Movie Review - Goyo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Movie Review: Goyo: Ang Batang Heneral

Bago ko mapanood ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral napaka laki ng

ekspektasyon ko sa pelikula. Subalit ngayon na akin na itong napanood tila baga hindi

ko mapaliwanag ang aking dapat maramdaman pagkatapos. Sa aking palagay hindi

masyadong nabigyang pansin ang pagbibigay ng matinding pagpapakilanlan sa mga

karakter, hindi ito kagaya ng mga karaniwang pelikula na laging nagtatagumpay at

magaling ang bidang karakter.

Ngunit habang patuloy kong pinoproseso ang pelikula, aking napagtanto ang

tunay na nais iparating ng pelikula. Hindi binigyang pokus sa pelikula ang madalas na

konotasyon ng mga tao patungkol sa mga bayani, subalit kanilang imungkahi sa mga

tao ang tunay na estado ng ating bansa kahit na mayroon tayong mga kinokonsiderang

mga pinuno. Hindi ako nadismaya sa palabas kundi sa realidad ng tunay na paraan ng

pamumuno at pagpapakabayani noong unang panahon.

Simula pa noon, ang pananiniwala ko patungkol sa pagpapakabayani ay ang

paggawa ng isang tao ng pagbabago at puno ito ng pagtatagumpay. Ngunit sa aking

natunghayan, kagaya ng bida na si Goyo ang pagiging bayani ay hindi lamang tungkol

sa pagtatagumpay, puno din ito ng mga pagaalinlangan, takot, at pagkakamali. Bilang

pagdadagdag, naipakita din sa pelikula na ang mga bayani ay di hamak na tao lang din,

may mga pagkakataon na sila ay nagkakamali, nagkakaroon ng mga pagkiling, may

mga pagkukulang, at minsan pumapaibabaw ang kanilang sari-sariling interes, katulad

na lamang ng dating pangulong Emilio Aguinaldo.


Sa aking pagtatanto, isang magandang halimbawa ang pelikulang “Goyo”

pagdating sa pagpapakita ng mga katotohanan sa likod ng mga pakikipaglaban ng ating

mga bayani. Mahalagang magkaroon tayo ng kaalaman sa kung ano talaga ang tunay

na lagay ng pamumuno sa atin noon at magkarron tayo ng ideya na hindi lahat ng

pagpapakabayani ang patungkol sa pagtatagumpay, maraming pinagdadaanan at

maraming mga pagkakamali ang maaring mangyari.

You might also like