Ang dokumento ay naglalarawan ng iba't ibang teoryang pampanitikan tulad ng Imahismo, Romantesismo, Humanismo, Klasismo, Realismo, Formalismo, Naturalismo, Dekonstruksyon, Eksistensyalismo at iba pa. Binibigyang diin ng bawat teorya ang iba't ibang aspeto ng panitikan gaya ng anyo, damdamin, kritikal na pag-unawa, atbp.
Ang dokumento ay naglalarawan ng iba't ibang teoryang pampanitikan tulad ng Imahismo, Romantesismo, Humanismo, Klasismo, Realismo, Formalismo, Naturalismo, Dekonstruksyon, Eksistensyalismo at iba pa. Binibigyang diin ng bawat teorya ang iba't ibang aspeto ng panitikan gaya ng anyo, damdamin, kritikal na pag-unawa, atbp.
Ang dokumento ay naglalarawan ng iba't ibang teoryang pampanitikan tulad ng Imahismo, Romantesismo, Humanismo, Klasismo, Realismo, Formalismo, Naturalismo, Dekonstruksyon, Eksistensyalismo at iba pa. Binibigyang diin ng bawat teorya ang iba't ibang aspeto ng panitikan gaya ng anyo, damdamin, kritikal na pag-unawa, atbp.
Ang dokumento ay naglalarawan ng iba't ibang teoryang pampanitikan tulad ng Imahismo, Romantesismo, Humanismo, Klasismo, Realismo, Formalismo, Naturalismo, Dekonstruksyon, Eksistensyalismo at iba pa. Binibigyang diin ng bawat teorya ang iba't ibang aspeto ng panitikan gaya ng anyo, damdamin, kritikal na pag-unawa, atbp.
Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3
MGA TEORYANG PAMPANITIKAN
Imahismo (Imagery) Ang malikhaing panitikan ay may layuning maghatid ng
kaalaman, tuminag, humimok at humikayat sa mga mambabasa. Gumagamit ito ng larawang diwa at mgasagisag, nagpapasidhi ng mga damdaming bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay gaya ng pag-ibig, paghihiganti, pagpapatawad atbp. Sa panitikang malikhain ay binibigyan tayo ng isang pangitaing lalong dakila, dagdag na karunungan at ginigising tayo sa laong malalim na pag-iisip. Romantesismo Sentimentalismo at ideyalismo ang pinaiiral. Pinahahalagahan ang damdamin kaysa sa mga ideyang siyentipiko. Ipinababatid ng tao ang katotohanan, kabutihan at kagandahan. Narito ang ilang katangian ng akdang romantiko; a.) ang pagiging subhektibo ng manunulat o indibidwalismo sa estilo. b.) Matindi ang paniniwala sa Diyos. c.) Ang pag-ibig sa kalikasan na pagkakilanlan ng Maykapal, ang taong malapit sa Diyos ay malapit sa kalikasan. Humanismo Naniniwala ang teoryang ito na ang Diyos sy mabuti kaya ang taong nilikha nito ay mabuti rin. Nagpapahalaga ang teoryang ito sa kalikasan ng tao at ng kanyang pagtataglay ng kwalidad. Nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao na siyang sentro ng daidig, ang sukatan ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran. Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin ang nagiging pangunahing paksa dito. Pinahahalagan ang kalayaan at isipan ang ganap na kakayahan ng mga tao at kalikasan. Klasismo Paggamit ng estilo o aestetikong prisipyo ng mga Griyego ao Romanong klasikong sining at literatura. Ipinapakita ang sangkap na intelektwal at senswal na sining. Nangingibabaw ang matuwid o katwiran. Matipid ito sa paggamit ng mga salita kaya sa pagpapahayag ng damdamin ay maingat sapagkat pinaniniwalaan na hindi marangal ang labis na pagkaemosyunal. Sa pananaw at panlasang aristokratiko ng klasismo, ipinapalayag na ang tanyag at dakilang mga pangyayaring pangkasaysayan na kinasasangkutan ng mga bayani at bantog na tauhan lamang ang nararapat na paksain ng literatura. Realismo Mas maganda ang katotohanan kaysa kagadahan. Hangad nito ang makatotohanang paglalahad at paglalarawan. Pinatutunayan ng teoryang ito na ang pagbabago ay walang hangganan. Optimisko ang pananalig na ang tao ay lalaya sa pagkalugmok sa mga suliranin. Pormalistiko/ Formalismo Ito ay naayon sa porma o kaanyuan ng isang akda na may kasiningan. Ang porma ay kadalasang binubuo ng imahe, sukat, tugma atbp. Dapat magkaugnay ang mga elemento ng isang akda upang ito
ay maging mahusay. Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman,
kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkasulat ng akda. Naturalismo Masinop na paghanap ng kaugnayan ng kapaligiran sa kasiningan ng akda. Binibigyang pansin sa teoryang ito ang mga saloobin, damdamin, kilos at gawi ng karalitaan.Nilalayon ding alamin ng teoryang ito ang mahahalagang detalye na may kinalaman sa siklo ng pangyayari sa karakter, ang pakikipagsapalaran upang mabuhay at ang kaugnayan ng kapaligiran sa pakikipagsapalaran. Dekonstruksyon Pagpapakita ng maraming layer ng kahulugan. Realidad o Pilosopiya ang pinaguukulan ng pansin. Isang tinitingnan ay ang lumulutang na kamalayan sa loob ng isang akda. Ito dapat ang maging gabay. Ang kamalayan ng sumulat ay iba sa kamalayan ng mga mambabasa sapagkat habang sinusulat ang teksto ang kamalayan nito ay nasa manunulat, ngunit kapag nasa kamay ng ng mambabasa ang akda, ang kahulugan nito ay nasa kanila na. Ang pinakamahalagang punto ay ang pagkakaroon ng teorya ng realidad ngunit may sinusunod na pagsusuri. Ang pananaw mo ay iba sa pananaw ng iba. Ang mga salita ay may ibat-ibanglayer ng kahulugan. Eksistensyalismo Malaya ang tao, walang maaring umako sa buhay ng may buhay, wala siyang kinalaman sa kanyang pagkasilang. Nasa tao ang desisyon kung papaano nya gugugulin ang kanyang buhay, indibidwal ang tao, lahat ay magkakaiba.Walang makakapagsabi kung ano ang tama o mali. Walang ibang kasangkot sa buhay niya kundi ang kanyang sarili. Ang pinakakaibang katangian ng sangkatauhan ay ang kakayahan nitong pumili. Bayograpikal Ang isang akda ay sinusuri bilang repleksyon ng buhay ng mayakda. Ang pag-aaral ng talambuhay ng may-akda ay nakakapagpadali sa pag-unawa sa kanyang akda. Feminismo Sa pananaw na ito ang mga manunulat na babae o panig sa mga babae at ang kakayahan ng mga babae bilang tao ang binibigyang pansin. Markismo Sa pagdulog na ito ay mahalagang bigyang pansin ang mga bahaging nagpapakita ng paglalaban ng malakas at mahina, gayundin ang kung papaano nagapi ng mahina ang malakas. Sosyolohismo Pagsusuri ng akda batay sa kalagayang panlipunan at mga katauhang nagingibabaw sa isang lipunan. Sa paggamit ng teoryang ito ay nararapat na suriin ang akda batay sa lipunang pinagmulan nito at hindi sa lipunan ng sumusuri sa akda. Arketaypal Nangangailangan ng masusing pag-aaral sa isang akda sapagkat isinasa-alang-alang dito ang pagbibigay kahulugan sa mga simbolismo ng akda. Ang pananaw na ito ay pagtingin sa panitikan na nakasalig ng malaki
sa buong kultura, kaalamang sikolohikal, kasaysayan, antropolohiya, moral
at pilosopiya. Sikolohismo naginging mabisa kapag ang isang tauhan ay nakikipagtunggali sa kanyang sarili. Tinitingnan dito kung ang aksyon ng tauhan ay itinutulak ng kanyang natatagong kamalayan(Subconscious mind) Queer Kung may feminismo na nagbibigay pansin sa kababaihan, ang teoryang ito naman ay nagbibigay pansin sa homosekswalidad. Historikal Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Kultural Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi. Moralistiko Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang ibat ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.