AP9 q1 m3 Ibatibangsistemangpangekonomiya v2
AP9 q1 m3 Ibatibangsistemangpangekonomiya v2
AP9 q1 m3 Ibatibangsistemangpangekonomiya v2
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Iba’t Ibang Sistemang
Pang-ekonomiya
CO_Q1_AP9_ Module3
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Iba’t Ibang Sistemang
Pang-ekonomiya
Sarah Jean J. Solon, et. al.
i
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa ihihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
ii
Alamin
Pamantayan sa Pagkatuto
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang ekonomiya.
MELC Week 4: Nasusuri ang iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
magag
1
Subukin
1. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng
mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo
ng mga prodyuser.
A. likas-yaman
B. pamahalaan
C. presyo
D. prodyuser
2
5. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
A. Mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
B. Makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula
rito.
C. Makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng
magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa.
D. Matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan
ng tao.
3
9. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pang-
ekonomikong katanungan. Alin sa sumusunod ang sumasagot sa
katanungang: “Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?”
A. puwersa ng pamilihan
B. utos ng pamahalaan
C. tradisyon, kultura at paniniwala
D. sa puwersa ng pamahalan
10. Piliin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasiya ng market
economy:
A. Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala
B. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit
ang mga layuning pang-ekonomiya.
C. Hinahayaan ang pamilihan na manghimasok ang pamahalaan sa
pagdedesisyon.
D. Ito ay alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.
4
Aralin Iba’t ibang Sistemang
3 Pang-Ekonomiya
Balikan Natin!
5
Tuklasin
Pamprosesong Tanong:
Suriin
6
ANG SISTEMANG PANG- EKONOMIYA
Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na
kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at
paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko
ng isang lipunan. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang
lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano epesyenteng magagamit ang
mga pinagkukunang-yaman ng bansa.
Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang
matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga
produkto at serbisyo. Ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na
pangunahing katanun
1. Ano-anong produkto
at serbisyo ang
gagawin?
3. Para kanino
gagawin ang mga
produkto at serbisyo?
7
Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya
Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa
daigdig:
Traditional Economy
Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang Traditional Economy.
Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa
tradisyon, kultura at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi
mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa
pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Maging ang
suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple lamang na tinutugunan dahil
ang paraan ng produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng
matatanda sapagkat sa Traditional Economy, bagama’t walang tiyak na batas ukol
sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito. Ang
anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
Market Economy
Sa Market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungan pang-
ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong
Sistema, ang bawat kalahok- konsyumer at prodyuser, kumikilos alinsunod sa
kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga nasa
lakas-paggawa ay maaaring makapamili ng kanilang nais na papasukang trabaho.
Ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay sinasagot ng puwersa ng
pamilihan. Ang Market economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng
capital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng mga
gawain.
Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga
mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga
prodyuser. Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser ay
may katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Sa madaling
sabi, presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at
prodyuser sa loob ng pamilihan.
Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng
proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas
na mangangalaga sa karapatan, ari-arian, at kontrata na pinasukan ng mga
pribadong indibidwal.
8
Command Economy
Mixed Economy
9
Pagyamanin
Traditional Economy
Market Economy
Command Economy
Mixed Economy
10
Gawain 4: Dialogue Box
Panuto: Punan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_________________
_________________
Paano mo ilarawan
ang Market _________________
economy? _________________
_________
__________________
Ano ang kaibahan __________________
ng command __________________
economy sa mixed __________________
economy? _____
11
Pamprosesong Tanong:
Isaisip
Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:
1. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan
sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano maayos na magagamit ang
mga pinagkukunang-yaman ng bansa.
2. Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang
matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon
ng mga produkto at serbisyo.
3. Sa Traditional Economy, ang anumang produkto na kanilang malilikha ay
ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino pang dapat
gumamit.
4. Sa Market economy, ang kalahok- konsyumer at prodyuser, ay kumikilos
alisunod sa pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.
5. Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng
mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at
serbisyo ng mga prodyuser.
6. Sa Command economy, nasa komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan ang planong nauukol sa pagsulong ng ekonomiya.
7. Halimbawa ng mga bansang gumagamit ng Command economy ay ang
North Korea at Cuba.
8. Ang Mixed economy ay may katangian na bunga ng pagsanib o
kombinasyon ng Command at Market economy.
9. Sa sistemang pang-ekonomiya na Mixed economy ay nagpapahintulot sa
mga pribadong pagpapasya ng pribadong kompanya at indibidwal ngunit
karamihan pa rin sa mga desisyong pang-ekonomiya ay ginagabayan ng
pamahalaan.
12
Isagawa
13
Naglalaman ang
pahayag ng
angkop na
paliwanag ukol sa
Caption/ Pahayag gamit at 20 pts
kahalagahan ng
iba’t ibang
sistemang pang-
ekonomiya
KABUUAN 100 pts
Tayahin
Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa
sagutang papel ang mga sagot.
14
4. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng
mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo
ng mga prodyuser.
A. likas-yaman
B. pamahalaan
C. presyo
D. prodyuser
15
9. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang
pang-ekonomiko batay sa puwersa ng pamilihan.
A. Traditional Economy
B. Market Economy
C. Command Economy
D. Mixed Economy
Karagdagang Gawain:
Gawain 8: Repleksiyon
Panuto: Sa bahaging ito, maaari mong isulat ang iyong mga natutuhan sa araling ito
tungkol sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya. Para sa batayan ng
pagsulat ng iyong repleksiyon, may rubriks na inihanda para dito.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
16
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG REPLEKSIYON
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos
Nakapaloob sa repleksiyon ang
mahalagang impormasyon ukol sa
Nilalaman 50 pts
iba’t ibang sistemang pang-
ekonomiya
Malikhain ang pagkakasulat ng
repleksiyon, pumili ang may akda ng
mga angkop na salita upang
Estilo 30 pts
maipahayag ang kaniyang saloobin
ukol sa pagiging matalino at
mapanagutang mamimili.
Nasunod ang lahat ng mekaniks sa
Mekaniks 20 pts
pagsulat ng repleksiyon
KABUUAN 100 pts
17
18
Panghuling Pagtataya
1. D
2. B
3. B
4. C
5. C
6. C
7. A
8. D
9. B Isagawa
10. A 1.Traditional
Economy
2.Market
Pagyamanin: Economy
Katangian 3.Command
1. Traditional Economy: ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala. Economy
2. Market economy, ang kalahok- konsyumer at prodyuser, ay kumikilos 4.Mixed Economy
alisunod sa pansariling interes na makakuha
3. Command economy, nasa komprehensibong control at regulasyon ng
pamahalaan
4.Mixed EconomyHinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan Paunang
subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga Pagtataya
usaping nauukol sa pangangalaga sa kalikasan, katarungang
panlipunan, at pagmamay-ari ng estado 1. D
2. B
3. B
Tuklasin: 4. C
1.Command 5. C
Dialogue Box
Economy Balikan Natin: 6. C
Pewedeng iba’t- 2.Traditional 7. A
Economy Pewedeng paiba-
iba ang sagot ng 8. D
3 Market Economy iba ang sagot ng
mga bata 9. B
4. Mixed Economy mga bata
10. A
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian
Buising, Martiniano, Balitao, Bernard, De Guzman, Apollo., Lumibao, Juanito,
Mateo, Alex, and Mondejar, Irene. Ekonomiks: Araling panlipunan modyul para
sa mag-aaral, 1 ed. Philippines: Vibal Group, Inc., 2015.
st
19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
20