Aral Pan Module 5a

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

8

AralingPanlipunan 8
Quarter 1 – Module 5:
A
Mga Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig
Araling Panlipunan — Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 — Module 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
First Edition, 2020

Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the
payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module

Writer: Anilyn A. Panoril

Reviewers: Corazon A. Lituañas, PhD

Illustrator & Layout Jay Michael A. Calipusan


Artist:

Evaluator: Lila C. Quijada

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent
Pablito B. Altubar
CID Chief
Members: Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – AralingPanlipunan
Himaya B. Sinatao, LRMS Manager Jay Michael A.
Calipusan, PDO II Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog


City Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: [email protected]
8
Araling Panlipunan
Quarter 1 – Module 5:
Mga Sinaunang Kabihasnan
sa Daigdig

3
Alamin

Sa exemplar na ito, matutunghayan mo kung paano naiuugnay ang


heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig. Ang mga gawain ay inayos upang iyong masundan ang wastong
pagkakasunod-sunod ng kursong ito.

Most Essential Learning Competency:


Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig (AP8HSK-lg-6)

Layunin
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar
na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: nakapagsasabi ng pagkakaiba ng mga salitang


heograpiya at kabihasnan

B. Kasanayan: nakapag-uugnay ng heograpiya sa pagbuo at


pag- unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig; at

C. Pandamdamin: nakapagbabahagi ng kahalagahan ng


ugnayan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Tagal: Tatlong (3) araw

Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng iyong


guro kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang lingguhang pagtatakda
ng mithiin. Gawing patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng mga
positibo at makatotohanang mithiin na maari mong makamit sa exemplar na
ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga plano. Tandaan: Huwag ipagpatuloy
ang pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa naisagawa ang
pagtatakda ng mga mithiin.
Nalalaman

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang


wastong sagot mula sa pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang
isulat sa sagutang papel.

1. Isa ito sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan.


a. Kultura
b. Heograpiya
c. Kabihasnan
d. Daigdig

2. Tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng


kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan,
relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may Sistema ng pagsulat.
a. Kultura
b. Heograpiya
c. Kabihasnan
d. Relihiyon

3. Ang salitang Mesopotamia na nagmula sa mga salitang Greek na


meso o “pagitan” at potamos o “ilog” ay nangangahulugang
a. Lupain sa pagitan ng isang ilog
b. Lupain sa pagitan ng dalawang ilog
c. Lupain sa pagitan ng tatlong ilog
d. Lupain sa pagitan ng maraming ilog

4. Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular ang mga


sumusunod, ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang
maipagmamalaki sa lahat ng panahon at nakapagbigay ng malaking
kapakinabangan sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan.
a. Asya, Africa, at America
b. America, Canada, at Europe
c. Asya at Europe
d. Antartiko, Pasipiko, at Atlantiko

5. Ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa


Mesopotamia, Egyptian, Indus, at Tsino?
a. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.
b. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.
c. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit
na kabihasnan.
d. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.
6. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng
ugnayang heograpiya-kasaysayan?
a. May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator.
b. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto
at nagtataasang bulubundukin.
c. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer
na nagbigay-daan sa pagtatag ng unang imperyo sa
daigdig.
d. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa
kapakinabangang dulot ng Nile sa mga sinaunang taong
nanirahan sa mga lambak nito.

7. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng


kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na
maganap sa iyong lungsod-estado?
a. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang
hindi madaling masakop ang mga teritoryo nito
b. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-
estado na magpapaunlad sa iyong pamumuhay
c. May sistema ng pagsulat upang magamit sa
pakikipagkalakalan at sa ibang bagay
d. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob
at labas ng lungsod.

8. Bakit sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang


kasaysayan ng India?
a. dahil ang mga arkeologo ay nakahukay ng mga
kasangkapang ginamit ng mga ninuno
b. dahil sa kawalan ng sistema ng pagsulat
c. dahil sa kawalan ng interes ng mga iskolar na tuklasin
ang kasaysayan ng India
d. dahil hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan
ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng
sinaunang kabihasnan ng India.

9. Paano naging kapaki-pakinabang ang pagkakaroon ng matabang


lupa sa sinaunang India?
a. naging mahalaga ito sa pagsisimula ng mga lipunan
at estado sa sinaunang India.
b. ito ay nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
c. nagsisilbing kalsada ng mga sinaunang India.
d. ginagawang kanal pang-irigasyon upang pumigil sa mga
pagbaha.
10. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan
ng bansang China hanggang sa makabagong panahon maliban
sa .
a. halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa
at pagkakawatak-watak
b. noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng
mahusay na pamamahala
c. ang pagkakaroon ng ideolohiyang suportado ng estado
d. hindi naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga
sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang
barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang
Tsino.

11. Paano nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana ng


mga Egyptian sa loob ng mahabang panahon?
a. ang mga Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig
at naghukay ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa
kanilang mga lupang sinasaka.
b. nagawang mapag-ugnay ng Nile ang mga pamayanang
matatagpuan malapit sa pampang ng ilog.
c. pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang
bahagi ng ilog na nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt
sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay.
d. Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba
ng tubig-baha.

12. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa Amerika.


a. Mesopotamia
b. Mesoamerica
c. Egypt
d. Africa
13. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnangumunlad
sa Mesoamerica?
a. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.
b. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga
taga Mesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag
sa Asya at Africa.
c. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa
kasalukuyang panahon.
d.Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng
mahusay na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng
kapaligiran sa kanilang buhay.
14. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang
kabihasnan sa America ---
a. ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico.
b. ang Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico
c. ang Gulf of Ponseca sa katimugan ng El Salvador
d. tangway ng Nicoya sa Costa River

15. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga


pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa
kasalukuyang panahon?
a. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec
dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng
mga estruktura nito.
b. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass,
at imprentang naimbento ng mga sinaunang
Tsino.
c. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat
maging asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.
d. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Suriin

Matapos matutuhan ang pagsisikap ng mga sinaunang tao,


mapaunlad ang kanilang pamumuhay, maiisip lamang na tuluyan nilang
nakamit ang mataas na antas ng kalinangang kultural. Ito ang pagtatag ng
mga kabihasnang nagkaloob ng mga dakilang pamana sa iyo at sa lahat
ng tao sa kasalukuyang panahon. Halina at pag-aralan ang mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

Gawain 1. Draw Me and Guess Me!!!


Panuto: Gumuhit ng mga larawang may ugnayan sa
salitang kanilang bubuuin sa loob ng parihabang kahon.

H_____________ _

Mga larawan:

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang salitang mabubuo sa parihabang kahon ng mga
larawang iginuhit?
2. Batay sa mga larawang iginuhit, ano ang iyong pagkakaunawa
sa salitang “heograpiya”?
Gawain 2. Circle Diagram
Panuto: Magbigay ng kahulugan, halimbawa, at kahalagahan ng salitang
kabihasnan. Pakinggan din ang ibibigay na kahulugan ng mga kamag-aral.

Paksa: MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG

Sa bahaging ito, tatalakayin ang katuturan ng kabihasnan at ang


impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan.
Gayon din ang mahahalagang pangyayari ng mga sinaunang kabihasnan
sa daigdig. Susuriin din ang mga aspektong humubog sa pamumuhay ng
mga nanirahan sa mga kabihasnang ito.

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na


meso o “pagitan” at potamos o “ilog”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay
nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog” na inaakalang
lunduyan ng unang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-
unahang kabihasnan sa buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t
ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian,
Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na nagtangka ring sakupin ang
lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang
umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba
pang mga kabihasnan.

Heograpiya ng Mesopotamia

Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at


Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig, tinatawag na
Mesopotamia ang lupaing matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. Sa
kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey.
Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile Crescent, isang
paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa
silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Ang regular na pag-apaw ng
ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt).
Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa
pagtatanim
Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap
ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din
ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at
tunggaliang militar.
Sa mga taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na pamayanang
sakahan ang matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na
pinag-ugnay-ugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan.
Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa mga sumusunod na taon, nagkaroon ng
mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon na
nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na
itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig.

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa


kasalukuyan, binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh,
Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives.
Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung
ihahambing sa ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga
heograpo na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga
kabundukan, kaya maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente.
Matatarik na kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakuran ang nasa
hilaga nito samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian
Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan. Tulad ng ibang
kontinente, samu’t sari rin ang wikang ginagamit sa rehiyong ito.Bagama’t
ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga, nakararanas
din ito ng mga pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang mga tao sa
mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran, dala ang kanilang
sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian.
Sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan
ng India. Nakahukay nga ang mga arkeologo ng mga kasangkapang
ginamit ng mga ninuno subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin
nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng
sinaunang kabihasnan ng India.

Heograpiya ng Lambak ng Indus

Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus


ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa
kasalukuyang panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi ng
dalawang lungsod noong 1920. Gayon din ang lipunang nabuo rito, ay
kasabay halos ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 B.C.E.
Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang
Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-
kanluran ng dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa
kasalukuyan. Ang mga lungsod na ito ay nagsimulang humina at bumagsak
noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit 1000
lungsod at pamayanan ang matatagpuan dito partikular sa rehiyon ng Indus
River sa Pakistan.
Nagsimula ang kabihasnan sa India sa paligid ng Indus River. Ang
tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at
nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na
may habang 2900 km. (1800) milya at bumabagtas sa Kashmir patungong
kapatagan ng Pakistan. Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng
matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at
estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon,
ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-
daan upang malinang ang lupain.
Daan-daang pamayanan ang nananahan sa lambak ng Indus sa
pagsapit ng 3000 B.C.E. Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang
may tanggulan at maayos na mga kalsada. Nang sumunod na limang siglo,
nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil
sa mga pagbaha. Sa kasalukuyan, isa lamang ang India sa mga bansa
sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at
pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na


pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa
kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang nakalilipas. Noon
pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na
pamamahala. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng
estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa
kabihasnang Tsino. Sa aspektong political, halinhinang nakaranas ang China
ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang
humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong
panahon.

Heograpiya ng Ilog Huang Ho

Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay


umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho.
Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may
habang halos 3000 milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang
dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang
panahon. Ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay
nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang panahon at
humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North
China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa
ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas nang
nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito. Ayon sa tekstong tradisyunal ng
China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China.
Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito
pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang
nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng
Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay
sa lambak ang mga magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang
ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro
sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang
kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.

Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa

Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa


Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa
Mesopotamia ay mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging
matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay
nabuklod bilang isang estado pagsapit ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa
loob halos ng tatlong milenyo.
Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt
bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga
isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw
ng mga iskolar tungkol sa pinag-mulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos
ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sina-
unang tao sa timog ng kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan
ng Sudan. Tinatayang naroroon na ang paninirahan bago pa sumapit 8000
B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang
nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.

Heograpiya ng Egypt

Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang


tandaang ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain
o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea.
Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan
Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694
kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.
Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na bilang The
Gift of the Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay
magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-
silangan ng disyerto ng Africa. Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na
pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo
bawat taon. Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong
1970 nang maitayo ang Aswan High Dam upang makapagbigay ng
elektrisidad at maisaayos ang suplay ng tubig.
Sa panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-
daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang
tubig- baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag-iiwan ng
matabang lupain na mainam para sa pagtatanim. Ang mga magsasaka ay
kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-baha.
Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang
mga sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at
naghukay ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga
lupang sinasaka. Ang ganitong mga proyekto ay nangangailangan ng
malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at maayos na
mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailan magaganap ang mga
pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito. Maliban sa
kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa
paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay
ang mga pamayanang mata-tagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang
pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay
nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang
mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay
nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.

Ang Kabihasnan sa Mesoamerica

Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga


mangangaso o ‘hunter” ang nandayuhan mula sa Asya patungong North
America, libong taon na ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang
kanlurang baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatag
ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng North America at
South America. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang
kabihasnan sa America --- ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico.
Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba
pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.

Heograpiya ng Mesoamerica

Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na


nangangahulugang “gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa
America. Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng
Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El
Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng
Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay mula sa
baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua
sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River.
Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng
Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras. Sa
lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng
pag- ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang
bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito. Dito
naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang
pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa
kasalukuyang panahon, may malaking populasyon ang rehiyong ito.
Rosemarie C. Blando,et.al. Unang Edisyon 2014. Kasaysayan ng
Daigdig: Araling Panlipunan 8. Aralin 3: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daidig. ISBN:
978-971-9601-67-8 Modyul ng Mag-aaral, pp. 112-117

Isagawa 1: Triple Matching Type

Panuto: Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama-


sama ng mga terminolohiya at konsepto batay sa partikular na heograpiya
ng isang kabihasnan.

Isagawa 2: Listahang Heograpiya

Panuto: Isulat sa dayagram sa ibaba ang ugnayan at mga katangiang


heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Pamprosesong
Tanong
1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang
kabihasnan ng daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t
isa?

2. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na


katangiang heograpikal ang mga sinaunang
kabihasnan?

3. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa


pamumuhay ng mga sinaunang tao?

4. Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ng mga


sinaunang kabihasnan ang nararapat na pangalagaan?
Ipaliwanag.

Isagawa 3: WLAF Diagram

Panuto: Pumili ng paksa mula sa “Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig” na


gagawan ng WLAF Diagram. Isaalang-alang ang sumusunod na mga
panuto sa pagbuo nito:

1. Itala sa bawat kahong nasa ibaba ng “W” (words) ang mga


salitang maiuugnay sa paksa.

2. Sa kahon ng “LA” (lessons acquired), bumuo ng 3-5 pangungusap


na iyong natutunan sa paksa na nais mong ibahagi.
3. Isulat sa bilog “F” (facts) ang mga katunayan o katotohanan ng
kahalagahan ng ugnayan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad
ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Isaisip

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa sagutang
papel.

1. Ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa


Mesopotamia, Egyptian, Indus, at Tsino?
a. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.
b. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.
c. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.
d. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng


lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
a. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
b. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
c. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang
mamumuhunan.
d. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog
ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang


heograpiya-kasaysayan?
a. May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator.
b. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang
bulubundukin.
c.Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na
nagbigay-daan sa pagtatag ng unang imperyo sa daigdig.
d.Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang
dulot ng Nile sa mga sinaunang taong nanirahan sa mga lambak
nito.

4. Dahil sa kawalan ng likas na hangganan ng Mesopotamia, ito ay


mahirap na
a. ipagbili sa ibang karatig lugar
b. ipagtanggol sa ibang karatig lugar
c. sakupin ng ibang karatig lugar
d. ipagmalaki sa bat-ibang karatig lugar
5. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng
kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na
maganap sa iyong lungsod-estado?
a. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upan hindi
madaling masakop ang mga teritoryo nito.
b. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod estado na
magpapaunlad sa iyong pamumuhay.
c. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba
pang bagay.
d. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas
ng lungsod.

6. Bakit sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang


kasaysayan ng India?
a. dahil ang mga arkeologo ay nakahukay ng mga kasangkapang
ginamit ng mga ninuno
b. dahil sa kawalan ng sistema ng pagsulat
c. dahil sa kawalan ng interes ng mga iskolar na tuklasin ang
kasaysayan ng India
d. dahil hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng
mga iskolar ang mga naiwang Sistema ng pagsulat ng
sinaunang kabihasnan ng India.

7. Paano naging kapaki-pakinabang ang pagkakaroon ng matabang lupa


sa sinaunang India?
a. naging mahalaga ito sa pagsisimula ng mga lipunan at estado
sa sinaunang India.
b. ito ay nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
c. nagsisilbing kalsada ng mga sinaunang India.
d. ginagawang kanal pang-irigasyon upang pumigil sa mga
pagbaha.

8. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng


bansang China hanggang sa makabagong panahon maliban sa
a. halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa
at pagkakawatak-watak
b. noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng
mahusay na pamamahala
c. ang pagkakaroon ng ideolohiyang suportado ng estado
d. hindi naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga
sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang
barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino
9. Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ito ang kauna-unahang
dinastiyang naghari sa China.
a. Xia
b. Xia o Hsia
c. Hsia at Yu
d. Yu

10. Tinawag din ng mga Tsino ang kanilang lupain na Zhongguo na


nangangahulugang
a. middle kingdom
b. highest kingdom
c. little kingdom
d. kingdom in heaven
11. Paano nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana ng
mga Egyptian sa loob ng mahabang panahon?
a. ang mga Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at
naghukay ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang
mga lupang sinasaka.
b. nagawang mapag-ugnay ng Nile ang mga pamayanang
matatagpuan malapit sa pampang ng ilog.
c. pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng
ilog na nakapagbigay ng kaligtasan sa Egyp sapagkat
nahahadlangan nito ang mga pagsalakay.
d. Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-
baha.

12. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa Amerika.


a. Mesopotamia
b. Mesoamerica
c. Egypt
d. Africa

13. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang


umunlad sa Mesoamerica?
a. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito
sa America.
b. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga
Mesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag nsa Asya at Africa.
c. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa
kasalukuyang panahon.
d.Dahil nagtagumpay ang mga katutubo namakapagtatag ng
mahusay na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa
kanilang buhay.
14. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa
America ---
a. ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico.
b. ang Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico
c. ang Gulf of Ponseca sa katimugan ng El Salvador
d. tangway ng Nicoya sa Costa River

15. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang


inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa
pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito.
B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass,
at imprentang naimbento ng mga sinaunang Tsino.
C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na
dapat maging asignatura sa mga paaralan sa
kasalukuyan.
D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng Pag-
unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na


sumusunod sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay
koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar. Binibigyang diin nito ang
iyong kakayahang makita at mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa
natamo mong kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos
nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

ANTAS
Krayterya Baguhan Nagsasanay Mahusay Napakahusay Iskor
(1-3) (4-6) (7-8) (9-10)
1. Pagtatakda ng Di maka- Positibo at Ang Maliwanag ang
Hangarin totohanan ang makatotohana pangkalahatang paglalarawan ng
(Lingguhang mga hangarin n ang mga proseso at mga itinakdang
Talaan ng para sa pag- hangaring hangaing hangarin na
sa 10
Hangarin) unlad ng itinakda. itinakda ay kayang abutin at
kakayahan. positibo at angkop sa pag-
makatotohanan. unlad ng
kakayahan
2. Ang Aking Nagpapakita Nagpapakita Nagpapakita ng Nagpapakita ng
Sariling Pagsusuri ng munting ng sapat na mainam na napakainam na
sa 10
sa Pagsusulit ebidensya ng ebidensya ng ebidensya ng ebidensya ng
repleksiyon at repleksiyon at repleksiyon at repleksiyon at
sariling sariling sariling sariling pagtatasa
pagtatasa pagtatasa pagtatasa at mayroong
dokumentasyon
3. Ang Maliit lamang Sapat ang Mainam ang Napakainam at
Mapanuring Ako ang ebidensya ebidensya ng pagsagawa at napakalinaw ang
ng pag-unlad pag-unlad at kakikitaan ng pagsagawa at sa 10
at pagkatuto pagkatuto pangkalahatang pangkalahatang
pag-unlad pag-unlad
4. Ang Aking
Pinakamahusay
na Sinagutang
Pagsusulit
5. Ang Aking Maliit lamang Sapat lamang Malinaw ang Napakalinaw at
Malikhaing ang ebidensya ang ebidensya ebidensya ng natatangi ang
Koneksiyon ng malikhain at ng malikhain at malikhain at ebidensya ng
sa 10
mapanuring mapanuring mapanuring malikhain at
gawa gawa gawa mapanuring
gawa
[1-2] [3] [4] [5]
Pangkabuuang Di maayos na Naipakita ang Nailahad ang Nailahad nang
Presentasyon nailahad ang halos lahat ng lahat ng aytem malinaw, maayos
mga aytem; at aytem; at ang na may at kumpleto ang
tila magulo ang portfolio ay pagkasunod- mga ayte; at ang
sa 5
kinalabasan ng maayos na sunod; at ang portfolio ay malinis
portfolio. nailahad. portfolio ay at elegante.
maayos na
naisagawa.
Bilis ng Pagpasa Naipasa nang Naipasa nang Naipasa nang Naipasa sa
huli sa oras (5-6 huli sa oras (3-4 huli sa oras (1-2 tamang oras sa 5
araw). araw). araw).

Kabuuan (Pinakamat
aas na
puntos: 50)
Sanggunian
Rosemarie C. Blando,et.al. Unang Edisyon 2014. Kasaysayan ng
Daigdig: Araling Panlipunan 8. Aralin 3: Mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daidig. ISBN: 978-971-9601-67-8 Modyul ng
Mag- aaral, pp. 112-117

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Lianga I

Address: Poblacion, Lianga, Surigao del Sur Contact Number:


09383760691
Email Address:

You might also like