Heneral Luna

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

I.

Pamagat ng Pelikula
Heneral Luna
(2015)
II. May Akda
Isang Pagpapakilala kay Jerrold Tarog
Si Jerrold Viacrucis Tarog ay isang Filipino film director, screenwriter, producer,
editor, at composer. Kilala siya sa pagdidirekta ng Heneral Luna (2015), Bliss (2017),
Goyo: The Boy General (2018), at ang paparating na pelikulang Darna. Ang kanyang
unang tampok na pelikula ay ang Independently-produced Confessional (2007), na
sinundan ng Mangatyanan (2009) at Sana Dati (2013). Nagmula ang interest ni Jerrold
Tarog na sumulat at gumawa ng ang pelikula patungkol kay Heneral Luna noong siya’y
naka basa ng isang literatura tungkol sa bayaning ito at nang nalaman niya ang unang
script ng Heneral Luna na ginawa nina E.A Rocha at Francia. Isa rin kung bakit ginawa
ang pelikulang “Heneral Luna” ay dahil nagustuhan niya ang ugali ni Heneral Luna.
Dahil dito naisip niya na mataas ang potensyal na ito ay sumikat kaya’t ginawan niya ito
ng pelikula
III. Buod ng Pelikula
Nagsimula ang kwento sa pagkwekwento ni Heneral Luna sa isang manunulat.
Kwinekwento nya ang mga pangayayari na naganap. Nag umpisa ito sa pagtatalo ng mga
miyembro ng gabinete kung saan nabibilang si Antonio Luna at si Emilio Aguinaldo na
kanilang senior presidente. Pinag-aawayan nila ang digmaan kontra Amerikano dahil unti
unti na silang nasasakop ng mga ito. Sa huli ay nagsalita si Heneral ng pagalit dahil na
din sa pagpupumilit ng mga maka-Amerikano na myembro na magpasakop nalang sa
Amerioano para narin sa ekonomiya ng bansa. Nang natapos ang pagtitipon na iyon,
dahil nagpahiwatig ang mga Amerikano ng posibleng digmaan, humingi si Luna ng
karagdagan sundalo sa isang kapitan ng kawit ngunit hindi ito sinunod dahil Kay
Aguinaldo lamang susunod ito kaya't pinahiya ni Luna ang Kapitan sa kanyang mga
sundalo. Nagsagawa ng taktikang plano si Luna kung paano nila magagapi ang
Amerikano. Ngunit, kulang sila ng dalawang libong sundalo. Dito ginamit ni Luna ang
Artikulo Uno Kung sana nakapaloob na ang hindi sumunod sa punong heneral ng
digmaan ay siyang tatanggalan ng ranggo at ipapatay ng walang paglilitis. Nakaipon si
Luna ng 4,000 na libong tao at nakakuha ng tren na parte ng kanilang plano. Nagpatuloy
ang digmaan at dumadami na ang namamatay. Nagkaroon uli ng pagtitipon ang mga
miyembro ng gabinete kung saan nagsusulong si Paterno at Buencamino na pabor sa
Amerikano. Dito nagalit si Luna at nagkasagutan sila ni Buencamino kaya't inutos ni
Luna na arestuhin ang dalawa. Kinalaunan ay lalong tumindi ang digmaan kaya't humingi
ng karagdagan sundalo si Luna sa isa pang heneral ngunit Hindi ito sinunod dahil Kay
Aguinaldo lamang daw ito susunod. Dito nagkaroon ng pag-aaway ang dalawa at nagkita
sila sa Pampanga kasama ang kanilang sari-sariling kawal. Habang nagyayari ito ay
nilusob ng mga Amerikano ang kanilang kuta at sa bulk ay naaresto si Heneral Tomas
dahil sa pag-uutos ni Aguinaldo. Dahil sa nangyaring paglusob, nagpunta si Luna Kay
Aguinaldo at pinahayag ang kanyang pagbibitiw. Hindi ito tinanggap ni Aguinaldo at
pinagbigyan sya sa kanyang plank na magtayo ng kuta sa Norte. Pinalaya na ni
Aguinaldo si Buencamino at Paterno at dito siniraan ng dalawa si Luna Kay Aguinaldo.
Kinalaunan ay nagpadala ng telegrama si Aguinaldo na magkakaron ng pagtitipon sa
Kabanatuan dahil papalitan ang mga miyembro ng gabinete. Pagkarating ni Luna sa
Cabanatuan ay Wala syang naabutan kundi mga kawal ni Aguinaldo kung saan
pinagbabaril at pinagsasaksak ng marami si Luna. Nasaksihan ito ni Buencamino at
sumuko na din sa mga kawal ang isa sa sundalo ni Luna. Ang huli ng Pelikula ay Kung
saan tinatanggi ni Aguinaldo, Buencamino, at Paterno na may kinalaman sila sa
pagpapatay Kay Luna. Sa pagsasalita ni Joven nagtapos ang kwento habang nasusunog
ang bandila ng Pilipinas.
IV. Pagsusuri
A. Uri ng Panitikan
Pelikula- Salamin ng buhay.
B. Pamagat
Ang pamagat ng pelikula na “Heneral Luna” ay mula sa apelyido ng ating
bayani na si Antonio Luna at ang “Heneral” ay idinagdag sa unahan bilang
paggalang at pag-alala na siya ay isa sa mga mahuhusay na heneral ng ating bansa
na umagapay sa pagtataboy ng mga dayuhan, partikular na ng mg Amerikano.
Tunay ngang isa siyang matapang, makabayan at kagalang-galang na bayani kaya
ang pag-alala ay nararapat lamang sa kanya at isa ang paglikha ng pelikula sa mga
hakbang upang tuluyang maitatak sa puso ng mg Pilipino ang kaniyang
kabayanahian
C. Mga Tauhan
1. Heneral Antonio Luna (John Arcilla) – Ang pangunahing tauhan sa
pelikula at ipinakita ang kagitingan sa paninindigang ang Pilipinas ay sa
mga Pilipino at hindi sa Amerikano. Siya ay isang mahusay, matapang at
matalino, ngunit may madaling uminit na ulong heneral na patuloy sa
kanyang paniniwala kahit pa makalaban ang ibang mga Pilipino, partikular
na ang pangulo, na nagtaksil sa kanya sa huli.
2. Pangulong Emilio Aguinaldo (Mon Confiado) – Siya ang kinikilalang
unang pangulo ng Pilipinas na namumuno nang dumating ang mga
Amerikano. Pinakasinusunod siya ng mga mabababang pinuno ng
sandatahan kaya naman bahagyang nahirapan si Heneral Luna sa kanyang
mga plano. Maikukumpara rin siya sa isang ahas sa damuhan na dapat ay
kakampi ngunit patagong magtataksil sa kanyang kapwa Pilipino.
3. Apolinarion Mabini (Epy Quizon) – Ang unang “prime minister” ng
Pilipinas sa ilalim ni Aguinaldo. Hindi siya makabalintuna sa mga adhikain
ni Aguinaldo sapagkat pawang mas mataas ang pangulo. Hindi rin niya
nalaman ang pagkitil kay Luna bagama’t siya ay may nararamdamang
kakaiba lalo na nang makita niya ang bolong may dugo ng isa sa mga
sundalo.
4. Jose Alejandrino (Alvin Anson) – Isa siya sa mga pangunahing kakampi ni
Antonio Luna sa kanilang paninindigang nararapat lumaya ang Pilipinas
mula sa mga Amerikano na siyang kapwa heneral nito.
5. Col. Francisco “Paco” Roman (Joem Bascon), Cap. Eduardo Rusca
(Archie Alemania), Cap. Jose Bernal (Alex Medina) at Major Manuel
Bernal (Art Acuña) – Sila ang iba pang mga katiwa-tiwalang kasamahan ni
Heneral Luna sa kanilang pakikidigma laban sa mga Amerikano.
6. Felipe Buencamino (Nonie Buencamino) at Pedro Paterno (Leo
Martinez) – Silang dalawa ay naninindigan sa debate na nararapat
panatilihin ang pakikipagkalakalan sa mga Amerikano ng mga Pilipino,
kabalintuna nila Heneral Luna.
7. Cap. Pedro Janolino (Ketchup Eusebio) – Siya ang kapitan ng Kawit
Batallion at hindi siya sumunod sa utos ni Luna sapagkat ayon sa kanya ay
si Aguinaldo lamang ang sinusunod niya. Siya rin ang pangunahing
nagtaksil sa Pilipinas na sa utos ni Aguinaldo ay pinatay niya at ng kanyang
batalyon sina Luna at Roman.
8. Gen. Arthur McArthur Jr. (Miguel Faustmann) at Gen. Elwell Otis
(E.A. Rocha) – Sila ang namumuno sa mga Amerikano sa pakikidigma sa
mga Pilipino.
V. Reaksyon
A. Sa mga nagsiganap
1. John Arcilla (Heneral Antonio Luna)- Napakahusay. Sobrang bumilib ako sa
pagganap niya bilang Heneral Antonio Luna. Walang duda kung bakit ito naging
best actor sa mga pelikulang kanyang ginampanan. Magaling sa pagpapakita ng
emosyon at sa pagbitiw ng mga linya na mas lalong nagbigay-rason sa mga
manunuod na lalong tangkilikin at mahalin ang tpelikula.
2. Mon Confiado (Pangulong Emilio Aguinaldo)- Nagampanan niya ng mahusay
ang kanyang karakter bilang Presidente Emilio Aguinaldo. Napansin kong halos
walang pagiiba-iba ng emosyon ang kanyang karakter. Pero nadala nito ang karakter
ng mahusay.
3. Epy Quizon (Apolinarion Mabini)- Bagamat wala siyang masyadong diyalogo at
eksena ay bagay sa kanya ang karakter at nagampanan niya ito ng maayos.
4. Alvin Anson (Jose Alejandrino)- Napakahusay ng kanyang pagganap.
Napakanatural ng kanyang pag-arte at ekspresyon ng mukha. Kahanga-hanga ang
kanyang ipinamalas sa pelikula.
5. Felipe Buencamino (Nonie Buencamino) at Pedro Paterno (Leo Martinez)-
nakakainis ang kanilang karakter sa pelikula. Kung kaya’t mababatid na epektibo ang
kanilang pagganap. Talagang bagay na bagay sa kanila ang pagiging kontrabida.
6. Col. Francisco “Paco” Roman (Joem Bascon), Cap. Eduardo Rusca (Archie
Alemania), Cap. Jose Bernal (Alex Medina) at Major Manuel Bernal (Art
Acuña)- Napakahusay ng kanilang pagganap. Nabigyan nila ng hustisya ang bawat
karakter na kanilang ginampanan. Bawa’t karakter na kanilang ginampanan ay
nagbigay kulay sa pelikula.
7. Ketchup Eusebio (Capt. Pedro Janolino)- napakahusay ng kanyang pagganap.
Kahit mas kilala siya sa komedya ay nagampanan niya ang kanyang karakter bilang
kapitan na nakakahanga para sa akin. Nainis lang din ako sa kanyang karakter na
hindi responsable sa kanyang tungkulin. At inuuna ang sariling kaligayahan.
8. Gen. Arthur McArthur Jr. (Miguel Faustmann) at Gen. Elwell Otis (E.A.
Rocha) - mahusay nilang nagampanan ang kanilang karakter. Natural ang kanilang
pag-arte at akma sila sa karakter bilang mga amerikano.

B. Istilo ng Manunulat ng Iskrip


Napakahusay ng pagkakasulat ng iskrip. Gumamit ng mga matalinghagang salita
na akma sa tinatalakay ng pelikula na patungkol sa kasaysayan at pakikibaka ng mga
Pilipino laban sa amerika. Nakatulong din ang pagmumura ng ilang tauhan para lalong
maipakita ang intensidad ng eksena. Bawat linya na binibitawan nila lalo na ni Heneral
Antonio Luna ay tila patalim na gumuguhit sa puso ng mga manunuod. Malakas ang
epekto nito lalo na at base sa katotohanan at tila patama sa mga namumuno sa gobyerno
ang nais ipabatid ng bawat linya.
C. Istilo ng Pagdidirehe
Bagamat isang seryosong pelikula, mahusay nitong nagamit ang pagpapatawa
para mas bigyang buhay ang naratibo. Dahil kapag sinabing kasaysayan, lalo na at
isasapelikula ito, kadalasan sa atin ay maiisip na “boring” ito. Kaya maaaring nilapatan
ito ng pagpapatawa para may aliw. Katulad nalang ng eksenang inaaresto ni Heneral
Luna si Heneral Mascardo, katawa-tawa ang literal na pagtupad ni Luna sa talinhagang
tugon ni Mascardo sa liham ni Luna na “Kung gusto mo ako ipakulong, magdala ka ng
kabaong.” Katawa-tawa rin ang usapan ng Amerikanong namamahala sa tren at ni Luna
nang sabihan ng huli ang mga tauhan nito, “Naubusan na ako ng Ingles, arestuhin ninyo
na!” Naipakita nito na ang Heneral na inakusahang hayok sa dugo ay komedyante rin.
Napakatalino at malikhain ng pagkakadirehe sa pelikulang ito. Punong puno ito ng aral
mula sa kasaysayan na magagamit natin sa kasalukuyang henerasyon.
D. Mga Teoryang Pampanitikan
1. Teoryang Humanismo- naglalarawan ang pelikula sa mga potensyal ng
bawat tao na nagbibigay pokus sa kahalagahan ng paglago at pagpapatunay ng
sarili. Tulad na lamang ng pagpapakita ng buhay ni Heneral Luna. Nakitaan ng
pagkamalasakit, kabutihan at may prinsipyo si Heneral Luna sa kanyang kapwa
pilipino ngunit lumalabas din ang kanyang pagiging ‘mayabang at malupit’ kung
ang mga ito ay taksil, duwag at nagpapakita ng pakikipagsanib sa mga
amerikano at hindi ginagawa ang tungkulin. Ang naging pokus ng pelikula ay
ang tao. Ito ay isang pag-aaral sa pananaw ukol sa paniniwala o prinsipyong tao.
Pinanindigan at ipinaglaban ni Heneral Luna ang kanyang pinaniniwalaan na
hindi makakabuti ang pagsakop ng mga amerikano sa ating bansa. Ang mga
Pilipino noon at ngayon ay mayroong kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at
kalayaan sa pagpapasya. Kung kaya’t ito ang kanilang ginamit upang magplano
kung paano mapapalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Amerikano.
2. Teoryang Realismo- ito ay hango sa katotohanan. Tumalakay ito sa
kasaysayan ng ating bansa at sumasalamin ito sa kalagayan ng ating gobyerno
mula noon hanggang ngayon. Tinalakay rin nito ang naging buhay ni Heneral
antonio Luna. Kahit ito ay mayroong halong kathang-isip ay naging
makatotohanan parin ito.
3. Teoryang Moralistiko- binigyang diin ang mga aral na makukuha sa pelikula
tulad na lamang ng, kailangan ng pagkakaisa upang matupad ang mithiin ng
isang bansa, Pagmamahal sa bansa, Pagkakaroon ng paninindigan tulad ng
ipinamalas ni Heneral luna at pagiging tapat sa bansa, higit sa lahat pagkakaroon
ng malasakit sa mga kapwa pilipino at marami pang makabayan na aral ang
makukuha sa pelikulang ito.

VI. Bisang Pampanitikan


A. Bisa sa Isip
● Naimpluwensiyahan ng pelikula na ito ang pagiisip ng mga manonood ukol
sa ating pamahalaan at maging sa kasaysayan. Namulat nito ang mga
kaisipan na hanggang ngayon ay hindi parin talaga natin lubusang kilala
ang ating mga bayani, at naipakita rin dito sa kanila na may mga bagay
na nangyari dati na nakaaapekto sa mga pangyayari ngayon sa bansa.
B. Bisa sa Damdamin
● Napukaw ng pelikulang ito ang damdamin ng bawat manonood bata,
matanda, estudyante o mga magulang man. Halo-halong emosyon ang
nadama ko bilang manonood, nalungkot dahil sa nangyaring kalupitan kay
Luna na sinaksak at binaril ng mga kapwa niya mismo Pilipino, nagalit sa
mga taong walang awa na pinatay si Heneral Luna sa kabila ng mga ginawa
nito para sa bayan, nainis sa ilang tao na nasa pamahalaan na walang ginawa
kundi ang magpakasaya sa kabilang paghihirap ng ibang Pilipino, natuwa
dahil sa mga binitiwang kataga ni Heneral Luna at naiyak dahil kahit sa
huling sandali ng kaniyang buhay ay naging matapang parin si Luna at
siya’y kinatakutan parin ng mga kawal.
C. Bisa sa Kaasalan
● Ipinakita ni Heneral Antonio Luna ang kaasalan na dapat nating taglayin
bilang isang Pilipino. Hindi lamang siya isang magaling na Heneral kundi
isang mapagmahal na anak, kasintahan, kapatid at kaibigan sa kanyang mga
kawal. Humanga ako kay Heneral Luna. Isa siyang bayani na gagawin ang
lahat para sa kalayaan ng ating bansa. Sana ay magsilbi siyang halimbawa sa
ating mga pinuno sa kasalukuyan. Isang pinuno na may paninindigan, may
prinsipyo, may malasakit at higit sa lahat hindi takot na ipaglaban ang ating
kasarinlan kahit maraming tumututol sa kanya at buhay niya ang maging
kapalit. Hindi siya naging duwag kahit alam niyang maraming magagalit sa
kanya at maaari niya ikamatay ang pakikipaglaban sa mga amerikano. Ang
nais niya lamang ay pagkakaisa upang makalaya ang Pilipinas sa kamay ng
mga amerikano ngunit ang inakala niyang mga kakampi ay siya palang
kaaway na papatay sa kanya. Malupit man na heneral ang tingin sa kanya,
nagtaglay si Heneral Luna ng busilak na puso sa kanyang nasasakupan at
kapwa pilipino.
D. Bisa sa Lipunan
● Ang pelikula ay tumatalakay sa nangyayari sa ating lipunan at sa kasaysayan
ng ating bansa. Ipinakilala nito ang mga bayani na kilala lamang natin sa
pangalan ngunit hindi ang kanilang mga nagawa at sakripisyo sa bansa.
Kung paano ipinagtanggol ng ating mga bayani ang ating bansa. At kung
paano naging taksil ang ilan sa inakala nating bayani. Sa kasalukuyan ay
nangyayari parin sa ating pamahalaan at sa ating bansa ang mga suliraning
natalakay sa pelikula. Malaki ang impluwensya nito sa mga manunuod at
nabuksan ang kaisipan at puso ng bawat pilipinong nakapanuod.
E. Bisang Pangmoral
● Mahalin natin ang ating inang bayan lalong lalo na ang ating mga kapwa
Pilipino dahil sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo tayo rin.
Pagkakaisa ang pairalin natin at hindi ang ating mga pansariling interes
lamang. Ipaglaban natin ang ating karapatan lalong lalo na kung
inaagrabyado tayo. Tulad ng paglaban ni Heneral Luna sa ating kalayaan at
paglaban niya sa sinumang taksil at duwag na pansarili lamang ang iniisip.
Huwag tayong maging sakim sa ating kapangyarihan tulad ng ipinakita sa
pelikula na ibang kapitan ng ibang lungsod na inaabuso ang kapangyarihan
at hindi ginagawa ang tungkulin. Maging tapat tayo at maging matatag.
Tulungan natin ang bawat isa sapagkat ang bawat Pilipino ay iisa.

VII. Sanggunian
https://pdfcoffee.com/heneral-luna-pdf-free.html
https://manilatoday.net/si-heneral-luna-si-tay-emok-at-ang-opisyal- na-pahayag/
https://worldoflivingquill.wordpress.com/2019/03/08/heneral-luna- revyung-
pampelikula/

You might also like