Mga Ibong Mandaragit
Mga Ibong Mandaragit
Mga Ibong Mandaragit
Hernandez
Amando V. Hernandez (NOBELA)
Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya,
sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni
Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay
ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa
tunay niyang pagkatao. Siya ay nagpabalatkayong si Mando Plaridel.
Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don
Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly
nang ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga.
Napaibig ni Mando si Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika,
umuwi si Mando sa Maynila.
Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga
magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata
Pastor.
Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pagibig sa Mando. Sa wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si
Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri nasiya si
Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni
Puri.