Dekada 70 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

a.

Gumawa ng listahan ng mga mahahalagang pangyayari na nabasa (napanood) sa aklat


(peikula) na tumatak sa inyong isipan.
Napakaraming mga mahahalagang kaganapan ang tumatak sa aking isipan na hindi ko
makalimutan gaya ng pag rarally noong dekada 60 dahil ito ang naging ugat o tulay upang
umalis si Jules.
Mahalaga rin para sa akin ang pagiging manunulat ni Emmanuel dahil dito niya
naipapahayag ang mga nangyayari.
At ang pagpatay kay Jason dahil ito ang nagmulat kay Amanda sa bagay na ayaw niyang
pabayaan ang kaniyang mga anak at ito rin ang nagbigay daan upang maipahayag ni
Amanda ang kaniyang saloobin.

b. Sino-sino ang mga tauhan? Ilarawan ang bawat isa.

Vilma Santos bilang Amanda Bartolome -ina ng mga Bartolome na may limang batang
anak. Matapos matuklasan ang mga kopya ng pamplet na para sa paghihimagsik nasa
bahay, tinanggap niya ang pagnanais ni Jules na maging isang anti-Government winger.

Christopher de Leon bilang Julián Bartolome, Sr. -


pinuno ng pamilya Bartolome na nais ang lahat ng kanyang mga anak na maging
matagumpay sa buhay.

Piolo Pascual bilang Julian "Jules" Bartolome, Jr. - siya


ang unang anak na lalaki ng mga Bartolome. Matapos matuklasan nina Amanda at Julian
ang kanyang pagkahilig sa kilusang paglaban, hinarap nila ang kanilang anak tungkol sa
kanila, at dapat niyang aminin ang kanyang desisyon. Sa una, ang hidwaan ay nagsisimula
sa pamilya. Nang maglaon, natutunan ng mga magulang na tanggapin ang desisyon ng
kanilang anak, at kalaunan ay ipinagmamalaki siya. Simula noon, ang kanilang tahanan ay
naging isang palaging lugar ng libangan para kay Jules na madalas na nagdala ng kaibigan
sa kanya. Kasunod na ipinadala si Jules sa bilangguan matapos na ipagkanulo ng nasabing
kaibigan ang pamilya sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang sarili na isang
undercover na operative ng gobyerno.

Carlos Agassi bilang Isagani "Gani" Bartolome -ang pangalawang anak ng mga Bartolome.
Matapos ang pagpaplano na magtrabaho spara sa Navy ng Estados Unidos sa kabila ng
mga pagtutol ni Jules dahil sa kawalan ng pagiging makabayan ng huli, si Gani ay naging
pangalawang tagalikha ng pamilya at ang kanilang pag-asa na itaas ang kanilang katayuan
sa lipunan. Gayunman, mabilis siyang naging pigura ng kahihiyan matapos ang hindi
sinasadyang pagbubuntis ng kanyang kasintahan na si Evelyn, na pinipilit niyang mag-
asawa. Kalaunan ay pinanganak niya ang unang apo ng pamilya, si Annaliza habang
nagtatrabaho sa Estados Unidos.

Marvin Agustin bilang Emmanuel "Em" Bartolome - ang pangatlong anak ng mga
Bartolome na nagsusulat ng pinagbawalang panitikan habang pinapanatili ang isang hindi
magandang, malaswa na panlabas na pagkatao. Narinig niya na rin ang balita sa
pagkamatay ni Jason noong 1977.

Danilo Barrios bilang Jason Bartolome - ang ikaapat na anak ng mga Bartolome na
nakikipag-date sa kanyang kasintahan na si Bernadette. Pinatay siya at sinaksak ng
maraming beses ng mga tiwaling pulis sa 1977, ang kanyang pagkamatay ay sa wakas ay
narinig ng kanyang kuya na si Emmanuel.

John Wayne Sace bilang Benjamin "Bingo" Bartolome -


ang bunso sa pamilya. Nanatiling kalmado siya noong 70s.

Ana Capri bilang Mara -


asawa ni Jules Bartolome

Dimples Romana bilang Evelyn - -


Ang kasintahan na naging asawa ni Isagani BartolomeJhong Hilario bilanv Willy -
Matalik na kaibigan at aktibista. Pinatay siya ng mga pahirap noong 1972.

Tirso Cruz III bilang Evelyn's Father - isang hindi pinangalanan na character na
ipinapakita na mahigpit at lilitaw lamang sa dalawang mga eksena; ang tanawin sa bahay
ni Evelyn at ang eksena sa kasal. Matapos maibalik si Evelyn sa sambahayan ng kanyang
pamilya ng mag-asawang Bartolome kasama si Isagani huli na isang gabi, pinilit niya si
Isagani na mag-ayos ng kasal pagkatapos marinig ang pananatili ng kanyang anak na
babae sa huli.

Nanay ni Evelyn -isang hindi kilalang karakter na ipinapakita na humahagulgot


pagkatapos ng pagbabalik ni Evelyn sa sambahayan at isang saksi sa inayos na kasal ng
hindi pinangalanan ng tatay ni Evelyn.

c. Ano ang mga suliraning kinaharap ng bawat tauhan sa kuwento/napanood? Isa-isahin


ang mga ito.
Ang mga suliraning kinaharap ng bawat tauhan sa kwento ay ang mga sumusunod:

Ang pagayaw ni Julian na magtrabaho ang kaniyang asawa.


Pagiging aktibista ni Jules na pagsali sa NPA.
Pagkakaiba ng paniniwala ni Jules at Gani.
Ang pagkamatay ni Jason
Ang sitwasyon ni Amanda bilang ilaw ng tahanan.
Ang lihim na pangarap ni Amanda para sa kaniyang sarili.
Gani - Sumali sa US Navy kahit na hindi ito sinangayunan ng kanyang mga kapatid.
Maagang nakapagasawa at hindi nakapagtapos ng kolehiyo.
• Benjamin/Bingo - Tipikal na bunso na ang problema ay mapansin ng magulang dahil sa
dami nilang magkakapatid, hindi sya nabibigyan ng atensyon di gaya ng sa mga panganay
sa kanya na maraming suliranin.

d. Saan nangyari ang kuwento at sa anong panahon ito naganap?


Ang kwento ay nagsimula noong dekada 60 kung saan ang mga tao ay nabubuhay ng
maayos at naayon sa kanilang kagustuhan.Ngunit nagsimula ang mismong istorya noong
dekada 70. Ang tagpuan ng istorya ay sa buong Maynila sa ilalim ng pamumuno ni
Pangulong Ferdinand Marcos.

e. Mayroon bang mga pangyayari sa aklat (movie) na labis mong tinututulan? Ano-ano ang
mga ito at bakit?
Ang labis kong tinutulan sa pelikula ay ang pagtorture ng mga military kay Jules. Hindi ito
makatarungan at makatao. Ang paniniwalang ang mga lalaking nasasaktan ay dapat
kinikimkim na lamang ang kanilang nararamdaman dahil hindi magandang makita silang
umiiyak o nagsasalita ng tungkol sa problema. Ang paniniwalang ito ay idinikta ng lipunan
at kulturang Pilipino. Maraming Pilipino ang hindi sang-ayon sa pamumuno at patakaran
ni Presidente Marcosna ultimo mga mag-aaral sa kolehiyo ay nag-aaklas atsumasali sa
grupong laban sa military.
At ang katagang sinabi ni Julian na "it's a man's world" at ang pagpigil nito para
magtrabaho ang kaniyang asawa, dahil para sa akin ang mundo ay para sa lahat ng tao at
dapat na pantay lang ang pagtingin sa kalalakihan at kababaihan.

f. Ano, sa iyong palagay, ang layunin ng may-akda sa kaniyang pagsulat ng aklat/pelikula?


Ang layunin ng may-akda ay iparating na hindi dapat tayo magsunod sunuran sa iba.Nais
din ng may-akda na iparating na bawat isa ay may kalayaan at karapatan na dapat
ipaglaban. Nais din nitong iparating na sa pamilya nagsisimula ang lahat. Ang pamilya na
huhubog sa mga anak na maging isang makatarungang tao at malaya. At nais niyang
iparating na sa pamilya hinuhubog ang mga mamamayan na magtatanggol sa bayan at ang
mga magulang ang gagabay sa kaniyang anak.

g. May mga pangyayari bang nasa aklat/movie na nagpapaalala ng iyong karanasan o


karanasang iyong nasaksihan mula sa isang kaibigan, kakilala o kapamilya? Ilarawan.
Ang pangyayari sa pelikula na nagpapaalala sa karanasan na aking nasaksihan o nalaman
ay siguro ang kaganapan sa pamilya ng Bartolome ang simpleng kasiyahan at kaunting
pag-aaway ng aking pamilya. Sa ibang pangyayari naman sa pelikula ay wala akong
nasaksihan na katulad na mga karahasan o di kaya patayan ngunit nakasaksi na ako ng
mga taong nag rarally na ipibaglalaban ang kanilang mga karapatan.

h. Ano ang mahahalagang aral na iyong nakuha mula sa kuwento/pelikula?.


• Ang bawat tao ay may sariling kalayaan at karapatan na dapat na ipaglaban kung
kinakailangan.
i. Kung magaganap ang kuwento sa kasalukuyan, ano kaya ang magiging pagkakaiba ng
mga pangyayari sa kuwento?
Sa tingin ko kung noon ay may mga taong mananahimik para sa kaligtasan ngayon naman
ay mas maraming tao ang magsasalita o magpoprotesta o tatayo at lalaban para sa
katarungan at kalayaan, dahil sa kasalukuyan ang mga ibang tao ay hindi na takot na
magpahayag ng kanilang saloobin.

j. Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang ilang bahagi ng kuwento/movie, ano


ang iyong papalitan at ano ang ipapalit mo rito?
Ang nais ko lang palitan ay ang pag-alis muli ni Jules pabalik sa lugar kung saan siya
namalagi bilang isang aktibista dahil sa aking palagay nararapat na manatili siya kasama
ang kaniyang pamilya o di kaya magbagong buhay siya upang makamtam niya ang tunay
na kasiyahan.

5. Ipasa ang ulat kasama ang pagninilay mula sa kuwento/napanood.


6. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Mayroon bang nabago sa iyong pananaw at paniniwala matapos mong mabasa
(mapanood) ang kuwento (pelikula)?
Marahil mayroong nabago kagaya ng bawat isa sa lipunan ay kailangangan ay bigyang
respeto at minsan ang bawat pamilya o tao ay may malalim na istorya na hindi nalalaman
ng iba.
May nadagdag din sa aking pananaw, ito ay ang katotohanan na sa pamilya nagsisimula
ang lahat at sa pamilya rin mahuhubog ang pagkatao ng isang indibidwal.

b. Sa iyong palagay, ano ang idudulot sa bansa kung patuloy na magaganap ang mga
pangyayaring nabasa (napanood) sa kuwento?
Magkakagulo ang buong bansa at sa tingin ko marami ang magpoprotesta dahil dito
marami
ang mamatay.Hindi rin siguro magkakaroon ng kalayaan ang bawat Pilipino.

c. Paano matitiyak na laging mananaig ang katarungan sa ating lipunan?


kapag kaya natin ipaglaban ang tama na kahit ano pang hadlang o hirap na dumaan
Dahil alam naman natin na kung ano pa ang tama yun pa ang hindi madalas paniwalaan

d. Ano ang katarungan?


Ang katarungan ay isang mahalagang sangkap sa pag-uugnayan sa lipunan dahil ito ang
magdidikta sa mga indibidwal, hindi lamang para ingatan ang sarili, kung hindi upang
ingatan ang sarili at komunidad upang magkaroon ng kalayaang makabuo at makalikha
ang isang pamayanan o lipunan.

e. Paano ito naging mahalagang sangkap ng ugnayan sa lipunan?


Utang na loob ng isa’t isa ang pagkakaroon ng katarungan dahil magkakaroon ng ibayong
kaayusan ang lugar panirahan at lipunan.

f. Ano ang kinalaman ng katarungang panlipunan sa iyong (inyong) buhay?


Ang katarungang panlipunan ay mahalaga sa aatin dahil ito ay pundasyon na ating
pamumuhay. Ang katarungan panlipunan ang nagbibigay kaayusan sa atin at sa ugnayan
natin sa kapuwa at lipunan. Ang katarungang panlipunan din ang nagbibigay daan upang
maging isang mabuting mamayan tayo sa ating bansa.
Pinasa Ni:Ronald S. Miano G9 - Apitong
Ipinasa Kay:Sir. Adrian Octaviano

You might also like