DEKADA 70 Reaction Paper
DEKADA 70 Reaction Paper
DEKADA 70 Reaction Paper
nobelang nabasa ko. Narinig ko ang mga kwento nya kung saan naranasan
din nya ang paghihirap sa mga rally. Naranasan nyang makaladkad ng
militar, matapunan ng teargas, mabasa ng tubig na binobomba at makwestyon ng mga militar, maihahalintulad sya kay Jules. Ang pinsan ko
naman ay isang makabagong aktibista sa UPLB kung saan naikwento din nya
na isa din syang aktibistang manunulat gaya ni Emman Bartolome sa
kanilang unibersidad.
8. ANO ANG MAHALAGANG ARAL NA NAKUHA SA KWENTO?
Ilan sa mga aral na natutunan ko sa nobela ay ang aral na bawat tao
ay may kani-kaniyang pangarap at paninindigansa buhay. Importante ang
pagrespeto ng mga magulang sapaniniwala ng anak subalit dapat din
intindihin ng anak at timbangin ang bawat desisyon na kanilang gagawin.
Ang bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan sa lipunang
kanyang ginagalawan. Sa mga panahong gaya ng dekada 70na dekada ng
pagkamulat at pakikibaka. Natutunan natin ang aral na ang bawat isa'y
bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na
"isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon", ang siyang
magpapasya ng kinabukasan tao ng bayan.
9. ANO ANG IDUDULOT SA BANSA KUNG PATULOY NA MAGAGANAP ANG MGA
PANGYAYARING NABASA SA KWENTO?
Sa kasalukuyang panahon, nangyayari pa rin ang mga pangyayaring
nakasaad sa nobela. Wala pa ring pagbabago sa lipunan. Ang nakikita kong
posibilidad para sa bansa natin ay ang pagkalugmok nito lalo sa kahirapan,
paglaganap ng krimen at pang-aapi ng mga nasa itaas.
10. PAANO MATITIYAK NA LAGING MANANAIG ANG KATARUNGAN SA ATING
LIPUNAN?
Ang kasamaan at kabutihan ay nakabase sa ating moralidad o
moralities o ang pagkakakilala ng tao sa kung alin ang tama at mali. Ito
ang pamantayan ng pag-uugali at magandang asal. Makakatiyak tayong
mananaig ang katarungan sa lipunan kung ang lahat ng tao ay may
kakayahang paganahin ang kanyang moralidad. Kaya para sa akin, ang
mainam na gawin ng mga magulang ay ang hubugin sa kaisipan ng mga
bata ang ideyolohiya ng moralidad upang makaiwas na ang mga susunod na
henerasyon ay matulad sa mga dating uring mapang-api. Samakatuwid, sa
pamamagitan ng moralidad, mananaig ang katarungan at kabutihan sa lahat
ng bagay.