Q4 Araling Panlipunan 8 - Module 4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Ang mga Ideolohiyang Politikal
at Ekonomiko sa Hamon ng
Establisadong Institusyon ng
Lipunan
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Ang mga Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko sa
Hamon ng Establisadong Institusyon ng Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Heizel V. Padua
Editor:
Tagasuri: Marilou C. Gilay, Alberto, Jr. S. Quibol
Tagaguhit: Mark Jason C. Diaz
Tagalapat: Wedzmer B. Munjilul
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City


Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: [email protected]
8
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Ang mga Ideolohiyang Politikal
at Ekonomiko sa Hamon ng
Establisadong Institusyon ng
Lipunan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan
mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin Natin bago dumako sa susunod na
gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga gawain.
4. Inaasahanang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot at
pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa susunod
na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng mga
gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang gawain,
huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan
na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan naming nasa pamamagitan ng
modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at
malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya
mo yan!

ii
Alamin Natin

Ang araling ito ay tungkol sa mga ideolohiya lumaganap sa iba't ibang


bansa tulad ng Kapitalismo, Monarkiya, Demokrasya, Totalitaryanismo,
Awtoritaryanismo, Sosyalismo at Komunismo. Inaasahang mauunawaan mo
sa mosyul na ito ang mga katangian ng bawat ideolohiya, kung alin o anong
mga bansa ang yumakap sa bawat ideolohiyang nabanggit.
Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competencies
para sa Baitang 8 na: Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at
ekonomiko sa hamon ng establisadong institusyon ng lipunan. (AP8AKD-
IVi-9)

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang sumusunod:


• Mga kategorya ng Ideolohiya: Pangkabuhayan, Pampolitika at
Panlipuan
• Ang iba’t ibang ideolohiya
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo
ang sumusunod:

1. Natatalakay ang mg ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon


ng establisadong institusyon ng lipunan.
2. natutukoy ang mahahalagang katangian ng mga ideolohiyang
politikal at ekonomiko sa hamon ng establisadong institusyon ng
lipunan.

Subukin Natin
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga tanong kung mayroon kang
mga kaalaman sa paksa natin sa modyul na ito.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula
sa mga pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na pahayag ang TAMA ang paglalarawan sa ideolohiyang


Komunismo?
A. Mga opisyal ng gobyerno ang nagmamay-ari sa lahat.
B. Ang pamahalaan ang may kontrol sa lahat ng pagmamay-ari.
C. Pagmamay-ari ng mga kapitalista ang produksyon at mga kalakal.

1
D. Pagmamay-ari ng mga mamamayan at ng estado ang produksyon at
lahat ng negosyo sa bansa.

2. Ang awtoritaryanismong pamahalaan ang nagpaunlad sa maraming bansa


ngunit ang demokratikong Pilipinas ay umahon din mula sa kahirapan. Ano
ang lubos na pinapatunayan ng pahayag?
A. Kahit anong uri ng pamahalaan ay mabisa.
B. Demokrasya ang pinakamabisang uri ng pamahalaan.
C. Awtoritaryanismo ang pinakamabuting uri ng pamahalaan.
D. Hindi lamang awtoritaryanismo ang maaaring magpaunlad sa isang
bansa.

3. Paano higit na nakaaapekto ang ideolohiya sa pag-unlad ng ekonomiya ng


isang bansa?
A. Dumami ang mga kapitalista ng bansa.
B. Nagkasundo ang kapitalista at manggagawa.
C. Nakasentro ito sa patakarang pang-ekonomiya.
D. Nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na maihayag ang sariling
kaisipan o ideya tungo sa pagbabago ng pamumuhay ng tao.

4 Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa isang bansa na may


demokratikong pamamahala?
A. Limitado ang karapatan ng mga mamamayan.
B. Ang pinuno ay siyang mas lubos na makapangyarihan.
C. Ang pamahalaan ay nasa kamay ng ilang pangkat ng tao.
D. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga mamamayan.

5. Maituturing bang mapanganib ang ideolohiyang Pasismo?


A. Hindi, dahil mamamayan ang masusunod sa pamahalaan.
B. Hindi, dahil walang ibang masusunod kundi ang estado lamang.
C. Oo, dahil isinasantabi nito ang karapatan at kalayaan ng mga
mamamayan.
D. Oo, dahil ang lahat ng gagawin ng mga mamamayan ay para sa
kagalingan ng estado at hindi para sa kanilang kapakanan.

6. Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakamakabuluhang katuturan ng


ideolohiya?
A. Nagsasaad ito ng sistema ng pamahalaan.
B. Ginagamit ito ng mga rebolusyonista sa pakikipaglaban.
C. Ginagamit ito sa pagsasagawa ng mga batas ng mga kongresista at
senador.
D. Ginagamit Ito bilang gabay at prinsipyo ng pamahalaan at ng
mamamayan sa isang bansa.

2
7. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng prinsipyo ng
ideolohiyang Nazismo?
A. Pagbuwag sa kasunduan sa Versailles ay sanhi ng mga suliranin sa
Alemanya.
B. Paniniwala ng mga Aleman na sila ang pangunahing lahi sa mundo – mga
Aryano
C. Ang produksyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga
pribadong mangangalakal
D. Ang mga Hudyo na naninirahan sa Alemanya ay hindi mga Aleman at sila
ang sanhi ng maraming suliranin at kabiguan ng Alemanya kayat
kinakailangang mawala sila sa daigdig.

8. Bakit sa kabila ng pagiging sosyalistang bansa ng Vietnam at China ay may


bahid pa din ng kapitalismo ang kanilang ekonomiya?
A. Dahil sa pagsunod nila sa mga patakaran ng World Bank.
B. Dahil sa hindi pagbabawal sa pagwewelga ng mga manggagawang Tsino.
C. Dahil sa laganap ang pribadong pagmamay-ari at malayang kalakalan sa
bansa.
D. Pinayagan sa kanilang bansa ang pagpasok ng ilang transnasyonal na
korporasyon.

9. Alin sa sumusunod na kaisipan ang HINDI isang prinsipyo ng komunismo?


A. Pagwawakas ng kapitaslismo.
B. Magkahiwalay nang lubos ang simbahan at estado.
C. Ang mga manggagawa ang pinakamataas sa pamahalaan.
D. Pagpapalakas ng mga mangangalakal sa pribadong Negosyo.

10. Sa sistemang Totalitaryanismo, paano pinamumunuan ang pag-aari ng


mga lupain, kayamanan ng bansa, mga industriya, at pamamamahala?
A. Ang hangarin na makamit ang perpektong lipunan.
B. Ang kapangyarihan ng pamamahala ay nasa kamay ng hari o reyna
C. Ang pamamahala ay pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong
makapangyarihan.
D. Ang pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag-uuri-uri ng
lipunan ang layunin ng sistemang ito.

3
Aralin Natin
Marahil ay may mga tanong na naglalaro sa inyong isipan tungkol sa iba’t ibang
paniniwala o prinsipyo ng mga bansa. Halina’t basahin ang teksto tungkol sa
iba’t ibang ideolohiya at humanda sa mga gawain.

Ang Kahulugan ng Ideolohiya

Ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na


naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito.
Galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.

Ayon kay Desttutt de Tracy ang salitang ideolohiya ay ang pinaikling


pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya. May iba’t ibang kategorya ang
Ideolohiya. Ito ay ang sumusunod:

Ideolohiyang Pangkabuhayan

Nakasentro ito sa mga patakarang pang- ekonomiya ng bansa at paraan


ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga mamamayan. Nakapaloob dito
ang ang mga karapatang makapagnegosyo, mamasukan, makapagtayo ng
unyon, at magwelga kung hindi magkasundo ang kapitalista at mga
manggagawa.

Ideolohiyang Pampolitika

Nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng


pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. Ito ay mga pangunahing
prinsipyong politikal at batayan ng kapangyarihang politikal. Karapatan ng
bawat mamamayan na bumuo at magpahayag ng opinyon at saloobin.

Ideolohiyang Panlipunan

Ang ideolohiyang ito ay tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga


mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng
pamumuhay ng mga mamamayan.

Ang Iba’t Ibang Ideolohiya

 Kapitalismo.

Tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang


produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong

4
mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng
pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan.

 Demokrasya.

Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.


Maaaring makilahok ang mga mamamayan nang tuwiran o di-tuwiran.
Tinatawag na direct o tuwirang demokrasya kung ibinoboto ng mamamayan
ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan. Karaniwang pumipili ang mga tao,
sa pamamagitan ng halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa
kapangyarihan o pamahalaan sa ngalan nila. Di-tuwiran ang demokrasya kung
ang ibinoboto ng mamamayan ay mga kinatawan nila sa pamahalaan na siya
namang pipili ng mga pinuno sa pamahalaan.

 Awtoritaryanismo

Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos
na kapangyarihan. Makikita ito sa pamahalaan ng Iran, kung saan ang
namumuno ay siya ring puno ng relihiyon ng estado, ang Islam..

 Totalitaryanismo

Pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan.


May ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong nagpapatupad nito.
Limitado ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos,
pagsasalita, at pagtutol sa pamahalaan.

 Monarkiya

Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng isang tao.


Ang pinuno ng sistemang monarkiya ay karaniwang tinatawag na hari o reyna.
Ang kapangyarihan niya ay maaring natatakdaan o di-natatakdaan. Sa
monarkiyang natatakdaan, ang kapangyarihan ng monarko ay natatakdaan ng
Saligang-Batas. Samantala, sa monarkiyang di-natatakdaan ay hawak ng
monarkiya ang buhay at kamatayan ng kanyang mga nasasakupan. Naghahari
siya ayon sa kanyang kagustuhan.

 Sosyalismo

Ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang


pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao. Sila ang
nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at
mekanismo ng produksyon. Nasa kamay rin ng pamahalaan ang mga
industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga
mamamayan. Halimbawa ng ganitong pamahalaan ang namayani sa Tsina at
ang dating Unyong Sobyet.

5
 Komunismo

Nilinang ni Karl Marx, isang Alemang pilosopo ang kaisipang ito at


pinayabong naman ni Nicolai Lenin ng Unyong Sobyet at ni Mao Zedong ng
Tsina. Ang komunismo ay naghahangad na bumuo ng isang lipunang walang
antas o pag-uuri-uri (classless society) kung saan ang mga salik ng produksyon
ay pag-aari ng lipunan. Sa sistemang ito, ang estado ang may-ari ng
produksyon ng lahat ng negosyo ng bansa

Gawin Natin
GAWAIN 1: I Chart Mo!

Subukan natin ngayon ang iyong kaalaman sa paksang binasa. Punan


ng wastong impormasyon ang kasunod na Data Retrieval Chart.

Mga Ideolohiya Kategorya Prinsipyo/Katangian


(Pankabuhayan, Pampolitika,Panlipunan)

Kapitalismo

Demokrasya

Awtoritaryanismo

Totalitaryanismo

Sosyalismo

Komunismo

6
Sanayin Natin

Gawain 2: Sige Nga, Kaya Ko To!

Panuto: Pumili na isang ideolohiya na iyong higit na pinaniniwalan at


masasabing iyong magiging adbokasiya bilang isang Pilipino. Batay sa iyong
napiling ideolohiya gawan ito ng isang “Poster” upang maipakita ang
magandang katangingian nito. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Rubric Para sa Paggawa ng Poster


Krayterya Di- Kahanga- Katanggap- Pagtatangka Puntos
Pangkarani hanga tanggap (2)
wan (8) (5)
(10)
Paksa Angkop at May May maliit na Walang
eksakto ang kaugnayan sa kaugynayan kaugnayan
kaugnayan paksa
sa paksa
Pagkamalik Gumamit ng Gumamit na May kulay Hindi makulay
hain maraming kulay at ilang subalit hindi
kulay at gagamitan na tiyak ang
kagamitan may kaugnayan sa
na may kaugnayan sa paksa
kaugnayan paksa
sa paksa
Kalidad ng Pumupukaw Maktawag ng Pansinin ngunit Di-pansinin, di
Ginawa ng interest pansin di makapukaw makapukaw
ng isipan ng isipan
Kalinisan Maganda, Malinis ang Minadaliang Marumi ang
malinis ang pagkagawa pagkagawa pagkagawa
pagkagawa
Kabuuan na Puntos

7
Tandaan Natin

Butil ng Kaalaman: Tandaan Mo!

Basahin at unawain mo ang mga mahahalagang impormasyon, kaisipan,


at pagpapahalaga. Sana ay matatandaan mo ang mga mahahalagang bahagi
ng aralin.

✓ Ang ideolohiya ay isang sistema o lipon ng mga ideya o kaisipan na


naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito.

✓ Ang pangunahing kategorya nito ay ang ideolohiyang pangkabuhayan,


pampulitika at panlipunan.

✓ Ang mga pangunahing ideolohiya na sinusunod ngayon sa iba’t ibang


bansa sa daigdig ay ang demokrasya, kapitalismo, monarkiya,
totalitaryanismo, awtoritaryanismo, sosyalismo at komunismo.

✓ Naitatag ang komunismo sa Rusya sa pamamagitan ni Lenin ng kanyang


panawagang “Kapayapaan, lupain at tinapay”. Ipinalalagay niya na
kailangan ang pananakop upang maitatag ang Diktadurya ng mga
Manggagawa.

✓ Ang pagsilang ng Fascismo sa Italya ay pinangunahan ni Benito


Mussolini na bumuo ng mga pangkat militar. Ayon sa kanya ang
demokrasya, kapitalismo at sosyalismo ay bigo.

✓ Ang Nazing Alemanya ay isa sa pinakamalupit na diktaduryang


totalitaryan sa makabagong panahon at si Adolf Hitler ang namuno at
bumuo ng National Socialist Party na tinawag na Nazi.

✓ Ang demokrasya at ang komunismo ang dalawang magkasalungat na


ideolohiya sa daigdig. Mas maraming bansa ang naniniwala sa kabutihan
ng demokrasya sa kaunlaran at kagalingang panlipunan.

✓ Ang demokrasya at mga prinsipyo nito ay gumagabay sa dalawang


sistemang pampamahalaan: ang prisidensyal at parlyamentaryo.

✓ Sa ilalim ng sistemang Presidensyal, ang pangulo o presidente ang


kanikilalang pinuno ng isang bansa. Ang Punong Ministro naman ang
kinikilalang pinuno ng bansa.

8
✓ Ang Pilipinas ay isang Republika na may Demokratikong Pamahalaan.
Sa kasalukuyan ay sinisikap ng mga Pilipino na mapanatili ang diwa ng
kalayaan at demokrasya sa Pilipinas.

Suriin Natin

Panuto: Upang matiyak ang mga natutunan sa aralin. Sagutan ang


sumusunod na gawain. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang awtoritaryanismong pamahalaan ang nagpaunlad sa maraming bansa


ngunit ang demokratikong Pilipinas ay umahon din mula sa kahirapan. Ano
ang lubos na pinapatunayan ng pahayag?
A. Kahit anong uri ng pamahalaan ay mabisa.
B. Demokrasya ang pinakamabisang uri ng pamahalaan.
C. Awtoritaryanismo ang pinakamabuting uri ng pamahalaan.
D. Hindi lamang awtoritaryanismo ang maaaring magpaunlad sa isang
bansa.

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang TAMA ang paglalarawan sa ideolohiyang


Komunismo?
A. Mga opisyal ng gobyerno ang nagmamay-ari sa lahat.
B. Ang pamahalaan ang may kontrol sa lahat ng pagmamay-ari.
C. Pagmamay-ari ng mga kapitalista ang produksyon at mga kalakal.
D. Pagmamay-ari ng mga mamamayan at ng estado ang produksyon at
lahat ng negosyo sa bansa.

3. Kailan lubos masasabi na ang isang bansa ay nasa demokratikong


pamamahala?
A. Limitado ang karapatan ng mga mamamayan.
B. Ang pinuno ay siyang mas lubos na makapangyarihan.
C. Ang pamahalaan ay nasa kamay ng ilang pangkat ng tao.
D. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga mamamayan.

4.Paano higit na nakaaapekto ang ideolohiya sa pag-unlad ng ekonomiya ng


isang bansa?
A. Dumami ang mga kapitalista ng bansa.
B. Nagkasundo ang kapitalista at manggagawa
C. Nakasentro ito sa patakarang pang-ekonomiya.
D. Nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na maihayag ang sariling
kaisipan o ideya tungo sa pagbabago ng pamumuhay ng tao.

9
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakamakabuluhang katuturan ng
ideolohiya?
A. Nagsasaad ito ng sistema ng pamahalaan.
B. Ginagamit ito ng mga rebolusyonista sa pakikipaglaban.
C. Ginagamit ito sa pagsasagawa ng mga batas ng mga kongresista at
senador.
D. Ginagamit Ito bilang gabay at prinsipyo ng pamahalaan at ng
mamamayan sa isang bansa.

6. Maituturing bang mapanganib ang ideolohiyang pasismo?


A. Hindi, dahil mamamayan ang masusunod sa pamahalaan.
B. Hindi, dahil walang ibang masusunod kundi ang estado lamang.
C. Oo, dahil isinasantabi nito ang karapatan at kalayaan ng mga
mamamayan.
D. Oo, dahil ang lahat ng gagawin ng mga mamamayan ay para sa
kagalingan ng estado at hindi para sa kanilang kapakanan.

7. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng prinsipyo ng


ideolohiyang Nazismo?
A. Pagbuwag sa kasunduan sa Versailles ay sanhi ng mga suliranin sa
Alemanya.
B. Paniniwala ng mga Aleman na sila ang pangunahing lahi sa mundo – mga
Aryano
C. Ang produksyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga
pribadong mangangalakal
D. Ang mga Hudyo na naninirahan sa Alemanya ay hindi mga Aleman at sila
ang sanhi ng maraming suliranin at kabiguan ng Alemanya kayat
kinakailangang mawala sila sa daigdig.

8. Bakit sa kabila ng pagiging sosyalistang bansa ng Vietnam at China ay may


bahid pa din ng kapitalismo ang kanilang ekonomiya
A. Dahil sa pagsunod nila sa mga patakaran ng World Bank
B. Dahil sa hindi pagbabawal sa pagwewelga ng mga manggagawang Tsino.
C. Dahil sa laganap ang pribadong pagmamay-ari at malayang kalakalan sa
bansa.
D. Pinayagan sa kanilang bansa ang pagpasok ng ilang transnasyonal na
korporasyon.

10
9. Alin sa sumusunod na kaisipan ang HINDI isang prinsipyo ng komunismo?
A. Pagwawakas ng kapitaslismo
B. Magkahiwalay nang lubos ang simbahan at estado.
C. Ang mga manggagawa ang pinakamataas sa pamahalaan.
D. Pagpapalakas ng mga mangangalakal sa pribadong Negosyo

10. Sa sistemang Totalitaryanismo, paano pinamumunuan ang pag-aari ng


mga lupain, kayamanan ng bansa, mga industriya, at pamamamahala?
A. Ang hangarin na makamit ang perpektong lipunan
B. Ang kapangyarihan ng pamamahala ay nasa kamay ng hari o reyna
C. Ang pamamahala ay pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong
makapangyarihan
D. Ang pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag- uuri-uri ng
lipunan ang layunin ng sistemang ito

Payabungin Natin
Gawain 3: Isang Tanong, Isang Sagot?
Magsagawa ng mini-interview sa pamamagitan ng text message sa
messenger or cell phone, video chat, paggamit ng telepono o di kaya “face to
face” sa miyembro ng iyong pamilya sa loob-bahay.
(Paalala: hindi kinakailangang lumabas ng bahay)
Bakit mahalaga para sa isang bansa ang magkaroon ng isang ideolohiya?
Isulat ang sagot sa loob ng kahon. Isulat mo rin ang iyong sariling kasagutan
batay sa iyong pagkaunawa sa leksiyon.

Tanong: Bakit mahalaga para sa isang bansa ang magkaroon ng isang


ideolohiya?

Sagot:
Kaibigan/Kakilala

Sariling opinyon

11
Pamantayan sa Pagwawasto

Pamantayan 5 4 3 1 Puntos
Nagpapaliwanag Nagpapaliwanag Nagpapaliwanag Hindi
ng may ng may ng may naipapaliwanag
kaangkupan, kaangkupanat kaangkupan ang tanong
Nilalaman kritikal, at makabuluhan ang opinyon subalit
makabuluhan ang ang opinyon hinggil sa nagbigay ng
opinyon hinggil sa hinggil sa tanong. tanong. kaunting
tanong. opinyon sa
tanong.
Nailalahad nang Nailalahad nang Nailalahad nang Hindi gaanong
buong husay ang makabuluhan maayos ang nailahad ang
ideya hinggil sa ang ideya hinggil ideya hinggil sa ideya hinggil sa
Organisasyon tanong at sa tanong at tanong at tanong at hindi
ng Ideya nagsasaaad ng nagsasaaad ng nagsasaaad ng gaanong
kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa nagsasaaad ng
paksa. paksa. paksa. kaugnayan sa
paksa.

Pagnilayan Natin
Ang tagumpay ng isang bansa ay nakasalalay sa mamamayan nito.
Walang perpektong ideolohiya na siyang kasagutan sa mga pang-ekonomiko at
pulitikang hangarin upang makamit ang pagsulong at pag-unlad.

Ang ideolohiya ay mga paniniwala at pamantayan na siyang nagsisilbing


gabay ng pamahalaan upang makagawa ng mga batas na ipatutupad sa
kanilang nasasakupan.

Maraming mga ideolohiya ang naglipana sa iba’t ibang dako ng ating


daigdig na niyakap sa pag-asang ito ay magbibigay solusyon sa kanilang
problema. May tunggalian ng mga bansa na naganap noon dahil sa
ipinaglalabang ideolohiya.

Sa panahon natin ngayon, mahalaga ba na may maayos at tiyak na


ideolohiya na batayan sa pagpaplano at pagpapasya ng pamahalaan upang
makamit ang minimithing kaunlaran?

Magbigay ng sariling opinion.

12
13
Subukin Natin Suriin Natin
1. D 1. A
2. A 2. D
3. D 3. D
4. D 4. D
5. D 5. D
6. D 6. A
7. C 7. C
8. D 8. D
9. C 9. C
10. C 10. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Celia D. Soriano, Eleanor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Consuelo M.


Imperial, Maria Carmelita B. Samson, Kayamanan. Kasaysayan ng
Daigdig, Sampaloc Manila, Philippines, Rex Book Store, Pebrero 2017
ph. 472-523

Most Essential Learning Competencies (MELCS), 2020, Department of


Education, Pasig City, Philippines

Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.


Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina
C. Manalo, and Kalenna Lorene S. Asis, Kasaysayan ng Daigdig, Araling
Panlipunan-Kagamitan ng Mag-aaral, Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS), Meralco Ave.,
Pasig City, Philippines, 2017

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: [email protected]

hy

You might also like