Learners' Activity Sheets: Araling Panlipunan 8

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Learners’ Activity Sheets


Araling Panlipunan 8
Quarter 4 – Week 3-4

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan


del Sur [email protected]
(085) 839-5456
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Araling Panlipunan – Grade 8


Learners’ Activity Sheets
Ikaapat na Markahan –Ikatlo-Ikaapat na Linggo: Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government
of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall
be necessary for the exploitation of such work for a profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (e.g., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.)
included in this activity sheets are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted
to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The authors do
not represent nor claim ownership over them.

Development Team of the Learner’s Activity Sheet


Writer/s: Mary Fel N. Llego
Editor/s: Lalaine S. Gomera, Luzvminda M. Bojos
Illustrator:
Layout Artists:
Lay-out Reviewer: Blessy T. Suroysuroy
Management Team: Minerva T. Albis
Gemma A. De Paz
Lorna P. Gayol
Lelani R. Abutay
Lalaine S. Gomera
Lencio S. Malupa Jr.
Luzminda M. Pagulong

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan


del Sur [email protected]
(085) 839-5456
GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 8
QUARTER 4- Week 3-4

Pangalan: Baitang/Pangkat:
Paaralan: Petsa:
Guro: Iskor:

I. Pamagat: Ikalawang Digmaang Pandaigidg

II. Kasanayan Pampagkatuto:

Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig.(AP8AKD-IVB-2)

III. Panuto: Ang mga sumusunod na gawain ay huhubog sa iyong kaalaman tungkol sa
mga mahahalagang kaganapan at epekto ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

IV. Mga Gawain

Gawain :Tuklasin Mo!

Panuto: Para maisasagawa ang mga sumusunod na gawain, basahin at unawain ang
mga mahahalagang konsepto na nais mong matutunan.

 Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanán na


nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taóng 1939. Natapos ito noong ika-2 ng
Setyembre 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at
bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak,
pinakamahal at pinakamadugong labanán sa kasaysayan ng sangkatauhan..
 Hindi paman lubusang nakababangon sa mga pinsala ng digmaan ang mga
bansa sa daigdig,muling umigting ang mga hidwaan sa pagitan ng mga
bansa.Dala na rin ito ng nagsimulang ambisyon ng mga makapangyarihang
bansa na maipagpatuloy ang pananakop at pagpapalawak ng kanilang teritoryo.

Sanhi ng Ikalawang digmaang Daigdig


-Nasyonalismo
Gerater East Asia Co Prosperity Sphere
Layunin ng Japan na pagbuklurin ang mga bansang Asyano sa ilalim ng
kanilang pamumuno upang paunlarin ang aspektong
panlipunan,pampulitika,pangkultura at pangkabuhayan ng rehiyon.
-Paghihiganti ng Germany
Dahil sa pagkatalo sa WWI, tuluyang humina ang sandatahang lakas ng
Germany.Pinasimulan ni Adolf Hitler ang lider ng Nazi, ang muling
pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa.Layon ni Hitler na labagin ang
kasunduang Versailles na naglagay sa Germany ng kahiya-hiyang
kondisyon. Upang makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang
Pandaigdig,pinagbalakang muli ni Hitler ang muling pananakop.
 Pagkakampihan /Alyansa
Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa
Germany.Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang kasapi sa
Allied Powers (Pransya,Gran Britanya,Estados Unidos)
Pagkakaiba ng Ideolohiya
 Digmaang sibil ng Espanya
Nagsimula ang digmaang sibil ng Espanya noong 1936 sa pagitan ng dalawang
Panig: ang pas istang Nationalist Front at sosyalistang Popular Army
Pang-aagaw
 Pag-agaw ng Japan sa Manchuria
Noong 1931, inagaw ng Japan ang lungsod ng Manchuria.Kinondena ng Liga ng
mga bansa ang Japan at sinabing ang ginawang ito ay paglusob.Kasunod ng
pagkundena,itiniwalag sa Liga ng mga bansa ang Japan.
 Paglusob sa Czechoslovakia
Noong Setyembre 1938 hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na
Pagsikapan na matamo ang kanilang awtonomiya.Dahil dito hinikayat ng Inglatera
si Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich.Ngunit nasakop ni Hitler ang
Sudeten at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay
napunta na rin Germany.
Paglabag sa Kasunduan
 Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
Ang Germany naman ay tumiwalag sa Liga noong 1933, sapagkat ayon
sa mga Aleman, ang pag aalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng
Germany ay isang paraan ng pag-aalis ng Karapatang mag-aarmas.
Pinalilimitahan naman ng Inglatera ang bilang ng puwersa ng Germany.Ngunit
Sa kabila nito’y nagpdala parin ng tropa ang Germany.
 Pagsakop ng Italya sa Ethiopia
Sa pamumuno ni Benito Mussoloni,sinakop ng Italya ang Ethiopia noong 1935.
Tuwirang nilabag ng Italya ang Kasunduan ng Liga(Covenant of the League)
 Paglusob ng Germany sa Poland
Huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalwang digmaang pandaigdig ang
Pagpasok ng Aleman sa Poland noong 1939.ang pagsakop na ito ay pagbaligtad
Ng Germany sa Russia na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov,
Isang kasunduan ng hindi pakikidigma.
 Mahahalagang Pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia noong
1939 upang gawing teritoryo.Tinangka rin niyang kunin mula sa Poland ang
Baltic Port ar ang Polish Corridor.
-Digmaan sa Europe
France,Great Britain Vs Germany
Ang mga hukbong Pranses at Ingles ang nag-abang sa likod ng Maginot Line
Ang Phony war ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang
Blitzkrieg (biglaang paglusob na walang babala)
-Unite States at ang Digmaan
Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe ay nagdulot ng pangamba sa mga
Amerikano.Nabahala sila sa kaligtasan ng Inglatera pati na ng layuning
Demokrasya.
Pinagpatibay ng kongreso ang batas na Lend Lease na nagsabing ang United
States ay magbibigay ng kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa mga
Kasapi ng Axis Power.Naging miyembro ng puwersang Alyado ang United
States noong 1941.
-Digmaang Pasipiko
Ilang oras matapos salakayin ang Pearl Harbor ng mga Hapon, ang mga
Eroplano ng Japan ay sumalakay din sa Pilipinas at winasak ang hukbong
Panghimpapawid sa Clark field Pampanga.noong ika-7 ng Disyembre 1941
Biglang sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor,isa sa mga himpilan ng hukbong
Dagat ng United states sa Hawaii.Ang pagtaksil na pagsalakay na ito sa
Sa Amerika ay tinatawag na “Day of Infamy”
Kasabay ng pananalakay sa Pilipinas ang pagsalakay at pagsakop ng mga
Hapones sa Thailand,British Malaya,Hongkong,Guam at Wake Islands.
Narating Hapon ang tugatog ng tagumpay sa pananakop sa Pasipiko noong
1942 at nagtatag sila ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
 Wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
-Tagumpay ng Allies sa Europe
Ang mga hukbong alyado ay lumapag at dumaong sa Normandy samantalang
Sa silangan Europe ay nilumpo ng mga Ruso ang mga hukbong Nazi at
Nasakop ang Berlin.Nagsimula sa pagkakapanalo ng Allied Powers sa
Hilagang Africa noong ika-13 ng Mayo 1945.
-Ang pagbagsak ng Germany
-Ang Tagumpay sa Pasipiko

Mga bunga ng Ikalawang digmaang Pandaigdig


 Nagdulot ng malaking pagbabago sa kasaysayan ng daigdig.
 Nagwagi ang demokrasya. Bumagsak ang pamahalaang totalitarian,
ang Nazi ni Hitler, Pasismo ni Mussolini at Imperyong Japan ni Hirohito.
 Natigil ang pagsulong nag ekonomiyang pandaigdigan dahil sa pagkawasak
ng agrikultura, industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa.
 Dahilan ito ng pagkawala ng buhay ng maraming tao at pagkasira ng ari-arian.
 Lumaya ang maraming bansa tulad ng Germany, China Pilipinas,
Indonesia, Malaya, Burma, Ceylon, Pakistan, at iba apa.
 Naitatag ang United Nations upang panaglagaan ang
pandaigdiagng kapayapaan at kalayaan ng mga bansa
Gawain 2: Punan Mo!
Panuto: Upang matiyak ang iyong pag-unawa sa mahahalagang pangyayaring
nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Punan ang worm graphic
organizer sa mga naging sanhi ng pagsisimula sa Ikalawang digmaang
Pandaigdig.

Sanhi ng Pagsisimula ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig
Gawain 3: Ayusin Natin!
PANUTO: Iayos batay sa pagkakasunod- sunod ang pangyayaring naganap sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Gumamit ng mga letra sa alpabeto.

1. Inagaw ng Japan ang lungsod ng Manchuria


2. Sinakop ng Italya ang Ethiopia
3. Digmaang sibil sa Espanya
4. Ang Germany naman ay tumiwalag sa Liga
5. Hinikayat ni Hitler ang mga Alemans.
6. Narating Hapon ang tugatog ng tagumpay sa pananakop sa Pasipiko
7. Nagsimula sa pagkakapanalo ng Allied Powers sa Hilagang Africa.
8. Naitatag ang United Nations upang panaglagaan ang pandaigdiagng
kapayapaan at kalayaan ng mga bansa
9. Sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia
10. Ang Japan ay sumalakay sa Pilipinas.

Gawain 4: Ano sa Tingin Mo?

Panuto : Disscusion Web . Ibigay ang iyong opinyon sa katanungan na nasa loob ng kahon.

Oo, Bakit? Hindi, Bakit


Nakakabuti ba o hindi
ang mga pangyayari o
kaguluhan sa ating
Pamayanan at sa
Bansa?
V. Panapos na Gawain: Reflection Journal

Ang mga larawan ay nagpapakita ng epekto ng Ikalawang digmaang Pandaigdig.


Kung ikaw ay naninirahan sa mga lugar na ito,ano ang iyong maramdaman?
Gumawa ng reflection journal at ibahagi ang iyong damdamin.
Mga Sanggunian:

Mga Larawang ginamit:

https://www.pinterest.ph/pin/621285711082927557/
https://www.google.com/search?q=paper%20clipart&tbm=isch&rlz
https://www.google.com/search?q=mga+larawan+sa+ikalawang+digmaang+pandaigdig
https://www.google.com/search?q=caterpillar+graphic+organizer&rlzyM

Mga babasahin::

Philippine cultural education.com.ph


Kasaysayan ng Daigdig unang Edisyon,2013 ISBN:978-971-9990-74-1
Rosemarie C.Blando,Michael m. Mercado,Mark Alvin Cruz,Angelo Espiritu,
Edna L.De Jesus,Asher h. Pasco,Rowel Padernal,Yorina Manalo,Kaleena Lorene S.Asis
Slideshare.share/eliasjoy/ikalawangdigmaang pandaigdig85365964
Tl.wikipedia.org./wiki/ikalawang digmaang pandaigdi
Gawain 5: GAWAIN 4:
Maaaring iba-iba ang sagot ng Maaaring iba-iba ang sagot ng
mga mag-aaral ngunit bibigyan sila mga mag-aaral ngunit bibigyan sila
ng kaukulang puntos na naaayon ng kaukulang puntos na naaayon
sumusunod na batayan: sumusunod na batayan:
Kaangkupan ng sagot---2 Kaangkupan ng sagot---2
Organisayon ng ideya---2 Organisayon ng ideya---2
Kahusayan ng paggamit ng wika— Kahusayan ng paggamit ng wika—
1 1
Kabuuan---------5 puntos Kabuuan---------5 puntos
Gawain 2:
1. Pag-agaw ng Japan
sa Manchuria
2. • Pag-alis ng
Germany sa Liga ng
mga bansa
3. • Pagsakop ng Italy sa
Gawain3: Ethiopia
4. • Digmaang Sibil sa
1. A
2.C Spain
3.D 5. • Pagsasanib ng
4.B
5.E Austria at Germany
6.G (Anschuluss)
7.I 6. • Paglusob sa
8.J
9.F Czechoslovakia
10.H 7. • Paglusob ng
Germany sa Poland
Susi sa Pagwawasto

You might also like