Buod NG Librong Dekada 70
Buod NG Librong Dekada 70
Buod NG Librong Dekada 70
Tinatalakay
dito ang mga hangarin ng babae na magkaroon ng sariling katangi-tanging pagkakakilalanlan.
* ipinakita dito ang pagkakaiba ng iba ng karamihan sa mga kabataan ngayon. Mahilig sa politika. May
nabuntis ng maaga, may chill lang,may seryoso sa pag aaral, may mga pariwara may mga walang
pakialam. Napakababa ng tingin sa mga babae noong panahon nila.
* ipinapakita dito na may mga taong pananaw sa buhay ay kung hindi naman ako direktang
naaapektuhan di na rin ako makikialam. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon maging magulang
pero lahat ay dumadaan sa pagiging anak.pakisamahan ang mga taong nag aalaga sayo.
Ang Dekada ’70 ay isang kuwento na nagsasalaysay sa mga pangyayari sa buhay ng isang pamilya na
nakipagsapalaran sa kalupitan ng lipunan sa kasagsagan ng Batas Militar ng pamahalaang Marcos.
Pinapakita dito ang pananatiling buo ng pamilya sa kabila ng pagkakaiba iba nila ng prinsipyo na syang
sumubok sa katatagan at pagkakaisa ng pamilya. Ito ay kuwento na nagpapakita rin ng lubos na
pagmamahal ng isang magulang sa kanilang mga anak sa kabila ng pagkamuhi, pag-asa sa likod ng
kalupitan, at bagong buhay sa gitna ng kamatayan. Ang kwentong ito ay nakasentro sa buhay ng
pamilyang Bartolome at kung pano sila naapektuhan ng batas militar sa mga trahedya o panyayaring
naganap sa buhay nila. Dito ipinapakita ang panunupil at karahasan ng militar sa mga inosenteng
nasangkot sa digmaan, paglabag ng karapatang pantao at pagsasmamantala sa aping mamamayan. Ang
pamilya Bartolome ay normal na mamamayan lamang na nakipagsapalaran at nalasap ang dagok ng
batas militar. At ayon sa kuwento, ang mga magulang na sina Amanda at ang katuwang nitong si Julian
Sr., at ang kanilang limang anak na lalaki na may kaniya-kaniyang prinsipyo ay nasubok ang katatagan ng
kanilang pamilya dahil sa dumaluhong na ibat ibang pagsubok sa buhay nila. Bunga nito nagkaroon ng
lamat ang relasyon ng pamilya. Subalit, magkakaiba-iba man sila ng pananaw at pinaninidigan, dahil sa
dinanas ng pamilya ay nanatili pa rin silang buo at sama samang kinaharap ang mag problemang dulot
ng kawalan ng hustisysa at karapatang pantao bilang mamamayan. Pinapakita nila, ng pamilyang
Bartolome ang kahalagahan ng paggabay ng magulang sa kanilang mga anak at ang pananatiling
makabayan at buo ang loob sa anumang problemang kinakaharap at pagkakaisa na makamit ang
kalayaang hinahangad bilang mamamayan para sa maayos at mapayapang pamamahala sa bansa.