Aralingpanlipunan 8: Quarter 1 - Module 6: Sinaunang Kabihasnan NG India at China

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

8

AralingPanlipunan 8
Quarter 1 – Module 6:
A
Sinaunang Kabihasnan ng
India at China
Araling Panlipunan — Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 — Module 6: Sinaunang Kabihasnan ng India at
China

Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every
effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective
copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module

Writer: Anilyn A. Panoril

Reviewers: Corazon A. Lituañas, PhD

Illustrator & Layout Jay Michael A. Calipusan


Artist:

Evaluator: Lila C. Quijada

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent
Pablito B. Altubar
CID Chief

Members: Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – AralingPanlipunan


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager Jay
Michael A. Calipusan, PDO II Mercy M.
Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City


Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: [email protected]
8
Araling
Panlipunan
Quarter 1 – Module 6:
Sinaunang Kabihasnan ng India at
China
Alamin

Saklaw nito ang mga gawain na susuri sa mga sinaunang kabihasnan


ng India at China batay sa politika, ekonomiya, kultura, rehiyon, paniniwala
at lipunan. Ang mga gawain ay inayos upang iyong masundan ang wastong
pagkakasunod-sunod ng kursong ito.

Most Essential Learning Competency:


Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India at
China batay sa politika, ekonomiya, kultura, rehiyon, paniniwala at lipunan.
(AP8HSK-Ih-7)

Sub-Competency
Naipamamalas ang kasanayan sa pagsusuri ng mga sinaunang
kabihasnan batay sapolitika, ekonomiya, kultura, relihiyon at lipunan ng
mga sinaunang kabihasnan ng India at China.

Layunin
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar
na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: nakakikilala ang mga sinaunang kabihasnan ng


sumusunod batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon,
paniniwala at lipunan:
1. India; at
2. China;

B. Kasanayan: Napaghahambing ang ibat-ibang katangian ng


mga sinaunang kabihasnan ng India at China batay sa:
1. Politika;
2. Ekonomiya;
3. Kultura;
4. Relihiyon;
5. Paniniwala;
6. Lipunan: at

C. Pandamdamin: nakabubuo ng tumpak sa pagpapasiya kung


ang mga katangian ng dalawang sinaunang sibilisasyon ay
magkatulad o magkaiba batay sa kanilang:
1. Politika;
2. Ekonomiya;
3. Kultura;
4. Relihiyon;
5. Paniniwala; at
6. Lipuna.

5
Tagal: Tatlong (3) araw

Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng iyong


guro kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang lingguhang pagtatakda
ng mithiin. Gawing patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng mga
positibo at makatotohanang mithiin na maari mong makamit sa exemplar na
ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga plano. Tandaan: Huwag ipagpatuloy
ang pagsagot sa exemplar na ito kung hindi mo pa naisagawa ang
pagtatakda ng mga mithiin.

Nalalaman

Bahagi 1. Panuto: Piliin sa hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. dinastiya nag imbento ng gunpowder A. Ming
2. Ang uri ng pagsulat ng mga Tsino na B. Sung
ginagamitan ng mga pictogram C. Confucius
3. ang may-akda ng Doctrine of Mean D. Mencius
4. dinastiya ang itinatag ni Chu Yu-Chang E. Calligraphy
5. ang nagpakilala sa daigdig ng Five
Classics at Four Books

Bahagi 2: Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang
tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Ang pananampalatayang ito ay pinaunlad ng mga Aryano, at ayon sa


paniniwalang ito ang relihiyon ang tanging paraan upang lumayo ang
kaluluwa ng tao sa mga kabiguan, pagkakamali, at kalungkutan sa buhay.

a. Hinduismo c. Jainismo b. Buddhismo d.


Muslim

2. Sa imperyong ito may kahalong tradisyong hindu at kaugaliang Muslim ang


umiiral sa lipunan.
a. Maurya c. Aryan

6
b. Mogul d. Mohenjo-Daro

3. Ano ang tawag sa sistema ng paghahati ng mga tao sa lipunan na


ipinatutupad ng mga Aryan upang mapigilan ang pagkakahalo-halo ng
lahi?
a. Caste system c. Solar system
b. Casa system d. Wala sa lahat

4. Ang kabihasnang ito ay matatagpuan sa gilid ng ilog Ganges at ilog indus.


a. Kabihasnang Mesopotamia
b. Kabihasnang Tsina
c. Kabihasnang India
d. Kabihasnang Egypt

5. Ito’y nangangahulugang “siya na naliwanagan”.


a. Buddha c. Aryan
b. Ur d. Bhramin

6. Sino ang nagtatag ng Dinastiyang Hsia?


a) Emperor Yu c. Prinsipe Cheng
b) Emperor Wu Wang d. Yang Chien

7. Bakit kilala ang Tsina sa katawagang “ang natutulog na higante”?


a. Dahil sa laki ng bansang Tsina
b. Dahil sa matagal na panahong hindi notp pakikisalamuha sa ibang
kultura at ang pagsasara ng lupain nito sa mga dayuhan
c. Dahil nagsimula sa Tsina ang pilosopiyang legalismo kung saan higit na
pinahahalagahan ang estado at pinuno nito
d. Dahil itinatag ng Tsina ang piyudalismo o ang sistemang sosyo-pulitiko

8. Alin sa mga sumusunod ang istrukturang pampolitika ng Tsina?


a. monarkiya at pinamamahalaan ng Emperador
b. monarkiya at pinamamahalaan ng Rajah
c. monarkiya at pinamamahalaan ng Paraon
d. monarkiya at pinamamahalaan ng Haring pari

9. Alin sa mga sumusunod ang istrukturang pampolitika ng India?


a. monarkiya at pinamamahalaan ng Emperador
b. monarkiya at pinamamahalaan ng Rajah
c. monarkiya at pinamamahalaan ng Paraon
d. monarkiya at pinamamahalaan ng Haring pari

10. Bilang mag-aaral anong ginintuang palaisipan ni Confucius ang susundin


mo kapag nakakita ka o isa kang saksi sa pambubuli ng kaklasi mo?
a. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo ng ibang tao.
b. Kapag nakakita ka ng mabuting tao, tularan mo siya; kapag masamang
tao, suriin ang iyong sarili.

7
c. Ang taong nakagawa ng kamalian na hindi nagtatangkang iwasto ito
ay makagagawa pang muli ng isa pang kamalian.
d. May karapatan ang mga mamamayang gummmit dng dahas
ngunit dapat sikaping manatili ang kapayapaan dahil walang
mabuting ibubunga ang digmaan.

Suriin

KABIHASNANG INDIA

Hindi maipagkakailang nakalunday sa Asya ang mga sinaunang kabihasnan.


Tulad ng iba pang sinaunang kabihasnan, iniluwal ang kabihasnang ito sa mga ilog
at lambak ng Indus na nasa hilagang kanlurang bahagi ng India. Umunlad ang
kabihasnang ito at tinawag na mga lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa.
Madalas na tawaging subkontinente ang India dahil sa laki nito. Halos lahat
ng anyong-tubig at lupa ay makikita rito tulad ng disyerto, matabang lambak, mga
kapatagan, matataas na talampas, mababang baybayin, mga naglalakihang ilog,
at mga kabundukan. Basahin mo ang buod ng kasaysayan ng sinaunang India.
Pansinin mo ang iba’t ibang larangang pampulitika, pang-ekonomiya, lipunan, at
kultura.

Kabihasnang Mohenjo-Daro at Harappa (2500-1500 B.C.)

Lipunan at Kultura

May malalaking kalsada, alkantarilya, at sistema ng patubig na tumutustos sa


pangangailangan ng mga tahanan maging noong unang panahon. Gumamit ang
mga tao ng laryong putik na pinatutuyo sa pugon sa paggawa ng bahay. Gumamit
sila ng mga hulmahan upang magkakapareho ang sukat at hugis ng kanilang mga
laryo. Maganda ang kanilang mga iskultura at simple ang istilo ng arkitektura.
Naniniwala at sumasamba sa mga kaluluwa na naninirahan sa kalikasan at maging
sa tao.

Ekonomiya

Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao.


May matabang lupa na dulot ng malimit na pag-apaw ng mga
ilog na pinagtaniman ng palay, mais, kape, bulak, niyog, at iba
pa. May mga nahukay na relikyang nagpapatunay na
nakipagkalakalan ang sinaunang India sa Mesopotamia tulad
ng mga inukit na batong seal o selyo na ginamit sa pagtatak ng
mga kalakal at ginagamit din nila ito upang ipakita na ito ay
pagmamay-ari nila.

8
Kabihasnang Aryan (1500-530 B.C.)

Pamahalaan

Nahahati sa mga pamayanan na may kanya-kanyang pamahalaan.


Pinamumunuan ito ng rajah na nagmamana ng katungkulan at may katulong na
lupon ng tagapayo na binubuo ng mga pinuno ng tahanan.

Lipunan at Kultura

Tinawag na Panahong Vedic dahil dito isinulat ang mga Veda o ang apat na
aklat ng karunungan. Ito ay kalipunan ng mga himnong pandigmaan, mga ritwal
na panrelihiyon, at mga kwento. Ang Rig Veda, ang pinakamatanda sa apat, ay
tungkol sa kalikasan; ang Sama Veda naman ay tungkol sa mga ritwal; habang ang
Veda ay naglalaman ng mga sinaunang seremonya. Ang Athava Veda ay tungkol
naman sa kultura at mga tradisyon ng mga Aryan. Ang Upanishad naman ay
nagsasaad ng mga pangunahing paniniwala ng Hinduismo tulad ng reinkarnasyon.
Sa ilalim ng sistemang caste, inuri ang mga Brahman na binubuo ng mga pari na
nagsisilbing guro; ang mga Kshatriya o ang mga maharlika at mandirigma; ang mga
Vaisya o mga karaniwang mamamayan, mga artisano, mangangalakal, magpapastol,
at magsasaka; at ang mga Sudra na mga manggagawa at alipin. Sa labas ng sistema
matatagpuan ang mga untouchable o pariah, mga mamamayang hindi Aryan na
karaniwang mahihirap at gumaganap ng mababang uri ng trabaho.
Sumasamba sa maraming diyos (Polytheistic) sa kalikasan tulad nina Indra,
ang diyos ng bagyo at Agni, ang diyos ng apoy. Sa pagsambang ito nagmula ang
relihiyong Hinduismo, ang pangunahing relihiyon sa India ngayon at isa sa
pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ang Budismo, na pinasimulan ni Gautama
Buddha noong 600 B.C., ay isa ring mahalagang relihiyon sa India na kumalat sa iba
pang lupain sa Asya.
Walang kalayaan ang babaing Indian sa panahong ito,
ngunit mayroon silang karapatang magmay-ari ng negosyo at
kasangkapan tulad ng alahas na maaaring ipamana sa
kanilang mga anak. Ang mga biyuda ay hindi na maaari pang
mag-asawa at dapat mamuhay nang simple hanggang sa
kanyang kamatayan. Ang iba ay nagpapakamatay at
sumasama sa libing ng asawa na tinatawag na suttee.

Ang mga anak ng mayayamang pamilya ay nakapag-aaral. Ipinapakabisa sa


mga mag-aaral ang mga Veda. Ang krimen noong panahong iyon ay maaaring
maparusahan ng kamatayan. Mahilig sa kasayahan ang mga Aryan. Sila ay madalas
manood at makilahok sa karera ng mga karwahe, pagsasayaw, at pagsusugal.

Ekonomiya

9
Pagpapastol at pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Aryan.
Nagtanim sila ng barley at trigo. Magaling din sa mga gawang-kamay ang mga
Aryan. Ang pangunahing hanapbuhay noon ay pagkakarpintero, paghahabi,
pagkukulti ng balat ng hayop, at paggawa ng mga kasangkapan sa bahay gaya
ng araro at asarol.

Imperyo sa Sinaunang India

Imperyong Maurya 320-185 B.C.


Nagtatag: Chandragupta Maurya (324-300 B.C.)

Pamahalaan
May maayos na pamahalaan na nakasentro sa hari. Ang imperyo ay hinati
sa mga distrito na pinamunuan ng mga kasapi ng pamilya ng hari. Malaki rin ang
bahaging ginampanan ng mga tagapayo ng hari, tulad ni Kautilya sa panahon ni
Chandragupta Maurya.
Sa ilalim ni Bandusara (297 B.C.), anak ni Chandragupta, nasakop ng imperyo
ang talampas ng Deccan (273-232 B.C.) Nagpalabas si Asoka, ang pinakamagaling
na pinuno ng imperyo, ng maraming batas na tinawag na Rock Edicts. Ito ay
nakaukit sa mga bato, dingding ng mga kweba, at sa mga pampublikong lugar.
Ang mga batas na ito ay naglalaman ng mga konsepto ng kawalan ng karahasan,
paggalang sa lahat ng relihiyon at opinyon, pagsunod sa magulang, at pagiging
makatao sa mga naninilbihan.
Pinalaganap ang Budismo sa panahon ni Asoka. Nagpagawa siya ng mga
daan, mga balon, at mga bahay-pahingahan. Ipinagbawal din ang
pagsasakripisyo sa mga hayop at nagpatayo ng mga sentrong pangkalusugan
para sa lahat ng mamamayan.

Lipunan at Kultura

Ang lipunan ay nahahati sa pitong uri – mga pilosopo, magsasaka, kawal,


pastol, artisano, mahistrado, at konsehal. Pinakamalaking grupo ang mga
magsasaka. Hindi maaaring mag-asawa ng hindi kauri ang mga Hindu.

Ekonomiya

Nakipaglaban sa mga Persiano na pinamunuan ni Seleucus, ang mga


Seleucid, noong 3000 B.C. Pagsasaka at pagpapastol ang pangunahing
hanapbuhay, nagtanim ng millet, trigo, at bulak. Nangolekta ng buwis mula sa mga
mangangalakal ng bulak at may-ari ng lupa.

Imperyong Gupta 320-500 A.D.


Nagtatag: Chandragupta (320-335 A.D.)

Pamahalaan

10
Sa ilalim ng pamumuno ni Samudragupta (335-375 A.D.), anak ni
Chandragupta I, lalong napalawak ang imperyo hanggang Talampas ng Deccan.
Ang pagpapalawak na ito ay nagdala ng yaman sa imperyo sa pamamagitan ng
mga buwis na sinisingil ng imperyo sa mga nasakop na lupain.

Lipunan at Kultura

Itinuring na Gintong Panahon ng India. Ang mga ambag ng Imperyong Gupta


sa kabihasnan ay nagpapahayag ng kasaganaan na dulot ng mga yaman mula sa
mga nasakop at kapayapaang tinamasa nito sa panahon ni Asoka. Sa panahong ito
umunlad ang pagkamalikhain ng mga tao at nalinang ang sining at kultura sa India.

Ekonomiya

Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Gupta. Nagtanim sila ng


bigas, trigo, at tubo, gayundin ng mga prutas tulad ng mangga, melon, apricot,
peach, peras, at iba pa. May mga minahan ng mineral at asin, mga pabrika ng
sandata, at pagawaan ng ornamenting ginto at pilak. Nakipagkalakalan sa Ehipto,
Gresya, Roma, at Ceylon (ngayon ay Sri Lanka). Ang ilan sa mga produkto nila ay
bulak, mga telang chintz, calico at cashmere, garing, at elepante na ipinagpalit
nila sa musk, seda, at amber.

Imperyong Mogul 1526-1793 A.D.


Nagtatag: Babur (1526-1530)

Pamahalaan

Sa ilalim ng pamamahala ni Akbar the Great noong 1556-1605 A.D., apo ni


Babur, nagpatayo ng mga monumento at palasyo sa India. Naabot ng imperyo
ang katanyagan sa panahon ng pamamahala nina Akbar Jahangir na namuno
noong 1605-1627 at Shah Jahan noong 1628-1658.

Lipunan at Kultura

Magkahalong tradisyong Hindu at kaugaliang Muslim ang umiral sa lipunan


noong panahon ni Akbar at sumunod na namuno. Ipinagbawal ang pang-aalipin
ng mga babae at batang bihag sa digmaan.
Inalis din ang suttee o ang pagsunog ng mga biyuda kasama ng bangkay ng
kanilang asawa. Ang kaugaliang ito ay nagsimula noong 1 A.D., dala ng mga
Raiputs, mga mandirigmang Kushan na naniniwala sa monogamya o pag-aasawa
ng isa lamang.
Nagkaroon ng direktang komunikasyon ang emperador at mga
mamamayan sa pamamagitan ng mga korte ng hustisya na pinamunuan ng
emperador.

11
PANANAMPALATAYA
Ang pananampalataya ng India ay mahahati sa tatlo:
HINDUISMO, BUDDHISMO at JAINISMO.
Ang Hinduismo ay pinaunlad ng mga Aryano, ngunit
nagsimula ito na magkaiba ang kanilang (Aryano at Daribdyano)
paniniwala, at kalaunan ay nagsanib, at ito ang naging simula ng
Hinduismo. Ayon sa kanila, ang relihiyon ang tanging paraan upang
Figure 1. Brahmin
“lumaya ang kaluluwa ng tao sa mga kabiguan, pagkakamali, at
kalungkutan sa buhay”.
Si Siddharta Gautama naman ang nagturo ng Buddhismo sa
India. Siya ay nanggaling sa pamilya na naghari ng Kapilavastu na
matatagpuan sa kasalukuyang Nepal. Ang Buddha ay
nangangahulugang “siyang naliwanagan”. Ang kanyang
kaliwanagan ay nakabatay sa “Four Noble Truths”. Nakabatay dito
na: (1) Ang buhay ay puno ng pagdurusa at kalungutan, (2) Ang dahilan Figure 3. Buddha
ng pagdurusa ay ang paghahangad at pagnanasa ng tao sa mga
materyal na bagay, (3) Ang pagwawaksi sa pagnanasa ay
kailangan upang mawakasan ang pagdurusa, at (4) Ang
pagkakamit ng “nirvana” ay pagtahak sa daan ng “Eightfold Path”
o “Middle Way”. Nilalaman nito (ng Eightfold Path or Middle Way)
ang sumusunod: (1) Wastong pananaw, (2) Wastong hangarin, (3)
Wastong pananalita, (4) Wastong kasalanan, (5) Wastong
pamumuhay, (6) Wastong pagsusumikap, (7) Wastong pag-iisip, (8)
Figure 2. Mahavira
Wastong pagmumuni-muni.
Ayon naman sa mga Jainismo, lumitaw sa mundo sa magkakaibang
panahon ang 24 na guro na nagturo sa mga tao upang mapalaya ang kanilang
sarili mula sa karma. Tinawag silang mga "Jina" (mananakop) at mga "Tirthankaras"
(mga silang nakahanap ng landas sa kaligtasan). Si Vardhamana ay kinikilala bilang
ika-24 sa mga gurong ito at itunuturing na tagapagtatag ng samahang "Jainismo",
kung kaya'y kinilala siyang "Mahavira" (dakilang bayani). Kinikilalang "Ajainor" ang
mga tagasunod ng Jainismo.
Monghe ang karamihan sa mga tagasunod ng Jainismo na inaasahang
susunod sa limang gabay sa pamumuhay. Ang "Ahimsa" ay ang pamumuhay ng
payapa at pagwaksi sa karahasan sa anumang mga bagay. Ang "Satya" ay
pagpapahalaga sa pagsasabi ng katotohanan. Ang "Asteya" ay ang pag-iiwas sa
pagnanakaw. Ang "Brahma-charya" ay ang pag-iwas sa anumang gawain at pag-
iisip na makamundo. Ang "Aparigraha" ay ang paglayo sa hangarin ng
pagkakaroon ng kaligayahang materyal.

KABIHASNANG TSINA

Kilala ang Tsina sa katawagang “Natutulog na Higante” dahil sa matagal na


panahong hindi nito pakikisalamuha sa ibang kultura at ang pagsasara ng lupain
nito sa mga dayuhan. Diumano, nagkaroon ng xenophobia o pagkatakot sa mga
dayuhan ang mga Tsino kaya ipininid nito ang kanyang mga pintuan sa mga
dayuhan. Ano kaya ang sinasabi ng kanilang kasaysayan? Iisa-isahin sa sumusunod

12
na buod ang pinagdaanang panahon at kabihasnan ng Tsina. Ito ang panahon ng
mga dinastiya.

Mga Dinastiya sa Sinaunang Tsina

Hsia (200 B.C. – 1600 o 1500 B.C.)

Ang dinastiyang itinatag ni Emperor Yu sa may lambak ng Huang Ho ang


itinuturing na pinakauna sa kasaysayan ng Tsina. Nakabatay sa tradisyon ang mga
tala tungkol sa dinastiyang ito. Pinamunuan ito ng mga paring-hari na
pinaniniwalaang gumawa ng mga sikretong kalendaryo na ikinamangha ni
Confucius noong panahon ng Han kung kaya’t binuhay niya ang paggawa at
paggamit nito. Wala pang mga ebidensyang nahukay ang mga arkeologo na
nagpapatunay sa dinastiyang ito.

Shang (1700-1200 B.C.)

Sila ang mga unang dayuhang permanenteng nanirahan sa Tsina.


Nakasentro ang kanilang kabihasnan sa lambak ng Huang Ho. Nakabuo sila ng
mataas na antas ng lipunan na pinamumunuan ng aristokrasya.

Kultura

Naniniwala ang mga Tsino noong panahong ito na taglay ng kanilang


pinuno ang bisa ng “Utos ng Langit” na batayan ng kanilang pamumuno. Kapag
nawala na ang bisa nito, babagsak ang pinuno at papalitan ng bago.
Pinaghalong animismo at pagsamba sa mga ninuno ang kanilang relihiyon.
Kaugnay nito, naniniwala sila sa oracle bone reading o panghuhula sa pamamagitan
ng pagbasa ng mga nakaukit sa buto ng hayop o bahay ng pagong.
Calligraphy o kaligrapo ang uri ng pagsulat na naitatag ng mga Shang.
Pictogram o mga larawan ang kanilang gamit sa calligraphy na dikit-dikit ang
pagkakasulat upang makabuo at maipakita ang ideya. Gumamit ng elepante
bilang sasakyang pandigma gayundin ng karwaheng hila ng kabayo.

Ekonomiya

Pagsasaka ang pangunahing industriya ng mga Shang. Umani sila ng millet,


palay, at barley. Sila ang maituturing na unang pangkat na natutong kontrolin ang
pagbaba ng ilog Huang He sa pamamagitan ng sistemang irigasyon.
Nag-alaga dito na baka, baboy, manok, at aso. Natutong mag-alaga ng
uod bilang pagkukunan ng seda (silkworm) na tanging Tsina lamang ang marunong
gumawa sa buong daigdig noong sinaunang panahon. Marunong maghulma ng
bronse upang gawing mga gamit. May kasanayan sa paggawa ng mga alahas
mula sa jade. Ang mga artisanong Shan gang nagpasimula ng paggawa ng mga
seramika gamit ang kaolin, isang uri ng maputing putik.

13
Chou (1122-256 B.C.)

Nagmula ang mga Chou sa kanlurang bahagi ng Tsina ngunit direktang


namuno sa hilagang bahagi lamang nito, sa pangunguna ni Wu Wang, ang
nagtatag nito. Ang silangang bahagi nito ay pinamumunuan ng ibang mga
miyembro ng pamilya at pinagkakatiwalaang kasapi ng military. Naghari sa loob ng
900 taon, ito ang itinuturing na pinakamahaba at pinakadakilang dinastiya sa Tsina.
Sa panahong ito naging matatag at permanente ang pamahalaan bilang isang
institusyon.

Pamahalaan

Pinamunuan ng emperador katulong ang limang ministro o mandarin:


punong ministro (Mandarin of Heaven); ministro ng seremonya (Mandarin of
Ceremonies); ministro ng digma (Mandarin of Summer); ministro ng krimen
(Mandarin of Autumn); at ministro ng publikong paggawa (Mandarin of Winter).
Sa ilalim ng mandarin, ang iba pang opisyal ay pinili mula sa hanay ng mga
iskolar na may kaalaman sa kasaysayan at relihiyon. Ipinatupad ang sistemang civil
service kung saan kailangang pumasa sa pagsusulit ang mga magiging opisyal at
kawani ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito, napahusay ng mga Chou ang
pamamalakad ng pamahalaan.
Sa panahong ito, nagsimula ang pilosopiyang Legalism kung saan higit na
pinahahalagahan ang estado at ang pinuno nito, taliwas sa mga turo ni Confucius
at iba pang mga pantas.

Lipunan

Itinatag ang piyudalismo o ang sistemang sosyo-pulitiko at ekonomikong


pamamahala na nakabatay sa pag-aari ng lupain. Pinamamahalaan ang mga
lupaing piyudal ng mga warlord na nasa ilalim ng kapangyarihan ng emperador.
Siya ang regular na bumibisita rito upang magbigay ng tributo.
Bawat estado ng dinastiya ay may libreng paaral at tinustusan ng mga aklat
tungkol sa kasaysayan, panitikan, pilosopiya, agrikultura, at maging sa mahika.

Kultura

Itinuturing ng Ginituang Panahon ng pilosopiyang Tsino ang Chou dahil sa


pagsikat ng sumusunod na mga pantas.
a. Confucius (551-479 B.C.) – nagpakilala sa daigdig ng Five Classics at Four
Books. Ayon sa kanya, may anim na salik na dapat sundin ang tao sa
pakikipag-ugnayan:
a. kagandahang-asal,
b. kabutihan,
c. katapatan,
d. pagkamakatarungan,
e. pagkakawanggawa, at
f. katalinuhan.

14
Ilan sa kanyang mga ginintuang palaisipan ang sumusunod.

1. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo ng ibang
tao.
2. Kapag nakakita ka ng mabuting tao, tularan mo siya; kapag
masamang tao, suriin mo ang iyong puso.
3. Ang taong nakagawa ng kamalian na hindi nagtatangkang iwasto
ito ay makagagawa pang muli ng isa pang kamalian.

b. Lao Tzu (604-517 B.C.) – nagpakilala ng Tao Te-ching kung saan nakasulat
ang kanyang mga turo. May mga paliwanag ito ukol sa landas na dapat
tahakin ng bawat tao tungo sa kabutihan.
Ayon din sa kanya, makakamtan ng tao ang walang hanggang
kaligayahan kung susundin niya ang “Daan Tungo sa Kabutihan” o “Way
of Virtue”. Itinuro niya na kailangang maging matiyaga, mahinhin, at
mababa ang loob ng tao.
Ang kanyang mga ginituang aral ay ang sumusunod:
1. Lumagi ka sa hulihan at bago mo malaman, ikaw ay nasa unahan
na.
2. Ang taong nasusupil ang iba ay matapang, subalit ang taong
nasusupil ang sarili ay higit na matapang.

c. Mencius (372-289 B.C.) – may-akda ng Doctrine of Mean, naniniwalang


may karapatan ang mga mamamayang gumamit ng dahas ngunit dapat
sikaping manatili ang kapayapaan dahil walang mabuting ibubunga ang
digmaan. Para sa kanya, ang tao ang pinakamahalagang salik ng bansa
kaya tungkulin ng pamahalaan na paunlarin ang kanilang kabuhayan at
kaisipan.
Ayon sa kanya, ang taong hindi nagtataglay ng damdaming
makatao ay walang karapatang manatili sa trono ng kapangyarihan.

d. Mo Ti o Mo Tzu (480-390 B.C.) – nagtaguyod ng pandaigdigang


pagmamahalan at pagtutulungan bilang mga prinsipyo ng isang maayos
na lipunan. Tinawag na Mohism ang pilosopiyang kanyang itinaguyod.
May elemento ng pilosopiya, kasaysayan, at tula ang panitikan na
yumabong noong panahong ito. Kinakatawan ito ng tatlong aklat:
1. Book of Changes – isang manwal na nagsasaad na hindi
nakasalalay sa mga diyos o kapalaran ang kinabukasan ng tao at
kaluluwa kundi nasa sistema ng pagbabago sa mundo.
2. Book of Documents – koleksyon ng mga makasaysayang
dokumento mula sa mga talumpati ng mga hari at opisyal ng
imperyo. Ipinakilala nito ang mga kaisipang pangkasaysayan at
pulitikal na mga pinuno ng panahong ito.
3. Book of Poetry o Book of Songs – koleksyon ng mga dalit at awit na
naglalarawan ng mga hinagpis at tuwa sa araw-araw na buhay.

15
Qin o Ch’in (246-206 B.C.)

Sa huling mga taon ng dinastiyang Chou, isa si Prinsipe Cheng sa mga


warlord na naghahari sa silangang bahagi ng imperyo. Noong 221 B.C., matapos na
talunin ang mga kaaway nito, itinatag niya ang dinastiyang Ch’in o Qin. Naghari
siya sa loob ng 15 taon at higit na kilala sa pangalang Shih Huang-ti o Shih Huang Ti.
Ang kanyang dinastiya ang kauna-unahan sa kasaysayan ng Tsina na may matatag
na pamahalaang sentral. Siya rin ang nagsimulang magpalawak ng teritoryong
nasasakupan ng Tsina. Pinangalanan niyang Tsina ang kanyang kaharian, hango sa
kanyang pangalang Ch’in.

Pamahalaan

Itinatag niya ang kaharian batay sa prinsipyong


legalismo, hindi sa mga nakagisnang kaugalian at katuruan.
Pinagtibay ang depensa ng dinastiya laban sa mga dayuhan
sa pamamagitan ng pagdurugtong sa pader na sinimulan ng
mga nakaraang dinastiya. Tinawag na Great
Wall of China ang depensang ito na nagpalawak sa teritoryo ng kaharian ni Shih
Huang-ti.

Lipunan at Kultura

Ipinasunog ni Shih Huang-ti ang mga aklat ng katuruang klasiko, lalo na ang
mga aklat ni Confucius upang maipag-ibayo ang mga pagbabago ng kaharian.
Sinunog din ang lahat ng talaan ng nakaraan upang maalis sa isipan ng mga tao
ang tungkol sa nakaraang pamahalaan. Subalit maraming iskolar ang nagtakas ng
mga aklat at ibinaon upang mailigtas ang mga ito. Ipinasunog ni Shih ang 500 na
iskolar nang malaman niyang tinangka ng mga ito na magtago ng mga klasikong
aklat. Pinalayas naman ang ibang mga iskolar na tumuligsa sa pamahalaan o
patuloy na nagtuturo tungkol sa mga klasiko.
Sinimulan ang sistema ng scholarship, ang pagsasanay sa mga hihiranging
gobernador at opisyal ng imperyo. Ginawang simple ang sistema ng pagsulat
upang mas maraming mamamayan ang matutong magbasa at magsulat.

Ekonomiya

Binuwag ni Shih Huang-ti ang piyudalismo at isinalin sa kanyang


kapangyarihan ang lahat ng lupain. Binigyan niya ng trabaho ang mga tao at
ipinatunaw ang lahat ng mga kagamitang pandigma at ginawang estatwa sa
kanyang palasyo.
Pinagdugtong ang mga lalawigan ng kaharian sa pamamagitan ng
pinahusay na sistema ng transportasyon. Ipinatupad ang sistema ng salapi.
Ginawang simple ang sistema ng pagtitimbang at pagsusukat ng mga produkto
upang mapadali ang paglikom ng buwis at ang pakikipagkalakalan.

16
Han (206-219 B.C.)

Ang mga Han ang sumunod na nagtatag ng dinastiya pagkatapos ng Ch’in.


Naghari ito ng 400 taon. Si Wu Ti (140-87 B.C.) ang itinuturing na nagpalawak at
nagpalakas sa kaharian.

Pamahalaan

Pinamunuan ng emperador ang estado. Siya ang tagagawa ng mga batas,


39 tagapagpatupad nito, at tanging hukom sa buong kaharian. Isang pari naman
ang kinikilalang makapangyarihan sa lahat ng mga ritwal na panrelihiyon. Katulong
ng emperador ang isang Gabinete na binubuo ng dalawang pangkat:
a. Tatlong Duke – ang chancellor, kalihim ng imperyo o vice chancellor, at great
commandant na namahala sa pamahalaang sibil at militar.
b. Siyam na Ministro – higit na nakatalaga sa pagpapatupad ng mga batas.
Pagtataguyod ng agresibong patakarang panlabas na nagpahina sa mga Hun sa
may hilagang hangganan ng imperyo.

Lipunan at Kultura

Pinag-ibayo ang pagpapanumbalik sa mga klasikong kaalaman. Tinipon nito


ang mga aklat na naitago at hindi nasunog ng Ch’in. Sinimulang linangin ang
edukasyon. Nagkaroon ng historyador at mga manunulat ang Tsina. Nagsimulang
magtipon ng mga impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Tsina si Pan-chao. Sa
panahong ito, ipinakilala ng mga Indian ang relihiyong Budismo sa Tsina.

Sui (581-618 A.D.)

Pamahalaan

Dahil sa magulong buhay-pulitika bunga ng pamumuno ng batang


emperador sa trono ng dinastiyang Chou, iniluklok ni Yang Chien ang isang bata
bilang puppet emperador at pagkatapos inagaw niya ang trono. Siya ang muling
nagbuklod sa Tsina sa pamamagitan ng Grand China.
Pinamahalaan ni Yang Chien ang buong hilagang Tsina. Itiinatag ang Ta-
shing bilang bagong kabisera. Pinalakas niya ang depensa sa hilaga laban sa mga
Turko sa pamamagitan ng pagpapaayos ng Great Wall. Nagtagumpay siya sa 40
muling pagkakaisa ng imperyo.
Pagpapatupad ng binagong kodigo, ang kodigong K’aihuang, na higit na
payak kaysa mga batas ng hilagang Tsina. Ang sentro na pamahalaan ay binubuo
ng mga direktor, lupon, ministro, at hukuman. Nagtatag ng sistemang hsiang sa
lokal na pamahalaan na ang bawat isa ay binubuo ng 500 pamilya.

T’ang (618-906 A.D.)

Itinuturing na panahon ng kasaganaan at malawakang kultural na pag-unlad


ang 300 taong paghahari ng mag T’ang. Una itong pinamahalaan ng ama ni Li

17
Shihmin. Noong 626, pinatalsik ni Shih-min sa trono ang kanyang ama at siya ang
naghari rito. Kinilala siya bilang Emperador Tai Tsung. Sa panahon ni Ming Huang
nakamit ng T’ang ang pinakamalawak na sakop nito.

Pamahalaan

Isinanib ang mga prefecture sa mga lalawigan sa buong imperyo upang higit
na mapaunlad, mapanatili, at mapadali ang pamamahala. Pinasimulan ang tunay
na sistema ng serbisyo sibil batay sa galing. Ang Chin Shin ang pinakamataas na
pagsusulit para sa nais makabilang sa pangkat ng 41 mga namumuno. Batay pa rin
sa katuruan ni Confucius ang pagsusulit sa serbisyo sibil.

Ekonomiya

Ipinakilala ang isang uri ng palay na madaling itanim at anihin mula dalawa
hanggang tatlong ulit bawat taon. Malaki rin ang naging ani ng tsaa at seda na
iniluwas ng mga Tsino sa Asya at Europa. Nakilala ang mga Sung sa paggawa ng
makikinis at makikintab na porselana. Umunlad ang sericulture o ang pag-aalaga
ng uod sa paggawa ng telang seda.

Yuan (1280-1367 A.D.)

Mga dayuhan ang mga Mongol. Sila ang kauna-unahang


dayuhan na naghari sa Tsina. Sinimulan ni Gengis Khan ang
pagsalakay sa hilagang bahagi ng Tsina noong 1205 hanggang sa
masakop niya ito noong 1227. Ito ang naging simula at pundasyon
ng pinakamalaking imperyong naitatag sa buong mundo. Si Kublai
Khan, ang kanyang apo, ang nagpatuloy sa kanyang nasimulan
hanggang sa masakop niya ang mga lupain ng mga Sung sa timog.
Figure 4. Gengis Khan
Itinatag ni Kublai noong 1260 ang dinastiyang Yuan, na
nangangahulugang “Unang Simula” at kinilala bilang Great Khan.
Malaki ang pagkakaiba ng mga Mongol sa mga Tsino. Iba ang kanilang
kultura, wika, at mga kaugalian. Hindi nila inangkop ang kulturang Tsino bilang isang
paraan ng pagkontrol sa mga ito.

Pamahalaan

Hindi binago ang sistema at balangkas ng pamahalaan. Pinanatili ang anim


na dibisyon sa ilalim ng anim na ministro, gayundin ang ehekutibo, militar, at
administratibong sangay ng pamahalaan. Gayunpaman, pawang mga Mongol 42
ang itinalagang mga opisyal sa mga ito. Yaong mga mababang posisyon lamang
ang ibinigay sa mga Tsino. Iba ang mga batas ang kanilang sinunod kaysa mga
batas na ipinatupad nila sa buong bansa.
Naging bukas ang mga Mongol sa pakikipag-ugnayan sa mga taga-Kanluran
tulad ng mga mangangalakal na Europeo at mga misyonerong Kristiyano. Patunay

18
nito ay ang pagdating at pananatili sa bansa ni Marco Polo at ang kanyang tiyo na
si Maffeo Polo.

Lipunan at Kultura

Hiwalay ang panahanan ng mga Mongol sa mga Tsino. Inangkop at


itinaguyod ang ideolohiyang Confucian sa buong imperyo. Kilala bilang Ginintuang
Panahon ng dulang Tsino. Malaking pagbabago sa pagpipinta at naging aktibo sa
Tibetan Buddhism.

Ekonomiya

Ipinagpatuloy ang mga industriya ng agrikultura at kalakalan at inobasyon


na sinimulan ng T’ang at Sung. Malawakang paggamit ng papel na pera sa halip
na ginto, pilak, at tanso.

Ming (1368-1643 A.D.)

Si Chu Yu-chang ang nagtatag ng dinastiyang Ming at kinikilala bilang


Emperador Hung Wu o Hung-wu. Matapos ang 74 taong pamamahala ng mga 43
dayuhan, ninais ni Hung Wu na ibalik sa tradisyong Tsino ang estado.

Pamahalaan

Ibinatay sa tradisyong T’ang at Sung ang organisasyon ng pamahalaan.


Ibinalik at pinag-ibayo ang pagsusulit para sa serbisyo sibil sa pagpili ng mga opisyal
ng pamahalaan. Nilimita lamang sa kaalaman tungkol sa ideolohiyang Confucian
ang paksa sa pagsusulit.
Itinuring na kasalanan ang hindi pag-uulat agad ng mga opisyal tungkol sa
mga kalamidad sa kanilang lugar. May karampatang kaparusahan ang paglabag
na ito.

Lipunan at Kultura

Hindi katulad ng mga klasiko ang panitikang nasulat sa panahong ito. Ngunit
ang mga nobelang nalathala ay tinangkilik ng mga ordinaryong tao at ng mga
iskolar. Higit na pinasigla ang kaisipang iskolar dulot na rin ng pagkakaimbento ng
imprenta.
Nalimbag ang unang aklat at diyaryo sa panahong ito na nakapagpaibayo
sa edukasyon at pagsusulit para sa serbisyo sibil. Nilinang din ang panitikan at sining.
Lumitaw si Li Po, Tu Fu, at iba pang dakilang manunulat. Nagkaroon din ng
kalipunan ng mga batas.

Ekonomiya

19
Pinaigting ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa, tulad ng India, Arabia, at
Aprica sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon. Pinag-ibayo ang
paggawa ng mga mamahalin at pinong porselana na naging pangunahing kalakal
sa pandaigdigang kalakalan.

Sung (960-1278 A.D.)

Kaguluhan ang naghari sa Tsina matapos bumagsak ang dinastiyang T’ang.


Walang malakas na pinuno ang pumalit sa trono kung kaya’t nailuklok ang limang
magkakasunod na dinastiya na naghari sa Tsina sa loob ng kalahating dantaon. Sa
kabila ng kaguluhan at kawalan ng kontrol sa pamahalaan ng limang dinastiya,
nagpatuloy ang kulturang Tsino.
Nagwakas ang paghahari ng limang dinastiya noong 960 B.C. nang talunin ni
K’uang-yin. Siya ang nagtatag ng dinastiyang Sung na muling nagbuklod sa buong
Tsina. Kinilala siya sa kasaysayan bilang T’ai Tzu.

Pamahalaan

Higit na sentralisado ang pamahalaan kaysa panahon ng T’ang. Higit na


may direktang kontrol sa pangungulekta ng buwis kung kaya’t malaki ang kita ng
pamahalaan at hindi naging suliranin ang pondo para sa mga proyekto nito.
Pinagtibay ang Chin-Shin o ang pagsusulit sa serbisyo sibil at ibinigay ito
tuwing ikatlong taon. Ibinatay ang pag-angat sa puwesto ng mga opisyal ng
pamahalaan sa haba ng serbisyo, kagalingan, markang nakuha sa Chin-Shin, at
nominasyon ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan.
Mabisa ang sistema ng serbisyo sibil ng Sung. Nahikayat nito ang mag bata,
mahusay, at matalinong mamamayan na manilbihan sa pamahalaan. Dahil dito,
napaalis ang mga kawani ng militar at mga walang alam na nasa pamahalaan.

Lipunan at Kultura

Higit na pinag-ibayo ang panitikan, sining, at edukasyon. Naimbento ang


gunpowder na ginamit sa paggawa ng mga paputok. Naimbento rin ang movable
printing na higit na nagpasigla sa panitikan, sining, at edukasyon. Nagawa ang
kalendaryo at kompas. Umabot sa 10 milyon ang populasyon ng Tsina sa panahong
ito.

20
Isagawa 1

Panuto: Kompletohin ang crossword puzzle sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Pahalang:
2. Siya ang may-akda ng Doctrine of Mean.
5. ang pananampalatayang ito ay pinaunlad ng mga Aryano, at ayon sa
paniniwalang ito ang relihiyon ang tanging paraan upang lumayo ang
kaluluwa ng tao sa mga kabiguan, pagkakamali, at kalunkutan sa buhay.
6. Ito ay kabilang sa kabihasnang ng sinaunang India, na kung saan nahati ang mga
pamayanan na may kanya-kanyang pamahalaan at pinamumunuan ng Rajah.

7. Si Chu Yu-Chang ang nagtatag ng dinastiyang ito at ang kanilang


pamahalaan ay ibinatay sa tradiyong T’ang at Sung.
10. Ito ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa kabihasnang Mohenjo-Daro
at Harappa.
13. Ang dinastiyang ito ay nagmula sa kanlurang bahagi ng Tsina ngunit direktang
namuno sa hilagang bahagi lamang nito at sa pangunguna ni Wu Wang.
14. Sa dinastiyang ito ipinatupad ang Sistema ng salapi.
15.Nangangahulugang “Siya na naliwanagan” ayon kay Siddharta Gautama.

1. Ang nagpakilala sa daigdig ng five classics at four books.


3. Ang dinastiyang ito ay tinatag ni Emperador Yu sa may lambak ng Huang Ho at
ang itinuturing na pinakaunang dinastiya sa kasaysayan ng Tsina.
4. Sila ang unang dayuhang permanenteng nanirahan sa Tsina at nakasentro
ang kanilang kabihasnan sa lambak ng Huang Ho.
8. Sa imperyong ito ang pamahalaan ay nangungulekta ng buwis mula sa mga
mangangalakal ng bulak at may-ari ng lupa.
9. Sa dinastiyang ito ipinag-ibayo ang pagpapanumbalik sa mga klasikong
kaalaman sa pamamagitan ng pagtipon ng mga aklat na naitago sa dinastiyang
Qin.
11. Sa dinastiyang ito naimbento ang gunpowder.
12. Sa Emperyong ito may kahalong tradisyong hindu at kaugaliang Muslim ang
umiiral sa lipunan.

21
Isagawa 2

Panuto: Paghambingin ang sibilisasyon ng India at China. Piliin ang tamang sagot sa
loob ng kahon upang mapunan ang G.R.A.P.E.S tsart at ilagay sa sagutang papel.

 Madalas tawagin na  pamamahala ng monarkiya at


subkontinente ng Asya. pinamamahalaan ni Rajah.
 Umunlad ang sericulture o pag-  Chin Shin.
aalaga ng uod sa paggawa ng  Gumagamit ng mga seal o selyo
telang seda o silk. upang ipakita ang pagmamay-
 Hinduismo ari
 Pulbura o gunpowder  Calligraphy/ kaligrapo
 Caste System  Ideolohiyang Confucianism
 Jainismo  Lambak Huang Ho
 Mayroon silang malalaking  Compass
kalsada, alkantarilya, at Sistema  Monarkiya at pinamamahalaan
ng patubig. ng Emperor

G.R.A.P.E.S. TSART

INDIA CHINA
G-Geography/
Heograpiya
R- Religion/Rehiliyon at
Paniniwala
A-Achievement/
Nakamit
P- Political Structure/
Istructurang
pampolitika
E- Economics/
Ekonomiya
S – Social
Structure/
Lipunan at kultura

22
Isagawa 3

Panuto: Pag-aralan ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin kung anong


kategorya ito nabibilang. Isulat ang angkop na titik sa sagutang papel.
A. Ang pahayag ay naaangkop sa parehong sibilisasyon
B. Ang pahayag ay natatangi lamang sa India
C. Ang pahayag ay natatangi lamang sa China

___ 1. ang mga sibilisasyon ay batay sa malapit-ilog

___ 2. Noong 1700 -1200 B.C naniniwala na taglay ng kanilang pinununo ang bias ng
“utos ng langit”

___ 3. Naniniwala sa oracle bone reading o panghuhula sa pamamagitan ng


pagbasa ng nakaukit sa buto ng hayop o bahay ng pagong.

___4. Ang ekonomiya ay labis na batay sa pagsasaka at agrikultura

___ 5. Pinamamahalaan ng Rajah.

___ 6. Pinamamahalaan ng Emperador.

___ 7. Nagkaroon ng movable printing

___ 8. ANg mga biyuda ay nagpapakamatay at sumasama sa libing ng asawa


na tinatawag na SUTTEE.

___ 9. ginamit seda o silk bilang damit

___ 10. Sumasamba kay Indra bilang diyos ng bagyo.

___ 11. Nilikha ang isang pagsubok (Pagsusulit para sa serbisyo sibil) para sa
mga emperador na pumili ng mga opisyal ng gobyerno

___ 12. itinuro ni confucius ang mga paraan upang maging mas mahusay ang ating
Mundo

___ 13. Ang mga pari ay may mataas na lugar sa lipunan

___ 14. Sistemang Caste

___ 15. Itinuring na kasalanan ang hindi pag-uulat agad ng mga dopisyal tungkol sa
mga kalamidad sa kanilang lugar.

23
Isaisip

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin


ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Sino ang nagpakilala sa daigdig ng Five Classics at Four Books?


a. Confucius c. Mencius b. Mo Tzu d. Lao
Tzu

2. Sino ang may-akda ng Doctrine of Mean?


a. Confucius c. Mencius
b. Mo Tzu d. Lao Tzu

3. Anong dinastiya ang itinatag ni Chu Yu-Chang?


a. T’ang c. Han
b. Ming d. Sui

4. Sino ang nagtatag ng Dinastiyang Hsia?


a. Emperor Yu c. Prinsipe Cheng
b. Emperor Wu Wang d. Yang Chien

5. Ang pananampalatayang ito ay pinaunlad ng mga Aryano, at ayon


sa paniniwalang ito ang relihiyon ang tanging paraan upang lumayo
ang kaluluwa ng tao sa mga kabiguan, pagkakamali, at
kalungkutan sa buhay.
a. Hinduismo c. Jainismo
b. Buddhismo d. Muslim

6. Sa imperyong ito may kahalong tradisyong hindu at kaugaliang


Muslim ang umiiral sa lipunan.
a. Maurya c. Aryan
b. Mogul d. Mohenjo-Daro

7. Ano ang tawag sa sistema ng paghahati ng mga tao sa lipunan na


ipinatutupad ng mga Aryan upang mapigilan ang pagkakahalo-halo
ng lahi?
a. Caste system c. Solar system
b. Casa system d. Wala sa lahat

8. Ang kabihasnang ito ay matatagpuan sa gilid ng ilog Ganges at ilog


indus.
a. Kabihasnang Mesopotamia
b. Kabihasnang Tsina
c. Kabihasnang India
d. Kabihasnang Egypt

24
9. Ito’y nangangahulugang “siya na naliwanagan”.

a. Buddha c. Aryan b. Ur d. Bhramin

10. Sa anong dinastiya na imbento ng gunpowder?


a. Sung c. Yuan b. Ming d. T’ang

11. Ang uri ng pagsulat ng mga Tsino na ginagamitan ng mga pictogram?


a. Cuneiform c. Argon
b. Hammurabi d. Calligraphy

12. Alin sa mga sumusunod ang istrukturang pampolitika ng Tsina?


a. monarkiya at pinamamahalaan ng Emperador
b. monarkiya at pinamamahalaan ng Rajah
c. monarkiya at pinamamahalaan ng Paraon
d. monarkiya at pinamamahalaan ng Haring pari

13. Alin sa mga sumusunod ang istrukturang pampolitika ng India?


a. monarkiya at pinamamahalaan ng Emperador
b. monarkiya at pinamamahalaan ng Rajah
c. monarkiya at pinamamahalaan ng Paraon
d. monarkiya at pinamamahalaan ng Haring pari

14. Bakit kilala ang Tsina sa katawagang “ang natutulog na higante”?


a. Dahil sa laki ng bansang Tsina
b. Dahil sa matagal na panahong hindi notp pakikisalamuha sa
ibang kultura at ang pagsasara ng lupain nito sa mga dayuhan
c. Dahil nagsimula sa Tsina ang pilosopiyang legalismo kung saan higit na
pinahahalagahan ang estado at pinuno nito
d. Dahil itinatag ng Tsina ang piyudalismo o ang sistemang sosyo-pulitiko

15. Bilang mag-aaral anong ginintuang palaisipan ni Confucius ang susundin


mo kapag nakakita ka o isa kang saksi sa pambubuli ng kaklasi mo?
a. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo ng
ibang tao.
b. Kapag nakakita ka ng mabuting tao, tularan mo siya; kapag
masamang tao, suriin ang iyong sarili.
c. Ang taong nakagawa ng kamalian na hindi nagtatangkang iwasto ito
ay makagagawa pang muli ng isa pang kamalian.
d. May karapatan ang mga mamamayang gummmit dng dahas
ngunit dapat sikaping manatili ang kapayapaan dahil walang
mabuting ibubunga ang digmaan.

25
Susi sa Pagwawasto

.10 A C .5
.9 C B .4
.8 A D .3
.7 B B .2
.6 A A .1
Bahagi 2:

D .3
.5 C E .2
.4 A A .1
Bahagi 1:

Nalalaman Isagawa 1

.15 c
.15 C .14 B
.14 B .13 B
.13 B .12 A
.12 C .11 D
.11 C .10 A
.10 B
A .9
C .9
.8 C
B .8
C .7 A .7
C .6 B .6
B .5 A .5
A .4 A .4
C .3 B .3
C .2 .2 C
A .1 A .1

Sagot) Isagawa 3 Isaisip


Isagawa 2 (Hulwarang

26
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig
ng Pag-unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na


sumusunod sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay
koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar. Binibigyang diin nito ang
iyong kakayahang makita at mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa
natamo mong kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos
nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

ANTAS
Krayterya Baguhan Nagsasanay Mahusay Napakahusay Iskor
(1-3) (4-6) (7-8) (9-10)
1. Pagtatakda ng Di maka- Positibo at Ang Maliwanag ang
Hangarin totohanan ang makatotohana pangkalahatang paglalarawan ng
(Lingguhang mga hangarin n ang mga proseso at mga itinakdang
Talaan ng para sa pag- hangaring hangaing hangarin na
____ sa 10
Hangarin) unlad ng itinakda. itinakda ay kayang abutin at
kakayahan. positibo at angkop sa pag-
makatotohanan. unlad ng
kakayahan
2. Ang Aking Nagpapakita Nagpapakita Nagpapakita ng Nagpapakita ng
Sariling Pagsusuri ng munting ng sapat na mainam na napakainam na
sa Pagsusulit ebidensya ng ebidensya ng ebidensya ng ebidensya ng
repleksiyon at repleksiyon at repleksiyon at repleksiyon at ____ sa 10
sariling sariling sariling sariling pagtatasa
pagtatasa pagtatasa pagtatasa at mayroong
dokumentasyon
3. Ang Maliit lamang Sapat ang Mainam ang Napakainam at
Mapanuring Ako ang ebidensya ebidensya ng pagsagawa at napakalinaw ang
ng pag-unlad pag-unlad at kakikitaan ng pagsagawa at ____ sa 10
at pagkatuto pagkatuto pangkalahatang pangkalahatang
pag-unlad pag-unlad
4. Ang Aking
Pinakamahusay
na Sinagutang
Pagsusulit
5. Ang Aking Maliit lamang Sapat lamang Malinaw ang Napakalinaw at
Malikhaing ang ebidensya ang ebidensya ebidensya ng natatangi ang
Koneksiyon ng malikhain at ng malikhain at malikhain at ebidensya ng
____ sa 10
mapanuring mapanuring mapanuring malikhain at
gawa gawa gawa mapanuring
gawa
[1-2] [3] [4] [5]
Pangkabuuang Di maayos na Naipakita ang Nailahad ang Nailahad nang
Presentasyon nailahad ang halos lahat ng lahat ng aytem malinaw, maayos
mga aytem; at aytem; at ang na may at kumpleto ang
____ sa 5
tila magulo ang portfolio ay pagkasunod- mga ayte; at ang
kinalabasan ng maayos na sunod; at ang portfolio ay malinis
portfolio. nailahad. portfolio ay at elegante.

27
maayos na
naisagawa.
Bilis ng Pagpasa Naipasa nang Naipasa nang Naipasa nang Naipasa sa
huli sa oras (5-6 huli sa oras (3-4 huli sa oras (1-2 tamang oras ____ sa 5
araw). araw). araw).

_______
(Pinakam
Kabuuan
ataas na
puntos:
50)

28
Sanggunian

Department of Education. (2014, September 5). Modyul 3: Ang mga Unang


Kabihasnan. Deped LR Portal. Retrieved July 7, 2020, from
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/603

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Lianga I

Address: Poblacion, Lianga , Surigao del Sur


Contact Number: 09383760691
Email Address:

29

You might also like