Cor003 PT1 A4
Cor003 PT1 A4
Cor003 PT1 A4
PAMAGAT NG PELIKULA
HENERAL LUNA
SUPPORTANG TAUHAN
Bing Pimentel : Doña Laureana Luna
Mylene Dizon : Isabel
Perla Bautista : Doña Trinidad Aguinaldo
Ronnie Lazaro : Lt. Garcia
Paulo Avelino : Heneral Gregorio Del Pilar
Benjamin Alves : Lt. Manuel Quezon
OJ Mariano : Kol. Manuel Arguelles
Dennis Marasigan : Esteban Costales
Joel Saracho : Miyembro ng Kabineti (Formento)
Menggie Cobarrubias : Miyembro ng Kabineti (Komunikasyon)
Bernard Laxa : Miyembero ng Kabineti (Pnanalapi)
Paolo O'Hara : Miyembro ngKabineti (Ugnayang Panlabas)
Buddy Caramat : Miyembro ng Kabineti (Kalinisan)
Nor Domingo : Miyembro ng Kabineti (Panloob)
Moises Magisa : Miyembro ng Kabineti (Hustisya)
Ildeflor Adao : Miyembro ng Kabineti (Panuto sa Publiko )
VJ Mendoza : Battlefield CourierBattlefield Courier
Anthony Falcon : Sarhento Diaz
E.A. Rocha : Heneral Elwell Stephen Otis
Greg Dorris : Heneral Wesley Merritt
DIREKTOR NGPELIKULA
Jerrold Tarog
III. BUOD
Ang pelikulang Heneral Luna ay umiikot sa buhay ni Heneral Antonio Luna – ang isa sa
pinakamahusay na heneral na namuno sa mga Pilipino sa digmaan laban sa mga Amerikano. Ang
kwento ay nagsimula nang magkaroon ng pagtatalo ang mga opisyales sa kanilang cabinet
meeting.Kasama rito sina Emilio Aguinaldo na pangulo noong panahon na iyon, Apolinario
Mabini, Heneral Mascardo, Felipe Buencamino, Pedro Paterno at si Heneral Antonio Luna. Ang
ibang opisyales ay pinaniniwalaang ang mga Amerikano ay makatutulong upang tumaas ang
ekonomiya ng Pilipinas habang ang iba naman ay pinaniniwalaang ang mga Amerikano ay ang
magiging dahilan ng pagbagsak ng Pilipinas tulad na lang ni Heneral Luna. Makalipas ang ilang
araw, pinuntahan ng mga sundalong Pilipino ang lugar ng mga sundalong Amerikano at biglang
pinutukan ng Amerika ang mgaPilipino. Dahil dito, pinamunuan ni Heneral Luna ang mga
digmaan laban sa Amerika at ito ay nagpatuloy sa mahabang panahon. Sa mga digmaang ito,
maraming Pilipino ang namatay at marami rin ang tumakas na sundalo dahil sa katakutang
mamatay. Dahil dito, nag-utos si Heneral Luna na magpadala ang ibang lugar ng mga Pilipino na
maaaring sumali sa digmaan. Isa sa mga taong hindi sumunod sa utos ni Heneral Luna ay si
Kapitan Janolino, ang pinuno ng Kawit, Cavite. Hindi niya sinunod ang utos ni Heneral Luna
sapagkat hindi naman daw ito galling kay Pangulong Emilio Aguinaldo. Dahil dito, pinuntahan
niya si Kapitan Janolino at tinakot na ito ay papatayin ayon sa nakalahad sa Artikulo Uno. Dahil
dito, lagi na niyang ginamit ang Artikulo Uno para maging panakot sa mga hindi susunod sa
kanyang utos. Ito ang dahilan kung bakit siya tinatawag na Heneral Artikulo Uno. Siya ay
nagtipon ng 4,000 tao sa pamamagitan ng pagtakot sa kanila gamit ang Artikulo Uno
nanagsasabing ang hindi sumunod sa utos ng heneral ay papatayin at wala ng pagsubok sa
hukuman. Dahil dito, maraming tao ang nagalit at natakot sa kanya. Nagsumbong din ang pinuno
ng Kawit, Cavite kay Pangulong Emilio Aguinaldo dahil sa ginawa ni Heneral Luna. Nang
magkaroon ng ikalawang cabinet meetingang mga opisyales, ipinakulong ni Heneral Luna si
Felipe Buencamino at Pedro Paterno dahil sila ay hindi sang-ayon sa mga ginagawa ni Heneral
Luna at sila rin ay ilan sa mga taong pinaniniwalaang ang Amerika ay makatutulong upang
tumaas ang ekonomiya ng Pilipinas.
IV.
A. STORYA
Ang Heneral Luna ay isang pelikulang naglalahad sa tunay na kwento ni Heneral Antonio
Luna ipinapakita dito kung paano sya mamuno sa ilalim ng “FIRST PHILIPPINE REPUBLIC”
noong panahon ng gyera ng Amerikano at Pilipino.
Mula sa derekyon ni Jerrold Tarog at mula sa produksyon ng Artikulo Uno Productions, ang
pilikulang ito ay sa simula pa lang umaani na agad ng mga papuri mula sa ating mga kababayan.
Ang magandang pamamaraan ng pagkuha ng eksena at pagsasaayos ng mga pangayayare ay
siyang ikinatuwa ng madla lalo na sa mga linya o hugot na bitaw ng mga artista.
Higit kumulang 80 million pesos ang na igastos sa pag produksyon ng ganitong klaseng pelikula
kung kayat na isama ito sa pinaka mahal na nagastosan sa pag gawa lamang ng isang pelikula sa
ating bansa, ngunit sa kabila ng gastos mas malaking bagay naman ang maiaambag nito sa ating
bansa maliban sa pagmulat sa mga mata ng sambayanang Pilipino, ipinapakita na din sa
pamamagitan ng pelikulang ito kung gaano na tayo umuunlad sa industriya ng pag gawa ng mga
pelikula.
Sa unang dalawang minuto ng pelikula, naipakilala roon ang character ni Joven, ang anak ng
commendate. Ang timbre ng kaniyang boses ay malumanay at nagrerespeto sa taong kaniyang
kausap na si Heneral Luna habang sa kabilang dakop naman ay ang karakter ni Heneral Luna na
sinasagot ang mga katanungan ni Joven bilang parte ng kaniyang tungkulin. Masasabi kong sa
unang dalawang minuto pa lamang ng pelikula ay ang kanilang pag arte ay umaayon sa kanilang
mga karakter at nakakahanga ang kanilang pag ganap.
Pranka man, magiting at kagalang galang ang karakter ni Heneral Luna (John Arcilla) mayroon
paring ang kaniyang mapagmahal na parte lalo na sa kaniyang pamilya at kaibigan. Ang
kaniyang mga tauhan naman na sina Paco(Joem Bascon) at Kapitan Rusca ang mga tapat na
tauhan ni Heneral Luna, sa kabilang banda naman ang ating unang pangulo na si Emilio
Aguinaldo na ginampanan ni Mon Confiado na ipinasa ang digmaan sa mga kamay ni Heneral
Luna ang digmaan noong bumagsak na ang Manila at nasakop na ng mga Amerikano ang
lungsod at iba pang karatig bayan. Makikita mo sa kilos ni Mon Confiado(Emilio Aguinaldo) na
nawalan siya ng lakas sa naging balita sa kanila at nagampanan niya ng maayos. Si Apolinario
Mabini naman na ginampanan ni Jeffrey Quizon ay patas at tila tagapagsalita ng pangulo.
Ang mga karakter ng ginampanan ng mga aktor/aktres ay naiganap nila na ayon sa knailang
mga karakter na tila naisasabuhay muli ang mga historikal na personalidad sa pelikula,
mararamdaman mo ang kanilang takot, galit , pagkainis at ang kanilang pagganap ay
nakakahanga.
C. TAGPUAN
D.
- Probinsya ng Cavite
* Kawit
- Probinsya ng Bicol
- Probinsya ng Batangas
- Probinsya ng Pampanga
- Probinsya ng Bulacan
- Probinsya ng Bataan
- Lungsod ng Intramuros
- Malabon
- Arayat, Pampanga
- Guagua, Pampanga
- Bagong punong himpilan ni Pangulong Aguinaldo
* Nueva Ecija
- Bagong punong himpilan ni Heneral Luna
* Pangasinan
- Cabanatuan