Bb. Rainbow Sunset

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Tauhan:

Alfrido- Gumanap bilang gay , may sakit at karelasyon ni Ramon

Ramon Estrella- naging karelasyon ni Alfrido

Slyvia-asawa ni Ramon

Mga anak nila Ramon at Slyvia

Marife Estrella

Georgina Estrella

Emman Estrella

Sinematograpiya:

Mahusay ang mga shots na ginamit sa pelikula. Malinaw at maayos na nailapat ang
mga tunog sa mga bahgi ng pelikula na nagbigay daan upang bigyang linaw ang mga
pangyayari at nararamdaman ng mga manunood sa sitwasyon mahusay ang
pangkakatagni-tagni ng mga pangyayari ng pelikula, ang mga lokasyon at ang mga
props ay nagpapadama ng makatotohanan at nagpapadama sa mga manunood ng
totoong kalagayan ng buhay ng mga tauhan sa pelikula ang mga kasuotan at make-up
ng mga artista ay mahusay ding naipahiwatig, mahusay na nagampanan ng deriktor
ang kanyang trabaho dahil naiparating niya ang tunay na mensahe sa pelikula at ang
pagkakasulat ng iskrip at ang mga gumanap sa pelikula ay napakahusay.

Aral:

Para po sa akin ang aral sa pelikula na rainbow sunset ay sa pag ibig kailangan din
magparaya kong talagang nagmahal ka handa kang maging masaya para sa kanya
masakit sa isang babae ang magparaya sa kanilang asawa lalo na kong sa kapwa nito
lalaki kaya ako ay humahanga sa kay Slyvia sa kanyang ginawa, ngunit mas lalo akong
humahanga kay Ramon dahil nagpapakatotoo siya kahit alam niya na marami ang
mawawala sa kanya kasi minsan ang pagmamahal ay kailangan din ng oras hindi
basta-basta nalang ito sinusunod kundi pinag iisipan din kahit ganon man katagal ang
paghihintay kong mahal mo handa ka maghintay tulad ni Ramon 84 na ang kanyang
edad saka pa niya pinatunayan kong gaano niya kamahal si Alfrido kahit sila ay
matanda na sila at humahanga din ako kay Alfrido sa kanyang katatagan dahil kaya
niyang magparaya kahit alam naman natin na kapag ang isang pusong babae ay
madaling masaktan ay di niya padin inisip ang kanyang sarili mas gusto niyang sumaya
ang kanyang minamahal kaya nararapat lang na siyang sumaya at sa mga anak
naman nila Slyvia at Ramon nakakatuwang isipin na magkakasama ang magkapated
kahit nagkakaroon ng bangayan ay andun parin sa isat isa at kahit di nila naunawan sa
umpisa ay natanggap padin nila na isang LGBT ang kanilang ama kahit di man ito
madaling tanggapin.

Reaksyon:

Dapat di nating hinuhusgahan kong anong katauhan meron ang ating kapwa di
hadlang ang pagiging babae o lalaki sa isang relasyon kong may respito kau sa isat isa
yun ang mahalaga hindi naman dahil nagmamahalan ang kapwa lalaki o kapwa babae
ay masama kanang tao kong alam mo naman ang hangganan nito at kong di naman ito
nakakaapekto sa ibang tao minsan ang inaakala nating mali ay nagiging tama din kong
alam naman natin sa sarili natin kaya nating magmahal ng walang kapalit na kahit ano
pa man di man ito maintindihan ng ibang tao ay wag mo nalang isipin kong ano ang
mga sinasabi ng iba dahil wala naman sila sa posisyon na ganon walang tao ang gusto
maging kakaiba ngunit di natin kaya pigilin ang ating nararamdaman totoo nga minsan
ang kasabihan na matalino ka man ay naging bobo ka padin pagdating sa pag ibig para
sakin di hadlang ang LGBT or Lesbian na maging normal at umibig din at ibigin ang
panghuhusga ng kapwa ay di nararapat dahil ang mga gay at lesbian ay tao rin naman
kagaya natin at walang pinagkaiba walang matanda o bata sa pag ibig.

You might also like