Araling Panlipunan: Quarter 3-Module 4 Ikalawang Yugto NG Kolonyalismo at Imperyalismo
Araling Panlipunan: Quarter 3-Module 4 Ikalawang Yugto NG Kolonyalismo at Imperyalismo
Araling Panlipunan: Quarter 3-Module 4 Ikalawang Yugto NG Kolonyalismo at Imperyalismo
NOT
Araling Panlipunan
Quarter 3- Module 4
Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
at Imperyalismo
Araling Panlipunan — Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 — Module 4: Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo
First Edition, 2020
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.
Management Team
Pablito B. Altubar
CID Chief
Paunang Salita........................................................................................................................................ i
Alamin ........................................................................................................................................................ i
Pangkalahatang Panuto ..................................................................................................................... i
Icons sa Module ........................................................................................................................ ii
Subukin .................................................................................................................................................. iii
Balikan ............................................................................................................................1
Alamin ................................................................................................................... 1
Suriin ............................................................................................................................... 1
Gawain 1: Basahin at Matuto! ................................................................. 1
Pagyamanin .................................................................................................................. 4
Gawain 2: Ating Sagutin! ........................................................................ 4
Isagawa .......................................................................................................................... 4
Gawain 3: Tara’t Ating Gawin! ................................................................ 4
Buod ................................................................................................................................... 5
Pagtatasa: (Post-Test) ...................................................................................................... 6
Susi sa Pagwasto .............................................................................................................................. 8
Sanggunian.......................................................................................................................................... 9
Paunang Salita
Maligayang Bati! Mabuti na binuksan mo ang modyul na ito.
Ito ay sadyang ginawa upang mapatuloy ang pag-aaral habang tayo ay nakaranas sa
epidemya. Sa modyul na ito mas lalo nating malaman kung ano ang mga kaganapan sa
ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo.
Alamin
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.
i
Mga Icon ng Modyul na ito
ii
Subukin
Panuto: Isulat ang titik ng iyong sagot sa papel o activity notebook.
1. Ano ang tawag kung saan ang lupain ay inangkin o kontrolado ng malalakas na bansa
na may ekslusibong kaparatan octo?
A. Kolonya
B. Concession
C. Protectorates
D. Spheres of Influence
iv
Aralin
Ikalawang Yugto ng
1 Imperyalismo at Kolonyalismo
Balikan
Alamin
Suriin
Gawain 1: Basahin at Matuto!
Motibo ng Imperyalismo
Katulad ng ibang kaganapan sa kasaysayan, ang bagong imperyalismo ay pumasok
dahil sa pagsama-sama ng iba’t ibang salik. Kabilang sa mga ito ang sumusunod:
Pangkabuhayang Interes
Ang pang ekonomiyang motibo ay isang mahalagang dahilan ng imperyalismo. Nais
ng mga makapangyarihang bansa na maisakatuparan ang tatlong bagay: pagkakaroon ng
bagong pamilihan, makuha ang mga likas na yaman ng mga bansa, at magkaroon ng bagong
lupain na siyang paglalagakan ng kanilang sobrang puhunan.
Ang Rebolusyong Industriyal ay nagdudulot nang sobra-sobrang produksiyon sa
pangangailangan ng mga bansang kanluranin. Sinimulan ng mga industriyalista na maghanap
ng mapagdadalhan ng kanilang sobrang produksiyon. Tumaas naman ang pangangailangan
ng mga bansa sa Asya, Aprika, at Latin Amerika sa mga produkto tulad ng telang bulak at
kagamitang pambukid. Nakita ng mga industriyalista na ang lupain ng Asya at Aprika ay
sagana sa likas na yaman na wala o kakaunti sa mga industralisadong bansa.
1
Sa Rebolusyong Industriyal nakita ang
mga pangangailangan sa goma, petroleum,
manganese, at iba pang gamit sa industriya at
makinarya. Nais makuha ng mga manufacturer ang
mga likas na yaman na ito para lalo pang sisigla ang
imperyalismo. Naghanap din ang mga bansa ng
bagong pamilihan sa buong daigdig. Maging ang
mga mamumuhunan at mga bangkero ay naghanap
din ng mapaglalagyan ng kanilang mga puhunan.
Ang mga kolonya ay mahalagang mapaglalagyan
https://www.rappler.com/move-ph/issues/budget-watch/65227-aquino-
2015-agriculture-budget ng lumalaking populasyon sa Europa.
Politikal at Militar na Interes
Karugtong ng pangkabuhayang interes ang politikal at pangmilitar na interes. Ang mga
steam-powered na sasakyan at naval na
barko ay nangangailangan ng mga base sa
iba’t ibang panig ng daigdig upang
magpadala ng mga suplay. Kinamkam ng
mga bansang may lakas na industriya ang
mga kapuluan o mga daungan upang
magbigay-solusyon ng kanilang
pangangailangan.
Ang nasyonalismo ay may https://manilatoday.net/top-10-isyu-na-hinihintay-natin-ang-pagbabago/
malaking bahagi rin sa imperyalismo. Tulad na lamang nang sakupin ng Pransiya ang
Kanlurang Aprika, at sumunod ang pagsakop ng Britanya at Alemanya sa kalapit na bansa
upang mapigil ang paglawak pa ng Pransiya. Kailangan ng mga lider sa kanluran ang mga
karagdagang kolonya para sa kanilang pambansang seguridad. Kung minsan pa, ang mga
kolonya ay karagdagang kabantugan para sa bansang kanluranin.
Layuning Maka-Diyos at Makatao
Marami sa mga taong kanluranin ang maaring nakaramdam ng tunay na malasakit sa
mga tao sa ibayong dagat. Naniniwala ang mga misyonaryo, mga doktor, at mga kolonyal na
opisyal na may katungkulan silang ikalat ang mga biyaya ng kanlurang sibilisasyon. Sa tula ni
Rudyard Kipling na “White Man’s Burden,” malinaw na inilarawan ang’katungkulan” na ito.
Maraming tao ang sangkot sa bagong imperyalismo. Nanguna rito ang mga sundalong
mangangalakal, misyonaryo, at mga eksplorer. Sa Europa, ang pagpapalawak ay naging
kaakit-akit sa lahat ng tao, mula sa mga kapitalista at mga prodyuser hanggang sa
manggagawa.
Ngunit tinuligsa ng iba ang kolonyalismo, sa pagsasabing ito
ay isang instrument ng mayayaman upang lalong yumaman. May
nagsabing ito ay immoral.
Naging matagumpay ang imperyalismo ng mga kanluranin
sa maraming kadahilanan. Habang lumalakas ang mga bansang
Europa noong 1888, ang mga lumang sibilisasyon naman ay unti-
unti nang humina at bumagsak tulad ng mga kaharian ng Ottoman
sa Middle East, Munghai sa India, at ang Qing sa Tsina. Sa Kanlurang Aprika, ang labanan
sa pagitan ng mga katutubo at ang epekto ng kalakalan ng mga alipin ay sumisira sa mga
imperyo, kaharian, at mga lungsod-estado. Ang mga bagong estadong Aprikano ay hindi pa
gaanong malakas upang labanan ang pagdating ng mga taga Kanluran.
Lamang ang mga taga-Europa sa pagkakaroon ng malakas na kabuhayan,
organisadong gobyerno, at makapangyarihang hukbong sandatahan. Nakatulong din ang
superior na teknolohiya at maunlad na kaalamang medikal. Ang mga makabagong armas,
tulad ng machine gun, ripple, at ang mga sasakyang pandigmaang pinatatakbo ng steam ay
malakas na panakot sa mga Aprikano at Asyano upang tanggapin ang kontrol ng mga
kanluranin.
Mahigpit na tinutulan ng mga Aprikano at Asyano ang pagpapalawak ng mga
kanluranin bagama’t wala silang makabagong armas. Ang mga nakapag-aaral sa kaalamang
kanluranin na Aprikano at Asyano ay bumuo ng mga makabayang kilusan upang patalsikin
ang mga kanluranin sa kanilang bansa.
Mga Anyo ng Imperyalismo
May maraming anyo ang imperyalismo gaya ng kolonya, protectorate, at spheres of
influence.
Kolonya
Sa ibang lupain ang mga malakas na bansa ay bumuo ng mga kolonya. Upang
kontrolin ang mga tao at magtatag ng gobyernong burukrasya (bureaucracy), nagpadala sila
ng mga gobernador, opisyal, at mga sundalo. Kadalasan ang mga opisyal na namumuno sa
mga kolonya ay sinisikap baguhin ang
nananalaytay na sistemang panlipunan sa
sinasakupan.
Magkaibang pamamahalang kolonyal
ang ginamit ng Pransiya at Britanya.
Ginamit ng Pransiya ang direktang
pamamahala, nagpadala ng mga opisyal mula
sa Pransiya upang pangasiwaan ang mga
kolonya. Layunin nila na pairalin ang mga
kulturang Pransiya at gawin ang mga kolonya
https://www.worldmapsonline.com/historical-map-of-the-philippines-1734/ na mga lalawigan ng Pransiya.
Ang Britanya naman ay gumamit ng di-tuwirang sistema ng pamamahala. Ginamit nila
ang mga sultan at pinunong lokal bilang ahente ng pamamahala sa kolonya.
Protectorates
May mga pagkakataon na ang lakas-
kanluranin ay nagtatag ng protectorate. Sa
sistemang protectorate, ang mga lokal na
pinuno ay nananatili sa lugar. Ngunit ang mga
lokal na pinuno ay umaasang tatanggapin
ang mga payo ng Europeo sa larangan o
kalakalan o mga gawaing pangmisyonaryo.
Ang protectorate ay may kalamangan sa
kolonya sa dahilang mas mababa ang gastos https://mammothmemory.net/english/5000-new-
sa protectorate ng inang bansa kaysa sa words/vocabulary/word-list/i/protectorate.html
kolonya.
Spheres of Influence
Sa spheres of influence, inaangkin o kontrolado
ng malalakas na bansa na may eksklusibong karapatan
dito ang isang bahagi ng lupain. Ang Europa ay may mga
spheres of influence sa Tsina. Ang Latin Amerika ay
inangkin ng Estados Unidos bilang bahagi ng spheres of
influence nila. Pinaghahatian din ng Alemanya, Pransiya,
Portugal, at Gran Britanya ang Tsina.
https://brooketully.com/spheres-influence/
3
Concession
May mahihinang bansa na nagbibigay ng konsesyon sa mga
makapangyarihang bansa tulad ng mga espesyal na karapatang
pangnegosyo, karapatan sa daungan, o paggamit sa likas na yaman.
Pagyamanin
https://alphahistory.com/worldwar1/i
mperialism/
Gawain 2: Ating Sagutin!
Panuto: Punan ang patlang ng iyong tamang sagot.
Isagawa
Anyo Layunin
4
B. Saguting ang sumusunod:
1. Bakit matagumpay ang imperyalismo ng mga batas sa Europa?
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________.
Buod
5
Pagtatasa:
1. Bakit nagkaroon ng malaking lamang ang taga Europa sa pananakop ng mga bansa sa
Asya?
A. Sila ay makapangyarihang bansa
B. May kakayahang manakop ang Europa
C. May sandahang lakas at hukbo silang nabuo
D. Lahat ng nabanggit
2. May tatlong bagay na nais maisakatuparan ang isang imperyalistang bansa at ito ay
mga sumusunod, MALIBAN sa:
A. Pag-alila ng mga tao
B. Pagkakaroon ng bagong pamilihan
C. Makuha ang likas yaman ng bansa at dalhin sa kanilang bansa
D. Magkaroon ng bagong lupain na siyang paglalagakan ng kanilang sobrang puhunan
4. Anong sistema ang ginamit ng Pransiya upang mapangasiwaan ang mga kolonya?
A. Kolonya
B. Protectorates
C. Direktang pamamahala
D. Di-direktang pamamahala
5. Anong Sistema naman ang ginamit ng Britanya kung saan ginamit nila ang sultan at
pinunong lokal bilang ahente ng pamamahala sa kolonya?
A. Kolonya
B. Protectorates
C. BDirektang pamamahala
D. Di-direktang pamamahala
9. Gustong makipaglaban ang mga Aprikano at Asyano ngunit hindi nila ito magawa sa
kadahilanang:
A. Ayaw nilang magkaroon ng gulo
B. Hindi sila marunong makipaglaban
C. Wala silang makabagong armas upang lumaban
D. Sila ay takot at pinabayaan na lamang silang sakupin
7
8
Pagtatasa
1. D
2. A
3. D
4. C
5. D
6. D
7. B
8. D
9. C
10. B
Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
Anyo Layunin
Sphere of Influence pag-angkin ng mga bansang makapangyarihan
Protectorates ang mga lokal na pinuno ay hindi pinapaalis sa lugar
ngunit sila ay makikinig sa mga taga sakop
Kolonya pagpapadala ng mga opisyal upang kontrolin ang mga tao
at magtatag ng bagong gobyerno
Subukin
Pagyamanin-Gawain 2 1. A
2. A
1. Sphere of Influence 3. C
2. Protectorates 4. C
3. Concession 5. A
4. Kolonya, 6. D
Protectorate, 7. D
concession at 8. A
sphere of influence 9. D
10. A
Susi sa Pagwasto
Sanggunian:
A. Aklat:
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna
Lorene S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.
Camagay, Ma. Luisa T. et. al. “Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura”. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010.