Department of Education: Republic of The Philippines

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education

ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: ______________________________ Petsa: ______________________


Baitang at Pangkat: _______________________ Puntos: _____________________

LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO


(Quarter 4 - Week 6)

Paksa: Mga Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko sa Hamon ng Estabilisadong Institusyon ng Lipunan

Panimula (Susing Konsepto)


Kahulugan ng Ideolohiya
Ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag
tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito. Galing ito sa salitang ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng
mga tao. Si Desttutt de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng
mga kaisipan at ideya. May iba’t ibang kategorya ang ideolohiya. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Ideolohiyang Pangkabuhayan – nakasentro ito sa mga patakarang pang – ekonomiya ng mga bansa at
paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga mamamayan. Nakapaloob dito ang mga
karapatang makapagnegosyo, mamasukan at makapagtayo ng unyon, at magwelga kung hindi
magkasundo ang kapitalista at mga manggagawa.
2. Ideolohiyang Pampulitika – Nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok
ng mga mamamayan sa pamamahala. Ito ay mga pangunahing prinsipyong politikal at batayan ng
kapangyarihang politikal. Karapatan ng bawat mamamayan na bumuo at magpahayag ng opinyon at
saloobin.
3. Ideolohiyang Panlipunan – Tumutukoy ito sa pagkakapantay pantay ng mga mamamayan sa tingin ng
batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Iba’t ibang Ideolohiya


1. Kapitalismo – tumutukoy ito sa isang sitemang pangkabuhayan kung saan ang produksiyon, distribusyon at
kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel
ng pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan.
2. Demokrasya – Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Sa demokrasya maaaring
makilahok ang mga mamamayan nang tuwiran o di tuwiran. Ito ay tinatawag na direct no tuwirang
demokrasya kung ibinoboto ng mga mamamayan ang nais nilang mamuno sa pamahalaan. Karaniwang
pumipili ang tao sa pamamagitan ng halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan o
pamahalaan sa ngalan nila. Tinatawag ang pamamaraang ito na representative kinatawang demokrasya.
Maaari rin namang di – tuwiran ang demokrasya kung ang ibinoboto ng mga mamamayan ay mga kinatawan
nila sa pamahalaan na siya namang pipili ng mga pinuno sa pamahalaan.
3. Awtoritaryanismo – Isang uri ito ng pamahalaan kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan.
Makikita ito sa pamahalaan ng Iran kung saan ang namumuno ay siya ring pinuno ng relihiyon ng estado,
ang Islam. May napakalawak na kapangyarihan na sinusunod ng mga mamamayan ang namumuno. Mayroon
ring tinatawag na konstitusyonal na awtoritaryanismo kung saan ang kapangyarihan ng namumuno ay
itinakda ng Saligang batas. Ito ang tawag ng dating pangulong Marcos sa kaniyang pamamahala sa ilalim ng
Batas Militar noong 1972.
4. Totalitaryanismo – Ito ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng mga taong
makapangyarihan. Sa ilalim ng ganitong pamahalaan, may ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong
nagpapatupad nito. Limitado ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos, pagsasalita at
pagtutol sa pamahalaan. Pati ang pagpapahayag ng relihiyon ay hindi lubusang sinasang – ayunan, ngunit
hindi rin naman tahasang ipinagbabawal. Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa
kamay din ng isang grupo o ng diktador. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag – aari ng mga lupain,
kayamanan ng mga bansa at mga industriya. Ang halimbawa nito ay ang pamahalaan ni Hitler sa Germany
at Mussolini sa Italy bago at habang nagaganap ang ikalawang Digmaang Pandaigdig.
5. Sosyalismo – Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang ekonomiya na kung saan ang
pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao. Ang pangkat nito ang magtatakda sa
pagmamay – ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital at mekanismo ng produksiyon. Ang mga industriya at
lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng
pamahalaan. Hangad ng Sosyalismo ang pagkakaroon ng isang perpektong lipunan sa pamamagitan ng
pantay na distribusyon ng produksyon sa bansa. Binibgyang diin nito ang pagtutulungan habang ang
mahahalagang industriya ay pagmamay – ari ng pamahalaan. Halimbawa ng ganitong pamahalaan ay
namayani sa China at ang dating Union Soviet, kung saan ang Teorya ni Karl Marx ay sinubukang
isakatuparan

Kasanayang Pagkatuto at koda:


Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng estabilisadong institusyon ng lipunan
Tiyak na Layunin:
Naiisa-isa ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa pagpasok ng kontemporaryong lipunan.

Panuto: Taglay ang iyong mga paunang kaalaman sa ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng
estabilisadong institusyon ng lipuna, Halika na at sagutan ang mga gawain na susubok sa iyong
kakayahan upang matukoy natin kung ito ba ay iyong lubos na naunawaan!

Pamamaraan:

Gawain sa Pagkatuto 1: Pumili Ka!

Panuto: Ibigay ang hinihingi na tamang sagot sa bawat bilang. Piliin ang sagot mula sa kahon.

Ideolohiya Desttutt de Tracey Ideolohiyang pangkabuhayan

Ideolohiyang Pampulitika Ideolohiyang Panlipunan

1. Ang salitang ideolohiya ay ipinakilala ni __________.


2. Ito ay tumutukoy sa isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong
magpaliwanag tungkol sa daigdig.
3. Ang ideolohiyang ito ay nakasentro sa pangkabuhayan ng bansa.
4. Ang ideolohiyang ito ay nakatuon sa paraan ng pamumuno at pakikilahok ng mga mamamayan
sa pamahalaan.
5. Ang ideolohiyang ito ay tungkol sa pagkakapantay pantay sa mga mamamayan sa lipunan.

Gawain sa Pagkatuto 2: Ladder Web


Panuto: Gamit ang ladder web, isulat ang kahalagahang ginagampanan ng ideolohiya sa isang bansa.

Bakit mahalaga ang ideolohiya sa isang bansa?


Gawain sa Pagkatuto 3: Data Retrieval Chart

Panuto: Punan ng impormasyon ang kasunod na data retrieval chart. Pagkatapos ay sagutin ang mga
pamprosesong tanong.

MGA IDEOLOHIYA KATANGIAN BANSANG


NAGTAGUYOD

PANGWAKAS: Binabati kita! Mahusay mong nagampanan ang mga gawain. Napatunayan mo na talagang
masikap ka sa pag-aaral. Sa pagkakataong ito ay ililipat o isasabuhay mo ang mga
kakayahan na iyong nalinang.

Sa araling ito, naging malaking aral na aking natutunan na_____________________________________


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
________

Mga Sanggunian:
Bureau of Secondary Education. (n.d.). Modyul 4: Ang Kontemporanyong Daigdig (ika-20 siglo hanggang sa
kasalukuyan): Mga Suliranin at Hamon Tungo sa Pandaigdigang Kapayapaan, Pagkakaisa, Pagtutulungan,
at Kaunlaran (Ed.), Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig (pp. 476-481). Department of Education

Inihanda ni

MARK JIGGER O. VILLANUEVA


Guro sa Araling Panlipunan 8

You might also like