim Governance
sa isang proseso sa korte o hukuman.

____10. Isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga j. citizenship
ordinaryong mamamayan ang katawan ng pamahalaan
sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa
suliranin ng bayan.

Balikan
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Ano ang dalawang mahahalagang pag-aaral tungkol sa estado ng demokrasya ng
ating bansa?

2. Bakit mahalaga para sa atin ang paglahok sa mga nagaganap sa ating pamahalaan o
lipunan sa kabuuan?

2 NegOr_Q4_AP10_Module7_v2
Tuklasin

LARAWAN-SURI:
Panuto: Suriin ang mga larawan at pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan na nasa
ibaba. Isulat ang sagot sa kwaderno.

(Samaritan Purse 2015)

Pamprosesong tanong:

1. Ano kaya ang ipinakita ng mga larawan?


2. Bilang isang kabataan, ano ang papel mo sa ating lipunang ginagalawan?
3. Ano papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala?
4. Bakit may politikal na pakikilahok?

Suriin
Sa pag-aaral tungkol sa kalagayan o estado ng demokrasya sa isang bansa at ang
pakikilahok na nagaganap ay maaring matukoy sa pamamagitan ng Democracy Index at
Corruption Perceptions Index.
Ano ang Democracy Index at Corruption Perceptions Index?
Ang Democracy Index ay binubuo ng mga Economist Intelligence Unit na kung saan
pinag-aaralan nito ang kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong mundo. Ayon sa
Democracy Index 2016 ang Pilipinas ay pang limampu sa kabuuang 167 na bansa. Ibig
sabihin, may malayang halalang nagaganap at nirerespeto ang karapatan ng mga
mamamayan nito. Ngunit, may ibang aspekto ng demokrasya ang nakaranas ng suliranin
tulad ng pamamahala at mahinang politikal na pakikilahok ng mamamayan, paggamit sa
posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes at kawalan ng
kapanagutan.

3 NegOr_Q4_AP10_Module7_v2
Ang Corruption Perceptions Index ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto
tungkol sa lawak ng katiwalian sa isang bansa. Ang isang bansa ay maaaring makakuha ng
marka na 0 (pinakatiwali) hanggang 100 (Pinakamalinis na marking nakuha 90/100 samantala
ang bansa Somalia ang pinakamababa 10/100. Ang bansang Pilipinas ay nakakuha ng 35/100
at Ika 101 sa 167 bansa sa mundo.
Ang Global Corruption Barometer naman ay ang kaisa-isang pandaigdigang survey
na nagtatanong sa opinion ng mga tao tungkol sa katiwalian sa kanilang bansa.

Mga dahilan kung bakit nagaganap and Democracy Index at Corruption


Perceptions index sa isang bansa
Democracy Index Corruption Perceptions Index

(Anonymous n.d.) (Government Watch 2018)

Pamamahala at mahinang politikal na Hindi pagiging accountable ng mga


pakikilahok ng mamamayan pamahalaan

(McLaughlin 2018) (Blogspot 2020)

Paggamit sa posisyon sa pamahalaan


Kawalan ng sistema ng pagtingin sa
upang palaganapin ang pansariling
gawain ng pamahalaan
interes

4 NegOr_Q4_AP10_Module7_v2
(Philstar 2019) (Elek 2018)

Kawalan ng kapanagutan Lumiit na espasyo sa civil society

Ayon sa Democracy Index 2016 ang Pilipinas ay pang limampu sa kabuuang 167 na
bansa. Sa kabila ng ating deklarasyon na tayo ay isang demokratikong bansa, ang Pilipinas
ay itinuturing na isang flawed democracy. Ibig sabihin, may malayang halalang nagaganap at
nirerespeto ang mga karapatan ng mamamayan nito. Ngunit, may mga ibang aspekto ng
demokrasiya ang nakararanas ng suliranin tulad ng pamamahala at mahinang politikal na
pakikilahok ng mamamayan.

Maituturing ding isa sa pinakamalaking hamong kinakaharap ng mga Pilipino sa


kasalukuyan ay ang katiwalian, ayon sa Transparency International, isang pangkat na
lumalaban sa katiwalian, “corruption ruins lives.” Tumutukoy ang korapsyon o katiwalian sa
paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes. Ayon kay
Co at mga kasama (2007), ang katiwalian ay ang pagpapalawig ng interes ng pamilya, mga
kasamahan, mga kaibigan, at sarili ng mga nanunungkulan sa pamahalaan. Ayon naman kay
Robert Klitgaard (1998), batay kay Co at mga kasama (2007), nagkakaroon ng katiwalian
bilang bunga ng monopolyo sa kapangyarihan, malawak na pagbibigay ng desisyon, at
kawalan ng kapanagutan. Kaya naman naging laganap ang mga katiwalian sa mga bansang
dating kolonya, dahil ginamit ito bilang instrumento ng pananakop (Scott, 2000, ayon kay Co
at mga kasama, 2007). Ang Corruptions Perception Index ay naglalaman ng pananaw ng mga
eksperto tungkol sa lawak ng katiwalian sa isang bansa. Ang isang bansa ay maaaring
makakuha ng marka na 0 (pinakatiwali) hanggang 100 (pinakamalinis na pamahalaan).

Pagkakaiba-iba ng Democracy Index at Corruption Perceptions


Index
Ang Democracy Index ay isang database kung saan sinusukat sa pamamagitan ng
iba-ibang mga sukat o measures ang pagiging demokratiko ng isang bansa.

Ano ang sinusukat?


May limang aspeto na sinusukat sa Democracy Index:

5 NegOr_Q4_AP10_Module7_v2
1. Prosesong pang-elektoral at pluralismo
2. Mga karapatan at iba pang sibil na kalayaan
3. Paggana ng gobyerno
4. Pampulitikang paglahok ng mga mamamayan
5. Kulturang pampulitika

Ang corruption perception index ay isang termino na ginagamit upang ilarawan ang
pagsukat ng antas ng korapsyon sa isang bansa, base sa paningin ng mga mamamayan nito.
Ang corruption perception index ay mahalaga dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
1. Ito ay ginagamit upang sukatin ang korapsyon
2. Dito makikita ang tingin at tiwala ng publiko sa kanilang pamahalaan
3. Mas madaling malalaman ang mga katiwalian na nagaganap sa gobyerno
4. Nagbibigay linaw sa mga aktibidades na ginagawa ng mga lider at ang opinyon ng
mga mamamayan ukol dito
5. Maaari itong gawing batayan upang mas madaling malaman ang pagiging malinis
ng mga lider
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1392322#readmore

Pagyamanin
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap; kung ito ay
MALI, itama ang salitang may salangguhit upang maiwasto ang nilalaman ng pahayag. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ang Japan ay pang limampu sa kabuuang 167 na bansa ayon sa Democracy


Index 2016.
2. Ang Democracy Index at Corruption Perceptions Index ay dalawa lamang sa
mahahalagang pag-aaral tungkol sa estado ng demokrasiya ng ating bansa.
3. Tumutukoy ang korapsyon o katiwalian sa paggamit sa posisyon sa
pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes.
4. Ang katiwalian ay ang pagpapalawig ng interes ng pamilya, mga kasamahan,
mga kaibigan, at sarili ng mga nanunungkulan sa pamahalaan.
5. Nagkakaroon ng pamahalaan bilang bunga ng monopolyo sa kapangyarihan,
malawak na pagbibigay ng desisyon, at kawalan ng kapanagutan.
6. Ang Global Corruption Barometer ng Transparency International ay ang kaisa-
isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinyon ng mga tao tungkol sa
katiwalian sa kanilang bansa.
7. Ang pamamahalaan ay isang tahasang pagtaliwas sa tinatawag na ‘elitist
democracy’ kung saan ang desisyon para sa pamamahala ay nagmumula
lamang sa mga namumuno.
8. Ang mga bansang Japan at South Korea ang itinuturing na may pinakamataas
na marka sa index bagamat kapuwa ito itinuturing na flawed democracy.

6 NegOr_Q4_AP10_Module7_v2
9. Ang Democracy Index ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa
lawak ng katiwalian sa isang bansa. Ang isang bansa ay maaaring makakuha
ng marka na 0 (pinakatiwali) hanggang 100 (pinakamalinis na pamahalaan).
10. Corruption Perceptions Index ay binubuo ng mga Economist Intelligence Unit
na kung saan pinag-aaralan nito ang kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa
sa buong mundo.

Isaisip
Sa kabila ng ating deklarasyon na tayo ay isang demokratikong bansa, ang
Pilipinas ay itinuturing na isang flawed democracy. Ibig sabihin, may malayang halalang
nagaganap at nirerespeto ang mga karapatan ng mamamayan nito. Ngunit, may mga ibang
aspekto ng demokrasiya ang nakararanas ng suliranin tulad ng pamamahala at mahinang
politikal na pakikilahok ng mamamayan. Sa pag-aaral tungkol sa kalagayan o estado ng
demokrasya sa isang bansa at ang pakikilahok na nagaganap ay maaring matukoy sa
pamamagitan ng Democracy Index at Corruption Perceptions Index.

7 NegOr_Q4_AP10_Module7_v2
Isagawa
Panuto: Tingnan ang talahanayan sa ibaba. Piliin sa loob ng kahon ang mga dahilan kung
bakit nagaganap ang Democracy Index at Corruption Perceptions index sa isang bansa.
Ihanay ito kung saan ito napabibilang (Democracy Index, o Corruption Perceptions index)
Kopyahin at isulat sa kwaderno ang mga sagot.

✓ Kawalan ng sistema ng sistema ng pagtingin sa Gawain ng pamahalaan


✓ Kawalan ng kapanagutan
✓ Lumiit na espasyo para sa civil society
✓ Pamamahala at mahinang political na pakikilahok ng mamamayan
✓ Paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes
✓ Hindi pagiging accountable ng mga pamahalaan

Talahanayan

Democracy Index Corruption Perceptions Index

1. 4.

2. 5.

3. 6.

8 NegOr_Q4_AP10_Module7_v2
Tayahin

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

1. Ang lahat ay mga kategoryang pinagbabatayan ng democracy index maliban


sa isa:
a. Electoral process c. Political Participation
b. civil liberties d. Social Index

2. Ang mga sumusunod ay mga bansa na may demokratikong uri ng pamahalaan


na pinangungunahan ng bansang:
a. Norway c. Belgium
b. China d. Mexico

3. Ayon sa Democracy Index 2016 ang Pilipinas ay nabibilang sa bansa na may


kabuuan na:
a. Tatlumpo c. limampu
b. Apatnaput-isa d. animnaput-isa

4. Ito ay kabilang sa dalawang bansang itinuturing na may pinakamataas na


marka sa index at kapuwa ito itinuturing na flawed democracy
a. Japan at China c. Japan at South Korea
b. Japan at America d. Japan at Pilipinas

5. Ito ay isang pangkat na lumalaban sa katiwalian.


a. Flawed democracy c. Transparency International
b. Democracy Index d. Philippine Index

6. Ito ay ang kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinyon ng mga tao


tungkol sa katiwalian sa kanilang bansa.
a. Corruption Index c. Global Corruption Barometer
b. Philippine Index d. Democracy Index

7. Ito ay tawag sa kaugnayan sa pakikilahok ng isang mamamayan na bumuo ng


isang samahan upang direktang makipag-ugnayan sa mga ito sa pamahalaan
upang direktang ipaabot sa kanila ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan.
a. Civil Society c. Participatory Governance
b. Naturalisasyon d. Civil rights

8. Ang corruption perception index ay mahalaga maliban sa isang kadahilanan


a. Ito ay ginagamit upang sukatin ang mabilis na pag-unlad ng gobyerno
b. Mas madaling malalaman ang mga proyekto na nagaganap sa gobyerno

9 NegOr_Q4_AP10_Module7_v2
c. Nagbibigay ito ng hindi malinaw sa mga aktibidades na ginagawa ng
mga lider at ang opinyon ng mga mamamayan ukol ditto
d. Maaari itong gawing batayan upang mas madaling malaman ang
pagiging malinis ng mga lider

9. Lahat ng ito ay papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala


maliban sa isa.
a. Politikal ng pakikilahok tulad ng pagboto
b. Pagiging aktibong mamamayan sa hindi pakikilahok sa mga gawaing
makabuluhan kagaya ng mga diskurso sa pamamahala upang bigyang
katugunan ang mga hamong panlipunan.
c. Dapat ay magkasamang bumuo ang pamahalaan at ang mga
mamamayan ng mga solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng
lipunan.
d. Paglahok sa civil society

10. Ito ay mga aspeto na sinusukat ng Democracy Index maliban sa isa


a. Prosesong pang-elektoral at pluralismo
b. Mga karapatan at iba pang silbi sa kalagayan
c. Pampulitikang paglahok ng mga mamamayan
d. Kulturang pampulitika

Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.


1. Sa paanong paraan maipapakita ang wastong pamamahala upang uunlad ang
ating bansa o ang isang bansa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang Democracy index at Corruption Perception


Index?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

10 NegOr_Q4_AP10_Module7_v2
NegOr_Q4_AP10_Module7_v2 11
SUBUKIN:
1. b
2.c
3.a
4.e
5.d
6.j
TAYAHIN
7.h
1.d 8.g
2.a. 9.f
3.c. 10.i
4.c.
5.c
6.c PAGYAMANIN:
7.a
1. Mali (Pilipinas)
8.d
9.b 2. Tama
10.b 3. Tama
4. Tama
Karagdagang Gawain: 5. Mali (Katiwalian)
(Isangguni sa guro ang sagot) 6. Tama
7. Mali (Pamamahala)
8. Tama
9. Mali (Corruption Perceptions
ISAISIP: Isangguni sa guro Index)
ang sagot 10. Mali (Democracy Index)
ISAGAWA: Gawain A.
Democracy Index
1.Pamamahala at
mahinang political na
pakikilahok ng mamamayan
2.paggamit sa posisyon sa
pamahalaan upang
palaganapin ang
pansariling interes
3.kawalan ng kapanagutan
Corruption Perceptions
Index
4.Hindi pagiging
accountable ng mga
pamahalaan
5.kawalan ng sistma ng
pagtingin sa Gawain ng
pamahalaan
6.lumiit na espasyo para sa
civil society
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Archive. 2018. Ap pagkamamamayan. January 30. Accessed May 5 , 2022.


https://archive.org/details/LM.AP104.21.17.
Blogspot. 2020. Editorial Cartoon Na Nagpapakita ng Kawalan ng Trabaho. June 17.
Accessed May 5, 2022. https://kawalangaleri.blogspot.com/2020/06/editorial-cartoon-
na-nagpapakita-ng.html.
Brainly. 2018. Kahulugan ng corruption perception index tagalog. March 04. Accessed May
5, 2022. https://brainly.ph/question/1392322.
Elek, Andrew. 2018. Gaps in Asia’s economic infrastructure. February 16. Accessed May 5,
2022. https://www.taiwannews.com.tw/en/news/3365613.
Government Watch. 2018. Feb 14 is Day of #AccountabilityPH. Araw ng #Pananagutan.
February 9. Accessed May 5, 2022.
https://web.facebook.com/hashtag/pananagutan/?__gid__=726846894031514&_rdc=
1&_rdr.
McLaughlin, Noreen. 2018. Manwal ng Anti-Korupsyon. Accessed May 5, 2022.
https://docplayer.net/54091208-Manwal-ng-anti-korupsyon.html.
Philstar. 2019. EDITORYAL - Kahirapan at korapsiyon lupigin ngayong 2019. January 1.
Accessed May 5, 2022. https://www.philstar.com/pang-masa/punto-
mo/2019/01/01/1881382/editoryal-kahirapan-korapsiyon-lupigin-ngayong-2019.
Russkills. 2018. Papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala. March
06. Accessed Maay 5, 2022. https://brainly.ph/question/1394888.
Samaritan Purse. 2015. Medical Missions in Eastern Samar. March 16. Accessed May 5,
2022. https://www.samaritanspurse.org/article/medical-missions-in-eastern-samar/.
WordPress. 2011. Tungkulin ng mga Kabataan sa Lipunang Ginagalawan. April 30.
Accessed May 5, 2022. https://jbarredo28.wordpress.com/2011/04/30/tungkulin-ng-
mga-kabataan-sa-lipunang-ginagalawan-2/.

12 NegOr_Q4_AP10_Module7_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: [email protected]
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like