Araling Panlipunan: Quarter 3-Module 5 Dahilan at Epekto NG Ikalawang Yugto NG Kolonyalismo at Imperyalismo

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

8

NOT

Araling Panlipunan
Quarter 3- Module 5
Dahilan at Epekto ng Ikalawang Yugto
ng Kolonyalismo at Imperyalismo
Araling Panlipunan — Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 — Module 5: Dahilan at Epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the
work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may,
among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to
locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module

Writer: Rojean G. Aliguiz, Mary Ann C. Cañada

Reviewers: Norebel A. Balagulan, PhD Elvira Ruvi U. Camocamo


Alging S. Lloren, PhD Anilyn Panoril

Evaluator: Lila C. Quijada

Layout Artist: Norebel A. Balagulan, PhD

Illustrator: Jay Michael A. Calipusan, PDO II

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
CID Chief

Members: Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – Araling Panlipunan


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City


Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: [email protected]
8
Araling Panlipunan
Quarter 3 - Module 5
Dahilan at Epekto ng Ikalawang Yugto
ng Kolonyalismo at Imperyalismo
Talaan ng Nilalaman

Paunang Salita ..................................................................................................................... i

Alamin ................................................................................................................................... i

Pangkalahatang Panuto ..................................................................................................... i

Icons sa Module .................................................................................................................. ii

Subukin ............................................................................................................................... iii

Aralin 1: Dahilan at Epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at


Imperyalismo

Tuklasin ......................................................................................................... 1
Gawain 1: Ilista Mo! ............................................................................. 1
Suriin ..................................................................................................................... 1
Gawain 2: Basahin at Matuto! .............................................................. 1
Pagyamanin ......................................................................................................... 4
Gawain 3: Pangalanan Mo! ................................................................. 4
Isaisip ............................................................................................................ 4
Gawain 4: Tara Mag-isip Tayo! ............................................................ 4
Isagawa ................................................................................................................. 5
Gawain 5: Halina’t Isagawa Natin! ........................................................ 5

Buod .................................................................................................................................. 6

Pagtatasa .......................................................................................................................... 7

Susi sa Pagwasto .............................................................................................................................. 9

Sanggunian.......................................................................................................................................... 9
Paunang Salita
Maligayang Bati! Mabuti at binuksan mo ang modyul na ito.

Ito ay sadyang ginawa upang mapatuloy ang pag-aaral habang tayo ay nasa

epidemya. Sa modyul na ito mas lalo nating malaman kung ano ang mga kaganapan at epekto

ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo.

Alamin
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang masusuri mo ang dahilan,

pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo).

Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:

1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga

direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.

2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.

3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.

4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

i
Mga Icon ng Modyul na ito

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
Tuklasin
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
Suriin
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa.
Naglalaman ito ng mga katanungan upang
Pagyamanin maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isaisip
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

ii
Subukin
Panimulang Pagtataya:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
.
1. Ang mga sumusunod ay uri ng kolonya MALIBAN sa:
A. Protectoratey
B. Concession
C. Imperyo
D. Sphere of Influence

2. Sino ang hari na inihalintulad ang bangis kay Hitler sa larangan ng pananakop sa
Africa?
A. Leopoldo I C. Henry
B. Leopoldo II D. Ferdinand

3. Alin sa mga sumusunod ang Kasunduan na dahilan sa pagpaubaya ng Espanya sa


Pilipinas sa Amerika?
A. Treaty of Paris (1763) C. Treaty of Spain
B. Treaty of Tordesillas D. Treaty of Paris (1898)

4. Anong kontinente ang pinag-aagawan ng mga imperyalista at kolonyalitsa?


A. Africa C. Europe
B. America D. Australia

5. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit pinag-aagawan ang Africa ng mga Bansa
sa Europe MALIBAN sa:
A. Minahan ng bakal C. Magagandang Babae
B. Kalakalan ng alipin D. Sagana sa likas na yaman

6. Anong bansa sa Asya ang tinawag na “pinakamaningning na hiyas”?


A. Guam C. Puerto Rico
B. India D. Pilipinas

7. Alin sa mga bansa sa Asya ang naging himpilang-dagat sa Carribean ng United


States?
A. Pilipinas C. Guam
B. Puerto Rico D. Hawaii

8. Noong panahon ng pananakop sa Africa, sino ang pinakakilalang misyonaryo?


A. Henry Stanley C. Leonado da Vinci
B. Haring Leopoldo D. David Livingstone

Iii
9. Bakit naging mahirap para sa mga Europeo ang pagpasok at pananalakay sa gitnang
Africa?
A. Dahil sa init ng disyerto
B. Dahil maraming mga mababangis na hayop dito
C. Dahil malakas ang hukbong pandigma ng Africa
D. Dahil sa panganib na hatid ng paggalugad sa Africa

10. Ang mga sumusunod ay mga bansang nag-aagawan sa Congo MALIBAN sa:
A. France
B. Spain
C. Germany
D. Belgium

iv
Aralin Dahilan at Epekto ng
Ikalawang Yugto ng
1 Imperyalismo at Kolonyalismo

Tuklasin
Gawain 1: Ilista Mo!

Panuto: Mula sa iyong natutunan sa unang yugto ng imperyaliso at kolonyalismo, mag lista
lamang ng limang dahilan at epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo.
Isulat ito sa iyong kwaderno.

Dahilan Epekto
1.

2.

3.

4.

5.

Suriin
Gawain 2: Basahin at Matuto!

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin


Ang Ikalawang yugto ng modernong kolonyalismo ay nagsimula noong 1500, kasunod ng
mga pagtuklas sa Europa ng isang ruta sa dagat sa paligid ng katimugang baybayin ng Africa
(1488) at ng Amerika (1492). Sa mga pangyayaring ito ay lumipat ang lakas ng dagat mula sa
Mediteraneo patungo sa Atlantiko at umuusbong na mga bansa ng Portugal, Espanya,
Netherlands, France, at England.
Maraming naging dahilan na nagbunsod sa ikalawang yugto ng imperyalismo sa kanluran.
Ang ilan ay binibigyang katuwiran ang pananakop sa paggamit ng manifest destiny (karapatang
ibigay ng Diyos ang United States na magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang
America) at white man’s burden (ang paniniwala na tungkulin ng mga Europeo na ipamahagi sa
mga katutubo ng mga kolonyang kanilang sinakop ang kanilang maunlad na kabihasnan). May
nagdahilan din na sanayin ang sarili sa pamamahala at marami pang pagbabalat-kayo ang ginawa.
Iba-iba rin ang ang uri ng kolonyang itinatag batay sa katayuan ng mamamayan. May nagtayo ng
kolonya, sphere of influence, protectorate - ang pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban sa
paglusob ng ibang bansa at concession - na nagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo.

1
Paggalugad at Pag-aagawan sa Gitnang Africa

Si David Livingstone (1813-1873) ang kauna-unahang


misyonerong Ingles na nakamasid sa ganda at katakot-takot na daan
patungo sa Africa. Dahil dito nagkaroon ng kaalaman ang mga bansang
Europeo kung paano pasukin at masakop ang gitnang Africa.
Ang paglaganap ng relihiyon, ang pambansang ambisyon at mga
pangkabuhayang pangangailangan ang nagbunsod upang pag-agawan
ang gitnang Africa sa panahon ng katanyagan ng pananakop.
David Livingstone
https://cdn.britannica.com/s:1500x700,q:85 Sa loob ng 30 taon, ang
/71/122971-004-7C9CBB5E/engraving-
David-Livingstone.jpg dating hindi kilalang mga pook ay
naangkin lahat ng mga
kanluraning bansa. Sa pamumuno ng pinakatusong
mangangalakal ng Europe, si Haring Leopoldo II (1835-
1909), nakuha ng Belgium noong 1885, ang pinakamalaking
bahagi ng Congo Basin habang pinaghatian ng France, Leopoldo II
https://cdn.britannica.com/s:690x388,c:crop/29/13312
Britain, Germany, Portugal at Italy ang ibang bahagi. 9-050-FC8E1748/Leopold-II.jpg

Ang Pag-aagawan sa Africa ng mga Bansa ng Europeo

Ang kontinente ng Africa ay nahahati sa tatlong rehiyon - ang hilagang bahagi na


nakaharap sa Dagat Mediterranean, ang pinakagitnang bahagi ng tropiko o mainit na bahagi at
ang malamig na bahagi sa may tiimog.
Mula sa Europe, ang unang rehiyon ay madaling marating sa pamamagitan ng Dagat
Mediterranean. Nahiwalay ang imperyong Rome sa Europe matapos itong bumagsak, hindi
lamang sa pamahalaan kundi maging sa relihiyon man. Naging mahigpit na kalaban ng
Kristiyanismo sa Europe ang Islam na naging malaganap sa hilagang Africa. Dahil sa
pangungulimbat sa mga sasakyang-dagat ng mga Europeo, yumaman ang mga lungsod sa
bahaging ito tulad ng Tunis at Algiers.
Ang kalakalan ng alipin, sa simula, ang pinagkainteresan ng mga Europeo. Ngunit sagana
sa likas na yaman ang mga pook na ito tulad ng mga taniman ng ubas, mga punong citrus at
pastulan ng hayop at magagandang panirahan ng mga Europeo. Naniniwala sila na may mina ng
bakal ang bundok ng Atlas sa Morocco kaya nanghihinayang sila na palagpasin ang ganitong mga
pagkakataon at kayamanan.

Imperyalismong Ingles sa Timog Asia

Hindi natinag ang imperyo ng Great Britain sa mga mananakop at sa halip, lalo pang
lumawak ito. Nadagdagan ng kolonya sa ibang lugar kahit na lumaya ang 13 kolonya sa America
sa Rebolusyong Amerikano. Dinala ang mga kaisipan, kaugalian, edukasyon at teknolohiya sa
bansa nang naging lubhang makapangyarihan ang British East India Company sa pamahalaan.
Noong huling bahagi ng 1800, inilipat ang kontrol ng kompanya sa pamahalaan ng imperyo.
“Pinakamaningning na hiyas” ng imperyo ang tawag ng India. Nawalan ng teritoryo sa India ang
France sa Kasunduan sa Paris (1763) na nagwakas sa Pitong Taong Digmaan ng France at
Britain.

Ang United States sa Paligsahan ng mga Bansang Mananakop

Sa mga bansang industriyalisado, ang United States ay hindi nagpahuli. Bagaman marami
sa Africa ang hindi sang-ayon sa pananakop ng mga teritoryo, napasali ito nang nakipagdigmaan
ang United States laban sa Spain na nagtapos sa isang Kasunduan sa Paris (1898). Ang tagumpay
ng America laban sa Spain ay nagdulot ng pagsakop sa Guam na naging himpilang-dagat patungo
sa Silangan, Puerto Rico bilang himpilang-dagat sa Carribean at ang Pilipinas at iba pang dating
mga sakop ng Spain.
Nakuha rin ng Estados Unidos ang dalawang teritoryo: ang Samoa na naging mahalagang
himpilang-dagat at ang Hawaii kung saan makikita ang Pearl Harbor, ang pinakatampok na baseng
pandagat ng United States sa Pacific matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig.

Ang Protectorate at Iba pang Uri ng Kolonya

Walang pagkakaisa ang West Indies, Australia, New Zealand at mga bansa sa Central
America upang maipagtanggol ang kanilang bansa. Nagsilbing tagapangalaga ang hukbo ng
America sa mga pook na ito upang mapanatiling bukas ang pamilihan, makakuha ng hilaw na
sangkap at mapangalagaan ang kanilang ekonomikong interes. Nakakuha ng malalaking bahagi
ng lakas-pangkabuhayan sa pag-aari ng mga minahan, mga balon ng langis, mga taniman, mga
daang-bakal at samahan ng mga sasakyang dagat ang malalaking samahan sa negosyo ng
America.
Ang Australia at ang kalapit na New Zealand ay nakaligtas sa pagkakaroon ng hidwaan ng
mga bansang mananakop dahil matibay itong hawak ng Great Britain na ipinadala ng ang mga
bilanggo matapos ang himagsikan sa America. Maraming Ingles ang lumipat nang makatuklas ng
ginto sa Australia at ito ang simula ng pagtatatag ng mga kolonya sa Australia at New Zealand.
Halimbawa ito kung paano ang sakop na lupain ay ginamit na tirahan ng dumaraming tao.

EPEKTO NG IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON

Epekto Ng Ikalawang Yugto Ng Kolonisasyon sa mga Bansang Nanakop

Ang pananakop ay nakaka apekto sa maraming aspeto ng buhay ng mga bansa gaya ng
mga gawaing pampolitika, panlipunan, pang-ekonomiya, pangkultura at espiritwal. Ang mga ito ay
ginamit ng mga mananakop upang mahikayat ang mga bansang nasakop na sumunod sa kanilang
mga utos katulad ng pagtatrabaho sa pagawaan ng barko, sa pataniman at pagsisilbi sa hukbo.

Epekto ng Kolonisasyon sa mga Lupang Nasakop

Ang mga nasakop na mga lupain ay nagkaroon ng maraming pagbabago sa politika, sa


ekonomiya, sa panlipunan at sa kulturang pamumuhay. Marami sa kanila ay nawalay sa kanilang
mga pamilya dahil sila ay napilit na sumunod sa utos ng mga dayuhang mananakop.

Epekto ng Imperyalismo

Naging daan ang imperyalismo sa Africa at sa Asya upang makaranas ng pagsasamantala


ang katutubong populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga dayuhan. Ang kanilang
likas na yaman at lakas-paggawa ay sinamantalahan ng mga kanluranin. Dahil sa pananaig ng
impluwensiyang kanluranin, naging sanhi rin ito ng pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang bahagi
ng kolonya.
Kung pag-usapan ang hangganang pambansa, ang hidwaan sa teritoryo na namamayani
pa rin ngayon sa ilang bahagi ng Africa at Asya bunga nang hindi makatuwirang pagtatakda ng
mga hangganan ang pamana ng mga Kanluranin.

3
Pagyamanin
Gawain 3: Pangalanan Mo!
Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang sagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat sa kwaderno.

Manifest destiny White Man’s Burden protectorate

Concession sphere of influence David Livingstone

1. Ang paniniwala na tungkulin ng mga Europeo na ipamahagi sa mga katutubo


ng mga kolonyang kanilang sinakop ang kanilang maunlad na kabihasnan.
2. May karapatang ibigay ng Diyos ang US na mapalawak at angkinin ang buong
kontinente ng Hilagang America
3. Pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo
4. Pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang bansa
5. Siya ang kauna-unahang misyonerong Ingles na nakamasid sa ganda ng
Africa.

Isaisip
Gawain 4: Tara Mag-isip Tayo!

Graphic Organizer
Panuto: Gamit ang graphic oraganizer punan ang mga hinihinging impromasyon. Isulat ang
sagot sa kwaderno.

IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONYALISMO

DAHILAN EPEKTO

4
Isagawa
Gawain 5: Halina’t Isagawa Natin!
Venn Diagram
Panuto: Gamit ang Venn Diagram ihambing ang mga dahilan at epekto ng una at ikalawang
yugto ng Imperyalismo at kolonyalismo. Isulat ang sagot sa loob ng Venn Diagram,
gawin ito sa iyong kwaderno
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Nilalaman 20
Organisasyon sa Peksa 10
Kaayusan at Kalinisan sa Pagsulat 10
Kabuuan 40

Unang Yugto ng Kolonyalismo Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo

A B

*A & B – Pagkakaiba
C - Pagkakapareho

5
Buod
Maraming naging dahilan na nagbunsod sa ikalawang yugto ng imperyalismo sa kanluran.
Ang ilan ay binibigyang katuwiran ang pananakop sa paggamit ng manifest destiny at white man’s
burden. Para sa mga misyonaryong Protestante at Katoliko, ang kultura at relihiyong Aprikano ay
mababa na kailangang palitan o baguhin ng kanluraning sibilisasyon.

Ang kontinente ng Africa ay nahahati sa tatlong rehiyon - ang hilagang bahagi na


nakaharap sa Dagat Mediterranean, ang pinakagitnang bahagi ng tropiko o mainit na bahagi at
ang malamig na bahagi sa may timog. Ang pinakakilalang misyonaryo sa Africa ay si Dr. David
Livingstone na isang Scottish.

Sa mga bansang industriyalisado, ang United States ay hindi nagpahuli.

Ang pananakop ay nakaka apekto sa maraming aspeto ng buhay ng mga bansa gaya ng
mga gawaing pampolitika, panlipunan, pang-ekonomiya, pangkultura at espiritwal. Ang mga ito ay
ginamit ng mga mananakop upang mahikayat ang mga bansang nasakop na sumunod sa kanilang
mga utos katulad ng pagtatrabaho sa pagawaan ng barko, sa pataniman at pagsisilbi sa hukbo.

Naging daan ang imperyalismo sa Africa at sa Asya upang makaranas ng pagsasamantala


ang katutubong populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga dayuhan.

6
Pagtatasa

1. Paano naging dahilan ng imperyalismo at kolonyalismo ang paggamit ng manifest destiny?


A. Dahil naniniwala silang pinili sila ng Diyos.
B. Dahil binigyan sila ng karapatan ng Diyos upang angkinin ang boung mundo.
C. Dahil biniyayaan sila ng Diyos na mapaunlad at mapalawak ang kanilang kolonya.
D. Dahil binigyan sila ng karapatan ng Diyos upang angkinin ang buong kontinente ng
hilagang America.

2. Anong uri ng kolonya ang nagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo?


A. Protectorate C. Concession
B. Sphere of Influence D. White man’s burden

3. Paano napasali ang United States sa pananakop ng mga lupain?


A. Dahil sa pinili sila ng Diyos
B. Dahil naingit sila sa mga bansang Europeo
C. Dahil nakipagdigma ang United States laban sa Spain
D. Dahil gusto nilang maging makapangyarihan bansa sa buong daigdig

4. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit pinag-aagawan ang Africa ng mga bansa sa
Europe MLIBAN sa:
A. Minahan ng bakal C. Magagandang Babae
B. Kalakalan ng alipin D. Sagana sa likas na yaman

5. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga bansang nasakop ng United states MALIBAN
sa:
A. Hawaii C. Samoa
B. India D. Pilipinas

6. Ang mga sumusunod ay epekto ng imperyalismo MALIBAN sa:


A. Pagsasamantala sa mga Katutubo
B. Pagkasira ng kulturang katutubo
C. Pagsasamantala sa mga likas na yaman
D. Nasira ang lahat ng kanilang ari-arian at mga likas na yaman

7. Anong uri ng kolonya kung saan binigyan ito ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang
bansa?
A. Protectorate C. Concession
B. Sphere of Influence D. White man’s burden

8. Bakit naganap ang Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo?


A. Dahil sa pagpapalawak ng teritoryo
B. Dahil sa tagong likas na yaman ng Asya
C. Dahil sa pangangailangan sa hilaw na mga sangkap
D. Lahat ng nabanggit
7
9. Bakit naging mahirap para sa mga Europeo ang pagpasok at pananalakay sa gitnang Africa?
A. Dahil sa init ng disyerto
B. Dahil maraming mga mababangis na hayop dito
C. Dahil malakas ang hukbong pandigma ng Africa
D. Dahil sa panganib na hatid ng paggalugad sa Africa

10. Ang mga sumusunod ay dahilan ng mga pananakop MALIBAN sa:


A. Manifest destiny
B. White man’s burden
C. Pangungulikta ng mga bansa
D. Mapalawak ang teritoryo at ipalaganap ang kanilang kabihasnan

8
9
Pagtatasa (Post-Test)
1. D
2. C
3. C
4. C
5. B
6. D
7. A
8. D
9. D
10. C
Subukin
1. C
2. B
Pagyamanin 3. D
1. White Man’s Burden 4. A
2. Manifest destiny 5. C
3. Concession 6. B
4. Protectorate 7. B
5. David Livingstone 8. D
9. D
10. B
Susi sa Pagwasto
Sanggunian:
A. Aklat:

Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014,


ISBN:978-9601-67-8

Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De
Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna Lorene S.
Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.

Camagay, Ma. Luisa T. et. al. “Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura”. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010.

B. Mga Sanggunian sa Internet:

Youtube.com. “Video.” Accessed, July 16, 2020, https://www.youtube.com/watch?v=


AgxSsBxKkss

Pinterest.ch. “Image.” Accessed, July 16, 2020,


https://www.pinterest.ch/pin/63894888450870450/

Facebook.com. “Image.” Accessed, July 16, 2020, https://www.facebook.com/AfricaMap1/

Britannica.com. “David Livingstone.” Accessed, July 16, 2020,


https://www.britannica.com/biography/David-Livingstone

Britannica.com. “Leopold II.” Accessed, July 16, 2020, https://cdn.britannica.com/


s:690x388,c:crop/29/133129-050-FC8E1748/Leopold-II.jpg

Relihiyongislam.com. “Image.” Accessed, July 16, 2020, https://relihiyongislam.com/ babaeng-


muslim-ay-nagsusuot-ng-belo/

Facebook.com. “Image.” Accessed, July 16, 2020, https://www.facebook.com/


628564263851731/photos/%27%27hamon-sa-lahat-ng-mga/965164023525085/

Wikiwand.com. “Image.” Accessed, July 16, 2020,


https://www.wikiwand.com/tl/Imperyong_Otomano

Valentenshop.ru. “Image.” Accessed, July 16, 2020, https://valenteshop.ru/tl/chto-takoe-genocid-


armyan-kratko-gibel-naroda-kratkaya-istoriya-genocida-armyan-v/

Latimes.com. “Image.” Accessed, July 16, 2020, https://www.latimes.com/entertainment/


movies/la-et-mn-capsule-intent-to-destroy-review-20171109-story.html

10

You might also like