Heneral Luna Review

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Heneral Luna

Ang “Heneral Luna” ay isang historical biopic na pelikula tungkol kay Antonio Luna, na
isang heneral sa Pilipinas noong digmaang Pilipinas-Amerika. Ito ay isang akdang
pampelikula nina Henry Francia, E.A. Rocha, at Jerrold Tarog na siya ring direktor sa
pelikula. Ang “Heneral Luna” ay pinili bilang entry sa para sa Best Foreign Language
Film sa 88th Academy awards ngunit hindi ito nominado.
Nagsimula ang pelikula sa pagtatapos ng kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas, sa
pamamagitan ng pagbebenta ng kapuluan sa mga Amerikano. Dahil dito,
pinagtatalunan ng pangulo, si Emilio Aguinaldo na ginampanan ni Mon Confiado, ang
kanyang punong ministro na si Apolinario Mabini na ginampanan ni Epy Quizon, at ang
kanyang gabinete sa isyu ng presensya ng mga Amerikano sa kanilang lupain. Ang
ilang mga tao ay nagmumungkahi ng isang alyansa sa mga Amerikano, bagaman ito ay
ikinagalit ng mga pinuno ng militar, lalo na si Heneral Antonio Luna, na ginagampanan
ni John Arcilla. Gusto niyang ipagpatuloy ang rebolusyon para sa kalayaan ng Pilipinas.
Pagkatapos, ang pelikula ay nagpapakita ng mas maraming labanan ng mga Pilipino at
mga Amerikano, at ipinapakita rin na may isang kaaway na mas malaki pa kaysa sa
mga Amerikano ang mga Pilipino, ang kanilang mga sarili. Sa pagtatapos, si Heneral
Luna ay ipinatawag sa punong-tanggapan ni pangulong Aguinaldo, bagama't pagdating
niya, halos walang tao. Pagpasok sa opisina, tanging si Buencamino, isa sa mga
nagmungkahi ng alyansa sa mga amerikano at ginampanan din ni Nonie Buencamino,
ang natitira. Nang marinig ang putok ng baril sa labas, lumabas si Heneral Luna upang
mag-imbestiga, at nakasalubong niya ang isa sa mga kapitan na sumuway sa kanya,
kasama ang kanyang mga tauhan. Inatake ng kapitan at ng kanyang mga tauhan si
Heneral Luna, na binaril at sinaksak ng paulit-ulit hanggang sa mamatay. Ang ilan sa
mga tauhan ni Heneral Antonio Luna ay pinatay, inaresto, at pinahirapan. Sa huli,
sinisisi ng mga American Newspaper si Pangulong Aguinaldo sa pagkamatay ni
Heneral Luna. Itinanggi ito ni Aguinaldo, at tinawag si Luna bilang kanyang
pinakamatalino na heneral. Kahit sa pagkatapos ng lahat ng ito, hindi na natagpuan ang
mga pumatay sa heneral.
Ang pelikula ay mahusay sa pagpapakita ng kasaysayan ng Pilipinas, lalo na ang
pakikibaka ng mga mamamayan. Isa sa mga pakikibakang ito ay ang mga hadlang sa
lenguwahe. Bukod dito, ipinapakita din ng pelikula ang lakas ni Antonio Luna bilang
isang heneral na nagmamahal sa kanyang bayan. Una niyang ipinakita ito sa simula,
kung kailan mas gugustuhin niyang ipaglaban ang mga Amerikano para sa kalayaan ng
bansa at hindi magtiwala sa matatamis na salita ng Amerikano. Ipinapakita niya ulit ito
nang ipakita niyang kusa siyang mamamatay para sa kanyang bansa at kasarinlan.
Tiyak na ipinapakita ni Heneral Antonio Luna ang mga katangian ng isang tunay na
pambansang bayani.
Gayunpaman, habang si Antonio Luna ay may ilang mga kahanga-hangang katangian,
mayroon din siyang sariling mga pagkukulang. Isang halimbawa ay ang kanyang
maikling ugali. Sa pelikula, si Heneral Luna ay madaling magalit, at hindi siya
nagdadalawang isip na magsabi ng masasamang salita tulad ng “duwag” at “anak ng
puta”. Isa pang halimbawa ay ang kanyang maikling pasensya, bagaman kung
isasaalang-alang na siya ay nasa gitna ng digmaan ay maaaring makatwiran ito.
Ang mga taong sa likod ng pelikulang “Heneral Luna”, kahit hindi nominado sa
Academy Awards, ay siguradong alam kung ano ang ginagawa nila. Kahit na kathang
isip lamang ngunit nakabatay sa katotohanan, ipinapakita nito sa mga manonood ang
maaaring nangyari noon, at ang posibleng dahilan kung bakit pinatay si Antonio Luna.
Ang Heneral Luna ay maganda, ngunit gusto ko ring tumutok ito sa iba pang mga
tauhan, tulad ng magkakapatid na Bernal. Ngunit, bahagi daw ng isang trilohiya ang
Heneral Luna, kaya hindi masamang umasa na ang ibang mga pelikula ay tututok din si
iba pang mga tauhan. Sa paglabas ng Goyo: Ang Batang Heneral kung saan ang
pangunahing tauhan ay si Gregorio Del Pilar, maaaring tama ang pag-iisip na tututok sa
ibang tauhan ang ibang mga pelikula sa trilohiya. Sa madaling salita, ang Heneral Luna
ay isang nakaka-aliw at karapat-dapat na makasaysayang pelikula.

You might also like