TEORYA
TEORYA
TEORYA
Ang lupa ay sanhi ng problema sa panahon natin ngayon.Ang ating magsasaka ay walang sariling lupa at kung mayroon man ay kinakamkam ito ng mga sakim na may-ari ng lupa. Makikitang hawig ito sa karanasan ni Lino.
Sa buhay, hindi maaaring sumuko basta-basta na lamang. Kinakailangang harapin ang mga problema dahil hinding-hindi naman ito matatakasan. Pinapakita ni Benigno ang posibilidad ng pagkasilaw sa kapangyarihan at dito nagmumula ang kasakiman. Simbolo si Lino ng mga taong lumalaban upang makamit ang katarungan at pagrespeto sa mga karapatan. Sa teoryang Realismo, higit na mahalga and katotohanan kaysa kagandahan. Hangad ng Realismo and makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, tao at lipunanat alin pa mang pwedeng mapatunyan sa pamamagitan ng pag-iisip ng tao. Higit na binibigyan pansin ng Realismo ang paraan ng paglalarawan at hindi ang uri ng paksa ng isang akda. Kahit ang paksa ay buhay ng mababa o pangkaraniwang tao at hindi mayamang tao, tanggap pa rin ito sa panitikan. Ang tunay na mahalaga ay ang pagiging obhetibo ng awtor. Para sa mga realista, walang tigil and pagbabago. Ang tauhan ng isang akda ay dapat maipakitang nagbabago nang walang tigil, kung hindi man sa kanyang psikal na anyo, ay sa kanyang sikolohikal, intelektwal, ispiritwal, o emosyonal na katauhan. Ang kalikasan at ang ugnayan ng mga tao sa isat isa ay mahahalagang salik sa pagbabago at pag-unlad ng mga tao mismo. Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay. Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.
TEORYANG eksistensyalismo
Ang Teoryang ito ay nababatay sa Kilos, Gawi, Paninindigan, at Paniniwala ng mga tauhang nakapaloob sa Akda. Pinapakita rin dito ang Istilong ginamit ng manunulat o may akda pati na rin ang pagpapakita ng Malayang Kaisipan. Ang teoryang eksistensyalismo ay hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran at Sinusuri ang tauhan batay sa kanyang kilos,paniniwala,paninindigan na ang tao lamang ang tanging may kakayahanng magdesisyon sa kanyang sariling buhay. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
TEORYANG romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang ibat ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
8. Kayang abutin ng tao ang kabutihan ng Diyos ngunit ang kabutihan Niya ay kilangang maranasan sa tulong ng kalikasan. 9. Maaaring magtaglay ng konsepto ng eskapismo (pinapatakas tayo sa realidad)
TEORYANG HUMANISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
Ang teoryang Humanismo ay isang pag-aaral sa pananaw ukol sa paniniwala at/o prinsipyong tao. Ito ay isang terminolohiyang kadalasang ginagamit kung naglalarawan ng isang kwento, nobela, etc., kung itatanong kung anong uri nito depende sa tema. Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran." Ninanais ng tao na sa kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan. Ang teoryang Humanismo ay isang pag-aaral sa pananaw ukol sa paniniwala at/o prinsipyong tao. Ito ay isang terminolohiyang kadalasang ginagamit kung naglalarawan ng isang kwento, nobela, etc., kung itatanong kung anong uri nito depende sa tema.
Maaaring ang kahulugan nito ay isang makasaysayang kilusan na naganap noong Renaissance o Panahon ng Pagkamulat
TEORYANG NATURALISMO
Ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito.Ipinakikita rin ang epekto ng kapangitan ng kalagayan sa mga tauhan nito.Ito'y isa sa mga namamayagpag sa Kasalukuyan. Binibigyang-diin sa teoryang ito,ang namana at pisikal na katangiang likas ng tao kaysa katangiang moral o rasyunal. Sinusuri ang panitikan sa naturalismo sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga natural na pangyayari, reaksyon na natural na nagaganap dahil sa ito ay likas na nangyayari.
Ang teoryang Naturalismo ay nagtataglay ng mga pinasidhing katangian ng teoryang Realismo. Sa teoryang Naturalismo, itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalaban-labang mga tao. Mas detalyado ang paglalarawan ng mga kasuklam-suklam na pangyayari sa buhay ng tao. Tinitignan ang tao na parang hayop na pinageeksperementuhan sa isang laboratoryo. Natural sa teoryang ito ang pagkakahati ng lipunan: mayaman at mahirap, babae at lalaki, mabait at masama. Nalaman ko sa teoryang ito ay katulad ng teoryang realismo kasu ngalang ito ay pinasidhi at kasuklam suklam ang mga pangyayari sa buhay ng tao.
TEORYANG sosyolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin. Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran. Sa pananaw na itoy mahalagang mabatid ang kapaligirang sosyolohikal ng akda. Pananaw Sosyolohikal
1) Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na matibay na kapit sa ugnayang namamatitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o umiiral na suliraning panlipunan. 2) Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin ang naging pangunahing paksa rito.
3)Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na kagalingan ng henyo, at mga natatanging talino at kakayahan ng tao at kalikasan.