AP8WS Q4 Week-6-7

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

RO_MIMAROPA_WS_AralPan8_Q4

ARALING PANLIPUNAN 8
IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikaanim at Ikapitong Linggo

PAKSA
MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR
AT NEOKOLONYALISMO

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng


pakikipag- ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporanyong daigdig
tungo sa pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at
kaunlaran.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto
sa antas ng komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang
kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.

Pamantayan sa Pagkatuto
A. Nasusuri ang mga ideolohiyang politikal at ekonomiko sa hamon ng
estabilisadong institusyon ng lipunan
B. Natataya ang epekto ng mga ideolohiya, ng Cold War at ng Neo-kolonyalismo
sa iba’t ibang bahagi ng daigdig

Ating Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Ang Cold War ay digmaan ng nagtutungaling ideolohiya ng dalawang


makapangyarihang bansa o superpower. Anong dalawang bansa ang nakaranas nito
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. US at USSR
B. US at France
C. Germany at USSR
D. Germany at France

2. Alin sa mga sumusunod ang tiyakang pakinabang na matatanggap ng mga bansa


kung sasanib sila sa APEC?
A. Karagdagang subsidiya sa pagtatayo ng mga imprastraktura
B. Tulong militar laban sa magtatangkang sakupin ang kalabang bansa
C. Pagtutulungang ekonomiya at teknikal sa pag-papaunlad ng agham at
ekonomiya
D. Pagpasok sa pamilihan at pag-aalis ng buwis sa mga produkto ng mga
kasaping bansa

3. Anong konklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “Ang kasunduan sa


Versailles ang nagsilbing binhi ng World War II”

1
RO_MIMAROPA_WS_AralPan8_Q4

A. Pabor sa lahat ng bansang sangkot ang mga probisyon ng kasunduan sa


Versailles
B. Ang kasunduan sa Versailles sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal
na nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig
C. Ang mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles ang nagtulak sa Germany
upang maghimagsik sa mga arkitekto nito
D. Naging mahina ang League of Nations na isa sa mga probisyon ng
kasunduan upang mapanatili ang kapayapaan ng mga bansa

4. Ang mga pahayag sa ibaba ay maaaring maranasan ng mga mamamayang


naninirahan sa US at Pilipinas, alin ang hindi kabilang?
A. May karapatang makaboto
B. May kalayaan sa pananampalataya
C. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan
D. Lahat ng mga mamamayan ay may karapatan sa edukasyon

5. Malaki ang naging epekto ng Cold War sa ekonomiya ng mga bansa sa Asya at
Kanluran. Paano nagsimula ang Cold War?
A. Pagnanais ng Russia na sakupin ang United States
B. Tinanggihan ng Russia ang mga kalakal mula sa United States
C. Pangingibabaw ng dalawang ideolohiya ng dalawang makapangyarihang
bansa
D. Hindi pagbibigay ng pahintulot ng United States sa mga Ruso na
makapasok sa kanilang bansa

Ating Tuklasin

Ang Kahulugan ng Ideolohiya


Ang ideolohiya ay isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong
magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito. Galing ito sa salitang
ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.

Si Desttutt de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling


pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya. May iba’t ibang kategorya ang
Ideolohiya. Ito ay ang sumusunod:

1. Ideolohiyang Pangkabuhayan. Nakasentro


ito sa mga patakarang pang- ekonomiya ng
bansa at paraan ng paghahati ng mga
kayamanan para sa mga mamamayan.
2. Ideolohiyang Pampolitika. Nakasentro
naman ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan
ng pakikilahok ng mga mamamayan sa
pamamahala.
3. Ideolohiyang Panlipunan. Tumutukoy ito sa
pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa
tingin ng batas at sa iba pang pangunahing
aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Halaw sa PROJECT EASE Module 18 ph. 8-9 Maaaring basahin ang teksto na Kasaysayan ng
Daigdig, Teofista L. Vivar et al, 263-271 at Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo Ph.D
et al, 337

2
RO_MIMAROPA_WS_AralPan8_Q4

Ang Iba’t Ibang Ideolohiya


1. Kapitalismo. Tumutukoy ito sa isang sistemang pangkabuhayan kung
saan ang produksiyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga
pribadong mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel
ng pamahalaan sa mga patakarang pangkabuhayan.

2. Demokrasya. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga


tao. Sa demokrasya, maaaring makilahok ang mga mamamayan nang
tuwiran o di-tuwiran. Ito ay tinatawag na direct o tuwirang demokrasya kung
ibinoboto ng mamamayan ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan.
Karaniwang pumipili ang mga tao, sa pamamagitan ng halalan, ng mga
kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan o pamahalaan sa ngalan
nila. Tinatawag ang pamamaraang ito na representative o kinatawang
demokrasya. Maaari rin namang di-tuwiran ang demokrasya kung ang
ibinoboto ng mamamayan ay mga kinatawan nila sa pamahalaan na siya
namang pipili ng mga pinuno sa pamahalaan. Mayroon ding uri ng
demokrasya na nagiging diktadura. Ito ay nagaganap kapag ang inatasan ng
mga tao upang mamuno ay magsimulang mangamkam ng kapangyarihan at
isawalang-bahala ang kagustuhan ng mga tao. Ang diktador ay namumuno
batay sa kaniyang sariling kagustuhan at hindi sa kagustuhan ng mga tao.

3. Awtoritaryanismo. Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang


namumuno ay may lubos na kapangyarihan. Makikita ito sa pamahalaan ng
Iran, kung saan ang namumuno ay siya ring puno ng relihiyon ng estado, ang
Islam. May napakalawak na kapangyarihan na sinusunod ng mga
mamamayan ang namumuno. Mayroon ding tinatawag na konstitusyonal na
awtoritaryanismo kung saan ang kapangyarihan ng namumuno ay itinakda
ng Saligang-Batas. Ito ang tawag ng dating Pangulong Marcos sa kaniyang
pamamahala sa ilalim ng Batas Militar noong 1972 hanggang sa mapatalsik
siya noong Pebrero 1986.

4. Totalitaryanismo. Ang pamahalaang totalitaryan ay karaniwang


pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan. Sa
ilalim ng ganitong pamahalaan, may ideolohiyang pinaniniwalaan at may
partidong nagpapatupad nito. Limitado ang karapatan ng mga mamamayan
sa malayang pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa pamahalaan. Pati ang
pagpapahayag ng relihiyon ay hindi lubusang sinasang-ayunan, ngunit hindi
rin naman tahasang ipinagbabawal. Lahat ng desisyon tungkol sa
pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay din ng isang grupo o ng diktador.
Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng
bansa, at mga industriya. Halimbawa nito ang pamahalaan ni Hitler sa
Germany at ni Mussolini sa Italy bago at habang nagaganap ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Isang uri ng pamahalaang totalitaryan ang sistemang
diktatoryal. Unang ginamit ang sistemang ito noong sinaunang panahon
tuwing may mga kagipitan o labanan at may pangangailangang magtakda ng
isang punong militar na may kapangyarihang diktatoryal.

3
RO_MIMAROPA_WS_AralPan8_Q4

Subalit, matapos ang kagipitan, ay umalis ang ganitong katungkulan. Sa


sinaunang panahon, maraming bansa ang yumakap sa sistemang ito, na ang
pinuno ay isang diktador. Naging palasak ito sa mga bansa sa Timog Amerika
at iba pang lugar sa Asya at Africa ngunit higit na makapangyarihan kaysa
sinaunang mga diktador ang makabagong diktadurya. Napananatili ang
kapangyarihan sa diktador sa pamamagitan ng pagkontrol sa pamahalaan,
ekonomiya, mass media o mga uri ng pamamahayag, simbahan, at pati
kaisipan ng mga mamamayan.

5. Sosyalismo. Isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-


ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay
ng isang grupo ng tao. Ang grupong ito ang nagtatakda sa pagmamay-ari at
sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng produksyon. Ang mga
industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga
mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan. Hangad ng sosyalismo ang
pagkakamit ng perpektong lipunan sa
pamamagitan ng pantay na distribusyon
ng produksyon ng bansa. Binibigyang-
diin nito ang pagtutulungan habang ang
mahahalagang industriya ay pag-aari ng
pamahalaan. Halimbawa ng ganitong
pamahalaan ang namayani sa Tsina at
ang dating Unyong Sobyet, kung saan
ang teorya ni Karl Marx ay sinubukang
bigyang katuparan.

Halaw sa PROJECT EASE MODULE 18- pg. 13.


Basahin din ang Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo PhD. et. al, 338-343

Ang Pananaw sa Cold War


Ang United States at Unyong Sobyet ay naging makapangyarihang bansa
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi naging mabuti ang ugnayan ng
mga bansang ito na kapwa tinatawag na superpower. Nauwi ito sa Cold War na
bunga ng matinding kompetensiya ng mga bansa noong 1940 hanggang 1990. Hindi
lamang tunggalian sa kapangyarihan kundi pati na sa ideolohiya ang dahilan nito.
Ang United States ang nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo samantalang ang
Unyong Sobyet ay kumatawan sa sosyalismo at komunismo. Malaki ang naging
papel ng Estados Unidos bilang pinakamakapangyarihang kapitalista sa
pagsasaayos ng daigdig matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Upang
mapigil nito ang paglaganap ng sosyalismo at komunismo ng USSR, gumawa ito ng
iba’t ibang hakbang. Sa pamamagitan ng Marshall Plan, tiniyak ng United States
ang pagbangon ng kanlurang Europa bilang kapanalig sa kanluran. Sa silangan,
tiniyak din nito ang pagbangon ng Japan sa pamamahala ni Heneral Douglas
MacArthur.

Mga Tunay na Sanhi


Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay dating magkakampi at kasama sa
mga bansang nagtatag ng “Nagkakaisang mga Bansa”. Ngunit dumating nga ang
pagkakataong sila’y nagkaroon ng Cold War o hindi tuwirang labanan. May mga

4
RO_MIMAROPA_WS_AralPan8_Q4

pangyayaring namagitan sa kanila at lumikha ng tension dahil sa pagkakaiba ng


ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan. Ang Estados Unidos ang pangunahing
bansang demokratiko, samantalang ang Unyong Sobyet ay komunista. Ang kanilang
sistemang politikal ay nakaapekto sa maraming bansa. Upang mapanatili ng Unyong
Sobyet ang kapangyarihan sa Silangang Europa, pinutol nito ang pakikipag-ugnayan
sa mga kanluraning bansa.

Naputol ang kalakalan, limitado ang paglalakbay, bawal ang pahayagan,


magasin, aklat, at programa sa radyo. Ito ang tinagurian ni Winston Churchill na
Iron Curtain o pampulitikang paghahati sa pagitan ng Soviet Bloc at taga-Kanluran.
Lalo pang umigting ang di pagkakaunawaan dahil sa kawalan ng bukas na kalakalan
ng mga bansang ito. Noong 1945, hiniling ni Stalin na magtayo ng base militar sa
bahagi ng Black Sea at Aegean. Bahagi ito ng pagpapalawak ng Unyong Sobyet.
Bilang tugon sa nagpalabas noong 1947 ng patakarang Truman Doctrine si Harry S.
Truman, pangulo ng Estados Unidos.

Mabuting Epekto ng Cold War

Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang nagpasikat sa pagpapalaganap ng


kanilang ideolohiya. Bukod sa larangan ng militar, tiniyak din ng Estados Unidos na
maayos ang takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Binuo ang
International Monetary Fund (IMF) upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan
sa mundo. Kasabay ring inayos ang International Bank for Rehabilitation and
Reconstruction (IBRR) o World Bank upang tumulong sa gawaing rehabilitasyon at
rekonstruksyon. Samantala, pagkamatay ni Stalin ng USSR ay hiniling ni
Khrushchev ang Peaceful Co- existence o Mapayapang Pakikipamuhay sa halip na
makipaglaban pa sa digmaan. Isinulong ni Mikhail Gorbachev ang glasnost o
pagiging bukas ng pamunuan sa pamayanan at perestroika o pagbabago ng
pangangasiwa sa ekonomiya. Nagkasundo sina Gorbachev ng Unyong Sobyet at
Ronald Reagan ng Amerika na tapusin na ang Arms Race upang maituon ang badyet
sa ekonomiya at pangangailangan ng nakararami. Maraming imbensiyon ang
naisagawa ng dalawang panig: ang pagpapalipad ng Sputnik I ng USSR, at Vostok I,
sakay si Yuri Gagarin, unang cosmonaut na lumigid sa mundo. Ang US naman ang
nagpalipad ng Friendship 7, Apollo 11, at mga puwersang nukleyar na hindi lang
ginamit sa digmaan kundi pati na sa medisina at komunikasyon.

Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War

Dahil sa Cold War, umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika, pang-


militar, at kalakalan ng mga bansa. Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng
Unyong Sobyet na nagdulot ng malaking suliraning pang-ekonomiya. Dahil sa
matinding sigalot bunga ng Cold War, iginigit ng dalawang puwersa ang kanilang
pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na pagkakaisa. Nagkaroon pa ng banta ng
digmaan nang magkaroon ng mga samahang pansandatahan tulad ng North Atlantic
Treaty Organization (NATO), WARSAW Treaty Organization o Warsaw Pact, at
ikatlong pwersa o kilusang non-aligned.

Halaw sa PROJECT EASE Modyul 19- pg. 5-6. Basahin din ang Kasaysayan ng Daigdig, Vivar
et al, 273-280 at Kasaysayan ng Daigdig Grace Estela C. Mateo, 348-355

5
RO_MIMAROPA_WS_AralPan8_Q4

NEOKOLONYALISMO: PAMAMARAAN O SANGKAP NITO


Tumutukoy ang neokolonyalismo sa patuloy na impluwensiyang pang-
ekonomiya at panlipunan ng mga mananakop sa mga bansang dati nilang kolonya,
bagamat wala silang tuwirang militar o pulitikal na kontrol sa mga ito.

Ang Pamamaraan ng Neokolonyalismo


Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumitaw ang makabagong uri
ng pananakop upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan, ang neo-kolonyalismo
at interbensiyon. Itinuturing ang neo-kolonyalismo na bago at ibang uri ng
pagsasamantala sa mahirap na bansa. Ayon sa mga agham-politika, ito ang
pananatili ng control ng isang dating kolonyalista sa dati nitong kolonya. Malumanay
(subtle) at patago ang pamamaraang ito. Layunin nitong patatagin ang
pamumuhunan ng kolonyalistang bansa, pigilan ang pagkamit ng tunay na
kalayaan, at kunin ang mas malaking kita sa negosyo.
Ang neo-kolonyalismo ay isang uri ng suliraning pampulitika at pang-
ekonomiya na ang lahat ng estado mayaman at mahirap ay maaring masangkot.

Epekto ng Neo-kolonyalismo

Maraming epekto ang neo-kolonyalismo sa mga bansang sinakop at


pinagsamantalahan nito.
1. “Over Dependence” o labis na pagdepende sa iba. Malinaw na umaasa nang labis
ang mga tao sa mayayamang bansa lalong-lalo na sa may kaugnayan sa United
States.
2. “Loss of Pride” o Kawalan ng Karangalan. Sanhi ng impluwensiya ng mga
dayuhan, nabubuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti
at magaling, na isang dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng interes sa sariling
kultura at mga produkto.
3. Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin. Totoo ngang ang umuunlad
na bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na kahulugan ng salitang
kalayaan, ang maliliit na bansa ay patuloy pa ring nakatali sa malakolonyal at
makakapitalistang interes ng kanluran. Ang lahat ng aspeto ng kabuhayan ay
kontrolado pa rin ng kanluran.

Halaw sa PROJECT EASE MODULE 20- pg. 5,9,10,13 14. Basahin din ang Kasaysayan ng
Daigdig, Vivar et al, 281-284 and Kasaysayan ng Daigdig Grace Estela C.

Tayo’y Magsanay

GAWAIN 1: TALAHANAYAN, PUNAN MO!


Subukan natin ngayon ang iyong kaalaman sa paksang binasa. Punan ng
impormasyon ang kasunod na data retrieval chart.
Mga Ideolohiya Katangian Bansang Nagtaguyod

6
RO_MIMAROPA_WS_AralPan8_Q4

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang iba’t ibang uri ng ideolohiya sa daigdig?
2. Anong mga bansa ang nagtaguyod ng mga ideolohiyang ito?
3. Paano nagkakaiba ang kanilang patakaran at katangian?
4. Paano nakaapekto ang ideolohiya ng bansa sa pag-unlad ng
kabuhayan nito?
5. Sa mga ideolohiyang iyong nabasa, alin ang higit mong pinaniniwalaan? Bakit?

GAWAIN 2: BILI TAYO


Susubukin ngayon ang galing mo sa pagpili. Suriin ang mga produktong tinda
ni Juan de la Cruz. Alin sa mga ito ang bibilhin mo?

TINDAHAN NI JUAN
DELA
PIZZA PIE BIBINGKA CD NG CD NI MICHAEL Spaghetti
JACKSON
OPM

Hotdog Marikina Filipiniana Maong Hamburger


Shoes dress shorts

Pamprosesong Tanong:
1. Kung ikaw ay nasa supermarket at kailangan mong mamili ng limang produkto
na nasa tindahan ni Juan de la Cruz, aling mga produkto ang iyong bibilhin? Isulat
sa ibaba.
2. Bakit mo binili ang nasabing mga produkto? Pangatwiranan.

Isulat din sa kasunod na talahanayan ang iyong sagot.

Mga produktong binili ko Paliwanag

GAWAIN BLG.3: Repleksyon Ko, Para Sa Bayan


Sumulat ng isang repleksyon ukol sa pagtulong na ginagawa ng Tsina sa
Pilipinas. Gawing gabay ang mga tanong sa ibaba.

7
RO_MIMAROPA_WS_AralPan8_Q4

1. Maituturing bang isang uri ng makabagong neokolonyalismo ang ginagawang


pagpasok ng China sa ating bansa lao’t higit sa pagtatayo ng mga istruktura sa West
Philippine Sea? Pangatwiranan ang sagot.
2. Sa iyong pananaw nakabubuti ba o nakasasama ang pagtulong ng China sa
ekonomiya ng ating bansa? Bakit?

Ating Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang tawag isang sistema o kalipunan ng mga ideya o kaisipan na
naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at sa mga pagbabago nito?
A. Ideolohiya C. Neokolonyalismo
B. Cold War D. Kapitalismo
2. Alin ang hindi naaayon sa sistemang Demokrasya?
A. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao
B. maaaring makilahok ang mga mamamayan nang tuwiran o di-tuwiran
C. pinipigil ang mga mamamayan na magbigay ng sariling opinion
D. may Kalayaan ang mga tao na pumili ng uupo sa pwesto sa pamahalaan
3. Ang mga susmusunod ay pawang mga sinusunod na gawain sa ilalim ng
Totalitaryanismo maliban sa isa.
A. karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong
makapangyarihan
B. nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at
mekanismo ng produksyon
C. limitado ang karapatan ng mga mamamayan
D. ang pagpapahayag ng relihiyon ay hindi lubusang sinasang-ayunan
4. Kaninong teorya ang ginamit ng mga nagsulong ng ideolohiyang Sosyalismo?
A. Benito Mussolini C. Adolf Hitler
B. Vldimir Lenin D. Karl Marx
5. Ano ang naging sanhi ng Cold War sa pagitan ng mga makapangyarihang
bansa ng US at USSR?
A. Paramihan ng armas
B. Magkaiba o magkasalungat na ideolohiya
C. Paunahan sa pagpunta sa kalawakan
D. Pagtatayo ng base military
6. Ang mga sumusunod ay ang mabuting epekto ng Cold War maliban sa isa.
A. Pagsasaayos ng takbo ng ekonomiya at militar
B. Nabuo ang International Monetary Fund (IMF)
C. Rehabiltasyon at rekonstruksyon
D. Mapayapang Paglalakbay sa ibayong dagat
7. Ano ang hindi mabuting dulot ng Cold War?
A. umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika, pang- militar, at
kalakalan ng mga bansa.
B. nag-unahan ang mga bansa na makalikha ng makabagong kagamitan
C. nakipagkaibigan ang Estados Unidos sa Pilipinas
D. isinara ang malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa
8. Bakit ginamit ng mga makapangyarihang bansa ang sistemang
neokolonyalismo matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig?
A. Upang lumago ang kanilang ekonomiya
B. Upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan

8
RO_MIMAROPA_WS_AralPan8_Q4

C. Upang mauna sila sa kasikatan sa buong mundo


D. Upang gamitin ang likas na yaman ng mahihirap na bansa
9. I. Ang neo-kolonyalismo ay isang uri ng suliraning pampulitika at pang-
ekonomiya na ang lahat ng estado mayaman at mahirap ay maaaring
masangkot
II. Ang mga pamamaraang ginamit ng neo-kolonyalismo upang makuha ang
kanilang gusto sa malalayang bansa ay kinabibilangan ng mga uring pang-
ekonomiya at pangkultura.
A. Parehong tama ang mga pahayag
B. Parehong mali ang mga pahayag
C. Tama ang pahayag I, mali ang pahayag II
D. Mali ang pahayag I, tama ang pahayag II
10. Bakit itinuturing na ang maliliit na bansa ay patuloy pa ring nakatali sa
malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran?
A. ginigipit ng mga kanluranin ang maliliit na bansa
B. ang lahat ng aspeto ng kabuhayan ay kontrolado pa rin ng kanluran
C. marami sa mga mamamayan ang patuloy na naghihirap
D. walang kalayaan ang mga tao sa mahihirap na bansa

9
RO_MIMAROPA_WS_AralPan8_Q4

Susi sa Pagwawasto

5. C 10. B 5. B
4. C 9. B 4. C
3. D 8. B 3. B
2. D 7. A 2. C
1. A 6. D 1. A
Subukin Tayahin

Mga Sanggunian:
A. Aklat
Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar et al, ph.243-250
Kasaysayan ng Daigdig, Vivar et al, 281-284
Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo, Ph.D, et.al, ph. 309-319.
B. Module
Project EASE- Araling Panlipunan III Module 17-
Araling Panlipunan 8 Learners’ Manual ph 411-438
C. Website
https://slidetodoc.com/presentation_image_h/f83d16e913c7864b1cfbde8de
d091a81/image-31.jpg
https://www.google.com/search?q=pandaigdig+na+hidwaan&tbm=isch&ved
https://www.google.com/search?q=woodrow+wilson&rlz=1C1CHBF_enPH924PH
924&source=lnms

Inihanda ni:
ELMER D. LUMAGUE
Head Teacher II

Sinuri ni:
ANABELLE C. BALISA
Master Teacher I

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: [email protected]
10

You might also like