AP8 Q2 Module 5
AP8 Q2 Module 5
AP8 Q2 Module 5
Araling Panlipunan
Quarter 2 - Module 5:
Sistemang Piyudal at Manor sa Gitnang
Panahon sa Europe
Araling Panlipunan - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 – Module 5: Sistemang Piyudal at Manor sa Gitnang Panahon
sa Europa First Edition, 2020
Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary
for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among
other things, impose as a condition the payment of royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission
to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.
Published by the Department of Education – Division of Gingoog City
Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Development Team of the Module
1
Aralin
Ang Piyudalismo
1
Suriin
Ang Piyudalismo
Pinakamalaking kayamanan ng Europa noong ikasiyam hanggang ika-14 na siglo ang
anyo ng lupa. Ang hari ang pangunahing nagmamay ari ng lupa at dapat niya itong
pangangalagaan.
Dahil sa lawak ng kanyang lupain, ibinahagi ng hari sa mga nobility o dugong bughaw
ang lupain, dahil hindi niya kayang ipagtanggol ang mga ito. Sila rin ang magiging vassal
ng hari na isang dugong bughaw. Ang hari ay isang lord o panginoong nagma may ari ng
lu pa. Tinatawag din liege o suzerain ang lord habang fief naman ang tawag sa lupang
ibinibigay ng hari sa vassal. Ang vassal, na pwedeng may dugong bughaw, ay isa ring
lord dahil siya ay may ari ng lupa.
Nangangako ang vassal na magiging tapat na tauhan ng hari sa paraan ng
seremonya na “Homage”. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal ay isinasagawa ang
investiture o seremonya. Binibigyan din ng lord ang vassal ng isang tingkal na lupa bilang
sagisag nito na tinatawag na sumpang “oath of fealty”.
Gagampanin ng vassal at lord ang kanilang tungkulin pagkatapos ng “oath of
fealty”. Ipagtanggol ng hari ang vassal laban sa mananalakay at maglapat ng nararapat
para sa alitan. Kapag nabihag naman ang lord sa digmaan, tungkulin niya na magbigay
bayad o ransom pantubos. Ang vassal ay tumutulong din sa paghanap ng dowry sa
panganay na dalaga ng hari at magbibigay gastusin para sa seremonya sa anak ng hari
bilang isang knight. Magiging mandirigma din ang knight at manumpa sa katapatan ng
hari. Itinuturing ang knight na mandirigma na nakasakay sa kabayo.
2
Ang Kabalyero sa Sistemang Piyudal
Mahirap para sa mga lalaking galing sa mababang antas ng lipunan na maging isang
kabalyero. Ito ay galing sa salitang Pranses na “chevalier” na ibig sabihin ay
mangangabayo. Sinisiguro na galing sa angkang maharlika ang sumali nito at dumaan sa
mahigpit na pagsasanay batay sa Codigo ng pagiging kabal yero. Nagsisimula ito sa
gulang na pitong taon habang nagsisilbing “valet” (little vassal) o damoireau (little lord)
sa korte ng kastilyo. Sila ay natuto sa kagandahang asal at pagsasanay sa
pakikipagdigma. Kung siya ay magbibinata na, magiging “squire” o assistant na ng
kabalyero. Maaari na siyang sumama sa digmaan kung mapatunayan ang kasanayan sa
pakikipagdigmaan, bilang isang kabalyero pagkatapos ng isang seremonya.
Pagyamanin
Panuto: Sa pagtatag ng Piyudalismo, isulat sa bawat kahon na
kinabibilangan ang mga hinihinging impormasyon ayon sa iyong nabasa.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Pagtatag ng Piyudalismo
Katangian ng Pinuno Nagawa/Tungkulin
3
Isaisip
Panuto: Ilarawan ang mga katangian at tungkulin ng tatlong uri ng lipunan sa
panahon ng Piyudalismo at sagutin ang katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Uri ng Lipunan Katangian Tungkulin
Pari
Kabalyero
Serf
Aralin
Pagsasaka: Batayan ng
2 Sistemang Manor
Suriin
Sistemang Manoryal
Ang sistemang pang-ekonomiya noong Gitnang Panahon ay ang sistemang
manorial dahil galing sa manor ang mga produkto at serbisyong kinakailangan ng mga
tao.
Pagyamanin
Panuto: Magsulat ng (3) tatlong paglalarawan ayon sa hinihingi ng bawat kolum.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Isaisip
Panuto: Punan ang tungkulin ng uri ng pinuno na hinihingi sa kolum. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
Uri ng Pinuno Tungkulin
1.Steward
2. Bailiff
Isagawa
Ihambing ang dalawang sistemang umusbong sa panahong Medieval sa
Europa.
5
Aralin
Ang Pagsimula At Paglaganap Ng
3 Mga Bayan At Lungsod
Tuklasin
Magtala ng tatlong (3) bayan na naging siyudad kamakailan lang. Ano kaya
ang mga katangian ng mga bayan na ito para gawing siyudad?
Bayan Katangian
Suriin
Paglago ng mga Bayan
Dahil sa paglakas ng kalakalan, lumago ang mga bayan at nagbago ang
bunsod ng agrikultura sa paglakas ng bagong teknolohiya sa panananim. Isa sa
epekto nito ang pagtaas ng ani at nagiging maganda ang buhay ng mga tao.
Napaayos ang mga kalsada at napadali ang pagdala ng mga produkto kaya,
maraming tao ang nakatira malapit sa daan.
Paggamit ng salapi
Nagsimula ang paggamit ng salapi noong unang taon ng gitnang panahon na
kung saan ang palitan ng mga produkto sa kalakalan ay nagaganap bawat linggo sa
malawak na lugar na malapit sa palasyo at simbahan. Gumagamit sila ng palitan ng
produkto o barter hanggang dumami ang sumali at nagkaisip ang panginoong piyudal
na magtatag ng unang perya. Sa perya mas dumami ang mga tao at madali lang
makapagsingil ng buwis at multa ang piyudal at kumikita pa sila ng mas malaki. Dito
nakita ang halaga sa paggamit ng salapi hanggang nagtatag sila ng mga bangko dahil
mas delikado na mag iwan ng malaking halaga pagkatapos ng perya. Dito nagsimula
na magpautang ang bangko ng salapi na may tubo at magdeposito ng pera sa ligtas
na paraan.
Nalinang ang pagpapautang at pagbabangko sa lugar ng hilagang Italya na
kung saan ang paggamit ng pera ay nakatululong ng mga tao sa ibang lugar.
6
Ang paglitaw ng Bourgeoisie / Burgis
Nakikilala ang paglitaw ng mga Burgis mula sa pag-unlad ng kalakalan at
industriya na nagpalawak ng mga bayan. Sila ang grupo ng mga mauunlad na
negosyante at bangkero at ang kanilang mga anak ay pinaaral sa magagaling na
unibersidad. Mababa ang tingin ng pangulong piyudal sa kanila dahil mga bagong
yaman lang sila at hindi galing sa angkan kaya nasa gitnang uri ang mga burgis. Unti-
unting lumakas ang mga burgis at nakalinang ng sariling uri sa lipunan ng
pagkamaharlika. Dito nagsimula ang pag uuri ng tao batay sa yaman at hindi sa
angkang dugong bughaw.
Pagyamanin
Panuto: Batay sa nabasang teksto, punan ang talahanayan ng wastong sagot. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
Pag-usbong ng mga
Bourgeoisie
Pagkakaroon ng sistemang
guild
7
Pagtatasa
8
10. Ang isang mangangalakal ay maaaring magdeposito ng salapi sa isang lungsod.
Ang dineposito niya ay maaaring niyang kolektahin sa ibang lungsod. Bakit mas
pinili ng mga tao noon na gamitin ang uri ng sistema ng pagbabangko?
a. Dahil mas nakakaayang tingnan at panoorin.
b. Dahil mas ito ang patok sa kanilang lipunan na kanilang kinabibilangan.
c. Dahil sa ganitong paraan mas nagiging ligtas ang paglipat ng salapi.
d. Dahil sa ganitong paraan mas komportable ang mga negosyante.
Susi sa Pagwawasto
Pagtatasa
Sanggunian
A. Aklat
Antonio, Eleanor D., “Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan Ikatlong
Taon.
Kasaysayan ng Daigdig”. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St. St. Manila Philippines.
1999.
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna
Lorene S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.
Camagay, Ma. Luisa T. et. al. “Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura”. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010.
Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo.
Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.
B. Module
Project EASE Araling Panlipunan III –Module 9 (Sistemang Piyudal sa Gitnang Panahon
sa Europa)
Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig- Aralin 3: Ang Daigdig
sa Panahon ng Transisyon: Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pag-usbong ng
Europe sa Panahong Medieval
C. Sanggunian sa Internet
LRMDS.deped.gov.ph, “Sistemang Piyudal sa Gitnang Panahon sa Europa,” Accessed
June
1, 2020, https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6053